“KELAN pa kayo umalis doon sa dating bahay n’yo?” tanong ng kaklase ni Luisa na si Joan.
“Matagal na, siguro mag-aanim na buwan na.”
“Kaya pala pinuntahan kita noong isang gabi sabi ng kapitbahay n’yo wala na daw kayo doon. Hindi mo man lang sinabi,” tila nagtatampo na sabi pa nito.
Ngumisi siya at malambing na niyakap ang matalik na kaibigan.
“Sorry na, akala ko kasi nasabi ko sa’yo.”
“Eh saan na kayo nakatira ngayon?”
&nb
“ANG cute naman pala ng kuwento kung paano kayo nagkakilala ni Kuya Levi. Ang buong akala ko talaga doon na kayo sa mansion unang nagkita. Ang hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi ko nahalata na nakakagustuhan na pala kayo no’n.” Natawa si Luisa. “Medyo bata ka pa kasi no’n. Hindi ka pa aware sa mga ganoon bagay.” Huminga ng malalim si Tere. “Sabagay, focus kasi ako sa pag-aaral noon.” Lumingon si Luisa sa wala pa rin malay na si Levi. “Ang ganda ng relasyon namin noon bilang magkaibigan. Sabi nga ni Nanay Elsa, masyado daw kaming inseperable. Magkasama sa lahat ng bagay, sa saya, sa lungkot at lal
MABILIS na dumaan ang panahon. Tatlong taon na ang nakalipas mula nang manirahan si Luisa at ama sa mansion ng mga Serrano. Sa lumipas din na mga taon na iyon ay mas naging malapit si Luisa at Levi sa isa’t isa. Maliban sa mga nakatira sa mansion na ang tingin sa kanila ay parang magkapatid o magpinsan na sobrang close at madalas nag-aaway. Sa mga kaibigan, maging sa ibang tao, madalas ay napagkakamalan sila na may relasyon. “Ano? Wala pa ba ‘yong sundo mo?” tanong sa kanya ni Joan. Uwian na nila sa mga oras na iyon at nangako si Levi sa kanya na susunduin siya nito. “Wala pa nga eh.” “Himala, na-late
“OH, tapos ka ng kumain?” tanong sa kanya ng ama matapos tumayo. “Yes dad,” sagot ni Levi. “Baka naman umalis ka na naman kasama ng mga kaibigan mo, gabi na.” “Hindi po, dito lang ako sa likod, puntahan ko si Luisa,” kaswal na sagot niya. Bumuntong-hininga si Don Ernesto at napailing. “Tayo nga Levi eh mag-usap ng masinsinan,” sabi pa nito kaya napabalik sa upuan ang binata. “Nahahalata kita, alam ko na higit pa sa kaibigan ang tingin mo kay Luisa.” Hindi siya nakakibo, kahit ang itanggi ang sinabi ng ama ay hindi niya magawa. Nanatili lang siyang tahimik. Nang makabawi ay saka siya tumikhim at nagsalita. “In case, dad, will you disapprove her?” Napangiti si Don Ernesto. “Mabait na bata si Luisa. Disente at matalino. Isa pa, matapang, bukod tangi sa kanya ka lang sumusunod. Dati naman napakatigas ng ulo mo kaya nakukunsume sa’yo si Elsa.” Marahan siyang natawa at napakam
NATAWA si Luisa nang halos mamilipit sa kilig si Tere matapos ikuwento kung paano sila nain-love ni Levi sa isa’t isa. “Alam mo, teh, naalala ko nga ‘yon. Ang dami namin tuwang-tuwa noong maging kayo ni Kuya Levi. Pati nga si Mang Luis at Don Ernesto, gustong-gusto kayo ang magkatuluyan,” sabi pa ni Tere matapos nilang sabay alalahanin ang nakaraan. Huminga ng malalim si Luisa at muling binalik ang tingin sa wala pa rin malay na si Levi na nakaratay sa hospital bed. “Ngayon naalala ko na ang lahat tungkol sa nakaraan ko. Hindi ako makapaniwala na nagawa kong kalimutan lahat ng magagandang alaala namin ni Levi. Nagagalit ako sa sarili ko na nakalimutan ko ang lalaking minahal ko mula pagkabata ko.&rdq
SA pagdating ni Marga sa buhay ng mag-amang Ernesto at Levi, isang taon na ang nakakalipas ay maraming nagbago sa mansion. Hindi gaya noon na malaya silang magtawanan at magbiruan, ngayon ay pinagbawalan ni Marga ang mga kasambahay na makipagkuwentuhan kapag oras ng trabaho. Kapag nahuhuli nito ang sino man ay pinapagalitan at pinapahiya nito, madalas ay sinasaktan nito ang mga kasambahay. Ilang kasambahay na rin ang umalis doon dahil hindi natagalan ang ugali nito. Ang ilan naman nagtangka na umalis ay naagapan ni Levi at pinakiusapan. Matapos ang away sa pagitan ni Levi at Marga dahil kay Luisa, naging mailap ang babae kay Levi. Magkasama ang mga ito sa loob pero bihira o halos hindi kausapin nito ang asawa ng ama, maging ang bunsong anak ni Marga na gaya ng ina ay matapobre at spoiled brat. Kung may nakasundo sila sa mag-iina, iyon ay si Ian, ang panganay.
“ATE, mauna na ako,” paalam sa kanya ni Tere. “Sige, mag-iingat ka pauwi ha?” “Oo te, salamat.” Hinatid pa niya ito sa pinto at bago umalis ay muling nagbilin si Luisa. “Siguraduhin mo na hindi magdududa si Marga sa’yo.” Ngumiti ito. “Huwag kang mag-aalala hindi mangyayari ‘yon. Hindi ako pinapansin no’n si Marga, wala siyang dahilan para maghinala sa akin.” “Sige, pero ingat ka pa rin, buti na ‘yong sigurado tayo.”
“ANONG nangyayari sa loob?” tanong ni Luisa pagpasok niya sa kusina. “Dumating ‘yong abogado ni Don Ernesto. Babasahin na yata ‘yong last will and testament ni Sir.” “Ay, talaga?” Nakisilip si Luisa sa maliit na uwang ng pinto. Bukod kay Levi ay naroon din si Marga at ang dalawa nitong anak. “Kaloka, ang kapal ng make-up ni Madam, feel na feel na pamamanahan siya,” natatawang komento pa ni Doris. “Manang Elsa, sa tingin mo ba magkano ipapamana ni Don Ernesto diyan?”
HINDI maawat si Luisa sa pagluha habang halos hindi kumakalas sa pagkakayakap mula kay Levi. Paalis ito ng mga sandaling iyon papunta sa New York, USA, para ayusin ang mga negosyo doon ng yumaong ama. Aabutin ng isang buwan bago ito makabalik kaya ganoon na lang ang nararamdaman niyang lungkot. “Bakit ba kasi hindi ako puwedeng sumama?” emosyonal na tanong niya. “May pasok ka pa, exam week mo at kailangan mo mag-review, importante ‘yon. Saka babalik naman ako at tatawagan kita.” “Bumalik ka agad ah?” Ngumiti ito sa kanya. Ngunit sa likod ng ngiting iyon ay ang lungkot na pili
DAHAN-DAHAN binaba ni Luisa sa kama ang anak habang himbing itong natutulog. Hindi mawala ang ngiti sa labi na tinitigan ang maganda at maamong mukha ng anak, si Marié Therese Luisella Ramirez Serrano. Matapos iyon ay maingat siyang naupo sa paanan ng kama at pinasadahan ng tingin ang buong paligid ng pamilyar na silid na iyon. Naroon sila ngayon sa bahay nila sa Santa Catalina. Ang naging tahanan ni Luisa noong may amnesia pa siya. Napakarami niyang alaala sa lugar na iyon. Maganda at masasakit na alaala. Parang kahapon lang, pilit niyang pinapausad ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang virtual assistant. Noon ay para siyang nakalutang sa kadiliman. Nagigising tuwing umaga, nabubuhay ngunit walang maalala. Naputol ang kanyang pag-iisip nang buksan ng hangin ang bin
“MARAMING beses tinangka ni Nanay na lasunin si Ate Luisa, lalo na noong may amnesia pa siya. Palagi ko lang siyang napipigilan, salamat sa Diyos dahil palagi ko rin siyang nakukumbinsi at ginamit ko na dahilan ang paglipat ng mana nila Kuya Levi sa pangalan ko. Ang huling beses niyang tinangka na lasunin si Ate Luisa ay itong mga nakaraan buwan lang, nang magsimula ang renovation ng mansion. Noong gabi ng kasal ni Kuya Levi at Ate Luisa at nangyari ang gulo sa bahay. Naroon ako, nakita ko kung paano pinukpok ni nanay ng malaking kahoy sa ulo si Kuya Levi. Kasama siyang umalis ni Dexter para habulin si Ate Luisa, kasama ako ni Kuya Ian nang tulungan namin si Kuya Levi. Nang biglang dumating si Kuya Levi sa bahay matapos akalain ng lahat na patay na siya. Galit na galit si Nanay. Lalo na nang nalaman niya na ako pa ang nag-alaga kay Kuya noong comatose siya. Halos bugbugin niya ako sa sobrang g
“IAN,” bungad ni Levi pagsagot ng tawag nito. “Nasaan ka?” tanong nito agad. “Nandito sa mansion. Tumawag si Foreman sa akin kanina dahil hindi nila mabuksan itong quarters ni Nanay Elsa, kaya dumaan kami dito para buksan iyong pinto gamit ang duplicate key. Pero nagulat kami ni Luisa sa nakita namin,” paliwanag niya. “Kuya Levi, makinig ka sa akin. Mukhang sa iisang tao ang patungo ng sinabi mo at nang nalaman ko. Nagsalita na si Mommy sinabi na niya sa akin lahat, and this is something that we never saw coming. Pero ang gusto niya ay siya mismo ang magsasabi sa’yo.” “Sige, kakausapin ko siya. Nariyan ka ba s
“MAHAL, iyong tungkol pala sa honeymoon natin? Tuloy pa ba ‘yon?” tanong ni Luisa dito. “Oo naman, bakit mo naitanong?” “Eh wala lang, kasi nga buntis na ako.” Marahan itong natawa at inalis ang tingin sa monitor ng laptop at lumipat sa kanya. “Puwede pa naman tayo mag-honeymoon kahit buntis ka na,” sagot nito. “Wala lang. Excited na rin kasi akong mag-bakasyon tayo.” “Gusto mo bang paagahin natin?” Lumapit si
“HELLO, Kuya Levi.” “Oh Ian, what’s up?” bungad niya pagsagot ng tawag nito. Kasalukuyan siyang nasa opisina sa mga sandaling iyon. Matapos niyang masiguro na nasa maayos nang kalagayan si Luisa ay saka siya bumalik sa trabaho. “Kumusta na si Luisa?” tanong pa nito. “She’s a lot better now. Nasa penthouse lang siya ngayon, nagpapahinga.” “Kuya, tungkol kay Mommy.” Napahinto sa pagtatype si Levi at nagsalubong ang kanyang dalawang kilay.&nb
NAALIMPUNGATAN si Luisa nang mga sandaling iyon matapos maramdaman ang magaan na halik sa kanyang labi. Nang unti-unting dumilat ay bumungad sa kanya ang guwapong mukha ng asawa na bakas ang pag-aalala. “Mahal,” malambing na tawag nito. Nang dumilat ay muli siyang siniil nito ng halik. “Kumusta ka na? Anong nararamdaman mo?” tanong nito. “Iyong baby natin, kumusta na siya?” sa halip ay tanong din agad ni Luisa. “Huwag ka nang mag-alala. Ligtas siya. The baby is in perfectly fine. Ligtas na kayong dalawa. Ikaw? Anong pakiramdam mo ngayon?”&nb
“HANGGANG kailan ang renovations nitong bahay?” tanong ni Ian. Tumingala si Levi at ginala ang paningin sa paligid. Halos fifty percent na ng bahay ang natatapos. Dahil tuloy-tuloy ang gawa at hindi naman nagkululang sa tauhan maging sa materyales, naging mas mabilis ang pagre-renovate. “I think we will be able to finish earlier than the target date. Magaling kasi mga tauhan ng kaibigan kong arkitekto at engineer na may hawak nito. Pero kung isasama pati ang interior, maybe more or less two months.” “Nakikita ko na hands on kayong dalawa ni Luisa.” “Oo. Buti na lang madali siyang matuto, kapag nasa opisina ako, siya lang nag-ov
“ANO ba ang okasyon at nagpahanda kayo?” nakangiti ngunit nagtatakang tanong ni Nanay Elsa. Kakarating pa lang nilang mag-asawa doon sa mansion, pero kagabi pa lang ay tumawag na si Levi sa mayordoma at sinabi na magluto ng dalawa hanggang tatlong putahe para sa maliit na salo-salo. “Huwag kang mag-alala, ‘Nay. Mamaya malalaman n’yo din,” nakangiting sagot ni Luisa. “Nasaan na pala si Tere?” tanong pa niya. “Naku eh, pauwi pa lang. May binili lang sa grocery,” sagot ng babae. “’Nay, kumusta na renovation dito?” tanong naman ni Levi. Dahil sa
“HEY, how are you feeling?” malambing na tanong ni Levi sa kanya. Bahagyang dumilat si Luisa habang nakahiga pa rin sa kama. “Nahihilo pa rin ako. Saka ang bigat ng katawan ko,” sagot niya. Sinalat ni Levi ang noo niya. “Wala ka naman lagnat. Gusto mo magpa-check up na tayo?” Marahan siyang umiling. “Ayokong lumabas. Hindi ko talaga kayang tumayo,” tanggi niya. “Okay, mahiga ka lang muna diyan. I’ll just have to make a call,” sabi pa ni Levi. Agad bumaba ng kama ang kanyang asawa at dinampot ang phone sa ibabaw ng bedside table.&