Maayos na ang itsura ni Davina, suot-suot ang uniform niya. Halos lahat ng mga nakakasalubong niya ay bumabati sa kaniya at ang iba naman ay umiiwas dahil kilala na nila si Davina. Diretso at taas noo maglakad si Davina at blangko lang ang mukha niya at hindi mo gugustuhing banggain siya.Bago siya makapunta sa office ng ama niya ay nakasalubong niya na si Kenzo na nakasandal pa sa pader at nakabulsa ang dalawa niyang kamay. Hindi na lang siya inimikan ni Davina at dumiretso si Davina sa office ng Daddy niya habang nakasunod sa kaniya si Kenzo.Kumatok na muna siya sa pintuan ng tatlong beses saka niya ito binuksan. Naabutan niya naman ang ama niyang nakatingin lang sa labas ng bintana habang nakapamulsa ang dalawa niyang kamay.“Good morning Sir,” sabay na bati ni Davina at Kenzo. Hinarap naman na ni Mr. Flores ang dalawa saka siya naupo sa swivel chair niya at pinaglalaruan ang ball pen sa mga daliri niya. Hindi niya alam kung paano ba niya sisimulan na sabihin lahat kay Davina laha
Masayang kumakain ang pamilya ni Senator Oscar sa isang mamahaling restaurant sa hotel. Nakabantay lang naman sina Davina sa gilid kasama ng mga nasa team niya. Nakamasid siya sa labas ng bintana, hindi siya mapakali dahil iba ang pakiramdam niya.Napatingin sa kaniya ang mga kasama niya nang maglakad-lakad si Davina sa gilid ng glass wall. Salubong ang mga kilay ni Davina saka siya tumingin sa labas ng glass wall, wala naman siyang ibang makita kundi ang mga nagtataasan na building din sa labas at ang mga nagmistulang mga laruan na sasakyan sa ibaba.Tiningnan ni Davina ang masayang pamilya ng senador na kumakain saka siya may pinindot sa ear piece niya.“Kumusta ang lagay diyan sa labas? Wala bang kahina-hinala?” tanong niya kay Rose at Mateo na siyang nagbabantay sa labas ng kwarto.“Wala naman, maayos naman ang lahat.” sagot ng mga ito sa kaniya. Masyado lang sigurong napapraning si Davina dahil halos kababalik niya lang ulit ng trabaho niya.Nanatili silang nagbabantay pero si Da
Nakabalik na sina Davina sa headquarter nila at pare-pareho silang tahimik. Nang pumasok sila sa office ni Mr. Flores ay sabay-sabay silang yumuko at bumati rito. “What happened?” unang tanong kaagad ni Mr. Flores sa kanila. “Paanong nawala sa inyo si Senator Oscar? Sinabi ko sa inyong bantayan niyo siya ng mabuti. Nasa loob na kayo ng building, sa isang kwarto pero bakit natakasan pa rin kayo ng kung sino mang nanguha sa kaniya?” may diin ang bawat bigkas niya ng mga salita. Ayaw niyang sigawan ang mga tauhan niya gayong hindi rin naman nila ginusto ang nangyari. “Pasensya na Sir, sa tagal na nawalan ng power hindi na namin namalayan dahil walang kaingay-ingay na nagawa ang kidnapper. May sniper din na nakaabang kaya hindi namin pwedeng buksan ang mga flashlight namin kaya naisip na lang namin na palabasin sila kahit na madilim at dahil nga madilim hindi na namin nakita na natangay na pala si Senator Oscar.” Pagpapaliwanag naman ni Davina na siyang nasa harapan. Napakamot na lang s
Kinuha naman ni Kenzo ang box at idinala kay Davina. Kinuha ni Davina ang cutter para buksan ng maayos ang box. Talagang maayos ang pagkakapack sa box, mahigpit ang pagkakabalot nila na para bang sinigurado nang nagpadala na siya lang ang makakapagpabukas.Nakatingin silang lahat sa package na dumating kay Davina.Samantala, salubong ang mga kilay ng mga kasamahan ni Caspian habang nakatingin sa kaniya.“Sigurado ka ba sa desisyon mong yan?” kunot noong tanong sa kaniya ni Evander.“Yun naman ang dapat, may tiwala ako sa kaya niyang gawin.” Sagot naman ni Caspian.“Paano kung hindi niya nagawa? Paano kung wala lang nangyari sa pinaghirapan natin?” nag-aalangan ding tanong ni Railey, para bang nag-aalala sila sa binitawang desisyon ni Caspian. Hindi sila sanay sa mga desisyon ngayon ni Caspian at sigurado silang ginagawa ito ni Caspian para kay Davina.“May tiwala kami sa mga desisyon mo, sana nga magawa niya kung ano ang inaasahan natin.” sabat na rin ni Max na ikinatango ng iba pa ni
Sinundan ni Davina ang lalaking nakita niya kanina na nakikihalubilo rin. Nang makalayo-layo na siya ay huminto siya sa paglalakad at inilibot ang paningin niya sa paligid.“Nasaan na siya?” mahina niyang tanong sa sarili niya at muling nagpatuloy sa paglalakad nang may bigla na lamang humila sa kaniya. Sisigaw sana siya nang biglang takpan ang bibig niya kaya wala siyang nagawa.“Ssssshh,” anas ng kung sino man na nasa likod. Nang tanggalin ng kung sino man ang humila sa kaniya ang pagkakatakip niya kay Davina ay mabilis siyang hinarap ni Davina at tinutukan ng baril.“Who are you?” matapang niyang tanong. Parehong diretso ang mga paningin nila sa isa’t isa. Napapakunot na lang si Davina dahil pamilyar sa kaniya ang mga mata ng lalaki. Nakasombrero siya ng itim at nakafacemask kaya mukha lang nito ang nakikita ni Davina.Nanatiling nakatutok ang baril ni Davina sa lalaki at hindi nagtagal ay inalis nang lalaki ang facemask niya.“Caspian,” tila nanghina ang mga tuhod ni Davina nang m
Halos pagod na pagod si Davina nang matapos ang araw na iyun. Masyado ng gulong-gulo ang isipan niya. Hindi niya mahulaan ang buong pagkatao ni Caspian. Number one siya sa mga nangyayaring krimen pero bakit siya itong nagbubulgar ng mga maling gawain ng mga nasa gobyerno?Pinapaikot-ikot ni Davina ang hawak hawak niyang ballpen sa mga daliri niya. Iniisip kung anong mga posibleng dahilan ng ginagawa ni Caspian pero napatigil na lang siya sa paglalaro niya sa ballpen nang maalala niyang katulad din ni Caspian si Henry.Si Henry ang sindikatong pinoprotektahan ni Senator Oscar. Paano kung ginawa lang ito ni Caspian dahil sila sila lang din naman na mga nasa mafia world ang naglalaban-laban para maipakita kung kaninong grupo ang pinakamalakas at dapat igalang?Halos bumagsak ang balikat ni Davina sa naisip niyang iyun.“Paano kung iyun nga ang dahilan niya? Paano kung balak niya nang patumbahin o takutin ang mga nakabababa sa kaniyang mga organisasyon para manatili siya sa kung anong ran
Naupo si Davina sa isang bench, ang nasabi kasi sa kaniya ni Caspian ay sa parteng likod ng park sila magkikita. Patingin-tingin siya sa paligid niya dahil baka nandiyan na si Caspian pero hindi nila nakikita ang isa’t isa.Habang naghihintay siya ay pinapanuod niya na lang ang ibang mga taong hindi kalayuan sa kaniya. Pauwi na ang iba habang ang iba naman ay palakad-lakad lang habang kausap ang mga partner nila.Napayakap na lang si Davina sa sarili niya nang biglang lumamig ang hangin. Kung alam lang sana niyang male-late si Caspian ay binalikan niya na lang sana ang jacket niya. Medyo may kanipisan pa naman ang suot-suot niyang damit.Tinext niya ang number ni Caspian para tanungin ito kung nasaan na siya. Ilang minuto siyang naghintay ng reply nito pero wala siyang nareceive kaya inisip niya na lang na baka nasa byahe na ito.Matiyaga niyang hinintay si Caspian kahit na nanginginig na siya sa lamig dahil habang palalim ang gabi ay lumalamig na rin. Kalahating oras na ang lumipas p
Napapahilot na lang si Davina sa noo niya dahil ramdam niya ang pagkahilo niya. Kumain naman siya ng umagahan pero pakiramdam niya ay nahihilo siya. Humugot siya ng malalim na buntong hininga at inayos ang sarili dahil baka nahihilo lang siya dahil sa puyat.Hindi siya pwedeng magkaganito habang nasa trabaho dahil isang mahalagang tao sa bansa ang binabantayan nila. May press conference ito ngayon kaya nakabantay lang sila sa paligid.Napaduwal na lang si Davina nang may maamoy siyang kakaiba sa pang-amoy niya. Nilingon siya ni Jillian.“Are you okay?” tanong niya sa kaibigan. Marami pa namang tao sa paligid nila kaya pinipigilan ni Davina ang pagkakaduwal niya. Iba na talaga ang hilo niya, pakiramdam niya ay nabonogan na siya kung sino man ang nasa loob ng kwarto.“Sa cr lang muna ako.” saad niya kay Jillian na ikinatango na lang ni Jillian, sinundan niya ng tingin ang kaibigan, nagtataka sa ikinikilos nito. Maging si Kenzo na nasa kabilang side ay napatingin sa pag-alis ni Davina sa
“AAAAHHHHHHHH!” malakas na sigaw ni Davina nang magulat siya sa isang mannequin na nagmukhang white lady. Inis siyang napakuyom ng mga kamao niya dahil sigurado siyang kagagawan na naman ito ng Kuya niyang wala na lang yatang magawa sa buhay. “Humanda ka talaga sa aking Oliver ka!” naiinis pa rin niyang wika. Pakiramdam niya ay panandaliang humiwalay sa katawan niya ang kaluluwa niya sa sobrang gulat niya. Kinuha niya ang toy gun niya saka niya hinanap kung nasaan na naman ang magaling niyang Kuya. Nang makita niya itong prenteng nakaupo sa sala at nanunuod ng tv ay dahan-dahan niya itong nilapitan. Itinutok niya ang toy gun niya sa leeg ng Kuya niya saka niya iyun sunod-sunod na ipinutok. “Ouch! Aray, Davina it hurt!” sigaw niya kay Davina pero hindi siya tinigilan ni Davina. Kinuha ni Oliver ang unan sa sofa at iniharang niya sa sarili niya para hindi siya tamaan ng toy gun ni Davina. “Ano bang problema mo? Masakit kahit na laruan lang yan!” sigaw niya na naman kay Davina. “Ah t
Akala ko dun na lang kami matatapos, akala ko hindi na kami makakabalik. Sa mga araw na nagdaan sa nakalipas na isang taon, wala kaming makita kundi kadiliman lang. Tatlong buwan kaming naging bihag ng mga gagung yun. Akala ko habang buhay na lang kaming nasa kadiliman, ang mga pagkain nilang hindi mo alam kung anong lasa pero dahil kailangan naming mabuhay, kailangan naming mapanatiling malakas ang katawan namin, pinilit namin at pikit mata naming kinain ang mga pagkain na iniaabot sa amin kahit na pinagtatawanan na nila kami habang nginunguya ang mga pagkaing yun. Nang magising ako mula sa coma, hindi kaagad ako nakapagsalita nang sabihin ni Danielle na ilang buwan na kaming tulog ni Evander. Halos gusto ko nang patayin si Danielle dahil pinipigilan nila akong bumalik ng Pilipinas kung nasaan si Lorelie. Halos mabaliw ako kapag iniisip kong inakala niyang patay na ako, na pinagluluksaan niya na ako. Wala akong ibang inisip kundi si Lorelie, tang-ina, ibang babae na pala ang naaala
Halos hindi sila makapaniwala sa kwento ni Evander at Caspian tungkol sa nangyari sa kanila. Mapait na ngumiti si Max at Railey, nakayuko naman na si Lorelie dahil pare-pareho silang naguilty nang maiwan sila ng helicopter. Iniisip nila kung hindi lang siguro nila naiwan si Evander at Caspian, hindi sana nila naranasan ang hirap na nangyari sa kanila sa loob ng isang taon. “Hindi niyo kasalanan kung anong nangyari dahil kung nagpaiwan pa kayong lahat, kung hindi pa kayo umalis baka lahat tayo maiiwan, baka lahat tayo naging bihag ng mga terorista. We never blame you guys dahil naiwan kami. The most important is we’re still complete.” Wika ni Caspian sa kanila. Napangiti na lang ako nang magyakapan silang lahat. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko. Pakiramdam ko hanggang ngayon nananaginip pa rin ako dahil nandito sila at kasama namin. Tiningnan ko si Kuya Danielle na tahimik lang sa dulo ng sofa. Nilingon ko rin si Daddy na patingin-tingin kay Kuya, napangiti ako, sigurado
Halos hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila sa akin ngayon. Nang bumalik ang ala-ala ni Caspian dun lang nalaman ni Danielle ang tunay niyang pagkatao. Ako na lang ang nahihirapan na isink in sa utak ko ang lahat ng mga nalaman ko.Naupo na muna ako sa sofa at ganun din sila. Ramdam ko ang mga titig nila sa akin pero masyadong naguguluhan ang isip ko.“Alam naming magulo para sayo. Matagal na panahon naming minanmanan ang grupo ni Dead Angel kaya marami na kaming alam sa background niya, kung anong mga ginawa niya na dati pa. Sa kaniya lumaki si Danielle but he never treated him as his own son dahil kinidnap lang naman niya ito noong bata pa siya para makapaghiganti sa ama mo Davina. Napatay ni Mr. Flores ang anak ni Dead Angel kaya kinidnap niya si Danielle para gawing anak niya o kapalit ng namayapa niyang anak. Ilang taon din naming pinag-aralan ang tungkol kay Dead Angel at nang mapatay namin siya, nagkaroon kami ng acces sa lahat ng mga gamit at ari-arian niya. Lahat ng mga
DAVINA’S POVIt’s been a year pero hanggang ngayon sariwa pa rin ang sakit. Sa bawat araw na lilipas hindi ko alam kung paano ko yun nalalampasan. Nagpapasalamat pa rin ako dahil binigyan mo ako ng isang anghel, may iniwan ka pa ring ala-ala para sa akin. Bumabangon at nagiging malakas ako sa bawat araw kasama ng anak natin Caspian.Ni hindi man lang kita nakita, nayakap, nahalikan at nahaplos ang bawat parte ng katawan mo. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para maipaglaban ka sa mundong ito pero wala akong nagawa nang si Kamatayan na ang naging kalaban ko. You promised me that everything gonna okay, sinabi mo sa’kin na may aayusin ka lang pero bakit hindi ka na bumalik?Isang taon na ang nakalipas pero yung sakit nandito pa rin sa’kin. Araw-araw ko pa ring nararamdaman yung sakit, yung pangungulila ko sayo. Nakakalimutan kita panandalian kapag nandito ang mga kaibigan mo pero sa tuwing kami na lang ng anak mo ang naiiwan, nandyan na naman ang sakit.Kahit araw-araw kong hilingin na san
Iniayos ni Kenzo ang mga dala-dala niyang pagkain saka niya iyun ibinaba. Inilatag niya na rin ang isang tela at dinoblehan pa yun para hindi tumagos dun ang Bermuda baka kasi katihin si Caleb kapag hindi niya dinoblehan. “Pwede bang buhatin ko muna si Caleb, hi baby Caleb, dito ka muna kay Tito Max okay?” natutuwang wika ni Max habang kinakausap niya ang bata. “Da..da,” tawag niya rito, lahat sila na may ginagawa ay napatingin kay Caleb. Bakas ang gulat sa mukha ni Max dahil sa tinawag sa kaniya ni Caleb. “Sandali, ako ba ang tinawag niyang Dada? Tinawag niya akong Dada hahahaha.” Tuwang tuwang sigaw ni Max kaya lumapit silang lahat kay Davina na siyang may buhat buhat kay Caleb. “Assuming mo naman, normal lang na magsalita siya ng ganun naitaon lang na ikaw ang kaharap.” Nakangiwing wika ni Sophia kay Max. “Well, ako talaga ang Daddy ni Caleb, ano nga baby Caleb? Ang cute cute naman ng prinsipe naming iyan.” Paglalaro pa ni Max kay Caleb. “When did he said a word?” tanong ni K
Tulalang nakatingin sa karagatan si Davina. Hinahayaan niyang tangayin ng hangin ang mahaba niyang buhok. Sa bawat araw na dumadaan ay ito ang gawain niya, ang pumunta sa dagat at manatili ng isa o dalawang oras.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at tipid siyang ngumiti. Sa tuwing naaalala niya ang araw na natanggap niya ang sulat mula kay Caspian, ramdam pa rin niya yung sakit. Kahit lumilipas ang oras araw-araw, masakit pa rin.1 year ago.....“Pareho na silang wala Davina.” Ang mga salita na nakapagpabagsak ng mundo niya. Umiling nang umiling si Davina, napaatras pa siya dahil ayaw niyang maniwala, wala siyang pinaniniwalaan.“I don’t believe you, Max I’m begging you. Huwag naman ganito oh, huwag niyo naman akong biruin, please.” Nagmamakaawa niyang wika. Mabilis na inalalayan ni Railey si Davina nang muntik pa itong matumba dahil sa panghihina.Walang magawa si Railey at Max para pagaanin ang nararamdaman ni Davina. Sa mga mata pa lang niya alam mo ng araw-araw
Bago gawin nina Caspian ang misyon nila sa Presidente ay binilin niya na silang lahat kung anong mga dapat nilang gawin. Nang malaman niyang isa si Davina sa nagbabantay sa Presidente ay binilin niya si Lorelie na ilayo niya si Davina kahit sa anong klaseng paraan basta mailayo niya ito.Nang lumabas si Davina kasama ang Presidente ay akma na sanang hihilain ni Lorelie si Davina pero umatras siya. Umiling siya sa sarili niya, hanggang ngayon ramdam pa rin niya ang inis at galit kay Davina. Sinisisi niya ito kung bakit nasaktan siya ni Caspian kaya pinabayaan niya si Davina. Iniwan niya ito at hinayaan na kung anong mangyayari sa kaniya.Nang mabaril si Davina wala man lang naramdamang kahit kaunting awa si Lorelie para sa kaniya. Hindi niya kasi matanggap na minahal ni Caspian ng sobra si Davina habang siya hanggang ngayon nasasaktan pa rin dahil hindi niya naramdaman ang pag-aalaga at pag-aalala kay Caspian na nagagawa niya ngayon kay Davina.Naggagayak na silang lahat dahil aalis na
Flashback Galit na galit si Caspian nang makabalik siya ng headquarter nila, kulang na lang ay kainin ka niya ng buhay sa sobrang galit niya. “Goddamn it! Who said I was in a bar?!” halos gumuhit lahat ng mga litid ni Caspian sa leeg niya dahil sa lakas ng sigaw niya at sa tindi ng galit niya. Nakapila na silang lahat at nakakunot ang noo maliban kay Lorelie na nakayuko na ang ulo niya at nilalaro niya na ang mga daliri niya dahil sa kabang nararamdaman niya. Umayos siya nang tayo dahil baka mahalata siya ni Caspian. “Why? What happened?” tanong ni Evander. Inis na sinabunutan ni Caspian ang buhok niya. “Davina is there, she’s there and she saw us! Damn it!” nanggagalaiti pa rin niyang sigaw. Hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag kay Davina. Inis siyang napasuntok sa pader nang maalala niya ang mga mata ni Davina kanina, punong puno ng sakit, lungkot at para bang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso niya. “What do you mean? Nasa bar si Davina kung saan may operation ka?”