CHAPTER 66 Halos masiraan ng ulo si Castiel habang pinapanood ang mga nagkakagulong doktor sa loob ng ER sa pag-revive kay Kismo. Ilang beses na nag-flat line ang aparato at literal na pinanginigan siya ng tuhod nang makitang nawalan ito ng hininga. Mabibilis ang kilos ng mga doktor at halos hindi siya humihinga sa bawat pagtama ng de-kuryenteng aparatong iyon sa maliit na katawan ng bata. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang walang tigil sa pagbuhos ng luha sa kanyang mga pisngi. Hindi galing sa kanya si Kismo pero nang oras na nagdisisyon siyang kunin ito at patirahin sa poder niya, anak niya na ito. Pinangako niya na sa kanyang sarili na mamahalin at aalagaan niya ang bata katulad ng mga ginawa ni Luis. Si Luis. Hindi lang isang beses nitong pinatunayan sa kanya na kahit anak si Kismo nang taong bumababoy sa babaeng mahal na mahal nito ay inaari nitong sarili ang bata. Kasama nila si Luis nang p
CHAPTER 67(EXTRA CHAPTER) “Manahimik ka, Bata!” bulyaw ng balbas saradong tauhan ni Donatello na nakabantay kay Kismo. Kanina pa ito naririndi sa batang hindi nito alam kung bakit pinag-iinteresan ng pinuno ng sindikato. “Ayaw ko sa ‘yo. Ibalik mo ako sa Mama ko. Bad ka talaga!” hagulhol ni Kiso habang nakasalampak siya sa sahig ng kwartong pinagdalhan sa kanya. “Sinabing manahimik ka! Kanina pa nakukulili ang tainga ko sa ‘yo! Anong gusto mo, ha?” Napasigaw siya at mas lumakas ang iyak nang daklutin ng lalaki ang kanyang buhok at gigil na sinabunutan. “Huwag kang aastang boss dito dahil wala ka sa inyo.” “B-Balik mo na ako sa mama ko. Lagot ka sa mama ko at sa daddy ko.” “Lagot? Ang nanay mo ang lagot sa akin. Walang-wala iyon kay Boss,” sagot nito at dinuro pa ang bata. “Kapag nakuha na namin ang kailangan ni Boss sa kanya, ididispatsa ka na rin namin.” “Bad ka!” Mas lalong n
CHAPTER 68 (UNCLEARED SCENES—JONELYN’S POINT OF VIEW) Namumulang napayuko si Jonelyn nang magtama ang mata nila ni Luis na nakaupo sa sulok ng cafeteria kasama ang mga kaibigan nito. They’re having a mutual understanding for a month now and she can’t still can’t get used to his stares. Ang hilig-hilig kasi nitong titigan siya at purihin na ang ganda-ganda niya. Madalas naman niya iyon marinig sa kanyang mga ka-eskwela at sa ibang tao ngunit iba pa rin kapag mula sa bibig nito niya naririnig. Kinse pa lang ay may hubog na ang kanyang katawan at nangingibabaw na ang ganda nila ng kanyang kakambal. Madalas nga ay napagkakamalan silang anak ng foreigner dahil sa pagiging mestisa. “Jo, ang kakambal mo!” napalingon siya sa kaibigang si Loeline nang hangos na dumating ito. “Nakikipagbasag-ulo na naman.” “Ano?” Napatayo siya sa narinig. Agad niyang kinuha ang kanyang bag at nauna pang lumabas sa cafeteria para punta
CHAPTER 69 (PART 1) Walang ideya si Jonelyn kung bakit ganon na lang kadaling makuha niya si Castiel. Sinadya niya lang banggain ito at nagtuloy-tuloy na ang pagkikita nila. Masydo rin papansin at hindi sa paga-asume ngunit alam niyang sinusundan siya nito palagi upang kunin lang ang kanyang atensyon. Niligawan siya nito ng tatlong araw na agad niya namang sinagot. Nahihiya siya sa sarili niya dahil sa panloloko rito. Ngunit mas nangingibabaw ang kagustuhan niyang huwag makaramdam ng sakit ng katawan dahil mabibigyan niya ng pera ang kanyang mga magulang—hindi na siya pag-iinitan ng mga ito. “I have something for you,” nakangiting wika ni Castiel nang magkita sila kinahapunan sa pinakamalapit na restaurant ng unibersidad. Ibinigay nito sa kanya ang paper bag na may pamilyar na logo. “Oh my!” kunwaring gulat niyang bulalas nang makita ang mamahaling kwintas na tinitingnan niya noong isang araw. Sinadya niya talagan
CHAPTER 69 (PART 2)Namula man sa pagkapihiya sa konklusyon nito ay hindi na siya umangal pa. Walang lingon-likod na nilisan nila ang restaurant. Katulad ng sinabi nito ay binilhan nga siya ng gamot at alcohol. Hindi lang mayaman at gwapo si Revamonte, maalaga rin at malambing. Nandito na ang lahat ng katangian ng isang lalaking madalas pinapangarap ng mga babae. Swerte na niya sana at kinaiingitan siya subalit hindi naman ito si Luis. Para sa kanya, walang-wala ito sa lalaking mahal niya. Kahit bigyan pa siya nito ng mga material na bagay at halos ito na ang gumastos ng lahat ng pangangailangan niya, hindi pa rin nito mapapantayan si Luis. There’s no butterfly in her stomach, no heat nor safety whenever Luis is around. Isang linggo niyang hindi nakita si Luis sa unibersidad. Nag-aalala siya rito dahil nang tinanong niya ang mga kaibigan nito ay hindi raw pumapasok ang lalaki. Scholar si Luis ng unibersidad at alam niyang mah
Chapter 70 Takot siya sa banta ng kaniyang ama ngunit mas nangingibabaw ang kapasukan at pagkagusto niyang makasama si Luis. Rinig niya ay nagte-training na si Castiel sa pagpapatakbo ng kompanya ng pamilya nito sa Maynila kaya ay madalas itong sumama sa mga magulang sa Maynila. Iyon ang kinukuha niyang tyempo para makipagkita kay Luis. Ilang beses ng may nangyari sa kanila at pakiramdam ni Jonelyn ay ayaw na niyang matapos pa iyon. Gusto na niyang tapusin ang panloloko niya kay Revamonte para tuluyan ng maging buong-buo siya kay Luis. Subalit, hindi niya magawa dahil sa konsekwensyang kanyang kahaharapin. Minsan, naiisip niya na kung nasa tabi kaya niya ang kakambal ay malalagay kaya siya sa sitwasyon niya ngayon? Mas naging tago ang pagkikita nila ni Luis. May mga pagkakataon pa na sa mismong unibersidad sila nagnanakaw ng sandali. “Ipapakilala mo ako sa mga magulang mo?” paulit na bulala ni Jonelyn sa sinabi ni Castiel. Sa
CHAPTER 71 Ilang araw pa ang nakalipas bago siya kinontak ni Luis. Magkita raw sila sa bahay nito. Dala ng excitement ay hindi na niya naisip pa si Castiel. Pumara siya ng dumaang taxi at nagpahatid sa bahay ni Luis. Nang makarating ay agad siyang nagpaliwanag kay Luis. Tama nga ang hula niyang binugbog nito si Reynald dahil bakas pa ang sugat sa kamay ng lalaki Hindi niya alam kung naniniwala ba ito sa kanya dahil nanatili pa rin mariin magkalapat ang mga labi habang matiim ang titig sa kanya. Ang paliwanagan ay nauwi na naman sa mainit na sandali sa pagitan nila ni Luis. Ramdam niya ang panggigigil nito sa kanya sa bawat h alik at haplos nito. Maging nang hiniga siya nito sa kama ay madiin ang pagkakadagan sa kanya. Kinuha pa nito ang mga kamay niya at ipininid sa kanyang ulunan habang hawak-hawak ang kanyang mga palapulsuhan. “Akin ka lang, Jonelyn. Akin lang,” tila hibang ang nanga-angkin nitong tinig habang p
CHAPTER 72(SPG!!! CONTAINS VIOLENCE) Nanginginig ang kanyang kalamnan habang tulala si Jonelyn sa madilim na seldang kanyang kinaroroonan. Parang kahapon lang ay masaya pa sila ng kakambal na nagkekwentuhan at tumatawa siya sa mga biro nitong hindi niya alam kung saan nito nakuha. Parang kahapon lang ay naroroon pa ang mga kilig sa tuwing nahuhuli niyang nakatingin sa kanya ang lalaking matagal na siyang gusto at natutunan niya na ring mahalin—si Luis. Parang kahapon lang ay parang prinsesa ang turing sa kanya ng kanyang mga magulang dahil matataas ang grado niya sa eskwela, palagi siyang may inuuwing medalya… Sa isang kisap-mata, naglaho lahat ng iyon. Simula ng umalis si Joana, ay sinalo na niya ang lahat ng kamalasan na pwede niyang saluhin. Ni sa panaginip ay hindi niya nakita ang sariling darating ang araw na malalagay siya sa literal na impyerno. May mga alagad ng d emonyo at ang s atanas ay si Donatello. D
EPILOGUE 8 YEARS LATER “Happy Birthday, Baby!” “Thank you, Mom.” Masuyo niyang hinawakan ang pisngi ni Celine at mangiyak-ngiyak na nagsalita. “You’re so grown up now. Where did the years go? Eighteen ka na. Sa susunod, magkaka-boyfriend na. Mag-aasawa, magkaka-baby na rin.” “Mom,” reklamo ni Celine sa kanya. “You’re so advance naman mag-isip. Emosyonal na pinunasan niya ang mga luha at natawa. It’s Celine’s eighteenth birthday. Hinandaan ng engrandeng debut ang panganay na apo ng mga Revamonte sa mansyon. Ang ganda-ganda ng baby Celine niya sa yellow ball gown nito. Parang prinsesa. Datil ang ang liit-liit pa lang nito at iyak nang iyak. Sinasabayan niya pa dahil hindi siya marunong mag-alaga ng bata nang mga panahong iyon. Datil ang ang kulit-kulit nito, pilyang-pilya at nakikipagrambulan sa mga kaklase noong grades school. Pero ngayon, malaki na si Celine, Responsible, matalino, hindi siya bi
PERFECT MISTAKE 55 Killian smiled at Celine when the little girl saw him in front of her classroom. Nanunubig ang mga matang nagtatakbo ito papunta sa kanya. “Daddy!” hagulhol ni Celine nang literal na itinapon nito sa kanya ang sarili para yakapin siya ng mahigpit. “Hey,” puno ng lambing na hinaplos niya ang buhok ng kanyang anak. His baby. Celine is his. Totoong sa kanya at hindi lang dahil gusto nitong maging daddy siya. Bakit hindi niya agad na anak niya si Celine? Noon pa man naramdaman na niya ang lukso ng dugo rito nang unang beses nilang nagkita. Pero inisip niya na dahil lang kapatid niya rin ito sa ama. Hindi ito kay Castiel nagmana, sa kanya. Siya ang kamukha ng baby niya at hindi ang daddy niya o si Nadia. “Daddy, thank you po sa pagpunta. Sama ka na po sa akin sa house.” Maingat niyang iniluhod ang isang tuhod sa lupa at pinakatitigan ang anak. Mine-memorya niya ang mukha ni Celine
PERFECT MISTAKE 54 Nangingig pa ang mga kamay ni Rosey nang kunin niya ang inabot ni Thor na panyo upang punasan ang kanyang mga luha. “You okay?” mahinahon nitong tanong sa kanya at bahagya pang yumuko upang silipin siya. Sumigok-sigok pa siya bago tumango sabay punas ng luha. Kapagkuwan ay tiningala niya ang lalaki, humihingi ng pasenysa ang mga mata. Thor chuckled and pinched her cheek. “It’s fine.” Nag-init ang kanyang mga pisngi. Hinalikan niya na lang basta si Thor kanina. “S-Sorry, Thor. B-Baka magalit… ako na lang ang magpapaliwanag sa kanya.” “It’s fine, Rose. Sasabihin ko naman na sa kanya. If ever there is a problem and I need your help, tatawagan kita.” He blew a hard breath and laughed again. “At least, tapos na ako sa utos ni Kien Massimo. One down, more to go from others.” Naawa kay Thor na lumabi siya. “Okay lang ba sa ‘yong inuutus-utusan ka ng mga ‘yon?
PERFECT MISTAKE 53 Hindi mapakali—pabalik balik sa paglalakad si Killian habang hinihintay na magising si Rosemarie. Tuluyan itong hinimatay sa taas ng lagnat. He felt so guilty taking her multiple times despite he knew the woman was unbelievably tight. Obviously, his flower doesn’t have any sexual intercourse for years. Halos maulol siya nang madiskubre iyon. Hindi niya napigilan ang sarili na angkinin ito nang paulit-ulit. Adik na adik siya, kaunting galaw lang nito kagabi sa tabi niya, nabubuhay ulit ang init sa kanyang katawan. Gadamnit! He’s addicted and so in love with her. Papakasalan niya na ito, wala na talaga siyang pakialam kung may nakaraan ito at ang daddy niya. Babanggain niya ang lahat ng tututol. H umalik siya sa noo ni Rose bago napagdisisyunang kukuha lang saglit ng kape sa labas. Wala pa siyang kahit almusal man lang. Sinugod niya agad si Rosey sa hospital nang makitang nagdidiliryo
PERFECT MISTAKE 52ESPEGEE!!! Small moans were coming from Rosey’s mouth while Killian’s long fingers rubbed her femininity. Every move of his fingers creates an unexplainable sensation. “Wet. D-mn wet,” may gigil nitong bulalas habang nasa ibabaw niya. Katulad nang kung paano ito nanggigil kanina nang makitang magkasayaw sila ni Dwight sa dance floor. In front of the guest, he rudely stole her from Dwight’s arms and dragged her out of the hall. Natagpuan na lang niya ang sarili na nakikipagpalitan ng maiinit na h alik dito sa loob ng kotse—sa parking lot. Iniyakap niya ang mga braso sa leeg ni Killian. Dumilim ang mga mata nito sa pagnanasa nang kusa niyang iginalaw ang balakang upang ikiskis ang sarili sa daliri nito. “Uh…” Umuklo ito sa kanya hanggang sa lumapat ang mainit nitong labi sa kanyang leeg. She heard him sniff before s ucking the most sensitive part of her neck. “Ahh…” Inilipa
PERFECT MISTAKE 51.2 Kung hindi pa sumulpot ang staff sa bungad ng veranda, hindi pa makakalma si Nadia. Mahigpit siya nitong niyakap habang panay ang sabi ng ‘sorry’ sa kanya. “Our guest arrived, Ma’am Nady.” “Thank you, Gine. Handa na rin ba ang cake?” parang walang nangyaring balik sa pagiging sopistikada ang ekspresyon ng kapatid ni Killian. “Yes, Ma’am. Two different flavors just like what you instructed to us.” Nang tuluyan silang makapasok sa loob, narinig niya agad ang masaya ngunit umiiyak na boses ni Tita Joana. Napakurap-kurap siya nang makita niya ang dalawang babaeng magkamukhang-magkamukha. Pareho silang nakanganga ni Celine sa dalawang babae habang palipat-lipat ang tingin sa mga ito. “Mommy, bakit po dalawa ang Mama-Ganda? Panaginip ba ‘to?” “Kismo,” tawag ng babae—na sigurado siyang si Tita Joana dahil sa suot nito—matapos humiwalay sa mahigpit na yakap ng kakambal. “Thank you so much for bringing her to me.” Ma
PERFECT MISTAKE 51.1 It’s Joana Revamonte’s birthday. Sa Almeradez Hotel piniling mag-celebrate ng ginang. Tinawagan nito si Rosey nang nakaraan para sabihing na dumalo siya at isama si Celine. Ilang buwan na rin na hindi sila nag-uusap ng babae. Minsan, naiisip niya na galit din ito sa kanya dahil tinawag niya itong makasarili. Napagtanto niyang mali siya roon. Dahil kahit sinong ina ay magiging makasarili para sa kapakanan ng anak. “Wow, Mommy. I love the lights.” Mahina siyang natawa at hinaplos ang buhok ni Celine. “That’s chandelier, Baby. Di ba may ganyan din sina Papa-Uncle mo?” “Opo, pero hindi ko pa nakikitang may light.” Hinawakan niya ang kamay ni Celine nang pumasok sila sa entrada ng Almeradez Hotel. “Mama Ganda,” excited na sigaw ni Celine at sinalubong ng yakap ang birthday celebrant. “Hey, Celine. Ang ganda naman ng baby ko.” Yumuko ang ginan
PERFECT MISTAKE 50 “Where have you been?” tanong ng malamig na boses sa kanyang likuran. Kalmadong kinuha niya ang bag sa backseat ng kotse at hinarap si Killian na prenteng nakasandal sa poste ng teresa ng kanyang bahay. “Nag-overtime ako. Nasaan si Celine?” Humithit ito sa sigarilyong may sindi na nakaipit sa daliri nito. “You’ve been working overnight theses past few days. Don’t you think you’re being a good example to our daughter?” “Nag-usap na kami tungkol dito dati pa.” Dumaan siya sa gilid nito bago pa man makasagot sa kanya. “Celine understands you,” sunod nito hanggang kusina, “but how long? Pati umaga hindi ka na niya nakikita. You always leave early.” “Ang dami kong trabahong inaasikaso, Kil.” Nagtataka siya kung bakit katulad niya, nanatiling kalmado ang boses ni Killian. Parang pigil na pigil na maging galit ang tono. “Have you eaten?” Napapiki
PERFECT MISTAKE 49.2 “Daddy, bakit po tulala ikaw?” Umakyat si Celine sa kandungan niya habang nakahiga siya sa lounge chair kaharap ng malawak na dagat. “Kanina pa po ako salita nang salita, hindi ka naman nakikinig sa akin.” Bumangon si Killian at inayos si Celine sa pagkakaupo nito. “Sorry, Peanut. Where’s your mom?” “Hindi pa po nalabas sa villa.” Tumingala ito na parang nag-iisip. “May sakit po si Mommy ko, Daddy? Hindi po kasi siya nagi-smile. Tapos iyong lakad niya parang pilay siya. Masakit ba body niya?” Hindi agad nakapagsalita si Killian. Titig na titig siya kay Celine. May kung ano sa kanya na hinahanap sa mukha ng bata. Subalit, kahit anong titig niya rito ay hindi niya masabi kung ano. There’s something in him that wants to confirm about Rose’s reaction through Celine. “Daddy,” may tono na ang reklamo ni Celine. Kulang na lang ay pumadyak ito. “You and Mommy are so weird talaga po t