Makalipas ang tatlong araw ay kahit anino ng papa ni Camilla ay hindi niya nakita. Hindi ito umuwi sa bahay nila. Hinanap niya ito ngunit wala talaga. Hindi pa rin niya mahanap-hanap ito. Tatlong araw na rin siyang hindi pumapasok sa trabaho niya. Baka sisantihin na siya nito. Hindi rin siya makatulog sa gabi kakaisip ng problemang 'yon.
Expected na niya na babalik muli si Hector sa bahay nila. Wala siyang ibang masasabi dito kundi ang hindi talaga niya alam ang kinaroroonan ng papa niya kung nasaan man nga ito. Maaga siyang kumain ng breakfast. Kaunti lang ang kinain niya. Kahit ang pagkain niya ay naaapektuhan na rin.Pasado alas otso ng umaga nang marinig niya na may humintong sasakyan sa tapat ng bahay nila. Kaagad naman siyang lumabas ng bahay nila para tingnan kung si Hector na 'yon. Hindi nga siya nagkamali sa inaasahan niya. Si Hector nga 'yon. Bumaba ito sa loob ng mamahaling kotse na sinasakyan nito. Nakasuot ito ng shades kahit hindi pa naman masakit sa mga mata ang sikat ng araw. Guwapo talaga ang binatang si Hector. Hindi lang ito guwapo, eh, napakaperpekto ng katawan nito kaya hot itong tingnan. Maglalaway ka talaga kapag nakita mo ito sa personal lalo na kung maghubad pa ito ng kanyang suot na damit.Pinapasok kaagad niya ito sa loob ng bahay nila. May mga taong nakikiusyoso sa labas ng bahay nila. Ayaw naman niya na pag-usapan pa siya lalo kaya mabuti na doon sila mag-usap sa loob ng bahay.''Nahanap mo na ba ang papa mo? Nasaan siya? Nandito na ba siya sa bahay n'yo? Tulog pa ba siya?" tanong ni Hector sa kanya pagkaupo nito sa couch.Natatakot si Camilla sa sasabihin niya dito na hindi niya nahanap ang papa niya kung nasaan man nga ito kaya nanginginig ang buong katawan niya. Nagpakawala muna siya nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa tanong nito. Dahan-dahan naman siya na tumingin muli sa guwapong mukha nito lalo na sa mga magagandang mga mata nito."Nakakalungkot sabihin sa 'yo na hindi ko talaga nahanap ang papa ko. Hindi rin siya umuwi dito sa bahay namin, eh. Hindi na nga ako pumasok sa trabaho ko para hanapin lang siya, eh," nakangusong sagot ni Camilla sa kanya. "Hindi rin siya sumasagot sa tawag ko. Ginawa ko naman ang dapat kong gawin para mahanap siya pero wala talaga, eh."Hector gave her a serious look and replied, "Hindi ko na 'yon problema pa, Camilla. Problema n'yo 'yon, okay? Ano na ang gagawin mo, huh?"Camilla shrugged her shoulders and said, "I don't know what to do next. Sorry to tell you this, Hector." Kinunutan ng noo siya ni Hector sa sinabi niyang 'yon dito."Kailangan n'yong bayaran ng papa mo ang utang niya! Hindi puwedeng hindi. Gusto ko ngayon na linggong 'to ay mabayaran na n'yo 'yon, okay? Kung hindi mo siya mahanap ay ikaw na lang ang gumawa ng paraan para mabayaran 'yon. 'Di ba sabi ko sa 'yo na utang ng papa mo at utang mo na rin? Kaya 'yon ang nararapat mong gawin, Camilla. Kung hindi niya mababayaran 'yon ay ikaw ang magbabayad tutal anak ka naman niya, 'di ba? Bayaran mo na lang 'yon dahil kung hindi ay ipakukulong ko ang papa mo. Hindi kita tinatakot Camilla, sinasabi ko lang ang kaya kong gawin kung hindi n'yo ginawa ang nararapat n'yong gawin na sinasabi ko. Gusto mo ba na makulong ang papa mo, huh?" seryosong sabi ni Hector sa kanya kaya nanlaki muli ang mga mata niya sa sinabi nitong 'yon sa kanya."A-Ano? Bakit ako ang kailangan na magbayad ng utang niyang 'yon, huh? Hindi ko naman utang 'yon, 'di ba? Saan naman ako kukuha ng ipabgbabayad sa utang niyang 'yon, huh? Kahit nga isang milyon ay wala ako, eh. Fifty million pesos pa kaya?" reklamo ni Camilla kay Hector."Camilla, problema mo na 'yon kung paano mo magagawan ng paraan 'yon na mabayaran ang utang ng papa mo sa akin. Since hindi naman siya nagpapakita sa atin lalo na sa 'yo kaya ikaw na lang ang gumawa ng paraan. You have to pay for his debt this week! Hindi puwedeng hindi, Camilla. Kailangan ko ang perang 'yon, okay? So you have to pay for it. Do you understand me? 'Pag hindi mo nabayaran ang utang ng papa mo na 'yon ay ipapakulong ko siya. Baka isama pa nga kita sa kulungan, Camilla. Ang utang ay utang, kailangan na bayaran," sabi ni Hector sa kanya.Natakot naman si Camilla sa sinabing 'yon ni Hector sa kanya na Kapag hindi nabayaran ang utang na 'yon ng papa niya ngayong linggo ay ipakukulong ang papa niya at baka makasama pa siyang ipakukulong ni Hector. Ayaw naman niyang mangyari 'yon. Ayaw niyang makulong silang dalawa ng papa niya. Gusto niyang bayaran ang utang na 'yon ng papa niya ngunit wala naman siyang pera na pambayad kay Hector. Saan siya kukuha ng pambayad na ganoon kalaking halaga ng pera? Isang milyon nga ay wala siya, fifty million pesos pa kaya."Gusto mo ba na makulong ang papa mo, Camilla?" tanong pa ni Hector sa kanya nang hindi pa nga siya nagsasalita sa harapan nito. Natahimik siya."Ayaw ko. Ayaw ko na makulong ang papa ko. Ayaw ko rin na makulong ako," mabilis naman na sagot ni Camilla sa guwapong binata na si Hector. Nangingilid ang kanyang mga luha habang sinasabi niya 'yon."Iyon naman pala, eh. Ayaw mong makulong ang papa mo sa pagkakautang niyang 'yon at ayaw mo rin na makulong sakali kasama siya kaya bayaran mo ako ng fifty million pesos na 'yon ngayong linggo na 'to. Napakadali lang naman gawin, 'di ba?" sabi ni Hector sa kanya."Anong madali, huh? Hindi madali 'yon para sa isang kagaya namin na hindi naman mayaman. Kung sa 'yo ay madali dahil bilyonaryo ka ngunit sa amin ay hindi. Napakahirap bayaran ng perang 'yon. Gusto ko na bayaran ka sa utang na 'yon ng papa ko kahit ngayon mismo ngunit wala talaga akong pambayad. Wala akong mauutangan na ipambabayad ko sa 'yo sa ganoon kalaking halaga ng pera, eh. Wala talaga. Walang magpapautang ng ganoon kalaking halaga ng pera unless mayaman kagaya mo, Hector. Hindi ba puwedeng bayaran ko 'yon kahit limang taon, huh? Please, Hector. Pagbigyan mo naman ako, please. Ako na ang magbabayad ng utang na'yon ng papa ko sa 'yo huwag mo lang talaga siyang ipakukulong kung nasaan man siya," sagot ni Camilla kay Hector na may kasamang pakiusap na kung puwede ay bayaran niya ang utang ng papa niya kahit sa loob ng limang taon. "Hindi ko kayang bayaran ang utang na 'yon niya ngayong linggo na 'to. Imposible, Hector. Intindihin mo naman ako, please." Lumuluha si Camilla habang sinasabi 'yon sa harapan ni Hector na kinunutan lang siya ng noo."Hindi puwede, Camilla. Ngayong linggo na 'to puwedeng bayaran ang utang na 'yon ng papa mo. Hindi puwedeng sa loob ng limang taon. Isang taon na ngunit hindi pa rin nabayaran ng papa mo. Nasaan ang bayad niya, 'di ba wala? You have to pay for that this week! Pasensiyahan na lang tayo, Camilla. Kung hindi mabayaran 'yon ay ipakukulong ko ang papa mo at isusunod kita. Kailangan ko na ang pera kaya bayaran n'yo na ako ngayong linggo na 'to!" sabi ni Hector sa kanya.Lumuha pa nang lumuha si Camilla matapos 'yon. Hindi niya kayang bayaran ang utang na 'yon sa loob nitong linggo. Hindi kaya kahit manlimos pa siya. Ayaw niya na makulong ang papa niya at pati siya kaya makikiusap pa rin siya kay Hector kahit imposible na bigyan siya ng chance.Ang sumunod na ginawa ni Camilla ay lumuhod nga siya kay Hector para makiusap. Hector isn't expecting that she would do it. Nabigla na lang siya sa ginawang 'yon ni Camilla."Hector, maawa ka naman sa akin please. Pagbigyan mo naman ako sa pakiusap kong 'yon sa 'yo na kung puwede ay bayaran ko ang utang na 'yon ni papa sa loob ng limang taon. Hindi ko kayang bayaran ang utang niyang 'yon sa loob ng linggong 'to. Imposible talaga. Mabuti sana kung kagaya mo ako kayaman pero hindi, eh. Pagbigyan mo naman ako please. 'Wag mo rin na ipakukulong ang papa ko at ako. Intindihin mo naman ako please. Nagmamakaawa ako sa 'yo, Hector. Pagbigyan mo naman ako kahit anong kondisyon ay tatanggapin ko basta bigyan mo lang ako ng chance na mabayaran 'yon sa loob ng limang taon. Kahit ano ang ipagawa mo sa akin ay gagawin ko basta bigyan mo ako ng chance at huwag mong ipakukulong ang papa ko. Maawa ka naman sa amin lalo na sa akin," lumuluhang pakiusap ni Camilla sa harapan ni Hector habang nakaluhod."Maawa ka naman sa amin, Hector. Please give us a chance. Kahit may kondisyon ang pagbigay ng chance na 'yon ay gagawin ko. Hindi ako tanggi kahit ano pa 'yon. 'Wag mong ipakukulong ang papa ko. Intindihin mo naman kami. Hindi talaga kayang bayaran ang utang na 'yon ngayong linggo na 'to. Imposible talaga kaya bigyan mo naman ako ng chance, Hector. Pakinggan mo naman ako sa sinasabi kong 'to sa 'yo."Habang nakikiusap si Camilla sa harapan ng guwapong binata na si Hector ay tahimik lang ito. Kahit kaunti ay may awa siyang nararamdaman sa puso niya. Alam niya na imposible talagang mabayaran ang utang na 'yon sa kanya sa loob ng linggong 'to. Alam naman niya ang sitwasyon ni Camilla. Hindi naman ito kagaya niya na may pera at mayaman na kahit anong oras ay kayang makapagbayad ng utang.Narinig naman niya ang sinabi nito na kahit ano raw na kondisyon ay gagawin niya basta bigyan lang siya ng chance. Gagawin niya 'yon at isa pa sa dahilan kung bakit niya gagawin 'yon ay ayaw niya na makulong ang papa niya.Minutes later, he cleared his throat and sighed deeply before he speaks to her. Basang-basa na ng luha ang buong mukha ni Camilla sa kaiiyak sa harapan niya."Pakasalan mo ako, Camilla..." sabi ni Hector sa kanya dahilan upang matigilan siya.Her eyes got bigger when she heard that."H-Huh? A-Anong sinabi mo, Hector?" nakaawang ang mga labi na tanong niya kay Hector."Ang sabi ko sa 'yo ay pakasalan mo ako, Camilla," pang-uulit na sagot ni Hector sa kanya."Pakasalan ka?" Hector nods his head and said, "Oo, Camilla. Pakasalan mo ako. Ang sabi mo ay kahit anong kondisyon ay gagawin mo kaya 'yon ang gawin mo. Pakasalan mo ako. Kung pumayag ka na pakasalan ako ay hindi mo na kailangan pa na bayaran ang utang na 'yon ng papa mo at hindi ko na siya ipapakulong. Your father is free to do anything he wants. You have to marry me, so you're not going to pay for it. Yes, it's a condition but you're not going to pay the money he borrowed from me. You decide now."Ilang minuto na ang lumipas ngunit wala pa ring sagot si Camilla kay Hector sa sinabi nito na kailangan niyang pumayag sa gusto nito na magpakasal siya dito. Hindi siya makapaniwala sa narinig niyang sinabi nito sa kanya. Tinapunan ni Camilla ng hindi makapaniwalang tingin si Hector na naghihintay sa isasagot niya dito."You have to decide now, Camilla. Hindi ako aalis ngayon dito sa pamamahay n'yo kung wala kang naisasagot sa akin na desisyon mo. Kailangan na makapagdesisyon ka na ngayon. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko sa 'yo, huh? I'm giving you a chance, Camilla. Pakasalan mo ako. 'Pag pinakasalan mo ako ay hindi mo na kailangan pa na bayaran ang utang na 'yon ng papa mo. Wala na kayong utang sa akin. Hindi ko na rin ipapakulong ang papa mo at hindi ka rin makukulong, Camilla. Ang dali lang naman ng kailangan mong gawin, 'di ba? Mahihirapan ka pa ba? Magdesisyon ka na ngayon, Camilla. I want to hear your decision," seryosong sabi pa ni Hector sa kanya.Maliwanag na maliwanag k
Pinaalam kaagad ni Camilla sa kaibigan niya na si Mika ang tungkol sa pagpayag niya kay Hector na magpakasal dito. Kagaya ng sinabi niya dito tungkol sa utang ng papa niya fifty million pesos ay hindi rin ito makapaniwala sa sinabi niyang 'yon na magpapakasal siya sa guwapong si Hector. Nagpaliwanag naman siya sa kaibigan niya na si Mika kung bakit siya pumayag dito upang maintidihan nga nito. "Wala naman akong ibang pagpipilian kaya pumayag na lang ako na magpakasal sa kanya, bessie. Ayaw ko naman na makulong ang papa ko. Ayaw ko rin na makulong, eh. Ayaw ko na parehas kaming dalawa mabulok sa bilangguan kaya ginawa ko na 'yon, pumayag na ako sa kanya na magpakasal kahit ayaw ko. Iyon lang talaga ang kailangan na gawin ko," nakangusong sabi pa ni Camilla sa kaibigan niya na si Mika na naiintindihan naman siya sa naging desisyon niya na 'yon."Ibig sabihin ngayon na pumayag ka na magpakasal sa kanya ay hindi mo na kailangan na bayaran ang utang ng papa mo na fifty million pesos, huh?
Hector took a deep breath before he speaks to her. A few minutes had passed before he decided to speak to her about her question."Hindi. I'm so sorry to tell you that I can't help you, Camilla. Hindi kita matutulungan na hanapin ang papa mo. We're busy, okay? Marami kaming inaasikasong mas importante pa kaysa sa papa mo kaya hindi kita matutulungan n'yan, Camilla. Ikakasal na tayo, 'di ba? Wala pa ngang date o buwan kung kailan ang kasal nating dalawa ngunit mangyayari 'yon. Hindi ko rin naman kailangan na hanapin o makita pa ang papa mo sapagkat hindi naman na niya kailangan na bayaran ang utang niya sa akin. I think naiintindihan mo na ang sinasabi ko sa 'yo, Camilla," seryosong sagot ni Hector kay Camilla na naghihintay sa isasagot niya.Hindi naman umaasa si Camilla na tutulungan talaga siya ni Hector na mahanap ang papa niya. Nagbabakasakali lang naman siya. Kung hindi siya tulungan nito ay wala namang problema at kung tulungan naman siya nito ay mas maganda. Narinig naman niya
"Kaya kita binibigyan ng pera para..." he stopped talking as he looked at her eyes seriously."Para ano, huh?" nakaawang ang mga labi na tanong ni Camilla sa guwapong si Hector na kaagad naman na pinagpatuloy ang sasabihin sa kanya."Camilla, kaya kita binibigyan ng pera para may pangbili ka ng bagong damit na isusuot mo sa pagpunta natin sa mansion para ipakilala ka sa mga magulang ko. Kailangan mo rin na pumunta sa salon para mag-ayos ng sarili mo. I want you to look good and attractive," sagot ni Hector sa kanya na may kasamang paliwanag. Camilla's eyes got bigger when she heard it."A-Ano? Kaya pala binibigyan mo ako ng pera para ipambili ko ng bagong damit at mag-ayos ng sarili ko para magmukha akong maayos at attractive kapag pinakilala mo na ako sa nga magulang mo?" nakaawang pa rin ang mga labi na tanong ni Camilla kay Hector na mabilis naman siyang tinanguan."Oo, Camilla. You have to look more good, elegant and attractive in front of my parents. Hindi puwedeng walang dating,
Sinamahan nga ni Mika ang kanyang kaibigan na si Camilla kinabukasan para mamili ng damit na isusuot nito kapag pinakilala na siya ni Hector sa mga magulang at pumunta sa beauty salon para mapaganda pa. Pinuntahan pa siya ng kaibigan niya sa bahay nila. Dala-dala ni Camilla ang lahat ng perang binigay sa kanya ni Hector para gastusin niya sa dapat niyang pagastusan. Pinuntahan nila ang puwedeng pagbilhan nila ng damit na susuotin niya kapag pinakilala na siya sa mga magulang ni Hector. Tumigil muna sila sa paghahanap ng mabibili para kumain ng lunch sa isang restaurant. Ilang oras na silang kakapili ng damit ngunit wala pa rin nagugustuhan si Camilla na isuot."Nakakapagod talaga mamili ng damit na isusuot ko kapag pinakilala na ako ni Hector sa mga magulang niya," wika ni Camilla sa kaibigan niya na si Mika habang nagpupunas siya ng kanyang pawis sa kanyang noo gamit ang kulay puting panyo na dala niya. Kasalukuyan silang nasa loob ng restaurant at naghihintay ng in-order nila. Si
"Huwag kang mag-alala sapagkat hindi matatapos ang araw na 'to na hindi ako nakakapili ng damit na isusuot ko kapag pinakilala mo na ako sa mga magulang mo, Hector," sagot nga ni Camilla kay Hector."Good. Good to hear that, Camilla," sabi ni Hector kaagad sa kanya. "Basta kapag kailangan mo pa ng pera ay tumawag ka lang sa akin. 'Wag kang mahiya, okay? Padadalhan kaagad kita ng pera, Camilla.""I think hindi mo naman kailangan pa na bigyan pa ako ng pera. Enough na 'to na perang binigay mo sa akin, eh. Hindi pa nga nababawasan 'to," sagot ni Camilla sa kanya."A-Ano? Hindi pa nababawasan ang perang binigay ko sa 'yo? Kahit kaunti ba ay hindi pa, huh?" nagtatakang tanong ni Hector sa kanya matapos niyang sabihin na hindi pa nababawasan ang perang binigay nito sa kanya."Oo. Hindi pa nababawasan ang perang binigay mo sa akin. Nandito pa rin, hindi pa nagagalaw. I'm telling you the truth, Hector. Hindi ako nagsisinungaling sa 'yo, 'no?" giit ni Camilla kay Hector.Narinig niya ang pagbu
"I'm going to marry someone, bro," malumanay na anunsiyo ni Hector sa kaibigan niya na si Max habang nasa bar silang dalawa. Nanlaki kaagad ang mga mata ng kaibigan niya na si Max sa sinabi niyang 'yon na he's going to marry someone. "Seryoso ka, bro? Sino ba ang pakakasalan mo, huh? Hindi ba si Georgia, huh? She's your girlfriend, right?" naguguluhan na tanong ni Max sa kanya. Hector slowly nods his head and said, "Georgia is my girlfriend, but I need to marry someone that I don't love." Mas lalo pang kumunot ang noo ni Max sa narinig niyang sinabi sumunod ng kanyang kaibigan. "W-What? Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo sa akin, bro? Hindi ka ba nagbibiro sa akin, huh?" tanong pa ni Max sa kanya. Sinamaan tuloy siya ni Hector pagkatanong niya."Of course not, bro. Hindi ako nagbibiro, okay? Seryoso ako sa sinasabi ko sa 'yo. I'm going to marry someone kahit na may girlfriend ako and that is Georgia. She's in Japan right now for her work. Kaya may oras ako para mag-inuman tayo ngayo
Naiintindihan naman ni Max ang sinabing 'yon sa kanya ng kaibigan niya na si Hector kung bakit 'yon ang sinabi nito sa kanya na ikakasal na siya sa ibang babae at hindi sa girlfriend nito na si Georgia. Sa sinabi nga nitong 'yon ay alam na niya at naniniwala na siya dito kahit sa una ay hindi, eh. Hindi naman kasi niya inaasahan na ganoon ang sasabihin ng kaibigan niya na si Hector sa kanya. Akala niya ay hindi ito seryoso sa sinasabi nitong 'yon sa kanya ngunit seryoso pala ito sa kanya.Nagpakawala muna siya nang malalim na buntong-hininga bago nagsalita sa harapan ng kaibigan niya na si Hector na muling lumagok ng beer na iniinom nilang dalawa na magkaibigan."Sino ang babaeng napapayag mo na magpakasal sa 'yo, bro? Paano mo napapayag ang babaeng 'yon, huh?" nakangusong tanong ni Max sa kanya. "Kilala mo si Mr. Mariano Aquino, 'di ba?" wika ni Hector sa kanya. Kilala ni Max si Mr. Mariano Aquino na ama ni Camilla dahil nakikita niya ito dati. Hindi lang niya si Camilla na anak ni
Bitin ba ang kuwento na 'to guys? 'Wag po kayong mag-alala dahil may "Book 2" po ito. Puputulin ko muna po dito. Marami pa po ang kailangan kayong abangan. I never thought na magkakaroon ito ng book 2. Akala ko ay matatapos kaagad ang book na 'to ngunit hindi pala. Sana po ay basahin at suportahan n'yo pa rin 'yon. Ang title po ng book 2 ay "Marrying Mr. Billionaire Again." Maraming salamat po talaga sa pagbabasa ng kuwento na 'to. Sana po ay suportahan n'yo pa rin ang ibang mga kuwento ko. 'Wag po sana kayong magsawa sa pagbabasa at pagsuporta sa aking mga kuwento. Salamat po! Ingat po kayong lahat palagi. 💚💜
"Hello, bessie. Kumusta ka ngayon?" pangungumusta ni Mika sa kanya pagkasagot nga niya ng tawag nito.Camilla took a very deep breath before she speaks to her friend."Okay pa naman ako kahit ganoon ang nangyari, bessie," sabi ni Camilla sa kaibigan niya na si Mika. "E, ikaw, bessie? Kumusta ka? Mabuti nakatawag ka ngayong gabi sa akin. Hindi ka na siguro busy.""Okay lang rin naman ako, bessie. Hindi naman ako busy ngayon kaya tinawagan kita. Wala akong ibang iniisip kundi ikaw lang kahit kanina na may trabaho ako kasi nag-aalala ako sa 'yo," sabi ni Camilla sa kanya. "Wala ka namang kailangan na ipag-alala sa akin dahil okay lang ako kahit may pinagdaraanan ako, eh. Okay pa naman ako, bessie. 'Wag mo na akong isipin pa, okay? Maayos naman ako," sabi ni Camilla sa kanya."Kahit na, bessie. Hindi pa rin naman maiwasan na mag-alala ako para sa 'yo dahil kaibigan niya at alam ko kung ano ang nangyari kahapon," sabi ni Mika sa kanya. "Anyway, nasaan ka ngayon? Nand'yan ka ba sa mansion
"Good morning, Hector..." nakangising bati ni Camilla sa asawa niya na si Hector pagkagising nila kinabukasan. Sabay silang nagising kaya. Ngumiti rin sa kanya si Hector pagkabati niya at binati rin siya nito. "Good morning din sa 'yo, Camilla," bati rin ni Hector sa kanya. Nagkatitigan silang dalawa matapos 'yon. Nakaramdam ng pagbilis ng kanyang puso si Camilla matapos 'yon.Hindi muna siya nagsalita. Umiwas siya ng tingin sa asawa niya. Walang nagsalita sa kanila matapos 'yon kaya natahimik ang buong kuwarto nila. Makaraan ang ilang minuto ay dahan-dahan na ibinuka ni Camilla ang kanyang mga labi para magtanong muli kay Hector na asawa niya."May lakad ka ba ngayong araw na 'to, Hector? Aalis ka pa ba ng mansion, huh?" tanong ni Camilla sa asawa niya. Malumanay nga lang ang pagkakatanong niya dito. Hindi muna sumagot si Hector sa kanya. Umiwas muna ito ng tingin sa kanya at muli namang humarap sa kanya para magsalita. Hector needs to speak to her."Sa tingin mo ba ay may lakad p
"Oo, Camilla. Nagkita kaming dalawa ng papa mo kanina. I wasn't expecting that we would see each other but it happened. Maybe it's time for us to see and talk with each kaya kami nagkasalubong kanina nang hindi namin inaasahan," sagot ni Hector sa kanya.Camilla let out a deep sigh and slowly opened her mouth to speak to him again."Syempre nagkita na kayong dalawa, expected na may pinag-usapan kayong dalawa n'yan ni papa, Hector. Ano ba ang pinag-usapan n'yong dalawa, huh?" tanong ni Camilla sa kanya."Marami, Camilla. Marami kaming pinag-usapan kanina ngunit ang isa sa mga sasabihin ko talaga sa 'yo na dapat mong malaman ay...""Ano, Hector? Ano'ng dapat kong malaman, huh?" tanong ni Camilla sa kanya. Hector took a deep breath and said, "Humingi siya ng tawad sa akin sa hindi niya pagbayad ng utang niyang 'yon na fifty million pesos.""Talaga? Ginawa niya 'yon na humingi ng tawad sa 'yo sa hindi niya pagbayad ng utang na fifty million pesos? May pahingi-hingi pa siya ng tawad sa 'y
Tumungo si Hector pagkaalis sa condo unit ni Georgia sa kaibigan niya na si Max na isang tawag lang niya ay handa siyang samahan o makipag-usap sa kanya sa kahit anong bagay. Ang bigat-bigat ng kanyang nararamdaman habang nagmamaneho siya ng kanyang kotse patungo sa kaibigan niya kung saan sila magkikitang dalawa. Sinabi kaagad niya kay Max na kaibigan niya ang nangyaring 'yon na hindi naman nito inaasahan na mangyayari. Hindi siya makapaniwala sa nalaman niyang 'yon.Ang ginawa na lang ni Max ay damayan ang kanyang kaibigan na si Hector. Hindi biro ang pinagdaraanan nito kaya bilang kaibigan ay kailangan niya na damayan ito para gumaan ang pakiramdam nito. Maluha-luha nga si Hector na kaibigan niya habang nagkukuwento ito sa kanya. Naawa siya sa sinapit na 'yon ng kaibigan niya. Wala naman silang magagawa pa. "Hindi ko talaga sila mapapatawad sa ginawa nilang 'yon sa akin lalo na si Georgia, bro. Pinagkatiwalaan ko siya. Binigay ko ang lahat sa kanya. Kahit anong hingiin niya ay bin
Marahas na bumuntong-hininga si Georgia bago nagsalita muli kay Hector na hinihintay ang sasabihin niya. Tumahimik na rin si Andrew. Hinihintay rin niya na magsalita si Georgia ng totoo kay Hector."May relasyon kaming dalawa ni Andrew kaya mo kami nakikita na naghahalikan. Boyfriend ko siya, Hector..." malumanay na pagkakasabi ni Georgia sa harapan ni Hector na kulang na lang ay himatayin sa sinabing 'yon nito sa kanya. Kinumpirma na nga ni Georgia sa kanya ang totoo na may relasyon silang dalawa ni Andrew. Pakiramdam ni Hector ay pinagsakluban siya ng langit at lupa sa nalaman niyang 'yon. He expected that but it was so painful to hear it directly from her. Umawang muli ang mga labi niya at nagsalita, "A-Ano? May relasyon kayong dalawa ng lalaking 'yan? Are you telling me the truth, huh?"Georgia nods her head and said, "Yes, Hector. Wala naman akong choice kundi ang sabihin sa 'yo ang totoo. You caught us already. Wala na akong maisasabi pang iba. Nagsinungaling man nga ako kanin
Naghiwalay na sina Hector at Mariano na ama ng asawa niya na si Camilla matapos nilang magkausap ng mahigit isang oras sa loob ng cafe na 'yon. Nagkaayos na silang dalawa. Actually, wala naman silang away na dalawa para magkaayos sila. Naging malinaw lang sa kanilang dalawa na wala na ang mga nangyaring 'yon na pangungutang ng fifty million pesos. Humingi pa rin naman ng tawad si Mariano sa asawa ng anak niya na si Hector na pinatawad naman kaagad siya. Bumalik na si Hector sa condo unit ni Georgia ngunit laking gulat niya nang maabutan niya sa loob na may kahalikan ito na isang lalaki. Namilog ang mga mata niya sa kanyang nakita at nabitawan niya ang hawak-hawak na binili niya na pinabibili ni Georgia sa kanya. Uminit kaagad ang ulo niya at dali-daling ibinuka ang mga labi para magsalita dito. Napansin siguro ng dalawa ang presensiya ni Hector kaya tumigil ito sa paghahalikan sa may couch. Biglang napatayo si Georgia pagkakita kay Hector. Umawang ang mga labi niya at kinabahan s
May pinabili kay Hector si Georgia sa labas kaya lumabas muna siya sa condo unit nito para bilhin 'yon. Hindi niya inaasahan na makakasalubong niya sa daan ang ama ng asawa niya na si Camilla. Parehas silang dalawa nagulat nang magkasalubong sila. Huli na para umiwas sila sa isa't isa. Dahil nagkita naman na sila ay nag-usap na lang silang dalawa. Niyaya ni Hector si Mariano na ama ng asawa niya sa isang cafe para magkaayos silang dalawa nang maayos. Hapon na rin naman. He texted Georgia that he needs to talk to someone kaya medyo matatagalan siya bago makabalik sa condo unit nito. Wala namang problema raw 'yon kay Georgia. Um-order muna silang dalawa ng makakain nila sa cafe na 'yon. Nakakahiya naman na papasok silang dalawa doon na walang o-order-in kahit isa at basta na lang mag-uusap doon. Nahihiya si Mariano na um-order ng makakain niya ngunit wala naman siyang magagawa pa dahil 'yon ang sinasabi ni Hector. Their orders were served quickly. Magkaharap nga silang dalawa na nakaup
"Bessie, kahit ano'ng gawin mo na paninisi sa papa mo ay wala naman na tayong magagawa pa, 'di ba? Tapos na. Nangyari na. Hindi na natin maibabalik pa ang mga nangyaring 'yon. Hindi na rin niya maitatama pa ang pagkakamaling nagawa niya. Wala na tayong magagawa pa, bessie," sabi ni Mika sa kanya."Alam ko naman 'yon, bessie. Hindi na maibabalik ang lahat at hindi na rin niya maitatama ang maling nagawa niya. Ang sakit-sakit lang talaga na nagawa niya 'yon sa amin. Naglihim siya sa amin kahit noong buhay pa si mama. Kaya pala hindi niya masabi-sabi sa akin kung bakit nagawa niyang mang-utang kay Hector na asawa ko at sabihin kung saan siya namalagi ng isang buwan na hindi magawa-gawa na magpakita o magparamdam sa akin ay dahil nandoon siya sa anak niyang 'yon na may sakit na cancer," sabi ni Camilla kay Mika na kaibigan niya. "Napakawalang hiya talaga ng aking ama dahil nagawa niya 'yon sa amin ng mama ko. Hindi ko talaga siya mapapatawad, bessie. Hindi ko na siya gusto na makita pa ka