Hindi makangiti si Crystal Fuentes kahit pa araw iyon ng kasal ng Ate Courtney niya. Naririndi rin siya sa bawat palakpakan at tawanan ng mga bisita na masayang-masaya para sa mga kinasal. Tuwang-tuwa sila habang siya ay tahimik na nagluluksa para sa puso niyang sawi. Paano siya magiging masaya kung ang long-time crush niyang si Royce Consunji ang napangasawa ng ate niya?
Pinigilan niya ang mga luhang bumagsak kahit pa halos hindi na siya makahinga sa pwesto niya. Siya ang maid of honor kaya't doble ang sakit na nararamdaman niya ngayong nasa tabi siya ng dalawa. Hindi niya matingnan ang magkahawak na kamay ng mga ito at masayang mukha habang kaharap ng pari. Para siyang pinapatay, dinudurog ang puso niya.
Noon pa man ay pangarap niyang maikasal kay Royce kaya't nagpapansin siya rito sa tuwing napapadpad ito sa kumpanya nila. Ang alam niya ay single ito kaya't matiyaga siyang naghihintay ng tamang pagkakataon upang umamin dito. Kaya naman laking gulat niya na matagal na itong karelasyon ng Ate Courtney niya kaya pala madalas itong dumalaw sa kumpanya nila. Matagal na rin pa lang engage ang dalawa, ang masaklap, alam iyon ng mga magulang nila at tanging siya ang walang alam.
"I do!" masayang sagot ni Royce sa pari.
Nanginginig na ang labi niya sa nagbabadyang pag-iyak, ayaw na nga niyang panoorin kung paanong ilagay nito ang singsing sa palasingsingan ng Ate niya.
Sa kanya dapat iyon! Siya dapat ang asawa nito! Simula noong magtrabaho siya sa kumpanya, nahulog na ang loob niya rito unang pagbisita pa lang nito. Alam niyang ito lang ang gusto niyang mapangasawa kaya't siya na mismo ang umiwas sa marami niyang manliligaw. Ni hindi siya nagbalak magpunta sa mga bar sa takot na magkamali siya. At kahit bibihira niya itong makausap, kumpleto na ang araw niya sa tuwing nasusulyapan ito.
"And you may now kiss the bride," anunsyo ng pari.
Agad siyang napaiwas ng tingin kasabay ng pagpatak ng luha niya matapos makita ang pagh*lik ni Royce sa Ate niya. Tuloy-tuloy na bumuhos ang luha niya sa paninikip ng kanyang d*bdib. Kumuyom ang kamao niya at mas lalong nainis matapos marinig ang hiyawan dahil sa tagal ng h*lik. Lalo rin siyang narindi sa malakas na palakpakan matapos ang h*lik.
"Congratulations newly wed! Go and multiply!" dinig niyang biro ng isang bisita na kinatawa ng iilan.
Nagtagis ang mga ngipin niya sa narinig. Pangarap niya rin ang maging ina ng mga anak ni Royce. Napahikbi siya nang tahimik kasabay ng pananakit ng lalamunan niya. Hindi na nga siya makahinga nang maayos at alam niyang hindi niya maitatago ang pamamaga ng mga mata niya. Ilang araw na ba naman siyang umiiyak, tinago niya lang sa make-up ang mugtong mga mata pero ngayong umiyak ulit, malamang na halata na ang mga iyon.
"Picture taking na, Hija," ang Mommy Amy niya na humawak sa kanyang braso.
Hindi siya kumibo, tumingala siya upang pigilan pa ang alon na mga luha ngunit bumagsak ulit ang mga iyon.
"Are you crying, Crystal?" Hinarap siya nito, "Oh Gosh, why my baby is crying?" lambing ng Mommy niya.
Imbis na matuwa ay nainis siya sa kaloob-looban niya. Paano nga naman siya ituturing na dalaga sa edad na bente-tres kung baby pa rin ang turing sa kanya ng pamilya. Gusto niya ang pagiging bunso pero ngayon, parang mas gusto niyang hilingin na sana panganay na lang siya, na sana siya na lang si Courtney Fuentes!
"Mommy, bakit? Crystal, you're crying?" puna ng Ate niya.
Linunok niya ang bikig sa lalamunan niya. Hindi naman siya pwedeng magwala roon at sirain ang kasal. Ayaw niyang ipahiya ang mga magulang niya. Agad niyang pinunasan ang pisngi at pilit na ngumiti sa Ate niya.
"K-asi naman, wala na akong makaka-bonding na manood ng movies at gumala," kunwaring pinalungkot niya pa ang boses.
"Aww, you will miss me, My baby sister?"
Lumapit sa kanya ang Ate niya at agad siyang niyakap. Napasinghap siya at gusto itong itulak ngunit matapos makitang nakatingin si Royce sa kanila ay yumakap siya pabalik.
"Don't worry, matagal pa bago kami lumipat. Sa bahay muna kami ng Kuya Royce mo. Makakapag-bonding pa tayo, My baby Crystal."
Imbis na matuwa ay parang sinaksak muli ang puso niya. Araw-araw na mamamatay ang puso niya panigurado sa tuwing makikita niyang magkasama at masaya ang dalawa. Muling pumatak ang luha niya matapos maalalang bubuo ng pamilya ang ate niya kasama si Royce.
"Hush now, Baby Crystal. Masisira ang make-up mo, magpi-picture pa tayo. I-welcome mo na rin ang Kuya Royce mo sa pamilya," masiglang bigkas ng ate niya, ito pa ang nagpunas ng mga luha niya.
Mabigat sa loob niyang lingunin ang lalaki na nakangiti na sa kanya. Halatang masayang-masaya ito.
"W-elcome to the family, K-uya Royce," labag sa loob na bigkas niya.
Lumabas ang pantay-pantay nitong mga ngipin sa pagngiti. Hindi nga lang niya nagustuhan ang paggulo nito sa buhok niya na para bang bata siya. Siguro ay bata talaga ang tingin nito sa kanya lalo pa't thirty years old na ito, kasing-edad ng ate niya.
"Someday, you will find the right man for you, Crystal," makahulugang bigkas nito.
Umiwas siya ng tingin at naikuyom muli ang kamao. Wala ba talaga itong ideya na ito lang ang gusto niya? Ni minsan kaya ay hindi siya nito napansin? Hindi man lang ba ito nagandahan sa kanya? O kahit sa katawan niya na lang na mahubog, wala ba talaga itong nararamdaman sa kanya kahit katiting?
Sa dami ng iniisip niya, hindi siya makangiti sa harap ng camera. Paniguradong nakasimangot siya sa lahat ng larawan. Hanggang sa reception ay hindi niya magawang ngumiti o makihalubilo, ni hindi niya nilapitan ang mga pinsan niyang tinatawag siya.
"Malungkot siguro talaga si Crystal. Silang dalawa lang naman kasi ng Ate niya tapos kasal na si Courtney. Alam niyo namang mag-bestfriend iyang magkapatid," dinig niyang bigkas ng babaeng pinsan niya.
Nagtagis ang bagang niya. Hindi naman sana siya malulungkot kung ibang lalaki lang ang pinakasalan ng ate niya, kaso ang lalaking gustong-gusto niya ang naging asawa nito!
Nagmukmok siyang mag-isa sa dulong mesa, hindi niya matanggap ang sobrang saya sa paligid. Nabibingi siya sa tawa, at naiinis siyang natutuwa ang mga magulang niya sa kasalang iyon. Favorite daughter ang ate niya at tagapagmana, malamang na sobrang saya nila lalo pa't unico hijo si Royce ng mga Consunji, tagapagmana rin ito.
Biglang umingay ang paligid sa tunog ng kutsarang pinupukpok sa baso ng mga bisita, senyales na humihingi ang mga ito ng h*likan mula sa mga bagong kasal. Dumiin ang pagkakakuyom ng kamay niya dahil doon. Naging matalim din ang tingin niya sa unahan at bumagsak agad ang mainit niyang luha matapos makita ang malalim na h*likan ng mag-asawa.
Hindi niya nakayanan ang bigat na nararadaman at kahit na nagsasaya pa ang mga tao ay tumayo na siya at nauna ng umalis. Malamang na hindi rin siya hahanapin, at tama ang hinala niya. Nakaligo na siya't handa ng matulog, madilim na rin sa labas ngunit wala pa rin ang mga magulang niya. Hindi siya sigurado kung sa bahay din tutuloy ang ate niya at si Royce pero sana hindi dahil mamamatay siya kakaisip sa gagawin ng mga ito para sa unang gabi.
Kaya lang ay hindi dininig ang dasal niya. Nangunot ang noo niya upang pagtakpan ang malakas na suntok sa puso niya matapos makitang papasok sa loob ng bahay ang bagong kasal na magka-akbay. Mabilis siyang umupo sa sofa at kinalikot ang cellphone niya upang kunwari ay wala siyang pakialam.
"Crystal! Umuwi ka agad, sa'yo ko pa naman sana ibibigay ang bulaklak ko." Humagikhik pa ang Ate niya.
Nag-angat siya ng tingin para sana pilit na ngumiti ngunit nahuli niyang bumubulong si Royce sa tainga ng ate niya.
"Love, she's still too young for marriage," dinig niyang bulong nito.
Mahina itong hinampas ng ate niya sa braso, "Sus! Joke lang naman iyon. Tara na nga. Osya, akyat na kami, Baby Crystal. Goodnight, My baby sister." Nag-flying kiss pa ito bago sila tumuloy sa hagdan.
Napairap siya sa hangin, "As if namang matutulog kayo," bulong-bulong niya.
Sa inis niya ay gusto niyang basagin ang flower vase na nasa center table pero pinigilan niya ang sarili noong makitang papasok na rin ang mga magulang niya.
"Bakit ka naman umuwi agad, Anak?" tanong ng Daddy niya.
"Pagod lang po. Uuna na ako, goodnight parents," walang emosyong sagot niya.
Mabigat ang paghakbang niya sa hagdan at matalim na titig ang binigay niya sa pintuan ng kwarto ng ate niya. Magkatabi lang ang kwarto nila, sana lang ay huwag itong maingay mamaya dahil baka hindi niya makayanan ang sakit sa puso sa kaisipang pinaliligaya ito ni Royce.
Huminga siya nang malalim at tinakbo na lang ang kwarto niya. Mabilis niyang sinara ang pinto ngunit mabilis ding namalisbis muli ang mga luha niya.
"Sa akin kasi dapat si Royce! Sa akin!" mahinang iyak niya kasabay ng pagsalampak sa sahig.
Parang pinupunit ang puso niya, alam niyang malabong maghiwalay ang dalawa kaya't lalo siyang walang pag-asa. Tapos na at sira na ang pangarap niya at iyon ang kinakagalit niya! Hinding-hindi na mapapasakanya si Royce!
"Arghh! How dare you, Courtney! How dare you steal my man?!" frsutrated niyang sigaw na alam niyang siya lang ang makakarinig.
Hinayaan niya muling umiyak ang sarili katulad sa mga nakalipas na gabi. Hinayaan niyang ilabas ang lahat ng sakit sa puso niya. Gusto niyang makahinga ngunit ang matinding galit at selos ay inuubos ang paghinga niya. Para siyang sinasakal.
Sumiksik siya sa pinto at niyakap ang mga tuhod niya. Sinubsob niya ang mukha sa mga tuhod at doon umiyak nang umiyak. Ano bang mali sa kanya at hindi siya nagustuhan ni Royce?
Sa katanungan ay agad siyang tumayo at lumapit sa harap ng malaking salamin niya. Tinitigan niyang mabuti ang sarili at hindi mapigilang ikumpara sa ate niya. Hinaplos niya rin ang kanyang pisngi.
"Maganda naman ako, baby face din. Mas matalino rin ako at mas talented kaysa sa kanya. Ano bang mali sa akin at hindi ako pinili?!"
"There's nothing wrong with you, Baby."
Namilog ang mga mata niya matapos marinig ang swabeng boses ni Royce. Napalingon siya at hindi makapaniwalang nasa loob ng kwarto niya ito, nakatayo sa dulo ng kama niya. Sinulyapan niya ang pinto, nagtataka kung bakit hindi niya narinig ang pagpasok nito.
Napalunok siya noong humakbang ito palapit. Wala na ang cool na itsura nito kanina. May bagsik ang tingin nito at walang ngiti sa mga labi. Nakadagdag pa sa aura nito ang papatubong bigote. Nakarobang asul din ito.
"Royce—I mean, K-uya, ano'ng ginagawa mo sa loob ng kwarto ko? B-akit ka nandito?"
Napaatras siya noong tuluyan itong lumapit ngunit sinalo nito ang bewang niya at hinarap siya sa salamin. Nagsalubong ang tingin nila doon. Umikot na ang dalawang braso nito sa palibot ng bewang at tiyan niya habang ang bibig nito ay tinapat sa kanyang tainga.
"Narinig kita. So, you love me, Crystal?" Umangat ang gilid ng labi nito habang siya ay nanghina sa mainit nitong hininga na tumama sa tainga niya.
Umawang ang mga labi niya at hindi pa rin makapaniwalang hawak siya nito. Hindi siya makabuo ng salita kahit pa ang dami niyang gustong itanong. Para din siyang kakapusan ng hininga ngayong nakadikit ito sa kanya."I know you want me," muling bulong nito at dinampihan pa ng h*lik ang punong tainga niya.Doon siya napakurap at mabilis itong tinulak. Lumayo siya rito habang tumikwas lang ang kilay nito."A-no bang ginagawa mo rito? Bumalik ka sa kwarto ni Ate," may kabang utos niya.Marahan itong humakbang dahilan upang umatras siya."So you don't want me here?"Napaiwas siya ng tingin at hindi makasagot. Nagdadalawang isip siya sa sasabihin. Masaya siya ngayong nasa harap niya ito pero nakokonsensya siya dahil dapat na nasa loob ito ng kwarto ng ate niya."A-no bang kailangan mo?"Napapikit siya nang mariin noong inilang hakbang lang siya nito at agad na hinuli ang bewang niya. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Hindi rin siya makahinga nang maayos sa lapit nito. Ayaw niyang imulat a
Nangatal ang dila niya at hindi agad nakasagot. Napatitig pa siya nang matagal kay Royce. Gusto na ba nitong ibunyag ang nangyari sa kanila? Handa naman siya.Tumikhim siya at simpleng ngumiti, "It's y—"Hindi niya naituloy ang sagot matapos humalakhak ang ate niya. Hinampas pa nito si Royce."Huwag mo ngang ipressure ang kapatid ko. Baby pa iyan, baka nakagat lang talaga ng lamok." Nagtaas baba pa ang kilay ng Ate niya sa kanya.Nabura ang ngiti niya at naikuyom ang kamao. Wala ba talaga itong ideya na wala ang asawa nito kagabi?"I'm just guessing." Kumibit balikat si Royce at inosenteng ngumiti.Lalo siyang nanlumo sa reaksyon nito. Napakaduwag! Hindi man lang nito kayang aminin ang ginawang pag-*ngkin sa kanya kagabi!Nakaalis na lang ang mag-asawa ay hindi pa umaayos ang pakiramdam niya. Nagulat pa siya noong maramdaman ang palad ng Mommy niya sa kanyang noo."Are you sick, Crystal? Namumutla ka, Anak. Huwag ka na munang pumasok sa opisina—"Agad siyang tumayo na kinagulat nito,
Bumigat ang paghinga niya at kahit binitiwan nito ang mga kamay niya ay hindi niya ito magawang itulak palayo. Naiinis pa siya rito pero nagawa niya pang titigan ang pagh*bad nito ng suot na roba."Umalis ka na, Royce," pagmamatigas niya kahit pa nanuyo na ang lalamunan niya matapos makita ang matipuno nitong d*bdib."You want me out, really?" paos na bulong nito.Umiwas siya ng tingin at pinangsangga ang mga kamay noong lumapit ito. Napasandal nga lang siya sa closet noong walang babalang hawakan nito ang tuhod niya at isukbit sa bewang nito."Ano ba, Royce! Doon ka na—"Napasinghap siya matapos maramdaman ang kahandaan nito sa pagitan ng mga hita niya."Hindi ako naniniwalang gusto mo kong paalisin. I can feel you are soaking wet for me already," madiing bulong nito.Mas lalong bumigat ang paghinga niya noong mas diniin nito ang sarili. Nanuyo muli ang lalamunan niya pero alam niyang totoo ang sinasabi nito dahil siya mismo ay ramdam ang pagkabasa niya.Nawala ang tapang niya lalo p
Paggising niya ay wala na sa tabi niya si Royce kagaya noong una. Dismayado man ay pilit pa rin siyang ngumiti. Agad siyang nag-ayos at inalis din ang kobre kama gaya sa gusto nito. Bitbit niya iyon pagkalabas sa kwarto ngunit natigilan siya matapos makitang kalalabas lang din sa kwarto ni Royce.Maliit siyang tumikhim at inayos ang sariling buhok. Hinanda niya ang ngiti para dito ngunit kusang naglaho ang ngiti niya noong lagpasan siya nito.Huwag mong sabihing aakto na naman ito na hindi siya nakikita?"Royce—I mean, Kuya Royce," agad niyang tawag.Tumigil ito sa pagbaba sa hagdan at lumingon sa kanya, "Yes, Crystal. Is there something you wanna say?" inosenteng tanong nito.Napakurap siya. Mananalo itong best actor sa pagiging inosente.Pinigilan niya ang sarili kahit pa gusto niya itong bigyan ng good morning kiss. Luminga pa siya sa paligid kung may nakatingin bago humakbang palapit dito ngunit napaatras siya matapos marinig ang Ate Courtney niya na palabas din ng kwarto."Love,
Nanginig ang labi niya at hindi makatingin sa Ate niya. Mas lalo tuloy na hindi siya makahinga."Hindi mo naman aagawin si Royce, di ba?" lambing nito sa kanya.Pilit siyang ngumiti kahit pa buong katawan na niya ang gustong manginig."H-indi. B-akit ko naman gagawin iyon? He looks so madly and deeply in love with you, Ate," pagsisinungaling niya.Ngumiti ito nang malawak. Napaatras pa siya noong haplusin nito ang buhok niya. Pakiramdam niya kasi ay sasabunutan siya nito."Bakit? Ayaw mo ng hawakan ko ang buhok mo?"Tumikhim siya at umayos ng upo, "Hindi naman. Baka magulo lang. Anyways, iyon lang ba? You can keep Elena as our employee."Nilayo nito ang kamay at kumibit-balikat, "Alright. Sabihin ko rin sa kanya na ipa-tulfo niya si Mau. What do you think?"Nawala ang pilit niyang ngiti, "Hindi na kailangan iyon. Masasabit lang sa gulo ang kumpanya.""Huh, mas exciting iyon, Baby Crystal. The world will know how dirty those other women are. Deserve naman mapahiya ng isang kabit—""Ate
"Stop it, Crystal. Kailangan ang honeymoon sa mga bagong kasal," malamig nitong bigkas dahilan upang bitiwan niya ito.Agad siyang humalukipkip at nainis sa sagot nito. Ibig sabihin ay itutuloy nito ang honeymoon."Sasama ka sa kanya? Akala ko ba wala namang nangyayari sa inyo? Niloloko mo ba ako, Royce?"Muling umigting ang panga nito at wala yatang balak na sagutin siya dahil tinuloy nito ang pag-aayos ng pagkain."Ano ba tayo? F*ck! Ayokong maging kabit pero para sa'yo ginagawa ko!" tumaas ang boses niya, hindi mapigilan ang magdamdam."Ano? Parausan mo lang ako? Bandang huli kapag nagsawa ka, kay Ate ka pa rin mapupunta?" dagdag niya.Naiiyak na naman siya. Bakit ba lagi na lang siyang nanlilimos ng atensyon?"Sabagay, ganoon naman talaga. Kahit gaano karami ang babae ng isang lalaki, sa misis pa rin ito umuuwi—""I told you that I like you," mabilis nitong putol sa mga sinasabi niya.Nagtagis ang ngipin niya at seryoso itong tiningnan, "Kung gusto mo ko, ako dapat ang pinakasalan
"Anong g-agawin ko? Nabura lahat," muling hikbi ng ate niya.Hindi niya alam kung saan siya titingin. Kita niya sa mga mata ni Royce na tila siya ang pinagbibintangan nito."W-ala ka bang back-up files, Ate?" kunwaring tanong niya kahit na alam naman niyang wala.Umiling ito at sinubsob lang ang mukha sa d*bdib ni Royce. Kumuyom ang kamao niya lalo na noong makitang marahang tinapik ng lalaki ang balikat ng Ate niya at hin*likan pa sa ulo. Sumisiksik na naman ang selos sa d*bdib niya."Hindi pa ba tayo magsisimula? Sayang ang oras," reklamo ng isang matandang investor."Just a second, Mr. Carlos," ani Royce na kinatango ng huli."M-gagalit sila," kinakabahang bulong ng ate niya.Muntik na siyang mapangisi pero kinagat niya ang ibabang labi. Walang honeymoon kapag walang presentation."Shh, I got you, Love. I saved this file," dinig niyang bulong ni Royce.Nawala ang ngisi niya sa narinig at napatitig dito pero abala pa ito sa pagpapatahan sa ate niya."Huh? Really?" Mabilis na nagpuna
Gusto niyang magwala noong umalis nga ang ate niya at si Royce. Hindi matigil sa pagtatagis ang mga ngipin niya. Pagpasok sa kwarto ay agad niyang hinagis ang bag at ginulo ang kama niya."Argh! Bwisit!"Namewang siya at nasapo ang noo. Ginawan na nga niya ng paraan para hindi matuloy ang honeymoon pero natuloy pa rin! Mukhang talagang ginagalit siya ni Royce!Tumalim ang tingin niya at agad na naghalungkat ng damit sa closet. Kung ayaw siya nitong kasama ngayong gabi, pwes, hahanap siya ng ibang makakasama.Agad niyang sinuot ang itim at maliit na dress. Sakto lang iyon sa gitnang hita niya at halos labas ang buong likod niya. Sinuot niya ang malalaking hikaw at kinulayan ng pula ang mga labi niya. Bakit ba kasi siya nagtitiis sa lalaking may asawa na gayong pwede naman siyang humila ng binata?Bakit ba niya pinagsisiksikan ang sarili kay Royce gayong may iba riyan na willing magpaubaya sa kanya?Bakit siya manlilimos ng atensyon gayong dapat ay kusa siyang binibigyan ng atensyon?D
RAPHAEL'S POV"Wake up, Baby," mabining paggising niya sa asawa.Umingit ito at mas siniksik ang sarili sa kanya. Napangiti siya at inayos ang buhok nito. Hinanap niya rin ang kamay nito pinagsalikop ang mga kamay nila. Dinama niya rin ang singsing doon. Pagkatapos kasi nilang makabalik sa bansa ay pinakasalan niya muli ito. Pinagbigyan niya rin ang hiling nitong pabayaan na ang kapatid nito kahit pa hindi siya pabor doon."Wake up, Baby. Ngayon na babalik si Royce at Amethyst. Baka nasa bahay na sila ng mga magulang mo," muling bulong niya rito.Isa pa iyon sa kinasasaya niya. Royce won his fight against cancer. Unti-unti ay umaayos na ang lahat. Isa na nga lang ang panalangin niya at iyon ang maalala na siya ni Serenity. Nalulungkot siyang hindi pa rin siya nito tinatawag na daddy pero alam niyang balang araw ay maalala rin siya nito."Nandoon na rin ba sila Anton?" inaantok na tanong nito.Nagsalubong ang mga kilay niya, "I don't care about that bastard—"Mabilis nitong tinakpan an
"Magpapahanap ako ng magaling na doktor," desididong saad ni Raphael matapos niyang ikwento lahat ng nangyari kay Serenity.Tinitigan niya ito. Nakaupo ito sa dulo ng kama, nakayuko, at ang kamay ay nakahawak sa batok. Kanina ay umiiyak ito pero ngayon ay kalmado na. Naiintindihan naman niya. Gusto nga niyang isumbat na kasalanan nito ang nangyari kay Serenity ngunit alam naman niyang hindi rin nito ginustong mangyari iyon. Katulad niya ay biktima lang din ito."Magaling na siya. Kusa rin daw babalik ang mga alaala niya," pagpapagaan niya sa loob nito.Naroon pa rin nga sila sa bahay ng Mama ni Anton. Ayaw pa kasing umuwi ni Serenity. Ayaw nitong sumama sila kay Raphael. Ayaw din nitong tumabing matulog sa kanila kaya't naroon pa ang magkapatid, sa talagang kwarto para sa mga ito."Will it take time?" Nagsusumamo pa itong nag-angat ng tingin sa kanya.Bumuntong hininga siya. Sa totoo lang ay ayaw niyang makitang mahina ito."Maybe? I don't want to force Serenity to remember you. Let h
Mahigpit siyang kumapit sa braso ni Raphael pagkababa nila sa eroplano. Niyakap siya ng lamig at kahit yata tumira siya noon sa ibang bansa ay hindi pa rin sanay ang katawan niya."Gaano ba kadelikado si Philip at kailangan na magmadali tayong pumunta dito?" naguguluhang tanong niya kay Raphael.Tumiim bagang ito habang inaalalayan siya palabas ng airport."Courtney threatened to hurt our children, and we both know Philip was his lover," madiing sagot nito.Nagsalubong ang mga kilay niya, "Plano ba nilang dalawa iyon? Baka naman ginamit lang din ni Courtney si Philip?"Bumaba ang tingin nito sa kanya, "Kinakampihan mo siya?" malamig na tanong nito.Napaikot ang mga mata niya at napabuntong hininga, "Ayaw kong basta mag-isip ng masama lalo pa't si Philip ang nagdonate ng dugo para kay Serenity."Tumahimik ito pero kita niya ang bahid ng inis sa mukha nito."He is not a clean man. Pinsan siya ni Anton? Baka pati iyang si Anton ay may masamang balak—""Shut up, Raphael. Iba si Anton. Hig
CRYSTAL'S POV"What happened to Serenity?" malamig na bungad sa kanya ni Raphael kinagabihan noong makabalik ito.Kunot noo siyang nag-angat dito ng tingin at binitawan sa mesa ang hawak na ice cream."I'm not yet ready to show them to you—""F*ck that I'm not ready of yours, Crystal. Pinadala mo sila sa States kasama ang Mama ni Anton? Do you have any idea how dangerous that is?!" bahagyang tumaas ang boses nito kaya't tinaasan niya ng kilay."What are you talking about, Raphael? Mabait ang Mama ni Anton."Pumikit ito nang mariin na tila pinipigilan ang galit. Salubong lang ang kilay niyang tumitig dito. Noong magmulat ito ng mga mata ay mahinahon na ito."Tawagan mo at sabihin mong ibalik na dito ang mga bata kun'di ay ako ang pupunta doon—""Huwag ka namang mag-eskandalo ng ganyan, Raphael. Mabait ang Mama ni Anton at hindi niya pababayaan ang mga anak ko," matatag niyang laban dito.Tumiim bagang ito, "Then call her. I want my kids here beside me. Dapat ay hindi ka nagtitiwala kun
RAPHAEL'S POVMabining h*lik sa buhok ang binigay niya kay Crystal bago maingat na inalis ang pagkakayakap nito aa kanyang bewang habang mahimbing ang tulog nito. Naka-ilang hampas pa ito sa kanya bago niya nasuyo. Pinagsabihan pa siyang huwag maging masamang damo at sinermunan. Kun'di niya pa ito hin*likan ay baka hindi na tumigil kakasalita.Sandali siyang natigilan noong umingit ito at gumalaw. Noong masiguradong tulog pa ito ay maingat siyang bumaba sa kama. Agad siyang kumuha ng stick ng sigarilyo, sinindihan iyon bago kinuha ang kanyang cellphone at lumabas sa veranda ng condo.Isang hithit mula sa sigarilyo ay ni-dial niya ang numero ng kaibigan."F*ck you, Raphael! I'm in the middle of love making—d*mn, Baby!" reklamo sa kanya ni Martin mula sa kabilang linya.Napangisi siya, "Fine. I'll give you five minutes to finish that—""What the h*ll, man? Five minutes is not enough—""And I'm not your Baby, Martin. Hurry up!" putol niya pa sa pagrereklamo nito bago pinatay ang tawag.H
"Y-our condo?"Muli itong umirap at balewalang hinila ang maleta nito papasok ngunit maagap siyang lumapit at sinapa iyon palayo."What the h*ll, Crystal?!"Galit siya nitong tiningnan bago sinubukang kunin muli ang maleta ngunit muli niya rin iyong pinigilan."As far as I know kay Raphael 'to—""Na regalo niya sa akin, Crystal. Like duh, makakapasok ba ako dito kung hindi sa akin 'to?"Tinaas pa muli nito ang hawak na key card. Mariin siyang tumitig doon. Hindi niya alam kung nagsasabi ito ng totoo pero mas gusto niyang paalisin ito sa condo... at sa buhay nila ni Raphael."Really? Regalo niya 'to sa'yo, Courtney? Then why am I here wearing his shirt?" Ngumisi siya ngunit malamig lang siya nitong pinasadahan ng tingin."Obviously, past time ka niya ulit. Naniwala ka naman. Can't you see? Katawan lang ang habol sa'yo ni Raphael. Baka nga isang linggo lang at paaalisin ka na niya."Ito naman ang ngumisi. Bahagya siyang nainsulto doon pero naaalala niya ang sinabi ni Raphael. Dapat na m
Malalakas na singhap at mahahabang ungol ang nagawa niya sa bawat galaw ni Raphael sa loob niya. Bumaon ang kuko niya sa likod nito noong muli itong gumalaw ng marahas at malalim."D*mn, Baby. You'll making me crazy," parang baliw na bulong nito sa kanya.Napangisi siya at sinalubong ang galaw nito. Ramdam niya ring malapit na siya kaya't malugod niyang tinatanggap ang rahas nito.Humigpit ang hawak nito sa kanyang bewang. Sumasabay sa mabibilis nitong galaw ang kama. Halos napapaliyad siya at talagang mahigpit ang yakap niya sa likod nito."Don't get me pregnant yet, Raphael. Ayaw ko munang magbuntis," paalala niya rito lalo pa't ang plano niya ay makilala muna ito nang lubusan.Hindi ito umimik. Umangat lang ang gilid ng labi nito at mariing humawak sa hita niya. Sabay silang napaungol noong dumiin ito. Dinig na dinig nga niya ang tunog ng pag-iisa ng kanilang katawan. Kagaya dati, marahas pa rin ito sa kama at... magaling.Lalong dumiin ang mga kuko niya sa likod nito at halos muli
Hindi niya alam ngunit napahikbi siya. Instead of feeling hot, she felt disappointed in herself.Tahimik siyang humikbi kahit pa ramdam niya ang paghinga nito roon. Ngunit kusang umawang ang mga labi niya noong lumayo ito at ipagdikit muli ang kanyang mga hita."Why stop now, Raphael? Bakit? Hindi ba't iyan lang ang habol mo?" hinanakit niya sa kabila ng pagpatak ng kanyang mga luha.Mabilis itong tumalikod at namewang. Kitang-kita niya ang matipuno nitong likod."Do not f*cking cry," mariing bigkas nito.Alam niyang umiigting na ang panga nito kahit pa nakatalikod ito sa kanya. Lalo lang siyang naiyak. Niyakap niya ang mga tuhod at sinubsob doon ang mukha."I didn't mean to be harsh. Makulit ka lang at ayaw mong makipag-ayos," dagdag pa nito.Nag-angat siya ng tingin. Kita niyang kumuha ito ng isang stick ng sigarilyo, sinindihan ngunit agad ding nilukumos sa ash try upang mamatay."Just tell me where the kids are to end this discussion. Ibabalik ko kayong lahat sa bahay ko. You want
"Your lies will be the death of you," nang-uuyam na bigkas nito pagkatago sa hawak na cellphone.Umirap siya, "I'm not lying, Raphael. Three years kaming nagsama ni Anton, malamang hindi lang jack en' poy ang ginawa namin. This baby inside me is our love child," patuloy na pagsisinungaling niya.Imbis na mainis ay umangat ang gilid ng labi nito, "We'll see about that. You better be pregnant, because once I prove you are not—""Anong gagawin mo? F*ck me senseless and get me pregnant? Wala ka na bang ibang alam na gawin kun'di paganahin iyang ulo mo sa baba? Kaya nga ba ayaw ko ng bumalik sa'yo kahit hindi ka pa nagloko. I want a man who has a sense of direction, not a man who only knows s*x!"Halos hingalin siya sa sinabi niyang iyon samantalang nawala naman ang ngisi ni Raphael. Kumibot ang labi nito at nanliit ang mga mata pagkaraan ay bigla na lang itong ngumisi."That won't work for me, but thanks for the idea, baby. I won't change my mind about getting you pregnant again if that m