Finally, she confronted this man. Tama na ang paligoy-ligoy. I can't love you back! Zarina is still sorting her indenial feelings hahaha pero sinasariwa ang amoy..weh girl. Which is acceptable and true nge? basta she can't able to receive and gave back, Sebastian wag makulit!
Nasa Rancho sila Rayne at Aurora kasama ang ilan sa mga manggagawa. Hindi mapalagay si Aurora dahil maraming kumakagat sa kanyang niknik at malangaw kaya abot ang pag-pag niya sa kanyang floral dress. Sa isang sulok ay hindi mapigilan ni Sally ang kanyang pagtawa. Kaya ng makita siya ni Sergio ay agad siya nitong hinatak sa isang sulok."Nakukuha mo pang tumawa Ms. Santillan samantalang palagi mo nalang akong pinahihiya. Paano nalang kung nakita nila ang laman ng isa sa mga guest room" pagsusungit ni Sergio. Sinasabi niyaito habang piga-piga nito ang kanyang kamay."Aray! Nasasaktan ako..A-At Sino ang gusto mong sundin ko ikaw? o si Sir Rayne? You knew how much he lover her. Hindi siya papayag na maitapon at masunog ang lahat ng alaala nila ni Zarina" sagot ni Sally habang tinitignan niya ang mukha ni Sergio na puno ng inis sa kanya. At nakuha pa niyang asarin ito sa pamamagitan ng paglalabas ng dila nito.Hindi na muli pang nagsalita si Sergio dahil ang nagutos sa kanyang gawin iyon
Mababakas ang galit sa mukha ni Aurora lalo na ng biglang kumubli si Sally kay Rayne. Kaya muli niya itong sinugod this time humarang si Rayne. "Ano na naman ba ito Aurora?" sigaw ni Rayne "Huwag mong itago yang babaeng mak**i na 'yan" "Stop Aurora! Nakakahiya" "Ako pa ang nakahihiya. Lantaran kang nag-cheat sa akin tapos ako ang nakahihiya?" bago paman lumalala ang pag-iisterikal ni Aurora ay mabilis na siyang hinawakan ni Rayne at hinila pa akyat. Naiwang gulat na gulat si Sally ngunit ilang saglit lang ay binigyan siya ni Sergio ng ice bag. "Para saan 'to?" minostra nito ang pisngi niya. At sumunod siya rito sa kusina. "Kailan ka pa nag-aalala? Saka diko ito kailangan" Halatang galit pa itong si Sally sa pagmamagandang loob ni Sergio sa kanya. Nais niyang lumayo dito dahil kakampi ito sa bagong asawa ni Rayne. "Lagay mo 'yan namumula ang pisngi mo?. May problema sa temper si Maam Aurora?" paliwanag ni Sergio. Nanibago si Sally rito kaya minasdan niya ito. "May dumi ba sa mu
WARNING! Slight SPG. Some scenes are not suitable for young readers. READ at YOUR OWN RISK! Maagang pinatawag ni Aurora si Sergio sa teres. Wala noon si Rayne dahil huling araw nila sa Rancho kaya kailangan niyang magpaalam sa mga tauhan na nasa kanya-kanyang mga posisyon at lugar. Minabuti nalang niyang bisitahin ang mga ito. Ganyan siya ka hands-on pagdating sa kanyang inaalagaang negosyo. At ang mga taga-rancho ay hindi narin iba sa kanya kundi pamilya. Naiwan si Aurora kaya nagawa niyang makausap si Sergio ng palihim. Tinugon naman ito ni Sergio at ngayon ay kaharap niya si Aurora na labis ang inis. "Fire her and her mom!" maotorisado niyang utos kay Sergio. "Sino ho ba ang tinutukoy ninyo Madam?" "Sally and her Mom. Akala ko si Zarina lang ang tinik sa pagitan namin ni Rayne. Nais kong alisin ang lahat ng taong humahadlang sa amin ni Rayne at isa ang Sally na iyan. Bayaran mo para umalis" "Pero-" kumunot ang noo niya. "No buts Sergio. Aalisin ko lahat dahil ako lang dapat a
Mabigat sa kanyang kalooban ang umalis ng hindi nareresolba ang nangyaring pagpapaalis kila Sally sa Rancho. Alam niya kung gaano ka mahal ng magina ang lugar na iyon. Pero hindi niya magawang baliin ang utos ni Aurora. Paano nalang niya mapoprotektahan ang kanyang mag-ina kung sakaling malaman na ni Aurora ang pagkakaroon ng anak kay Zarina. Maaaring sa ngayon ay tahimik ang buhay ng magina ngunit darating ang oras na hindi na ito magiging katulad ng dati. Nang araw na iyon kinausap niya ang kanyang ina. "Anak. May nangyari nanaman ba at simula ng dumating kayo dito ay hindi na matahimik ang asawa mo. Laging aligaga at may kausap sa telepono?" "Mom, I want a divorce. Kahit na bawiin niya ang lahat ng ito sa akin" "Naloloko kana ba? Hinahanap mo na naman ba ang babaeng iyon? Hindi kana natuto. Please Rayne bibitawan mo nalang ba ang lahat ng ito para sa babaeng iyon na hindi ka naman mahal" "Look, Mom kung hindi ninyo ako pinilit na umalis ng gabing iyon. Zarina and I might be a h
Hindi umalis ng San Fabian si Rayne dahil nais niyang makagawa ng paraan na maisama ang kanyang mag-ina sa syudad. Labag man sa kalooban ng kanyang ina ay nais niyang bawiin si Zarina para mabuo ang pamilya ni Regina.Hindi naman makapapayag si Pie na hayaan na lamang si Rayne sa nais nito. Kaya ng makaalis si Zarina at Regina ay sinamantala niya ang pagkakataon na kausapin si Rayne ng sarilinan.“Hindi ka parin pala umaaalis, Mr. Madrigal,” paglabas ni Pie ng silid nito.“Hindi ko po basta nalang iiwan sila tulad ng dati,” sabi ni Rayne sa matanda.“Maayos na ang buhay ng alaga ko. Ngayon babalik ka at guguluhin mo na naman? Mr. Madrigal hindi lingid sa akin ang dinanas ni Zarina sa mga kamay mo. Pinahirapan mo siya at dinivorce na lang kahit alam mong ginahasa siya ng sarili mong kapatid. Si Zarina ay nagsimulang tumayo sa kaniyang mga paa ng wala ka. Ang kapal ng mukha mong bumalik?” hindi na napigilan ni Pie ang sarili.“Alam ko ang dinanas niya pero may dahilan ako kung bakit ko
Nakarating sila sa School na pinapasukan ni Regina. Napatingin si Zarina sa kanyang suot. May mga bahid ito ng dugo kaya ibinigay ni Rayne ang suot niyang suit.“Isuot mo muna ito,” sabi ni Rayne. At pinunasan niya ang luha ni Zarina na walang tigil sa pag-agos.“Si Mommy Pie? Iiwan nalang ba natin na ganon? Kailangan ko siyang Balika---” sabi ni Zarina.“Hindi ko alam kung bakit nila tayo gustong patayin kung babalik lang tayo ‘don parang hinarap nalang natin ang kamatayan natin. Kailangan ko kayong madala ni Regina sa safe na lugar. Kaya ngayon, pigilin mo ang luha mo at sunduin mo ang anak natin, please Zarina. Dito lang ako sa labas hihintayin ko kayo..” sabi ni Rayne.Pumasok si Zarina sa school ni Regina. Ilang sandali pa ay tumawag sa kanya. Napuno siya ng galit ng mabosesan ang nasa kabilang linya.“My beloved husband? Umaagos na ba ang dugo ng mag-ina mo?” sabi ng babae.“A-Aurora? Ikaw ba ang may pakana ng pamamaril sa bahay nila Zarina? Wala kana talaga sa tamang pagiisip?
"ZARINA! Z-Zarina!” bulong ni Rayne kay Zarina. Napabalikwas ng bangon si Zarina ng mabalik sa kanya ang kasalukuyang sitwasyon na nasa Santa Inez sila at nagtatago mula sa mga taong walang habas na namaril sa kanilang bahay.“R-Rayne?” usal niya.“Tulog pa si Regina. Pupunta ako sa bayan para makabili ng mga stocks natin dito. Medyo malayo pero promise me na hindi kayo aalis ni Regina dito,” sabi ni Rayne.“At saan naman kami pupunta?” sabi niya ng may pagsusungit.Napabuntong hininga na lamang si Rayne sa inaasal ni Zarina. Alam niyang nagluluksa parin ito sa pagkamatay ni Pie. Bago siya umalis ay kinintalan muna niya ng halik si Regina sa noo.Niyakap niya ang sarili ng marinig na lumabas na si Rayne.Nilibot niya ang kabuuan ng bahay at naisip niyang ayusin ang buong bahay anong mangyayari sa kanila kung patuloy siyang magmumukmok. Isa lang ang ipagpapasalamat niya, iyon ay ligtas sila ni Regina. Niligpit niya ang mga gamit na kalat-kalat. Isang beses ay naikuwento si Rayne sa ka
“I think isa ako sa nais mong kalimutan. I’m sorry, Zarina sa mga nangyari sa buhay mo ng dahil sa akin,” sabi ni Rayne.“Ano ang totoong nangyayari? Kaya mo ba nais na maisama kami malayo sa San Fabian dahil alam mong mangyayari ito? Alam kong alam mo ang nangyayari!” sabi ni Zarina.“I want you and Regina safe… because---. I’m already married to Aurora!” sabi ni Rayne.Hindi niya nais na sabihin kay Zarina ang totoo pero hanggang kailan niya ito itatago.“To Aurora!” sabi ni Zarina.“Nagpakasal ako dahil kay Mama. Sinagip niya ang nalulugi naming kumpaniya at sa pagpapagamot ko. Nang malaman ko na nagkaanak tayo nais kong mabuo ang pamilyang minsan ko ng iniwan at sinira. Hindi ko akalaing aabot sa ganito. Nalaman niya na nagkaanak tayo. Gagawin niya ang lahat para mawala ka lang at si Regina. Hindi ako papayag na ganon ang mangyari..” salaysay ni Rayne.“So, si Aurora pala ang may kagagawan ng lahat. R-Rayne.. hindi na tayo mabubuo kahit pa iwanan mo na si Aurora. May sari-sarili