Masakit ang ulong bumangon si Mia, ramdam pa rin niya ang pagkahilo. Napapikit na lang siya ng malasahan niya ang alak nang dumighay siya.“Gross,” aniya pa dahil sa maasim na mapait na panlasa niya. Inalala niya naman kung paano siya nakauwi.“Si Aiden, he’s there last night.” Wika niya nang maalala niya ang nangyari kagabi, napabuntong hininga na lang siya. Wala naman siyang ginawa kagabi para mahiya, she is just stating the fact. Halos hindi kaya siya makaisip ng maayos dahil sa gumugulo sa isipan niya. Mabuti nga at hindi pa naman binabanggit ni Aiden sa kaniya ang alok nitong kasal.Bumangon na siya sa kama saka nagtungo ng cr para makaligo na, weekend naman ngayon kahit magkulong siya maghapon dito sa penthouse. Gusto niya na lang humilata maghapon pero kailangan niyang lagyan ng laman ang tiyan niya. Nakaramdam siya ng ginhawa nang dumaloy sa katawan niya ang malamig na tubig. Mabilis lang siyang naligo dahil nagugutom na talaga siya.Pababa na siya ng hagdan nang mapakunot an
“Oh, I have a secret room here.” turo niya sa likod niya, nababasa niya ang pagtataka sa mukha ni Mia. Tumango si Mia saka tumayo at sinundan niya na si Aiden. Sabay silang sumakay ng elevator, kung saan silang tatlo lang ang may access, Aiden, Mia at Raoul. Nilalaro ni Mia ang mga daliri niya because this is their first date even it is just part of their pretending.Kinakabahan tuloy siya dahil baka gaya ni Jaxson maboring si Aiden kapag si Mia ang kasama niya. Natigil siya sa paglalaro sa mga daliri niya nang hawakan ni Aiden ang isa niyang kamay saka sila lumabas ng elevator. Halos napapatingin ang mga staff sa elevator na pinaglabasan nilang dalawa. Ni minsan walang ipinasok na babae si Aiden sa elevator ng penthouse at si Mia pa lang ang kauna-unahan kaya hindi nila maiwasang hindi mainggit.Napapahigpit ang hawak ni Mia sa kamay ni Aiden dahil sa mga nakakailang tingin ng mga guest, unti-unti naman ng nasasanay ang mga empleyado ng hotel sa kanilang dalawa pero ang mga guest ay
Nakatingalang tinititigan ni Aiden ang nagtataasang rides ng amusement park. Nagtataka kung paano ba iyun gumagana at kung paanong nakakasakay ang mga tao.“What kind of place is this?” kunot noo niyang tanong habang nasa mataas na drop tower ang mga mata niya kung saan maraming nakasakay at mga nagsisigawan. He gulp, parang hindi niya kaya ang mga matataas na lugar.“Amusement park, ni minsan ba hindi ka ipinasyal ng mga magulang mo? Kahit saan?” umiling si Aiden, hindi alam ni Mia kung tatawa ba siya o makakaramdam ng awa. She wonders if what kind of childhood memories he has. Napabuntong hininga si Mia, kahit na si Aiden ang nagsabi sa kaniya na babawi siya, gusto niyang iparanas kay Aiden ang mga bagay na minsan hindi niya naranasan.Hinawakan niya na si Aiden sa kamay saka sila pumasok sa loob, bumili na si Mia ng mga ticket, siya na rin ang namili ng mga rides na pagsasakyan nila.Matapos nilang bumili ay muli niyang hinila si Aiden subalit napatigil si Mia nang hindi man lang k
Nang matapos sa katatawa si Mia ay umayos na siya, nahihiya na rin siya dahil napakaseryoso ng mukha ni Aiden.“Tara na nga,” muli niyang pag-aaya.“I don’t want, I don’t trust you anymore.” Pagtanggi niya.“Oo na, hindi na kita isasakay sa mga pang adult para naman maenjoy mo ang araw na ito. Please trust me, hindi na kita isasakay sa mga ganung rides. I promise.” Nakataas pa ang kamay niyang wika nito na nangangako nga siya. Napabuntong hininga na lang si Aiden at muli siyang sumama kay Mia.Bumili na uli si Mia ng mga ticket sa rides ng mga bata. Inuna na nila sa carousel, kahit sila lang ang pinakamatanda dun ay hindi nila iyun alintana. Gusto lang ni Mia na maranasan ni Aiden ang mga ganitong bagay, mukha nga kasing seryoso itong hindi man lang siya nakarating sa mga ganitong klase ng lugar.Napapaisip tuloy si Mia, nag-iisa ng anak si Aiden pero hindi man lang ba nila ito nabigyan ng magandang ala-ala bilang bata? Napakabata pa niya para ituon siya sa mga aklat na hindi pa naman
Maagang nagising si Mia ng may ngiti sa kaniyang labi, ang nangyari kahapon ay tila mas napalapit siya kay Aiden. Maraming nagsasabi na masama ang ugali niya, sarili niya lang ang inuuna niya pero hindi lang talaga nila ito kilala. Naalala niya naman tuloy ang naikwento nito sa kaniya kahapon. Ganun ba talaga kabusy ang mga magulang ni Aiden para hindi man lang nila ito masamahan sa special day niya?“Poor Aiden, hays.” Aniya saka bumangon na ng kama. Dumiretso na siya ng kusina para makapagluto ng agahan niya. Umuwi naman kagabi si Aiden matapos siya nitong ihatid mismo dito sa penthouse. Maghapon ang pamamasyal nila kagabi, pagkatapos nilang sumakay ng ferris wheel ay kumain pa silang dalawa sa labas para iyun na ang hapunan nila.Maaga pa naman at balak niya sanang linisan ang penthouse, ang kaso wala ka namang kahit kaunting alikabok na makikita.“Ipinapalinis ba niya ito kapag wala ako?” taka niyang tanong, hindi tuloy siya nakakapaglinis dito. Ng sumapit na ang oras ay lumabas
Bata pa lang siya naramdaman niya na ang hindi pagpapahalaga sa sariling ina. Ipipilit niya kung anong gusto niya para sa anak, hindi na iniisip kung ano ba talaga ang gustong gawin ng anak. Naupo siya sa sofa nang naglilinis sila sa isang kwarto. Napalingon tuloy sa kaniya si Stella. “Hoy, ano yung may nalalaman ka pang he’s kind diyan ah? Akala ko ba pagpapanggap lang ang lahat pero parang ang bilis ng mga pangyayari ah. Kailan lang nung sinasabihan mo siya ng kung ano-anong salita tapos ngayon pinupuri mo na.” “Hindi lang natin lubos na kilala si Sir Aiden pero sa alok niyang kasal, hindi pa rin ako papayag dun.” Lalong hindi papayag si Ma’am Olivia, sa isip niya na lang iyun itinuloy dahil ayaw niyang mag-alala pa ang kaibigan niya. Hindi nila alam ang kayang gawin ng isang ina pero ano nga bang klaseng pagmamahal ang ibinibigay niya para kay Aiden? Ang dami-dami na namang tanong ni Mia sa isipan niya pero hindi naman iyun masasagot. Kahit na medyo nagiging magkaayos sila ng
Tulalang naglilinis si Mia, kanina pa pabalik balik ang hawak hawak niyang feather duster. Salubong tuloy ang mga kilay ni Stella na pinapanuod ang kaibigan.“Mia, okay ka lang ba? Kanina ka pa diyan sa ginagawa mo e.” Naikurap-kurap ni Mia ang mga mata niya, muntik pang lumuha dahil sa tagal niyang hindi ipinikit iyun. Hindi niya namamalayan na napapatulala na pala siya.“Ah ano, may iniisip lang ako. Huwag mo akong alalahanin, hindi naman problema iniisip ko eh.” Matamis niyang ngiti ang iginawad niya kay Stella para hindi ito mag-alala o magtanong kung may nangyari ba.“Are you sure?”“Oo naman, para namang hindi mo ako kilala. Kapag may problema naman ako sinasabi ko kaagad sayo, alam mo namang hindi ako ganun kagaling magtago eh.” Kinindatan pa niya si Stella kaya nakumbinsi niya naman ito saka siya bumalik sa trabaho niya. Palihim na bumuntong hininga si Mia dahil inaalala niya yung nangyari kagabi.Hindi niya masyadong iniisip tungkol sa napapanaginipan niya dahil mas nangingib
Nakatitig siya sa kamay ng isang babaeng nakakapit sa braso ni Aiden, hindi niya kilala kung sino yung babae pero base pa lang naman sa pananamit niya alam mong mga taong kapantay ni Aiden. Akma na sana siyang iiwas ng mapansin na siya ni Aiden at matamis siyang nginitian. “Hi babe,” masigla pa niyang bati, napalingon tuloy sa kaniya ang mga kausap ni Aiden. Inalis ni Aiden ang pagkakahawak sa kaniya ng babae saka siya nilapitan. “Ituloy mo na lang yung ginagawa mo sa kanila, may pupuntahan lang ako.” “No, I want you to introduce to them. Let’s go,” napalingon si Aiden kay Mia dahil hindi ito gumalaw sa kinatatayuan niya. Tiningnan ni Mia ang itsura niya at tila nahihiya siya lalo na at naggagandahang kasuotan ang suot ng mga kasama ni Aiden. “Okay lang ako, may gagawin pa naman ako eh.” Mahina niyang saad saka niya iniyuko ang ulo niya pero iniangat iyun ni Aiden para magsalubong ang mga mata nila. “You don’t have to be shy Mia, you have your own beauty.” Wika niya saka niya hi
“Mabuti ka pa at kaunti na lang ay graduate ka na sa pag-aalaga. Dalaga na si Yeshah at kaunti na lang ay mga binata na rin ang mga anak mo baka sa susunod mga apo mo naman na ang aalagaan mo—aray!” batukan ko nga, kung ano-ano sinasabi.“Bata pa mga anak ko at may mga pangarap sila sa buhay kaya anong mga apo ko naman ang aalagaan ko? E kung batukan pa kita?” inis kong saad sa kaniya pero tinawanan lang ako ng kumag.Nag-uusap na si Mia at Stella habang naglalaro naman ang mga bata, si Yeshah nasa kwarto niya at gumagawa ng project.“Dad, I need to go in national book store. May kailangan lang po akong bilhin.” Wika sa’kin ni Yeshah na kalalapit lang sa’kin.“How much do you need?” dinukot ko naman na ang wallet ko saka ko siya binigyan ng dalawang libo.“Dad, I only need 500. 2000 is too much.” Reklamo niya sa’kin pero dahil wala akong barya ay isang libo ang ibinigay ko sa kaniya.“Padrive ka na lang kay Kuya Jin.”“Yes po,” mabilis niya namang sagot saka lumapit sa ina niya para m
AIDEN’S POVGulo-gulo ang buhok kong nakatingin sa mga anak kong magugulo rin. Oo, pinangarap kong bumuo ng malaking pamilya pero bakit naman isang irehan kaagad?“Ano? Okay ka pa ba? Hahahaha ayos yun ah. Apat agad sa isang irehan.” Sinamaan ko ng tingin si Ace, oo may quadruplets kami ni Mia at hindi namin yun inaasahan. Malaki yung tiyan niyang nagbuntis at ng malaman namin na apat na heartbeat ang nadetect sa pagbubuntis niya masaya ako na nag-aalala. Hindi ko kayang mawala sa buhay ko si Mia, ipinagbubuntis pa lang niya ang mga kambal namin hirap na hirap na siya kaya halos hindi ko alam ang gagawin ko.“Yaaaahhh,” sigaw na naman ng anak kong lalaki habang nakasakay siya sa likod ko. Tanggal ang angas ko sa mga anak ko, kung gaano ako kalupit sa opisina ay siyang kabaliktaran naman pagdating dito sa bahay. Tatlo ang anak kong lalaki at sa kanilang apat naman ay ang babae ang bunso sa mga kambal ko.Masakit na ang anit ko dahil sa pagsabunot ng anak ko, gawin ba naman akong kabayo
Naiwan si Yeshah sa Manila dahil gusto ko sanang magkaroon kami ng solo time ng asawa ko. Handa na kaming sundan si Yeshah at bigyan siya ng maraming kalaro dahil minsan napapagod na rin ang mga Lolo at Lola niya sa pakikipaglaro sa kaniya. “Hindi kalakihan yung bahay pero napakaganda.” Namamanghang saad pa rin ni Mia habang nililibot namin ang bahay. Glass wall lang din ang iba para kitang kita mo ang ganda ng dagat. Mula rito ay kitang kita namin ang maraming turista. Maraming resort dito sa lugar na ito at kahit hindi na namin kailangang pumunta dun dahil sa ilalim ng bahay na ito ay may ipinagawa rin akong swimming pool. “Ang ganda ganda talaga dito Love. Parang gusto ko na lang dito tumira.” Aniya pa, tagos na tagos ang araw sa glass wall dahil maaga pa pero malamig dito sa loob dahil sa aircon. “Ito ang magiging bahay bakasyunan natin dahil sa dami ng nangyayari sa buhay natin sa bawat araw, we deserve a vacation.” Wika ko sa kaniya. Napatingin din siya sa multifunctional chai
AIDEN’S POVNapabuntong hininga na lang ako ng maabutan ko na naman si Daddy na may hawak na alak. Naupo ako sa harapan niya. Ilang araw pa lang simula ng mawala sa’min si Daddy.“Dad,” anas ko, napabuntong hininga siya saka ako tipid na nginitian.“Jared Vesarious is your Mom’s first love. Mahal na mahal niya si Jared kahit ng magpakasal kaming dalawa. Pilit lang naman ang kasal namin pero habang tumatagal, I fell in love with your Mom. Akala ko kapag dumating ka sa buhay niya sakaling may magbago pero akala ko lang pala yun. I love your Mom son but she never love me, anong magagawa ko si Jared ang minahal niya at mahal niya hanggang ngayon. Hindi ko akalain na kaya niyang patayin ang sarili niya para sa isang lalaki. Tinanggap ko lahat, tiniis ko lahat, naghintay ako sa Mommy mo pero hindi pala yun sapat para mahalin niya rin ako at kalimutan si Jared.” Hilaw siyang natawa, masakit din para sa’kin na makita sa ganitong kalagayan si Daddy pero hindi pa rin niya magawang magalit kay M
Ano nga ba talagang kayang gawin ng pag-ibig? Ano pa bang kayang isakripisyo ng lahat para sa pangalan ng pag-ibig? Hindi niya ba naibaling ang lahat ng pagmamahal niya kay Aiden? Nang dumating sa buhay niya si Aiden?Napabuntong hininga na lang ako, ang pagmamahal pa rin ba niya kay Daddy ang dahilan kung bakit gusto pa rin niya akong mamatay? Naging bangungot ko ang gabing muntik akong mamatay. Kung hindi dahil kay Ate Jade baka abo na lang din ako ngayon. Nagawa niya na akong ilayo sa mga magulang ko pero bakit ipinahanap pa rin niya ako para lang patayin?“Kung naging maaga lang siguro ang mga pulis na dumating kanina, hindi siguro ito nangyari.” Saad uli ni Tita Irene, napakunot naman ang noo ko.“Ano pong ibig niyong sabihin?”“Nagsalita na ang lalaking nag-utos sa mga lalaking dumukot sayo kung sino ang mastermind ng lahat. Sinabi niya ng si Olivia nga ang may pakana ng lahat ng nangyari sayo. Sinubukan namang humabol ng mga pulis sa place kung saan ang kasal pero huli na sila
MIA’s POVHalos hindi ko maigalaw ang mga kamay at mga paa ko. Para akong nanigas at hindi makagalaw, sana panaginip na nga lang ang lahat. Ang saya saya ko lang kanina diba? masaya lang kaming lahat kanina pero bakit naging ganito ang lahat? Bakit naging madugo ang kasal na pinangarap namin?Nagkalat sa carpet ang dugo ni Daddy ganun na rin ni Ma’am Olivia. Naguguluhan pa rin ako, ano bang mga naging nakaraan nilang lahat sa isa’t isa? Bakit kailangang si Daddy pa ang saktan niya? Bakit niya kinukuha ang buhay na hindi kaniya.“Mia,” rinig ko sa boses ni Stella, bakas ang pag-aalala sa kaniya pero tila nakamagnet na ang mga mata ko kay Daddy. Rinig na rinig ko na ang iyakan ni Mommy at ng mga kapatid ni Daddy ganun na rin si Aiden at si Sir Dave.Dahan-dahan akong humakbang, parang ayaw ko pang iproseso sa utak ko ang lahat ng nangyayari.“Call the ambulance now!” umiiyak na saad ni Mommy habang yakap yakap si Daddy.“Iha,” pinigilan ako ng isang kapatid ni Daddy sa paglapit sa kaniy
Humugot ng malalim na buntong hininga si Mia dahit it’s her turn. Nag-uumapaw ang saya sa dibdib niya tila nabusog na tuloy siya sa mga sinabi ni Aiden. Wala rin naman siyang ibang hiling kundi ang manatili na silang dalawa sa isa’t isa habang buhay.Magsasalita na sana si Mia nang may biglang pumalakpak na nagmumula sa entrance.“Ang galing naman,” wika nito, nagsigilid ang mga bisita ng makita siya.“Olivia,” wika ni Mr. Hernandez, mabilis siyang napatayo. Hindi niya akalain na mahahanap at malalaman pa ito ni Olivia. Hindi niya sinabi ang kasal ni Aiden dahil alam niyang magkakagulo lang, hindi na nila kasi ito mapakiusapan na pabayaan na lang ang mga mata.Mabilis na itinago ni Aiden sa likod niya si Mia para protektahan sa ina niya. Kinuha na rin ni Ace si Aiyeshah para lumabas na dito tutal may exit naman sa gilid nila.“Mom,” anas na rin ni Aiden.“Hindi mo na talaga ako nirespeto Aiden, ina mo ako pero ni hindi mo man lang ako inimbita sa sarili mong kasal? Ang galing galing n
Nagdaan pa ang mga araw at ngayon ang araw na hinihintay ng lahat. Halos isang linggo ring hindi nagkita si Mia at Aiden ngayong araw ng kasal na lang nila ulit sila magkikita.Abalang abala ang lahat sa paghahanda at paggagayak. Lahar ay may ngiti sa kanilang mga labi, masaya para sa dalawang taong mag-iisang dibdib ngayong araw.Napakaganda ng tanawin, napakaganda at napakaayos ng lahat. Tila isang panaginip, tila nasa isang fairy tale ka dahil sa pagkakaayos ng lugar. Napakalawak na hardin, nagbibigay ginhawa sa katawan dahil sa kapayapaan niya.Lahat ng abay ay inaayusan na rin at ang bride naman ay nasa pinakamalaking kwarto.Masayang nakatingin sa salamin si Mia dahil sa wakas ang pinapangarap nilang kasal ni Aiden dati pa ay mangyayari na. Hindi na pangarap, hindi na sa panaginip makikita dahil ngayon magaganap na ang lahat.“Hays, parang kailan lang nang sinusuotan lang kita ng diaper pero ngayon wedding gown mo na ang isusuot ko sayo.” Naluluhang saad ni Katelyn sa anak. Hind
“Who cook our dinner? May sarili ka na bang chef ngayon Katelyn?” tanong ng isang Ginang na halos mabusog na dahil sa dami ng kinain niya. Bahagyang natawa si Katelyn.“Si Mia at Aiden lang ang naghanda ng lahat ng mga yan.”“Talaga? Hindi ko akalain na magaling kayong dalawa ah. Parang gusto ko na lang manatili rito para makakain araw-araw ng mga masasarap na pagkain haha.” Pagbibiro ng isang babae. Hindi pa kilala ni Mia ang mga kamag-anak niya, kilala pa lang niya ang mga ito sa mukha.Nagpatuloy ang kasiyahan nila ngayong gabi. Nang matapos silang mga kumain ay kaniya-kaniya na rin silang mundo pero maagang nagpaalam si Dave.“Uuwi ka na? Ang bilis naman.” Saad ni Jared.“Baka kasi nakauwi na si Olivia saka may gagawin pa rin kasi ako so hindi na rin ako magtatagal. Maybe next time again,” napatango-tango na lang si Jared, nilapitan naman na muna ni Mr. Hernandez si Yeshah saka niya ito kinausap.“Let’s play next time again apo, sana maipasyal niyo siya minsan sa’min.” Si Mr. Hern