HINDI kaagad siya nakakilos habang yakap ng lalaki ang bewang niya, nanghihina ang buo niyang katawan. Ramdam niya rin ang mabilis na tibok ng kaniyang puso. Unti-unting lumuwag ang pagkakayakap nito at marahan siyang pinaharap, para naman siyang maamong tupa habang napatitig sa nangungusap na mata ng lalaki." Please? Don't do this,kailangang kailangan kita, Camilla," anito sa nangungusap na boses.Nagtatanong ang mga mata niya na nakatitig dito habang pigil ang hininga. Hindi niya ganap na maunawaan kung ano ba ang ibig nitong sabihin. Gusto niya pang marinig ang sasabihin nito ngunit nakatitig lang din ito sa kaniya at bumaba iyon sa kaniyang labi. Matagal sila sa ganoong posisyon nang tila matauhan ito at umiwas na nang tingin ngunit naghihintay pa rin siya sa susunod na sasabihin nito. Napabuntung hininga ito at muling tumitig sa kaniya." M-magagalit sa'kin si Athena pag nalaman niyang umalis ka."Hindi niya alam ngunit nadismaya talaga siya sa narinig, may inaasahan pa ba siyan
NASIMANGOT si Camilla habang naghihintay sa isang restsurant kung saan magkikita sila ni Mico. Day-off niya ngayon kaya nag-aya ang binata na lumabas sila. Mas maaga siyang dumating kaysa sa eksaktong oras na napag-usapan nila kaya naman kanina pa siya naghihintay dito. Nabunutan siya ng tinik ng makita ang nobyo at dahil wall glass ang design ng restaurant tanaw niya ito ng bumaba ng kotse. Napatingin siya sa wristwatch, halos kalahating oras na pala siyang naghihintay. Lumuwang ang ngiti ng binata ng matanawan siya, pinilit niyang ngumiti sa kabila ng inis na nararamdaman. " Kanina ka pa, babe?" tanong nito. Ngayon niya lang napansin na may bitbit itong boquet of flowers at iniabot ito sa kaniya." Mga half an hour na," malamig niyang tugon." B-bakit naman ang aga mo?" nagkakamot ang ulo na tanong pa nito.Ang totoo ay sinadya niya talagang maging maaga dahil gusto niya rin agad na makauwi matapos nilang kumain. Tutulungan niya kasi si Damon sa ginagawa nitong mga bagong recipes
HINDI kaagad nakapagsalita si Damon hindi niya rin kasi alam ang isasagot sa kaibigan. Maya-maya ay tumawa ito ng malakas." Biro lang pare, namumutla ka na agad eh!"Pinilit niyang tumawa na rin at maging kaswal sa harap nito saka tinuloy ang ginagawa." Siraulo ka talaga!" " Pareho tayo ng ligaw ng bituka pare at alam kong pareho rin tayo ng tipo when it comes to a girl."" Oo na, sige na bumalik ka na nga roon sa bar mo, ang gulo mo!"" Teka! Iyong alok ko sa'yo kanina na maging chef ko, pumayag ka na?" anito saka muling tinikman ang pagkaing nakahain sa lamesa.Hindi niya alam na seryoso pala ang kaibigan sa alok nito kanina." Are you saying na isara ko na ang resto ko para maging chef mo?"" Hayy! Ikaw talaga, pwede ka naman magtrain ng new chef para dito sa resto mo!" pangungulit pa rin nito." Okay, ganito na lang i will train a new chef para pumasok sa bar mo, okay na ba sa'yo iyon?"Alam niya ang kakulitan ng bestfriend, hindi siya titigilan nito hanggat hindi siya pumapaya
BALISA si Camilla nang gabing iyon, kanina pa okupado ni Damon ang isip niya kaya hindi siya makatulog. Pabiling-biling siya sa higaan, tatayo at magpaparoot-parito. Hindi niya na maintindihan ang sarili nang gabing iyon, gusto niya ng maiyak sa kalituhan. Kanina pa naglalaro sa kaniyang balintataw ang gwapong mukha ng lalaki. Maging ang ginawa nito sa kaniya kani-kanina lang at paulit-ulit iyon na sumasagi sa kaniyang isipan. Hindi niya alam ang ibig sabihin nang nangyayari sa kaniya ngunit tingin niya ay hindi talaga maganda iyon.Napadako ang tingin niya sa alarm clock na na nasa kaniyang side table, pasado ala una na pala ng madaling araw. Paulit-ulit na sumasagi sa isip niya ang mga pangyayari sa pagitan nila. " Bakit ba kasi kaylangan niyang gawin ang mga bagay na iyon?" Nakaramdam siya ng pagkauhaw kaya nagtungo siya sa kusina upang kumuha ng maiinom. Natigilan siya nang makita si Damon na nasa mini bar nito at umiinom ng alak. Napansin niya ang malungkot na mga mata nito
KANINA pa pasimpleng tumitingin si Camilla sa kaniyang wristwatch, kasalukuyan silang nasa airport ng nobyo upang maihatid ito papunta sa Amerika. Kalahating oras pa ang kailangan nilang hintayin para tuluyang makaalis ang lalaki. Hindi siya mapakali dahil ganoon ding oras ang show na sinalihan ni Damon. Gusto niyang mapanood ito sa round two ng laban nito. Naramdaman niyang ginagap ni Mico ang kamay niya kaya napatingin siya dito. Bigla ay nakaramdam siya ng konsensya nang makita ang malungkot na mga mata nito. Aalis na ito ngunit kung sino-sino pa ang iniisip niya." I will miss you, babe," anito matapos hagkan ang kamay niya." Mamimiss din kita, babe." Pinilit niyang ngumiti para ipakita dito na sinsero siya sa sinabi." Talaga? Bakit parang hindi ko ramdam?" may himig na pagtatampo na tugon nito.Natigilan siya, tama ito maski siya ay hindi niya ramdam ang lungkot sa pag-alis nito." Sira ka! M-malungkot din ako, 'no," pagsisinungaling niya. " Kaso wala naman akong choice."" May
NANLAMIG ang buong katawan niya dahil sa hiya habang gulat na nakatitig pa rin si Damon sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at bigla niyang pinanggigilan ang labi nito. Maya-maya ay napansin niya ang pilyong ngiti nito." Para saan ba iyon? Ginulat mo'ko dun, ah?" Hindi niya alam ang isasagot dito gusto niya na lang maglaho bigla sa paningin nito." Is that your way for telling me na namimis mo rin ako?" nangingiti pa ring turan nito." Si-sira! Hindi, 'no, ikaw k-kasi ang ingay mo!" nauutal niyang sagot.Iniwas niya ang tingin dito at pinilit niyang maging kaswal. Narinig pa niya ang panaka-nakang pagtawa nito. " Tara na, umuwi na tayo!" tumayo na siya at ibig kumaripas ng takbo." Wait, ubusin na muna natin 'tong dala kong pagkain."Wala na siyang nagawa nang hawakan siya nito sa kamay para paupuing muli. Hindi pa rin napapawi ang ngiti nito kaya naman para mapagtakpan ang hiya ay hinarap niya lang ang pagkain. " I think I need to be noisier this time,
HINDI inaasahan ni Damon ang tawag na iyon ni Athena, nasa Manila ito ngayon at planong makipagkita sa kaniya. Sa ilang buwang hindi pagpaparamdam nito ay tila himala na sa wakas ay nagreply na ito sa mga chat niya.Hindi man gaano malinaw sa kaniya kung bakit naroon ang dalaga ay hindi na mahalaga. Masaya siya dahil magkikita ulit sila ng nobya, marami siyang gustong ikwento dito sa mga nakalipas na buwan kaya naman nangako siyang mas gagalingan niya sa next round. Ang round na ito ang magsasabi kung makakapasok sila sa finals." Ready ka na ba, Damon? Halika na magsstart na tayo," anang isang producer.Hinanda niya na ang sarili at agad na nakaramdam ng excitement,kumpyansa siyang makukuha niya ang titulo bilang ' Pinoy Chef Idol' kahit na magagaling ang lahat ng makakalaban niya. At pag nangyari nga iyon ay mas makikilala siya at sisikat pa ang kaniyang restaurant." Ito na 'yun, Dad at sana nanonood ka," aniya sa sarili." Good luck, Damon!" ani Terry na nasa likuran niya na pala.
ALAM niyang sinabi niya kay Zeke na hindi siya magpapakalasing ngunit kabaligtaran naman ng ginagawa niya ngayon. Nakakailang salin na sa kaniya si Zeke kaya naman nakakaramdam na siya ng pagkahilo at konti na lang ay malalasing na talaga siya. " Camilla naman tumigil ka na nga malalasing ka na, oh?"" Gusto ko talagang magpakalasing kasi naiinis ako sa kaibigan mo!" Natapik nito ang noo dahil ilang beses na rin nitong narinig sa kaniya ang bagay na iyon. " Kanina mo pa sinasabi iyan,eh. Ano bang problema at gigil ka na naman doon sa tao?"" Ah, basta! Porket kasama niya si bes nakalimutan niya nang tumawag!" " Kasama niya si Athena? Umuwi na ba 'yun?"" May kailangan lang siyang gawin dito, aalis din siya," aniya at muling nagpasalin ng alak. " Gusto ko ang lasa nito, anong alak ba 'to?" " So, kaya ka ba nagpapakalasing kasi magkasama sila? Nagseselos ka ba, Camilla?" nangingiting puna nito.Natigilan siya at pinakiramdaman ang sarili, ayaw niyang isipin na ganun nga ang narara
Labis na nasorpresa si Camilla nang mabungaran si Mico sa kanilang bakuran ng umagang iyon, day off niya kaya wala siyang pasok nang araw na iyon. Ilang buwan na rin nang huli niya itong makita mula nung umuwi sila sa kanilang probinsya para doon na mamalagi." Teka paano mo nalaman itong bahay namin?" Tanong niya sa lalaki." Ano bang klaseng tanong iyan, sikat ka na kaya dito sa lugar niyo kay madali ka na lang ipagtanong," nangingiting tugon ni Mico.Natawa siya at napakamot ng ulo. "Sira ka talaga, niloloko mo naman ako,eh. Siya nga pala kumusta ka na?"" Hmm..medyo nakaka move on na sayo. Anyway,napanood ko iyong interview sa'yo,ah. Grabe,sikat ka na!"Tinampal niya ito sa braso. " Paano naman ako magiging sikat hindi naman sakin ang restaurant na iyon, puro ka kalokohan."" Ganon na rin iyon kasi ikaw ang nagmamanage, kung wala ang pamamahala mo hindi magiging successful ang operation doon."" Oo na, sige na. Maiba nga tayo bakit mo ba ako naisipang dalawin?"Bigla ay sumeryoso
DUMATING na ang pinakamahalagang araw sa buhay ni Athena,ang binuong pangarap nila ni Damon noon, ang kanilang pag-iisang dibdib. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman niya, masaya siya dahil makakasama niya na ang lalaking pinakamamahal ngunit kakambal naman noon ang lungkot dahil alam niyang hindi sila pareho ng nararamdaman ng lalaki. Kaya naman may bahagi ng isip niya ang tumututol at nagsasabing tama na. Sa kabila ng kaligayahang nararamdaman ay hindi niya magawang ngumiti habang nakatingin sa salamin. Napakaganda niya sa suot na wedding gown na matagal niyang pinaghirapang gawan ng design, nais niyang maging perfect sa araw ng kaniyang kasal. Habang abala ang make-up artist sa pag-aayos sa kaniya ay hindi niya napigilan na isipin si Camilla, kumusta na kaya ito? Kung hindi sana nangyari ang lahat ng iyon ay nasa tabi sana niya ang kaibigan at masayang-masaya rin gaya niya. Sana ay ito ang magiging kaniyang maid of honor, nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan
WALANG pagsidlan ang saya na nararamdaman ni Athena nang mga sandaling iyon habang nakatingin sa salamin. Suot ang ipinatahing wedding gown na sarili niya mismong design, sakto lang ang fit sa kaniya na bumagay sa magandang kurba ng kaniyang katawan.Nagpasya na siyang lumabas sa fitting roon para ipakita kay Damon na kasalukuyang nasa labas lang at nag-aabang sa kaniya. Matamis ang ngiting hinawi niya ang tabing saka lumabas." Wow! Ang ganda mo, girl! Ikaw na ang pinakamagandang bride sa balat ng lupa!" anang isang bakla na gumawa ng kaniyang wedding gown." I know, right?" nangingiti niyang tugon. " What do you think, hon?" baling niya kay Damon na nakatingin lang din sa kaniya. Blanko ang expression ng mukha nito at napatango-tango na lang." After this isukat mo na rin iyong suit mo, i'm sure babagay din 'yun sa'yo," masayang wika niya." Ay, true! Wait lang kukunin ko," anang bakla. Dali-dali itong naglakad para kunin ang suit ng lalaki." No need!" ani Damon at tumayo s
AYAW dalawin ng antok si Camilla nang gabing iyon, ilang gabi na rin siyang walang maayos na tuloy dahil sa nangyari sa kanila. Matapos ang dalawang linggong pananatili sa bahay ni Mico ay nagpasya na rin siyang umuwi para matapang na harapin si Athena. Napagpasyahan na rin nilang mag-ina na lisan na ang mansion matapos nang nangyari dahil wala na siyang mukhang maihaharap kay Athena at sa pamilya nito matapos nang nangyari. Nailigpit na rin nila ang kanilang mga gamit para makaalis na kinabukasan. Mahal niya si Damon ngunit hindi niya pwedeng pagbigyan ang nararamdaman. Hindi rin naman kasi sila magiging masaya hanggat may tao silang nasasaktan. Mas pinili niyang pahalagahan ang pagkakaibigan nila ni Athena. Hanggang sa makatulugan niya ang labis na pag-iisip habang tahimik na lumuluha. Maaga siyang nagising kinabukasan para maghanda,tahimik lang ang mama niya na noon ay inaayos ang kanilang higaan. Batid niyang labag sa kalooban nito ang kanilang pag-alis sa mansion ngunit pini
Maraming tao sa restaurant nang araw na iyon kaya abala sila maging ang mga tauhan na hindi magkamayaw sa pag-aasikaso sa mga costumer. Puno ang loob kaya naman naisipan ni Athena na maglagay na rin sa labas tutal naman ay malawak iyon. Naramdaman niya ang presensya ni Damon sa kaniyang tabi habang nakatanaw rin sa maraming costumer. May ilan pang nagpapicture taking dito at nagpa-autograph sa lalaki. " Alam mo, hon bakit hindi tayo magtayo ng isa pang branch? Masyado nang masikip dito, halos hindi na magkasya ang mga costumer." Lumingon siya sa lalaki nang wala siyang marinig na tugon dito.Matapos nitong hubarin ang suot na apron at cap ay iniwan na siya nito,nagtungo ito sa kanilang mini office kaya sinundan niya ang lalaki. Naabutan niya itong nakasandal sa swivel chair habang hinihilot ang sentido. " Napagod ka ba? Okay, i will massage you," aniya at minasahe ang lalaki ngunit pinaksi nito ang kaniyang kamay." No need, i can do it alone," malumanay na wika ni Damon.Saglit s
Mabilis siyang nahila ni Damon nang tangkain ni Mico na ilayo na siya sa lugar na iyon." God, i can't believe this!" napapailing na bulalas ni Athena habang umiiyak. " Ano ka ba naman Damon,bitawan mo si Camilla!" bulyaw naman ni Mico." No, you can't take her away from me!" ani Damon na halos yakapin na si Camilla.Hindi niya naman alam ang gagawin habang hawak siya ni Damon at pilit inaagaw kay Mico. Gusto niyang bumitaw kay Damon dahil napakasakit na sa kaniya na umiiyak ang kaibigan. Gusto niyang lapitan si Athena ngunit alam niyang wala namang mangyayari dahil alam niyang sobra na siya nitong kinamumuhian kaya hahayaan niya na muna ang dalawa." Please, Damon hayaan mo muna akong umalis!" aniya sa lalaki. Hilam na rin sa luha ang mga mata niya.Ngunit mariing umiling-iling si Damon, tila hindi na nito alintana ang presensya ni Athena. " You're crazy, wala kang puso! Hindi mo na inisip ang nararamdaman ni Athena!" Dinuro duro ni Mico si Damon.Maya-maya lang ay yumakap si Ath
Panayan ang pagtulo ng luha ni Athena habang inilalagay sa maleta ang lahat ng kaniyang mga damit, ngayon kasi ang araw ng muli niyang pagbalik sa America kaya naman sobrang nalulungkot siya lalo't hindi pa sila nagkakaayos ni Damon. Pinahid niya ang luha sa mga mata at pilit na pinasigla ang sarili, alam niyang magiging okay rin sila ng lalaki. Siguro naman ay sapat ang ibibigay niyang panahon dito para makapag-isip ito at itigil na ang kalokohan sa mga babae. Lumabas na siya ng kwarto habang panay ang punas sa kaniyang mata. Nasalubong pa niya ang mama ni Camilla sa sala at nagulat pa sa dala niyang maleta." Saan ka pupunta, iha?"" I'm going back to states, mga ten am po ang flight ko." " Ganoon ba? Ang bilis mo naman yatang umalis akala ko pa naman magtatagal ka pa dito," kunot-noong tugon ng matanda." Marami pa po kasi akong kailangang asikasuhin lalo't kauumpisa pa lang ng negosyo ko."" Ah, ihahatid ka ba naman ni Camilla?" " Hindi na po kailangan,ayoko na po siyang istorbo
Matapos ang gabing iyon mula nang maglasing si Athena dahil sa problema nito sa relasyon kay Damon ay hindi na siya pinatulog ng kaniyang konsensya. Halos hindi niya na maramdaman ang saya dulot ng tamis ng pag-ibig, naisip niya na ring kausapin si Damon para itigil na ang relasyon nila ngunit sa tuwing tatangkain niyang gawin iyon ay inuunahan siya ng karuwagan. Mahal niya si Damon at hindi niya kayang mawala ito. Nagulat na lang siya isang umaga nang kausapin siya ni Athena para ipaalam sa kaniya na babalik na ito sa America." S-sigurado ka? Biglaan naman yata?" maang na tanong niya. Inaasahan niya kasi pa magtatagal pa ito sa Pilipinas." Marami pa kasi akong dapat asikasuhin sa negosyo ko, kailangan na nila ako doon." Napatango-tango lang siya bilang tugon sa kaibigan, halos madurog ang puso niya sa nakikitang pagdurusa nito. " P-Paano kayo ni Damon?" tanong niya saka umiwas ng tingin." Hahayaan ko muna siya ngayon, i think he needs space para makapag-isip-isip. Sa huli
Magulo pa rin ang isip ni Athena habang lulan ng kaniyang kotse matapos nitong makipagkita kay Camilla. Ang maganda sanang moment nila mag besty ay sinira lang ni Terry, napilitan tuloy siyang aminin dito ang totoo dahil sa hindi magagandang salita na binitawan nito tungkol kay Camilla. Ilang araw araw na lang din kasi ang ilalagi niya sa Pilipinas dahil kinailangan niya nang bumalik sa America para asikasuhin ang kaniyang negosyo. Bigo man siya sa ngayon na isama si Damon pabalik ay nangako naman siya sa sarili na kahit malayo ay aayusin niya ang kanilang relasyon. Katulad lang din ito ng dati nilang sitwasyon ng nobyo, hindi niya naman masisisi si Damon marahil ay nangulila lang ito sa presensya niya kaya nalibang sa ibang babae. Alam niyang sa huli ay sa kaniya pa rin ito babalik. Ngunit bago siya umalis ay gusto niya munang makausap ng masinsinan ang nobyo. Mabigat pa rin kasi ang loob niya dahil sa nangyari lalo't hindi niya alam kung sino ang babaeng kinalolokohan nito. Alam ni