TRIGGER WARNING!! Kung ayaw niyo magbasa na may mga violence sa book, please leave muna at huwag niyo ng basahin ito. We all know naman sa mga previous chapter kung ano ang nangyari kay Jonelyn. So please, skip the upcoming parts untiil Kismo's kung ayaw mong may ma-trigger sa 'yong trauma, fears etc....
CHAPTER 69 (PART 1) Walang ideya si Jonelyn kung bakit ganon na lang kadaling makuha niya si Castiel. Sinadya niya lang banggain ito at nagtuloy-tuloy na ang pagkikita nila. Masydo rin papansin at hindi sa paga-asume ngunit alam niyang sinusundan siya nito palagi upang kunin lang ang kanyang atensyon. Niligawan siya nito ng tatlong araw na agad niya namang sinagot. Nahihiya siya sa sarili niya dahil sa panloloko rito. Ngunit mas nangingibabaw ang kagustuhan niyang huwag makaramdam ng sakit ng katawan dahil mabibigyan niya ng pera ang kanyang mga magulang—hindi na siya pag-iinitan ng mga ito. “I have something for you,” nakangiting wika ni Castiel nang magkita sila kinahapunan sa pinakamalapit na restaurant ng unibersidad. Ibinigay nito sa kanya ang paper bag na may pamilyar na logo. “Oh my!” kunwaring gulat niyang bulalas nang makita ang mamahaling kwintas na tinitingnan niya noong isang araw. Sinadya niya talagan
CHAPTER 69 (PART 2)Namula man sa pagkapihiya sa konklusyon nito ay hindi na siya umangal pa. Walang lingon-likod na nilisan nila ang restaurant. Katulad ng sinabi nito ay binilhan nga siya ng gamot at alcohol. Hindi lang mayaman at gwapo si Revamonte, maalaga rin at malambing. Nandito na ang lahat ng katangian ng isang lalaking madalas pinapangarap ng mga babae. Swerte na niya sana at kinaiingitan siya subalit hindi naman ito si Luis. Para sa kanya, walang-wala ito sa lalaking mahal niya. Kahit bigyan pa siya nito ng mga material na bagay at halos ito na ang gumastos ng lahat ng pangangailangan niya, hindi pa rin nito mapapantayan si Luis. There’s no butterfly in her stomach, no heat nor safety whenever Luis is around. Isang linggo niyang hindi nakita si Luis sa unibersidad. Nag-aalala siya rito dahil nang tinanong niya ang mga kaibigan nito ay hindi raw pumapasok ang lalaki. Scholar si Luis ng unibersidad at alam niyang mah
Chapter 70 Takot siya sa banta ng kaniyang ama ngunit mas nangingibabaw ang kapasukan at pagkagusto niyang makasama si Luis. Rinig niya ay nagte-training na si Castiel sa pagpapatakbo ng kompanya ng pamilya nito sa Maynila kaya ay madalas itong sumama sa mga magulang sa Maynila. Iyon ang kinukuha niyang tyempo para makipagkita kay Luis. Ilang beses ng may nangyari sa kanila at pakiramdam ni Jonelyn ay ayaw na niyang matapos pa iyon. Gusto na niyang tapusin ang panloloko niya kay Revamonte para tuluyan ng maging buong-buo siya kay Luis. Subalit, hindi niya magawa dahil sa konsekwensyang kanyang kahaharapin. Minsan, naiisip niya na kung nasa tabi kaya niya ang kakambal ay malalagay kaya siya sa sitwasyon niya ngayon? Mas naging tago ang pagkikita nila ni Luis. May mga pagkakataon pa na sa mismong unibersidad sila nagnanakaw ng sandali. “Ipapakilala mo ako sa mga magulang mo?” paulit na bulala ni Jonelyn sa sinabi ni Castiel. Sa
CHAPTER 71 Ilang araw pa ang nakalipas bago siya kinontak ni Luis. Magkita raw sila sa bahay nito. Dala ng excitement ay hindi na niya naisip pa si Castiel. Pumara siya ng dumaang taxi at nagpahatid sa bahay ni Luis. Nang makarating ay agad siyang nagpaliwanag kay Luis. Tama nga ang hula niyang binugbog nito si Reynald dahil bakas pa ang sugat sa kamay ng lalaki Hindi niya alam kung naniniwala ba ito sa kanya dahil nanatili pa rin mariin magkalapat ang mga labi habang matiim ang titig sa kanya. Ang paliwanagan ay nauwi na naman sa mainit na sandali sa pagitan nila ni Luis. Ramdam niya ang panggigigil nito sa kanya sa bawat h alik at haplos nito. Maging nang hiniga siya nito sa kama ay madiin ang pagkakadagan sa kanya. Kinuha pa nito ang mga kamay niya at ipininid sa kanyang ulunan habang hawak-hawak ang kanyang mga palapulsuhan. “Akin ka lang, Jonelyn. Akin lang,” tila hibang ang nanga-angkin nitong tinig habang p
CHAPTER 72(SPG!!! CONTAINS VIOLENCE) Nanginginig ang kanyang kalamnan habang tulala si Jonelyn sa madilim na seldang kanyang kinaroroonan. Parang kahapon lang ay masaya pa sila ng kakambal na nagkekwentuhan at tumatawa siya sa mga biro nitong hindi niya alam kung saan nito nakuha. Parang kahapon lang ay naroroon pa ang mga kilig sa tuwing nahuhuli niyang nakatingin sa kanya ang lalaking matagal na siyang gusto at natutunan niya na ring mahalin—si Luis. Parang kahapon lang ay parang prinsesa ang turing sa kanya ng kanyang mga magulang dahil matataas ang grado niya sa eskwela, palagi siyang may inuuwing medalya… Sa isang kisap-mata, naglaho lahat ng iyon. Simula ng umalis si Joana, ay sinalo na niya ang lahat ng kamalasan na pwede niyang saluhin. Ni sa panaginip ay hindi niya nakita ang sariling darating ang araw na malalagay siya sa literal na impyerno. May mga alagad ng d emonyo at ang s atanas ay si Donatello. D
CHAPTER 73 “Ayaw ko sa batang ito. Ano bang hindi mo maintindihan?” galit na tanong ni Jonelyn kay Luis nang inagaw nito ang gamot na isusubo niya na sana kanina. Umiiyak siya sa frustrasyon at galit dahil hindi ibinabalik sa kanya ni Luis ang gamot na ang mahal mahal na nga ay illegal pa. “Anak mo iyan!” tumaas na rin ang boses ni Luis habang panay ang pigil sa kanyang pananakit. “Hindi ko ito anak. Anak ito ng d emonyo. Hindi sa akin.” Malakas niyang hinila ang palapulsuhan mula sa pagkakahawak nito. “Mas mabuti pang mamatay na lang siya dahil hindi ko kakayanin na makita ko ang batang may dugo at laman ng h ayop na iyon!” Humagulgol siya ng iyak sabay karipas ng takbo patungong kusina. Hinagilap ng kanyang kamay ang kutsilyo bago pa man siya mapigilan ni Luis. Akmang itatarak niya iyon sa sariling tiyan nang mapasigaw siya dahil sa pwersadong pagpilit ni Luis ng kanyang kamay dahilan para mabitawan niya ang kut
CHAPTER 74 Finding the Octavo house was not easy. Nalibot niya na yata ang buong Greece sa paghahanap ng natitirang matatapat na tauhan ng pamilyang Octavio na siyang tunay na pinagmulan nila ni Joana. ‘Ang pangit ng ugali ng Revamonte-ng ‘to. Gold digger ka raw. Paduguin ko ulit kaya ang matabil niyang bibig.’ Napangisi si Jonelyn sa gigil na gigil na text ni Joana sa kanya. Tumutugma ang simpleng mga salitang iyon sa ibinabalita sa kanya ni Luis na kulang na lang daw ay maggilitan ng leeg ang dalawa. “Are you Ms. Jonelyn Interino?” Napatingala siya nang marinig ang boses ng lalaki sa matigas at may accent pang English. Balbas-sarado ang lalaki na tantya niya ay lampas singkwenta na ang edad. Matangos ang ilong at halata ang dugong Greyego rito. “I am.” She removes her sunglass as she stands up from her seat. Saglit na hindi nakakilos ang lalaki at sa halip at tumitig lamang sa kanya.
CHAPTER 75 (PART 1) “Same po kayo ng face, eh. But I know you’re not my mom. Warm po ang heart ko kapag si Mommy ang nakikita ko.” Nadia is such a cutie, a lovable one. Kung mapakandong ito sa kanya ay parang hindi iyon ang unang beses na nagkakilala sila. “I have a brother din po.” Pabibong itinuro nito si Kismo na nakatingin sa labas ng kotse. “His name is Kuya Kismo. Good brother and I love him. Di ba, Kuya.” Lumingon ito kay Kismo na kanina pa ilag sa kanya. May hinanakit ito, alam niya. Sinong hindi magagalit sa kanya sa lahat ng mga pinaggagawa niya rito. Nagpapasalamat siya kay Castiel sa pag-aalaga nito sa bata nang mga panahong wala sila ni Luis. “Are you the other Mama that Kuya Kismo was saying?” “Yes.” “Papalo mo raw siya. Bad ka po?” “Yes.” Nakalabing umiling-iling si Nadia na nakaupo na sa tabi ng tita nito. “I don’t like you bad.” “I-I don’t want either.” She regrets hurting her own kid but she knows