#MTDC05: Finally Home
"Woah! There are tall buildings anywhere, Mommy! And… and there are many, many cars too!"
Halos mabali na ang leeg ni Melody habang tinitingila ang mga nagtataasang gusali na nadadaanan ng Uber na sinasakyan namin. She looks really excited seeing new things.
I smiled. She grew up seeing nature. Mga magagandang tanawin ng kalikasan ang palagi niyang nakikita sa New Zealand, kaya ganito siya kung umasta ngayong nandito na kami sa Pilipinas. I seldom brought her out from home before. Siguro dahil sa sobra kong abala kaya hindi ko siya nailalabas noon.
"Hindi ka ba naiinitan, Melody?" tanong ni Manang Anding habang kandong ang bata.
"Ka... ko... k-konti," she replied, trying to talk in Tagalog, which made me laugh.
Simula noong sinabi ko na uuwi na kami sa Pilipinas, she urged me to teach her Tagalog language. Sabi niya kasi na gusto niyang magkaroon ng maraming kaibigan dito kaya dapat marunong daw siyang mag-tagalog. Hindi ko nga alam kung saan niya nakukuha ang mga ideyang gano'n lalo pa at mag-a-apat na taon pa lang siya.
Melody is a clever child. She's eager to learn things. She's very observant kaya hindi siya nauubusan ng kuryosidad. Mabuti na lang talaga at nandiyan si Manang Anding para tulungan akong ipaliwanag sa kaniya ang mga bagay-bagay.
"Where will we live, Mommy? Are we gonna live with Lala?"
Saglit akong tumingin kay Manang Anding. She simply smiled at me.
"No, baby. Mommy bought a new house. We're going to live in our new house. Isn't that great?"
She suddenly pouted. "But I thought we're living with Lala..." She crossed her arms over her chest. Ilang beses akong napailing. Para talagang matanda kung umasta ang batang 'to.
"Lala will visit us more often, baby. Don't worry," I assured her.
"Why can't we live with her? You told me that Lala's house is huge! Why can't we live there?"
Bumuntong-hininga ako. How should I tell her about her Lolo? That he doesn't want us here?
"M-Mommy's gallery is nearer to our new house, Melody. We can't live in Lala's house because it's far from Mommy's work. Do you understand, baby?"
She continued pouting, but later on, she nodded her head.
"Okay, I'll tell Lala to live with us, then."
Hindi na lang ako nagsalita pa. Kapag si Melody ang kausap ko, palagi akong nauubusan ng sasabihin. I sighed, then shifted my gaze to the busy road outside.
***
Nang masiguro kong tulog na si Melody, agad akong nagpaalam kay Manang Anding na pupunta sa gallery na kasalukuyan kong pinapatayo.
When I arrived at the site, I could see that it's almost done. A smile slowly formed in my lips. This is it. After all the years of doubts and pushbacks, I am now making my dream into reality.
Sobrang saya sa pakiramdam…
I stayed there for about an hour. Binilhan ko na rin ng mga pagkain ang mga construction workers kaya malalaki ang mga ngiti nila habang nagpapasalamat sa ‘kin.
Nang umalis na ako, hindi ko mapigilang mapangiti. Iba talaga kapag Pinoy na ang lagi kong nakakausap. Iba ang pakiramdam kapag nandito sa bansang kinalakihan ko.
My original plan was to meet my mother after the site visit, but she suddenly called and told me that she’ll visit our house instead. Kaya imbis na umuwi ay nagpunta muna ako sa grocery para mamili ng pwedeng lutuin.
Abala ako sa paghahanap ng mga sangkap ng lulutuin kong Chicken Curry nang biglang may lumapit sa ‘kin.
“Hello po!”
Huminto ako sa pagtutulak ng cart at nginitian ang babaeng teenager na lumapit sa ‘kin. “Yes?”
“Uhh, sorry po, pero kanina ko pa po kasi kayo tinitingnan. Familiar po kasi kayo. Uhh... ikaw po ba si Miss Symphony? ‘Yung painter po?”
Mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. I then nodded, which made her almost jump on her position. Halata rin ang excitement sa mukha niya.
“Oh my God! I’m a fan po! Palagi ko pong binibisita ang I*******m niyo. Sobrang gaganda po ng mga paintings niyo!” Halos pumalakpak na siya habang nagsasalita kaya bahagya akong natawa.
“Shh! Baka mapagalitan tayo,” I whispered, while my forefinger was placed in front of my lips. She nodded, excitement still evident in her eyes.
“Miss Symphony, pwede pong magpa-autograph?”
“Sure!”
Saglit niyang hinalungkat ang bag niya, pero nagulat ako nang imbis na papel ang ilabas niya ay iyong IPhone 12 Pro Max ang inilahad niya sa ‘kin. “Wala po pala akong dalang papel. Dito na lang po sa likod.” She smiled awkwardly. Ako naman ay hindi alam kung pipirmahan ba ang likod ng cellphone niya o hindi. Nanghihinayang ako, puti pa naman ang kulay no’n.
“U-Uh, sigurado ka ba?” tanong ko pa sa kaniya, pero hindi pa man umaabot ng tatlong segundo ay agad siyang tumango ng ilang beses.
Kahit nagdadalawang-isip ay pinirmahan ko na lang ang IPhone niya. Pagkatapos no’n ay nag-request siya ng selfie namin kaya pinagbigyan ko na. Bago siya umalis ay hiningi ko muna ang email address niya. For my first ever fan who approached me here, I should give her a gift. I think, a painting is enough.
Nagpatuloy na akong mag-grocery hanggang sa may taong kumuha sa atensyon ko. Kagaya ko ay mukhang gulat rin siyang makita ako. Seeing his face suddenly took away my breath. Pero nang sandaling nagsimula siyang maglakad palapit sa direksyon ko, biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
“Symphony…” he uttered my name. Hindi ko alam kung anong gagawin. Ni hindi ko maibuka ang bibig ko para magsalita. His eyes traveled down, then I noticed his forehead creased. “Why are your hands trembling?”
Dahil sa sinabi niya ay agad kong tiningnan ang mga kamay ko. Goodness! It’s indeed shaking! Mabilis kong binitawan ang hawakan ng push cart at itinago ang kamay ko sa likod. Humugot ako ng malalim na hininga bago siya muling tiningnan.
“R-Red… anong g-ginagawa mo dito?”
May lalong kumunot ang noo niya. It was as if he heard something that he didn't want to hear from me. Is he… still mad?
“Ako dapat ang nagtatanong niyan sa ‘yo. Anong ginagawa mo dito? Alam ba ng Papa mo na nandito ka?” The way he asked those questions, I feel that he’s worried. Or maybe not?
Umiwas ako ng tingin tsaka napalunok. Alam niya pala ang nangyari noon? But my family didn’t tell anyone about what happened to me. Ah, magpinsan nga pala ni Wesley.
“I’m here for good. I’m starting my own business here,” I said, instead of answering his questions.
“Alam ba ni Wesley?” Muling naibalik ang tingin ko sa kaniya. Palaging pinupukaw ang galit sa puso ko kapag naririnig ko ang pangalan niya. Until now, I couldn’t forget how he treated me before.
“No,” I sternly said. “And I’m not planning to. Besides, he doesn’t have to know that I’m here.”
Nanatiling nakatitig sa ‘kin ang mga seryoso niyang mata. “But how about your child?”
I was suddenly caught off guard. Then I remembered what my mother told me when I was still in New Zealand.
‘It feels like there’s an empty space in me that can’t be filled with anything else aside from knowing my father. Hahayaan mo bang maramdaman din ‘yun ng anak mo?’
Mariin akong napapikit. Not now… hindi pa ako handang makilala ng anak ko ang tatay niya. I don’t want her to know how cruel his father is.
“I… I-I got miscarriage. W-Wala akong anak, Red.” I tried meeting his gaze, but I failed. Pilit kong tinatagan ang sarili ko. “It’s… nice to meet you again. But I have to go now. Magkikita pa kami ni Mama.” Hindi ko na siya hinintay na magsalita at iniwan na siya.
Hanggang sa makauwi ako sa bahay ay hindi na nawala sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Red. I tried to brush off that thought and focused on our meal. Nasa hapag na kaming apat; si Mama, si Melody, ako, at si Manang Anding. Like the usual, Melody was talking non-stop, almost ignoring her food. Si Mama naman, tuwang-tuwa habang nakikinig sa apo niya. It’s a beautiful site to see. Them, in one frame, is a perfect scenery to me.
“Why are you alone Lala? Where is Lolo? Why didn’t he come here? Is he busy?”
Dahil sa sunod-sunod na tanong ni Melody ay pareho kaming natigilan ni Mama. Dahan-dahan niyang ibinaling ang tingin sa ‘kin habang mukhang nahihirapan sa isasagot. I nodded at her, then I cleared my throat.
“Lolo’s out of town, Melody. He’s a very busy man. He always goes to different places. You know his work, right?” I lied.
Melody shifted her gaze, and stared at me for almost a minute. It was as if she’s trying to catch my lies. I pinched her nose to divert her attention. She scrunches her nose before she gazes back to her Lala. Nakahinga ako ng maluwang dahil doon.
Nagbuntong-hininga ulit ako habang iniisip kung gaano na karaming kasinungalingan ang nasabi ko sa anak ko. Though it was a white lie, but still, my conscience is bothering me.
Lumipad kami pabalik dito na walang alam si Papa. Maybe he was just too busy that he lost his track of me. He’s now on his second term as the Congressman, so no doubt that he has too much on his spoon.
Nakaramdam ako ng lungkot habang pinapanood si Melody. My daughter’s too precious. She’s adorable and bubbly. It’s sad that her own grandfather doesn’t like her. Ni isang beses ay hindi nagpakita si Papa sa anak ko. Ni kausapin siya sa tawag ay hindi niya nagawa. Siguro nga, sobrang laki ng galit niya sa ‘kin kaya pati si Melody ay nadadamay.
Poor Melody… I wished that one day, she’ll have a happy family far from complications.
***
The day of my gallery’s opening has finally came. Maaga akong nagising dahil sa sobrang excitement na nararamdaman ko. Ni hindi na nga ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa pag-iisip ng mga mangyayari sa arts exhibition mamaya.
My paintings in New Zealand arrived yesterday so I was so busy arranging them to my gallery. I also invited some of the young and underrated painters here in our town to display their artworks. Wala lang, gusto ko lang tumulong para makilala sila ng mga tao. I want them to feel that someone supports their passion. Ayokong maramdaman nila ang naramdaman ko noon.
Hindi ko na sana isasama si Melody, pero bigla siyang nagka-tantrums. Palagi niyang sinasabi na nagsasawa na siya na laging nasa bahay lang. Wala naman akong ibang magawa kung ‘di pagbigyan ang gusto niya. Isinama ko na lang din si Manang Anding para magbantay sa kaniya.
“You stay close to Nana Anding, Melody. There’s a lot of people here, so you should stick with Nana. Do you get me?” She pouted, looking annoyed.
“You already told that many, many times, Mommy! Melody understand!” reklamo niya habang nakanguso pa rin.
Bahagya akong yumuko at pinunasan ang pawis niya. “I’m sorry, okay? Mommy’s just worrying.”
May sasabihin pa sana ako kay Melody nang tawagin na ako ng isa sa mga kinuha kong organizers. “Miss Symphony, the event will start in five minutes,” sabi niya kaya tumango ako.
“Okay, just a second,” sagot ko at muling tumingin kay Melody. “Remember what Mommy said, okay? Be a good girl to Nana.” Tumayo na ako ng maayos at nagpaalam na sa kanila.
The event started with a ribbon cutting ceremony. Pagkatapos no’n ay nagsimula na ang exhibition. Maraming mga kilalang pintor ang dumalo at binati ako. Ni hindi na nga ako magkandaugaga sa pag-entertain sa kanila. Marami ring mga tao ang nagpapa-picture sa ‘kin. Pakiramdam ko tuloy, artista ako.
“Miss Symphony!” One of the famous painter in the region called and walked his way to me. I gave him a smile. Isa siya sa mga iniidolo ko noong college pa lang ako. Palagi rin akong dumadalo sa mga exhibitions niya noon. I even bought one of his paintings before.
“Mr. Nicolas! Thank you for attending my event.” I offered a handshake which he willingly took.
“It’s a pleasure, Miss Del Martin. Congratulations for this successful event.” He smiled. “I wonder how proud your father is to you. Kaya ba nawala ka ng ilang taon para dito?”
In an instant, my lips formed into a thin line. But I immediately plastered a smile. “Well, I hope he is. He’s been very busy serving our province.”
“He’s so lucky to have such a successful daughter like you, Miss Symphony. It must’ve felt so good to have a child who knows how to stand on their own feet.” Mahina siyang natawa habang naiiling.
Magsasalita pa ulit sana ako nang biglang lumapit si Manang Anding na mukhang namumutla. Agad na kumunot ang noo ko. Nagpaalam muna ako kay Mr. Nicolas bago ko binalingan si Manang Anding.
“’Nay, okay lang po ba kayo? Bakit po kayo namumu-- nasaan po si Melody?” My heart began thumping fast. Bakit hindi niya kasama si Melody?
“’Nak, s-si Melody… n-nawawala…” My breathing hitched. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. I instantly look around, while tears are starting to form on both sides of my eyes. Goodness! Ang daming tao dito. Saan ko siya hahanapin?
“M-Manang, saan po siya nawala? Bakit po siya nawala? ‘Di ba po ang sabi ko ‘wag niyo po siyang ihihiwalay sa inyo?”
I’m starting to feel anxious.
“Bigla kasi siyang humiwalay sa ‘kin nung pagkuha ko ng tumbler niya. Bigla siyang tumakbo tapos hindi ko na siya mahanap,” paliwanag niya habang nanunubig na rin ang mga mata.
Napahilamos ako sa mukha. Saan ko siya hahanapin ngayon? “Wala po ba siyang sinabi kung saan siya pupunta? Baka naman nagpunta sa CR? O b-baka nandito si Mama? Baka nakita niya?”
“Wala ‘nak. Bigla na lang talaga siyang tumakbo.”
“Saang direksyon po ba tumakbo?” I frustratedly asked.
“Doon.” Tinuro niya ang gawi kung saan mismong naka-display ang mga paintings ko. Agad kong pinuntahan ang direksyong ‘yun habang binabalewala ang mga taong tumatawag sa ‘kin. I don’t care if they’ll think that I’m rude. All I care right now is my daughter.
I am close to crying while scanning the place, but I stopped moving when I heard Melody’s voice.
“My Mommy made that one! And that’s me when I was still a baby. Mommy loves to draw. How about you, mister?”
Sinundan ko ang boses niya hanggang sa huminto ako sa harapan ng painting na ginawa ko noong sanggol pa lang si Melody. I was about to call her, but I suddenly froze on my position when I recognized the man she’s talking with.
“I’m not really into paintings, but I’d love to meet your Mommy. She’s a great painter. By the way, I’m Wesley. How about you?”
#MTDC06: Claiming What's His Pt.1I stayed in my position, unable to move. Halos tumalon na rin palabas ang puso ko sa sobrang bilis ng kabog nito.Wesley...The last person that I wished my daughter would meet, was now standing beside her, talking as if he's a gentleman and not the rude asshole that he was."My name is Autumn Melody. But you can call me Melody. My loved ones calls me Melody," my baby innocently uttered. Wala pa rin siyang ideya na nandito ako malapit, habang pinakikinggan ang usapan nila."Autumn..." the jerk nodded, looking pleased. "You got a very nice name, Autumn. It suits you." I noticed him slightly tapping Melody's head.My little girl creased her forehead. "It's Melody, Mr. Wesley," she corrected.He laughed a little. "But Autumn suits you well, young lady. And Autumn is my favorite season. Too sad that the Philippines doesn't have that kind of season."T
#MTDC06: Claiming What's His Pt.2I was left frozen in my position. I can clearly hear my heart thumping erratically that it feels like I'm having a hard time breathing. Gusto ko siyang sigawan at isumbat lahat ng mga paghihirap na naranasan ko noong ipinatapon ako ni Papa sa New Zealand. Gusto kong malaman niya kung gaano ko siyang kinamumuhian. But right now, I couldn't do anything, other than watching him casually walking back to his car. His words left me scared of the possibilities.Buong araw akong wala sa sarili dahil paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko ang sinabi ni Wesley. I know that he meant what he had said earlier. But I really don't get it. Bakit bigla na lang siyang naging interesado sa anak ko? Bakit hanggang ngayon, ginugulo niya pa rin ako?"Are you okay, anak?" Nabalik ako sa katinuan nang hawakan ni Mama ang kamay ko.Nandito kami ngayon sa bahay nila dahil sabi ni Mama, hindi raw uuwi si Papa. Mata
#MTDC07: The Deal Pt.1Awang ang mga labi na tinitigan ko si Papa. Nahihirapan ang utak kong iproseso ang sinabi niya."This is... i-impossible." 'Yun lang ang nasabi ko."Impossible that it may seem, but that's my condition, Symphony. You have to marry Wesley. Nabanggit ng Mama mo na naghahabol na ngayon si Wesley sa anak niyo. If that's true, then you can use that as an advantage to marry him."He was talking as if he was dealing with some sort of a business. As if his condition won't affect my entire life. Like as if he doesn't know what kind of a person the man he is pertaining to."At paano kapag hindi ako pumayag sa kondisyon niyo?"Tumaas ang isang kilay niya. "Then you should start packing your things. Ibabalik kita sa New Zealand sa ayaw at sa gusto mo. Kung maaari ay kakaladkarin kita paalis dito."Another set of fresh tears streamed down my face. Hindi ako makapaniwalang sobrang kaswal l
#MTDC07: The Deal Pt.2Wesley was looking straight at our daughter, completely ignoring my presence."What are you doing here, Mister Wesley?" takang tanong ni Melody.Nanatili lang akong nakatingin kay Wesley. Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko. Naghalo-halo na ang lahat. Nakakahilo at parang ano mang oras ay masusuka na lang ako bigla."You're looking for your Daddy, right? That's why I'm here," malambing na sagot ni Wesley sa bata."I-I don't understand... Mommy…" I was brought back to my senses when I felt Melody's hand slightly shaking my arm. Lumingon ako sa kaniya. "Am I allowed to talk to Mister Wesley? You told me to stay away from him.""U-Uhm--""You said what?" Muling naagaw ni Wesley ang atensyon ko. "Anong pinagsasabi mo kay Autumn, Symphony?" His face darkened. He's almost frowning, but when his eyes diverted to Melody, it softened back."Mommy told me not to talk
#MTDC07: The Deal Pt.3WESLEY“Can we still talk about this, Mr. Corpuz? You see, I can still find ways to solve the problem. Just…Just spare me some time to fix this.”I was waiting for his reply. I know that this is going nowhere, but I still need to try my luck. I can’t lose another investor! I can’t disappoint my parents!“I’m sorry, Mr. Borromeo. Alam ko kung gaano kahalaga sa ‘yo ang kumpanya niyo, pero importante rin sa akin na maisalba ang pera ko. Almost everyone here knows your company’s current situation. Ayokong lumubog kasama ng kumpanya niyo.”I drew a deep breath, while I’m trying so hard to calm my nerves.“I’m
#MTDC08: The Unwanted Marriage Pt.1 SYMPHONY "Oh my gosh! I really can't believe this! You're marrying Wesley! Are you out of your mind, Symphony?" inis na saad ni Jovy. I sighed. Ilang beses na akong napapabuntong hininga habang sinusukatan ako ng wedding gown. Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko. At kanina pang hindi matigil-tigil si Jovy sa katatalak at pagpapakita ng disgusto nung malaman niyang ikakasal na ako. "Nasabi ko naman na sa inyo ang rason ko, ‘di ba? Ginagawa ko 'to para kay Melody." "Eh paano ka?" I pursed my lips when Soffi asked me. 'Yun din ang tanong ko sa sarili. Paano na ako kapag ikinasal na ako kay Wesley?
#MTDC08: The Unwanted Marriage Pt.2The ceremony continued, but I never looked at him again.Ayoko.Kasi kapag nakita ko na naman ang mga mata niya, baka tuluyan na akong tumakbo palayo sa lugar na ‘to.“Since it is your intention to enter into the covenant of Holy Matrimony, join your right hands, and declare your consent before God and his Church,” the priest continued. He, then, told us to repeat after him. My mind is wandering elsewhere while I’m uttering the words. No matter how hard I tried to divert my thoughts from him, his face just kept flashing in my head, like it’s a broken record that was meant to destroy my heart.“Symphony, do you take Wesley to be your husband? Do y
#MTDC09: Life After the Wedding Pt.1"You should finish your food, Melody. Eat more vegetables."Mabilis na umiling si Melody at mukhang malapit nang umiyak."Melody is already full, Mommy. I don't want to eat na," sabi niya habang nakanguso."Pero hindi mo naman ginalaw ang gulay, anak. Chicken nuggets at bacon lang ang kinain mo." Mas inilapit ko pa sa kaniya ang kutsara na puno ng gulay."M-Mommy...""'Wag mong pilitin ang bata kung ayaw niya." Napatingin ako kay Wesley na kapapasok lang sa dining area. He's fixing his tie while his eyes were looking at me intently."Kailangan niyang kumain ng gulay para may makuha naman siyang sustansya. Hindi 'yung nakaasa lang siya lagi sa vitamins,” I reasoned out."Daddy..." Nalipat ang tingin ni Wesley kay Melody na ngayon ay nagpapaawa na sa kaniya. "I don't want vegetables," dagdag niya pa at tuluyan nang umiyak.I heard hi
#MTDC70: Final Chapter Pt. 2“Mommy, can I play with Yasmine?”Kabababa ko pa lang ng tawag nang lumapit sa akin si Melody. She’s using her usual puppy eyes that I couldn’t resist.“Of course, baby. Just be careful, anak, hmm? Yasmine is still a baby kaya hindi ka pwedeng masyadong malikot, okay?”Sunod-sunod na tango lang ang sinagot niya sa akin, bago siya tumakbo patungo kay Soffi na karga ang anak niyang si Yasmine. Yasmine is a one-year old baby girl who looks exactly like her father. Soffi hates to admit that it’s true. Naiinis daw siya dahil masyadong unfair na ang tatay ng bata ang kamukha nito imbis na siya.I chuckled at that thought.Today is Wesley’s birthday, and everyone's invited. Well, iyong mga close friends at ang pamilya niya lang talaga ang inimbitahan niya.“Naku! Naku! Naku! Napaka kulit na talaga ng inaanak ko, Symphony! Buti na lang talaga nagmana sa akin ng kagandahan kaya ayos lang. Akalain mo ba namang may ipinakita sa aking picture ng kaklase niyang lalaki,
#MTDC70: Final Chapter Pt. 1“Life is the most precious gift our Almighty has ever given to us. We should treasure every single minute of our lives for our time only happens once. We should cherish whatever life has to offer us. Not all people can be given a second chance…”A faint smile crept on my lips as I heard the man spreading gospels on the sidewalk near me. May hawak siyang microphone habang nasa tabi niya ang isang soundbox na siyang nagbibigay linaw at lakas sa bawat salitang binibigkas niya.Though people doesn’t seem to care to whatever he’s been talking about, patuloy pa rin siya sa pagsasalita at minsan ay ngumingiti sa mga taong napapatingin sa gawi niya. Hindi siya narito para manglimos. He’s here, purely for the intention to awaken the minds of people who somehow forget His words and promises to the mankind. He’s here to help people enlighten their minds.Hindi ko alam kung ano ang relihiyon niya. Hindi ko alam kung anong klaseng paniniwala ang mayroon sila. Hindi ko
MTDC69: End Pt.2“Charitee!” Papa cried in horror. “Anong ginagawa mo?! Bitawan mo ‘yan!” he continued, but she just completely ignored him.“Kita mo na kung gaano ka kamahal ng tatay mo? Takot siyang masaktan kita, Symphony! Takot na takot,” she uttered, almost whispering, before she averted her glares behind me. “Pero sa akin! Sige nga, Congressman, sa akin ba, takot ka rin bang masaktan ako? Ha?!” Kumislap ang nagngangalit niyang mga mata marahil dahil sa mga luha na kanina niya pang pinipigilan.“O-Oo naman, Charitee… anak kita kaya--”“Sinungaling! Napaka sinungaling mo, Congressman! ‘Wag na ‘wag mong sabihing takot kang masaktan ako dahil simula pa lang nung una, sinasaktan mo na ako! Kami ng nanay ko! Iniwan mo nga kami, ‘di ba? Iniwan mo siya sa ere para lang sa sarili mong kapakanan! Kasi ano? Kasi pera at kapangyarihan lang ang mahalaga sa ‘yo! Dahil walang maibigay sa iyo si Mama, kaya mo siya pinagpalit sa babaeng kayang ibigay ang lahat ng gusto mo! Tapos ngayon, sasabihi
MTDC69: End Pt.1Growing up, I wished to have someone to lean on. Iyong taong palagi kong makakasama, na mapagsasabihan ko ng mga sekreto ko, makakaramay sa panahon na pakiramdam ko, palagi na lang ang mga pagkakamali ko ang napapansin ng mga magulang ko. I wanted to have a sister whom I can treat as my best friend, a human diary, a cheerleader, and a support system.That was my childhood dream. Pero dahil sa kondisyon ni Mama, hindi iyon nangyari. I gave up wishing for the impossible. I gave up my dream of having a sibling. I learned to be content with being alone.But now… here’s Charitee claiming that she’s my father’s daughter. Ang babaeng puno ng pagkamuhi sa akin. Ang babaeng ako ang sinisisi sa lahat ng malas na nangyari sa buhay niya. “P-Paano ko n-naman paniniwalaan ‘yang s-sinasabi mo?” I stuttered. My mind is telling me that maybe I heard it wrong. But I know it wasn’t. She said it clearly… but should I believe her?Na anak siya ni Papa? Na may iniwang pamilya si Papa? Per
#MTDC68: Truth Pt.2“C-Charitee, a…anong gagawin… mo?” I almost choked. Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng pagtahip nito.Nilalaro niya sa kaniyang kamay ang kutsilyo na hawak habang matalim ang titig sa akin. Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko dahil sa labis na takot sa maaari niyang gawin sa ‘kin.“Charitee… p-please… ibalik mo na sa ‘kin si M-Melody. Gusto ko lang n-naman makuha ang a-anak ko… please…” Kahit anong pagpapakatatag ang gawin ko, unti-unti na akong natatalo sa takot na nararamdaman ko ngayon.“Natatakot ka?” She laughed. Her laugh made me shiver even more. It made me want to run away. Gusto ko nang umalis dito. Gusto kong magtago.“Hmm… sino kayang uunahin ko sa inyong mag-ina?” Hinaplos niya ang matalim na parte ng kutsilyo. Agad niya namang inalis ang daliri mula roon. “Oops!”Napalunok ako nang makitang dumaloy ang dugo mula sa daliri niya. I gulped hard as I watch her blood streaming down her hand. Halos bumaliktad ang
#MTDC68: Truth Pt.1Ang pag-asa na makita si Melody ang siyang nagbigay sa akin ng lakas ng loob na pumunta sa address na nakalagay sa mensaheng natanggap ko. Ni hindi ko na inisip kung gaano ka delikado itong ginagawa ko.All I want right now is to see my daughter safe and unscathed. Hindi bale nang mapahamak ako, huwag lang siya.“Miss, sigurado ho ba kayong dito kayo bababa?” nagdadalawang isip na tanong sa akin ng taxi driver. Isang beses niya pang nilingon ang lumang apartment sa labas. Ganoon din ang ginawa ko.Sa unang tingin pa lang ay mararamdaman na agad na parang may kakaiba sa lugar na ito. I immediately felt the danger just by scanning the area. The place is dark and creepy.“Opo, Manong. Dito na po iyon. Kikitain ko lang ang kaibigan ko. Dito po kasi siya nakatira.” It was somehow amazing that I didn’t sounded like I’m lying. Kahit ang kaba na kanina ko pang pilit na isinasantabi ay hindi rin halata sa boses ko.Tumahimik na lamang si Manong kaya bumaba na ako. Inabot pa
#MTDC67: Panic Pt.2“And what made you think that Charitee’s involved here?” Nagtaas ng kilay si Tita Dina sa akin. Hindi pa rin na aalis ang matatalim niyang tingin sa akin.“Siya lang po ang alam kong may malaking galit sa ‘kin--”“And you are accusing her just because of that?” putol niya sa sinasabi ko.Umawang ang bibig ko. Hindi ko na nagawa na ipagpatuloy ang dapat na sasabihin ko pa.“Ma!”Galit na bumaling si Tita Dina kay Wesley. “What?! I know Charitee from the very beginning, Wesley! Bata pa lang kayo, kilalang-kilala ko na siya! At hindi ko makitaan ng masamang ugali si Charitee simula pa noon. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit sa halos lahat na lang ng problema na mayroon ang asawa mo ay palaging si Charitee ang sinisisi niya! ”Nang ibinalik niya ang tingin sa akin ay mas lalo ko pang nakitaan ng galit ang mga mata niya.“Yes! Charitee should be mad at you! She could have married my son if it wasn’t because of you! Pero sa maraming panahon na palagi ko siyang nakaka
#MTDC67: Panic Pt.1 Simula nang nagka-isip ako, hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang naitanong sa Kaniya kung bakit ganito ang buhay na ibinigay Niya sa akin. Oo, lumaki ako sa isang marangyang buhay na kinaiinggitan ng nakararami. Akala nila dahil ipinanganak akong mayaman, perpekto na. Akala nila, dahil madali kong nakukuha ang mga materyal na bagay ay masaya na ako. Pero hindi. People might see me happy and contented with my life, but little did they know, behind those smiles plastered on my lips, hides a lonely life only few people have ever known I am living with. Iilan lang ang nakakaalam kung anong klase ng paghihirap ang mga pinagdaanan ko simula pa noon. Iilan lang ang nakakaalam kung gaano ko ka gustong makawala sa hawla ng kalungkutan. Unlike other people, what I want is to simply live a happy life. To live a simple life with my family. Ni hindi ko hinangad ang mga materyal na bagay. Ang hinihiling ko lang ay kapayapaan. But my fate is so cruel. It just gave m
#MTDC66: Missing Pt.2Aligaga ako hanggang sa makauwi na si Papa.Dahil sa sinabi niya kanina ay hindi na mawala ang kaba sa dibdib ko.I find Charitee’s wrath as a real threat. I know I should not underestimate what she can do especially now that she’s probably desperate.Bakit naman siya bigla na lang mawawala? Saka saan naman siya pupunta? Wala naman siyang pamilya na pwedeng puntahan.Well, maybe she’s with Wesley’s mother? Pero ano naman ang gagawin niya doon?May problema pang kinakaharap ang pamilya ni Wesley dahil kay Red. For sure Tita Dina doesn’t have time to comfort her. Right?I was preoccupied the whole day. Kung hindi pa ako tinawag ni Jenda para sa tanghalian ay hindi ko mamamalayan na pasado alas dose na pala.Pagkatapos kong kumain ay bumalik din agad ako sa kwarto ko.I couldn’t help but think of the possibility. Series of what ifs kept running on my mind.What is she’s now plotting her revenge?What if she is just waiting for the perfect time?A knock on my door br