Pagkatapos ng ilang oras niyang byahe ay nakarating na rin siya. Nakaramdam na naman siya ng awa dahil tambak na naman ito ng labahin, malamang tumanggap na naman siya ng mga labada galing sa mga kapitbahay. Tipid siyang ngumiti saka ito nilapitan. “Ace,” halos magulat pang saad ng isang babae, pinunasan niya ang kamay niya dahil masabon pa ito. Unang nilapitan ni Ace ang baby na mahimbing na natutulog malapit lang sa ina niya. “Bumili ako ng mga pagkain diyan, magmeryenda ka na muna.” Wika niya rito saka ibinaba ang mga pinamili niya. “Hindi naman kailangan eh, masyado ka ng maraming nagagastos sa’min Ace, nakakahiya na sayo.” nilingon ni Ace si Mia, bakas na ang pagod sa mukha nito dahil sa dami ng labahin niyang kinukuha. Naaawa siya sa mag-ina dahil walang ibang pinagkukuhanan ng kabuhayan si Mia kundi ang paglalaba lang. Hindi niya naman kasi maiwan ang anak niya para maghanap ng ibang trabaho sa labas. “Pamangkin ko rin naman ang pinaggagastusan ko eh, saka kaisa-isang prin
Break time nina Stella nang mapatanong si Sarah. “Wala ka pa rin bang balita kay Mia?” pagtatanong niya rito, alam naman ng lahat na si Stella ang malapit na kaibigan ni Mia. May lungkot na umiling si Stella.“Simula nang umalis siya at iwan si Sir Aiden, wala na akong balita sa kaniya. Sinubukan ko siyang hanapin pero bigo ako eh. Kung nasan man siya ngayon, I hope she’s okay.” Bakas ang lungkot sa boses niya saka uminom ng juice. “Good afternoon Sir,” mabilis na tumayo sina Sarah at Kirsten, nakatalikod kasi si Stella kaya nilingon pa niya kung sino ang nasa likuran niya. Ng makita niya si Aiden ay yumuko na rin siya para magbigay galang, hindi niya naman kasi nakita ang pagdating nito. Pare-pareho silang natatakot dahil baka pagalitan sila ngayong naabutan silang mga nakaupo at nag-uusap usap pa pero lahat sila ay nakahinga ng maayos nang umalis na ang Boss. Narinig lahat ni Aiden ang pinag-uusapan ng mga dating kaibigan ni Mia. Kung ganun, wala rin palang mga balita ang mga ito
“Kalat na kalat sa buong hotel ang magaganap na kasal dito sa mga susunod. Ang akala ko dati, si Mia ang kauna-unahan sa ating magkakaibigan ang ikakasal dito.” mapait na wika ni Kirsten, kahit saan yata sila magtungo ay kasal ng Boss nila at ni Chloe ang pinag-uusapan. Hindi na nila alam ang magiging buhay nila sa trabaho kapag si Chloe na ang naging Mrs Hernandez ng Boss nila, napakabossy. Hindi pa lamang siya ang asawa akala mo kung sino ng Boss. “Ganun talaga, hindi lahat ng nagmamahalan ay sila ang ending.” Komento naman ni Sarah. “Kung saan sila naengage yun din ang gagamitin nila sa kasal. May higit dalawang linggo pa bago ang kasal pero ipinapahanda na yung pinakamalaking function hall, kaninong kasal ba ang magmumukhang basura dahil bulok na ang mga bulaklak sa araw ng kasal niya? Napakaexcited naman masyado.” Irap na wika ni Kirsten. “Huwag na lang natin pag-usapan baka may makarinig sa’tin magsumbong pa kay Chloe, tayo na naman ang mananagot.” Sabat na ni Stella, hanggan
Pumasok si Ace kung saan nakatalagang kwarto si Aiden. Ilang minuto na lamang ay alam nilang tatawagin na sila ng coordinator ng kasal ni Aiden.Napabuga ng hangin si Ace dahil hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan eh. Naabutan niya si Aiden na nakatayo at salubong ang mga kilay habang nakatutok sa cellphone niya.“Hindi ka pa ba lalabas?” tanong niya saka niya ito nilapitan. Nagulat na lamang si Ace nang bigla siyang suntukin ni Aiden.“Kailan pa? Alam mo kung nasan si Mia? Alam mo kung nasan siya hindi ba?!” galit na galit na tanong ni Aiden, pinunasan na lang ni Ace ang labi niya ng dumugo ito dahil sa lakas nang pagkakasuntok sa kaniya ni Aiden.“Ano bang sinasabi mo?” baka nabibingi lang siya o baka dahil dala sa kaba niya ay iba na ang naririnig niya.“Answer me Ace, you know where Mia is, right?” hindi siya nagkakamali ng narinig, tama siya na tinatanong siya ngayon ni Aiden tungkol kay Mia. Tumayo ng diretso si Ace saka niya tiningnan ng diretso sa mga mata si Aiden.“Oo
Sa kaiisip ni Aiden ay nakatulog na siya. Paggising niya ng umaga ay naamoy niya na ang mabangong niluluto ng kung sino man sa kusina niya. Pupungay pungay pa ang mga mata niyang nagtungo ng kusina at nakita niya naman dun si Chloe na siyang nagluluto.“Hi Babe, pumasok na ako para makapagluto ng pagkain mo. Nagising ka ba sa amoy nang niluluto ko?” nakangiti niyang aniya. Tinitigan ni Aiden si Chloe pero kahit na may itsura rin ito ay hindi pa rin bumibilis ang tibok ng puso niya na nagagawa sa kaniya ni Mia. Ano nga bang hindi niya makita kay Chloe na meron kay Mia?Napabuntong hininga na lang siya at di na pinansin si Chloe. Dumiretso siyang nanguha ng tubig para makainom.“Magkape ka muna pala, ipinaghanda na kita kanina.” Matamis na wika ni Chloe saka nilagyan na lang ng mainit na tubig ang tasa.“Hindi ka na sana nag-abala pang pumunta rito.” Malamig na wika ni Aiden pero hindi iyun alintana ni Chloe dahil sanay naman na siya kay Aiden.“Ano ka ba, okay lang. Kapag ikinasal nama
Halos araw-araw na pabalik-balik ng Batangas si Aiden para lang tingnan si Mia pero hindi niya makita ang baby nila dahil medyo may kalayuan naman siya.Muli niyang inihinto ang kotse niya nang makarating na naman siya sa harapan nila Mia. Subalit napakunot na lang ang noo niya dahil sarado ang pintuan, sa tuwing pinupuntahan niya ito ay palagi itong bukas, nasa labas man o nasa loob silang mag-ina. Naghintay pa siya ng ilang minuto sa loob ng kotse niya pero parang wala talaga rito ang mag-ina niya.Ng maramdaman niya ang pagvibrate ng cellphone niya ay tiningnan niya iyun saka binasa.[Nasan ka na ba? Kanina pa nandito yung mga chef para kunin ang mga iluluto sa kasal natin. Nandito na rin ang wedding coordinator. Ganun na lang din ba sa ayos ng dati?] sunod sunod na saad ni Chloe pero wala sa kasal ang laman ng isip niya. Ibinulsa niya ang cellphone niya saka siya bumaba para puntahan si Mia subalit nakailang katok na siya ay walang sumasagot sa loob.Lumabas na rin siya at ng maki
Maya-maya ay napatayo na rin si Mia nang lumabas na ang isang Doctor. Hindi tuloy makatingin sa mga mata nina Mia ang Doctor dahil natatakot siya sa presenya ni Aiden.“Kumusta po ang baby ko? Okay na po ba siya?” pagtatanong ni Mia at sinusubukan na silipin ang anak sa loob pero hindi niya makita.“S-She’s okay now Miss, bumaba n-na rin ang lagnat niya. Nahirapan lang siyang hindi makahinga kanina dahil sa pag-iyak niya, nabaraduhan ang ilong niya ng sipon but she’s okay now. Kaunting pahinga at pagpapainom na lang ng gamot ang kailangan niya. She’s going to stay here for three days hanggang sa tuluyan na siyang gumaling para monitor din siya oras oras ng mga Doctor at nurse namin.” kinakabahan at nauutal pa niyang aniya, blangko at seryosong nakatingin sa kaniya si Aiden at tila kating kati na ang pwet niyang umalis pero hindi pwede dahil baka mas lalo silang mayari ni Aiden.Nakahinga naman ng maluwag si Mia.“Maraming salamat po Doc, maraming salamat.” Halos maiyak pang wika ni Mi
Salubong ang kilay ni Mrs Hernandez na pumasok ng opisina ni Aiden. Pabagsak pa niyang isinarado ang pintuan. Sanay na si Aiden sa ganiyang ginagawa ng kaniyang ina, wala na siyang dapat pang ikagulat pa dahil alam niya na ang mangyayari, galit sa kaniya ang kaniyang ina.Pabagsak na ibinaba ni Mrs Hernandez ang hawak hawak niyang dyaryo.“You’re in the headline of the news! Your face is everywhere Aiden! Kahit saang balita ikaw ang laman. Is this true? You have a child? With who? With that woman again?!” nanggagalaiti siya sa galit. Iniisip na si Mia ang ina ng anak ni Aiden ay nag-aapoy na siya sa galit. Nanatiling kalmado lang naman si Aiden, hindi niya na tiningnan ang dala-dala ng ina dahil he already saw it. Inaasahan niya na ito, maging ang pagkakaroon ng red note ng hospital na kinaroroonan ng mag-ina ay nasa balita.“Is it a big deal?”“Of course it is! Kababalita lang ang tungkol sa kasal mo then this is happened! Who is the mother of your child? Ha? Anong kahihiyan ba ang i
“Mabuti ka pa at kaunti na lang ay graduate ka na sa pag-aalaga. Dalaga na si Yeshah at kaunti na lang ay mga binata na rin ang mga anak mo baka sa susunod mga apo mo naman na ang aalagaan mo—aray!” batukan ko nga, kung ano-ano sinasabi.“Bata pa mga anak ko at may mga pangarap sila sa buhay kaya anong mga apo ko naman ang aalagaan ko? E kung batukan pa kita?” inis kong saad sa kaniya pero tinawanan lang ako ng kumag.Nag-uusap na si Mia at Stella habang naglalaro naman ang mga bata, si Yeshah nasa kwarto niya at gumagawa ng project.“Dad, I need to go in national book store. May kailangan lang po akong bilhin.” Wika sa’kin ni Yeshah na kalalapit lang sa’kin.“How much do you need?” dinukot ko naman na ang wallet ko saka ko siya binigyan ng dalawang libo.“Dad, I only need 500. 2000 is too much.” Reklamo niya sa’kin pero dahil wala akong barya ay isang libo ang ibinigay ko sa kaniya.“Padrive ka na lang kay Kuya Jin.”“Yes po,” mabilis niya namang sagot saka lumapit sa ina niya para m
AIDEN’S POVGulo-gulo ang buhok kong nakatingin sa mga anak kong magugulo rin. Oo, pinangarap kong bumuo ng malaking pamilya pero bakit naman isang irehan kaagad?“Ano? Okay ka pa ba? Hahahaha ayos yun ah. Apat agad sa isang irehan.” Sinamaan ko ng tingin si Ace, oo may quadruplets kami ni Mia at hindi namin yun inaasahan. Malaki yung tiyan niyang nagbuntis at ng malaman namin na apat na heartbeat ang nadetect sa pagbubuntis niya masaya ako na nag-aalala. Hindi ko kayang mawala sa buhay ko si Mia, ipinagbubuntis pa lang niya ang mga kambal namin hirap na hirap na siya kaya halos hindi ko alam ang gagawin ko.“Yaaaahhh,” sigaw na naman ng anak kong lalaki habang nakasakay siya sa likod ko. Tanggal ang angas ko sa mga anak ko, kung gaano ako kalupit sa opisina ay siyang kabaliktaran naman pagdating dito sa bahay. Tatlo ang anak kong lalaki at sa kanilang apat naman ay ang babae ang bunso sa mga kambal ko.Masakit na ang anit ko dahil sa pagsabunot ng anak ko, gawin ba naman akong kabayo
Naiwan si Yeshah sa Manila dahil gusto ko sanang magkaroon kami ng solo time ng asawa ko. Handa na kaming sundan si Yeshah at bigyan siya ng maraming kalaro dahil minsan napapagod na rin ang mga Lolo at Lola niya sa pakikipaglaro sa kaniya. “Hindi kalakihan yung bahay pero napakaganda.” Namamanghang saad pa rin ni Mia habang nililibot namin ang bahay. Glass wall lang din ang iba para kitang kita mo ang ganda ng dagat. Mula rito ay kitang kita namin ang maraming turista. Maraming resort dito sa lugar na ito at kahit hindi na namin kailangang pumunta dun dahil sa ilalim ng bahay na ito ay may ipinagawa rin akong swimming pool. “Ang ganda ganda talaga dito Love. Parang gusto ko na lang dito tumira.” Aniya pa, tagos na tagos ang araw sa glass wall dahil maaga pa pero malamig dito sa loob dahil sa aircon. “Ito ang magiging bahay bakasyunan natin dahil sa dami ng nangyayari sa buhay natin sa bawat araw, we deserve a vacation.” Wika ko sa kaniya. Napatingin din siya sa multifunctional chai
AIDEN’S POVNapabuntong hininga na lang ako ng maabutan ko na naman si Daddy na may hawak na alak. Naupo ako sa harapan niya. Ilang araw pa lang simula ng mawala sa’min si Daddy.“Dad,” anas ko, napabuntong hininga siya saka ako tipid na nginitian.“Jared Vesarious is your Mom’s first love. Mahal na mahal niya si Jared kahit ng magpakasal kaming dalawa. Pilit lang naman ang kasal namin pero habang tumatagal, I fell in love with your Mom. Akala ko kapag dumating ka sa buhay niya sakaling may magbago pero akala ko lang pala yun. I love your Mom son but she never love me, anong magagawa ko si Jared ang minahal niya at mahal niya hanggang ngayon. Hindi ko akalain na kaya niyang patayin ang sarili niya para sa isang lalaki. Tinanggap ko lahat, tiniis ko lahat, naghintay ako sa Mommy mo pero hindi pala yun sapat para mahalin niya rin ako at kalimutan si Jared.” Hilaw siyang natawa, masakit din para sa’kin na makita sa ganitong kalagayan si Daddy pero hindi pa rin niya magawang magalit kay M
Ano nga ba talagang kayang gawin ng pag-ibig? Ano pa bang kayang isakripisyo ng lahat para sa pangalan ng pag-ibig? Hindi niya ba naibaling ang lahat ng pagmamahal niya kay Aiden? Nang dumating sa buhay niya si Aiden?Napabuntong hininga na lang ako, ang pagmamahal pa rin ba niya kay Daddy ang dahilan kung bakit gusto pa rin niya akong mamatay? Naging bangungot ko ang gabing muntik akong mamatay. Kung hindi dahil kay Ate Jade baka abo na lang din ako ngayon. Nagawa niya na akong ilayo sa mga magulang ko pero bakit ipinahanap pa rin niya ako para lang patayin?“Kung naging maaga lang siguro ang mga pulis na dumating kanina, hindi siguro ito nangyari.” Saad uli ni Tita Irene, napakunot naman ang noo ko.“Ano pong ibig niyong sabihin?”“Nagsalita na ang lalaking nag-utos sa mga lalaking dumukot sayo kung sino ang mastermind ng lahat. Sinabi niya ng si Olivia nga ang may pakana ng lahat ng nangyari sayo. Sinubukan namang humabol ng mga pulis sa place kung saan ang kasal pero huli na sila
MIA’s POVHalos hindi ko maigalaw ang mga kamay at mga paa ko. Para akong nanigas at hindi makagalaw, sana panaginip na nga lang ang lahat. Ang saya saya ko lang kanina diba? masaya lang kaming lahat kanina pero bakit naging ganito ang lahat? Bakit naging madugo ang kasal na pinangarap namin?Nagkalat sa carpet ang dugo ni Daddy ganun na rin ni Ma’am Olivia. Naguguluhan pa rin ako, ano bang mga naging nakaraan nilang lahat sa isa’t isa? Bakit kailangang si Daddy pa ang saktan niya? Bakit niya kinukuha ang buhay na hindi kaniya.“Mia,” rinig ko sa boses ni Stella, bakas ang pag-aalala sa kaniya pero tila nakamagnet na ang mga mata ko kay Daddy. Rinig na rinig ko na ang iyakan ni Mommy at ng mga kapatid ni Daddy ganun na rin si Aiden at si Sir Dave.Dahan-dahan akong humakbang, parang ayaw ko pang iproseso sa utak ko ang lahat ng nangyayari.“Call the ambulance now!” umiiyak na saad ni Mommy habang yakap yakap si Daddy.“Iha,” pinigilan ako ng isang kapatid ni Daddy sa paglapit sa kaniy
Humugot ng malalim na buntong hininga si Mia dahit it’s her turn. Nag-uumapaw ang saya sa dibdib niya tila nabusog na tuloy siya sa mga sinabi ni Aiden. Wala rin naman siyang ibang hiling kundi ang manatili na silang dalawa sa isa’t isa habang buhay.Magsasalita na sana si Mia nang may biglang pumalakpak na nagmumula sa entrance.“Ang galing naman,” wika nito, nagsigilid ang mga bisita ng makita siya.“Olivia,” wika ni Mr. Hernandez, mabilis siyang napatayo. Hindi niya akalain na mahahanap at malalaman pa ito ni Olivia. Hindi niya sinabi ang kasal ni Aiden dahil alam niyang magkakagulo lang, hindi na nila kasi ito mapakiusapan na pabayaan na lang ang mga mata.Mabilis na itinago ni Aiden sa likod niya si Mia para protektahan sa ina niya. Kinuha na rin ni Ace si Aiyeshah para lumabas na dito tutal may exit naman sa gilid nila.“Mom,” anas na rin ni Aiden.“Hindi mo na talaga ako nirespeto Aiden, ina mo ako pero ni hindi mo man lang ako inimbita sa sarili mong kasal? Ang galing galing n
Nagdaan pa ang mga araw at ngayon ang araw na hinihintay ng lahat. Halos isang linggo ring hindi nagkita si Mia at Aiden ngayong araw ng kasal na lang nila ulit sila magkikita.Abalang abala ang lahat sa paghahanda at paggagayak. Lahar ay may ngiti sa kanilang mga labi, masaya para sa dalawang taong mag-iisang dibdib ngayong araw.Napakaganda ng tanawin, napakaganda at napakaayos ng lahat. Tila isang panaginip, tila nasa isang fairy tale ka dahil sa pagkakaayos ng lugar. Napakalawak na hardin, nagbibigay ginhawa sa katawan dahil sa kapayapaan niya.Lahat ng abay ay inaayusan na rin at ang bride naman ay nasa pinakamalaking kwarto.Masayang nakatingin sa salamin si Mia dahil sa wakas ang pinapangarap nilang kasal ni Aiden dati pa ay mangyayari na. Hindi na pangarap, hindi na sa panaginip makikita dahil ngayon magaganap na ang lahat.“Hays, parang kailan lang nang sinusuotan lang kita ng diaper pero ngayon wedding gown mo na ang isusuot ko sayo.” Naluluhang saad ni Katelyn sa anak. Hind
“Who cook our dinner? May sarili ka na bang chef ngayon Katelyn?” tanong ng isang Ginang na halos mabusog na dahil sa dami ng kinain niya. Bahagyang natawa si Katelyn.“Si Mia at Aiden lang ang naghanda ng lahat ng mga yan.”“Talaga? Hindi ko akalain na magaling kayong dalawa ah. Parang gusto ko na lang manatili rito para makakain araw-araw ng mga masasarap na pagkain haha.” Pagbibiro ng isang babae. Hindi pa kilala ni Mia ang mga kamag-anak niya, kilala pa lang niya ang mga ito sa mukha.Nagpatuloy ang kasiyahan nila ngayong gabi. Nang matapos silang mga kumain ay kaniya-kaniya na rin silang mundo pero maagang nagpaalam si Dave.“Uuwi ka na? Ang bilis naman.” Saad ni Jared.“Baka kasi nakauwi na si Olivia saka may gagawin pa rin kasi ako so hindi na rin ako magtatagal. Maybe next time again,” napatango-tango na lang si Jared, nilapitan naman na muna ni Mr. Hernandez si Yeshah saka niya ito kinausap.“Let’s play next time again apo, sana maipasyal niyo siya minsan sa’min.” Si Mr. Hern