Share

Kabanata 1.2

Author: Rhea mae
last update Huling Na-update: 2022-07-05 20:45:41

“Answer me, Sir.” pupungay-pungay ang mga mata niyang wika. Bahagya namang napangiti si Aiden na nakapagpanganga sa mga kababaihang nakikinig sa usapan.

“Hindi ba ako namamalikmata? Totoo bang ngumiti si Sir Aiden? Really?” hindi pa makapaniwala nilang saad dahil once in a blue moon lang naman kung ngumiti ang isang Aiden Hernandez.

“Sagutin mo ako Sir, gusto mo ba akong pakasalan? Hindi talaga ako aalis dito hangga’t hindi ko naririnig ang sagot mo. Narinig mo yun Stella? Hindi ako aalis hangga’t hindi ko naririnig ang sagot ni Mr. CEO” baling niya sa kaibigan niyang kanina pa nakatakip ang dalawa niyang palad sa mukha niya dahil hiyang-hiya na siya.

Bahagya lang namang nakangiti si Aiden.

“Yeah, sure. I will marry you.” sagot niya, halos mawalan pa ng balanse ang isang babaeng nakikinig sa kanila dahil sa narinig nilang sagot ng Boss nila.

“Sabihin niyo sa aking mali lang ako ng dinig, mali lang yung narinig kong pakakasalan ni Sir si Mia!” wika ng babae habang kausap din ang iba pa niyang kasama.

“Sana nga nagkakamali lang din ako ng dinig pero ang linaw ng pagkakasabi ni Sir eh.” Nanlulumong sagot din ng isang empleyado.

Napaangat ng ulo si Mia dahil sa narinig niya saka siya napangiti.

“You need to rest now, tomorrow let’s talk. Don’t worry, I will marry you, that’s a promise.” Tuluyan ng nawalan ng balanse ang mga kababaihang nakikinig dahil sa pinal na sagot ng kanilang Boss.

“Wala na, finish na ang pila.” Nanghihinang saad ng katrabaho nila. Ngumiti lang naman si Mia saka siya tuluyang nawalan ng malay sa bisig ni Aiden.

“Pagpasensyahan niyo na siya Sir, hindi niya lang talaga alam ang sinasabi niya.” nahihiya pa ring wika ni Stella saka akma sanang kukunin si Mia sa bisig ni Aiden nang pigilan siya nito.

“Ready her room, I’ll take her there.”

“Yes, Sir.” mabilis na sagot ni Stella saka tumakbo na para ayusin ang kwarto ni Mia. Binuhat na ni Aiden na parang bagong kasal si Mia saka siya napapailing.

“Stubborn woman,” nangingiti niyang aniya habang nakatingin sa napakaamong mukha ni Mia. Rinig niya ang bahagyang pag-ungol ni Mia dahil sa antok kaya napapailing na lang siya at natatawa. Alam niyang lasing ang empleyado niya pero totoo ang sinabi niya, ang isinagot niya rito kanina.

Ipinasok niya na sa loob ng kwarto si Mia kung saan may dalawang kama. Silang dalawa ni Stella ang magkasama sa isang kwarto kapag gabi ang duty nila. Ibinaba na ni Aiden si Mia saka niya ito kinumutan.

“Ako na pong bahala sa kaniya, Sir. Pasensya na po talaga. Kalimutan niyo na lang po ang lahat ng sinabi niya ngayong gabi. Pasensya na po sa abala.” Hinging tawad ni Stella. Hindi lang naman sumagot si Aiden dahil nakatitig siya ngayon kay Mia na mahimbing ng natutulog.

Alam nitong may malaki itong problema pero hindi niya lang alam kung ano. Matagal na itong nagtatrabaho sa hotel niya at ngayon niya lang naman ito nakitang lasing na lasing at nasasaktan.

“Ikaw ng bahala sa kaniya, huwag mo siyang iiwan. Ibibilin ko na lang sa head ninyo para hindi niyo na problemahin ang duty niyo ngayon.” wika ni Aiden.

“Salamat Sir, pasensya na rin po talaga.” Tanging tango lang ang isinagot ni Aiden saka siya lumabas ng kwarto nila Mia. Napalingon ang ibang empleyado mula sa kwartong nilabasan ng Boss nila at nagtataka kung bakit nandun siya sa kwarto kung saan kwarto lang ng mga empleyado.

“Anong ginawa ron ni Sir?” bulong ng isang empleyado.

“Hindi ko rin alam, hindi kaya may dinadalaw siyang babaeng isang empleyado niya?” tanungan pa nila, mabilis silang yumuko upang magbigay galang nang dumaan ang Boss nila. Nang mawala si Aiden ay mabilis silang nagpunta sa kwartong nilabasan ni Aiden.

“Anong ginawa ni Sir dito?” tanong nila kay Stella, tumayo si Stella at hinarap ang mga katrabaho niya.

“Mga tsismosa! Wala kayong mapapala sa pakikialam ng buhay ng iba!” anas niya saka mabilis na isinarado ang pintuan ng kwarto nila.

“Ang init naman ng ulo ng babaeng yun, nagtatanong lang eh.”  Saad ng babae saka umalis na.

Inasikaso naman ni Stella ang kaibigan niya at gusto niya na itong sapukin dahil sa kagagahan niya. Sino ba kasing nagsabi na magpakalasing siya ng dahil lang sa lalaking walang kwenta at ambag sa buhay niya.

“Hindi deserve ni Jaxson ang luha mo teh! Nakakahiya yung ginawa mo, mabuti pang hindi na kita pinapunta rito.” wika niya dahil ramdam pa rin niya ang matinding hiya. Kung pwede lang na kainin na lang siya ng lupa kanina ay ginawa niya na. Ano na lang ihaharap nilang dalawa bukas sa Boss nila.

“Ang sakit sa ulo ng ginawa mo, Mia. Jusko, paano mo iiwasan ngayon si Sir? nasisiraan ka na talaga ng bait.” Aniya pa, napapahilot na lang siya sa sintido niya.

“Hmmm,” ungol ni Mia nang gumalaw siya.

“Ay ewan ko sayo! nakakainis!” saad ni Stella nang tumagilid si Mia. Inayos niya na ang mga ginamit niyang towel at maligamgam na tubig para makatulog na rin siya kahit na duty niya. Boss naman na nila mismo ang nagsabi sa kaniya na okay lang kahit hindi sila makapagtrabaho ngayong gabi.

Gusto na lang makalimutan ni Stella ang lahat ng mga narinig niya kanina pero naiinis na lang siya kapag naaalala niya.

Kinabukasan.

Dahan-dahang iminulat ni Mia ang mga mata niya, ikinurap-kurap pa niya ang mga iyun dahil malabo pa ang paningin niya. Tumayo na siya at napahawak na lang sa ulo niya dahil sa nararamdaman niyang sakit.

“Damn, naparami yata ang inom ko kagabi.” wika niya.

“Mia Morales!!”

“Ay kabayong bundat!” gulat niyang saad dahil sa lakas ng sigaw ni Stella. Inis niyang nilingon ang kaibigan. “Ano bang problema mo? Ang aga-aga sigaw mo nanaman ang naririnig ko.”

“Alam mo ba kung anong mga kahihiyan ang ginawa mo kagabi?! sino nagsabi sayong magpakalunod ka sa alak?!” sigaw pa rin nito, ngayon pa lang niya mailalabas ang inis niya sa kaibigan dahil sa ginawa nito kagabi.

“Stella, hindi ba pwedeng hinaan mo ang boses mo. Masakit na yung ulo ko.”

“Kasalanan ko pa? Mabuti pa sayo sakit lang ulo. Hindi mo alam kung anong katangahan ang ginawa mo kagabi at nakakahiya ka! Hiyang hiya na ako Mia.” Wika niya, napaisip naman si Mia kung anong ginawa niya kagabi pero wala siyang maalala maliban sa sumakay siya ng taxi. Pinilit niyang inalala kung ano bang ginawa niya kagabi pero napadaing lang siya dahil sa biglang pagsakit ng ulo niya.

“Wala akong maalala, teka. Anong sabi ni Manager? Patay na, bakit hinayaan mo akong makatulog kagabi?” hilaw na natawa si Stella at napabuntong hininga. Hindi niya na alam ang gagawin niya sa kaibigan niya.

“Iyan lang ang inaalala mo? Wala ka ba talagang maalala?” tanong pa niya, inilingan naman siya ni Mia. “Mabuti na nga sigurong hindi mo maalala dahil maging ako hindi ko na alam ang gagawin ko.”

“Ano bang ipinag-aalala mo? Problema mo? Pero ano ngang sinabi ni Manager?”

“Wala, wala siyang sinabi.” Mahinang sagot ni Stella, napahinga naman ng maluwag si Mia. Hindi niya alam kung ano ang idadahilan niya sa Manager nilang akala mo may dalaw araw-araw. Tiningnan niya si Stella at napataas na lang ang kanang kilay niya dahil sa itsura ngayon ng kaibigan niya.

“Anong itsura yan? Para kang binagsakan ng langit at lupa.”

“Maiintindihan mo ako kapag naalala mo na lahat.” napakibit balikat lang si Mia dahil hindi niya naman alam kung anong sinasabi ng kaibigan niya. Tumayo na siya saka siya pumasok ng banyo, inamoy pa niya ang sarili niya at napangiwi na lang dahil sa lakas ng kapit ng alak na ininom niya.

“Paano pa ako nakarating dito sa kwarto namin?” tanong pa niya sa sarili niya pero hindi niya na iyun masyadong inisip pa. Inaalala niya kung ano ba ang sinasabi ni Stella pero wala talaga siyang maalala maliban sa sumakay siya sa taxi. Naligo na siya para makapag-ayos ng sarili, hindi niya alam kung anong gagawin niya ngayon gayong panggabi ang duty niya ngayon.

Wala naman siyang maisip na pwede niyang puntahan. Napabuntong hininga na lang siya ng maalala niyang wala na nga pala sila ng boyfriend niyang si Jaxson kaya wala siyang maisip na pupuntahan. Maboboring lang din naman siya kapag umuwi siya ng apartment niya.

“That darn asshole.” Mura pa niya sa ex-boyfriend niyang nakipaghiwalay lang sa kaniya kahapon.

“Ang bilis niya namang nakahanap ng bago? Tsss.” Napapairap na lang siya pero nasasaktan pa rin siya. Lumabas na siya ng banyo saka niya hinarap ang salamin para ayusin ang sarili niya.

“May balak ka bang puntahan ngayon?” tanong niya kay Stella na nag-aayos ng higaan.

“Sa mall, gusto kong pumunta ng mall para kalimutan ang ginawa mo.”

“Bakit ba galit na galit ka sakin? Wala naman akong alam na may ginawa ako saka kilala mo ako pagkatapos kong mag-inom ay natutulog na ako.” hilaw lang na natawa si Stella at napapailing.

“Yun din ang akala ko.” sagot niya saka nilampasan si Mia para pumasok ng banyo at makaligo na. Kahit anong pilit na alalahanin ni Mia kung anong ginawa niya ay wala talaga siyang maalala.

“Ang OA niya ha? Wala naman akong ginawa eh.” Anas niya sa sarili niya. Hinintay niyang matapos na maligo si Stella para sabay na silang bumaba para kumain.

Inayos niya na lang muna ang iba niyang gamit, ang pinaghigaan niya habang naghihintay. Nang matapos si Stella ay sabay na silang lumabas ng kwarto at magtutungo na sila ng cafeteria.

Napapalingon naman si Mia sa iba nilang katrabahong nakaduty ngayon dahil sa kaniya sila nakatingin habang may mga ibinubulong.

“Anong meron?” tanong pa niya dahil pansin niya talaga ang mga empleyado. Nagpatuloy na lang sila sa paglalakad, maya-maya pa ay takang nilingon ni Stella si Mia dahil bigla itong huminto.

Salubong ang mga kilay ni Mia na nakatingin ngayon kay Aiden na abalang nakikipag-usap sa ilang kalalakihan. Inaalala niya kung saan ba niya nakita ang Boss niya kailan lang.

Inaalala niya dahil parang nakita niya talaga ito kagabi.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Pacita Gabriel
what a beautiful romantic story i really like it
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Marry Me, Mr. CEO   Kabanata 2.1

    Napahawak na lang si Mia sa ulo niya dahil sa ilang imaheng lumitaw sa isipan niya.“Ahh!” daing niya saka niya hinawakan ang ulo niya.“Ano bang problema?” tanong na ni Stella, minsan pang tiningnan ni Mia ang Boss nilang nakikipag-usap pa rin. Kunot noo niya itong tinitigan hanggang sa may maalala siya.“Marry me, Mr. CEO!” malakas niyang sigaw sa isipan niya. Nanlaki ang mga mata niya dahil dun.“Teka, sinabi ko ba talaga yun? Anong ginawa ko? Aish!” inis niyang sinabunutan ang sarili.“Hindi ako aalis hangga’t hindi ako sinasagot ni Sir CEO. Just answer me if you’re gonna marry me, hindi ako aalis hangga’t hindi ka sumasagot.”“Holy goodness! Anong ginawa ko?” mabilis siyang tumalikod at dahan-dahan na naglakad para iwasan ang Boss niya. Nasapok niya ang sarili niya dahil mukhang naiintindihan niya na ngayon si Stella.“Hoy! Saan ka ba pupunta?!” tawag sa kaniya ni Stella. Nananalangin na si Mia na sana ay hindi lumingon sa kanila ang Boss nila. Hindi niya alam kung anong ipapaliw

    Huling Na-update : 2022-07-05
  • Marry Me, Mr. CEO   Kabanata 2.2

    Tiningnan niya ang mga gamit dun na at tama nanaman siya ng hinala dahil simut na simut lahat ng gamit. Okay lang naman yun dahil ang mga gamit sa kwarto ng hotel ay kasama sa binayaran ng mga guest. Matapos niyang ayusin at palitan lahat ng bed sheet ay inilagay niya na sa isang cart ang mga bedsheet na kailangan nanaman nilang labahan. Napahinto na lang siya sa paglalakad niya ng kailangan niyang madaanan ang office ng Boss nila. “Patay na, bakit ko ba nakalimutang dito ang floor ng office ni Sir? Nakipagpalit na lang sana ako kay Stella.” Aniya, humugot siya ng malalim na buntong hininga saka dahan-dahan na itinulak ang cart niya. “Umuwi naman na siguro si Sir.” wika niya, nakayuko na siya habang dahan-dahan na itinutulak ang cart. Nananalangin na sana ay makaalis na siya sa floor na iyun at maihatid na lang ang mga labahing ito. Tila tumigil ang ikot ng mundo ni Mia at parang naririnig niya na rin ang tibok ng puso niya dahil saktong tapat niya ng pintuan ng office ng Boss niy

    Huling Na-update : 2022-07-05
  • Marry Me, Mr. CEO   Kabanata 3.1

    Para na siyang magnanakaw sa paglalakad niya sa tuwing duty niya. Para siyang palaging tumatakas, imbis na wala siyang iniisip ngayon, nagkaroon pa nang dahil lang sa isang gabing pag-iinom niya.“Kahit kailan talaga pahamak ka sa buhay ko.” inis niyang saad habang tinutukoy ang ex-boyfriend niya. Mabilis siyang tumakbo patungong elevator dahil baka makita pa niya ang Boss niya. Dati para sa kaniya napakalawak ng hotel pero ngayon pakiramdam niya ang liit na nito. Bihira lang naman niyang makita ang Boss dati, suntok sa buwan pa nga pero bakit ngayon? Para na itong kabute na lumilitaw na lang kung saan-saan at kung kailan gusto.Gusto niyang humingi ng tawad dito dahil sa ginawa niya dahil baka iyun pa ang maging dahilan para mawala siya sa trabaho pero hindi niya alam kung saan pa siya kukuha ng lakas at kapal ng mukha para lumapit at kausapin ang Boss niya. Baka iniisip na nitong isa lang siyang mababang uri ng babae at walang respeto sa sarili.Napabuntong hininga na lang siya saka

    Huling Na-update : 2022-07-28
  • Marry Me, Mr. CEO   Kabanata 3.2

    Akma na sanang aalis ang guest para pumasok sa kwarto niya nang bigla siyang pigilan ng Manager.“Ano ba?!”“Hindi mo ba talaga maintindihan? Alisin mo yang sigarilyo mo.”“Aalis na nga ako diba?!” pasigaw nitong sagot, tinawag naman ng Manager ang dalawang guard.“Palabasin niyo yan.” Utos niya rito na mabilis ding sinunod ng dalawang gwardya.“Ibaba niyo ako! Ano ba! Nasa loob ang mga gamit ko!” pagsisigaw niya, inutusan naman ng Manager ang isang babae para isunod ang mga gamit nito na nasa loob ng kwarto niya. Sinenyasan niya ang dalawa na sumunod sa kaniya, nakayuko at tahimik silang sumunod.Kinakabahan na si Sarah dahil baka narinig siya ng Manager nila na pinapatulan niya ang guest. Nakarating naman sila ng office, naupo ang Manager nila habang pareho silang nakatayo sa harap habang nakayuko ang mga ulo.Ilang minutong nanaig ang katahimikan sa kanila, mariing ipinikit ni Mia ang mga mata niya dahil ramdam niya na ang pagkahilo.“Tandaan niyo palagi ang kauna-unahang dapat ay

    Huling Na-update : 2022-07-28
  • Marry Me, Mr. CEO   Kabanata 4.1

    Nang magising si Mia ay dahan-dahan siyang umupo, inilibot niya ang paningin niya sa kabuuan ng kwarto. Nagsalubong na lang ang mga kilay niya dahil sa lawak at ganda ng kwartong kinaroroonan niya ngayon. Napahawak siya sa ulo niya dahil sa bahagya pa niyang pagkahilo.“Nasan ba ako?” pagtatanong pa niya sa sarili niya. Sakto naman ang paglabas ni Stella mula sa kusina kaya napalingon sa kaniya si Mia.“Mabuti naman at nagising ka na, tatlong oras ka ring nakatulog. Hindi ka na naman ba kumain ng umagahan?”“Nasan ba ako? Anong kwarto ‘to?” hindi niya pinansin ang sinabi ng kaibigan niya. Ibinaba na muna ni Stella ang mga dala-dala niyang pagkain sa kama saka niya hinarap ng maayos si Mia.“Nandito pa rin naman tayo sa hotel, sa VIP room.” Halos mapatayo sa kinahihigaan niya si Mia dahil sa sinabi ng kaibigan niya.“Bakit dito ako dinala? Wala akong pambabayad dito. Alam mo naman kung gaano kamahal ang bayad dito per hour.”“Alam ko yun, hindi naman kita idadala rito kung may babayara

    Huling Na-update : 2022-07-29
  • Marry Me, Mr. CEO   Kabanata 4.2

    Pahamak na Jaxson. Aniya sa sarili habang nagtatrabaho. Sa tuwing may nakakasalubong siyang mga empleyado ay tinatakpan na lang niya ang mukha niya.“Kung totoo man yun, napakaswerte niya. Kung alam ko lang siguro na papayag si Sir na magpakasal kaagad kapag inaya siya baka ginawa ko na rin hahahaha.” Rinig pa niyang pagtatawanan ng ilang mga kababaihan na nasalubong niya. Napapailing na lang si Mia dahil kung alam lang nila kung anong kahihiyan siya meron ngayon. Sana nga, sila na lang ang nasa pwesto at sitwasyon niya pero hindi eh, pinagtatawanan na lang siya.Halos iyun ang nagiging buhay niya sa araw-araw, ang umiwas sa ilang mga katrabaho nila lalo na sa Boss nila, hangga’t kaya niya iyung iwasan ay gagawin niya kahit na nagmumukha na siyang tangang sumisilip sa mga pader.“Wala naman siguro siya ngayon, makakapagtrabaho ako ng maayos.” Aniya sa sarili dahil kaninang umaga pa niya hindi nakikita ang Boss nila. Iniisip niyang baka hindi ito pumasok ngayon o baka may appointment i

    Huling Na-update : 2022-07-29
  • Marry Me, Mr. CEO   Kabanata 5.1

    Hindi maalis sa isipan ni Mia ang sinabi ng Boss niya, napapailing na lang siya kapag naaalala niya ang tungkol dun. Hindi tuloy siya makapagfocus sa trabaho niya nang dahil dun.“Gago ba siya? kahit siya ang Boss namin dito at hindi dahil may itsura siya papatulan ko siya. Kapal ng mukha, anong akala niya lahat ng babae may gusto sa kaniya? Feelingero. Tsss.” Aniya pa sa sarili, napapangiwi na lang siya. Tinapos niya na ang pag-aayos ng mga gamit sa isang kwarto na ginamit ng isang guest saka siya lumabas. Nasalubong niya naman ang ilang mga kasama niyang nakatingin sa kaniya.“Kumusta ang feeling bride ni Sir? hahahaha.” Tawanan ng mga ito, napabuntong hininga na lang siya dahil halos mag-iisang linggo nang ito ang usapan ng buong hotel. Nahihiya na lang siya minsan kaya hindi niya na pinapatulan pa.“Makabully ka baka kapag si Mia nga ang naging fiancée ni Sir nganga ka.” irap na saad ng isa pang empleyado, hindi na lang pinansin ni Mia ang mga ito dahil baka kapag pinatulan niya l

    Huling Na-update : 2022-07-29
  • Marry Me, Mr. CEO   Kabanata 5.2

    “I hope you can find a man that he will love you at yung lalaking hindi maboboring sayo.” rinig ni Aiden na saad ng lalaking kaharap ni Mia. Napapailing na lang siya.Lumapit na si Aiden sa kanila at mabilis niyang hinikit ang bewang ni Mia palayo kay Jaxson. Bahagya pang nagulat si Jaxson at ang babaeng kasama nito. Kilalang kilala si Aiden dahil kahit saang lugar ay makikita mo siya sa mga palabas sa tv, billboard at ilang mga magazine. Salubong ang mga kilay na tiningnan ni Jaxson ang lalaking humigit kay Mia at naibaba niya rin ang paningin niya sa kamay ni Aiden na nakahawak sa bewang ni Mia.Tiningnan ni Mia ang lalaking gumawa nun sa kaniya at napalunok na lang siya sa sarili niyang laway. Hindi niya alam kung anong ginagawa ngayon ng Boss niya pero ayaw niyang mapahiya siya sa harap ng Boss nila.Ang lahat ng mga empleyadong malapit sa kanila ay natutop din ang mga bibig dahil sa ginawa ng Boss nila kay Mia. Kalat na kalat ang tungkol kay Mia at Aiden sa buong hotel at hindi s

    Huling Na-update : 2022-07-29

Pinakabagong kabanata

  • Marry Me, Mr. CEO   Special Chapter 2

    “Mabuti ka pa at kaunti na lang ay graduate ka na sa pag-aalaga. Dalaga na si Yeshah at kaunti na lang ay mga binata na rin ang mga anak mo baka sa susunod mga apo mo naman na ang aalagaan mo—aray!” batukan ko nga, kung ano-ano sinasabi.“Bata pa mga anak ko at may mga pangarap sila sa buhay kaya anong mga apo ko naman ang aalagaan ko? E kung batukan pa kita?” inis kong saad sa kaniya pero tinawanan lang ako ng kumag.Nag-uusap na si Mia at Stella habang naglalaro naman ang mga bata, si Yeshah nasa kwarto niya at gumagawa ng project.“Dad, I need to go in national book store. May kailangan lang po akong bilhin.” Wika sa’kin ni Yeshah na kalalapit lang sa’kin.“How much do you need?” dinukot ko naman na ang wallet ko saka ko siya binigyan ng dalawang libo.“Dad, I only need 500. 2000 is too much.” Reklamo niya sa’kin pero dahil wala akong barya ay isang libo ang ibinigay ko sa kaniya.“Padrive ka na lang kay Kuya Jin.”“Yes po,” mabilis niya namang sagot saka lumapit sa ina niya para m

  • Marry Me, Mr. CEO   Special Chapter 1

    AIDEN’S POVGulo-gulo ang buhok kong nakatingin sa mga anak kong magugulo rin. Oo, pinangarap kong bumuo ng malaking pamilya pero bakit naman isang irehan kaagad?“Ano? Okay ka pa ba? Hahahaha ayos yun ah. Apat agad sa isang irehan.” Sinamaan ko ng tingin si Ace, oo may quadruplets kami ni Mia at hindi namin yun inaasahan. Malaki yung tiyan niyang nagbuntis at ng malaman namin na apat na heartbeat ang nadetect sa pagbubuntis niya masaya ako na nag-aalala. Hindi ko kayang mawala sa buhay ko si Mia, ipinagbubuntis pa lang niya ang mga kambal namin hirap na hirap na siya kaya halos hindi ko alam ang gagawin ko.“Yaaaahhh,” sigaw na naman ng anak kong lalaki habang nakasakay siya sa likod ko. Tanggal ang angas ko sa mga anak ko, kung gaano ako kalupit sa opisina ay siyang kabaliktaran naman pagdating dito sa bahay. Tatlo ang anak kong lalaki at sa kanilang apat naman ay ang babae ang bunso sa mga kambal ko.Masakit na ang anit ko dahil sa pagsabunot ng anak ko, gawin ba naman akong kabayo

  • Marry Me, Mr. CEO   Kabanata 65.2

    Naiwan si Yeshah sa Manila dahil gusto ko sanang magkaroon kami ng solo time ng asawa ko. Handa na kaming sundan si Yeshah at bigyan siya ng maraming kalaro dahil minsan napapagod na rin ang mga Lolo at Lola niya sa pakikipaglaro sa kaniya. “Hindi kalakihan yung bahay pero napakaganda.” Namamanghang saad pa rin ni Mia habang nililibot namin ang bahay. Glass wall lang din ang iba para kitang kita mo ang ganda ng dagat. Mula rito ay kitang kita namin ang maraming turista. Maraming resort dito sa lugar na ito at kahit hindi na namin kailangang pumunta dun dahil sa ilalim ng bahay na ito ay may ipinagawa rin akong swimming pool. “Ang ganda ganda talaga dito Love. Parang gusto ko na lang dito tumira.” Aniya pa, tagos na tagos ang araw sa glass wall dahil maaga pa pero malamig dito sa loob dahil sa aircon. “Ito ang magiging bahay bakasyunan natin dahil sa dami ng nangyayari sa buhay natin sa bawat araw, we deserve a vacation.” Wika ko sa kaniya. Napatingin din siya sa multifunctional chai

  • Marry Me, Mr. CEO   Kabanata 65.1

    AIDEN’S POVNapabuntong hininga na lang ako ng maabutan ko na naman si Daddy na may hawak na alak. Naupo ako sa harapan niya. Ilang araw pa lang simula ng mawala sa’min si Daddy.“Dad,” anas ko, napabuntong hininga siya saka ako tipid na nginitian.“Jared Vesarious is your Mom’s first love. Mahal na mahal niya si Jared kahit ng magpakasal kaming dalawa. Pilit lang naman ang kasal namin pero habang tumatagal, I fell in love with your Mom. Akala ko kapag dumating ka sa buhay niya sakaling may magbago pero akala ko lang pala yun. I love your Mom son but she never love me, anong magagawa ko si Jared ang minahal niya at mahal niya hanggang ngayon. Hindi ko akalain na kaya niyang patayin ang sarili niya para sa isang lalaki. Tinanggap ko lahat, tiniis ko lahat, naghintay ako sa Mommy mo pero hindi pala yun sapat para mahalin niya rin ako at kalimutan si Jared.” Hilaw siyang natawa, masakit din para sa’kin na makita sa ganitong kalagayan si Daddy pero hindi pa rin niya magawang magalit kay M

  • Marry Me, Mr. CEO   Kabanata 64.2

    Ano nga ba talagang kayang gawin ng pag-ibig? Ano pa bang kayang isakripisyo ng lahat para sa pangalan ng pag-ibig? Hindi niya ba naibaling ang lahat ng pagmamahal niya kay Aiden? Nang dumating sa buhay niya si Aiden?Napabuntong hininga na lang ako, ang pagmamahal pa rin ba niya kay Daddy ang dahilan kung bakit gusto pa rin niya akong mamatay? Naging bangungot ko ang gabing muntik akong mamatay. Kung hindi dahil kay Ate Jade baka abo na lang din ako ngayon. Nagawa niya na akong ilayo sa mga magulang ko pero bakit ipinahanap pa rin niya ako para lang patayin?“Kung naging maaga lang siguro ang mga pulis na dumating kanina, hindi siguro ito nangyari.” Saad uli ni Tita Irene, napakunot naman ang noo ko.“Ano pong ibig niyong sabihin?”“Nagsalita na ang lalaking nag-utos sa mga lalaking dumukot sayo kung sino ang mastermind ng lahat. Sinabi niya ng si Olivia nga ang may pakana ng lahat ng nangyari sayo. Sinubukan namang humabol ng mga pulis sa place kung saan ang kasal pero huli na sila

  • Marry Me, Mr. CEO   Kabanata 64.1

    MIA’s POVHalos hindi ko maigalaw ang mga kamay at mga paa ko. Para akong nanigas at hindi makagalaw, sana panaginip na nga lang ang lahat. Ang saya saya ko lang kanina diba? masaya lang kaming lahat kanina pero bakit naging ganito ang lahat? Bakit naging madugo ang kasal na pinangarap namin?Nagkalat sa carpet ang dugo ni Daddy ganun na rin ni Ma’am Olivia. Naguguluhan pa rin ako, ano bang mga naging nakaraan nilang lahat sa isa’t isa? Bakit kailangang si Daddy pa ang saktan niya? Bakit niya kinukuha ang buhay na hindi kaniya.“Mia,” rinig ko sa boses ni Stella, bakas ang pag-aalala sa kaniya pero tila nakamagnet na ang mga mata ko kay Daddy. Rinig na rinig ko na ang iyakan ni Mommy at ng mga kapatid ni Daddy ganun na rin si Aiden at si Sir Dave.Dahan-dahan akong humakbang, parang ayaw ko pang iproseso sa utak ko ang lahat ng nangyayari.“Call the ambulance now!” umiiyak na saad ni Mommy habang yakap yakap si Daddy.“Iha,” pinigilan ako ng isang kapatid ni Daddy sa paglapit sa kaniy

  • Marry Me, Mr. CEO   Kabanata 63.2

    Humugot ng malalim na buntong hininga si Mia dahit it’s her turn. Nag-uumapaw ang saya sa dibdib niya tila nabusog na tuloy siya sa mga sinabi ni Aiden. Wala rin naman siyang ibang hiling kundi ang manatili na silang dalawa sa isa’t isa habang buhay.Magsasalita na sana si Mia nang may biglang pumalakpak na nagmumula sa entrance.“Ang galing naman,” wika nito, nagsigilid ang mga bisita ng makita siya.“Olivia,” wika ni Mr. Hernandez, mabilis siyang napatayo. Hindi niya akalain na mahahanap at malalaman pa ito ni Olivia. Hindi niya sinabi ang kasal ni Aiden dahil alam niyang magkakagulo lang, hindi na nila kasi ito mapakiusapan na pabayaan na lang ang mga mata.Mabilis na itinago ni Aiden sa likod niya si Mia para protektahan sa ina niya. Kinuha na rin ni Ace si Aiyeshah para lumabas na dito tutal may exit naman sa gilid nila.“Mom,” anas na rin ni Aiden.“Hindi mo na talaga ako nirespeto Aiden, ina mo ako pero ni hindi mo man lang ako inimbita sa sarili mong kasal? Ang galing galing n

  • Marry Me, Mr. CEO   Kabanata 63.1

    Nagdaan pa ang mga araw at ngayon ang araw na hinihintay ng lahat. Halos isang linggo ring hindi nagkita si Mia at Aiden ngayong araw ng kasal na lang nila ulit sila magkikita.Abalang abala ang lahat sa paghahanda at paggagayak. Lahar ay may ngiti sa kanilang mga labi, masaya para sa dalawang taong mag-iisang dibdib ngayong araw.Napakaganda ng tanawin, napakaganda at napakaayos ng lahat. Tila isang panaginip, tila nasa isang fairy tale ka dahil sa pagkakaayos ng lugar. Napakalawak na hardin, nagbibigay ginhawa sa katawan dahil sa kapayapaan niya.Lahat ng abay ay inaayusan na rin at ang bride naman ay nasa pinakamalaking kwarto.Masayang nakatingin sa salamin si Mia dahil sa wakas ang pinapangarap nilang kasal ni Aiden dati pa ay mangyayari na. Hindi na pangarap, hindi na sa panaginip makikita dahil ngayon magaganap na ang lahat.“Hays, parang kailan lang nang sinusuotan lang kita ng diaper pero ngayon wedding gown mo na ang isusuot ko sayo.” Naluluhang saad ni Katelyn sa anak. Hind

  • Marry Me, Mr. CEO   Kabanata 62.2

    “Who cook our dinner? May sarili ka na bang chef ngayon Katelyn?” tanong ng isang Ginang na halos mabusog na dahil sa dami ng kinain niya. Bahagyang natawa si Katelyn.“Si Mia at Aiden lang ang naghanda ng lahat ng mga yan.”“Talaga? Hindi ko akalain na magaling kayong dalawa ah. Parang gusto ko na lang manatili rito para makakain araw-araw ng mga masasarap na pagkain haha.” Pagbibiro ng isang babae. Hindi pa kilala ni Mia ang mga kamag-anak niya, kilala pa lang niya ang mga ito sa mukha.Nagpatuloy ang kasiyahan nila ngayong gabi. Nang matapos silang mga kumain ay kaniya-kaniya na rin silang mundo pero maagang nagpaalam si Dave.“Uuwi ka na? Ang bilis naman.” Saad ni Jared.“Baka kasi nakauwi na si Olivia saka may gagawin pa rin kasi ako so hindi na rin ako magtatagal. Maybe next time again,” napatango-tango na lang si Jared, nilapitan naman na muna ni Mr. Hernandez si Yeshah saka niya ito kinausap.“Let’s play next time again apo, sana maipasyal niyo siya minsan sa’min.” Si Mr. Hern

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status