Nang makapasok si Caspian sa kwarto nila ni Davina ay dahan-dahan pa siyang naglakad palapit sa sofa habang nasa kama naman si Davina. Ramdam ni Davina ang pagpasok ni Caspian sa kwarto nila pero hindi niya ito pinansin.“I’m sorry for what happened lately.” Malumanay niyang hinging tawad. Naupo nang maayos si Davina saka siya sumandal sa headboard.“For what? Hindi ko alam ang sinasabi mo.” tila masungit niyang wika. Napabuntong hininga naman si Caspian dahil ayaw niya nang umaamin siya sa mali niya dahil kahit na siya ang may mali, hinding hindi siya hihingi ng sorry.“Sa paraan ng pananalita ko kanina, kung pakiramdam mo kinokontrol ko ang buhay mo, I didn’t mean that.” kalmado niyang wika, napakasoft ng tinig niya ngayon. Mas lalo tuloy naguilty si Davina dahil mukhang inisip ni Caspian ang mga binitawang salita ni Davina kanina.“Wala yun, hayaan mo na.” sagot niya na lang din.“But still, I’m sorry.” Hindi na nilingon ni Davina si Caspian dahil para bang lumalambot ang puso niya
Nang makarating sila ng bahay ay nauna nang bumaba si Caspian at padabog pa niyang isinarado ang pintuan.“Ano bang problema mo?! Pwede ba kung may sarili kang problema huwag mo na akong idamay pa dahil marami rin akong problema na dapat kong gawin! Kung gusto mo naman na palang umuwi, pwede mo namang sabihin sa’kin yun at kusa akong sasama sayo. Hindi mo na ako kailangan pang kaladkarin na para bang bata!” galit na galit na wika ni Davina habang nakasunod siya kay Caspian.Binilisan ni Davina ang paglakad niya saka niya hinawakan sa braso si Caspian para pigilan ito. Hinarap niya si Caspian at halos hinihingal pa si Davina dahil sa pagsigaw at paghabol niya kay Caspian. Tiningnan naman siya ni Caspian.“Sabihin mo nga sa’kin, ano bang problema mo?!” galit pa rin niyang tanong dito, naguguluhan si Davina kung bakit ba bigla bigla na lang nagbabago ang kinikilos ni Caspian. Wala naman siyang maalalang may ginawa siyang hindi nagustuhan ni Caspian saka kung meron man, ano pa bang pakial
Nanlaki ang mga mata ni Davina dahil sa pwesto nila ngayon ni Caspian. Bakas na bakas ang pagod kay Caspian.“A-Are you okay?” tanong niya rito, pigil pigil tuloy ang hininga ni Davina dahil sa pwesto nila ni Caspian ngayon ay para silang magkayakap.“I just want to rest on your shoulder, please let me stay for a while.” Tila nakikiusap niyang wika, sa boses pa lang niya alam mong pagod na. Wala namang nagawa si Davina kundi ang hayaan si Caspian sa gusto niya. Nakapikit ang mga mata ni Caspian at nakakaramdam siya ng kaunting pahinga sa bisig ni Davina.Halos manlamig ang katawan ni Davina nang maramdaman niya ang mainit na mga kamay ni Caspian na dahan-dahan na yumakap sa kaniya. Muli siyang napalunok pero hindi siya gumalaw. Tiningnan niya si Caspian at napabuntong hininga na lang siya. Nag-aalinlagan siyang yakapin din si Caspian pero sa tingin niya iyun ang tama para kahit papaano ay mabawasan ang pagod na nararamdaman ng binata.Dahan-dahan na iniangat ni Davina ang mga kamay ni
Masayang nakatitig si Caspian kay Davina dahil sa mga nakalipas na taon, ang bumibili ng mga gamit niya sa kusina ay si Max at Sophia. May ibang tao naman ng ginagawa ang mga ginagawa ni Davina ngayon pero iba pa rin yung pakiramdam niya kapag si Davina na ang gumagawa lalo na at nakikita at pinapanuod niya ang bawat kilos ni Davina.“Wala ka bang balak gawin?” pagtatanong ni Davina para mabawasan ang ilang na nararamdaman niya dahil sa titig ni Caspian.“Meron,” tipid niyang sagot pero nanatili siyang nakangiti.“Meron naman pala pero bakit nandito ka pa?” nilingon niya na si Caspian ngayon pero umiwas din siya dahil nakangiti na naman ito na para bang tanga, wala naman dapat ikangiti.“Hindi ba at mamimili tayo kaya bakit ako aalis ng hindi ka pa kasama?” kinalma ni Davina ang sarili niya, nawala sa isip niyang iyun nga pala ang gagawin nila pagkatapos niyang maglista. Paanong hindi siya mawawala sa sarili niya kung nadidistract siya sa presensya ni Caspian?Hindi na lang sumagot si
Kumalas naman na si Caspian sa pagkakayakap niya kay Davina kaya nagtatakang nakatingin sa kaniya si Davina.Napapailing na lang din si Max at Evander na nakatingin sa kanilang dalawa. Kung magmadali si Caspian kanina akala mo katapusan na ng mundo.“Ano bang nangyari? Bakit ka ganiyan? You look pale.” Saad ni Davina. Napabuga na lang ng hangin si Caspian dahil nakaginhawa ang pakiramdam niya, kanina kasi akala mo sasabog na ang puso niya sa sobrang kaba at pag-aalala.“I saw on the internet that there is a hostage taking in a mall kaya nagmadali akong pumunta rito, are you okay?” bakas pa rin ang pag-aalala sa tono ng boses ni Caspian. Natawa naman sa kaniya si Davina.“Napanuod mo na pala, bakit hindi mo pa tiningnan kung saang mall? Akala mo naman iisa lang ang mall dito sa Manila. 30 minutes ang layo ng mall kung saan may hostage taking mula rito.” aniya saka tiningnan ang malaking tv hindi kalayuan sa kanila. Tiningnan na rin yun ni Caspian at nagpapasalamat siya dahil hindi siya
Naalimpungatan si Davina ng tumunog ang cell phone niya. Malabo pa ang mga mata niya nang tiningnan niya iyun. Ikinurap-kurap niya ang mga mata niya para makita kung sino ba ang tumatawag sa kaniya gayong gabing-gabi na.Halos bumalikwas siya sa pagkakahiga niya nang makita niya na kung kaninong pangalan ang nakarehistro sa tumatawag sa cell phone niya.“Hello Dad?” paos pa niyang sagot dahil kagigising niya lang naman.“This is Lieutenant Flores, what is the update in your mission, Captain Flores?” maawtoridad na tanong sa kaniya kaya inayos niya ang boses niya at tumayo rin siya ng tuwid na akala mo ay nasa harapan niya lang ang kausap niya.“I’m still doing it Sir, sinububukan ko pa ring maghanap ng impormasyon tungkol sa kaniya.”“Impormasyon? Sinabi ko na sayo lahat ng nalalaman ko tungkol sa kaniya kaya anong impormasyon pa ba ang kailangan mo. Kailan mo pa balak patayin ang katulad niya?” bakas ang inis sa boses ng kaniyang ama.“Maaari ngang nasabi niyo na lahat sa akin Sir pe
Tumayo si Davina saka niya pinagpag ang mga kamay niya at tipid na ngumiti kay Caspian.“Ang akala ko ba ay hindi ka makakauwi kaagad?” pilit niyang itinatago ang kaba niya at pilit na ginagawang normal ang boses niya.“Answer my question Davina, what are you doing in my library and in my things?” malamig at blangko pa rin niyang tanong. Bahagyang humugot ng hininga si Davina saka siya ngumiti na para bang hindi naapektuhan sa malamig at seryosong tinig ni Caspian.“Naisipan ko kasing ayusin ang mga gamit mo rito dahil wala naman akong magawa. Pasensya ka na kung kailangan ko pang pakialamanan at hawakan ang mga personal things mo. Ibabalik ko na lang.” saad niya saka sinimulan nang pulutin ang mga libro at ibabalik na sana sa mga kinalalagyan nila nang pigilan na siya ni Caspian.“It’s okay, even I don’t want you to clean the house, ikaw ang bahala. May nakalimutan lang ako kaya ako bumalik.” Aniya saka may kinuha sa likod ng swivel chair niya kung saan natatabunan ng malalaking libr
Pabalik-balik na naglalakad si Davina sa sofa nang makauwi siya sa bahay ni Caspian habang kagat kagat ang kuko. Hindi niya alam kung anong gagawin niya, masyado siyang naguguluhan. Maaari bang magkamali siya sa nakita niya? Posibleng may pagkakapareho lang sila ni Caspian sa lalaking nakuha sa cctv?Hindi niya naman siguro kailangang mag-alala dahil sinabi naman sa kaniya ni Jillian na ibinigay niya na lahat ng kailangan niyang malaman pero paano kung malaman din ng ama niya ang tungkol dito?“Damn it!” inis niyang mura, gulong gulo ang isip niya. Hindi pa niya alam kung anong magiging desisyon niya. Hirap na hirap siyang magbitiw ng desisyon. Alam niyang kailangan niyang gawin kung anong tama para sa batas pero tila ba nanghihina ang mga kamay niyang humawak ng baril at itutok iyun kay Caspian.“Ano bang nangyayari sa’kin? Davina, ayusin mo ang sarili mo.” pakiramdam niya hindi niya na rin kilala ang sarili niya. Kilala siyang walang puso, magaling na isang agent at walang kinikilal