Napatingin si Aiden sa pintuan ng office niya nang pumasok ang kaniyang ina.“Hanggang kailan ka magtitiis Aiden? Hanggang saan ang kaya mong gawin? Sa huli, ako pa rin ang tatakbuhan at hihingan mo ng tulong.” Anas ng kaniyang ina.“Hanggang kailan mo nga rin ba pahihirapan ang nag-iisa mong anak? Gaano ba kalalim ang poot diyan sa puso mo para hayaan akong maranasan din ang naranasan mo?”“Hindi ko ito ginagawa para iparanas sayo kung anong naranasan ko?! Ginagawa ko ito para hindi mo na maranasan pa! Alam kong mahal mo ang hotel Aiden at ibabalik ko ito sayo ng buong buo, sundin mo lang ang gusto ko.” hilaw na tumawa si Aiden.“Marumi ka maglaro Mom, para lang sa gusto mo kaya mong gawin ito sa sarili mong anak? Maayos na akong nabubuhay dito ng mag-isa pero simula nang dumating ka ginugulo mo ang buhay ko. Alam niyo bang hindi si Mia ang sisira ng buhay ko? dahil sa ginagawa niyo kayo mismo ang sumisira ng buhay ko.” hindi natinag si Aiden nang hampasin ng kaniyang ina ang lamesa
“Bakit parang napapadalas ang paglabas mo ng opisina mo ngayon?” tanong ni Mia habang nasa bench silang dalawa ni Aiden.“I just want to see you,” kindat niyang wika kaya napailing na lang sa kaniya si Mia.“Wala ka bang masyadong ginagawa?” kumagat pa muna si Aiden sa burger niya bago umiling kay Mia. Nasa harapan ang paningin niya at ayaw niyang titigan sa mga mata si Mia. Ayaw niyang sabihin dito na mag-iisang linggo na siyang wala sa pwesto niya at wala na sa kaniya ang hotel. Nagpupunta na lang siya kunwari rito para hindi magtaka si Mia.“Siya nga pala, papayag ka ba kung sa condo ko na ikaw tutuloy? Don’t worry, dalawa naman ang kwarto ko dun.” Salubong ang mga kilay ni Mia na nilingon si Aiden. Masyado na naman nitong ginugulat si Mia.“Pero bakit? Okay naman na ako dito sa hotel.” Ano pa bang dapat niyang sabihin at ipaliwanag ng hindi nagtataka sa kaniya ang dalaga?“Dun ka na lang muna sa condo para may kasabay akong napasok dito saka para paggising ko sa umaga ikaw kaagad
“Pasensya na po, Ma’am. Mauna na po kami.” magalang nilang saad, minsan pa nilang inirapan si Mia saka sila umalis.Tiningnan ni Mia si Chloe ng seryoso.“May kinalaman ka ba sa mga pinagsasabi nila?” una nang tanong ni Mia. Alam niyang hindi magsisinungaling sa kaniya si Aiden at kung sakali ngang walang sinasabi sa kaniya si Aiden, hindi niya alam ang mararamdaman at gagawin niya.“Ano bang gusto mong marinig? Saan mo gustong magsimula ako?” anas naman ni Chloe, alam ni Mia na may alam si Chloe. “Hindi ko alam kung sadyang manhid ka lang ba para hindi mo maramdaman eh. Usap-usapan na yun sa hotel pero parang nagbibingi-bingihan ka pa rin.”“Sabihin mo sa’kin ang nalalaman mo, ano ang ibig nilang sabihin? Si Aiden? Bumaba sa pwesto niya at umalis ng hotel?” hilaw na natawa si Chloe, nasisiyahan dahil tila walang kaalam-alam si Mia. Pinagkrus pa ni Chloe ang mga kamay niya sa dibdib niya.“Ibang klase ka rin e no? Wala kang nalalaman sa kaniya? Ikaw ba talaga ang girlfriend ni Aiden?
Pigil ang hikbi ni Mia. Hindi siya magiging masaya kahit na siya ang pinipili ni Aiden kung ang kapalit naman nito ay ang mga bagay na kasama na talaga sa buhay niya, kung ang kapalit ay ang nakasanayan niyang buhay.Hindi niya gustong agawin yun kay Aiden. Tipid na ngumiti si Mia.“Kailan pa? Bakit wala kang sinasabi sa’kin?” mahinahon niyang tanong. Naiyuko naman ni Aiden ang ulo niya, hawak hawak niya ang dalawang kamay ni Mia at naramdaman ni Mia ang pagpisil dun ni Aiden.“Three weeks ago,” dun na bumuhos ang mga luha ni Mia. Inalis niya ang pagkakahawak ni Aiden sa kamay niya at pinalis ang mga luha niya.“Three weeks ago at hindi mo man lang sinabi sa’kin, o kung may balak ka pa nga bang sabihin sa’kin. Aiden, sinabi mong walang maglilihim sa ating dalawa but you broke it! Sana sinabi mo man lang para may alam ako! Para saan pa yung pagpasok mo kunwari sa hotel? Ha? Para magpanggap na iyo pa rin yun? Kung ako ang dahilan kung bakit nawala sayo ang hotel, sana sinabi mo sa’kin d
Gaya ng nakasanayan niya tuwing hapon ay maaga siyang uuwi para puntahan si Aiden. Isang oras niya rin itong pinapanuod habang abala sa pagtatrabaho niya. Mapait siyang nakangiti, masaya siyang makita at makasama si Aiden. Pakiramdam niya siya na ang pinakaswerteng babae sa mundo dahil siya ang minahal ng isang Aiden Hernandez, na sa dinama-rami ng babaeng nakapaligid sa kaniya siya na walang kahit anong kayamanan ang pinili niya.Pansin ni Mia ang isang baklang tinatawag si Aiden, magalang na lumapit si Aiden at tinanong kung anong kailangan ng mga ito. Napakunot na lang ng noo si Mia nang lagyan ng isang bakla ng isang libo ang dibdib ni Aiden. Hindi marinig ni Mia ang pinag-uusapan ng mga ito dahil nasa labas naman siya.“Para saan po ba ito, Sir?” magalang na tanong ni Aiden, nakangiti naman sa kaniya ang bakla at bakas ang pagnanasa sa mga mata niya.“Dodoblehin ko ang ibibigay ko sayo, puntahan mo lang ako sa address na ito.” malandi niyang wika, hinawakan pa niya ang matigas na
Mahal kita kaya ko ito ginagawa and if leaving you is the key to bring back your old life, I’m willing to do that. I really love you Babe, I really do. I’m happy that I met you, thank you for making my heart flutter, thank you for choosing me over and over, thank you for making me happy and thank you for everything. I can say that I am the luckiest woman in the world because you love me, you make me feel that I am worth it. Sometimes, I ask myself, do I really deserve your love? Hindi ko maiwasang hindi isipin yun. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, always remember that, my Aiden Hernandez. I hope if you already read this, you will never look at me magiging masaya na ako dun. Alam kong kapag nabasa mo ito wala na ako sa tabi mo, nakaalis na ako. Please promise me that you will never cry dahil sa’kin. Mahal na mahal kita Babe, sobrang sobrang mahal na mahal kita but I need to do this. Alam kong ito lang ang paraan para maibalik ang nakasanayan mong buhay. I know you will ge
“What is happening here, Aiden?!” sigaw ni Mrs Hernandez ng makita niya ang makalat na condo ng anak. Nagkalat ang mga plastic ng sitsirya maging ang mga bote ng alak. Napakadilim ng kapaligiran at halos wala na siyang makita.“Aiden, what do you think you’re doing son?! Sisirain mo na lang ba ang buhay mo rito?” aniya pa saka isinindi ang mga ilaw, halos mapatalon pa siya sa gulat ng makita ang anak na nasa isang sulok at lugmok na lugmok. Tila hindi na rin ito naliligo dahil sa ayos niya.“What are you doing here?” malamig niyang tanong saka muling nilagok ang alak, ,maraming mga bote ang nagkalat sa tabi niya at mukhang hindi man lang ito natulog.“Goodness, ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon? ha? Ayusin mo ang sarili mo at bumalik ka na ng hotel.” Hilaw na natawa si Aiden, isang linggo na ang nakalilipas simula ng ibalik sa kaniya ang hotel.“Kung si Mia pa ang ibabalik niyo baka mas magiging masaya pa ako. My hotel is all yours at wala na akong pakialam kung anong gagawin
Pagkalipas ng isa’t kalahating taon....Aligaga ang lahat ng mga empleyado nang dumating ang kanilang Boss. Sama-sama silang lahat na nasa lobby at pare-parehong mga nakayuko ang ulo. Ng marinig na nila ang tunog ng isang sasakyan ay halos hindi na sila makagalaw, tila ba kapag gumalaw lang sila ng kaunti ay katapusan na nila. Sa sahig na silang lahat nakatingin at tanging tunog pa lamang ng sapatos ay tumitindig na ang mga balahibo nila. “Maayos ba ang lahat ng pamamalakad niyo rito? Kumusta ang pakikitungo ng mga empleyado sa mga guest?” malamig at seryoso niyang tanong sa isang manager. “Maayos naman po ang lahat Sir, wala po kayong dapat ipag-alala.” Mabilis nitong sagot, napahinto rin sa paglalakad ang Manager nang huminto si Aiden saka nilingon ang isang babaeng empleyado. Halos manginig na ang katawan ng dalaga dahil sa presensya ng Boss. Napapikit na lang ang dalaga nang hilain ni Aiden ang gulo-gulo niyang necktie. “Hindi ko alam kung anong ginagawa mo para hindi mo maayo
“Mabuti ka pa at kaunti na lang ay graduate ka na sa pag-aalaga. Dalaga na si Yeshah at kaunti na lang ay mga binata na rin ang mga anak mo baka sa susunod mga apo mo naman na ang aalagaan mo—aray!” batukan ko nga, kung ano-ano sinasabi.“Bata pa mga anak ko at may mga pangarap sila sa buhay kaya anong mga apo ko naman ang aalagaan ko? E kung batukan pa kita?” inis kong saad sa kaniya pero tinawanan lang ako ng kumag.Nag-uusap na si Mia at Stella habang naglalaro naman ang mga bata, si Yeshah nasa kwarto niya at gumagawa ng project.“Dad, I need to go in national book store. May kailangan lang po akong bilhin.” Wika sa’kin ni Yeshah na kalalapit lang sa’kin.“How much do you need?” dinukot ko naman na ang wallet ko saka ko siya binigyan ng dalawang libo.“Dad, I only need 500. 2000 is too much.” Reklamo niya sa’kin pero dahil wala akong barya ay isang libo ang ibinigay ko sa kaniya.“Padrive ka na lang kay Kuya Jin.”“Yes po,” mabilis niya namang sagot saka lumapit sa ina niya para m
AIDEN’S POVGulo-gulo ang buhok kong nakatingin sa mga anak kong magugulo rin. Oo, pinangarap kong bumuo ng malaking pamilya pero bakit naman isang irehan kaagad?“Ano? Okay ka pa ba? Hahahaha ayos yun ah. Apat agad sa isang irehan.” Sinamaan ko ng tingin si Ace, oo may quadruplets kami ni Mia at hindi namin yun inaasahan. Malaki yung tiyan niyang nagbuntis at ng malaman namin na apat na heartbeat ang nadetect sa pagbubuntis niya masaya ako na nag-aalala. Hindi ko kayang mawala sa buhay ko si Mia, ipinagbubuntis pa lang niya ang mga kambal namin hirap na hirap na siya kaya halos hindi ko alam ang gagawin ko.“Yaaaahhh,” sigaw na naman ng anak kong lalaki habang nakasakay siya sa likod ko. Tanggal ang angas ko sa mga anak ko, kung gaano ako kalupit sa opisina ay siyang kabaliktaran naman pagdating dito sa bahay. Tatlo ang anak kong lalaki at sa kanilang apat naman ay ang babae ang bunso sa mga kambal ko.Masakit na ang anit ko dahil sa pagsabunot ng anak ko, gawin ba naman akong kabayo
Naiwan si Yeshah sa Manila dahil gusto ko sanang magkaroon kami ng solo time ng asawa ko. Handa na kaming sundan si Yeshah at bigyan siya ng maraming kalaro dahil minsan napapagod na rin ang mga Lolo at Lola niya sa pakikipaglaro sa kaniya. “Hindi kalakihan yung bahay pero napakaganda.” Namamanghang saad pa rin ni Mia habang nililibot namin ang bahay. Glass wall lang din ang iba para kitang kita mo ang ganda ng dagat. Mula rito ay kitang kita namin ang maraming turista. Maraming resort dito sa lugar na ito at kahit hindi na namin kailangang pumunta dun dahil sa ilalim ng bahay na ito ay may ipinagawa rin akong swimming pool. “Ang ganda ganda talaga dito Love. Parang gusto ko na lang dito tumira.” Aniya pa, tagos na tagos ang araw sa glass wall dahil maaga pa pero malamig dito sa loob dahil sa aircon. “Ito ang magiging bahay bakasyunan natin dahil sa dami ng nangyayari sa buhay natin sa bawat araw, we deserve a vacation.” Wika ko sa kaniya. Napatingin din siya sa multifunctional chai
AIDEN’S POVNapabuntong hininga na lang ako ng maabutan ko na naman si Daddy na may hawak na alak. Naupo ako sa harapan niya. Ilang araw pa lang simula ng mawala sa’min si Daddy.“Dad,” anas ko, napabuntong hininga siya saka ako tipid na nginitian.“Jared Vesarious is your Mom’s first love. Mahal na mahal niya si Jared kahit ng magpakasal kaming dalawa. Pilit lang naman ang kasal namin pero habang tumatagal, I fell in love with your Mom. Akala ko kapag dumating ka sa buhay niya sakaling may magbago pero akala ko lang pala yun. I love your Mom son but she never love me, anong magagawa ko si Jared ang minahal niya at mahal niya hanggang ngayon. Hindi ko akalain na kaya niyang patayin ang sarili niya para sa isang lalaki. Tinanggap ko lahat, tiniis ko lahat, naghintay ako sa Mommy mo pero hindi pala yun sapat para mahalin niya rin ako at kalimutan si Jared.” Hilaw siyang natawa, masakit din para sa’kin na makita sa ganitong kalagayan si Daddy pero hindi pa rin niya magawang magalit kay M
Ano nga ba talagang kayang gawin ng pag-ibig? Ano pa bang kayang isakripisyo ng lahat para sa pangalan ng pag-ibig? Hindi niya ba naibaling ang lahat ng pagmamahal niya kay Aiden? Nang dumating sa buhay niya si Aiden?Napabuntong hininga na lang ako, ang pagmamahal pa rin ba niya kay Daddy ang dahilan kung bakit gusto pa rin niya akong mamatay? Naging bangungot ko ang gabing muntik akong mamatay. Kung hindi dahil kay Ate Jade baka abo na lang din ako ngayon. Nagawa niya na akong ilayo sa mga magulang ko pero bakit ipinahanap pa rin niya ako para lang patayin?“Kung naging maaga lang siguro ang mga pulis na dumating kanina, hindi siguro ito nangyari.” Saad uli ni Tita Irene, napakunot naman ang noo ko.“Ano pong ibig niyong sabihin?”“Nagsalita na ang lalaking nag-utos sa mga lalaking dumukot sayo kung sino ang mastermind ng lahat. Sinabi niya ng si Olivia nga ang may pakana ng lahat ng nangyari sayo. Sinubukan namang humabol ng mga pulis sa place kung saan ang kasal pero huli na sila
MIA’s POVHalos hindi ko maigalaw ang mga kamay at mga paa ko. Para akong nanigas at hindi makagalaw, sana panaginip na nga lang ang lahat. Ang saya saya ko lang kanina diba? masaya lang kaming lahat kanina pero bakit naging ganito ang lahat? Bakit naging madugo ang kasal na pinangarap namin?Nagkalat sa carpet ang dugo ni Daddy ganun na rin ni Ma’am Olivia. Naguguluhan pa rin ako, ano bang mga naging nakaraan nilang lahat sa isa’t isa? Bakit kailangang si Daddy pa ang saktan niya? Bakit niya kinukuha ang buhay na hindi kaniya.“Mia,” rinig ko sa boses ni Stella, bakas ang pag-aalala sa kaniya pero tila nakamagnet na ang mga mata ko kay Daddy. Rinig na rinig ko na ang iyakan ni Mommy at ng mga kapatid ni Daddy ganun na rin si Aiden at si Sir Dave.Dahan-dahan akong humakbang, parang ayaw ko pang iproseso sa utak ko ang lahat ng nangyayari.“Call the ambulance now!” umiiyak na saad ni Mommy habang yakap yakap si Daddy.“Iha,” pinigilan ako ng isang kapatid ni Daddy sa paglapit sa kaniy
Humugot ng malalim na buntong hininga si Mia dahit it’s her turn. Nag-uumapaw ang saya sa dibdib niya tila nabusog na tuloy siya sa mga sinabi ni Aiden. Wala rin naman siyang ibang hiling kundi ang manatili na silang dalawa sa isa’t isa habang buhay.Magsasalita na sana si Mia nang may biglang pumalakpak na nagmumula sa entrance.“Ang galing naman,” wika nito, nagsigilid ang mga bisita ng makita siya.“Olivia,” wika ni Mr. Hernandez, mabilis siyang napatayo. Hindi niya akalain na mahahanap at malalaman pa ito ni Olivia. Hindi niya sinabi ang kasal ni Aiden dahil alam niyang magkakagulo lang, hindi na nila kasi ito mapakiusapan na pabayaan na lang ang mga mata.Mabilis na itinago ni Aiden sa likod niya si Mia para protektahan sa ina niya. Kinuha na rin ni Ace si Aiyeshah para lumabas na dito tutal may exit naman sa gilid nila.“Mom,” anas na rin ni Aiden.“Hindi mo na talaga ako nirespeto Aiden, ina mo ako pero ni hindi mo man lang ako inimbita sa sarili mong kasal? Ang galing galing n
Nagdaan pa ang mga araw at ngayon ang araw na hinihintay ng lahat. Halos isang linggo ring hindi nagkita si Mia at Aiden ngayong araw ng kasal na lang nila ulit sila magkikita.Abalang abala ang lahat sa paghahanda at paggagayak. Lahar ay may ngiti sa kanilang mga labi, masaya para sa dalawang taong mag-iisang dibdib ngayong araw.Napakaganda ng tanawin, napakaganda at napakaayos ng lahat. Tila isang panaginip, tila nasa isang fairy tale ka dahil sa pagkakaayos ng lugar. Napakalawak na hardin, nagbibigay ginhawa sa katawan dahil sa kapayapaan niya.Lahat ng abay ay inaayusan na rin at ang bride naman ay nasa pinakamalaking kwarto.Masayang nakatingin sa salamin si Mia dahil sa wakas ang pinapangarap nilang kasal ni Aiden dati pa ay mangyayari na. Hindi na pangarap, hindi na sa panaginip makikita dahil ngayon magaganap na ang lahat.“Hays, parang kailan lang nang sinusuotan lang kita ng diaper pero ngayon wedding gown mo na ang isusuot ko sayo.” Naluluhang saad ni Katelyn sa anak. Hind
“Who cook our dinner? May sarili ka na bang chef ngayon Katelyn?” tanong ng isang Ginang na halos mabusog na dahil sa dami ng kinain niya. Bahagyang natawa si Katelyn.“Si Mia at Aiden lang ang naghanda ng lahat ng mga yan.”“Talaga? Hindi ko akalain na magaling kayong dalawa ah. Parang gusto ko na lang manatili rito para makakain araw-araw ng mga masasarap na pagkain haha.” Pagbibiro ng isang babae. Hindi pa kilala ni Mia ang mga kamag-anak niya, kilala pa lang niya ang mga ito sa mukha.Nagpatuloy ang kasiyahan nila ngayong gabi. Nang matapos silang mga kumain ay kaniya-kaniya na rin silang mundo pero maagang nagpaalam si Dave.“Uuwi ka na? Ang bilis naman.” Saad ni Jared.“Baka kasi nakauwi na si Olivia saka may gagawin pa rin kasi ako so hindi na rin ako magtatagal. Maybe next time again,” napatango-tango na lang si Jared, nilapitan naman na muna ni Mr. Hernandez si Yeshah saka niya ito kinausap.“Let’s play next time again apo, sana maipasyal niyo siya minsan sa’min.” Si Mr. Hern