Stay tuned for more updates! ☺️
Belle's POV Pagkauwi namin sa penthouse, akala ko ay makakapagpahinga na ako nang tahimik. Pero hindi pala. Hindi pa ako nakakalabas nang maayos sa sasakyan ni Damian, may narinig na akong malalim niyang buntong-hininga. Napataas ang kilay ko habang nilingon siya. “Ano na naman ang problema mo?” Tumingin siya sa akin, halatang iritado. “Ikaw.” Napakurap ako. “Wow. Ikaw na ata ang pinaka-straightforward na taong nakilala ko.” Tumayo siya nang tuwid at sinarado ang pinto ng sasakyan. “Belle, kung alam ko lang na ang kasama ko sa kasunduang kasal na ‘to ay isang pasaway, baka nag-isip muna ako ng sampung beses.” Naglakad ako papasok ng penthouse habang hawak ang natitira kong milk tea. “Well, too late for regrets, Mister Villareal. I’m already here, and there’s nothing you can do about it.” Sinundan niya ako sa loob. “Alam mo bang napaka-childish mo?” Huminto ako sa gitna ng sala at humarap sa kanya. “Childish? Dahil lang sa milk tea?” “Hindi lang doon,” sagot niya, inalis ang
Belle's POV Pagkababa ko mula sa kwarto, naamoy ko agad ang matapang na aroma ng kape. Napakunot ang noo ko. Sa pagkakaalam ko, may chef naman si Damian para asikasuhin ang pagkain niya. Pero bakit parang ang tahimik ngayon? Pumasok ako sa kusina at napatigil sa nakita ko—si Damian mismo, nakatayo sa harap ng stove, suot ang itim na long-sleeved shirt na may bahagyang nakasukbit na apron. Sa gilid ng counter, may isang tasa ng kape at isang plato ng toast. Napataas ang kilay ko. “Wow. Sino ‘to at ano ang ginawa niya kay Damian Villareal?” Lumingon siya sa akin, halatang hindi natuwa sa komentaryo ko. “Anong sinasabi mo?” Nilapitan ko siya, saka tumingin sa kawali kung saan may niluluto siyang scrambled eggs. “Ikaw mismo ang nagluluto ng breakfast mo? Hindi ba’t may chef ka?” “Tanghali pa darating ang chef.” “So? Hindi ka ba marunong um-order sa labas?” Nagtaas siya ng kilay. “Hindi ko kailangang umasa sa iba para sa simpleng bagay.” Napanguso ako. “Huh. Ibig sabihin, marunong
Belle's POV Pagdating ko sa opisina, agad akong napabuntong-hininga. Kahit ilang araw na ako rito, hindi pa rin ako sanay sa atmosphere. Lahat ng tao ay pormal, masyadong seryoso, at parang takot sa amo nilang si Damian Villareal—na, unfortunately, asawa ko. Pinandilatan ko ang sarili ko sa reflection ng elevator. Asawa mo nga siya, Belle. Pero hindi totoo. Scripted lang. Pagdating ko sa floor ng opisina niya, dumiretso ako sa desk ko. Assistant daw ako ng boss. More like personal suffering manager. Wala pang isang minuto mula nang umupo ako, bumukas ang pinto ng opisina ni Damian. Lumabas siya, suot ang perpektong itim na suit, mukhang nagmamadali. “Belle,” tawag niya, malamig ang boses. “Wow, good morning din sa 'yo, Mister ko,” sagot ko, nakangiti nang pilit. Hindi siya nagpatinag. “Dala mo ba ang reports na pinagawa ko kahapon?” Napakurap ako. Reports? Bigla kong naalala—oh, shoot. Hindi ko pa pala natatapos! “Uh…” Tinapik-tapik ko ang desk ko, kunwari hinahanap ang file
Belle's POV Isang oras na akong nakaupo sa desk ko, pero hindi pa rin ako maka-move on sa inis ko kay Damian. Akala mo kung sino kung makapag-utos! Akala mo hindi ako asawa niya!Well, technically, hindi naman talaga…Pero still! Wala man lang konting appreciation? Sinayang ko ang energy ko sa paggawa ng report tapos kung makapagsalita siya, parang isa akong empleyado na nagkamali sa order ng kape niya.Hinawakan ko ang ulo ko. “Ugh! Nakakainis talaga siya!”“Ah, ma’am?”Napalingon ako sa assistant ni Damian—si Helen. Nakatayo siya sa harap ko, mukhang kinakabahan.“Bakit?”“P-Pinapatawag po kayo ni Sir Damian sa office niya.”Napairap ako. “Ano na naman kayang reklamo niya?”Hindi sumagot si Helen, pero halatang ayaw niyang mapag-initan ni Damian. Huminga ako nang malalim bago tumayo, bitbit ang ni-revise kong report, at dumiretso sa opisina ng boss-slash-asawa kong walang puso.Pagpasok ko, naroon siya, nakatayo malapit sa glass wall ng opisina, nakatingin sa city view. Classic ‘my
Belle's POV Nakaharap ako ngayon sa salamin, pinagmamasdan ang sarili ko sa suot kong itim na dress. Napangiti ako. Bagay na bagay sa akin. Simple pero eleganteng tingnan. At higit sa lahat, deadly sexy.Sinulyapan ko ang relo ko. 7:30 PM. May kalahating oras pa bago magsimula ang business dinner ni Damian."Belle, bilisan mo," malamig na boses ni Damian ang umalingawngaw mula sa pinto ng kwarto ko. "Ayokong malate."Napairap ako at sinadyang patagalin pa ang sarili ko. Kung gusto niyang mainis, fine, let’s test his patience."Ano ba, Damian? Aalis pa lang tayo, pero ang sungit mo na agad," sagot ko habang inaayos ang buhok ko.Narinig kong bumuntong-hininga siya. "Kung hindi mo tatapusin ‘yang kaartehan mo sa loob ng dalawang minuto, iiwan kita."Napangisi ako. Like hell you will.Sinuot ko ang stiletto ko at lumabas ng kwarto, bitbit ang maliit kong clutch bag. Nagtagpo ang mga mata namin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, at kahit wala siyang sinasabi, alam kong may gusto
Belle's POV Pagdating namin sa bahay, pakiramdam ko ay nakaligtas ako sa isang digmaan. Hindi biro ang dinner na ‘yon—ang titikas ng mga negosyante at ang bigat ng ambiance. Pero ang pinaka-highlight ng gabi? Siyempre, ang inis na inis na mukha ni Damian habang sinasagot ko ang mga business moguls niya.Sa totoo lang, hindi ko naman intensyon na guluhin ang dinner niya. Pero hello? Bakit ko naman palalampasin ang pagkakataong inisin siya? Lalo na’t ang initial plan niya lang pala ay gawin akong isang tahimik na trophy wife na ngingiti lang sa tabi niya. As if!Pagkatapos kong magpalit ng damit, lumabas ako ng kwarto para kumuha ng tubig sa kusina. At sino pa nga ba ang makikita ko roon kung 'di si Mr. Cold and Grumpy? Nakasuot pa rin siya ng slacks at nakabukas ang ilang butones ng polo niya, revealing just a hint of his toned chest.Napanguso ako. Sayang ang hitsura kung laging singlamig ng yelo ang ugali.Tumingin siya sa akin, halatang may gustong sabihin. Alam kong tungkol ito sa
Belle's POV Welcome to Hell… este, MarketingPagbaba ko sa third floor, agad akong sinalubong ng isang babae na mukhang nasa mid-40s na. Elegante ang dating niya, mataray ang aura, at halatang high-ranking employee."Mrs. Villareal?" tanong niya, diretsong tumingin sa akin mula ulo hanggang paa.Ngumiti ako. "Just Belle, please."Hindi siya ngumiti pabalik. Ang cold. Parang si Damian lang, huh."Ako si Ms. Herrera, ang head ng Marketing Department. Sinabihan na kami ni Mr. Villareal na ikaw ay i-aassign sa team namin."Kumunot ang noo ko. Ano ‘tong nararamdaman kong may something off sa tono niya?"Great! I’m excited to work with you, Ms. Herrera!""Sana nga," sagot niya na parang may halong duda.Okay, wow. Kahit hindi niya sabihin, ramdam kong hindi siya natutuwa sa presence ko. I get it, baka iniisip niyang binaby ko lang ‘to dahil asawa ako ng boss nila. Excuse me, I am a working woman!Sumama ako sa kanya papunta sa isang row ng cubicles. May mga empleyado na napapatingin sa aki
Belle's POV Pagkatapos ng lunch, bumalik ako sa opisina na may bagong sigla—o at least, sinubukan kong maging masigla kahit parang gusto ko nang umuwi at matulog. I mean, ang daming documents na kailangang aralin! Pero hindi ako pwedeng magpatalo. Kailangan kong patunayan na hindi lang ako trophy wife ni Damian. Pag-upo ko sa desk ko, may lumapit agad sa akin—si Kyle. "Belle, may meeting tayo mamaya," aniya, hawak ang isang clipboard. "Kasama mo si Mr. Villareal." Napatigil ako. "Wait, what? Bakit kasama ko si Damian?" "Ikaw ang na-assign na mag-present ng initial marketing strategies para sa bagong product line ng kumpanya." Napakunot ang noo ko. "Pero kakasimula ko lang! Kahapon lang ako na-hire!" Tumikhim siya. "Hindi mo ba alam? Ikaw ang pinili ni Mr. Villareal para dito." Napanganga ako. What the hell, Damian?! Agad akong tumayo at naglakad papunta sa opisina ng asawa ko. Wala na akong pakialam kung anong sabihin ng ibang empleyado—diretso akong pumasok sa loob. Nasa li
Damian's POV Nagising ako sa malamig na espasyo sa tabi ko.Agad akong bumangon, inabot ang gilid ng kama kung saan dapat ay nakahiga si Belle, pero walang ibang naroon kundi ang bahagyang lukot na kumot at ang amoy niyang naiwan sa unan.Mabilis akong lumabas ng kwarto, umaasang matatagpuan siya sa sala o sa kusina, pero walang Belle na sumalubong sa akin.Napamura ako sa sarili.Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa bedside table at tinawagan siya.Isang beses. Dalawang beses. Tatlong beses.Pero wala. Patay ang phone niya."Lintek!" napabulalas ako, pinipigilan ang bugso ng kaba sa loob ko.Hindi siya maaaring umalis. Hindi siya pwedeng basta na lang mawala.Damn it, Belle.Kahapon lang, ramdam kong bumigay na siya sa akin. Ramdam kong nagbukas na siya, na kahit papaano ay may puwang na akong nakuha sa puso niya. Pero ngayon, bigla na lang siyang nawala na parang bula?Hindi puwedeng ganito lang 'yon.Binalot ng tensyon ang dibdib ko habang pababa ako sa hagdan. Malamang nasa
Damian's POV Tahimik ang biyahe namin pauwi. Ang tanging naririnig ko lang ay ang marahang ingay ng makina at ang mababaw na paghinga ni Belle. Nakatingin siya sa labas ng bintana, hindi ko alam kung nagmamatigas lang siya o iniisip ang nangyari kanina.Ang kaninang tensyon sa pagitan namin ay hindi pa rin nawawala. Hindi ko rin alam kung anong mas matimbang—ang inis ko dahil sa pagiging stubborn niya o ang hindi mapigilang pagnanasa kong muli siyang mahawakan.Hindi ko na lang pinansin ang pangungutya ng utak ko. Mas mabuting manatili na lang akong tahimik.Pero puta, ang hirap.Gustong-gusto kong basagin ang katahimikan sa pagitan namin. Gusto kong ipaalala sa kanya ang halik na hindi niya nagawang iwasan kanina. Pero nagtiis ako. Hanggang sa makarating kami sa penthouse.Pagkapasok namin sa loob, dumiretso agad siya sa hagdan, halatang iniiwasan ako."Hindi mo ba balak mag-usap?" tanong ko, hindi ko na matiis ang katahimikan.Huminto siya saglit sa gitna ng hagdan, hindi lumilingo
Damian's POV Nakahinto pa rin ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Sa loob ng makipot na espasyo ng kotse, nanatiling nakakapit ang tingin ko kay Belle—ang mga mata niya nag-aapoy sa galit, pero sa ilalim ng matalim na tingin na ‘yon, may isang bagay na hindi niya maitago.Desperadong itinulak niya ako palayo. "Damian, tama na!" sigaw niya, pero kahit siya ay alam na huli na ang lahat.Napangisi ako. "Tama na? Bakit? Natatakot kang aminin ang totoo?""Anong totoo?!"Napailing ako, pinagpapasensyahan ang kakulitan niya."The truth that you liked that kiss, Belle."Bakas sa mukha niya ang frustration. Hindi niya maamin, hindi niya matanggap. At lalo akong naiinis sa kakulangan niya ng honesty."Alam mo, Damian?" Nagpahid siya ng labi niya gamit ang likod ng palad niya, animo'y may lason ang halik ko. "Napakasama mong tao! Walang kang respeto sa akin!"Napatawa ako nang mapait. "Respect? Belle, huwag mo akong turuan tungkol sa respeto. Dahil sa atin dalawa, ikaw ang mas walang respeto sa s
Damian's POV Pagkalabas na pagkalabas namin ng bar, nagsimula na agad si Belle sa walang katapusang litanya niya. "Damian! Ano bang problema mo?!" sigaw niya habang pilit na hinahatak ang braso niya mula sa hawak ko. "Ikaw ang problema ko," sagot ko nang hindi man lang nilingon siya. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad patungo sa parking lot, habang siya naman ay pilit na nagpupumiglas. "Let me go!" mariing sabi niya, pero lalo ko lang hinigpitan ang hawak ko sa kanya. "Bakit? Para makabalik ka sa loob at magpasilip pa sa ibang lalaki?" tumaas ang tono ng boses ko. Napahinto siya at tuluyang nabawi ang kamay niya mula sa akin. "Excuse me?!" Nakasalubong ko ang nag-aapoy niyang mga mata. "I am not—" "Not what, Belle?" madiin kong tanong habang unti-unti akong lumalapit sa kanya. "Not enjoying the attention? Huwag mo akong gawing tanga. Nakita ko kung paano ka tinitingnan ng mga lalaki sa loob. At anong ginawa mo? Hinayaan mo lang!" Nagtaas siya ng kilay. "So, kasalanan ko na nga
Damian's POV Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na sumama sa party na 'to. Alam ko namang hindi ko magugustuhan. Ang ingay ng music, ang siksikan ng mga tao, at higit sa lahat—ang suot ni Belle.Damn.Nang makita ko siya kanina, halos mawalan ako ng hininga. The dress she wore clung to her body like second skin, highlighting every curve, every inch of her that should only be for my eyes. Pero ang mas lalong nagpainit sa ulo ko? Ang mga lalaking hindi mapakali sa tuwing nadadaan siya.Tulad na lang ngayon.Mula sa kinalalagyan ko, kitang-kita ko kung paano siya sinusundan ng tingin ng halos kalahati ng kalalakihan dito. They weren’t even trying to be discreet. May ilan pang mukhang nagbabalak lumapit sa kanya, pero dahil nandito ako, hindi sila makalapit. Tama lang. Dahil kapag may lumapit? Sisiguraduhin kong pagsisisihan nila."Damian, relax," bulong ni Belle habang inaabot ang isang cocktail mula kay Bea. "Parang gusto mo nang gulpihin lahat ng lalaki rito, eh.""Kung may paraan l
Belle's POV Pagpasok pa lang namin sa exclusive bar kung saan ginaganap ang birthday party ni Bea, alam ko na agad na hindi mapapakali si Damian. His entire aura screamed disapproval—mula sa pagtaas ng kilay niya sa malalakas na music hanggang sa paraan ng pag-scan niya sa paligid na parang may hinahanap na kaaway. But what really set him off was my outfit. “Belle.” His voice was sharp as he leaned down towards me. “Ano ‘yang suot mo?” Napairap ako at mabilis na lumayo sa kanya bago pa niya ako mahawakan. “Damit.” “You call that a dress?” Napatigil ako sandali at binalingan siya. “Anong problema mo sa dress ko?” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, and I could literally feel his disapproving gaze. My dress was a silky, backless number that hugged my curves just right. Medyo above the knee, but nothing too scandalous. At least, not in my opinion. “You’re practically naked,” he hissed. Napahinto ako sa gitna ng dance floor at tumingala sa kanya, nakapamewang. “Naked? Damia
Belle's “Damian, pupunta ako sa party ni Bea sa Friday.” Itinaas ko ang tingin mula sa phone ko at tiningnan si Damian na kasalukuyang abala sa pagtali ng necktie niya sa harap ng salamin. Kadarating lang namin sa penthouse mula sa trabaho, at ngayon pa lang ako nagkaroon ng pagkakataong sabihin sa kanya ang tungkol sa imbitasyon ni Bea. Nagtagal ng ilang segundo bago siya sumagot, pero hindi niya ako nilingon. “No.” Napakunot ang noo ko. “No?” Binitiwan niya ang necktie at saka humarap sa akin, nakataas ang isang kilay. “Hindi ka pupunta.” I stared at him, baffled. “What do you mean, ‘hindi ako pupunta?’ Damian, kaibigan ko si Bea. Birthday niya. Siyempre kailangan kong pumunta!” He exhaled sharply. “I don’t care. You’re not going.” Napasinghap ako sa sobrang inis. “Excuse me? Sino ka para pagbawalan ako?” Tumawa siya nang sarcastic. “Sino pa ba? Asawa mo ako, Belle.” “Oh, wow. Ngayon mo lang naisip na asawa mo ako? Kapag gusto mong kontrolin ang kilos ko?” Naglakad siya
Belle's POV Naramdaman ko agad ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko nang magising ako kinabukasan. Pilit kong idinilat ang mga mata ko at napabuntong-hininga habang kinakalma ang sariling puso.Tila hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari kahapon. Mula sa muling pagharap ko kay Adrian hanggang sa pagsuntok ni Damian sa kanya—at higit sa lahat, ang huli kong ginawa bago kami umuwi.I kissed him.Napapikit ako habang niyayakap ang unan.Ano ba kasing pumasok sa isip ko? Bakit ko siya hinalikan sa pisngi? Lalo ko lang pinapalala ang sitwasyon namin!Mabilis akong napailing. Hindi. Hindi dapat ako mag-overthink. Siguro, nadala lang ako ng emosyon. Siguro, isang paraan lang ‘yon ng pasasalamat kay Damian sa pagtatanggol niya sa akin.Bumaba ako ng kama at naghilamos bago bumaba. Hindi pa ako gaanong nakakain kagabi, kaya ramdam kong kumakalam ang sikmura ko.Pagdating ko sa dining area, saglit akong natigilan sa nasaksihan ko.Si Damian ay nakatayo sa gilid ng mesa habang inaay
Belle's POV Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang paglayo ni Damian patungo sa restroom. Kahit paano, gumaan ang pakiramdam ko matapos niyang itaboy si Yumi. Hindi ko rin maitatangging may kaunting satisfaction akong naramdaman nang makita kong napahiya ang babae. Pinakialaman ko ang baso ng tubig sa harapan ko, pilit na itinataboy ang kung anumang emosyon ang unti-unting lumalabas sa sistema ko. Hindi dapat. Hindi ko dapat hinahayaang magkaroon ng puwang si Damian sa puso ko. Contract marriage lang ‘to. Walang emosyon. Walang tunay na pagmamahal. Pero bakit may kung anong init sa dibdib ko kanina nang ipagtanggol niya ako? Napailing ako. Hindi. Hindi ko dapat isipin ‘yun. Siguro ay napagod na lang siya sa pambabastos ni Yumi. ‘Yun lang ‘yon. Walang iba. Sakto namang nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang may biglang tumabi sa akin. "Belle." Halos matapon ang tubig mula sa baso ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na ‘yon. Unti-unti a