Home / Romance / Marrying The Arrogant CEO / Chapter One: Wrong Accusation

Share

Marrying The Arrogant CEO
Marrying The Arrogant CEO
Author: eZymSeXy_05

Chapter One: Wrong Accusation

Author: eZymSeXy_05
last update Huling Na-update: 2022-04-14 18:32:11

Disclaimer:

This is just a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are just a product of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living, dead or actual event are purely co-incidental. The story has also a few mature content so read at your own risk. Thank you for understanding and enjoy reading!

***

MANGIYAK-NGIYAK ako habang nagkukuwento sa mga pulis tungkol sa nawawala kong wallet na puro i.d, ATM at credit cards ang laman.

Ngayon ay nasa harapan ko ang guwapong lalaki na pinagbibintangan kong dumukot sa wallet ko. Siya lang naman kasi ang bumangga saakin kanina sa labas ng mall kaya't sigurado akong siya talaga ang nagnakaw no'n.

"Ano ba? Wala ka pa rin talaga'ng balak na umamin?" singhal ko sa lalaki na hindi man lang natinag sa kanyang kinauupuan.

Kalmado lamang itong nakaupo habang nakalagay sa kanyang batok ang pareho niyang mga kamay.

Guwapo ito. May matangos na ilong at kulay abo ang nangungusap niyang mga mata. Kung iyong pagmamasdan'g maigi ay hindi mo ito mapagkakamalan na isang mandurukot lalo pa't nakasuot ito ng isang business suit na talaga naman'g bumagay sa matipuno niyang pangangatawan. Tila isa nga itong modelo dahil sa tikas ng tindig nito kanina. Ngunit hindi sapat ang mga katangian na iyon upang makumbinsi ako na hindi nga siya mandurukot.

"Will you please stop eye raping me, Miss?" mayabang na wika ng lalaki dahilan upang lalo akong mainis sa kanya.

"Wow ha! Hindi ka lang basta-basta mandurukot. Mayabang ka rin!"

"Hindi nga kasi ako ang dumukot sa wallet mo!" Patuloy na pagtanggi ng lalaki. "Can't you see? I am a businessman at sa katunayan ay may meeting ako na kailangan kong daluhan kaya't nagmamadali ako kanina. Kaya lang ay bigla kang humarang sa daan kaya't aksidenteng nabangga kita." Seryosong pahayag nito.

Pagak akong natawa sa kanyang tinuran ngunit hindi pa rin ako nakumbinsi.

"Sa tingin mo naman eh maniniwala ako sa'yo? Nowadays ay marami ng scammer! Magsusuot ng magara at mamahaling damit para lang mapaniwala ang kanilang biktima na mayaman sila at kagalang-galang. Pagkatapos ay-"

"Hindi mo ako kilala miss! Kaya huwag mong husgahan ang pagkatao ko!" singhal niya.

Bahagya pa nga akong nagulat sa biglaan niyang pagsigaw kaya naman hindi ko na rin natapos ang iba ko pang sasabihin.

"Uhm...Miss Freya, paano na po 'yan? Ayaw naman pong umamin ng suspek at isa pa wala ka naman'g ebidensiya na siya nga ang dumukot sa wallet mo kaya't hindi natin siya pwedeng kasuhan." Sabad ng pulis.

"So ano, wala kayong gagawin na aksiyon, chief?" kunot noong usisa ko.

"Sinasayang niyo lang ang oras ko." Sabad naman ng lalaki na ngayon ay tumayo na at desidido ng umalis. "Marami pa akong kailangan'g gawin. Papapuntahin ko na lang dito ang aking personal lawyer para siya na ang makipag-usap sainyo." Dagdag pa nito.

"No!" maagap kong pagprotesta."Sigurado akong tatakasan mo lang ang ginawa mong kasalanan saakin!"

Sa halip na ipagtanggol ang kanyang sarili ay mas minabuti na lamang nito ang manahimik. Kapagkuwa'y may dinukot ito sa kanyang bulsa.

"Here's my calling card and my company i.d." Aniya na iniabot ang mga 'yon saakin. "Kapag hindi dumating ang abogado ko within one hour, you're free to go to my company. Doon mo ako sugurin at ipadampot mo ulit ako sa mga pulis.Nariyan sa i.d ko ang address ng kompanya at ng condo unit ko sa Makati. Batid kong sapat na 'yan para madali mo akong mahanap."

Hindi agad ako nakapagsalita. Nanatilii lamang akong nakatitig sa i.d niya. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakaalis na pala siya.

"Miss Freya Alcantara, may naghahanap po sainyo. Mommy niyo raw po." Anang pulis.

Tumayo ako at nilapitan ko si mommy.

" Ano ka ba naman Freya? Masyado ka ng makakalimutin!" kaagad na bulalas ng aking ina.

"Bakit na naman mom?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"Naku, naiwan mo sa bahay ang wallet mo. Pagkatapos mong tumawag kanina ay saka ko lang ito nakita sa mesa." Anang aking ina na kinuha pa mula sa kanyang bag ang wallet na kanina ko pang hinahanap.

Namimilog ang mga matang napatingin ako sa dalawang pulis na kanina pang saksi sa katangahan at kahihiyan na ginawa ko.

Humingi ako ng paumanhin sa kanila at pagkatapos ay ikinuwento ko kay mommy ang buong pangyayari. Kaya naman dismayado itong napatitig saakin.

" Ano na ang plano mo?" nakangiwing sambit pa nito. "Kawawa naman 'yong lalaking pinagbintangan mo. Kailangan mong humingi sa kanya ng paumanhin." Seryosong pahayag ng aking ina. Tinanguan ko naman ito ngunit sa isip ko ay wala talaga akong balak na hanapin pa ang lalaking iyon.

Tama na ang kahihiyan'g sinapit ko mula sa mga pulis kaya't ayoko ng dagdagan pa 'yon ng panibagong kahihiyan mula sa guwapong estranghero na iyon.

"Umuwi na lang tayo mom." Pag-iiba ko ng usapan na agad naman'g sinang-ayunan ng aking ina.

Hindi ko na hinintay pang dumating ang abogado na sinasabi ng guwapong lalaki na iyon kanina. Kaya't halos kaladkalarin ko na si mommy palabas ng headquarters na iyon.

Nang makarating kami sa aking kotse ay nagpresinta ng magmaneho si mom kaya't pinagbigyan ko na ito. Subalit ilang sandali pa'y napansin kong ibang direksiyon ang tinatahak namin. Hindi iyon patungo sa bahay namin sa Makati.

"Mom! Saan ba tayo pupunta?" hindi na ako nakatiis pa at tinanong ko na nga siya.

"Tsk...um-oo ka sa'kin kanina na hihingi ka ng sorry do'n sa lalaking pinagbintangan mo. Kaya heto, pupuntahan natin siya."

"Mom, pabigla-bigla ka naman magdesisyon!" reklamo ko. "Ni-hindi ko nga alam kung saang sulok ng mundo 'yon nakatira eh."

"Liar! Nariyan sa i.d niya ang address ah. Imposibleng hindi mo alam." Giit pa ng aking ina.

Saka ko lang din napansin na kanina ko pa pa 'lang tangan ang id at calling card ng aroganteng lalaki na iyon.

"Pasimple akong sumulyap sa mga nakasulat do'n at halos mapasigaw ako sa aking nabasa. "Damon Fuentebella, Chief Excecutive officer"

Bigla akong nakaramdam ng panlalamig sa aking mga kamay at paa.

Binalingan ko si mom. Kinumbinsi ko itong huwag na kaming tumuloy ngunit hindi pa rin ito nagpaawat.

Nag-isip ako ng paraan.

Kapagkuwa'y nagkunwari akong masakit ang tiyan.

Nataranta si mommy kaya't iniliko niya agad ang kotse at dinala niya ako sa pinakamalapit na clinic.

Maya-maya pa ay in-eksamin na ako ng doctor. Mabuti na lang at napakiusapan ko ito na huwag sabihin kay mommy ang totoo kong kondisyon.

Masinsinan kong kinausap ang doktor at napapayag ko naman ito sa aking kalokohan. Kinausap niya ang aking ina at kung anu-ano ang sinabi para makumbinsi itong masakit nga ang aking tiyan.

Halos tatlong oras na rin kaming naroon sa clinic na iyon. Hanggang sa mawala na nga sa isip ni mom ang paghahanap namin sa lalaking pinabintangan ko ng pandurukot.

Makalipas ang ilang minuto ay tumunog ang cellphone ni mommy.

Batid kong si dad iyon dahil sa tono ng pananalita ni mom ay halatang namumroblema na naman ito.

Matapos nilang mag-usap ay muling lumapit saakin si mom.

"Freya, we need to go home honey." Anang malungkot na tinig ni mom." May importante raw na sasabihin sa'tin ang dad mo.''

"Is it all about the company mom?"paniniyak ko.

Nitong mga nakaraang linggo kasi ay naririnig ko silang nag-uusap ni dad patungkol sa lagay ng aming kompanya. At ayon sa mga narinig ko sa kanila ay unti-unti na nga itong nalulugi.

"Let's go honey! Bibilhin na lang natin ang mga gamot na inireseta ng doctor para mawala na ang pananakit ng tiyan mo." Aniya dahilan upang walang imik na sumunod na lang ako sa sinabi ni mom.

PAGDATING sa bahay ay naabutan namin si dad na mag-isang umiinom ng wine sa sala. Nilapitan ko ito at hinalikan ko sa pisngi.

"Hey! Are you okay dad?" kaagad na tanong ko sa kanya.

"Yeah, i'm okay honey."

Binalingan rin ni dad si mom na ngayon ay tahimik lang na nakaupo sa kanyang tabi.

"Uhm...Fatima, may gusto sana akong hingiin na pabor sa anak natin." Panimula ng aking ama. Kunot noong napatingin ako sa mag-asawa at tahimik kong hinintay ang mga susunod pang sasabihin ni dad.

"Joaquin, ano bang klaseng pabor 'yon? Bakit hindi mo masabi kanina habang kausap mo ako sa cellphone?" ani mom.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni dad bago nito sinagot si mommy.

Kapagkuwa'y malungkot na nga itong nagwika.

"Malapit ng bumagsak ang ating kompanya. At ayaw ko sana'ng mangyari 'yon dahil paniguradong maapektuhan tayong lahat sa oras na wala na akong mapagkuhaan ng perang panggastos natin sa araw-araw."

"Anong gusto mong gawin namin ngayon ng anak mo?" sa wakas ay naisatinig rin ni mom.

"I want Freya to get married soon." Seryong sagot ng aking ama.

"What?" kaagad na naibulalas ko.

"Uso pa rin ba ngayon Joaquin ang arrange marriage?" sabad naman ni mom.

"Fatima, uso man o hindi, wala na akong pakialam do'n. Ang mahalaga ngayon ay maisalba ang ating kompanya."

"Pero hindi laruan o ano man'g bagay ang anak natin! Hindi mo siya pwedeng basta na lang ipakasal sa taong hindi niya naman kilala at hindi niya rin minamahal." Nanggagalaiting sambit ng aking ina.

Samantalang ako ay wala ni-isang salita ang namutawi sa aking labi.

Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa mga sinabi ni dad. Year 2015 na kasi eh, pero ang mga kilos at desisyon ni dad ay pang Year 2000 pa kung saan ay uso ang arrange married. Isa't kalahating dekada na ang matulin'g lumipas, tapos heto at ibinabalik niya na naman ang gano'ng sistema.

Kaugnay na kabanata

  • Marrying The Arrogant CEO   Chapter Two: Visitor

    TULALA pa rin ako habang nakaupo sa aking swivel chair dito sa office. Wala rin akong maayos na tulog kagabi dahil sa kakaisip ko sa mga sinabi ni dad. Kaya naman hindi ko na rin namalayan ang paglapit saakin ng sekretarya ni dad at kanina pa pala itong nagsasalita saakin'g harapan. "Ma'am Freya, kanina ka pa po na hinihintay sa conference room!" muli niyang sambit at sa pagkakataong ito ay iwinagayway niya na ang kanyang kamay sa mismong tapat ng mukha ko."Oh, i'm sorry Trisha.""Okay ka lang ba ma'am? Kanina pa po ako rito sa harapan niyo pero-""Okay lang ako. Sige na, susunod na lang ako sa conference room." Pagpigil ko sa iba pang sasabihin ng sekretarya.Akmang lalabas na ako ng opisina ko nang bigla naman'g tumunog ang aking cellphone.Sinipat ko kung sino nga ba ang tumatawag. Ngunit unregistered number iyon kaya't sa halip na sagutin ay mas minabuti ko na lang na patayin ang tawag na iyon. At pagkatapos ay sinadya ko na lang na iwanan ang aking cellphone sa ibabaw ng mesa.N

    Huling Na-update : 2022-04-14
  • Marrying The Arrogant CEO   Chapter Three: Annoyed

    HINDI ko magawang lunukin ang pagkain habang kaharap ko ang lalaking kinasusuklaman ko. Kaya naman hindi na ako nakatiis pa at nagpaalam na ako sa kanila . Hindi ko na talaga kaya pang makasama ang lalaking iyon kaya't napagdesisyunan kong lumabas at magtungo na lang sa hardin.Doon ay malaya kong pinagmasdan ang mga bulaklak na sumasayaw sa saliw ng ihip ng hangin. Ilang buntong hininga rin ang aking pinakawalan at pagkatapos ay walang pag-aalinlangan na kinausap ko ang aking sarili."Self, kaya mo pa ba?" hindi ko namalayan'g lumuluha na pala ako. "Nakakapagod na rin pala no'h? Buong buhay ko, wala na akong ibang ginawa kundi sundin ang lahat ng kagustuhan nina mommy at daddy. Bente kuwatro anyos na ako pero nakadepende pa rin sa kanila ang lahat ng desisyon ko sa buhay. Bakit gano'n? Bakit hindi pwedeng ako naman ang magdesisyon para sa sarili ko?" Malakas ang tinig na pagkausap ko sa aking sarili. Kapagkuwa'y isinubsob ko na lamang ang aking mukha sa dalawa kong tuhod at pagkatapos

    Huling Na-update : 2022-04-14
  • Marrying The Arrogant CEO   Chapter Four: Agreed

    KINABUKASAN ay napabalikwas ako sa higaan nang marinig ko ang maagang pagtatalo nina mom at dad. Kaya naman nakabusangot na binuksan ko ang pintuan ng aking silid at sinilip ko sila.Naroon sila sa may hagdan. Nakasuot ng tuxedo si dad at marahil ay papunta na ito sa kanyang opisina. Bahagyang sinulyapan ko ang wall clock na naroon sa aking silid at napakunot noo pa ako nang makita ko ang oras na sobrang aga pa pala."Then, what should we do?" dinig kong singhal sa kanya ni mom."Hindi ko na kailangan'g ulit-ulitin pa 'yon Fatima!" Iritadong tugon ng aking ama."Pero Joaquin, kawawa naman si Freya.""Wala na akong choice! Alam mo 'yan!" muling singhal ng aking ama.Napatakip na lamang ako sa aking bibig at impit na umiyak. Batid kong tungkol sa kompanya na naman ang pinag-aawayan nila."Ayokong makulong, Fatima! Nagwewelga na ang ibang empleyado ko na halos magdadalawang buwan ng walang maayos na sahod!"dagdag pa ni dad, dahilan upang tuluyan na nga akong mapahagulhol.Isinara kong mul

    Huling Na-update : 2022-05-26
  • Marrying The Arrogant CEO   Chapter Five: Plan

    PINILIT kong maging mahinahon sa harap ni Damon. Kapagkuwa'y nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago ako nagsimulang magsalita."Mr. Fuentebella, nandito ako, hindi para makipag-argumento sa'yo. I'm just here because of the-" bigla akong napahinto. Tila umurong bigla ang aking dila nang bigkasin ko ang tungkol sa kasal."Hmm, because of what?" may himig pang-aasar sa kanyang tinig."Gosh! Huwag mo na akong asarin. Oo na mukha akong kawawa ngayon. At aaminin ko, this is the first time na seryoso akong makikipag-usap sa'yo.""Tss, so pumapayag ka ng magpakasal tayo?" diretsahan niyang tanong."Yeah.""Okay. I will ask my personal secretary to organize everything para makasal agad tayo." Aniya at akmang tatayo na ito mgunit mabilis kong pinigilan."Hindi pa tayo tapos mag-usap." Reklamo ko."Huh? Bakit, may sasabihin ka pa ba?""Tss, what kind of question is that? So, gano'n lang ba 'yon? Hindi na tayo magpaplano?""Plano? This is just a fake marriage! So, anon

    Huling Na-update : 2023-07-24
  • Marrying The Arrogant CEO   Chapter Six: Reminiscing

    HINDI ko alam kung anong oras na nakauwi kagabi si Damon. Hindi ko na nalabanan ang antok ko kagabi kaya naman wala na akong pakialam kung naroon pa siya sa silid ko basta ang alam ko lang ay mahimbing akong nakatulog.Tinatamad na bumangon ako. Kapagkuwa'y mabilis akong naligo at nag-ayos ng aking sarili.Biglang tumunog ang aking tiyan kaya't lumabas na rin ako ng silid upang magkape at mag-almusal. Naabutan ko si mommy na naroon na sa dining table at patapos na itong kumain.Lumapit ako at hinalikan ko siya sa pisngi. "Good morning, mom! Where is dad?""Office." maikli niyang tugon. Umupo na rin ako sa katapat niyang silya at agad kong dinampot ang sandwich na nasa pinggan. "Parang tinatamad ka na yata'ng pumasok sa opisina." sita niya saakin."Mom, kahit sino naman ay tatamarin kung sa araw-araw na lang na pagpunta ko sa kompanya ay problema agad ang nai-encounter ko.""Hmm, ba't kasi pinatatagal niyo pa ang kasal niyo ni Damon? At bakit sa America pa? May ba pa ba kayong

    Huling Na-update : 2023-07-25
  • Marrying The Arrogant CEO   Chapter Seven: Irritated

    KANINA pa akong tulala habang nakaupo sa aking swivel chair. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip na simula pa man noon ay nakapasok na pala sa buhay namin ang pamilya ni Damon. I just get back to my senses nang biglang magsalita sa harapan ko si Trisha."Ma'am kanina pang tumatawag si Mr. Fuentebella.""Huh? Anong sabi niya?""Tawagan mo daw siya bago pa man matapps ang araw na ito.""Tss, napaka arogante! Okay, I will call him, Trish. Thanks for letting me know.""Okay, ma'am. Excuse me." Ani Trisha na agad ng bumalik sa kanyang swivel chair.Tinawagan ko si Damon at agad naman itong sumagot. "Brat!" Aniya sa kabilang linya."Kanina ka pa daw tumatawag. May kailangan ka ba?" "Tss, sa palagay mo ba tatawag ako kung wala akong kailangan, sa'yo?" Giit pa niya na siyang ikinainis ko."Wala ka na bang alam gawin kundi ang mang-inis ng tao? I'm asking you a serious question!""Really? Serious question huh! You know me, ayoko ng nasasayang ang oras ko. ""Whatever!""Magkita

    Huling Na-update : 2023-07-25
  • Marrying The Arrogant CEO   Chapter Eight: Wedding Place

    KINABUKASAN ay nagising ako dahil sa sunud-sunod na pagkatok sa pintuan ng aking silid."Gosh! Ano bang ingay 'yan?" reklamo ko at nakasimangot na binuksan ko ang pintuan.Maraming beses muna akong kumurap para lang masiguro na si Damon nga ang naririto sa harapan ko. "Lumabas ka na diyan sa lungga mo! Naka-ready na ang almusal at hinihintay ka na ng lahat!""Huh? Bakit nandito ka na naman? Natutulog ka pa ba?" naguguluhan'g tanong ko sa kanya."I'll give you five minutes to fix yourself and to go downstair." Seryosong pahayag ni Damon dahilan upang mas lalong uminit ang ulo ko."Five minutes, your ass!" I shouted then I closed the door and lay down again on bed.Akmang ipipikit kong muli ang aking mga mata nang muli na naman kumatok si Damon."Tss, ayaw mo ba talaga akong-"Hindi ko na naituloy pa ang iba kong sasabihin dahil sa muling pagbukas ko ng pinto ay si Auntie Diana na ang naroon."Uhm, auntie...""Join us for breakfast." Nakangiti niyang wika."Y-yes auntie. Actually, i'm a

    Huling Na-update : 2023-07-25
  • Marrying The Arrogant CEO   Chapter Nine: Hatred

    BAGO pa man kami pumunta ng airport ay pinagtalunan pa namin ni Damon kung kaninong kotse ang dadalhin."Kotse ko ang gagamitin natin. Ayokong magmaneho ng pangit na kotse." Ani Damon dahilan upang bigla na naman uminit ang aking ulo."Ang arte mo! Pwede naman natin dalhin 'yan pareho. 'Yong kotse ko ay gagamitin namin nina mommy at daddy. Then, 'yong kotse mo, gamitin niyo rin ng parents mo. I think, that's a good idea, right?""Brat, nag-iisip ka ba? Paano 'yan imamaneho pabalik ng driver ko? Isa lang ang dadalhin natin. At walang iba 'yon kundi ang kotse ko.""Tss, so ikaw na naman ang kailangan na masunod dito?" sarkastikong tanong ko sa kanya.Mabuti na lang at biglang dumating si dad. Kahit paano ay nahinto ang pagtatalo namin."What's going on here?""Nothing, dad!" magkapanabay na sagot namin ni Damon. Kapagkuwa'y bigla ko siyang inirapan."Pumasok na kayo sa kotse. Kanina pa naghihintay ang driver ni Damon." Giit la no dad."Dad, paano tayong magkakasya sa kotse ni

    Huling Na-update : 2023-07-26

Pinakabagong kabanata

  • Marrying The Arrogant CEO   Chapter One Hundred Fourteen: Rekindled: Finale

    MARAMING beses na kumatok sa pinto si Damon ngunit hindi ko man lang ito pinagbuksan. Hindi naman talaga ako nagagalit sa kanya. Hindi ko lang maiwasan ang mainis at masaktan dahil hindi ko lubos akalain na alam pala ni dad na bumalik na ang memorya niya. Muling may kumatok sa pintuan. Ngunit sa pagkakataong iyon ay si Trisha na ang kumakatok. "Freya, open this door, please!" Aniya na mas nilakasan pa ang pagkatok."Tss, oo na, bubuksan ko na!" "Anong nangyari? Ba't nakakulong ka dito sa silid?" gulat na tanong ni Trisha nang tuluyan ng makapasok sa silid namin."Tss, inutusan ka ba ni Damon para kausapin ako?""Huh? Hindi! Kakauwi ko nga lang dito, paano akong uutusan? At saka bakit? May problema na naman ba kayo ni Damon?""Wala.""Wala? Tss, kwento mo 'yan sa patay, baka maniwala." Nakairap niyang sambit. "Kanina ko pa nakita 'yon na kumakatok dito. Ba't 'di mo pinagbubuksan ng pinto?""Naiinis ako sa kanya! Sa kanila ni dad!""Why?" "Dahil alam pala ni dad na bu

  • Marrying The Arrogant CEO   Chapter One Hundred Thirteen: Eavesdrop

    PAG GISING ko kinabukasan ay wala na sa tabi ko si Damon. Sinulyapan ko ang aking cellphone. It's already six in the morning kaya naman nagmamadaling lumabas na ako ng silid. For sure ay hindi pa siya nakakaalis ang lalaking 'yon.Pagdating sa may hagdan ay hindi agad ako nakahakbang dahil bigla kong narinig ang tinig ng aking ama.Nagtago ako sa may gilid ng hagdan at pilit kong pinakinggan ang pag-uusap nila ni Damon."So, hindi pa rin niya alam na wala ka ng amnesia?" Ani dad."Hindi pa dad."Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Hindi ko akalain na alam pala ni dad ang sikreto ni Damon."Kailan mo balak sabihin kay Freya na wala ka ng amnesia?""Hindi ko pa alam dad. Natatakot ako na baka pag nalaman niyang wala na akong amnesia ay umalis na naman siya dito sa bahay.""Sabagay. Hmm, kaya lang naman siya napilitan na bumalik dito ay dahil nga sa nagka-amnesia ka." Pag sang-ayon naman ni dad."Exactly, dad! Kaya minsan naisip ko rin na, sana hindi na lang bumalik

  • Marrying The Arrogant CEO   Chapter One Hundred Twelve: Movie Date

    HINDI ko inaasahan na sasamahan ako ni Damon sa panonood ng movie."Are you sure? You want to come with me?""Yeah.""Tss, mas okay pala kapag may amnesia ka. Nagiging mapagbigay ka. Siya nga pala paano mo naisip na bumili ng ticket at-""Huwag na natin pag-usapan 'yon. Ang mahalaga nakabili na ako ng ticket and here we are, we're about to enter in the cinema.""Hmm, sabagay. Pero hindi ko lang talaga maiwasan ang mapaisip. Ba't biglang bumait ka at bakit-""Manonood ba tayo o magkukwentuhan na lang?" sarkastiko niyang wika."Tss, biglang nagsungit!" nakairap kong tugon."Sandali! Paano kang makakapasok sa loob? Isa lang naman nag ipinakita mo sa'kin kanina na ticket.""I bought two tickets!""Whoah!" bulalas ko. Akmang yayakap ako sa kanyang braso dahil sa labis na tuwa ngunit nagulat ako nang hilahin niya ako palapit sa kanyang dibdib at nasubsob pa nga do'n ang aking mukha. "Hoy, dahan-dahan naman! Buntis ako oh!" reklamo ko ngunit nagulat ako sa biglang pag sigaw ni

  • Marrying The Arrogant CEO   Chapter One Hundred Eleven: Ticket

    KINABUKASAN ay nagulat ako dahil ang himbing pa rin ng tulog ni Damon habang nakahiga saaking tabi. I was about to get up para sana kunin ang aking cellphone upang alamin ang oras. Ngunit hindi ko magawa dahil nakayakap siya sa kanang braso ko."Gosh! What happened to this man? Sinadya niyang alisin ang unan na nakaharang sa pagitan namin para lang yakapin ang braso ko." pagkausap ko sa akong sarili.Dahan-dahan ay sinubukan kong alisin ang kanyang braso. Ngunit namilog pa ang aking mga mata nang bigla na lang siyang magsalita. "Stay.""So, you're awake? Bakit hindi ka pa bumabangon? Don't tell me na wala kang balak na pumunta ng office?""May mahalaga akong pupuntahan today kaya't hindi muna ako pupunta do'n. Nando'n naman ang mga ama natin kaya't wala kang dapat na ipag-alala.""Bukod ba sa kompanya, may mas mahalaga pa sa'yo na ibang bagay?" I curiously asked."Yeah, there is.""Huh? Then, what is it?""Tss, i'm still sleepy. Stop asking me that kind of nonsense question!""N

  • Marrying The Arrogant CEO   Chapter One Hundred Ten: Temperance

    EKSAKTONG pagdating namin sa bahay ay saka naman bumuhos ang malakas na ulan."See? Kung nagtagal pa tayo do'n ay baka-""Enough, okay? Huwag mo na akong pagalitan. Magulo na nga ang isip ko eh." Reklamo ko dahilan upang mapilitan siyang manahimik."Mabuti naman at nakauwi na kayo. Kumusta? Nakausap niyo ba si Fatima?" Ani Mommy Diana na agad kaming nilapitan."Si Freya na lang ang tanungin mo mom. Akyat na ako. May mga kailangan pa akong asikasuhin na mga documents."Ani Damon na labis ang pagkainis saakin."What happened?" kaagad na tanong ni mom nang kami na lang ang maiwan sa sala."Nothing.""Huh? What do you mean?""Nothing happened. Dahil hindi naman ako kinausap ni mom. Ni-hindi niya man lang ako pinagbuksan ng pinto.""OMG! Kinaya niya 'yon? As in natiis ka niya na huwag papasukin sa bahay niyo?""Yes mom! As I told you, kakaiba ang mom ko. Mas matigas pa ang puso niya sa bato.""Gosh, I can't imagine how she-""It's okay, mom." walang emosyon na tugon ko.Kapagkuwa'y bi

  • Marrying The Arrogant CEO   Chapter One Hundred Nine: Tried

    KINABUKASAN ay maaga akong gumising. Balak kong puntahan si mom para sana suyuin at paulit-ulit na humingi ng tawad sa kanya.Maingat akong bumangon para lang huwag magising si Damon. Linggo ngayon kaya't mahimbing pa rin itong natutulog.I go downstairs para sana magtimpla na lang ng gatas bago umalis ng bahay. Ngunit nagulat ako nang maabutan ko si Mommy Diana na nakaupo sa couch sa living room."Ba't ang aga mong bumangon?" sita niya saakin. "Namumugto pa 'yang mga mata mo at halatang kulang ka pa sa tulog.""Uhm, may pupuntahan ako mom, kaya-""Saan? Sinong kasama mo?" latulou niyang usisa."Sa bahay mom. Ako lang mag-isa ang pupunta.""No!""Huh? But why mom?""Delikadong bumyahe ng mag-isa lalo pa't ganyan ang sitwasyon mo. Look, malaki na ang tiyan mo. Mahihirapan kang sumakay kung wala kang sariling sasakyan.""Mom, I can handle myself. Ang daming buntis diyan na mas malaki pa ang tiyan kaysa saakin at kinakaya naman nila ang bumiyahe sa araw-araw.""Tss, alam ko na

  • Marrying The Arrogant CEO   Chapter One Hundred Eight: Mad

    "MOM, i'm sorry." humikbing sambit ko habang hawak ko ang kamay ng aking ina."Sorry? Gano'n na lang 'yon? Pinagmukha mo akong tanga, Freya! Ako ang ina mo, pero sa kanya ka kumampi? Wala na ba talaga akong halaga sa'yo?" puno ng hinanakit sa tinig ni mom at pilit na inalis ang kamay ko."I love you both mom, kaya nagawa ko 'yon. Ayokong-""Liar! Kung mahal mo ako bilang ina mo, hindi mo ako susuwayin. Dahil alam mo naman sa sarili mo na ginagawa ko 'to para maging ligtas ka...kayo ng magiging mga anak mo. But, look what you did...you betrayed your own mother.""Sorry mom. Hindi na ba magbabago ang isip mo? Bakit hindi mo na lang patawarin si Mommy Diana para-""Simula sa araw na 'to ay kalimutan mo ng ako ang ina mo. Tutal mas pinili mo naman si Diana over me, di'ba?" "Mom please! Huwag naman ganyan! Wala akong pinipili or kinakampihan!""Whatever, Freya! Bahala ka na sa buhay mo!" singhal niya saakin bago dinampot ang kanyang handbag at walang lingon likod na lumabas ng b

  • Marrying The Arrogant CEO   Chapter One Hundred Seven: Mommies

    PAG GISING ko kinabukasan ay wala na naman sa tabi ko si Damon. I'm sure he's actually preparing for work kaya naman nagmadali akong lumabas ng silid.Dumiretso ako sa dining area ngunit wala rin siya do'n."Hmm, looking for Damon?" that's Trisha's voice coming from behind."Yeah. Have you seen him?""Well, maaga siyang umalis dahil kailangan niya pang kunin ang kanyang kotse.""Oh, I see.""Na-miss mo naman agad." Panunudyo niya."Hindi ah. Natanong ko lang dahil pag gising ko ay wala na siya sa tabi ko at -""Tss, magdamag na nga na magkatabi, hindi pa rin mapakali kinabukasan!" giit pa niya. "Bakit, hindi ba sulit 'yong yakap at halik niya sa'yo kagabi?""Gosh, will you please shut up! For your information, walang nagaganap na yakap at halik every night. Dahil dalawang malaking unan ang nakaharang sa pagitan namin.""Huh? Seriously?""Yes!" naiinis na sagot ko na sinundan ko pa ng pagtaas ng aking kilay."Wait! Alam ba ng mom ni Damon ang tungkol dito?""Ofcourse not! P

  • Marrying The Arrogant CEO   Chapter One Hundred Six: Worried

    GABI na ay hindi pa rin dumarating si Damon. Maging sina Trisha ay wala pa din. Kailangan kong makausap ngayon si Damon para makahingi ako ng tawad sa inasal ko kagabi. I realized lately na masyado akong nagpadala sa aking emosyon kaya't kung anu-ano ang mga nasabi ko sa kanya at palagi kong nakakalimutan that he has a temporary amnesia."What's wrong? What is that sad look in your face, honey?""Uhm, nothing mom. Nag-aalala lang ako kina Damon at Trisha. It's almost eight in the evening and they're not home yet.""Ako nga rin eh. Hmm, did you try to call them?""Yeah, but they both not picking up their phone.""Oh my god! How about his driver? Please Freya, try to contact him baka may alam siya kung nasaan ang dalawa.""Okay mom. Tinawagan ko ang driver at nakakagulat na pati siya ay hindi rin makontak.""What now? Don't tell me that he's not picking up as well?""Not really, mom.""Gosh! How about Ernest?""I will call him, mom."I called Ernest and i'm glad that he suddenly

DMCA.com Protection Status