Para na siyang magnanakaw sa paglalakad niya sa tuwing duty niya. Para siyang palaging tumatakas, imbis na wala siyang iniisip ngayon, nagkaroon pa nang dahil lang sa isang gabing pag-iinom niya.
“Kahit kailan talaga pahamak ka sa buhay ko.” inis niyang saad habang tinutukoy ang ex-boyfriend niya. Mabilis siyang tumakbo patungong elevator dahil baka makita pa niya ang Boss niya. Dati para sa kaniya napakalawak ng hotel pero ngayon pakiramdam niya ang liit na nito. Bihira lang naman niyang makita ang Boss dati, suntok sa buwan pa nga pero bakit ngayon? Para na itong kabute na lumilitaw na lang kung saan-saan at kung kailan gusto.
Gusto niyang humingi ng tawad dito dahil sa ginawa niya dahil baka iyun pa ang maging dahilan para mawala siya sa trabaho pero hindi niya alam kung saan pa siya kukuha ng lakas at kapal ng mukha para lumapit at kausapin ang Boss niya. Baka iniisip na nitong isa lang siyang mababang uri ng babae at walang respeto sa sarili.
Napabuntong hininga na lang siya saka siya naupo para makapagpahinga saglit.
“Katapusan ko na yata, bakit ko pa kasi yun ginawa? Ang tanga tanga mo Mia, ikaw mismo ang naglalagay sa panganib sa sarili mo.” mahina at tila nanghihina niyang saad, mahal niya ang trabaho niya sa hotel at ayaw niya nang maghanap pa ng ibang hotel dahil ito na ang pinakamaganda, pinakamalaki at pinakasikat na hotel sa buong Pilipinas. Hindi niya alam ang magiging buhay niya kapag nawalan siya ng trabaho.
“Mia Morales!” tila nagising ang buong diwa at ang dugo niyang natutulog nang marinig niya ang malakas na sigaw ng head nila. Dali-dali siyang tumayo at mabilis na tumakbo para puntahan si Ms. Red. Halos magkandapa-dapa siya para lang makarating sa Manager nila.
“Manager,” hingal niyang saad habang nakayuko, hindi rin niya sigurado kung nalaman na ba ng Manager nila ang tungkol sa kabaliwan niyang ginawa dahil kung oo baka hindi na ito aabutin ng kinabukasan sa trabaho niya.
“Bakit wala pa rin sa akin ang mga reports na kailangan ko?! Hindi ba at sinabi ko na yun sayo nung nakaraan pa?!” halos mabingi siya sa lakas ng sigaw nito sa kaniya na akala mo ay napakalayo ng kausap niya.
“Pasensya na po kayo Ma’am kukunin ko na lang po.” Mabilis niyang sagot saka nagmadaling umalis para kunin ang mga papeles. Marami na siyang ginagawa kaya hindi niya naalala ang tungkol dun. Nakalimutan niyang ibibigay nga pala niya yun kapag nakaduty na siya ng araw. Mas nakakapagod kasi ang araw na duty para sa kaniya dahil mas maraming gawain, nandun din ang iba’t ibang ugali ng mga customers dahil mas maraming nagchecheck in kapag araw.
Pumasok na siya sa isang kwarto na walang ibang laman kundi ang mga papeles. Trabaho niya ang mag-asikaso ng mga guests ngayon pero hindi niya alam kung bakit paborito siya ng Manager nilang utos-utusan.
“Kaya niya naman kasing kunin kung bakit iuutos pa niya, tssss.” Pagrereklamo niya dahil ramdam na talaga niya ang pagod niya. Mabilis niya na lang kinuha ang lahat ng mga papeles na kailangan niyang ibigay sa Manager nila saka siya nagtungo sa office nito. Kumatok na muna siya rito saka siya pumasok nang marinig niya ang boses ng Manager nila sa loob.
“Ito na po lahat ng mga kailangan niyo ma’am.” aniya saka ibinaba sa lamesa ang lahat ng mga papeles.
“Sige makakaalis ka na.” sagot nito nang hindi na tinitingnan si Mia. Bahagyang yumuko si Mia saka lumabas na nang office. Mabagal na ang paglalakad niya dahil masakit na ang mga paa niya, kanina pa siya lakad nang lakad. Bumaba na siya hanggang sa makita niya si Sarah na nakikipag-usap sa isang guest.
Sa itsura pa lang ng guest ay alam mo nang may inirereklamo ito o nagagalit kay Sarah. Nilapitan niya ang dalawa at napatingin na rin sa kaniya ang guest na nag-aalburuto na sa galit.
“Sino ka ba para pagbawalan ako sa mga gusto ko?! Kayong mga nagtatrabaho rito ay walang pinagkaiba sa mga katulong, mga utusan pa rin! Hindi porket nakatapos ka, katulong ka pa rin!” sigaw nito sa pagmumukha ni Sarah, nakayuko na ito at ginagawa ang buo niyang makakaya para manatiling kalmado.
“Anong nangyari? May problema po ba ma’am?” mahinahon na tanong ni Mia sa guest.
“Iyang kasama mo ang may problema?! Akala mo kung sinong nag-uutos, pare-pareho lang din naman kayong mga katulong dito.” pagmamaliit niya sa mga trabaho nito. Matamis na ngumiti si Mia sa guest, dahil sa trabaho nila kahit anong mangyari o kahit gaano kagalit ang guest nila they need to be calm.
“Huwag niyo naman ho sanang maliitin ang trabaho namin. Kung may problema po pwede niyo naman po kaming lapitan ng mahinahon para po masolusyonan natin kung ano bang problema.”
“Sinabi ko nang wala akong problema diba?! bingi ka ba?! pareho kayong dalawa! Mga basura.” Wika nito saka dumura sa sahig. “Punasan mo, punasan mo gamit ang mga kamay mo tutal yan naman ang mga trabaho niyo diba? Sa amin nanggagaling ang mga sweldo niyo.” Nakangisi nitong saad, nananatili namang kalmado si Mia pero si Sarah kaunti na lang ay papatulan niya na ang guest na ito na akala mo ay binayaran niya na ang mga buhay ng mga hotelier.
“Ano bang nangyari? Anong ginawa mo?” tanong niya na kay Sarah, kailangan niyang malaman kung anong pinagsimulan ng lahat para matapos na ito at maibigay na kung anong kailangan ng guest.
“Naninigarilyo kasi siya rito na ipinagbabawal ng hotel. Sinabihan ko lang naman siyang bawal manigarilyo kung gusto niya sa labas na lang siya.” sagot niya naman, nagulat na lang sila nang biglang hilain ng babae ang buhok ni Sarah kaya mabilis na pumagitna si Mia para awatin ang guest.
“Sino ba kayo para utusan ako?! ha?! VIP ako, VIP ako rito! baka gusto niyong mawalan ng trabaho? Ha?!” pagmamayabang nito habang ipinapakita ang VIP card niya.
“Akala mo kung sino ka na! Tandaan mo, nagtatrabaho kami ng matino at marangal dito, kung makapagsalita ka akala mo binili mo na ang buong pagkatao namin!” hindi na mapigilan ding sigaw ni Sarah, punong puno na siya dahil kanina pa sila minamaliit ng babaeng ito.
Hinawakan siya ni Mia para pakalmahin ito subalit pagharap ni Mia ay siyang pagsaboy din sa kaniya ng guest nila ng tubig sa mukha. Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at pilit na kinakalma ang sarili dahil kapag nagpadala sila, sila ang talo.
Tipid siyang ngumiti saka pinunasan ang mukha niya.
“Yan ang nararapat sa mga katulad niyo.”
“Sumosobra ka na talagang babae ka!” sigaw ni Sarah at akma niya sana itong sasampalin pero pinigilan niya ang sarili niya. Baka siya ang mawalan ng trabaho kapag ginawa niya iyun, naiinis lang siya dahil sa sinasabing customers are always right.
“That’s enough, hayaan mo na.” kalmadong saad ni Mia, pagod na siya tapos dumagdag pa ang babaeng ito. Hilaw na natawa ang guest dahil sa akmang pagsampal sana sa kaniya ni Sarah.
“I will report you both.” Matigas niyang aniya.
“Pag-usapan na lang siguro natin ng maayos Ma’am para hindi na lumaki pa. Para matapos na po ito, sumunod na lang po tayo sa rules, sa labas na lang po kayo manigarilyo.” Nakikiusap na wika ni Mia.
“Sino ka para utusan at pagbawalan ako?!” akma niya sanang sasaktan si Mia nang mabilis na pinigilan ng kanilang manager ang guest. Pilit na inaalis nang guest ang pagkakahawak sa kaniya ng Manager subalit mas malakas sa kaniya ang Manager.
“Ma’am,” gulat na saad ni Mia at Sarah dahil sa biglaang pagsingit ng Manager nila. Pareho na silang tahimik ngayon at nakayuko dahil nandyan na ang Manager nila, hindi nila alam kung anong sasabihin nito sa kanilang dalawa.
“Mukhang ikaw ang head ng dalawang ito? Mabuti naman at pumunta ka rito dahil bagsak ang serbisyo ng dalawang hotelier niyo! Anong klaseng mga empleyado ba meron kayo?!”
“I am not here para pagalitan ang dalawang ito, we are not going to tolerate that kind of attitude you have. Daig ka pa ng dalawang basurang sinasabihan mo dahil mas marunong pa silang umintindi. Malaki na yung symbol na yan na bawal ang paninigarilyo sa loob ng hotel pero hindi mo pa rin maintindihan?” napaangat nang ulo ang dalawa dahil sa hindi nila inaasahan na sinabi ng head nila. Hindi makapaniwalang tumawa ang guest dahil din sa sinabi ng Manager.
“Pare-pareho lang kayong lahat, mga umaasa lang sa mga pera namin.”
“Pera lang ang ibinibigay mo pero hindi mo mapapalitan at mapapantayan ang serbisyo namin. Sige subukan mong matulog sa marumi at mabahong higaan kung wala kami, subukan mong umihi sa maruming cr, subukan mong maligo sa makati at malabong swimming pool. Subukan mong tapunan ng pera kung makikita mong lilinis at babango ang lahat ng yun. Subukan mo at kapag nagawa mong pagalawin ang mga pera mo baka doblehin pa namin yan.” Nagngitngit naman ang mga ngipin ng guest na yun at hindi nakasagot sa Manager.
Akma na sanang aalis ang guest para pumasok sa kwarto niya nang bigla siyang pigilan ng Manager.“Ano ba?!”“Hindi mo ba talaga maintindihan? Alisin mo yang sigarilyo mo.”“Aalis na nga ako diba?!” pasigaw nitong sagot, tinawag naman ng Manager ang dalawang guard.“Palabasin niyo yan.” Utos niya rito na mabilis ding sinunod ng dalawang gwardya.“Ibaba niyo ako! Ano ba! Nasa loob ang mga gamit ko!” pagsisigaw niya, inutusan naman ng Manager ang isang babae para isunod ang mga gamit nito na nasa loob ng kwarto niya. Sinenyasan niya ang dalawa na sumunod sa kaniya, nakayuko at tahimik silang sumunod.Kinakabahan na si Sarah dahil baka narinig siya ng Manager nila na pinapatulan niya ang guest. Nakarating naman sila ng office, naupo ang Manager nila habang pareho silang nakatayo sa harap habang nakayuko ang mga ulo.Ilang minutong nanaig ang katahimikan sa kanila, mariing ipinikit ni Mia ang mga mata niya dahil ramdam niya na ang pagkahilo.“Tandaan niyo palagi ang kauna-unahang dapat ay
Nang magising si Mia ay dahan-dahan siyang umupo, inilibot niya ang paningin niya sa kabuuan ng kwarto. Nagsalubong na lang ang mga kilay niya dahil sa lawak at ganda ng kwartong kinaroroonan niya ngayon. Napahawak siya sa ulo niya dahil sa bahagya pa niyang pagkahilo.“Nasan ba ako?” pagtatanong pa niya sa sarili niya. Sakto naman ang paglabas ni Stella mula sa kusina kaya napalingon sa kaniya si Mia.“Mabuti naman at nagising ka na, tatlong oras ka ring nakatulog. Hindi ka na naman ba kumain ng umagahan?”“Nasan ba ako? Anong kwarto ‘to?” hindi niya pinansin ang sinabi ng kaibigan niya. Ibinaba na muna ni Stella ang mga dala-dala niyang pagkain sa kama saka niya hinarap ng maayos si Mia.“Nandito pa rin naman tayo sa hotel, sa VIP room.” Halos mapatayo sa kinahihigaan niya si Mia dahil sa sinabi ng kaibigan niya.“Bakit dito ako dinala? Wala akong pambabayad dito. Alam mo naman kung gaano kamahal ang bayad dito per hour.”“Alam ko yun, hindi naman kita idadala rito kung may babayara
Pahamak na Jaxson. Aniya sa sarili habang nagtatrabaho. Sa tuwing may nakakasalubong siyang mga empleyado ay tinatakpan na lang niya ang mukha niya.“Kung totoo man yun, napakaswerte niya. Kung alam ko lang siguro na papayag si Sir na magpakasal kaagad kapag inaya siya baka ginawa ko na rin hahahaha.” Rinig pa niyang pagtatawanan ng ilang mga kababaihan na nasalubong niya. Napapailing na lang si Mia dahil kung alam lang nila kung anong kahihiyan siya meron ngayon. Sana nga, sila na lang ang nasa pwesto at sitwasyon niya pero hindi eh, pinagtatawanan na lang siya.Halos iyun ang nagiging buhay niya sa araw-araw, ang umiwas sa ilang mga katrabaho nila lalo na sa Boss nila, hangga’t kaya niya iyung iwasan ay gagawin niya kahit na nagmumukha na siyang tangang sumisilip sa mga pader.“Wala naman siguro siya ngayon, makakapagtrabaho ako ng maayos.” Aniya sa sarili dahil kaninang umaga pa niya hindi nakikita ang Boss nila. Iniisip niyang baka hindi ito pumasok ngayon o baka may appointment i
Hindi maalis sa isipan ni Mia ang sinabi ng Boss niya, napapailing na lang siya kapag naaalala niya ang tungkol dun. Hindi tuloy siya makapagfocus sa trabaho niya nang dahil dun.“Gago ba siya? kahit siya ang Boss namin dito at hindi dahil may itsura siya papatulan ko siya. Kapal ng mukha, anong akala niya lahat ng babae may gusto sa kaniya? Feelingero. Tsss.” Aniya pa sa sarili, napapangiwi na lang siya. Tinapos niya na ang pag-aayos ng mga gamit sa isang kwarto na ginamit ng isang guest saka siya lumabas. Nasalubong niya naman ang ilang mga kasama niyang nakatingin sa kaniya.“Kumusta ang feeling bride ni Sir? hahahaha.” Tawanan ng mga ito, napabuntong hininga na lang siya dahil halos mag-iisang linggo nang ito ang usapan ng buong hotel. Nahihiya na lang siya minsan kaya hindi niya na pinapatulan pa.“Makabully ka baka kapag si Mia nga ang naging fiancée ni Sir nganga ka.” irap na saad ng isa pang empleyado, hindi na lang pinansin ni Mia ang mga ito dahil baka kapag pinatulan niya l
“I hope you can find a man that he will love you at yung lalaking hindi maboboring sayo.” rinig ni Aiden na saad ng lalaking kaharap ni Mia. Napapailing na lang siya.Lumapit na si Aiden sa kanila at mabilis niyang hinikit ang bewang ni Mia palayo kay Jaxson. Bahagya pang nagulat si Jaxson at ang babaeng kasama nito. Kilalang kilala si Aiden dahil kahit saang lugar ay makikita mo siya sa mga palabas sa tv, billboard at ilang mga magazine. Salubong ang mga kilay na tiningnan ni Jaxson ang lalaking humigit kay Mia at naibaba niya rin ang paningin niya sa kamay ni Aiden na nakahawak sa bewang ni Mia.Tiningnan ni Mia ang lalaking gumawa nun sa kaniya at napalunok na lang siya sa sarili niyang laway. Hindi niya alam kung anong ginagawa ngayon ng Boss niya pero ayaw niyang mapahiya siya sa harap ng Boss nila.Ang lahat ng mga empleyadong malapit sa kanila ay natutop din ang mga bibig dahil sa ginawa ng Boss nila kay Mia. Kalat na kalat ang tungkol kay Mia at Aiden sa buong hotel at hindi s
Halos ayaw nang pumasok ni Mia sa hotel dahil putok na putok sa buong hotel ang nangyari kahapon. Gusto na lang niyang humilata sa kama niya buong maghapon. Naalala niya tuloy ang paghatid sa kaniya ng Boss niya kagabi, nahihiya tuloy siya rito. Kahihiyan na lang yata ang kaya niyang ibigay sa Boss niya. Idinamay pa niya sa issue, alam niyang bigating tao ang Boss nila pero mas pinili pa niyang sabayan ang ginawa nito sa kaniya kagabi.“AAAHHHHH ayaw ko naaaaaa.” Sigaw pa niya, kanina pa siya gising pero hindi pa rin siya bumabangon sa kama niya. Ayaw niyang pumasok at wala siyang balak pumasok. Kilala niya na ang mga katrabaho niya at alam niyang tatadtarin siya ng mga tanong ng mga ito lalo na si Stella.“Ikaw lang ba? Mia Morales! ano bang ginagawa mo sa buhay mooooo?!” inis na sigaw ni Stella, mabilis na napabangon si Mia sa kinahihigaan niya ng marinig niya ang sigaw ni Stella. Sunod-sunod na napalunok si Mia dahil bakas na bakas ang galit sa mukha ni Stella ngayon. Bakit nga ba
Napalunok si Miss Cruz, wala siyang alam sa mga bagay na iyun. Madalas pa naman niyang utusan at sigawan si Mia.Nanlalaki ang mga ata ni Mia na tiningala si Aiden, seryoso ang mukha nito at hindi mo makikitaan na nagbibiro ito sa mga sinasabi niya.‘Patay na,’ aniya sa isip niya, hindi niya alam kung ano bang pinaplano sa kaniya ng Boss nila. Sinabi niya ng biro lang ang lahat nang sinabi niya noon pero bakit hanggang ngayon sineseryoso pa rin ng Boss nila. Mariing napapikit ng mga mata niya si Stella, hindi niya na alam ang gagawin niya para sa kaibigan. Hindi rin niya maitago ang inis na nararamdaman niya sa Boss nila dahil mas lalo lang niyang pinapalala ang lahat buti sana kung hindi ang kaibigan niya ang nadadawit.“Do you understand, Miss Cruz?”“Yes, Sir. Makakaasa kayo, pasensya na.” mabilis na sagot ni Miss Cruz saka siya yumuko. Tulala pa lamang si Mia at pinoproseso ang lahat sa isip niya nang bigla siyang hinawakan ni Aiden sa kamay niya saka siya hinila palayo sa mga kas
Sa tuwing napapadaan ang Boss nila sa front desk ay napapayuko na lamang si Mia. Simula nang mag-usap sila kahapon ay hindi na uli iyun nasundan, seryoso na rin ang mukha ni Aiden kapag nakikita niya si Mia.Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Mia habang nag-aasikaso ng mga bagong pasok na guest.‘Is he mad? Desisyon ko pa rin naman ang masusunod. Masyado na kasing personal ang gusto niyang gawin ko, tssss.’ Aniya sa isip. Nang may dumating na guest ay matamis siyang ngumiti dito saka ito binati. Hindi rin makalapit o makapagtanong sa kaniya ang mga katrabaho niya kahit na kating-kati na silang magtanong, nakabantay kasi sa kanila ang manager nila dahil oras na lumapit ka o may ibinulong ka sa kasama mo maririnig mo na naman ang malakas na tawag nito sayo. Napatingin si Mia malapit sa entrance nang mapansin niya si Aiden na may kausap na ilang mga kalalakihan, base pa lamang sa mga tindig nito tumayo at sa mga kasuotan nila ay alam mo lang mga bigating mga tao ang kausap ng Boss
“Mabuti ka pa at kaunti na lang ay graduate ka na sa pag-aalaga. Dalaga na si Yeshah at kaunti na lang ay mga binata na rin ang mga anak mo baka sa susunod mga apo mo naman na ang aalagaan mo—aray!” batukan ko nga, kung ano-ano sinasabi.“Bata pa mga anak ko at may mga pangarap sila sa buhay kaya anong mga apo ko naman ang aalagaan ko? E kung batukan pa kita?” inis kong saad sa kaniya pero tinawanan lang ako ng kumag.Nag-uusap na si Mia at Stella habang naglalaro naman ang mga bata, si Yeshah nasa kwarto niya at gumagawa ng project.“Dad, I need to go in national book store. May kailangan lang po akong bilhin.” Wika sa’kin ni Yeshah na kalalapit lang sa’kin.“How much do you need?” dinukot ko naman na ang wallet ko saka ko siya binigyan ng dalawang libo.“Dad, I only need 500. 2000 is too much.” Reklamo niya sa’kin pero dahil wala akong barya ay isang libo ang ibinigay ko sa kaniya.“Padrive ka na lang kay Kuya Jin.”“Yes po,” mabilis niya namang sagot saka lumapit sa ina niya para m
AIDEN’S POVGulo-gulo ang buhok kong nakatingin sa mga anak kong magugulo rin. Oo, pinangarap kong bumuo ng malaking pamilya pero bakit naman isang irehan kaagad?“Ano? Okay ka pa ba? Hahahaha ayos yun ah. Apat agad sa isang irehan.” Sinamaan ko ng tingin si Ace, oo may quadruplets kami ni Mia at hindi namin yun inaasahan. Malaki yung tiyan niyang nagbuntis at ng malaman namin na apat na heartbeat ang nadetect sa pagbubuntis niya masaya ako na nag-aalala. Hindi ko kayang mawala sa buhay ko si Mia, ipinagbubuntis pa lang niya ang mga kambal namin hirap na hirap na siya kaya halos hindi ko alam ang gagawin ko.“Yaaaahhh,” sigaw na naman ng anak kong lalaki habang nakasakay siya sa likod ko. Tanggal ang angas ko sa mga anak ko, kung gaano ako kalupit sa opisina ay siyang kabaliktaran naman pagdating dito sa bahay. Tatlo ang anak kong lalaki at sa kanilang apat naman ay ang babae ang bunso sa mga kambal ko.Masakit na ang anit ko dahil sa pagsabunot ng anak ko, gawin ba naman akong kabayo
Naiwan si Yeshah sa Manila dahil gusto ko sanang magkaroon kami ng solo time ng asawa ko. Handa na kaming sundan si Yeshah at bigyan siya ng maraming kalaro dahil minsan napapagod na rin ang mga Lolo at Lola niya sa pakikipaglaro sa kaniya. “Hindi kalakihan yung bahay pero napakaganda.” Namamanghang saad pa rin ni Mia habang nililibot namin ang bahay. Glass wall lang din ang iba para kitang kita mo ang ganda ng dagat. Mula rito ay kitang kita namin ang maraming turista. Maraming resort dito sa lugar na ito at kahit hindi na namin kailangang pumunta dun dahil sa ilalim ng bahay na ito ay may ipinagawa rin akong swimming pool. “Ang ganda ganda talaga dito Love. Parang gusto ko na lang dito tumira.” Aniya pa, tagos na tagos ang araw sa glass wall dahil maaga pa pero malamig dito sa loob dahil sa aircon. “Ito ang magiging bahay bakasyunan natin dahil sa dami ng nangyayari sa buhay natin sa bawat araw, we deserve a vacation.” Wika ko sa kaniya. Napatingin din siya sa multifunctional chai
AIDEN’S POVNapabuntong hininga na lang ako ng maabutan ko na naman si Daddy na may hawak na alak. Naupo ako sa harapan niya. Ilang araw pa lang simula ng mawala sa’min si Daddy.“Dad,” anas ko, napabuntong hininga siya saka ako tipid na nginitian.“Jared Vesarious is your Mom’s first love. Mahal na mahal niya si Jared kahit ng magpakasal kaming dalawa. Pilit lang naman ang kasal namin pero habang tumatagal, I fell in love with your Mom. Akala ko kapag dumating ka sa buhay niya sakaling may magbago pero akala ko lang pala yun. I love your Mom son but she never love me, anong magagawa ko si Jared ang minahal niya at mahal niya hanggang ngayon. Hindi ko akalain na kaya niyang patayin ang sarili niya para sa isang lalaki. Tinanggap ko lahat, tiniis ko lahat, naghintay ako sa Mommy mo pero hindi pala yun sapat para mahalin niya rin ako at kalimutan si Jared.” Hilaw siyang natawa, masakit din para sa’kin na makita sa ganitong kalagayan si Daddy pero hindi pa rin niya magawang magalit kay M
Ano nga ba talagang kayang gawin ng pag-ibig? Ano pa bang kayang isakripisyo ng lahat para sa pangalan ng pag-ibig? Hindi niya ba naibaling ang lahat ng pagmamahal niya kay Aiden? Nang dumating sa buhay niya si Aiden?Napabuntong hininga na lang ako, ang pagmamahal pa rin ba niya kay Daddy ang dahilan kung bakit gusto pa rin niya akong mamatay? Naging bangungot ko ang gabing muntik akong mamatay. Kung hindi dahil kay Ate Jade baka abo na lang din ako ngayon. Nagawa niya na akong ilayo sa mga magulang ko pero bakit ipinahanap pa rin niya ako para lang patayin?“Kung naging maaga lang siguro ang mga pulis na dumating kanina, hindi siguro ito nangyari.” Saad uli ni Tita Irene, napakunot naman ang noo ko.“Ano pong ibig niyong sabihin?”“Nagsalita na ang lalaking nag-utos sa mga lalaking dumukot sayo kung sino ang mastermind ng lahat. Sinabi niya ng si Olivia nga ang may pakana ng lahat ng nangyari sayo. Sinubukan namang humabol ng mga pulis sa place kung saan ang kasal pero huli na sila
MIA’s POVHalos hindi ko maigalaw ang mga kamay at mga paa ko. Para akong nanigas at hindi makagalaw, sana panaginip na nga lang ang lahat. Ang saya saya ko lang kanina diba? masaya lang kaming lahat kanina pero bakit naging ganito ang lahat? Bakit naging madugo ang kasal na pinangarap namin?Nagkalat sa carpet ang dugo ni Daddy ganun na rin ni Ma’am Olivia. Naguguluhan pa rin ako, ano bang mga naging nakaraan nilang lahat sa isa’t isa? Bakit kailangang si Daddy pa ang saktan niya? Bakit niya kinukuha ang buhay na hindi kaniya.“Mia,” rinig ko sa boses ni Stella, bakas ang pag-aalala sa kaniya pero tila nakamagnet na ang mga mata ko kay Daddy. Rinig na rinig ko na ang iyakan ni Mommy at ng mga kapatid ni Daddy ganun na rin si Aiden at si Sir Dave.Dahan-dahan akong humakbang, parang ayaw ko pang iproseso sa utak ko ang lahat ng nangyayari.“Call the ambulance now!” umiiyak na saad ni Mommy habang yakap yakap si Daddy.“Iha,” pinigilan ako ng isang kapatid ni Daddy sa paglapit sa kaniy
Humugot ng malalim na buntong hininga si Mia dahit it’s her turn. Nag-uumapaw ang saya sa dibdib niya tila nabusog na tuloy siya sa mga sinabi ni Aiden. Wala rin naman siyang ibang hiling kundi ang manatili na silang dalawa sa isa’t isa habang buhay.Magsasalita na sana si Mia nang may biglang pumalakpak na nagmumula sa entrance.“Ang galing naman,” wika nito, nagsigilid ang mga bisita ng makita siya.“Olivia,” wika ni Mr. Hernandez, mabilis siyang napatayo. Hindi niya akalain na mahahanap at malalaman pa ito ni Olivia. Hindi niya sinabi ang kasal ni Aiden dahil alam niyang magkakagulo lang, hindi na nila kasi ito mapakiusapan na pabayaan na lang ang mga mata.Mabilis na itinago ni Aiden sa likod niya si Mia para protektahan sa ina niya. Kinuha na rin ni Ace si Aiyeshah para lumabas na dito tutal may exit naman sa gilid nila.“Mom,” anas na rin ni Aiden.“Hindi mo na talaga ako nirespeto Aiden, ina mo ako pero ni hindi mo man lang ako inimbita sa sarili mong kasal? Ang galing galing n
Nagdaan pa ang mga araw at ngayon ang araw na hinihintay ng lahat. Halos isang linggo ring hindi nagkita si Mia at Aiden ngayong araw ng kasal na lang nila ulit sila magkikita.Abalang abala ang lahat sa paghahanda at paggagayak. Lahar ay may ngiti sa kanilang mga labi, masaya para sa dalawang taong mag-iisang dibdib ngayong araw.Napakaganda ng tanawin, napakaganda at napakaayos ng lahat. Tila isang panaginip, tila nasa isang fairy tale ka dahil sa pagkakaayos ng lugar. Napakalawak na hardin, nagbibigay ginhawa sa katawan dahil sa kapayapaan niya.Lahat ng abay ay inaayusan na rin at ang bride naman ay nasa pinakamalaking kwarto.Masayang nakatingin sa salamin si Mia dahil sa wakas ang pinapangarap nilang kasal ni Aiden dati pa ay mangyayari na. Hindi na pangarap, hindi na sa panaginip makikita dahil ngayon magaganap na ang lahat.“Hays, parang kailan lang nang sinusuotan lang kita ng diaper pero ngayon wedding gown mo na ang isusuot ko sayo.” Naluluhang saad ni Katelyn sa anak. Hind
“Who cook our dinner? May sarili ka na bang chef ngayon Katelyn?” tanong ng isang Ginang na halos mabusog na dahil sa dami ng kinain niya. Bahagyang natawa si Katelyn.“Si Mia at Aiden lang ang naghanda ng lahat ng mga yan.”“Talaga? Hindi ko akalain na magaling kayong dalawa ah. Parang gusto ko na lang manatili rito para makakain araw-araw ng mga masasarap na pagkain haha.” Pagbibiro ng isang babae. Hindi pa kilala ni Mia ang mga kamag-anak niya, kilala pa lang niya ang mga ito sa mukha.Nagpatuloy ang kasiyahan nila ngayong gabi. Nang matapos silang mga kumain ay kaniya-kaniya na rin silang mundo pero maagang nagpaalam si Dave.“Uuwi ka na? Ang bilis naman.” Saad ni Jared.“Baka kasi nakauwi na si Olivia saka may gagawin pa rin kasi ako so hindi na rin ako magtatagal. Maybe next time again,” napatango-tango na lang si Jared, nilapitan naman na muna ni Mr. Hernandez si Yeshah saka niya ito kinausap.“Let’s play next time again apo, sana maipasyal niyo siya minsan sa’min.” Si Mr. Hern