Kakaibang kilabot ang naramdaman ni Melissa ng makababa na siya ng eroplano. Isang pamilyar na lungkot ang lumukob sa dibdib niya ng maalala ang araw na huli siyang tumapak sa lugar na iyon. 'Im back...' Bulong niya sa sarili.Sa loob ng dalawang taon na nawala siya sa bansa, marami ng nagbago. Maging siya ay ganoon din. Ni walang kahit sinong pamilyar na tao ang nag-abalang sunduin man lang siya sa airport. Bakit nga ba siya magtataka? Sa loob ng mga panahong nasa malayo siya ay wala man lamang tumawag o nagtext sa kaniya para mangumusta. Kahit isang simpleng pagbati sa kaniyang kaarawan, o kahit pa batiin man lang siya ng simpleng 'Merry Christmas' ay tila ipinagdamot pa sa kaniya ng kaniyang pamilya. Tila ba naglaho na siya para sa kanila. "Miss, okay ka lang?" A voice that came from behind her took her back to reality. "Ha? Uhm, yeah, I'm okay." Ngumiti siya sa estranghero. Ngunit mukha naman itong hindi naniwala. "Bakit
Malayo pa lang ay kitang-kita na ni Melissa ang pamilyar na pick-up truck ng Hacienda. Pati ang lalaking nagmaneho niyon ay agad niya ring nakilala. Ang kapatid niyang si Martin. Alam niya, kahit na nasa malayo pa lamang ito ay malaki na rin ang ipinagbago ng kaniyang kapatid. He's a grown-up man now. Mas nagmukha itong matured. Pakiramdam tuloy ni Melissa ay isang dekada siyang nawala kaya napakaraming mga bagay ang hindi na siya pamilyar. Mukhang napansin din naman agad siya ng kapatid kaya diretso itong tumungo sa direksyon niya at sa harapan niya mismo ipinarada ang sasakyan. Agad itong bumaba at isang mahigpit na yakap ang isinalubong sa kaniya. "Ate!" Bakas ang tuwa sa boses nito ng sa wakas, pagkatapos ng dalawang taong pagkawala niya ay heto siya ngayon at muling nagbabalik. "I missed you." She said after their heartwarming embrace. "Wow... you're a grown-up man now. Look at you, ang laki na ng ipinagbago mo." Ginul
The whole family was silent as they are having breakfast that morning.Naroon ang tatlong anak nina Soledad at Artemio na pare-parehong hindi alam ang dahilan ng pagpapatawag ng kanilang ama. Tahimik lamang si Jared habang nakikiramdam pa rin sa bawat kilos ng kanyang ama. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang kaide-ideya kung ano ba ang gusto nitong sabihin sa tawag kahapon. "Dad, pwede po'ng magtanong? Bakit niyo po kami pinatawag ng biglaan?" Hindi nakatiis na tanong ni Joseph sa ama. Tahimik na dinampot ni Artemio ang tasa ng kape at saka hinigop ang laman niyon. Kapagdaka'y tumikhim at humarap sa anak na nagtatanong. "May sorpresa kasi akong inihanda para sa kuya Jared niyo." Pa-umpisa nito. "Alam kong kilala niyo na ang mag-anak na dela Vega, lalo ka na Joseph dahil kababata at ka Schoolmate mo si Martin. At minsan na ring naging parte ng pamilya natin ang kapatid niyang si Melissa dahil ex-wife siya ng kuya Jared niyo."
Makulay at maliwanag ang buong kapaligiran ng mansion ng mga Dela Vega. Ang bawat sulok ay napapalamutian ng mga naggagandahang mga dekorasyon at nagpapahiwatig na isang malaking kasiyahan ang nakatandang idaos pagsapit ng gabi. Ngunit kabaligtaran niyon ang ekspresyon sa mukha ni Melissa. "Ate." Boses iyon ni Martin na nasa kaniyang likuran. Ipinatong nito ang kamay sa kaniyang balikat. "Are you alright?" Tanong nito. "Yeah. I'm alright." Walang kabuhay-buhay na sagot niya. "Where have you been? Tayong dalawa na nga lang ang normal sa pamilyanh 'to, bihira pa tayong magkita." Humarap siya dito.Binawi nito ang kamay saka siya tuluyang niyakap. "For some reason, I want to hate you, Ate." "Bakit naman?" "Hindi ka dapat pumayag sa gusto ni Dad. You have all the rights to refuse."Kumalas siya sa pagkakayakap ng kapatid at humarap dito na may pilit na ngiti. "As much as I wanted to, I can'
"I could say you never changed at all." Narinig niyang sabi ni Jared mula sa kaniyang likuran. Alam niyang palapit ito sa kaniya kaya naman dumampot siya ng isa pang wine glass sa mesa upang ibigay dito. "Do you think so?" She smirked at him. Not really thinking about showing him some filters. "Yeah." He gave her the same reaction. Inabot niya rito ang hawak na wine. Tumango naman ito saka iyon tinanggap. "Well. You too.""Do you think so?" Ulit nito sa tanong niya kanina. "Absolutely."Naglakad siya patungo sa sulok na hindi masyadong maingay. Sumunod naman ito kaya nahinuha niyang gusto nitong makipag-usap pa. Perhaps, confronting her? Just like the old times. "If you are going to confront me about this nonsense crap. I'm not the one you should talk with." Seryosong sabi niya. "I know." Sagot nito ng huminto na sila sa paglalakad. "I just wanted to ask how have you been? It's been a long time since huli tayong magkita.""As you can see, I'm doing fine.""Being dragged into t
Nang makarating sa kuwadra ay napansin ni Melissa na nanatiling nakasunod sa kaniya si Jared bagaman may sapat na distansiya ang layo nito sa kaniya. Marahil ay napagod na rin ito sa pang-aasar sa kaniya. "Magandang hapon po, señorita Melissa." Bati sa kaniya ni Mang Tomas."Magandang hapon din po, Mang Tomas." Ganting bati niya. Nang makita kung sino ang taong nasa likod niya ay bahagyang iniyukod ng matanda ang ulo nito bilang pagbati. "Sir Jared." Sabi nito. "Kumusta po ang mga kabayo?" Agaw niya sa atensyon ng matanda. "Okay naman, señorita. Mangilan-ngilan na lang ang mga kabayo pero narito pa naman ang pinaka-magaganda." Sagot ng matanda. "Pwede bang makita?"Ngumiti ang matanda saka nagpatiuna na sa pagpasok sa loob ng kuwadra. Totoo ngang iilan na lang ang mga kabayo ngunit malulusog naman ang mga ito. Napabuntong-hininga siya ng makita ang kalagayan ng buong kuwadra. Noon ay okupado ang lahat ng kulungan niyon ngunit ngayon ay iilan na lang ang naiwan. Naalala niya t
Nakita niya si Jared sa gilid ng sapa. Natatandaan niya pa na tanging sila lamang ni Jared ang pwedeng pumunta sa sapa'ng iyon. Since highschool ay naging paborito na nilang tambayan ang gilid ng sapa na nasa pagitan ng asyenda Dela Vega at asyenda Aguirre. Nagpagawa pa sila ng tree house sa puno ng mangga at doon sila laging nagpupunta kapag walang pasok sa eskuwela. Ngunit iba ang araw na iyon. Hindi na isang binatilyong Jared ang naroon at hindi na rin isang dalagitang Melissa ang anyo niya. Isang nagdadalang-taong Melissa ang ngayon ay nakaharap sa Asawa niyang si Jared. Tandang-tanda niya ang araw na ito. Ito ang araw na nagbigay bangungot sa buhay niya. Bagaman nakangiti ang kaniyang asawa, alam niyang hindi iyon para sa kaniya. Lumingon siya sa kaniyang likuran at totoo nga ang kaniyang hinala. Isang babae ang naroon. Si Aurelia. Ang anak ng katiwala ng Asyenda Aguirre. Lumapit ito kay Jared na tila ba walang ibang taong naroon. At tulad ng parehong eksena, Kitang-kita n
"Bakit kanda-haba yang nguso mo diyan? Pati noo mo 'di na yata tatablan ng plantsa dahil sa kunot." Biro ni Isang kay Martin ng makita siya ng dalaga sa terasa. "Huwag mo muna akong kausapin, please lang. Wala ako sa mood makipag-usap." Seryosong sabi ng binata. "Ay taray... Leave me alone ang peg." Biro pa nito. "So, may problema ka nga? Pwede mo naman i-share sa akin kung mabigat na, di ba?""Pwede ba, Isang? Just leave me alone. I want to be alone." Inis na sabi niya."Okay." Itinaas pa nito ang dalawang kamay. "Ang sa akin lang naman nandito lang ako kung kailangan mo ng kau-""Leave. Now." He cuts her off. Isabella just shrugged her shoulders and leave. As much as Martin want her to stay beside him, he would rather not tell her. It was his family's personal issue and he didn't want her to see how stressed out he was right now. Although they are best friends since young, showing her how vulnerable his situation is was the least thing he wanted to do. Idagdag pa ang nakakayamot
Walang gaanong laman ang cupboard niya kundi ilang pirasong canned goods, instant coffee, noodles at cereals. Mabuti na lamang at may itlog pa sa ref, ilang pirasong hotdogs at gulay na pwede niyang lutuin. Mabilis na naghanda si Melissa. Sa kaniyang peripheral view ay nakikita niya kung paanong at-home na at-home si Jared habang prenteng nakaupo sa sofa. Ngunit ilang sandali lang ay tumayo na rin ito mula sa sofa at lumapit sa kaniya. "Let me help you." Anito. Hindi na siya tumutol pa dahil alam niyang hindi rin naman ito magpapa-pigil. Sa ayos nilang iyon ay hindi niya maiwasang mapa-ngiti sa sarili. Pakiramdam kasi niya ay official couple sila ng mga oras na iyon. Nagtutulungan sa paghahanda ng almusal habang paminsan-minsan ay nagbibiruan. It was a scene she longed to see three years ago. Pero hindi nangyari. Napaisip tuloy siya bigla kung para saan ang mga kilos na iyon ni Jared. Jared, set the table and made the coffee. Makalipas ang ilang sandali ay tapos na rin siya sa pa
Soledad noticed how Artemio gritted his teeth as he was standing at the veranda. He may not seemed to notice anyone as looked like he was seriously thinking about something.Sa mga pagkakataong iyon ay hindi maiwasang mag-alala ng babae. Sa isip ay pilit ng inaalis ang ideya sa marahil ay nasa isip ng asawa. For more than twenty years of being together ay kabisadong-kabisado na niya ang bawat kilos ng lalaki. Kaya naman hindi niya maiwasan ang mangamba.Natatakot siya sa hindi maipaliwanag na dahilan. At kahit ayaw man niyang isipin ay tila bangungot iyon na hinahabol siya hanggang sa kaniyang pag-gising. Bago pa man nito mapansin ang presensiya niya sa paligid ay umalis na siya sa kinatatayuan. ----"Sigurado ka ba sa nakita mo?" Naninigurong tanong ni Tomas sa asawa. Ipinikit ni Leonila ang mga mata at saka tumango. Pagkuwa'y dumilat at tungkol tumingin ng diretso sa asawa."Nakita ko sa sarili kong mga mata, Tomas. Hindi ko man siya nalapitan ay alam kong siya iyon. Hindi pa ri
"Bihis na bihis ka yata? May pupuntahan ka?" Tanong niya sa babae. Nakatalikod pa lamang ito ay alam na ni Jared na si Melissa ang babaeng nakatayo sa labas ng lobby. Mukhang may lakad itong napaka-importante kaya naman na-curious siya at lumapit dito. Nag-iwas ito ng tingin at saka sumagot. "I have a job interview." Mahinang sagot nito ngunit sapat na upang marinig niya. "Ganoon ba?" Bumaling siya sa direksyon tinitingnan nito. Malakas ang buhos ng ulan at malamang ay bihira ang taxi na papara at magsasakay ng pasahero sa parteng iyon ng daan. Muli siyang tumingin sa sideview ni Melissa. Mukhang naiinip na ito dahil sa pagkakatiim ng mga labi nito. "I can give you a ride." Bigla ang pagkakasabi sa alok niya dito. "No thanks." Ngunit mas mabilis din an pagkakasabi nito. "I insist. Look, you might get late for the interview kung hihintayin mo pa na tumigil ang ulan." Aniya. "Let it be." Sa halip ay sagot ni Melissa. "I know you, Melissa. First impression matters to you kaya
"So, ano nga pala ang pinagkaka-abalahan mo sa buhay?" Tanong ni Selena habang magkasama silang nagka-kape sa unit nito. Instant best friend agad ang naging turingan nilang dalawa. Paano'y nagkapalagayan agad sila ng loob dahil magka-vibes sila sa mga bagay-bagay. May common ground kumbaga. "Actually, I'm a chef. But apparently, kasalukuyang naghahanap ng trabaho." Sagot niya. "Wow, really?" Manghang sabi nito. "Pero bakit naghahanap ka ng trabaho ngayon? Why not build your own restaurant?""Actually naisip ko na rin 'yan. Pero hindi pa ako sure kung talagang gusto ko ng pumasok sa food business. Alam mo na, mahirap ang magdesisyon agad lalo na at hindi basta-bastang puhunan ang ilalabas.""Sabagay." Napakibit-balikat na lamang ito. "Well, may mga ka-kilala akong nasa food business din ang line. I can help you find a job." "Naku, nakakahiya naman kung ganoon." Alanganin siyang napangiti. "Baka isipin ng mga kakilala mo na tini-take advantage ko ang pagiging magka-kilala natin par
Sa isang condo sa Makati nakahanap ng matutuluyan si Melissa. Bachelor's pad kaya convenient na para sa kaniya tutal ay mag-isa lang naman siya doon. Mabuti na lamang at may koneksiyon pa siya mula sa mga dating katrabaho at kaibigan kaya naman may pag-asang makabalik siya sa dating trabaho.Ngunit medyo malas nga lang yata siya ng araw na iyon. "Sorry talaga, Mel. Wala kasing bakante ngayon eh." Hinging paumanhin sa kaniya ng dating boss na si Chef Luis. "Okay lang, Chef. Actually nagba-baka-sakali lang talaga ako since kababalik ko lang din from Germany." "Speaking of Germany, what happened to your career in Germany? Bakit naisipan mong magbalik-bayan?" Curious nitong tanong."To be honest, maganda ang naging career ko doon. But there's just things na hindi natin pwedeng iwanan. I had stayed there for two years pero ng makaramdam ako ng homesick, iniwan ko rin at umuwi dito." Tipid siyang ngumiti. "Pero sa tingin ko sobrang sayang ang opportunity na pinalampas mo." Umiiling-il
Nagmamadaling pinuntahan ni Soledad si Artemio sa study room nito ng makarating sila ng mansion. "Guess where I just came from?" Padabog nitong inilapag sa sofa ang shoulder bag nito. Walang reaksyon ang mukha ni Artemio ng mag-angat ito ng paningin mula sa binabasang papeles. "Alam kong nagpunta ka sa mga Dela Vega." Tila walang ganang sagot nito. "Right! Galing nga ako sa mga Dela Vega." Inis na sabi ni Soledad. "Well, let me guess. Nagkasagutan kayo ng isa sa mga anak ni Roberto?" Isinandal ni Artemio ang sarili sa backrest at tinitigang mabuti ang asawa."Napaka-impertinente!" Kulang na lamang ay maglupasay sa sahig si Soledad dahil sa sobrang inis. "Kung umasta ang mga iyon ay napakataas ng tingin sa sarili. Mga hampas-lupa! Mga walang modo!"Napa-iling na lamang ang lalaki sa nakikitang reaksiyon ng asawa. Ramdam na ramdam niya ang matinding inis na meron ito para sa mga nakababatang Dela Vega."Sa tagal ng panahong magka-kilala kami ni Roberto, ganoon ko din ka-kilala ang
Iginugol ni Melissa ang buong maghapon sa pagsama kay Martin sa pagta-trabaho nito sa hacienda. Maka-ilang beses din siyang napahanga ng bunsong kapatid sa mga gawaing hindi niya inakalang kakayanin niyong gawin. Martin is truly thousand miles different from the other youngsters na anak ng mga haciendero. At his age, he already worked too hard para sa lupain ng mga Dela Vega. Instead of going with friends and fooling around with girls, heto ang kaniyang kapatid, batak ang katawan at bilad ang balat sa sikat ng araw. "Nakakatuwa po'ng tingnan si Martin, ate Melissa." Ani Isang habang pinagma-masdan nila ang bawat pagkilos ng binata. Kasalukuyan itong tumutulong sa pagpapastol ng mga baka papasok ng kulungan. "Oo nga. Parang kailan lang totoy pa siya. Sandaling panahon lang akong nawala pero heto at napaka-laki na ng ipinagbago niya." Nakangiting sabi niya. "Oo nga po. Sa totoo nga niyan, halos lahat ng anak na babae ng mga tauhan sa hacienda, humahanga kay Martin. Napaka-sipag kas
Saglit na natigilan si Melissa ng magtapat na ang mukha nila ni Jared. Gahibla na lang ang pagitan niyon at kitang-kita niya ang kislap ng galit sa mga mata ng lalaki. Nang tila mahimasmasan ay agad niya itong itinulak. Ngunit mahigpit ang pagkakahapit sa kaniya ni Jared kaya lalong mas lumapit ang mukha nito sa mukha niya. Ibinaling niya ang mukha upang makahinga ng maayos. Pakiramdam kasi niya ay tila nauubos ang hangin sa pagkakalapit nila ng mukha. "Let go of me." Paanas ngunit mariin niyang sabi. "No. Not until you realize you shouldn't be thinking about cheating with another guy. Not on me, Melissa. Not on me.""What the hell?" At this point, totoong galit na ang nararamdaman niya. "Pwede ba bitaw--" itutulak na sana ito ng bigla nitong ipaharap sa mukha nito ang mukha niya. Dahilan upang magtama ang mga labi nila. Jared wasted no time, he roughly kissed her in an instant. At kahit nakahuma na siya at pilit itong itinutulak ay wala pa ring laban ang lakas niya sa lakas ng l
Hindi pa man nakakalapit si Melissa Kay Martin ay may humila na sa kaniya. Nang lingunin niya kung sino iyon ay si Madeline ang nakita niya. "Ate..."Seryoso ang mukha ng panganay niyang kapatid kaya hindi pa man ay alam na niya kung para saan ang ikinilos nito. "Mag-usap nga tayo." Sabi nito ng makarating na sila sa loob ng bahay. "Anong eksena yon, Melissa? Tama ba ang narinig ko? Magpapakasal ka ulit sa Jared na yon?" Sunud-sunod na tanong nito. Nag-iwas siya ng tingin sa kapatid. Alam niyang sa ginawa niyang iyon ay alam na nito ang mga piping sagot sa mga tanong kanina. "Ano ka ba naman, Melissa?!" Mariin nitong sabi bago napasapo sa sariling noo. Hindi maipinta ang mukha dahil sa mga nalaman. "Ano bang pumasok sa utak mo at magpapakasal ka na naman sa lalaking yon?"Sa totoo lang hindi niya rin alam ang isasagot o sasabihin sa kapatid. "Nakalimutan mo na ba kung anong nangyari noon? Bakit inuulit mo na naman?" Nagpalakad-lakad ito sa harap niya. "Huwag mo'ng sabihin sa akin