CHAPTER 21 KINABUKASAN ay maagang nagising si Charlaine. Ito ang unang araw na para bang isa siyang prinsesang walang kahit na anong poproblemahin. Kaya nang makapunta siya sa kusina ay nakaamoy agad siya ng masarap ng niluluto. Nagluluto ba si David? Tanong niya sa kaniyang sarili. Ngumiti rin siya sa ideang nagluluto ito para sa kanilang dalawa. Nang tuluyan na siyang nakapasok sa loob ng kusina ay kitang-kita niya si David na maraming inihanda sa lamesa. Pero ang mas ikinagulat niya ay ang naka-topless lang ito habang suot ang apron. “Marunong ka pa lang magluto?” biglang tanong ni Charlaine. Mabilis namang tumingin sa kaniya si David na malapad ang ngiting ipinukaw sa kaniya. Itinigil nito ang pagluluto hanggang sa nilapitan na niya ito. “Matagal na akong nagluluto, sweetheart,” tugon nito. Hindi na napigilan ni Charlaine ang ipakita a
CHAPTER 21.2 At nang kumatok na ito ay nagmadali siyang maghubad ng kaniyang mga saplot. She was so hot doing it freely. Hindi niya akalain na darating ang araw na magagawa niya ito sa isang taong kagaya ni David. Isang tao na nakikita ang tunay niyang halaga. “Pagbukas mo ng pinto, nakahubad ka na dapat,” malagkit na saad ni David mula sa labas ng kaniyang kuwarto. Napangiti siya ng malapad. Kapagkuwan ay dahan-dahan na niyang binuksan ang pintuan. Bumungad sa kaniyang harapan ang nakahubad nang katawan ni David. Nagtinginan sila sa isa’t isa. “Hindi ko akalain na nababasa mo agad ang tingin ko na iyon,” hindi makapaniwalang sambit ni David. Sa puntong iyon ay mas nakatitig na si Charlaine sa pagkalalaki ni David. Tayong-tayo na ang pagkalalaki nito kung hindi mapipigilan ay talagang manunuklaw na parang isang ahas. “Damang-dama ko naman iyon, Da
CHAPTER 22 TINANGHALI nang magising si Charlaine dahil sobrang pagod siya. Akala rin naman niyang gigisingin siya ni David pero hindi pala. Kaya nang magising na siya nangtuluyan ay siya na lamang ang nasa loob ng kuwarto. Agad din naman siyang bumangon para mag-ayos sa kaniyang sarili. Nang pumunta siya sa kusina ay hindi niya nadatnan si David. “David?” sambit niya sa pangalan nito nang nasa salas siya para tawagin ito. Ngunit walang sumasagot sa kaniya. “Asan naman iyon!” giit niya. Ngunit nang makalabas siya ay nakita niya itong nasa harden. “David,” tawag niya dito. Agad itong lumingon sa kaniy kasabay ng pagngiti nito ng napakatamis. “Gising ka na pala,” bungad ni David. Tumayo ito. Nakita ni David ang ginawa nito sa maliit na lamesa. “Akala ko umalis ka na,” saad ni Charlaine
CHAPTER 22.2 Nakita niya sa peripheral vision na tumingin sa kaniya si David. Naramdaman ni Charlaine na sobrang nag-alala ito sa kaniya. “Gusto mo bang itakas kita?” tanong nito na para bang isang simpleng tanong lamang iyon. Kaya napatawa ng peke si Charlaine dahil alam naman niyang hindi maganda ang gagawin iyon. Pero gusto niyang tumakas. “Nasabi ko na rin ang isasagot ko, David. Ayaw ko lang madamay ang aking mga magulang,” paliwanag ni Charlaine. Nagtinginan silang dalawa ni David. “Hindi ko alam kung bakit iyang nagkaganiyan si Harris. Maraming paraan na kaming ginawa pero hindi pa rin siya nagtino,” pagkukuwento nito. Hind niya matansiya kung ano ang ibig nitong sabihin kaya kumunot ang kaniyang noo. Wala naman siyang dahilan para itanong dito kung ano ang mga paraan nito. “Matagal na naming napapansin si Harris,” pat
CHAPTER 23 ALAM ni Charlaine na nasasanay na siya ng tuluyan kay David. Hindi niya kayang itanggi iyon dahil totoo mas nararamdaman niya ang tunay nitong pagmamahal sa kaniya. Ito na ang huling dalawang araw ni David na kasama niya ito. Kaya kahit may dalawang araw pa sila ay talagang nag-alala na siyang hindi na naman niya ito makikita ng ilang buwan. “Natatakot ako na kapag matapos na ito ay baka hindi na tayo muling magkikita,” sabi niya. Magkatabi silang dalawa ngayon sa kama habang nag-movie marathon. Pero hindi maka-focus si Charlaine dahil mas nag-alala siya. “Hindi iyang mangyayari. Gagawa ako ng paraan, Charlaine,” paliwanag naman nito na para bang isang pangako iyon. Hinawakan pa nito ang kaniyang magkabilaang kamay. Sandali rin ay hinalikan nito ang kaniyang kamay at tumingin sa kaniya na parang in love na in love. “Hindi ko lang talaga maiwasan
CHAPTER 23.2 Tumango na lamang siya bilang sagot. Tiningna niya ang likuran ni David nang nasa malapit sa pintuan na ito. Kahit ang likuran nito ay talagang napa-hot. Wala talagang maipipintas si Charlaine kay David. Pero kay Harris ay sobrang dami niyang gustong sabihin na flaws nito. Para na yatang perpektong lalaki si David. Pero iyon nga lang, kamukha ito ni Harris. Gayunpaman ay hindi naman iyon big deal sa kaniya. Mas nararamdaman niyang mas malayo ang agwat ng kambal. At si David ang para sa kaniya ang mas umangat. “Siya talaga ang pipiliin ko,” bulong ni Charlaine nang tuluyan nang nawala sa kaniyang paningin si David. Hinintay na lamang niya itong muling makabalik. Noon lang niya napansin na mayroon pa lang TV na naka-on. Kaya ang ginawa niya ay tumingin muna sa movie na hindi na niya masundan kung nasaan parte na ito. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakabalik na si David. Dala na
CHAPTER 24 HULING ARAW na ngayon na magkasama silang dalawa ni David. Talagang nakaramdam si Charlaine ng sobrang kalungkutan dahil sa ayaw niyang mangyari ito. Ngunit hindi naman hawak ni Charlaine ang oras para pigilan niya itong mangyari. Isa pa, natatakot siyang muling bumalik si Harris at malaman ang tungkol sa kanilang dalawa. Sinigurado ni Charlaine na hindi bukas ang mga CCTV. Sana nga lang ay hindi mangyayaring malaman nito iyon. But she made sure that the CCTVs are off. “Aalis ka na ba?” malungkot niyang tanong kay David. Lumingon ito sa kaniya na kitang-kita sa mga mata nito ang malungkot na emosyon. Alam niyang hindi rin nito ginusto ang umalis agad. Ngunit wala naman silang mapagpipilian. “Kailangan ko nang umalis, Charlaine. Delikado kung makikita ako dito ni Harris. Gayunpaman, hindi pa rin tayo nakasigurado na hindi niya alam ang tungkol sa atin. You know my phon
CHAPTER 24.2 “Magiging matatag ka dito, Charlaine,” muling bilin nito nang magkaroon ng agwat ang kanilang mga labi. Tumango si Charlaine bilang sagot. Kapagkuwan ay tiningnan niya ang ilang gamit ni David na nasa sahig pa dahil hindi pa nito nailagay sa bag. Hanggang sa lumipas ang ilang minuto ay namalayan na lamang niyang nasa labas siya ng gate. “Babalikan kita,” huling sinabi ni David bago nito pinaharurot ang kotse. Siya naman ay naiwang may lungkot. Naiwan siyang umaasa na sana ay magkatotoo ang mga sinasabi ni David sa kaniya. Naiwan siyang bumabalik na naman sa dati ang mga narasanag kasamaan kay Harris. Naiwan siyang walang kasiguraduhan kung ano na ang maghihintay sa kaniyang buhay. “Sana babalikan mo ako, David,” bulong niya sa hangin. Tumalikod na siya. May hapdi sa kaniyang dibdib na sinirado ang gate. Hanggang sa nasa l
CHAPTER 44NAPATINGIN agad si Charlaine kay Mang Ben nang mabanggit nito ang pangalan ni Jacob. “Nandito rin po pala si Jacob?” masaya niyang tanong dito. Tumango sa kaniya ang matanda. “Hindi pa kasi siya nakapag-apply bilang criminology. Naghihintay lang siya kung kailan ang kaniyang tawag,” paliwanag nito. Si Jacob ay ang kaniyang kababatang kaibigan na kasamang tumanda noon sa probinsiya. Hindi niya akalain na magiging pulis na pala ito. “Nasaan po ba siya ngayon, Mang Ben?” tanong niya naman ulit. Ngumisi naman si Mang Ben. “May inaasikaso siya sa asyenda. Mamaya pa ang uwi noon. Pero kung gusto mo siyang makita agad ay puwede naman nating puntahan,” paliwanag nito. Napangiti na lang ulit siya. “Siguro makulit pa rin ang lalaking iyon. Kumusta na pala ang buhay pag-ibig niya?” “At bakit mo naman naitanong?” Nagulat siya sa biglang nagsalita na nasa malapit s
CHAPTER 43MATAPOS makapagbayad si Charlaine sa taxidriver ay agad na siyang lumabas ng taxi. Napatingala siya sa nakalagay na plaka sa harapan niya. “Hidalgo’s Hacienda,” basa niya dito. Ilang taon na rin ang nakalipas na ngayon lamang niya nabalikan ang kaniyang asyanda. No one knew about it. Siya lamang talaga dahil ayaw niyang maging open ito sa kaniyang pamilya. This is her hidden place. Ilang sandali pa ay agad na may sumalubong sa kaniya na guwardiya. Kilalang-kilala niya ang guwardiya na ito kaya ngumiti siya dito. “Mang Nestor!” bungad niya dito. Ngumiti naman ang guwardiya. “Good morning, ma’am! Long time now see!” Tumango siya dito. “Kumusta na pala ang asyenda ko na ito?” Pinagbuksan na siya nito ng malaking gate. “Ayos lang naman po. Malaki na po ang pinagbago nito simula noong huli ka pong pumunta dito. Inalagaan po ito ng husto nina Ben at Mercy.”
CHAPTER 42WALANG ibang pumasok sa isip ni Charlaine kundi ang makipagkita na lamang siya kay Harris. Gusto rin niyang malaman kung ano ang sasabihin ni Harris sa kaniya. Gusto niyang malaman kung may pagbabago ba sa buhay nito dahil kung wala, dapat na siyang matakot dahil wala sa matinong pag-iisip si Harris. “Asan na ba ang putangina na iyon!” Panay ang kaniyang tingin sa oras at sa paligid. Panay na rin ang tingin ng mga waiter sa kaniya kahit nakapag-order naman na siya. Noon lang din niya naalala na pupunta pala dapat siya para sa meeting ng kaniyang mga investor pero hindi niya pumunta. ‘Kris, cancel all of my meetings today. Wala akong gana at may gagawin ako na importante.” Alam niya sa kaniyang sarili na mas lalo lamang niyang ipinahamak ang kaniyang sariling kompanya. Ngunit napaisip din siya na kung hindi lamang ginawa ni David ang pagnakaw ng malaking pera sa kaniyang kompanya ay wala siya dito. Napatampal na la
CHAPTER 41KINABUKASAN ay nagdalawang-isip siyang pupuntahan niya ba ang sinabi ni Harris sa kaniyang address. Ayaw niyang magkaroon siya ng iba pang problema. Isa ring problema kung pupuntahan niya si Harris. He was so dangerous. “Maaga ka yatang nagising?” tanong ni David sa kaniya. Dahil hindi pa siya nakapagbihis ng kaniyang attire para sa kaniyang meeting mamaya ay bumaling siya ng tingin kay David. She kissed him. “Hindi ko pa nalutas ang problema ko sa kompanya, David. Ayaw kong isipin na mawala lamang ang pinaghirapan ko ngayon.” Napabuntonghininga si David. Ngunit kahit alam ni Charlaine ang totoo ay pinilit na lamang niyang itago iyon. Nahihirapan siya sa kaniyang naging sitwasyon. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin kay David ang problema. But first, bakit pa nagawa ni David ang ganoong bagay? “Tutulungan kita, sweetheart.” Siya naman itong napabuntonghininga. Yayakap na sana si David sa kaniy
CHAPTER 40TULOG na tulog na si David. Si Charlaine naman ay akalain niyang hindi siya makatulog kahit pagod na pagod siya. Kanina pa niyang kinatitigan ang kadiliman. Panay ang kaniyang pagbuntonghininga. “Everything is so chaos!” saad niya sa kaniyang sarili. Binalingan niya ng tingin ang kaniyang asawa na sobrang himbing na. Napansin niyang naalis sa katawang hubad nito ang kumot kaya mabilis niya itong tinabunan ng kumot. Nang matapos din ay napagdesisyunan niyang magkape na lamang siya. “Magandang gabi po,” bati ni Mia sa kaniya. Ngumiti siya dito. “Hindi ka pa tapos? Ipagbukas mo na iyan.” “Malapit na po itong matapos. Para po bukas ay hindi ko na ito tatrabahuin,” imporma nito. Hindi na siya kumontra sa kanilang maid. Hanggang sa natunton na niya ang kusina ay agad siyang nagtimpla ng kape. Napaupo siya sa harapan ng lamesa. Kinatitigan ang mainit na kape. “Kailan mo
CHAPTER 39NASA salas si Charlaine. Pabalik-balik lamang ang kaniyang paglalakad. Nahihilo na rin siya sa kaniyang sariling ginagawa pero hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili dahil sobra na siyang natatakot. Kahit kanina pa man ay kumalma siya. “Bakit pa kasi nakalabas ang lalaking iyon?!” bulong niya na puno ng takot sa maaaring mangyari sa kaniya. Naka-krus din ang kaniyang braso. Sa puntong iyon ay naghihintay lamang siyang dumating na lamang si David para masabi niya ang lahat tungkol kay Harris. She was wondering if he already knew about his twin. “Ang dami ko na namang problema!” sambit niya ulit. Sandali pa ay natigilan siya nang lumapit sa ka niya si Mia. “Ma’am, baka mahilo kayo. Umupo na muna kayo.” Napatitig na lamang siya dito. Ang laki ng kaniyang problema. Hindi pa nga niya nalulutas ang problema niya sa kaniyang kompanya at ang nalaman niya tungkol kay David ay may dumating na naman. “Ayos lang
CHAPTER 38.2Noon lamang din napansin ni Charlaine ang kaniyang mga luha na nag-uunahan sa pagtulo. Ayaw niyang mangyari na ulit ang bagay noon kahit alam niyang parte lamang iyon sa plano ng pamilyang Jerkins. Ayaw niyang bumalik si Harris sa buhay niya. At ayaw niyang maalala pa ang lahat ngunit wala siyang magawa.“Ngunit bakit kailangan pa niyang magparamdam sa ‘kin?” tanong niya sa sarili. She knew there was something wrong with all those things that happened. Sa puntong iyon, para bang binago na naman ng tadhana ang kaniyang buhay. Kahit nanginginig ang kaniyang buong kalamnan ay pinilit niya ang kaniyang sarili na tumayo. Bumaba na agad siya. “Ma’am,” banggit ng isang maid.Agad siyang napalingon sa tumawag. “Yes?” nagtataka niyang tanong dito.“May isang tao kasi po na gustong pumasok dito sa bahay ninyo. Hindi ko po siya kilala pero para po siyang si sir David,” imporma nito.Nang dahil sa sinabi nito ay napaatras siya. Nanghina ang kaniyang mga tuhod.
CHAPTER 38NAGISING si Charlaine na wala na sa kaniyang tabi si Davdi. Kitang-kita niya ang sarili na wala pang saplot habang nakahiga. Nang mapadapo ang kaniyang tingin sa kaniyang smini table ay may nakahain nang pagkain. Napangiti agad si Charlaine.Bumangon na siya at nagsuot ng kaniyang damit. Kinuha rin niya ang kape. Pagkatapos ay pumunta siya sa kanilang malaking binta. Eksakto namang nakita niya ang papaalis na kotse ni David.Napabuntonghininga si Charlaine.“David, ano ba talaga ang gusto mong mangyari?” malungkot niyang tanong. Bigla niyang naalala ang huling kaganapan kagabi bago siya napasubsob sa katawan ni David. Napahilot tuloy si Charlaine sa kaniyang sintido dahil sumakit iyon. “Bakit ba ang daming nangyayari sa buhay kong ito? Gusto ko lang naman ang sumaya ng husot!” giit niya sa sarili.Muli siyang napabuntong ng hininga. Napatitig siya sa kanilang hardinero bigla. Noon din ay napagtanto niyang ang suwerte naman pala niya dahil sa mga blessing na na
Chapter 37.2Kinatitigan naman niya ang asawa. Kitang-kita niya ang kalungkutan sa mukha nito. Ayaw niyang makita na naawa ito sa kaniya dahil gusto niyang maging masaya lamang sila.“Kaya ko na ito, sweetheart. Kunting tiis na lang. I am working on this problem,” paliwanag pa niya. Puno ng pursigido ang kaniyang boses.“Basta kung handa ka nang humingi ng tulong sa ‘kin, nandito lang ako sa tabi mo,” malungkot nitong sabi. “Sweetheart, huwag mong isipin na hindi kita pinagkatiwalaan, ha? Ayaw ko lang talaga na ma-stress ka rin sa problema ko dahil gusto ko na ako lang muna ang gagapang sa problema. I want to learn. This is my training ground. Alam ko kasi na marami pa akong dapat na malaman,” mahabang paliwanag niya.Tumango sa kaniya si David. Wala naman siyang nakitang problema. Ngunit naalala na naman niya ang nalaman tungkol dito. Ang tinago nito sa kaniya. Hindi niya akalain na kaya palang itago iyon ni David sa kaniya. Sa puntong iyon, gusto niyang itanong ang bagay n