“I hope you can find a man that he will love you at yung lalaking hindi maboboring sayo.” rinig ni Aiden na saad ng lalaking kaharap ni Mia. Napapailing na lang siya.Lumapit na si Aiden sa kanila at mabilis niyang hinikit ang bewang ni Mia palayo kay Jaxson. Bahagya pang nagulat si Jaxson at ang babaeng kasama nito. Kilalang kilala si Aiden dahil kahit saang lugar ay makikita mo siya sa mga palabas sa tv, billboard at ilang mga magazine. Salubong ang mga kilay na tiningnan ni Jaxson ang lalaking humigit kay Mia at naibaba niya rin ang paningin niya sa kamay ni Aiden na nakahawak sa bewang ni Mia.Tiningnan ni Mia ang lalaking gumawa nun sa kaniya at napalunok na lang siya sa sarili niyang laway. Hindi niya alam kung anong ginagawa ngayon ng Boss niya pero ayaw niyang mapahiya siya sa harap ng Boss nila.Ang lahat ng mga empleyadong malapit sa kanila ay natutop din ang mga bibig dahil sa ginawa ng Boss nila kay Mia. Kalat na kalat ang tungkol kay Mia at Aiden sa buong hotel at hindi s
Halos ayaw nang pumasok ni Mia sa hotel dahil putok na putok sa buong hotel ang nangyari kahapon. Gusto na lang niyang humilata sa kama niya buong maghapon. Naalala niya tuloy ang paghatid sa kaniya ng Boss niya kagabi, nahihiya tuloy siya rito. Kahihiyan na lang yata ang kaya niyang ibigay sa Boss niya. Idinamay pa niya sa issue, alam niyang bigating tao ang Boss nila pero mas pinili pa niyang sabayan ang ginawa nito sa kaniya kagabi.“AAAHHHHH ayaw ko naaaaaa.” Sigaw pa niya, kanina pa siya gising pero hindi pa rin siya bumabangon sa kama niya. Ayaw niyang pumasok at wala siyang balak pumasok. Kilala niya na ang mga katrabaho niya at alam niyang tatadtarin siya ng mga tanong ng mga ito lalo na si Stella.“Ikaw lang ba? Mia Morales! ano bang ginagawa mo sa buhay mooooo?!” inis na sigaw ni Stella, mabilis na napabangon si Mia sa kinahihigaan niya ng marinig niya ang sigaw ni Stella. Sunod-sunod na napalunok si Mia dahil bakas na bakas ang galit sa mukha ni Stella ngayon. Bakit nga ba
Napalunok si Miss Cruz, wala siyang alam sa mga bagay na iyun. Madalas pa naman niyang utusan at sigawan si Mia.Nanlalaki ang mga ata ni Mia na tiningala si Aiden, seryoso ang mukha nito at hindi mo makikitaan na nagbibiro ito sa mga sinasabi niya.‘Patay na,’ aniya sa isip niya, hindi niya alam kung ano bang pinaplano sa kaniya ng Boss nila. Sinabi niya ng biro lang ang lahat nang sinabi niya noon pero bakit hanggang ngayon sineseryoso pa rin ng Boss nila. Mariing napapikit ng mga mata niya si Stella, hindi niya na alam ang gagawin niya para sa kaibigan. Hindi rin niya maitago ang inis na nararamdaman niya sa Boss nila dahil mas lalo lang niyang pinapalala ang lahat buti sana kung hindi ang kaibigan niya ang nadadawit.“Do you understand, Miss Cruz?”“Yes, Sir. Makakaasa kayo, pasensya na.” mabilis na sagot ni Miss Cruz saka siya yumuko. Tulala pa lamang si Mia at pinoproseso ang lahat sa isip niya nang bigla siyang hinawakan ni Aiden sa kamay niya saka siya hinila palayo sa mga kas
Sa tuwing napapadaan ang Boss nila sa front desk ay napapayuko na lamang si Mia. Simula nang mag-usap sila kahapon ay hindi na uli iyun nasundan, seryoso na rin ang mukha ni Aiden kapag nakikita niya si Mia.Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Mia habang nag-aasikaso ng mga bagong pasok na guest.‘Is he mad? Desisyon ko pa rin naman ang masusunod. Masyado na kasing personal ang gusto niyang gawin ko, tssss.’ Aniya sa isip. Nang may dumating na guest ay matamis siyang ngumiti dito saka ito binati. Hindi rin makalapit o makapagtanong sa kaniya ang mga katrabaho niya kahit na kating-kati na silang magtanong, nakabantay kasi sa kanila ang manager nila dahil oras na lumapit ka o may ibinulong ka sa kasama mo maririnig mo na naman ang malakas na tawag nito sayo. Napatingin si Mia malapit sa entrance nang mapansin niya si Aiden na may kausap na ilang mga kalalakihan, base pa lamang sa mga tindig nito tumayo at sa mga kasuotan nila ay alam mo lang mga bigating mga tao ang kausap ng Boss
“Would you mind to tell me what happened?” napairap na lang si Mia, kailangan talaga sabihin pa niya lahat kay Stella. Kahit na tinatamad na siyang magpaliwanag ay sinabi pa rin niya kung anong nangyari hanggang sa ibigay ni Aiden ang coat niya kay Mia.Si Stella naman ngayon ang napabuntong hininga saka nahiga at ginawang unan ang dalawang braso.“Ang mga lalaki talaga, ang akala na lang palagi sa mga babae parausan. Para bang, para sa kanila ginawa ang babae para pasayahin sila sa pansarili nilang kagustuhan. Tsss. Maswerte ka pa rin dahil nandun si Sir Aiden.”“Kailangan ko pa bang ipagpasalamat na nagkataon na nandun siya? Kung hindi nga lang siya sumingit papatulan ko na yung lalaking yun e. Ang kapal ng mukha niyang igaya ako sa mga babaeng parausan, gagong yun.” Nanggigigil niyang saad, susuntukin niya na sana ito kanina kung hindi lang sumingit si Aiden.“Kumain na tayo, nagugutom na talaga ako.” pag-aaya ni Stella, nagbihis naman na muna si Mia ng skirt niya saka sila sabay
Wala na siyang ibang malalapitan at kung kailangan niyang ibaba ang pride niya gagawin niya tutal hindi naman libre ang hihingin niya. Kapalit ng pagtulong sa kaniya ni Aiden ay ang pagpayag niyang maging fiancée ni Aiden. Mahigpit niyang hinawakan ang sarili niyang kamay saka ngumiti kay Aiden.“Kung hindi ka pa naman nakakahanap ng babaeng magpapanggap na maging fiancée mo.” dagdag niya, tumayo naman si Aiden saka siya naupo sa sofa, sinenyasan niya rin si Mia na maupo na muna na sinunod niya rin naman.“Tell me, what do you need?” palihim na humugot ng malalim na hininga si Mia. Kailangan niyang lakasan ang loob niya tutal hindi rin naman biro ang gagawin niyang pagpapanggap na fiancée ni Aiden. Kinuha niya ang ilang papeles na nasa bag niya saka niya ito ipinaharap kay Aiden.Nagtataka man si Aiden ay kinuha niya ito at binasa. Bahagyang napataas ang kilay niya kaya napayuko si Mia, kinakain na siya ng hiya pero wala siyang magawa.“No problema, I can pay all of this. So, deal?” t
“May magagawa pa ba ako? Go girl, itaas mo ang bandera.” Pang-aasar niya na akala mo hindi nagalit kanina. Naiiling na lang si Mia dahil hindi mo maintindihan kung kumakampi ba sa kaniya o hindi ang kaibigan. Sumama na si Mia kay Raoul, nakayuko pa ang ulo niya dahil nakatingin sa kaniya ang ilang empleyado na nakakasalubong nila.“Mia!” rinig niyang pagtawag sa kaniya ng manager nila, napaatras naman si Raoul para tingnan kung sino ang tumawag kay Mia. Nang makita ni Miss Cruz na kasama ni Mia si Raoul ay bahagya siyang ngumiti.“Hindi na pala, just go.” Wika niya saka tumalikod na, nagpatuloy na rin silang dalawa na maglakad hanggang sa makarating office ni Aiden.“Puntahan mo na lang siya dahil hindi na ako papasok.” Saad ni Raould na tinanguan na lang ni Mia.“Salamat,” kinakabahan pa siya nang makapasok na siya sa loob. Hindi siya sanay na maiwan silang dalawa ng Boss niya lalo na ngayon kung sabay pa silang kakain. Paano siya makakakain ng maayos kung Boss niya ang kasama niya.
May kabang tumayo si Mia sa kinauupuan niya. Kilala nilang strikto pagdating sa trabaho ang Boss nila, narinig niya na rin ang usap-usapan dati na marami na itong inalis sa trabaho dahil hindi nasusunod ang gusto niya. Alam niyang hindi malabong mangyari yun sa kaniya kapag hindi siya nakinig.Minsan pa niyang sinipat ang sarili sa salamin, mukhang okay naman na. Hindi niya alam kung bakit ba siya kinakabahan na magpakita ngayon sa Boss niya.“Let’s go Miss, Mr. Hernandez is waiting for you outside.” Ngiting wika ng babae, tipid lang na ngumiti si Mia saka sumunod sa isang babae para idala na siya kay Aiden na matyagang naghihintay sa labas. Tinanggal na nila ang isang malaking kurtina na humaharang kay Mia. Nilalaro niya ang mga daliri niya, bakit ba siya kinakabahan? Wala pa naman silang ginagawa.Abalang nagbabasa ng magazine si Aiden nang maramdaman niya ang pagtanggal ng malaking kurtina sa harapan niya kaya tiningnan niya iyun. Dahan-dahan niyang naibaba ang hawak niyang magazi
“Mabuti ka pa at kaunti na lang ay graduate ka na sa pag-aalaga. Dalaga na si Yeshah at kaunti na lang ay mga binata na rin ang mga anak mo baka sa susunod mga apo mo naman na ang aalagaan mo—aray!” batukan ko nga, kung ano-ano sinasabi.“Bata pa mga anak ko at may mga pangarap sila sa buhay kaya anong mga apo ko naman ang aalagaan ko? E kung batukan pa kita?” inis kong saad sa kaniya pero tinawanan lang ako ng kumag.Nag-uusap na si Mia at Stella habang naglalaro naman ang mga bata, si Yeshah nasa kwarto niya at gumagawa ng project.“Dad, I need to go in national book store. May kailangan lang po akong bilhin.” Wika sa’kin ni Yeshah na kalalapit lang sa’kin.“How much do you need?” dinukot ko naman na ang wallet ko saka ko siya binigyan ng dalawang libo.“Dad, I only need 500. 2000 is too much.” Reklamo niya sa’kin pero dahil wala akong barya ay isang libo ang ibinigay ko sa kaniya.“Padrive ka na lang kay Kuya Jin.”“Yes po,” mabilis niya namang sagot saka lumapit sa ina niya para m
AIDEN’S POVGulo-gulo ang buhok kong nakatingin sa mga anak kong magugulo rin. Oo, pinangarap kong bumuo ng malaking pamilya pero bakit naman isang irehan kaagad?“Ano? Okay ka pa ba? Hahahaha ayos yun ah. Apat agad sa isang irehan.” Sinamaan ko ng tingin si Ace, oo may quadruplets kami ni Mia at hindi namin yun inaasahan. Malaki yung tiyan niyang nagbuntis at ng malaman namin na apat na heartbeat ang nadetect sa pagbubuntis niya masaya ako na nag-aalala. Hindi ko kayang mawala sa buhay ko si Mia, ipinagbubuntis pa lang niya ang mga kambal namin hirap na hirap na siya kaya halos hindi ko alam ang gagawin ko.“Yaaaahhh,” sigaw na naman ng anak kong lalaki habang nakasakay siya sa likod ko. Tanggal ang angas ko sa mga anak ko, kung gaano ako kalupit sa opisina ay siyang kabaliktaran naman pagdating dito sa bahay. Tatlo ang anak kong lalaki at sa kanilang apat naman ay ang babae ang bunso sa mga kambal ko.Masakit na ang anit ko dahil sa pagsabunot ng anak ko, gawin ba naman akong kabayo
Naiwan si Yeshah sa Manila dahil gusto ko sanang magkaroon kami ng solo time ng asawa ko. Handa na kaming sundan si Yeshah at bigyan siya ng maraming kalaro dahil minsan napapagod na rin ang mga Lolo at Lola niya sa pakikipaglaro sa kaniya. “Hindi kalakihan yung bahay pero napakaganda.” Namamanghang saad pa rin ni Mia habang nililibot namin ang bahay. Glass wall lang din ang iba para kitang kita mo ang ganda ng dagat. Mula rito ay kitang kita namin ang maraming turista. Maraming resort dito sa lugar na ito at kahit hindi na namin kailangang pumunta dun dahil sa ilalim ng bahay na ito ay may ipinagawa rin akong swimming pool. “Ang ganda ganda talaga dito Love. Parang gusto ko na lang dito tumira.” Aniya pa, tagos na tagos ang araw sa glass wall dahil maaga pa pero malamig dito sa loob dahil sa aircon. “Ito ang magiging bahay bakasyunan natin dahil sa dami ng nangyayari sa buhay natin sa bawat araw, we deserve a vacation.” Wika ko sa kaniya. Napatingin din siya sa multifunctional chai
AIDEN’S POVNapabuntong hininga na lang ako ng maabutan ko na naman si Daddy na may hawak na alak. Naupo ako sa harapan niya. Ilang araw pa lang simula ng mawala sa’min si Daddy.“Dad,” anas ko, napabuntong hininga siya saka ako tipid na nginitian.“Jared Vesarious is your Mom’s first love. Mahal na mahal niya si Jared kahit ng magpakasal kaming dalawa. Pilit lang naman ang kasal namin pero habang tumatagal, I fell in love with your Mom. Akala ko kapag dumating ka sa buhay niya sakaling may magbago pero akala ko lang pala yun. I love your Mom son but she never love me, anong magagawa ko si Jared ang minahal niya at mahal niya hanggang ngayon. Hindi ko akalain na kaya niyang patayin ang sarili niya para sa isang lalaki. Tinanggap ko lahat, tiniis ko lahat, naghintay ako sa Mommy mo pero hindi pala yun sapat para mahalin niya rin ako at kalimutan si Jared.” Hilaw siyang natawa, masakit din para sa’kin na makita sa ganitong kalagayan si Daddy pero hindi pa rin niya magawang magalit kay M
Ano nga ba talagang kayang gawin ng pag-ibig? Ano pa bang kayang isakripisyo ng lahat para sa pangalan ng pag-ibig? Hindi niya ba naibaling ang lahat ng pagmamahal niya kay Aiden? Nang dumating sa buhay niya si Aiden?Napabuntong hininga na lang ako, ang pagmamahal pa rin ba niya kay Daddy ang dahilan kung bakit gusto pa rin niya akong mamatay? Naging bangungot ko ang gabing muntik akong mamatay. Kung hindi dahil kay Ate Jade baka abo na lang din ako ngayon. Nagawa niya na akong ilayo sa mga magulang ko pero bakit ipinahanap pa rin niya ako para lang patayin?“Kung naging maaga lang siguro ang mga pulis na dumating kanina, hindi siguro ito nangyari.” Saad uli ni Tita Irene, napakunot naman ang noo ko.“Ano pong ibig niyong sabihin?”“Nagsalita na ang lalaking nag-utos sa mga lalaking dumukot sayo kung sino ang mastermind ng lahat. Sinabi niya ng si Olivia nga ang may pakana ng lahat ng nangyari sayo. Sinubukan namang humabol ng mga pulis sa place kung saan ang kasal pero huli na sila
MIA’s POVHalos hindi ko maigalaw ang mga kamay at mga paa ko. Para akong nanigas at hindi makagalaw, sana panaginip na nga lang ang lahat. Ang saya saya ko lang kanina diba? masaya lang kaming lahat kanina pero bakit naging ganito ang lahat? Bakit naging madugo ang kasal na pinangarap namin?Nagkalat sa carpet ang dugo ni Daddy ganun na rin ni Ma’am Olivia. Naguguluhan pa rin ako, ano bang mga naging nakaraan nilang lahat sa isa’t isa? Bakit kailangang si Daddy pa ang saktan niya? Bakit niya kinukuha ang buhay na hindi kaniya.“Mia,” rinig ko sa boses ni Stella, bakas ang pag-aalala sa kaniya pero tila nakamagnet na ang mga mata ko kay Daddy. Rinig na rinig ko na ang iyakan ni Mommy at ng mga kapatid ni Daddy ganun na rin si Aiden at si Sir Dave.Dahan-dahan akong humakbang, parang ayaw ko pang iproseso sa utak ko ang lahat ng nangyayari.“Call the ambulance now!” umiiyak na saad ni Mommy habang yakap yakap si Daddy.“Iha,” pinigilan ako ng isang kapatid ni Daddy sa paglapit sa kaniy
Humugot ng malalim na buntong hininga si Mia dahit it’s her turn. Nag-uumapaw ang saya sa dibdib niya tila nabusog na tuloy siya sa mga sinabi ni Aiden. Wala rin naman siyang ibang hiling kundi ang manatili na silang dalawa sa isa’t isa habang buhay.Magsasalita na sana si Mia nang may biglang pumalakpak na nagmumula sa entrance.“Ang galing naman,” wika nito, nagsigilid ang mga bisita ng makita siya.“Olivia,” wika ni Mr. Hernandez, mabilis siyang napatayo. Hindi niya akalain na mahahanap at malalaman pa ito ni Olivia. Hindi niya sinabi ang kasal ni Aiden dahil alam niyang magkakagulo lang, hindi na nila kasi ito mapakiusapan na pabayaan na lang ang mga mata.Mabilis na itinago ni Aiden sa likod niya si Mia para protektahan sa ina niya. Kinuha na rin ni Ace si Aiyeshah para lumabas na dito tutal may exit naman sa gilid nila.“Mom,” anas na rin ni Aiden.“Hindi mo na talaga ako nirespeto Aiden, ina mo ako pero ni hindi mo man lang ako inimbita sa sarili mong kasal? Ang galing galing n
Nagdaan pa ang mga araw at ngayon ang araw na hinihintay ng lahat. Halos isang linggo ring hindi nagkita si Mia at Aiden ngayong araw ng kasal na lang nila ulit sila magkikita.Abalang abala ang lahat sa paghahanda at paggagayak. Lahar ay may ngiti sa kanilang mga labi, masaya para sa dalawang taong mag-iisang dibdib ngayong araw.Napakaganda ng tanawin, napakaganda at napakaayos ng lahat. Tila isang panaginip, tila nasa isang fairy tale ka dahil sa pagkakaayos ng lugar. Napakalawak na hardin, nagbibigay ginhawa sa katawan dahil sa kapayapaan niya.Lahat ng abay ay inaayusan na rin at ang bride naman ay nasa pinakamalaking kwarto.Masayang nakatingin sa salamin si Mia dahil sa wakas ang pinapangarap nilang kasal ni Aiden dati pa ay mangyayari na. Hindi na pangarap, hindi na sa panaginip makikita dahil ngayon magaganap na ang lahat.“Hays, parang kailan lang nang sinusuotan lang kita ng diaper pero ngayon wedding gown mo na ang isusuot ko sayo.” Naluluhang saad ni Katelyn sa anak. Hind
“Who cook our dinner? May sarili ka na bang chef ngayon Katelyn?” tanong ng isang Ginang na halos mabusog na dahil sa dami ng kinain niya. Bahagyang natawa si Katelyn.“Si Mia at Aiden lang ang naghanda ng lahat ng mga yan.”“Talaga? Hindi ko akalain na magaling kayong dalawa ah. Parang gusto ko na lang manatili rito para makakain araw-araw ng mga masasarap na pagkain haha.” Pagbibiro ng isang babae. Hindi pa kilala ni Mia ang mga kamag-anak niya, kilala pa lang niya ang mga ito sa mukha.Nagpatuloy ang kasiyahan nila ngayong gabi. Nang matapos silang mga kumain ay kaniya-kaniya na rin silang mundo pero maagang nagpaalam si Dave.“Uuwi ka na? Ang bilis naman.” Saad ni Jared.“Baka kasi nakauwi na si Olivia saka may gagawin pa rin kasi ako so hindi na rin ako magtatagal. Maybe next time again,” napatango-tango na lang si Jared, nilapitan naman na muna ni Mr. Hernandez si Yeshah saka niya ito kinausap.“Let’s play next time again apo, sana maipasyal niyo siya minsan sa’min.” Si Mr. Hern