"Leenox..." Bagot kong tawag sa pangalan niya.
Nandito kami sa library, vacant time namin kaya napagdesisyunan na naming magreview. Nakasubsob siya sa libro at nag-angat siya ng tingin sa'kin. Ang natural na mapungay niyang mga mata ay tumingin sa'kin.
"Bakit ba ako pumayag sa quiz bee na 'yan?" Puno ng pagsisisi kong tanong sa kanya.
Bumuntong-hininga siya at nagkibit-balikat sa'kin. "Malay ko sa'yo."
"Nagsisisi na ako! Sana pala humindi na lang ako." Maktol ko.
"Shhh.." tinapat niya ang hintuturo sa labi. "Nasa library tayo. Bawal ang maingay dito."
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Kasama naman kita ah? Hindi ako, I mean, hindi tayo mapapagalitan dahil Zamora ka." Sagot ko.
Humawak siya sa kanyang dibdib at umaktong nasasaktan. "Ouch! Ginagamit mo lang pala ako."
Hindi ko pinansin ang pagdadrama niya. "May nareview ka na ba?" Sa halip ay tanong ko sa kanya.
Nilabas niya ang kanyang cellphone. Umiling siya sa'kin bilang sagot. Ilang segundo akong nakatitig sa maamo niyang mukha. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang ngumisi siya. Bumaba ang tingin ko sa cellphone niya. May kausap na naman siguro itong babae.
"Kausap mo na naman ang babae mo?" Puna ko.
Nag-angat siya ng tingin sa'kin. Itinaob niya ang cellphone sa table. "Anong babae ko na naman?" Balik niyang tanong sa'kin.
"'Yung kasama mo kahapon?" Sagot ko at pinutol ang tingin. Nilipat-lipat ko ang ilang pahina ng librong hawak para may pagkaabalahan.
He cleared his throat. "Kahapon? Parang wala naman akong babae kahapon bukod sa'yo."
I sarcastically laughed at him. "Tinawagan kita kahapon para sana tanungin kung na-send na ba ni Ma'am Franco ang topics sa'yo. Tapos, may babae na sumagot sa phone mo."
Mukhang nakuha na niya ang sinabi ko. "Ahh, si Rose lang 'yon." Nakangisi niyang wika.
Hindi na lang ako umimik at pinilit ang sarili na magreview. Sino ba ang Rose na 'yon? I bet mukha siyang damo at hindi bulaklak.
Halos walang pumapasok sa utak ko.
Hindi ko alam kung bakit lutang na lutang ako ngayon. Kulang yata ako sa tulog. Humikab ako at akmang isusubsob ang mukha sa libro nang biglang tumayo si Leenox dahilan para gumawa ng ingay ang silyang kinauupuan niya.
"Problema mo?" Iritang tanong ko sa kanya.
Tinago niya sa bulsa ang cellphone. Iniligpit niya ang libro. "Napaaway si Nicole. Papunta na sa guidance si Akeem." Naiiling na wika niya.
Iniligpit ko na rin ang gamit ko at sabay kaming lumabas sa library. "Bakit daw napaaway?" Tanong ko.
I mean, nagulat ako nang sabihin niyang si Nicole ang napaaway. Expected ko kasi si Sophie dahil mas maldita itong tingnan kaysa kay Nicole. Saka sa paraan ng pagsasalita ni Nicole, para lang siyang normal na babaeng mahinhin.
"Hindi ko alam. Kung sino man ang nakaaway no'n paniguradong iyon ang may kasalanan. Hindi basta-basta pumapatol si Nicole. Pareho lang sila ng kuya niyang si Akeem. Mabait pero h'wag mo lang gagalitin." Naiiling niyang sagot.
Dumiretso kami sa guidance office ng mga high school students. Nandoon na sila Desmond. Nakaupo sa sofa si Sophie katabi ni Nicole habang nakadikwatro pa at taas-noong nakatingin sa isang babaeng hindi ko kilala at wala akong oras para kilalanin siya. Nakahalukipkip si Desmond habang magkasalubong ang kilay.
Bakas ang pamumutla nang babae. Kaharap mo ba naman ang magpipinsang Zamora, hindi ka mamutla. I bet siya ang may kasalanan kasi hindi naman siya aakto ng ganyan kung siya ang biktima rito. Gumilid si Leenox nang dumating si Akeem.
Akeem with his man bun style. Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla akong akbayan ni Leenox. Nilingon ko siya at pinagtaasan ng kilay. Bahagya siyang yumuko para pumantay sa'kin.
"Let's go." He whispered on my ear.
“Ha? Hindi mo man lang ba aalamin kung bakit mapaaway si Nicole? 'Di ba kaya nga tayo nandito?”
“Sasabihin naman sa’kin ni Akeem ang nangyari pagkatapos nito. Hayaan na lang muna natin sila. Baka mas lalo lang magkagulo kung lahat kaming magpipinsan ay nandito.”
Tumango ako at sabay kaming lumabas. Nang nasa labas na kami saka ko lang napagtanto na nakaakbay pa rin siya sa'kin. Inalis ko 'yung kamay niya sa balikat ko.
"Chansing ka na!" Sita ko sa kanya.
"Akbay lang naman. Damot." Reklamo niya.
"Boyfriend kita? Boyfriend?" Sarkastikong tanong ko sa kanya.
He stopped when he heard what I said. Huminto rin ako. My eyes darted on him. "Hindi mo ako boyfriend kasi asawa mo ako."
"Wala akong maalala na ikinasal ako sa'yo, Leenox." I answered.
Humalukipkip siya at umaktong nag-iisip. "Sa naaalala ko, ikaw pa ang nagsabing asawa kita." Ngumisi siya sa'kin.
Naiiling akong lumapit sa kanya at hinila siya. "Kailangan nating magreview. Sayang ang oras, gusto kong umuwi ng maaga." Sabi ko.
Nagpatianod naman siya. My lips stretched for a secret smile. Para akong may kasamang bata kapag kasama ko si Leenox. Batang kayang bumihag ng isang dosenang babae sa isang ngiti lang. Huminto siya nang tumapat kami sa cafeteria.
"Bili muna tayo ng pagkain." Aya niya.
"Bawal ang pagkain sa library." Paalala ko sa kanya.
Tinahak namin ang daan patungo sa cafeteria. "Akala ko ba wala kang pakialam do'n dahil kasama mo naman ako?"
Nagkibit-balikat ako. "Baka sabihin mo ginamit lang kita."
"Bakit? Hindi ba?" Pagbibiro niya.
"Ah gusto mo? Gusto mo ba?" Paghahamon ko sa kanya.
Umiling na lang siya at ngumisi sa'kin. As we entered the cafeteria, Leenox already catched everyone's attention. Some of them almost died seeing his handsome face. Gusto kong tumawa dahil kita ko rin sa mga mata nila ang inggit sa'kin lalo't kasama ko si Leenox.
Umupo muna ako sa isang couch na provided lang para sa magpipinsan. Naglagay pa sila ng table na para lang sa magpipinsan samantalang sa Amoraz naman kumakain ang mga ito. Nagvibrate ang cellphone ko. Nilabas ko ang phone ko mula sa bulsa at tiningnan kung sino ang nagmessage.
Unknown:
Zetha, are you free tonight?
My brows raised as I read the text message.
Ako:
Hi! Do I know you?
Unknown:
As I expected, you already deleted my number. Lucas Morioña.
Si Lucas pala. Well, wala naman akong gagawin mamaya. Why not 'di ba?
Ako:
Oh! Of course. I'm always free. See you tonight.
Unknown:
Alright! Amoraz?
Ako:
Amoraz.
Mabilis kong binalik sa bulsa ko ang phone ko nang matanaw kong naglalakad na papalapit sa'kin si Leenox. Umupo siya at inilapag sa table ang dala-dala niyang snacks.
"Banana milk?" Natatawang kong wika.
"Have a problem with that?" Seryoso niyang tanong sa'kin.
"Ba't ang seryoso mo?" Hindi ko pa rin mapigil ang paghagikhik ko.
"Kasi pinagtatawanan mo ang banana milk ko." He pouted like a kid.
Jusko day! Nabeberde ako sa banana milk na 'yan. Mahabaging Emre! Nawa'y tulungan mo akong mag-isip ng matino. Nakakaberde ang banana milk na 'yan!
"Para kang bata! May side ka palang ganyan." Komento ko.
"Bakit? Anong akala mo? Anong side ang nakikita mo?" Humigop siya sa kanyang 'banana milk'. Kinuha ko ang isang chichirya at binuksan iyon.
"Playboy side?" I answered, not even sure.
He moved a bit and pursed his lips. "Talaga?"
Napakaperpekto ng kanyang mukha. Siya 'yong tipong kapag nginitian ka, malalaglag na ang lahat ng suot mong damit. He can make you fall in love with him using his childish side. He can make you crazy like a fool using his playboy side. Unti-unti ko nang nakikita ang dahilan kung bakit maraming babae ang baliw na baliw sa kanya.
"Baka malusaw ako, Zetha." He commented.
"Bakit ka malulusaw? Yelo ka ba?" Pambabara ko. Tumayo siya at lumipat sa tabi ko. "Bakit tumabi ka sa'kin?"
"H'wag na tayong bumalik na library." His demanding voice sounds like a music to my ears. What the hell?! Anong nangyayari sa'kin?
Nanigas ako sa kinauupuan ko nang isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Pumikit siya habang sumisimsim pa rin ng banana milk. Pinitik ko ang noo niya dahilan para dumilat siya.
"Umayos ka nga." Utos ko sa kanya.
Ngumisi siya. Hinamas niya ang noo at umiling. Muli siyang pumikit. Huminga ako ng malalim. He's kinda cute but literally annoying when he's acting like this! Mas gusto ko pa ang playboy side niya dahil kaya ko iyong sabayan pero itong childish side niya? I'm not ready for this, Leenox!
Wala sa sarili akong napatingin sa pinto ng cafeteria. Mabilis kong itinulak si Leenox nang matanaw ko si Alexa. Inilibot niya ang tingin at ngumiti siya nang makita kami.
"Aray!" Rinig kong daing ni Leenox.
Hindi ko siya pinansin. Naglakad papalapit sa'min si Alexa, kasunod niya si Patrice. Kusang gumilid ang isang grupo ng estudyante na makakasalubong nila. Umupo sila kasama namin.
"Nakakatampo ka na, Zetha. Mas madalas mo nang kasama si Leenox kaysa sa'min. Pinagpapalit mo na kami." Madramang wika ni Alexa.
"Ikaw lang ang nagtatampo." Sabat ni Patrice.
Nilingon siya ni Alexa at sinamaan ng tingin. "Hindi ka man lang sumakay."
"Bakit? Sasakyan ka ba?" Pambabara ni Patrice.
Kukunin sana ni Alexa ang isang banana milk nang tampalin ko ang kamay niya. "H'wag 'yan. Sa baby 'yan." Saway ko sa kanya.
"May anak ka na!?" Sabat ni Patrice.
"Sa'kin 'yan." Natigilan si Patrice nang magsalita si Leenox.
Binaba ni Leenox sa table ang walang laman na lalagyan ng banana milk at kinuha ang isang banana milk na sana'y kukunin ni Alexa.
"Sabi sa inyo, sa baby 'yan." Sabi ko.
"Baby mo ko?" Nakangising sabat na naman ni Leenox.
"Sabi ko 'sa baby' hindi 'sa baby ko'." Pagtatama ko sa kanya.
"Hoy! Baka magulat kami, kayo na pala!" Alexa hysterically said.
"At baka magulat kami, kayo na pala ni Akeem." Bawi ni Leenox.
Alexa scoffed. "That's not even possible. Masyadong mabait ang pinsan mo para sa'kin, Leenox."
Ngumisi si Leenox. "Walang Zamora'ng mabait. Lahat tayo ay may tinatagong demonyo."
"At kayong magpipinsang lalaki, pare-parehas na mga gago. At saka h'wag mo ngang binabanggit ang salitang demonyo dahil naiirita ako." Dagdag ni Patrice.
"Wala ring Zamora'ng gago puro gwapo lang." Pambabara ni Leenox.
"Nga pala, mare! Tinanong ni Lucas 'yung number mo kaya binigay ko. Pansin ko kasi wala kang boylet ngayon." Excited na wika ni Alexa.
"Gago! Nagtext nga sa'kin, dinner daw kami." Sabi ko. Ramdam ko ang paninitig ni Leenox sa'kin. Pilit ko iyong binalewala kahit na naghuhurumentado na ang loob ko.
"Pumayag ka naman?" Tanong ni Patrice.
"Syempre! Wala naman akong gagawin mamaya." Nakangiting sagot ko.
"Meron." Sabat ni Leenox gamit ang kanyang seryosong boses.
"Anong meron?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. "Bakit hindi ako aware na hindi pala ako pwede mamaya?"
"Magrereview tayo." His voice become more serious. He sounds ike ordering me.
"Tapos na tayong magreview kanina sa library. Ikaw, kung gusto mong magreview, edi magreview ka." Sagot ko.
"Makikipagdate ka sa Lucas na 'yon?" And then, his voice suddenly change into a cold one.
How the hell he manage to change his aura in just a matter of second? He's really a Zamora. Damn.
I tried to maintain my smile even though my heart is now pounding so fast. "Wala namang masama 'di ba? Ikaw? Hindi ka ba makikipagdate sa Rose mo?"
"Rose is just nothing but a past time to me." He answered.
"And Lucas is also nothing but a past to me." Panggagaya ko sa kanya.
"Alam niyo? Para kayong magjowang nag-aaway dahil sa selos." Natatawang sabat ni Patrice.
Time passed like a blur. Isinukbit ko ang isang strap ng bag ko sa balikat. Natigil ako sa paglalakad nang maalalang hindi ko nga pala dala ang kotse ko ngayon. Inihatid lang kasi ako ni Daddy kanina. Tatawagan ko sana si Alexa nang matanaw ko si Leenox na naglalakad sa corridor.
"Leenox!" Hinabol ko siya. Mabuti na lang at narinig niya ang tawag ko kaya huminto siya sa paglalakad.
Napahawak ako sa braso niya nang maabutan ko siya. Hinawi niya ang kanyang buhok dahil natatakpan nito ang kanyang mga mata.
"Hatid mo nga ako sa'min. Hindi ko dala ang kotse ko." Sabi ko.
Tinapunan niya ako ng tingin. "Bakit hindi ka magpasundo sa Lucas mo?" Sarkastiko niyang tanong.
"Mamaya pa naman kami magkikita." Sagot ko. "Hatid mo na ako."
"Iba ang daan ko. Susunduin ko si Rose." Wika niya.
"Oh. Okay." Nginitian ko siya at umalis na.
Tinext ko si Alexa.
Ako:
Hoy! Babae! Ihatid mo ko sa'min. Di ko dala ang kotse ko.
Ilang minuto pa ang hinintay ko bago siya nagreply.
Alexa:
Gaga! Nakauwi na ako.
Ako:
Si Patrice?
Alexa:
Sabay lang kami. Dapat kasi sinabi mo agad!
Hindi na ako nagreply. Naririnig ko ang boses niya. Sa main gate na ako dumiretso dahil nandoon ang madalas dumadaan ang taxi. Pumunta ako sa waiting shed. Ilang minuto pa lang akong nakatayo nang matanaw ko ang pamilyar na kotse ni Leenox.
Binaba niya ang bintana ng sasakyan. 'Get in' he mouthed to me. Nakangisi akong sumakay sa kotse niya.
"Akala ko ba susunduin mo 'yung Rose mo?" Pang-aasar ko sa kanya.
Nakapangalumbaba siyang nagdrive. Halatang tamad na tamad sa buhay. He's freaking hot driving with only one hand. Huminga ako ng malalim. Nagsisimula na akong mairita dahil parang nakikipag-usap ako sa hangin.
"Siguro in-indian ka ni Rose?" Pang-aasar ko.
"Walang Rose dahil wala akong ganang makipagkita sa kanya."
"Oww. Bakit? Pinagsawaan mo na?" Natatawa kong tanong.
He cursed harshly as his jaw tightened. He stopped the car somewhere and turned his gaze to me. Leenox' dark expression shocked me. What's wrong with him? Below the belt na ba ako? Bakit? Mali ba?
"What do you mean 'pinagsawaan'? Iyon ba ang tingin mo sa'kin?" He chuckled with no humor.
"Nagbibiro lang naman ako..." I said trailing while I'm looking for some answer.
Umiling na lang siya at muling pinaandar ang kotse. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko kayang makitang galit si Leenox. There's something on him that I can't explain. That I don't know how to explain.
Huminto ang kotse niya sa tapat ng bahay namin. Kinalas ko ang seatbelt pero hindi muna agad ako bumaba. Humarap ako sa kanya.
"Galit ka ba talaga? Sorry na. Nagbibiro lang naman talaga ako kanina." Mahinahong wika ko.
Umiling siya at ngumiti. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong bumalik ang nakasanayang kong ngiti.
"Sorry sa inasal ko. I mean..."
"Ako nga dapat ang nagsosorry. Masyado akong insensitive." Sabi ko.
"Saan kayo magdidinner ni Lucas?" He suddenly asked.
"Sa Amoraz." Sagot ko.
Dahan-dahan siyang tumango. I smiled at him before I go. Hinintay ko munang makaalis ang kotse bago ako pumasok sa loob ng bahay.
I'm wearing mom jeans pairing with a white cardigan top and white sneakers. Wala akong planong magpakababae ngayon. Kinuha ko ang shoulder bag ko. Simple dinner lang naman kaya hindi ko na kailangan masyadong mag-ayos.I mean, maganda na ako tapos kapag nag-ayos pa ako, lalo akong gaganda. Baka hindi na makakain ang mga tao sa Amoraz at tumitig na lang sa kagandahan ko. Syempre, concern lang naman ako sa kanila. Sayang ang in-order nilang pagkain kung hindi naman sila makakakain ng mabuti dahil mas pipiliin nilang titigan ang kagandahan ko.Bago umalis ay pumunta ako sa kusina. Naabutan ko si Mommy na nagluluto. "Mommy, sa Amoraz ako magdidinner.""Sino ang kasama mo?" Tanong ni Daddy mula sa salas. Lakas ng pandinig."A friend." I simply said."Umuwi ka bago mag-alas dies." Bilin ni Mommy.
Nandito kami ngayon sa library. Walang masyadong estudyante dahil oras pa ng klase. I was busy reading my book when Alexa suddenly catched my attention. She's pointing her index finger to the other table. Nilingon ko kung ano ito o kung sino nga ito. It's Leenox. Kasama ang isang babae.Payat at maputi ang babae. Matangos ang ilong at singkit ang mga mata. Mahaba at straight ang buhok nito hindi katulad nang sa'kin na hanggang beywang at maalon."May bago na naman palang nabiktima si Leenox." Bulong ni Alexa."Hindi ka na nasanay." Sabi ko."Ikaw? Kumusta kayo ni Lucas?" She asked."Wala. Hindi uso sa'kin ang comeback, Alexa. Gusto nga niyang maging girlfriend ako kaso ayoko." Nakangisi kong kwento sa kanya.
Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog kagabi pero ang alam ko ay kulang na kulang talaga ako sa tulog ngayon. Pagharap ko sa salamin ay napangiwi ako nang makitang halatang-halata ang eye bugs ko. Mabuti na lang at may concealer ako. Tinawagan ko si Alexa para magpasundo sa'min.Maagang umalis sila Mommy at dahil nga tanghali na ako nagising, hindi na ako nakasabay sa kanila. Mabilis akong lumabas ng bahay nang marinig ko ang ingay ng busina ng kotse ni Alexa."Bakit ba tanghali ka nang gumising?" Natatawang tanong niya.Humikab muna ako bago sumagot. "Si Leenox kasi—""Ano!? Pinuyat ka!? Binigay mo na ang V-card!?" She hysterically asked.I threw her a glance that unmistakably loaded with daggers. "Hayaan mo ka
It's a sunny Sunday. Pagkatapos naming magsimba ay humiwalay na ako kila Mommy. I headed for Starbucks to get some coffee and a slice of mocha cake. When I found a good spot to settle in, I took out my phone and checked in on my social media account while I sipped on my drink.Alexa's name popped out on the screen.Alexa:Hoy babae! Nasaan ka?Ako:Starbucks.Alexa:Taray! Starbucks ka pa samantalang ako 3-in-1 coffee lang.Ako:Gaga!Alexa:Kasama ko si Patrice. Pupunta kami diyan.Ako:No need na! Paalis na rin naman na ako.Alexa:Ka
Halos hindi ko na madala ang stuff toys, isama mo pa ang paper bag na hawak ko. Masyado kasing malaki ang teddy bear na binigay sa'kin ni Leenox. Hinagis ko sa mahabang sofa ang teddy bear at panda.Inilagay ko naman sa single sofa ang dalawang paper bag, na ang laman nung isa ay power bank at ang isa naman ay ang suit na pinakuha ni Mommy sa'kin."Mommy! Heto na po 'yung pinakuha niyo." Wika ko.Lumabas si Mommy mula sa kusina. Nakasuot oa siya ng apron. Halatang nagluluto siya ng hapunan. Bumaba ang tingin niya sa malaking stuff toy na nasa sofa."Binili mo?" Tanong niya.Umiling ako. "Bigay lang po." Pabagsak akong umupo sa sofa, katabi nung malaking teddy bear. Humilig ako at pumikit. 
"Pumunta ka sa Dos kagabi?" Bungad na tanong sa'kin ni Leenox nang umupo ako sa tabi niya."Oo. Bawal ba?" Pabalang kong sagot ko sa kanya."Sungit mo na naman." Nakangusong wika niya."Para ka kasing imbestigador kung magtanong." Sagot ko."May gagawin ka ba mamaya?" He asked.Umiling ako. "Wala naman yata? Bakit?""Gala tayo? Roadtrip?" He asked.Tinitingnan ko siya. Kumikislap ang kanyang mga mata habang nakikipagtitigan sa'kin. Unti-unting nawala ang inis ko. Dapat ay naiinis pa rin ako pero wala, nawala na ang inis ko. Nung magkasama sila ni Rose at nagagalit ako kahapon, ngayon ay nawala na. Bakit ang bilis lang mawala ng inis ko sa kanya?And Zetha, you need to remember that Leenox needs Rose! Siya la
"Clayton, saan tayo pupunta?" I asked.Pagabi na rin kasi. I texted Mommy na medyo late na akong makakauwi. I also informed her that I'm with my boyfriend. Legal naman kami and my parents trust him so much. Sometimes, they gonna tell me that they trust him more than they trust me. I just laughed and shrugged. Well, I also don't trust myself sometimes.While Clayton is driving, I'm here watching the beautiful city lights. I'm still unwell but I remained silent and calm. Hindi ko pinansin ang kakaibang nararamdaman ko ngayon. Huminto ang kotse niya sa isang park. Kumunot ang noo ko nang wala man lang katao-tao rito.Sabay kaming bumaba sa kotse. May kinuha pa siya sa compartment ng kotse, isang basket. Matamis niya akong nginitian. Nauna siyang maglakad sa akin. Ako naman ay tahimik lang na sumunod. I bit my lower lip to hide my smile. The wind blew so my hair danced
Pagkatapos kong kumain ay nagtungo ako sa lugar kung saan nangyari ang aksidente. Tumingala ako sa langit. Maulan at walang araw. Tila ba ilang saglit na lang ay bubuhos na ang ulan. Nagsindi ako ng kandila para kay Lira at Clayton.Nawalan ako ng contact sa pamilya nila. Nung araw na pumunta ako ng ospital para dalawin sana si Clayton, wala na sila. Umalis na at sinabi na lang sa'kin nung nurse na namatay na si Clayton.Gulong-gulo ako nung araw na 'yon. Actually, hanggang ngayon ay gulong-gulo pa rin ako. At saka, hindi ko pa rin alam ang ibig sabihin ni Clayton na nakatakas na sila ni Lira. To what? To who?Nasasaktan at nagagalit ako dahil umalis na lang sila ng walang paalam. Namatay si Clayton at hindi man lang kami nakapag-usap ng maayos. Ni hindi ko nga alam kung saan nakalibing ang katawan niya.Nawala na lan
The rain were falling so hard. Hindi ko na alintana kung basang-basa na ako sa ulan. Wala na akong pakialam kung magkasakit man ako. Ang tanging nasaisip ko na lang ay ang makaabot sa concert nila Leenox. Ang gusto ko na lang na mangyari ngayon na malaman ni Leenox na siya ang pinipili ko.I checked the time. It's already 2:30 in the afternoon. The concert were about to end. Thirty minutes. I need to reach him before 3:00. Malakas ang buhos ng ulan. Dahil sa katatakbo at malakas na buhos ng ulan ay hindi ko na napansin ang isang bato kaya naman natisod pa ako. Mabilis akong tumayo kahit medyo masakit ang tuhod ko.Naiiyak na ako dahil baka hindi na ako umabot. Patawid na sana ako nang biglang may malakas na busina ang sumakop sa sistema ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at natulos na lang sa kinatatayuan ko nang makita ko ang isang kotse na papalapit sa'kin. Rinig ko ang pags
"Miss Zetha, about sa model na kukunin natin para sa promoting ng bagong—""Ask Matthew about that. Siya ang nagha-handle no'n." Putol ko habang nakatuon pa rin ang atensyon sa laptop."P-Pero sabi po ni Sir Matthew, kayo raw po ang nagha-handle." Wika nito.Dahil sa sinabi niyang iyon ay nag-angat ako ng tingin sa kanya. "What?" Bumuntong-hininga ako at napapikit ng mariin. "Mamaya na kita kakausapin tungkol doon." I said."Miss Zetha, may meeting po kayo sa manager ng Scenario mamayang alas tres ng hapon."Padabog kong isinara ang laptop ko. "Bakit ako? Hindi ba't ikaw ang pinaghandle ko no'n?""Katatawag lang po ng manager ng Scenario at kayo po ang gusto niyang makausap.""May problema ba? I'm pretty sure
"Good morning, Ms. Zetha, I would like to inform you that Sophia Angela Zamora and Layka San Augustine is already here." Pormal na wika ni Rachel mula sa intercom. Isinama ko siya rito sa Pilipinas dahil siya lang ang pinakamagaling kong naging sekretarya sa nakalipas na mga taon."Let them in." Sagot ko.Bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa nito sila Sophie at iyong Layka. Sophie becomes more mature and sexy. Kung tutuusin ay papasa na siyang modelo. Bukid sa pagiging fashion designer ay pwedeng-pwede siyang maging isang modelo. Layka were tall and morena type of girl. Mukhang mas matangkad pa siya sa'kin pero halos pantay lang sila ng laki ni Sophie.Pormal ang mukha ni Layka habang si Sophie naman ay abot sa tenga ang ngiti. I smiled at them and motion them to sit."So, I'm Zetharine Marcelo the owner of the clothing line. Tomorrow will be the opening the branch and I would
After my both of my parents had died, Matthew was the one who took care of me including Ninang Mira. I never leave our house because I want to cherish our memories. As a happy and complete family. When my mother comforts me and gives me support. If I only knew that these things would happen, I wished I just stayed by their sides 'till the dawn. If I can only turn back the time."Zetha, gusto mo bang mag-aral sa Singapore?" My Tita asked me.Natigil ako sa pag-aayos ng gamit. Umiling ako. "Ayoko po.Saka mas mahal ang tuition sa Singapore, Tita. Hindi na kakayanin ng pera ko." Sagot ko."Pero 'di ba pumasa ka sa isang university doon? Hindi ba't iyon naman talaga ang plano mo kapag tumuntong ka ng third year college
After nang marinig ko ang sinabi ng manager ni Leenox ay hindi na ako tumuloy sa kanya. Bigla na lang din kaming nawalan ng komunikasyon. Our relationship is getting blur. Palabo na kami nang palabo. I'm asking myself, kami pa ba? Mahal pa ba niya ako? Ito na ba 'yung panahon na iiwan niya ako para sa pangarap niya? Pero kung ang pag-iwan niya sa'kin ay makabubuti sa pangarap niya, ayos lang sa'kin na iwan niya ako."Sikat na 'yung boyfriend mo ah! Siya lagi ang laman ng newsfeed ko." Komento ni Mattew habang nag-sscroll sa kanyang social media.Napatingin ako sa kanya. "Talaga?"Tumango siya. "Hindi ka ba nag-o-online?" Kunot-noong tanong niya sa'kin."Alam mo naman hindi na ako nag-so-social media." Mahinang sagot ko. Unti-unti niyan
Isang linggo. Isang linggo na ang nakakalipas simula nang mangyari ang lahat ng problema ko ngayon. Hindi ako nakatanggap ng tawag may Leenox dahil alam kong gusto niyang bigyan ako space. And also, he became busy because they will release their song this coming month. Kumalat ang balita tungkol sa nangyari sa pamilya ko. Ang daming nakikisimpatiya. I tried to smiled sweetly while looking at the mirror. I want to show to myself that I'm okay and still fighting. I'm trying my best to be positive. Pero sinong niloko ko? I'm aware that I am broken into pieces behind these smiles. I am are just pretending to be okay because I'm afraid to face the truth. Unlike the old me, I didn't apply any makeup. Inilugay ko lang ang buhok. I just wear our school uniform and lazily grabbed my bag. I grabbed my car's key and start the engine. Wala na sa'min iyong bahay namin. Tanging ito na lang kotse ko ang nat
Isang linggo. Isang linggo na ang nakakalipas simula nang mangyari ang lahat ng problema ko ngayon. Hindi ako nakatanggap ng tawag may Leenox dahil alam kong gusto niyang bigyan ako space. And also, he became busy because they will release their song this coming month.Kumalat ang balita tungkol sa nangyari sa pamilya ko. Ang daming nakikisimpatiya.I tried to smiled sweetly while looking at the mirror. I want to show to myself that I'm okay and still fighting.I'm trying my best to be positive. Pero sinong niloko ko? I'm aware that I am broken into pieces behind these smiles. I am are just pretending to be okay because I'm afraid to face the truth.Unlike the old me, I didn't apply any makeup. Inilugay ko lang ang buhok. I just wear our school uniform and lazily grabbed my bag. I grabbed my car's key and start the engine. Wala na sa'min iyong bahay namin. Tanging ito na lang kotse ko ang natira at n
Bumuhos ang malakas na ulan. Sumama ako kay Matthew sa condo niya. May tiwala naman ako sa kanya. Basang-basa ang damit ko. Inabot sa'kin ni Matthew ang bago niyang t-shirt. Nagpalit ako ng damit. Umupo ako sa dulo kama at niyakap ang tuhod ko. Muling bumalik na alaala ko sa mga nangyari kanina. Ang bilis. Bigla akong nabasag. Bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito si Matthew. Hindi ko siya tinapunan ng tingin, nanatili sa pwesto ko. Tahimik siyang lumapit sa'kin. Umupo siya sa tabi ko. "You're tired. You need to rest." He softly said. "Matthew..." Walang ibang salita ang lumabas sa bibig ko kundi ang pangalan niya. "Bukas mo na problemahin ang problema mo, Zetharine. Magpahinga ka muna. Halata namang pagod ka." Marahan nitong wika.
Alexa trying her best to hide her pain. Sa bawat hakbang namin habang naglalakad kami sa corridor ay nasasaktan ako. Tahimik lang siya. Hindi na siya 'yong kilala kong Alexa na madaldal. Maraming nagbago. Hindi ko akalaing sa isang iglap lang ay nagbago ang lahat at pakiramdam ko ay magbabago pa. There's a line between Akeem and Alexa."Alexa..." tawag ko sa kanya."Late na ako Zetharine. Mauna na ako." Sambit niya at tipid akong nginitian. Hindi na niya ako hinintay na makasagot at iniwan na niya ako.Bumuntong-hininga na lang ako at dumiretso sa klase ko. Nakaabutan ko si Leenox na nakapangalumbaba, halatang kanina pa ako hinihintay. Nang makita niya ako ay biglang sumigla ang kanyang ekspresyon. Binaba ko ang bag ko at umupo sa tabi niya."Leenox, kumusta na si Akeem?" Tanong ko sa kanya.He sighed. "Walang nagbago sa kanya kaya mas lalo akong nag-aalala." I can