Naupo si Davina sa isang bench, ang nasabi kasi sa kaniya ni Caspian ay sa parteng likod ng park sila magkikita. Patingin-tingin siya sa paligid niya dahil baka nandiyan na si Caspian pero hindi nila nakikita ang isa’t isa.Habang naghihintay siya ay pinapanuod niya na lang ang ibang mga taong hindi kalayuan sa kaniya. Pauwi na ang iba habang ang iba naman ay palakad-lakad lang habang kausap ang mga partner nila.Napayakap na lang si Davina sa sarili niya nang biglang lumamig ang hangin. Kung alam lang sana niyang male-late si Caspian ay binalikan niya na lang sana ang jacket niya. Medyo may kanipisan pa naman ang suot-suot niyang damit.Tinext niya ang number ni Caspian para tanungin ito kung nasaan na siya. Ilang minuto siyang naghintay ng reply nito pero wala siyang nareceive kaya inisip niya na lang na baka nasa byahe na ito.Matiyaga niyang hinintay si Caspian kahit na nanginginig na siya sa lamig dahil habang palalim ang gabi ay lumalamig na rin. Kalahating oras na ang lumipas p
Napapahilot na lang si Davina sa noo niya dahil ramdam niya ang pagkahilo niya. Kumain naman siya ng umagahan pero pakiramdam niya ay nahihilo siya. Humugot siya ng malalim na buntong hininga at inayos ang sarili dahil baka nahihilo lang siya dahil sa puyat.Hindi siya pwedeng magkaganito habang nasa trabaho dahil isang mahalagang tao sa bansa ang binabantayan nila. May press conference ito ngayon kaya nakabantay lang sila sa paligid.Napaduwal na lang si Davina nang may maamoy siyang kakaiba sa pang-amoy niya. Nilingon siya ni Jillian.“Are you okay?” tanong niya sa kaibigan. Marami pa namang tao sa paligid nila kaya pinipigilan ni Davina ang pagkakaduwal niya. Iba na talaga ang hilo niya, pakiramdam niya ay nabonogan na siya kung sino man ang nasa loob ng kwarto.“Sa cr lang muna ako.” saad niya kay Jillian na ikinatango na lang ni Jillian, sinundan niya ng tingin ang kaibigan, nagtataka sa ikinikilos nito. Maging si Kenzo na nasa kabilang side ay napatingin sa pag-alis ni Davina sa
Salubong lang ang mga kilay ni Caspian na nakatingin kay Davina, nagdadalawang isip siya kung hihilain niya ba ito palabas ng hotel pero hindi niya naman pwedeng iwan ang babaeng kasama niya ngayon. Inis na ginulo ni Caspian ang buhok niya. Hindi niya inaasahan na makita si Davina rito.“Davina, it’s not what you think.” Seryoso niyang wika pero tipid lang na ngumiti si Davina. Pakiramdam ni Davina ay unti-unting pinipiga ang puso niya. Ayaw niya na lang marinig kahit na ano mula kay Caspian dahil sapat na kung anong nakita niya ngayong gabi.Humugot siya ng malalim na buntong hininga saka muling pinalis ang mga luha niyang hindi na yata tumutigil sa pagtulo.“It’s fine, you don’t need to explain.” Tatango-tango pa niyang aniya at bahagyang tumawa. Napalunok na lang si Caspian at naikuyom ang mga kamao niya. Blangko lang ang mukha niyang nakatingin kay Davina na para ng baliw dahil umiiyak siya pero tumatawa.“Babe, let’s go, sino ba yan? Alam mo namang aalis na rin ako mamaya eh.” Ma
Lumipas pa ang mga araw at sinubukang ituon ni Davina ang atensyon niya sa trabaho niya. Nagtataka ang mga kasama niya kung anong nangyari, naging blangko at seryoso ang mukha ni Davina. Masyado ring malamig ang tinig niya.Masaya sila dahil pakiramdam nila ay bumalik na ang tunay na Davina na nakasama nila pero masyado silang nagbabago. Masyado siyang tahimik nitong mga nakaraang linggo pero ngayon sobrang seryoso niya na at halos bilang na lang ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.“Naninibago ako, kapag kinakausap natin siya parang pinakamahaba na sa kaniya ang sampung salita na lalabas sa bibig niya.” nagtatakang saad ni Rose habang nakatingin sila kay Davina na seryoso lang ang mukha niyang nakikipag-usap sa ama niya.“Do you know what happened Jill? Mas malapit ka sa kaniya.” sabat na rin ni Mateo pero katulad nila ay walang alam si Jillian.“I don’t know too what happened baka nagpapakaprofessional lang siya sa trabaho natin, yun naman kasi ang dapat. Kapag oras ng trabaho
Nilihim ni Davina ang pagbubuntis niya, alam niya namang hindi rin magtatagal ay mahahalata ang tiyan niya pero mukha namang maliit ang tiyan niya kaya pwede pa niya itong itago hanggang 5 months. Gusto niya munang gawin ang trabaho niya, ayaw niyang umamin sa ama dahil alam niyang ikukulong lang siya nito sa bahay nila or worst baka ipaabort pa nito ang bata which is ayaw mangyari ni Davina.Diretso ang tayo niya habang nagbabantay siya sa labas ng office ng presidente. Mabuti na lamang at tuwing umaga lang siya nakakaramdam ng hilo at pagkasuka huwag lang talaga siyang makakaamoy ng ayaw niya.Napatakip na lang siya sa bibig niya nang humikab siya. Hindi niya talaga mapipigilan ang antok niya lalo na sa kalagayan niya.“Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi? Para kang puyat na puyat.” Wika sa kaniya ni Jillian na katabi niya lang.“Nakakaantok lang talaga ang ganitong oras.” Tugon ni Davina pero tinaasan siya ng kilay ni Jillian.“Sa pagkakaalam ko, hindi ka antukin Davina. Halos a
“What do you think you are doing?” salubong pa rin ang mga kilay ni Davina, iniwas niya ang paningin kay Kenzo. Alam ni Kenzo kung anong nangyari nitong mga nakalipas na linggo kay Davina pero hindi niya maintindihan kung bakit gusto siya nitong tulungan gayong dapat siya ang nagpipigil kay Davina na huwag puntahan si Caspian.Tipid lang namang ngumiti si Kenzo.“Dahil alam ko ang pakiramdam na yan, nakakabaliw Davina. Remember when you left me in the church? Nung nalaman kong ikinasal ka ng araw na dapat ay ikakasal din tayo. Ang dami kong tanong sa isip ko.”“Pero wala kang masyadong tinanong sa’kin para masagot ko ang lahat ng mga gumugulo sa isipan mo.” tugon naman ni Davina, tipid na ngumiti si Kenzo.“Dahil wala naman akong puwang sa puso mo Davina. Ako lang ang nagmamahal sa ating dalawa pero ikaw at si Caspian, you both love each other kaya mas mabuti sigurong mag-usap kayong dalawa para malinawan kayong pareho lalo ka na.” umiling naman si Davina, hindi niya alam kung kaya ba
Nanlaki na rin ang mga mata ni Davina dahil hindi niya inaasahan na gagawin ito sa kaniya ng Presidente.“Relax lang po kayo Mr. President, huwag kayong magpadalo-dalos sa mga desisyon niyo.” Wika ni Davina pero mas idiniin ng Presidente ang nguso ng baril sa sintido ni Davina.“Huwag kang maingay, manahimik ka dahil wala kang alam.” May diing wika ng Presidente.Nakatingin naman ang nakaitim na lalaki kay Davina habang salubong ang mga kilay niya.Hindi pwedeng magpadalos-dalos si Davina sa kilos niya dahil may bata sa sinapupunan niya. Kailangan niyang limitahan ang kilos niya kung ayaw niyang sa hospital na ang gising niya. Napalunok na lang siya at tinitingnan ang lalaking nasa harapan nila.“Huwag mong susubukang lumapit dahil papatayin ko ang babaeng ito.” pagbabanta ng Presidente.“Davina,” mahinang wika ni Caspian, ang lalaking nasa likod ng mask. Napahigpit na lang ang hawak niya sa baril niya dahil natatakot siyang may mangyari kay Davina. Isang maling galaw niya lang maaari
Nailipat na sa ibang kwarto si Davina, si Kenzo at Jillian pa rin ang nagbabantay sa kaniya dahil busy pa rin ang mga iba nilang kasamahan.Parehong tahimik si Jillian at Kenzo habang hinihintay ang paggising ni Davina.Maya-maya ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Mrs. Flores, ang ina ni Davina.“How is she? Is she okay now? Oh my God, my daughter.” Nag-aalala niyang tanong kay Kenzo, sinalubong naman siya ni Kenzo at Jillian.“Okay naman na po siya sabi ng Doctor. Hihintayin na lang po natin kung kailan siya magigising Tita.” sagot ni Kenzo.“Jusko, ano bang nangyayari sa bansa natin? Hindi ko na maintindihan ang mga kaguluhan sa bansang ito pero bakit kailangan pa nilang idamay ang anak ko?!” galit na galit niyang saad. Nang marinig ni Ms. Ava ang tungkol sa Presidente ay hindi niya lang yun pinagtuunan ng pansin pero nang malaman niyang si Davina ang tinutukoy sa bodyguard ng Presidente na nabaril ay nagmadali na siyang pumunta ng hospital.Nagkatinginan si Kenzo at Jilli
“AAAAHHHHHHHH!” malakas na sigaw ni Davina nang magulat siya sa isang mannequin na nagmukhang white lady. Inis siyang napakuyom ng mga kamao niya dahil sigurado siyang kagagawan na naman ito ng Kuya niyang wala na lang yatang magawa sa buhay. “Humanda ka talaga sa aking Oliver ka!” naiinis pa rin niyang wika. Pakiramdam niya ay panandaliang humiwalay sa katawan niya ang kaluluwa niya sa sobrang gulat niya. Kinuha niya ang toy gun niya saka niya hinanap kung nasaan na naman ang magaling niyang Kuya. Nang makita niya itong prenteng nakaupo sa sala at nanunuod ng tv ay dahan-dahan niya itong nilapitan. Itinutok niya ang toy gun niya sa leeg ng Kuya niya saka niya iyun sunod-sunod na ipinutok. “Ouch! Aray, Davina it hurt!” sigaw niya kay Davina pero hindi siya tinigilan ni Davina. Kinuha ni Oliver ang unan sa sofa at iniharang niya sa sarili niya para hindi siya tamaan ng toy gun ni Davina. “Ano bang problema mo? Masakit kahit na laruan lang yan!” sigaw niya na naman kay Davina. “Ah t
Akala ko dun na lang kami matatapos, akala ko hindi na kami makakabalik. Sa mga araw na nagdaan sa nakalipas na isang taon, wala kaming makita kundi kadiliman lang. Tatlong buwan kaming naging bihag ng mga gagung yun. Akala ko habang buhay na lang kaming nasa kadiliman, ang mga pagkain nilang hindi mo alam kung anong lasa pero dahil kailangan naming mabuhay, kailangan naming mapanatiling malakas ang katawan namin, pinilit namin at pikit mata naming kinain ang mga pagkain na iniaabot sa amin kahit na pinagtatawanan na nila kami habang nginunguya ang mga pagkaing yun. Nang magising ako mula sa coma, hindi kaagad ako nakapagsalita nang sabihin ni Danielle na ilang buwan na kaming tulog ni Evander. Halos gusto ko nang patayin si Danielle dahil pinipigilan nila akong bumalik ng Pilipinas kung nasaan si Lorelie. Halos mabaliw ako kapag iniisip kong inakala niyang patay na ako, na pinagluluksaan niya na ako. Wala akong ibang inisip kundi si Lorelie, tang-ina, ibang babae na pala ang naaala
Halos hindi sila makapaniwala sa kwento ni Evander at Caspian tungkol sa nangyari sa kanila. Mapait na ngumiti si Max at Railey, nakayuko naman na si Lorelie dahil pare-pareho silang naguilty nang maiwan sila ng helicopter. Iniisip nila kung hindi lang siguro nila naiwan si Evander at Caspian, hindi sana nila naranasan ang hirap na nangyari sa kanila sa loob ng isang taon. “Hindi niyo kasalanan kung anong nangyari dahil kung nagpaiwan pa kayong lahat, kung hindi pa kayo umalis baka lahat tayo maiiwan, baka lahat tayo naging bihag ng mga terorista. We never blame you guys dahil naiwan kami. The most important is we’re still complete.” Wika ni Caspian sa kanila. Napangiti na lang ako nang magyakapan silang lahat. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko. Pakiramdam ko hanggang ngayon nananaginip pa rin ako dahil nandito sila at kasama namin. Tiningnan ko si Kuya Danielle na tahimik lang sa dulo ng sofa. Nilingon ko rin si Daddy na patingin-tingin kay Kuya, napangiti ako, sigurado
Halos hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila sa akin ngayon. Nang bumalik ang ala-ala ni Caspian dun lang nalaman ni Danielle ang tunay niyang pagkatao. Ako na lang ang nahihirapan na isink in sa utak ko ang lahat ng mga nalaman ko.Naupo na muna ako sa sofa at ganun din sila. Ramdam ko ang mga titig nila sa akin pero masyadong naguguluhan ang isip ko.“Alam naming magulo para sayo. Matagal na panahon naming minanmanan ang grupo ni Dead Angel kaya marami na kaming alam sa background niya, kung anong mga ginawa niya na dati pa. Sa kaniya lumaki si Danielle but he never treated him as his own son dahil kinidnap lang naman niya ito noong bata pa siya para makapaghiganti sa ama mo Davina. Napatay ni Mr. Flores ang anak ni Dead Angel kaya kinidnap niya si Danielle para gawing anak niya o kapalit ng namayapa niyang anak. Ilang taon din naming pinag-aralan ang tungkol kay Dead Angel at nang mapatay namin siya, nagkaroon kami ng acces sa lahat ng mga gamit at ari-arian niya. Lahat ng mga
DAVINA’S POVIt’s been a year pero hanggang ngayon sariwa pa rin ang sakit. Sa bawat araw na lilipas hindi ko alam kung paano ko yun nalalampasan. Nagpapasalamat pa rin ako dahil binigyan mo ako ng isang anghel, may iniwan ka pa ring ala-ala para sa akin. Bumabangon at nagiging malakas ako sa bawat araw kasama ng anak natin Caspian.Ni hindi man lang kita nakita, nayakap, nahalikan at nahaplos ang bawat parte ng katawan mo. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para maipaglaban ka sa mundong ito pero wala akong nagawa nang si Kamatayan na ang naging kalaban ko. You promised me that everything gonna okay, sinabi mo sa’kin na may aayusin ka lang pero bakit hindi ka na bumalik?Isang taon na ang nakalipas pero yung sakit nandito pa rin sa’kin. Araw-araw ko pa ring nararamdaman yung sakit, yung pangungulila ko sayo. Nakakalimutan kita panandalian kapag nandito ang mga kaibigan mo pero sa tuwing kami na lang ng anak mo ang naiiwan, nandyan na naman ang sakit.Kahit araw-araw kong hilingin na san
Iniayos ni Kenzo ang mga dala-dala niyang pagkain saka niya iyun ibinaba. Inilatag niya na rin ang isang tela at dinoblehan pa yun para hindi tumagos dun ang Bermuda baka kasi katihin si Caleb kapag hindi niya dinoblehan. “Pwede bang buhatin ko muna si Caleb, hi baby Caleb, dito ka muna kay Tito Max okay?” natutuwang wika ni Max habang kinakausap niya ang bata. “Da..da,” tawag niya rito, lahat sila na may ginagawa ay napatingin kay Caleb. Bakas ang gulat sa mukha ni Max dahil sa tinawag sa kaniya ni Caleb. “Sandali, ako ba ang tinawag niyang Dada? Tinawag niya akong Dada hahahaha.” Tuwang tuwang sigaw ni Max kaya lumapit silang lahat kay Davina na siyang may buhat buhat kay Caleb. “Assuming mo naman, normal lang na magsalita siya ng ganun naitaon lang na ikaw ang kaharap.” Nakangiwing wika ni Sophia kay Max. “Well, ako talaga ang Daddy ni Caleb, ano nga baby Caleb? Ang cute cute naman ng prinsipe naming iyan.” Paglalaro pa ni Max kay Caleb. “When did he said a word?” tanong ni K
Tulalang nakatingin sa karagatan si Davina. Hinahayaan niyang tangayin ng hangin ang mahaba niyang buhok. Sa bawat araw na dumadaan ay ito ang gawain niya, ang pumunta sa dagat at manatili ng isa o dalawang oras.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at tipid siyang ngumiti. Sa tuwing naaalala niya ang araw na natanggap niya ang sulat mula kay Caspian, ramdam pa rin niya yung sakit. Kahit lumilipas ang oras araw-araw, masakit pa rin.1 year ago.....“Pareho na silang wala Davina.” Ang mga salita na nakapagpabagsak ng mundo niya. Umiling nang umiling si Davina, napaatras pa siya dahil ayaw niyang maniwala, wala siyang pinaniniwalaan.“I don’t believe you, Max I’m begging you. Huwag naman ganito oh, huwag niyo naman akong biruin, please.” Nagmamakaawa niyang wika. Mabilis na inalalayan ni Railey si Davina nang muntik pa itong matumba dahil sa panghihina.Walang magawa si Railey at Max para pagaanin ang nararamdaman ni Davina. Sa mga mata pa lang niya alam mo ng araw-araw
Bago gawin nina Caspian ang misyon nila sa Presidente ay binilin niya na silang lahat kung anong mga dapat nilang gawin. Nang malaman niyang isa si Davina sa nagbabantay sa Presidente ay binilin niya si Lorelie na ilayo niya si Davina kahit sa anong klaseng paraan basta mailayo niya ito.Nang lumabas si Davina kasama ang Presidente ay akma na sanang hihilain ni Lorelie si Davina pero umatras siya. Umiling siya sa sarili niya, hanggang ngayon ramdam pa rin niya ang inis at galit kay Davina. Sinisisi niya ito kung bakit nasaktan siya ni Caspian kaya pinabayaan niya si Davina. Iniwan niya ito at hinayaan na kung anong mangyayari sa kaniya.Nang mabaril si Davina wala man lang naramdamang kahit kaunting awa si Lorelie para sa kaniya. Hindi niya kasi matanggap na minahal ni Caspian ng sobra si Davina habang siya hanggang ngayon nasasaktan pa rin dahil hindi niya naramdaman ang pag-aalaga at pag-aalala kay Caspian na nagagawa niya ngayon kay Davina.Naggagayak na silang lahat dahil aalis na
Flashback Galit na galit si Caspian nang makabalik siya ng headquarter nila, kulang na lang ay kainin ka niya ng buhay sa sobrang galit niya. “Goddamn it! Who said I was in a bar?!” halos gumuhit lahat ng mga litid ni Caspian sa leeg niya dahil sa lakas ng sigaw niya at sa tindi ng galit niya. Nakapila na silang lahat at nakakunot ang noo maliban kay Lorelie na nakayuko na ang ulo niya at nilalaro niya na ang mga daliri niya dahil sa kabang nararamdaman niya. Umayos siya nang tayo dahil baka mahalata siya ni Caspian. “Why? What happened?” tanong ni Evander. Inis na sinabunutan ni Caspian ang buhok niya. “Davina is there, she’s there and she saw us! Damn it!” nanggagalaiti pa rin niyang sigaw. Hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag kay Davina. Inis siyang napasuntok sa pader nang maalala niya ang mga mata ni Davina kanina, punong puno ng sakit, lungkot at para bang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso niya. “What do you mean? Nasa bar si Davina kung saan may operation ka?”