Nanlaki ang mga mata ni Davina dahil sa pwesto nila ngayon ni Caspian. Bakas na bakas ang pagod kay Caspian.“A-Are you okay?” tanong niya rito, pigil pigil tuloy ang hininga ni Davina dahil sa pwesto nila ni Caspian ngayon ay para silang magkayakap.“I just want to rest on your shoulder, please let me stay for a while.” Tila nakikiusap niyang wika, sa boses pa lang niya alam mong pagod na. Wala namang nagawa si Davina kundi ang hayaan si Caspian sa gusto niya. Nakapikit ang mga mata ni Caspian at nakakaramdam siya ng kaunting pahinga sa bisig ni Davina.Halos manlamig ang katawan ni Davina nang maramdaman niya ang mainit na mga kamay ni Caspian na dahan-dahan na yumakap sa kaniya. Muli siyang napalunok pero hindi siya gumalaw. Tiningnan niya si Caspian at napabuntong hininga na lang siya. Nag-aalinlagan siyang yakapin din si Caspian pero sa tingin niya iyun ang tama para kahit papaano ay mabawasan ang pagod na nararamdaman ng binata.Dahan-dahan na iniangat ni Davina ang mga kamay ni
Masayang nakatitig si Caspian kay Davina dahil sa mga nakalipas na taon, ang bumibili ng mga gamit niya sa kusina ay si Max at Sophia. May ibang tao naman ng ginagawa ang mga ginagawa ni Davina ngayon pero iba pa rin yung pakiramdam niya kapag si Davina na ang gumagawa lalo na at nakikita at pinapanuod niya ang bawat kilos ni Davina.“Wala ka bang balak gawin?” pagtatanong ni Davina para mabawasan ang ilang na nararamdaman niya dahil sa titig ni Caspian.“Meron,” tipid niyang sagot pero nanatili siyang nakangiti.“Meron naman pala pero bakit nandito ka pa?” nilingon niya na si Caspian ngayon pero umiwas din siya dahil nakangiti na naman ito na para bang tanga, wala naman dapat ikangiti.“Hindi ba at mamimili tayo kaya bakit ako aalis ng hindi ka pa kasama?” kinalma ni Davina ang sarili niya, nawala sa isip niyang iyun nga pala ang gagawin nila pagkatapos niyang maglista. Paanong hindi siya mawawala sa sarili niya kung nadidistract siya sa presensya ni Caspian?Hindi na lang sumagot si
Kumalas naman na si Caspian sa pagkakayakap niya kay Davina kaya nagtatakang nakatingin sa kaniya si Davina.Napapailing na lang din si Max at Evander na nakatingin sa kanilang dalawa. Kung magmadali si Caspian kanina akala mo katapusan na ng mundo.“Ano bang nangyari? Bakit ka ganiyan? You look pale.” Saad ni Davina. Napabuga na lang ng hangin si Caspian dahil nakaginhawa ang pakiramdam niya, kanina kasi akala mo sasabog na ang puso niya sa sobrang kaba at pag-aalala.“I saw on the internet that there is a hostage taking in a mall kaya nagmadali akong pumunta rito, are you okay?” bakas pa rin ang pag-aalala sa tono ng boses ni Caspian. Natawa naman sa kaniya si Davina.“Napanuod mo na pala, bakit hindi mo pa tiningnan kung saang mall? Akala mo naman iisa lang ang mall dito sa Manila. 30 minutes ang layo ng mall kung saan may hostage taking mula rito.” aniya saka tiningnan ang malaking tv hindi kalayuan sa kanila. Tiningnan na rin yun ni Caspian at nagpapasalamat siya dahil hindi siya
Naalimpungatan si Davina ng tumunog ang cell phone niya. Malabo pa ang mga mata niya nang tiningnan niya iyun. Ikinurap-kurap niya ang mga mata niya para makita kung sino ba ang tumatawag sa kaniya gayong gabing-gabi na.Halos bumalikwas siya sa pagkakahiga niya nang makita niya na kung kaninong pangalan ang nakarehistro sa tumatawag sa cell phone niya.“Hello Dad?” paos pa niyang sagot dahil kagigising niya lang naman.“This is Lieutenant Flores, what is the update in your mission, Captain Flores?” maawtoridad na tanong sa kaniya kaya inayos niya ang boses niya at tumayo rin siya ng tuwid na akala mo ay nasa harapan niya lang ang kausap niya.“I’m still doing it Sir, sinububukan ko pa ring maghanap ng impormasyon tungkol sa kaniya.”“Impormasyon? Sinabi ko na sayo lahat ng nalalaman ko tungkol sa kaniya kaya anong impormasyon pa ba ang kailangan mo. Kailan mo pa balak patayin ang katulad niya?” bakas ang inis sa boses ng kaniyang ama.“Maaari ngang nasabi niyo na lahat sa akin Sir pe
Tumayo si Davina saka niya pinagpag ang mga kamay niya at tipid na ngumiti kay Caspian.“Ang akala ko ba ay hindi ka makakauwi kaagad?” pilit niyang itinatago ang kaba niya at pilit na ginagawang normal ang boses niya.“Answer my question Davina, what are you doing in my library and in my things?” malamig at blangko pa rin niyang tanong. Bahagyang humugot ng hininga si Davina saka siya ngumiti na para bang hindi naapektuhan sa malamig at seryosong tinig ni Caspian.“Naisipan ko kasing ayusin ang mga gamit mo rito dahil wala naman akong magawa. Pasensya ka na kung kailangan ko pang pakialamanan at hawakan ang mga personal things mo. Ibabalik ko na lang.” saad niya saka sinimulan nang pulutin ang mga libro at ibabalik na sana sa mga kinalalagyan nila nang pigilan na siya ni Caspian.“It’s okay, even I don’t want you to clean the house, ikaw ang bahala. May nakalimutan lang ako kaya ako bumalik.” Aniya saka may kinuha sa likod ng swivel chair niya kung saan natatabunan ng malalaking libr
Pabalik-balik na naglalakad si Davina sa sofa nang makauwi siya sa bahay ni Caspian habang kagat kagat ang kuko. Hindi niya alam kung anong gagawin niya, masyado siyang naguguluhan. Maaari bang magkamali siya sa nakita niya? Posibleng may pagkakapareho lang sila ni Caspian sa lalaking nakuha sa cctv?Hindi niya naman siguro kailangang mag-alala dahil sinabi naman sa kaniya ni Jillian na ibinigay niya na lahat ng kailangan niyang malaman pero paano kung malaman din ng ama niya ang tungkol dito?“Damn it!” inis niyang mura, gulong gulo ang isip niya. Hindi pa niya alam kung anong magiging desisyon niya. Hirap na hirap siyang magbitiw ng desisyon. Alam niyang kailangan niyang gawin kung anong tama para sa batas pero tila ba nanghihina ang mga kamay niyang humawak ng baril at itutok iyun kay Caspian.“Ano bang nangyayari sa’kin? Davina, ayusin mo ang sarili mo.” pakiramdam niya hindi niya na rin kilala ang sarili niya. Kilala siyang walang puso, magaling na isang agent at walang kinikilal
Halos maalimpungatan si Davina sa kinahihigaan niya nang marealize niyang nakahiga na siya sa kama niya, ang pagkakaalala niya kagabi ay sa sofa na siya nakatulog at hindi na nakakain pa ng hapunan. Mabilis siyang bumangon sa kinahihigaan niya at tila ba isang malamig na tubig ang bumuhos sa buong pagkatao niya.Iniisip kung paano ba siya nakalipat sa kwarto niya.“Umuwi ba siya?” nagtatakang tanong niya na lang sa sarili, tinutukoy si Caspian. Tiningnan niya ang side table niya para sana itago ang folder na ibinigay sa kaniya ni Jillian tungkol sa mga nalalaman niya kay Dead Angel pero nanigas na lang siya sa kinatatayuan niya nang hindi niya na yun dun makita.Mabilis niyang hinalungkat ang mga gamit niya pero tila unti-unti nang gumagapang ang kaba sa dibdib niya. Hindi niya yun naitago kagabi dahil ang alam niya ay hindi uuwi si Caspian.“Hindi kaya, nasa kaniya na ang folder na yun? No way, hindi pwede. What did you do Davina?!” inis niyang sinabunutan ang sarili dahil paano nga
Nang wala na ring bala ang baril ni Davina ay hinugot niya na rin ang balisong na nasa tagiliran niya ganun na rin si Caspian.“I guess, we are not meant to love each other but we are meant to be to kill each other and I’m sad knowing that. You are an amazing woman Davina but I’m sorry.” Seryoso at blangkong wika ni Caspian. Diretso lang ding nakatingin si Davina kay Caspian at sabay na silang tumakbo palapit sa isa’t isa habang hawak hawak ang nagkikislapang mga kutsilyo nila na alam mong kunting dikit lang sa balat mo ay mag-iiwan na ng sugat.Itinutok nila sa leeg ng isa’t isa ang mga kutsilyong hawak nila. Matatalim ang mga tinging iginagawad sa isa’t isa.“I’m sorry too if I need to kill you Caspian. Ayaw ko ng may madamay at mamatay pang mga inosenteng tao dahil sa kasamaan mo.” matigas na wika ni Davina habang nasa leeg ni Caspian ang kutsilyo niya. Wala namang emosyon ang makikita kay Caspian, nakatitig lang si Caspian kay Davina pero sa mga mata niya, wala kang makikitang gal
“AAAAHHHHHHHH!” malakas na sigaw ni Davina nang magulat siya sa isang mannequin na nagmukhang white lady. Inis siyang napakuyom ng mga kamao niya dahil sigurado siyang kagagawan na naman ito ng Kuya niyang wala na lang yatang magawa sa buhay. “Humanda ka talaga sa aking Oliver ka!” naiinis pa rin niyang wika. Pakiramdam niya ay panandaliang humiwalay sa katawan niya ang kaluluwa niya sa sobrang gulat niya. Kinuha niya ang toy gun niya saka niya hinanap kung nasaan na naman ang magaling niyang Kuya. Nang makita niya itong prenteng nakaupo sa sala at nanunuod ng tv ay dahan-dahan niya itong nilapitan. Itinutok niya ang toy gun niya sa leeg ng Kuya niya saka niya iyun sunod-sunod na ipinutok. “Ouch! Aray, Davina it hurt!” sigaw niya kay Davina pero hindi siya tinigilan ni Davina. Kinuha ni Oliver ang unan sa sofa at iniharang niya sa sarili niya para hindi siya tamaan ng toy gun ni Davina. “Ano bang problema mo? Masakit kahit na laruan lang yan!” sigaw niya na naman kay Davina. “Ah t
Akala ko dun na lang kami matatapos, akala ko hindi na kami makakabalik. Sa mga araw na nagdaan sa nakalipas na isang taon, wala kaming makita kundi kadiliman lang. Tatlong buwan kaming naging bihag ng mga gagung yun. Akala ko habang buhay na lang kaming nasa kadiliman, ang mga pagkain nilang hindi mo alam kung anong lasa pero dahil kailangan naming mabuhay, kailangan naming mapanatiling malakas ang katawan namin, pinilit namin at pikit mata naming kinain ang mga pagkain na iniaabot sa amin kahit na pinagtatawanan na nila kami habang nginunguya ang mga pagkaing yun. Nang magising ako mula sa coma, hindi kaagad ako nakapagsalita nang sabihin ni Danielle na ilang buwan na kaming tulog ni Evander. Halos gusto ko nang patayin si Danielle dahil pinipigilan nila akong bumalik ng Pilipinas kung nasaan si Lorelie. Halos mabaliw ako kapag iniisip kong inakala niyang patay na ako, na pinagluluksaan niya na ako. Wala akong ibang inisip kundi si Lorelie, tang-ina, ibang babae na pala ang naaala
Halos hindi sila makapaniwala sa kwento ni Evander at Caspian tungkol sa nangyari sa kanila. Mapait na ngumiti si Max at Railey, nakayuko naman na si Lorelie dahil pare-pareho silang naguilty nang maiwan sila ng helicopter. Iniisip nila kung hindi lang siguro nila naiwan si Evander at Caspian, hindi sana nila naranasan ang hirap na nangyari sa kanila sa loob ng isang taon. “Hindi niyo kasalanan kung anong nangyari dahil kung nagpaiwan pa kayong lahat, kung hindi pa kayo umalis baka lahat tayo maiiwan, baka lahat tayo naging bihag ng mga terorista. We never blame you guys dahil naiwan kami. The most important is we’re still complete.” Wika ni Caspian sa kanila. Napangiti na lang ako nang magyakapan silang lahat. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko. Pakiramdam ko hanggang ngayon nananaginip pa rin ako dahil nandito sila at kasama namin. Tiningnan ko si Kuya Danielle na tahimik lang sa dulo ng sofa. Nilingon ko rin si Daddy na patingin-tingin kay Kuya, napangiti ako, sigurado
Halos hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila sa akin ngayon. Nang bumalik ang ala-ala ni Caspian dun lang nalaman ni Danielle ang tunay niyang pagkatao. Ako na lang ang nahihirapan na isink in sa utak ko ang lahat ng mga nalaman ko.Naupo na muna ako sa sofa at ganun din sila. Ramdam ko ang mga titig nila sa akin pero masyadong naguguluhan ang isip ko.“Alam naming magulo para sayo. Matagal na panahon naming minanmanan ang grupo ni Dead Angel kaya marami na kaming alam sa background niya, kung anong mga ginawa niya na dati pa. Sa kaniya lumaki si Danielle but he never treated him as his own son dahil kinidnap lang naman niya ito noong bata pa siya para makapaghiganti sa ama mo Davina. Napatay ni Mr. Flores ang anak ni Dead Angel kaya kinidnap niya si Danielle para gawing anak niya o kapalit ng namayapa niyang anak. Ilang taon din naming pinag-aralan ang tungkol kay Dead Angel at nang mapatay namin siya, nagkaroon kami ng acces sa lahat ng mga gamit at ari-arian niya. Lahat ng mga
DAVINA’S POVIt’s been a year pero hanggang ngayon sariwa pa rin ang sakit. Sa bawat araw na lilipas hindi ko alam kung paano ko yun nalalampasan. Nagpapasalamat pa rin ako dahil binigyan mo ako ng isang anghel, may iniwan ka pa ring ala-ala para sa akin. Bumabangon at nagiging malakas ako sa bawat araw kasama ng anak natin Caspian.Ni hindi man lang kita nakita, nayakap, nahalikan at nahaplos ang bawat parte ng katawan mo. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para maipaglaban ka sa mundong ito pero wala akong nagawa nang si Kamatayan na ang naging kalaban ko. You promised me that everything gonna okay, sinabi mo sa’kin na may aayusin ka lang pero bakit hindi ka na bumalik?Isang taon na ang nakalipas pero yung sakit nandito pa rin sa’kin. Araw-araw ko pa ring nararamdaman yung sakit, yung pangungulila ko sayo. Nakakalimutan kita panandalian kapag nandito ang mga kaibigan mo pero sa tuwing kami na lang ng anak mo ang naiiwan, nandyan na naman ang sakit.Kahit araw-araw kong hilingin na san
Iniayos ni Kenzo ang mga dala-dala niyang pagkain saka niya iyun ibinaba. Inilatag niya na rin ang isang tela at dinoblehan pa yun para hindi tumagos dun ang Bermuda baka kasi katihin si Caleb kapag hindi niya dinoblehan. “Pwede bang buhatin ko muna si Caleb, hi baby Caleb, dito ka muna kay Tito Max okay?” natutuwang wika ni Max habang kinakausap niya ang bata. “Da..da,” tawag niya rito, lahat sila na may ginagawa ay napatingin kay Caleb. Bakas ang gulat sa mukha ni Max dahil sa tinawag sa kaniya ni Caleb. “Sandali, ako ba ang tinawag niyang Dada? Tinawag niya akong Dada hahahaha.” Tuwang tuwang sigaw ni Max kaya lumapit silang lahat kay Davina na siyang may buhat buhat kay Caleb. “Assuming mo naman, normal lang na magsalita siya ng ganun naitaon lang na ikaw ang kaharap.” Nakangiwing wika ni Sophia kay Max. “Well, ako talaga ang Daddy ni Caleb, ano nga baby Caleb? Ang cute cute naman ng prinsipe naming iyan.” Paglalaro pa ni Max kay Caleb. “When did he said a word?” tanong ni K
Tulalang nakatingin sa karagatan si Davina. Hinahayaan niyang tangayin ng hangin ang mahaba niyang buhok. Sa bawat araw na dumadaan ay ito ang gawain niya, ang pumunta sa dagat at manatili ng isa o dalawang oras.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at tipid siyang ngumiti. Sa tuwing naaalala niya ang araw na natanggap niya ang sulat mula kay Caspian, ramdam pa rin niya yung sakit. Kahit lumilipas ang oras araw-araw, masakit pa rin.1 year ago.....“Pareho na silang wala Davina.” Ang mga salita na nakapagpabagsak ng mundo niya. Umiling nang umiling si Davina, napaatras pa siya dahil ayaw niyang maniwala, wala siyang pinaniniwalaan.“I don’t believe you, Max I’m begging you. Huwag naman ganito oh, huwag niyo naman akong biruin, please.” Nagmamakaawa niyang wika. Mabilis na inalalayan ni Railey si Davina nang muntik pa itong matumba dahil sa panghihina.Walang magawa si Railey at Max para pagaanin ang nararamdaman ni Davina. Sa mga mata pa lang niya alam mo ng araw-araw
Bago gawin nina Caspian ang misyon nila sa Presidente ay binilin niya na silang lahat kung anong mga dapat nilang gawin. Nang malaman niyang isa si Davina sa nagbabantay sa Presidente ay binilin niya si Lorelie na ilayo niya si Davina kahit sa anong klaseng paraan basta mailayo niya ito.Nang lumabas si Davina kasama ang Presidente ay akma na sanang hihilain ni Lorelie si Davina pero umatras siya. Umiling siya sa sarili niya, hanggang ngayon ramdam pa rin niya ang inis at galit kay Davina. Sinisisi niya ito kung bakit nasaktan siya ni Caspian kaya pinabayaan niya si Davina. Iniwan niya ito at hinayaan na kung anong mangyayari sa kaniya.Nang mabaril si Davina wala man lang naramdamang kahit kaunting awa si Lorelie para sa kaniya. Hindi niya kasi matanggap na minahal ni Caspian ng sobra si Davina habang siya hanggang ngayon nasasaktan pa rin dahil hindi niya naramdaman ang pag-aalaga at pag-aalala kay Caspian na nagagawa niya ngayon kay Davina.Naggagayak na silang lahat dahil aalis na
Flashback Galit na galit si Caspian nang makabalik siya ng headquarter nila, kulang na lang ay kainin ka niya ng buhay sa sobrang galit niya. “Goddamn it! Who said I was in a bar?!” halos gumuhit lahat ng mga litid ni Caspian sa leeg niya dahil sa lakas ng sigaw niya at sa tindi ng galit niya. Nakapila na silang lahat at nakakunot ang noo maliban kay Lorelie na nakayuko na ang ulo niya at nilalaro niya na ang mga daliri niya dahil sa kabang nararamdaman niya. Umayos siya nang tayo dahil baka mahalata siya ni Caspian. “Why? What happened?” tanong ni Evander. Inis na sinabunutan ni Caspian ang buhok niya. “Davina is there, she’s there and she saw us! Damn it!” nanggagalaiti pa rin niyang sigaw. Hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag kay Davina. Inis siyang napasuntok sa pader nang maalala niya ang mga mata ni Davina kanina, punong puno ng sakit, lungkot at para bang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso niya. “What do you mean? Nasa bar si Davina kung saan may operation ka?”