Nang umagang 'yon tinungo ni Aurora ang kanyang biyenan. Naroon ito ngayon sa may hardin malapit sa pool nag-uumagahan. Maagang umalis si Rayne hindi nanaman ito sumabay sa kanila. "Mommy" padabog na umupo ito. Ito naman talaga ang tunay na ugali ni Aurora ngunit kahit ayaw sa kanya ng matandang babae ay ito ang tumulong sa kanila. Kaya kahit magpakita ito ng pangit na ugali ay hindi nalang niya ito pinapansin. "Mommy, lagi nalang ba akong tatratuhin ni Rayne ng ganito. Puro nalang ang pangalan ng babaeng iyon ang binabanggit niya, even in his f**ing dreams. Mom what I should I do?" Hindi siya mapakali at unti-unting binabalot ng galit ang isip ng babaeng kanyang kaharap kaya niya hinawakan ang kamay nito. "Calm yourself ,Hija. Pagpasensyahan mo na ang anak ko. He came from a surgery at sa tingin ko naman ay magiging maayos narin naman ang pakikitungo niya sayo. 'Wag ka lang mawawalan ng pag-asa" "Mom, sa tingin ko nag-start na siyang hanapin ang babaeng iyon" sabi ni Aurora na n
Rayne Nakatanggap ako ng tawag mula kay Sally. Malungkot niyang binalita sa aking walang anino ni Zarina sa lugar. Habang lumilipas ang oras lalo akong nawawalan ng pag-asa kung nasaan na ang babaeng mahal ko. Naikuyom ko ang aking mga kamay dahil sa inis na nararamdaman ko. Muli nanaman akong nakaramdam ng takot na baka hindi ko na siya muli pang makita kaya kinuha ko ulit ang aking laptop para malaman ang schedule ko. Hindi ko napansing pumasok roon si Aurora. At pinalupot ang kanyang kamay sa akin. "Rayne, sabi ko naman sa iyo. I can be a help as a secretary rito para hindi ka nahihirapan sa mga schedules mo" sabi nito. Nairita ako sa mga sinasabi niya. She started to kiss my cheek kaya hinila ko siya at tumayo. Lumayo ako sa kanya. "I can do it by myself, Aurora. Hindi na ako bulag na inaasa ang lahat sa mga taong nag-aalaga sa akin. Too late that I loose money on people that I don't need" sabi ko sa kanya. Hindi ko naman maitatagong maganda at elegante si Aurora ang problema a
Zarina Nais kong makahinga sa mga confession ni Sebastian. Gusto niyang maging bahagi ng buhay ko hindi lamang isang kaibigan kundi higit pa roon. Naglakad-lakad ako sa pasilyo dahil nakakapaso ang mga titig niya. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang papalapit ako sa may lobby ng building. Isang grupo ng mga investors ang mga naroon. Kaya yumuko nalang ako pero may tumawag sa aking isang lalaki. Huminto ako at nilingon kung saan ito nagmumula. Pamilyar ito at dahil diyan nais ko ng umiyak ng minsan ko pa ulit itong narinig. Siguro ay binibiro ako ng pagkakataon at nais nitong ipaalala ang tinig na maraming beses ko ng narinig. Ngunit ipinikit ko ang mga mata ko at sinabi kong 'imposible'. Nagpatuloy ako sa paglakad palayo sa lobby dahil sa dami ng tao. Halos mapasigaw ako ng may mga bisig na humaklit sa aking manipis na katawan. Para lamang akong papel na hinatak at ikinulong sa kanyang matipunong bisig. Tinukop niya ang aking bibig. "Za-Zarina" alam kong imposible pero he
Umuwi si Zarina kasama si Rayne ang isang hindi inaasahang bisita ni Regina. Sa sala naroon si Regina habang may kung anong sinusulat sa kanyang notebook. Agad itong napatayo ng makita ang ina sa pintuan ng kanilang bahay. Sumalubong ito ng halik at yakap. "Mommy" sigaw ni Regina. "Masakit ang ulo ni MamyLa kaya andito ako nagwait saiyo. Sabi niya matutulog lang daw siya" "Ahmm, Regina anak may bisita tayo" panimula ni Zarina dahil sa totoo lang hindi niya alam kung paano sisimulan ang pagpapakilala nito kay Regina. Mula sa kanyang likuran ay lumabas si Rayne. Sinundan agad nito ng tingin ang lalaking sobrang tangkad. "Sino po siya? Another suitor?" tanong ni Regina at biglang kumunot ang noo ni Rayne sa pagkakarinig dito. "No Anak.. Actually siya ang Daddy mo?" ng masabi niya iyon ay ang kasunod noon ay ang paghinga niya malalim. Hindi pa rin siya makapaniwalang nasa kanyang harapan na ang kanyang ama. Lagi niya iton hinihiling na makilala at ngayong araw ay natupad na rin. Sin
'Sa bawat pagdampi ng kanyang labi, sa paghawak niya sa katawan ko hindi ba dapat wala na akong mararamdaman dahil lumipas na ang panahon na nagkaroon kami ng ugnayan? Ngunit bakit paulit-ulit na binabalikan ng aking isip at alaala' nagising akong pawis na pawis at hindi maipaliwanag na pakiramdam dahil simula ng magkita kami ni Rayne ay hindi na siya muli mawala sa isip ko. Matapos akong makapaghilamos ay lumakad ako palabas ng kwarto habang sinisimsim ang samyo ng naiwang pabango ni Rayne sa bahay na ito. Kahit ilang araw na ang nakakaraan simula ng araw na iyon. Alam kong may chance na hindi siya bumalik at mawala ulit magugulat pa ba ako? pero hinanap niya ako. Siya ang nakatuklas sa kinaroroonan ko. Hindi ko gustong mahanap niya ako pero kailangan ihanda ko ang sarili ko dahil mayroon siyang naiwang piraso na kailangan niyang balikan. He planned it that night. Nalulunod ako sa aking sariling iniisip ng biglang sumulpot ang isang lalaki na hindi ko inaasahan. Si Sebastian. He was i
Nasa Rancho sila Rayne at Aurora kasama ang ilan sa mga manggagawa. Hindi mapalagay si Aurora dahil maraming kumakagat sa kanyang niknik at malangaw kaya abot ang pag-pag niya sa kanyang floral dress. Sa isang sulok ay hindi mapigilan ni Sally ang kanyang pagtawa. Kaya ng makita siya ni Sergio ay agad siya nitong hinatak sa isang sulok."Nakukuha mo pang tumawa Ms. Santillan samantalang palagi mo nalang akong pinahihiya. Paano nalang kung nakita nila ang laman ng isa sa mga guest room" pagsusungit ni Sergio. Sinasabi niyaito habang piga-piga nito ang kanyang kamay."Aray! Nasasaktan ako..A-At Sino ang gusto mong sundin ko ikaw? o si Sir Rayne? You knew how much he lover her. Hindi siya papayag na maitapon at masunog ang lahat ng alaala nila ni Zarina" sagot ni Sally habang tinitignan niya ang mukha ni Sergio na puno ng inis sa kanya. At nakuha pa niyang asarin ito sa pamamagitan ng paglalabas ng dila nito.Hindi na muli pang nagsalita si Sergio dahil ang nagutos sa kanyang gawin iyon
Mababakas ang galit sa mukha ni Aurora lalo na ng biglang kumubli si Sally kay Rayne. Kaya muli niya itong sinugod this time humarang si Rayne. "Ano na naman ba ito Aurora?" sigaw ni Rayne "Huwag mong itago yang babaeng mak**i na 'yan" "Stop Aurora! Nakakahiya" "Ako pa ang nakahihiya. Lantaran kang nag-cheat sa akin tapos ako ang nakahihiya?" bago paman lumalala ang pag-iisterikal ni Aurora ay mabilis na siyang hinawakan ni Rayne at hinila pa akyat. Naiwang gulat na gulat si Sally ngunit ilang saglit lang ay binigyan siya ni Sergio ng ice bag. "Para saan 'to?" minostra nito ang pisngi niya. At sumunod siya rito sa kusina. "Kailan ka pa nag-aalala? Saka diko ito kailangan" Halatang galit pa itong si Sally sa pagmamagandang loob ni Sergio sa kanya. Nais niyang lumayo dito dahil kakampi ito sa bagong asawa ni Rayne. "Lagay mo 'yan namumula ang pisngi mo?. May problema sa temper si Maam Aurora?" paliwanag ni Sergio. Nanibago si Sally rito kaya minasdan niya ito. "May dumi ba sa mu
WARNING! Slight SPG. Some scenes are not suitable for young readers. READ at YOUR OWN RISK! Maagang pinatawag ni Aurora si Sergio sa teres. Wala noon si Rayne dahil huling araw nila sa Rancho kaya kailangan niyang magpaalam sa mga tauhan na nasa kanya-kanyang mga posisyon at lugar. Minabuti nalang niyang bisitahin ang mga ito. Ganyan siya ka hands-on pagdating sa kanyang inaalagaang negosyo. At ang mga taga-rancho ay hindi narin iba sa kanya kundi pamilya. Naiwan si Aurora kaya nagawa niyang makausap si Sergio ng palihim. Tinugon naman ito ni Sergio at ngayon ay kaharap niya si Aurora na labis ang inis. "Fire her and her mom!" maotorisado niyang utos kay Sergio. "Sino ho ba ang tinutukoy ninyo Madam?" "Sally and her Mom. Akala ko si Zarina lang ang tinik sa pagitan namin ni Rayne. Nais kong alisin ang lahat ng taong humahadlang sa amin ni Rayne at isa ang Sally na iyan. Bayaran mo para umalis" "Pero-" kumunot ang noo niya. "No buts Sergio. Aalisin ko lahat dahil ako lang dapat a
“Any plans?” sabi ni Zarina habang tinutulak niya ang wheelchair ni Rayne. “I’m blind at hindi ako makalakad para makapag-isip ng plans for this coming weekend,” sarkastikong sabi ni Rayne sa asawa. “Alam ko. Sumama na naman ang loob mo?” sabi ni Zarina. Umupo siya sa harap ni Rayne at hinaplos ang mukha nito. “No, I can’t do things on my own, Zarina,” muling sabi ni Rayne. “Hmm.. I’m sorry. Hindi lang ako makapaniwalang magkasama na tayo. Na nandito kana sa tabi ko at sa buhay namin ni Regina. Aalagaan kita, Babe,” paglalambing ni Zarina. Nakaupo sila sa may garden set at parehas silang nagpapaaraw ng mga oras na iyon. “Hindi ka nagsisisi na ganito na ako?” ng mga oras na iyon ay muling umagos ang luha ni Rayne. At pinunasan ni Zarina ang luha nito. “Hindi. Hindi nagbago ang pagmamahal ko sa iyo noon at hanggang-ngayon. Natatandaan ko ang lahat ng nangyari. Lalo na noong---” hindi na naituloy pa ni Zarina ang sasabihin ng biglang kapain ni Rayne ang kaniyang labi. “Babe, ako
Rayne’s POVNgayon lang ako naramdam ng matinding takot hindi para sa sarili ko kundi sa buhay ng magina ko. Hindi ko sila kayang protekhan laban kay Aurora. Ilang beses na akong muntikang mamatay at hindi ko alam kung bakit ako nanatiling buhay magpahanggang-ngayon. Noong bata pa ako miyembro ako ng isang grupo ng loan shark. Gulo at pananakit ang hatid namin sa ibang tao. At ng makita ang aking potensyal ay kinaha ako ng isang organisasyon para maging boy nila sa loob pero nangarap ako para sa nanay ko at isang araw hihigitan ko ang ama kong iniwan kami para sa babae niya. Umakyat ako sa pinakamataas na posisyon hanggang maging kanang kamay ako ng organisasyon. Gumaling sa paggamit ng ibat-ibang klase ng armas at nakasama sa lahat ng misyon pero muli ko ulit iniwan dahil sa ama kong biglang pumasok sa buhay namin. Nagbayad ako ng malaki para makaalis sa organisasyon at nangakong makikipagtulungan ngunit traydor ang oras. Bumaliktad ang lahat at sa unang pagkakataon ay kinailangan k
DUMATING sila sa unit ni Rayne ngunit walang bakas na nagpunta ito roon. Ang ayos ng unit ay nanatili sa ganoon simula ng umalis siya sa poder nito. Binuksan niya ang bawat ilaw roon. Binisita niya ang bawat sulok ‘non lalo na ang kanyang kuwarto.Naupo siya sa maliit niyang kama. At inalala ang unang beses niyang magising sa kuwartong ito. Gayundin ang gabi na nais na niyang tapusin ang kanyang buhay dahil sa sinisi pa siya ni Rayne sa nangyari. Hindi niya napigilan ang mapaluha at yakapin ang kanilang anak.“A-Anak bumalik na tayo kila Tita Sally mo, wala dito ang Daddy mo…” sabi niya sa anak.“Eh nasaan po ba talaga si Daddy? Sa bahay nila or sa sinasabi ni Anty Sally na rancho..baka naroon po si Daddy?” sabi ni Regina. Hindi parin sumusuko si Regina dahil sa kagustuhan nitong makita ang kaniyang ama.Nagsimulang makaramdam ng pagkainis si Zarina. “Uuwi na tayo. Regina! Mukhang ayaw na muna ni Daddy mo na makita tayo…hindi tayo maaaring magtagal dito at puntahan siya sa lugar na gu
Zarina POV His lies and his love para sa amin ng anak niya ang nangibabaw at importante sa kanya. Hindi ko na tiis na hindi siya yakapin at bulungan.“Come back to me, when its over. Maghihintay kami ni Regina,” sabi ko at tuluyan na nga kaming umalis ni Regina. Hindi ko alam kung paano niya ise-settle kay Aurora ang lahat. Pero naniniwala akong magiging ayos lang lahat. Isang tapik ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Oo, isang taon na ang nakararaan matapos ang pagsama namin kay Sergio. Halip na ibalik kami sa San Fabian ay hiniling ko sa kanyang dalhin kami sa isang lugar na makakapagsimula kami ni Regina. Dinala niya kami sa lugar na kung saan siya ipinanganak hindi ko lubusang kilala ang lalaking ito pero sa kanya kami ipinagkatiwala ni Rayne kaya binigay ko sa kanya ang tiwalang iyon. Nagulat nalang ako ng makita ang babaeng iyon na pinagselosan ko. Si Sally kasama ang kaniyang ina.Hindi nagkukuwento si Sergio tungkol sa nangyari ng araw na iyon. Hindi na rin siya bumisita
ZARINA POV Ang mga sinabi niya kagabi. Ang mga ipinagtapat niya at ang katotohanang ikinasal na siya. Oo kinasal kay Aurora. Inaasahan ko naman na ito, hindi ba?. Alam kong mag-aasawa siya balang-araw pero hindi ko inaasahang kukurot iyon sa puso ko. Galit dapat ang nararamdaman ko dahil sa kaniya nawala si Mommy Pie at babalik kami sa San Fabian para tuluyan ng putulin ang anumang koneksyon namin sa kanya. Ano ba ang balak niyang gawin? Papatayin niya ba ang babaeng iyon at tatapusin narin niya ang kanyang buhay? Iyon na ba ang naiisip niyang solusyon? Hindi parin siya nagbabago. Ang Rayne Madrigal na kilala ko noon at magpahanggang-ngayon ay nais parin ang mga solusyon na alam niyang lilikha ng pangit na katapusan. Pero hindi na ba talaga namin siya makikita ulit pagkatapos nito? Paulit-ulit kong tanong sa aking isip. Hanggang sa makita ko siyang nagluluto ng pagkain namin. Paano kaya kung hindi siya umalis ng gabing iyon? Kung hindi niya ako iniwan? Isang pamilya parin kaya kami?
“I think isa ako sa nais mong kalimutan. I’m sorry, Zarina sa mga nangyari sa buhay mo ng dahil sa akin,” sabi ni Rayne.“Ano ang totoong nangyayari? Kaya mo ba nais na maisama kami malayo sa San Fabian dahil alam mong mangyayari ito? Alam kong alam mo ang nangyayari!” sabi ni Zarina.“I want you and Regina safe… because---. I’m already married to Aurora!” sabi ni Rayne.Hindi niya nais na sabihin kay Zarina ang totoo pero hanggang kailan niya ito itatago.“To Aurora!” sabi ni Zarina.“Nagpakasal ako dahil kay Mama. Sinagip niya ang nalulugi naming kumpaniya at sa pagpapagamot ko. Nang malaman ko na nagkaanak tayo nais kong mabuo ang pamilyang minsan ko ng iniwan at sinira. Hindi ko akalaing aabot sa ganito. Nalaman niya na nagkaanak tayo. Gagawin niya ang lahat para mawala ka lang at si Regina. Hindi ako papayag na ganon ang mangyari..” salaysay ni Rayne.“So, si Aurora pala ang may kagagawan ng lahat. R-Rayne.. hindi na tayo mabubuo kahit pa iwanan mo na si Aurora. May sari-sarili
"ZARINA! Z-Zarina!” bulong ni Rayne kay Zarina. Napabalikwas ng bangon si Zarina ng mabalik sa kanya ang kasalukuyang sitwasyon na nasa Santa Inez sila at nagtatago mula sa mga taong walang habas na namaril sa kanilang bahay.“R-Rayne?” usal niya.“Tulog pa si Regina. Pupunta ako sa bayan para makabili ng mga stocks natin dito. Medyo malayo pero promise me na hindi kayo aalis ni Regina dito,” sabi ni Rayne.“At saan naman kami pupunta?” sabi niya ng may pagsusungit.Napabuntong hininga na lamang si Rayne sa inaasal ni Zarina. Alam niyang nagluluksa parin ito sa pagkamatay ni Pie. Bago siya umalis ay kinintalan muna niya ng halik si Regina sa noo.Niyakap niya ang sarili ng marinig na lumabas na si Rayne.Nilibot niya ang kabuuan ng bahay at naisip niyang ayusin ang buong bahay anong mangyayari sa kanila kung patuloy siyang magmumukmok. Isa lang ang ipagpapasalamat niya, iyon ay ligtas sila ni Regina. Niligpit niya ang mga gamit na kalat-kalat. Isang beses ay naikuwento si Rayne sa ka
Nakarating sila sa School na pinapasukan ni Regina. Napatingin si Zarina sa kanyang suot. May mga bahid ito ng dugo kaya ibinigay ni Rayne ang suot niyang suit.“Isuot mo muna ito,” sabi ni Rayne. At pinunasan niya ang luha ni Zarina na walang tigil sa pag-agos.“Si Mommy Pie? Iiwan nalang ba natin na ganon? Kailangan ko siyang Balika---” sabi ni Zarina.“Hindi ko alam kung bakit nila tayo gustong patayin kung babalik lang tayo ‘don parang hinarap nalang natin ang kamatayan natin. Kailangan ko kayong madala ni Regina sa safe na lugar. Kaya ngayon, pigilin mo ang luha mo at sunduin mo ang anak natin, please Zarina. Dito lang ako sa labas hihintayin ko kayo..” sabi ni Rayne.Pumasok si Zarina sa school ni Regina. Ilang sandali pa ay tumawag sa kanya. Napuno siya ng galit ng mabosesan ang nasa kabilang linya.“My beloved husband? Umaagos na ba ang dugo ng mag-ina mo?” sabi ng babae.“A-Aurora? Ikaw ba ang may pakana ng pamamaril sa bahay nila Zarina? Wala kana talaga sa tamang pagiisip?
Hindi umalis ng San Fabian si Rayne dahil nais niyang makagawa ng paraan na maisama ang kanyang mag-ina sa syudad. Labag man sa kalooban ng kanyang ina ay nais niyang bawiin si Zarina para mabuo ang pamilya ni Regina.Hindi naman makapapayag si Pie na hayaan na lamang si Rayne sa nais nito. Kaya ng makaalis si Zarina at Regina ay sinamantala niya ang pagkakataon na kausapin si Rayne ng sarilinan.“Hindi ka parin pala umaaalis, Mr. Madrigal,” paglabas ni Pie ng silid nito.“Hindi ko po basta nalang iiwan sila tulad ng dati,” sabi ni Rayne sa matanda.“Maayos na ang buhay ng alaga ko. Ngayon babalik ka at guguluhin mo na naman? Mr. Madrigal hindi lingid sa akin ang dinanas ni Zarina sa mga kamay mo. Pinahirapan mo siya at dinivorce na lang kahit alam mong ginahasa siya ng sarili mong kapatid. Si Zarina ay nagsimulang tumayo sa kaniyang mga paa ng wala ka. Ang kapal ng mukha mong bumalik?” hindi na napigilan ni Pie ang sarili.“Alam ko ang dinanas niya pero may dahilan ako kung bakit ko