Tumila na ang ulan sa labas at ang araw ay syang bumibida ngayon sa itaas. Basa pa ang daan at ang sarap ng amoy ng hangin. Kasalukuyang papunta sila Alexis at Alvin sa unit ni Alvin para kuhanin ang naiwan nyang nakasaksak na laptop. Hindi nya ito natanggal dahil sa pagkalutang kanina.“Sorry talaga,” ani Alvin habang nagmamaneho. “Ngayon lang pumasok sa isip ko na hindi ko natanggal yung laptop sa kwarto ko. Naexcite akong pumunta dito e.”Natawa ng mahina si Alexis. “Grabe kanina ka pa nagsosorry,” sagot nya. “Ok lang talaga. Tsaka first time ko rin makikita yung bahay mo if ever.”“Actually, unit lang naman sya. Hindi sya bahay. Tho kaya ko naman bumili ng bahay pero wala pa talaga sa isip ko.” Tumingin sya kay Alexis nang nagkulay red ang stoplight. “Pero if gusto mo nang magsettle down pwede naman ako bumili ng bahay ngayon.” Natawa si Alvin matapos sabihin ang bagay na ‘yon. Kitang kita nya kasi ang muling pamumula ng mukha ni Alexis dahil sa hiya. Tumataas lalo ang kompiyansa
Alas tres na ng gabi natapos ang paglilipat ng mga gamit ni Alvin. Kasalukuyang na sa tapat ng gate ang mga box at naghihintay na lamang si Alvin sa designer team para tulungan sila sa pagdedecide kung saan ilalagay ang mga gamit. Malawak naman ang bahay ni Alexis at sigurado sya na kakasya ang iilang gamit ni Alvin sa loob ng bahay nya. Kasya rin sa kwarto nya ang cabinet ni Alvin kaya hindi na sya nangamba. “Papunta na raw ba?” tanong ni Alexis. “Nagugutom na ako ulit.” Agad na bumaling sa kaniya si Alvin. “Let’s go,” sagot nya. Nagtataka syang tinignan ni Alexis. Hindi makuha kung anong ibig sabihin ni Alvin. “Anong let’s go? Saan?” taka nyang tanong. “Hindi mo na hihintayin yung classmate mo? Baka biglang dumating yung classmate mong interior designer?” “Sabi mo nagugutom ka na?” nakangiting tanong ni Alvin sa kaniya. “Inutusan ko naman na sila. Sila na ang bahala sa bahay mo. Wag kang mag-alala. Kilala ko naman yung mga ‘yon. Walang mawawala sa mga gamit mo, promise. Pag
Matapos pakalmahin ni Alexis ang kaniyang sarili sa banyo ay lumabas din sya kaagad. Napapailing na lamang sa tuwa si Alvin habang pinagmamasdan ang mga nakakatuwang reaksyon ni Alexis. “Malapit ng mag-8,” sabi ni Alexis at humarap kay Alvin. “Wala kang class? Usually maaga ka di ba?”Tinaas ni Alvin ang kamay at tinignan ang kanyang relos na suot. “Meron,” sagot nya. “Hintayin na kita matapos kumain para mahatid kita sa shop mo.”Tinitigan sya ni Alexis. “May car naman ako,” sagot nya. “Sge na, mauna ka na. Baka malate ka pa. Ngayon ka pa malalate eh malapit ka na nga sa university. Ok lang ako.”Inisip ni Alvin na baka sinusubukan lang sya ni Alexis. Pero mukhang seryoso si Alexisat wala na syang nagawa sa sagot na narinig nya mula rito. Napabuntong hininga sya dahil alam nyang hindi sya mananalo sa kaniyang kausap.. “Then mauna na ako, please be careful on the way.”Nginitian sya ni Alexis. “Bye, love,” natatawa nyang paalam na nagpangiti kay Alvin.“See you later, love.”Nang m
Nang makaalis si Alvin sa bakery shop ay syang pagtinginan ni Jasmine at Berna. Pareho silang nagtataka at iisa ang na sa isipan. Ganito silang dalawa kapag may bagong chismis na gustong sabihin. “Huwag mong sabihin na may gusto si Pogi kay boss?” manghang tanong ni Jasmine kay Berna. “Omg talaga!” “Paano na ‘yan?” malungkot na tanong ni Berna. “Broken na naman ako nito! Ano pa bang kulang sa ganda ko?” Narinig silang dalawa ng isa pang staff na nagngangalang Allen. “Huwag kayong oa dyan, alam nyo namang nagdadate na ulit si boss tsaka si Sir Manuel.” “Sabagay, mukhang may pag-asa pa ako,” bulong ni Berna na narinig naman ni Jasmine kaya nabatukan sya nito. “Go, ayan ka na naman sa fantasy mo!” ————————————— Nakauwi na si Alvin at nadatnan nya si Alexis na naglalagay ng pabango sa damit nya. Agad naman syang nilingon ni Alexis at nagtataka itong tinignan. “Oh, Alvin,” ani Alexis. Napalunok sya at naalala ang tawagan na napagkasunduan nila. “Love pala.” Napakamot sya sa ulo. “Ba
Nang pumagitna si Bruno ay nagkaroon ng sapat na distansya sila Alvin at Manuel. Nabitawan na rin ni Manuel si Alexis. Ngayon ay masyado ng magulo ang loob ng restaurant. Nagsilabasan ang ilang tao at ang management ay umawat na rin. Ngunit nang makita nila si Manuel ay wala rin silang nagawa. Si Manuel ang may-ari ng restaurant na ito.Naramdaman ni Alexis na hinawakan ni Alvin ang kaniyang palapulsuhan. Namumula ito gawa ng mahigpit na pagkakahawak ni Manuel kanina. Masakit, iyon ang nararamdaman ni Alexis nang haplusin iyon ni Alvin.“Wag mo syang hawakan!” sigaw ni Manuel at nagpupumiglas pa rin para makuha si Alexis. Para bang magkakaroon ng rambulan kapag nakawala sya sa pagkakahawak sa kaniya ng ibang staff.Papagitna sana si Alexis para sana umawat ngunit pinigilan sya ni Alvin. “Baka masaktan ka pa lalo,” ani Alvin at nilagay ito sa likuran nya. Samantalang si Bruno ay hindi makapagsalita sa mga nangyari at napapailing na lang habang pilit pa rin na pinipigilan si Manuel.“
Wala na ang araw at malamig na rin ang simoy ng hangin sa labas. Kakauwi lang nila Alexis at Alvin galing sa malayong byahe. Traffic kanina kaya ginabi na sila ng uwi. Naghuhubad na ng sapatos si Alexis nang mailaglag nya ang bag na ibinigay sa kaniya ng mommy ni Alvin. Gumawa iyon ng tunog at agad na napansin ni Alvin.“Bigay ni mom?” agad na tanong niya. “Ngayon ko lang napansin. Bagay sayo yang shoulder bag.” “Yup, sobrang ganda talaga.” Ngumiti si Alexis at inabot ito kay Alvin. “Palagay sa lamesa, please.” Nang mahubad ang sapatos ay nagtungo si Alexis sa kaniyang kwarto. Paglabas ay may bitbit na syang pambahay na mga damit pamalit.“Maliligo muna ako,” bungad ni Alexis kay Alvin. Tumango si Alvin at nagtungo sa kusina. Binuksan nya ang ref at kumuha ng mga mansanas at saging. Hiniwa nya ito at inilagay sa plato. Matapos nyang hugasan ang mga ginamit na plato at kutsilyo ay pumunta sya sa sofa at inilapag sa mesa ang mga prutas.Hinayaan ni Alvin na magrelax ang sarili. Hang
“Bata pa lang tayo alam naman na nating crush ni Alexis si Manuel. Pero hindi katanggap tanggap yung ginawa nya.”“Naalala ko tuloy nung inamin sa atin ni Alexis na tumigil daw yung mundo nya nang makita nya si Manuel isang araw. Para raw syang estatwa nung marealize nyang gwapo si Manuel sa paningin nya.”Napangiti silang dalawa nang maalala ang mga panahon na umamin si Alexis na crush nya si Manuel. Naglalaro sila noon sa isang playground na malapit kila Alexis. Bata pa sila noon at naglalaro pa ng malaya sa labas tuwing walang pasok.“Pero ngayong nasaktan sya, hindi ko rin sya masisisi. Kasalanan din naman kasi talaga ni Manuel,” dagdag ni Bruno. “Pagbuhatan mo ba naman ng kamay yung mapapangasawa mo.”Kilala nila si Alexis bilang isang babaeng gagawin ang lahat para mapanatili si Manuel sa tabi nya. Ganoon nya kamahal si Manuel. Mahaba ang pasensya ni Alexis at nakita nila ito kung paano nya gawin ang lahat para lang hindi masaktan ng lubusan si Manuel noong mga panahon na maghiw
Kinaumagahan ay maagang nagising si Alexis. Ang sinag ng araw ay agad na dumampi sa kaniyang mukha pagbukas nya ng makapal kurtina. Tulog pa si Alvin sa kama kaya naman naisipan ni Alexis na magluto muna. Kahit papaano ay marunong naman syang magluto aside sa pagbabake dahil matagal na syang bumukod sa parents nya.Nagsipilyo muna saglit si Alexis sa banyo at naghilamos. Pagkatapos nyang mag-ayos ay nagtungo sya sa kusina para magluto. Nagluto sya ng hamsilog at bacon. Matapos non ay nagbake rin sya ng pandesal. Malawak naman ang kusina nya at kumpleto rin sya sa gamit sa pagbabake.Matapos ang kalahating oras ay bumukas ang kwarto. Lumabas si Alvin at bumungad sa kaniya si Alexis na nakasuot ng apron.“Good morning, love,” nakangiting bati sa kaniya.“Good morning, love,” bati pabalik ni Alvin. “Sana ginising mo ako para ako na lang yung nagluto.”“Ano ka ba, ok lang,” sagot ni Alexis sa kaniya. Tinanggal nya ang kaniyang suot na apron. “Ok ba yung naging pagtulog mo?”“Yup, thank yo
Halos hindi pa sumisikat ang araw sa masayang bahay ni Alexis ay tila ba naghagis na ng malambot na ginintuang kulay ang kalsadang na sa harapan ng bahay. Sa loob ng kanyang bahay, ang mainit na amoy ng mga bagong lutong itlog at fried rice ay pumupuno sa hangin, na humahalo sa tunog ng mga kanta sa loob ng bahay nila. Usual na ganap tuwing linggo sa isang tahanan.Si Alexis ay maingat na nag-aayos ng plato at baso nang tumunog ang kanyang telepono sa countertop, na humiwalay sa kanyang atensyon. Nagtataka ay kinuha niya ito at sinipat ang screen. Ito ay isang text mula sa kanyang assistant na si Jasmine.“Boss, good morning po. Na sa shop na po kami ni Berna. Nakatanggap po kami ng notice mula sa pulis tungkol sa illegal parking daw po natin. Nagbabanta silang hahatakin ang delivery truck kung hindi ito magalaw sa lalong madaling panahon. Pwede ka bang pumunta sa shop, boss?”Agad na napakunot ang noo nya nag mabasa ang text message. Nadurog ang puso niya. Nakaparada ang delivery tru
Paggising ni Alexis ay wala na sa kaniyang tabi si Alvin. Kinapa nya ang gilid nya at wala nga talagang tao roon. Hapon na sya nagising dahil na rin siguro sa pananakit ng kaniyang katawan.Ang ngiti ay sumilay sa kaniyang labi nang maalala nya ang mga nanyari kahapon. Nabigay na nya ng tuluyan kay Alvin ang kaniyang pagkababae. Hindi nga nya mabilang kung nakailan sila kagabi. Basta ang alam nya ay masakit ang maselan nyang parte.Nakatanggap sya ng text kay Alvin. Agad syang umupo at napadaing pa nang maramdaman ang hapdi sa kaniyang pang-ibaba.Hindi nya akalain na may ganoong tinatago si Alvin. Isang halimaw sa kama! Nabigla sya, iyon ang totoo. Hindi nya tuloy maiwasan na mapaisip kung may mga karanasan na ba ito noon.“Naghanda na ako ng pagkain for you, take a rest! Uuwi rin ako agad,” pagbabasa ni Alexis sa text message ni Alvin sa kaniya.Napatayo na sya at nagbanlaw na. Although mukhang nalinisan naman na sya ni Alvin ay gusto pa rin kasi nya na magbabad sa tubig.Sarado nam
Nagsisimula nang lumubog ang araw, na naglalagay ng mainit na ginintuang kulay sa lungsod habang nagmamaneho si Alvin sa mataong mga lansangan. Nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang nakababatang kapatid na si Almario, noong araw na iyon, na humihiling sya sa kanyang kapatid na maging CEO na ng tuluyan at ngayon ay pinapapunta sya sa opisina para sa isang mahalagang usapan. Magkahalong kuryusidad at pangamba ang nadama ni Almario noong araw na tinawagan sya ni Alvin; Si Alvin ay hindi basta-basta gumawa ng gayong mga kahilingan. Limang taon kasing iniwasan ni Alvin ang pagiging CEO kaya nagtataka sya na bigla itong tumawag para doon.Agad na ipinarada niya ang kanyang sasakyan at naglakad patungo sa makintab na gusaling gawa sa salamin, ito ang infinity corporation na sikat na sikat when it comes to construction materials, bumaha sa kanyang isipan ang mga alaala noong mga panahon nya sa kaniyang kolehiyo.. Siya ay gumugol ng hindi mabilang na oras dito, nagtatrabaho hanggang g
Tila naging blessings in disguise pa ang nangyari kay Alexis ngayon. Hindi lang naging doble ang kinita nya ngayong araw. Talagang pumaldo ang shop nya ngayon dahil sa tulong ng sikat na artista na si Blessy. “Thank you for today, Blessy,” ani Alexis sa kaniya at bahagyang yumuko para magpasalamat. “Kung hindi dahil sa tulong mo ay baka magsara kami after two months.”“Hala, nako,” agad na reaction ni Blessy nang yukuan sya ni Alexis. “Hindi nyo na po kailangan yumuko, ma’am. It’s my pleasure to help you po.”Nahiya naman si Blessy sa ginawa ngayon ni Alexis. Hindi nya akalain na napaka down to Earth ng asawa ng isa sa mga big boss ng Infinity Corp. Ang tagal din na nawala ni Alvin sa industry kaya laking gulat nya na lamang na makita ito rito sa isang bakery shop. Napaayos sya ng upo nya nang marinig nya ang boses ni Alvin.“Thanks for today,” nakangiting bati nito sa kaniya. “Good luck to your upcoming movie.”Napalunok si Blessy. Hindi nya talaga makakalimutan ang araw na ito. Isa
“Wag ka ng malungkot.”Umupo si Alvin malapit na upuan kung saan nakaupo si Alexis. Hinagod nito ang likuran nya para pakalmahin. Kitang kita kasi nya kung gaano kalungkot ngayon si Alexis. Ito na marahil ang unang beses na naging malungkot ito ngayong nagkasama sila.“Hindi ko mapigilan,” sagot ni Alexis at huminga ng malalim. “Siguro mali ko rin kasi di ko napaghandaan yung mga ganitong sitwasyon. Masyado akong naging kampante.”Tumayo si Alvin at niyakap si Alexis. “Ok lang ‘yan, I’m here,” sagot nya. “Masyado pang maaga. Isang oras pa lang simula nang magbukas tayo.”Sa pagkakataon na ito ay tila ba nabuhayan ang puso ni Alexis dahil sa mga sinabi ni Alvin. Huminga sya ng malalim bago tumayo. Niyakap nya si Alvin at nagpasalamat.Humarap sya sa mga staff. “Come on, let’s do our best today. I’ll try to put sales to our product—““No,” agad na pagpipigil ni Alvin. Ngumiti sya sa mga staff. “Damihan nyo na lang ang eggpie and red velvet nyo today. Papunta na ang bisita natin, nandito
Gulat at inis ang naramdaman ni Alexis matapos nyang marinig ang mga sinabi sa kaniya ni Jasmine. Ang kaniyang noo ay kumunot at napauwang pa ang kaniyang labi.Hindi sya pwedeng magkamali. Kaya naman nagtanong sya ulit.“W -what?” gulat nyang tanong. “Sino kamo?”“Si Sir Manuel po.”Doon ay napatay ni Alexis ang kaniyang phone. Dali dali syang pumasok sa banyo para maligo. Naiwang tulala si Alvin sa kaniya at walang kaalam alam sa mga nangyayari. Minuto pa ang binilang nya bago tuluyang makalabas ng banyo si Alexis. Nagmamadali itong pumasok sa kwarto nya pero nang akmang lalabas ito ay pinigilan sya ni Alvin nang hawakan ang kaniyang balikat.“Hey, what’s wrong, wifey?” takang tanong ni Alvin sa kaniya. “Bakit nagmamadali ka? Hindi ka mapakali.”Doon ay para bang natauhan si Alexis. Napapikit sya ng ilang ulit at para bang nagising ang kaniyang diwa. Napalunok sya at nag-iwas ng tingin.“M -may problema lang sa shop,” nahihiya nyang sagot. “Kailangan ko lang makapunta sa shop as soon
Ang kaba sa dibdib ni Alexis ang syang nagpagising sa kaniya. Wala pa sya sa ulirat pero tila sya natauhan agad. Tila sya binuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga narinig.“Palabas na ako!” agad na sagot nya kay Joy sa kabilang linya.Pinatay nya kaagad ang tawag. Tumayo sya ng kama ngunit agad rin na napaupo nang maramdaman ang kirot sa maselan nyang parte.“Fuck,” daing nya at napakagat sa kaniyang labi.Ni hindi nya akalin na aabot sa ganito ang pag-ibig nya para kay Alvin. Napangiti sya nang maalala ang tapang na ginawa nya kahapon. Malulunod na sana ang isipan sa mga masasayang nangyari kahapon nang maalala ang importanteng nangyayari ngayon.Pinilit nyang tumayo at tiniis ang hapdi na nararamdaman. Nagbihis sya agad at nagtungo sa labas ng bahay. Malapit lang ang gate ng subdivision sa bahay nila kaya tanaw nya kaagad ang sasakyan at ang lalaking naroon na tila ba may hinihintay. Napairap sya nang matanaw ang lalaki, si Manuel.“Bakit ba nandito ka na naman?” agad na bungad n
Maagang nagising si Alvin, maganda ang naging pagtulog nya ngayon kasing ganda ng panahon sa labas. Sabado ngayon, pareho sila ni Alexis na walang pasok. Nag-unat sya at nasagi ng bahagya ang natutulog na si Alexis sa kaniyang tabi. Nilingon nya ito at napangiti. Niyakap nya si Alexis ng mahigpit at dinampian ng malambot na halik.“Good morning, wifey,” bulong nya rito.Tumagal pa roon si Alvin na para bang si Alexis ang naging pahinga nya. Matapos ng ilang minuto ay tumayo na rin sya sa kama para pumunta sa kusina at magluto. Sobrang gaan ng pakiramdam nya ngayon at hindi maalis ang ngiti sa kaniyang labi sa tuwing maaalala ang mga nangyari kahapon. Mula sa pag-amin ni Alexis sa gym hanggang sa magsama ang katawan nila sa iisang kama. Pagkabukas nya ng ref ay wala ng masyadong laman. Paubos na ang mga gulay at iilan na lang din ang mga natitirang karne at manok.Naalala nya na mayroong malapit na tindahan sa labas ng subdivision nila Alexis. Kaya naman nagpalit muna sya saglit ng s
“Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya, wifey,” ani Alvin at niyakap ng mahigpit si Alexis. “I love you.” Ngayon ay na sa parking lot na sila. Kanina ay halos maestatwa si Alexis sa mga nasabi nya pero wala syang pakialam ngayon. Ang importante ay nasabi nya ang gusto nyang sabihin. Natatakot kasi sya na baka mawala si Alvin sa piling nya. Lately lang nya ito napagtanto nang dumating sa eksena si Shekinah. Pauwi na sila ngayon at kakatapos lamang ng seminar na ginawa sa gym. May ngiti sa labi ang dalawa na kanina pa hindi nawawala matapos ng eksenang ginawa ni Alexis. Sa wakas, ito na ang panahon na masasabi ni Alvin na may pag-asa na nga sya kay Alexis. Matapos ang ilang minutong byahe ay huminto ang sasakyan at ipinarada ito ni Alvin sa parking space. Tinitigan nya ang mga malambot na mga mata ni Alexis na para bang nahihiya sa kaniyang ginawa kanina. “We’re engaged now,” dagdag ni Alvin at binigyan nya ng mabilis na halik sa labi si Alexis. “I’m so happy, really really happy!