Pabalik-balik na naglalakad si Davina sa sofa nang makauwi siya sa bahay ni Caspian habang kagat kagat ang kuko. Hindi niya alam kung anong gagawin niya, masyado siyang naguguluhan. Maaari bang magkamali siya sa nakita niya? Posibleng may pagkakapareho lang sila ni Caspian sa lalaking nakuha sa cctv?Hindi niya naman siguro kailangang mag-alala dahil sinabi naman sa kaniya ni Jillian na ibinigay niya na lahat ng kailangan niyang malaman pero paano kung malaman din ng ama niya ang tungkol dito?“Damn it!” inis niyang mura, gulong gulo ang isip niya. Hindi pa niya alam kung anong magiging desisyon niya. Hirap na hirap siyang magbitiw ng desisyon. Alam niyang kailangan niyang gawin kung anong tama para sa batas pero tila ba nanghihina ang mga kamay niyang humawak ng baril at itutok iyun kay Caspian.“Ano bang nangyayari sa’kin? Davina, ayusin mo ang sarili mo.” pakiramdam niya hindi niya na rin kilala ang sarili niya. Kilala siyang walang puso, magaling na isang agent at walang kinikilal
Halos maalimpungatan si Davina sa kinahihigaan niya nang marealize niyang nakahiga na siya sa kama niya, ang pagkakaalala niya kagabi ay sa sofa na siya nakatulog at hindi na nakakain pa ng hapunan. Mabilis siyang bumangon sa kinahihigaan niya at tila ba isang malamig na tubig ang bumuhos sa buong pagkatao niya.Iniisip kung paano ba siya nakalipat sa kwarto niya.“Umuwi ba siya?” nagtatakang tanong niya na lang sa sarili, tinutukoy si Caspian. Tiningnan niya ang side table niya para sana itago ang folder na ibinigay sa kaniya ni Jillian tungkol sa mga nalalaman niya kay Dead Angel pero nanigas na lang siya sa kinatatayuan niya nang hindi niya na yun dun makita.Mabilis niyang hinalungkat ang mga gamit niya pero tila unti-unti nang gumagapang ang kaba sa dibdib niya. Hindi niya yun naitago kagabi dahil ang alam niya ay hindi uuwi si Caspian.“Hindi kaya, nasa kaniya na ang folder na yun? No way, hindi pwede. What did you do Davina?!” inis niyang sinabunutan ang sarili dahil paano nga
Nang wala na ring bala ang baril ni Davina ay hinugot niya na rin ang balisong na nasa tagiliran niya ganun na rin si Caspian.“I guess, we are not meant to love each other but we are meant to be to kill each other and I’m sad knowing that. You are an amazing woman Davina but I’m sorry.” Seryoso at blangkong wika ni Caspian. Diretso lang ding nakatingin si Davina kay Caspian at sabay na silang tumakbo palapit sa isa’t isa habang hawak hawak ang nagkikislapang mga kutsilyo nila na alam mong kunting dikit lang sa balat mo ay mag-iiwan na ng sugat.Itinutok nila sa leeg ng isa’t isa ang mga kutsilyong hawak nila. Matatalim ang mga tinging iginagawad sa isa’t isa.“I’m sorry too if I need to kill you Caspian. Ayaw ko ng may madamay at mamatay pang mga inosenteng tao dahil sa kasamaan mo.” matigas na wika ni Davina habang nasa leeg ni Caspian ang kutsilyo niya. Wala namang emosyon ang makikita kay Caspian, nakatitig lang si Caspian kay Davina pero sa mga mata niya, wala kang makikitang gal
Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ni Davina, ngayon niya lang ito naramdaman. Sa maraming taon na naging matigas ang puso niya, naging sarado ang isip niya sa pagmamahal, ngayon masaya na siya sa nararamdaman niya.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya ng maalala niya ang dapat niyang trabaho. Ano bang dapat niyang sabihin sa Daddy niya, paano kapag nagtanong na ito sa misyon niya? Napahilot na lang siya sa sintido niya dahil hanggang ngayon wala pa rin siyang naiisip na paraan. Hindi pa rin niya alam kung anong ipapaliwanag o sasabihin niya.Paniguradong kasusuklaman na siya ng ama o baka mas lalo na siyang itakwil nito sa pamilya, pero mas malala kapag tinanggal siya sa trabaho dahil sinira niya ang unang rule sa trabaho niya.“Damn!” mahina niyang mura, tumingala siya sa kisame na para bang may makukuha siyang sagot dun.Isang oras na siyang nakababad sa bath tub niya pero hindi pa rin siya umaahon. Tanghali na sila nakabangon nang magmake love sila ni Casp
Halos lahat ng team ni Davina ay aligaga na nagpunta sa office ni Mr. Flores dahil ipinatawag silang lahat na under ni Davina.“Sa tingin mo, ano kayang ipapagawa sa atin ni Sir?” tanong ni Jillian kay Rose na isa rin sa team ni Davina.“Hindi ko rin alam baka maaaring may kinalaman kay Davina.” Seryoso niya namang sagot. Napatigil naman si Jiliian at biglang kinabahan. Paano kung nalaman ni Mr. Flores na ibinigay ni Jillian ang folder na nagpapatunay sa pagkatao ni Caspian?Napalunok na lang siya at muling sumunod sa mga kasama niya. Inayos niya ang expression ng mukha niya para kung sakaling tanungin siya ni Mr. Flores, masagot niya ng maayos ang lahat ng tanong.Magkakasama na silang lahat at sabay-sabay na sumaludo nang makarating sila sa office ni Mr. Flores.“Maupo kayong lahat,” utos niya sa mga ito na ginawa naman nila. Nakatayo si Mr. Flores sa tabi ng bintana niya saka niya hinarap ang mga tauhan ni Davina.“Alam niyo naman ng matagal ng hindi nakakabalik si Davina at hindi
Mabilis na niyakap ni Caspian si Davina para harangan ang pinalad niyang hinaharap. Nakayuko naman na si Davina dahil sa hiyang nararamdaman. Hindi siya sanay na ipakita sa ibang tao ang katawan niya, nagawa niya lang magsuot ng swim suit ngayon dahil si Caspian lang naman ang makakasama at makakakita sa kaniya.“Give me the robe, Sophia!” utos ni Caspian kay Sophia, napaismid na lang si Sophia pero wala siyang nagawa kundi kunin ang robe. Ibinigay naman na yun ni Sophia saka ibinalot ni Caspian kay Davina para takpan ang katawan niya.Umahon na silang dalawa at nakayuko pa rin si Davina. Nagsuot na rin si Caspian ng robe dahil nakaboxer lang naman siya. Napapairap na lang si Sophia dahil ang akala ba niya ay kasunduan lang ang nangyayari sa pagitan ni Caspian at Davina pero bakit may halikang nangyayari? Magkasama sa pool at parehong nakaswim suit lang.“Ano bang kailangan niyo at pumunta kayo rito ng wala man lang pasabi? You are entering my house without my permission.” Bakas pa ri
Naisipan ni Davina na umuwi na muna sa kanila dahil naalala niya ang tungkol sa notebook na hinahanap ng kung sino mang sindikato. Sigurado siyang patuloy pa rin siyang tinutugis dahil sa pag-aakalang nasa kaniya nga o kung may kinalaman ba siya sa notebook nilang nawawala. Kung hindi niya alam na nasa kaniya nga yun, kailangan niyang kumilos para hanapin bago pa siya maunahan ng mga taong pilit siyang pinapatay.“Davina, anak, you’re home.” Natutuwang salubong sa kaniya ng ina niyang nakaupo sa sofa habang sumisimsim ng paborito niyang tsaa.“Hi Mom, how are you?” nakipagbeso na muna si Davina saka niya ito nginitian at niyakap. “I miss you Mom,” malambing niyang wika sa ina.“I miss you too Baby, mabuti at nakadalaw ka rito. Kumusta ka naman? Hindi ka ba pinapahirapan ng Daddy mo sa trabaho mo?” naupo na muna si Davina saka nanguha ng cookies na kinakain ng ina.“Hindi kami magkasama ni Daddy, may sarili akong misyon na dapat kong tapusin but don’t worry Mom, walang mangyayari sa’ki
Tiningnan ni Davina ang paligid niya kung tama ba siya nang pinuntahan pero lingid sa kaniyang kaalaman ang ilang mga kalalakihang nakamasid sa kaniya. Napapangisi na lamang ang mga ito dahil kung sinuswerte ka nga naman, ang taong kailangan pa nila ang nagkusang nagpunta sa kanila.“Siguraduhin niyo lang na mahuhuli niyo siya ngayong gabi dahil kung hindi, baril ko ang haharapin niyo.” Maawtoridad na utos ni Gabrielle, ang leader ng Triangle na isa rin sa mafia organization.“Yes Sir,” mabilis naman nilang sagot kaya mas lalong napangisi si Gabrielle dahil sa wakas, makukuha na nila ang kailangan nila.Dahan-dahan naman ang paglakad ni Davina, ilang mga ilaw lang ang nagbibigay ng liwanag sa daraanan niya. Isang tahimik na lugar ang pinuntahan niya, isang abandunadong warehouse.“Sigurado akong dito mangyayari ang transaction nila.” Mahina niyang saad sa sarili habang pinagmamasdan niya ang paligid. Wala siyang ibang makitang tao, isang mainit na hangin lang ang yumayakap sa kaniya.
“AAAAHHHHHHHH!” malakas na sigaw ni Davina nang magulat siya sa isang mannequin na nagmukhang white lady. Inis siyang napakuyom ng mga kamao niya dahil sigurado siyang kagagawan na naman ito ng Kuya niyang wala na lang yatang magawa sa buhay. “Humanda ka talaga sa aking Oliver ka!” naiinis pa rin niyang wika. Pakiramdam niya ay panandaliang humiwalay sa katawan niya ang kaluluwa niya sa sobrang gulat niya. Kinuha niya ang toy gun niya saka niya hinanap kung nasaan na naman ang magaling niyang Kuya. Nang makita niya itong prenteng nakaupo sa sala at nanunuod ng tv ay dahan-dahan niya itong nilapitan. Itinutok niya ang toy gun niya sa leeg ng Kuya niya saka niya iyun sunod-sunod na ipinutok. “Ouch! Aray, Davina it hurt!” sigaw niya kay Davina pero hindi siya tinigilan ni Davina. Kinuha ni Oliver ang unan sa sofa at iniharang niya sa sarili niya para hindi siya tamaan ng toy gun ni Davina. “Ano bang problema mo? Masakit kahit na laruan lang yan!” sigaw niya na naman kay Davina. “Ah t
Akala ko dun na lang kami matatapos, akala ko hindi na kami makakabalik. Sa mga araw na nagdaan sa nakalipas na isang taon, wala kaming makita kundi kadiliman lang. Tatlong buwan kaming naging bihag ng mga gagung yun. Akala ko habang buhay na lang kaming nasa kadiliman, ang mga pagkain nilang hindi mo alam kung anong lasa pero dahil kailangan naming mabuhay, kailangan naming mapanatiling malakas ang katawan namin, pinilit namin at pikit mata naming kinain ang mga pagkain na iniaabot sa amin kahit na pinagtatawanan na nila kami habang nginunguya ang mga pagkaing yun. Nang magising ako mula sa coma, hindi kaagad ako nakapagsalita nang sabihin ni Danielle na ilang buwan na kaming tulog ni Evander. Halos gusto ko nang patayin si Danielle dahil pinipigilan nila akong bumalik ng Pilipinas kung nasaan si Lorelie. Halos mabaliw ako kapag iniisip kong inakala niyang patay na ako, na pinagluluksaan niya na ako. Wala akong ibang inisip kundi si Lorelie, tang-ina, ibang babae na pala ang naaala
Halos hindi sila makapaniwala sa kwento ni Evander at Caspian tungkol sa nangyari sa kanila. Mapait na ngumiti si Max at Railey, nakayuko naman na si Lorelie dahil pare-pareho silang naguilty nang maiwan sila ng helicopter. Iniisip nila kung hindi lang siguro nila naiwan si Evander at Caspian, hindi sana nila naranasan ang hirap na nangyari sa kanila sa loob ng isang taon. “Hindi niyo kasalanan kung anong nangyari dahil kung nagpaiwan pa kayong lahat, kung hindi pa kayo umalis baka lahat tayo maiiwan, baka lahat tayo naging bihag ng mga terorista. We never blame you guys dahil naiwan kami. The most important is we’re still complete.” Wika ni Caspian sa kanila. Napangiti na lang ako nang magyakapan silang lahat. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko. Pakiramdam ko hanggang ngayon nananaginip pa rin ako dahil nandito sila at kasama namin. Tiningnan ko si Kuya Danielle na tahimik lang sa dulo ng sofa. Nilingon ko rin si Daddy na patingin-tingin kay Kuya, napangiti ako, sigurado
Halos hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila sa akin ngayon. Nang bumalik ang ala-ala ni Caspian dun lang nalaman ni Danielle ang tunay niyang pagkatao. Ako na lang ang nahihirapan na isink in sa utak ko ang lahat ng mga nalaman ko.Naupo na muna ako sa sofa at ganun din sila. Ramdam ko ang mga titig nila sa akin pero masyadong naguguluhan ang isip ko.“Alam naming magulo para sayo. Matagal na panahon naming minanmanan ang grupo ni Dead Angel kaya marami na kaming alam sa background niya, kung anong mga ginawa niya na dati pa. Sa kaniya lumaki si Danielle but he never treated him as his own son dahil kinidnap lang naman niya ito noong bata pa siya para makapaghiganti sa ama mo Davina. Napatay ni Mr. Flores ang anak ni Dead Angel kaya kinidnap niya si Danielle para gawing anak niya o kapalit ng namayapa niyang anak. Ilang taon din naming pinag-aralan ang tungkol kay Dead Angel at nang mapatay namin siya, nagkaroon kami ng acces sa lahat ng mga gamit at ari-arian niya. Lahat ng mga
DAVINA’S POVIt’s been a year pero hanggang ngayon sariwa pa rin ang sakit. Sa bawat araw na lilipas hindi ko alam kung paano ko yun nalalampasan. Nagpapasalamat pa rin ako dahil binigyan mo ako ng isang anghel, may iniwan ka pa ring ala-ala para sa akin. Bumabangon at nagiging malakas ako sa bawat araw kasama ng anak natin Caspian.Ni hindi man lang kita nakita, nayakap, nahalikan at nahaplos ang bawat parte ng katawan mo. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para maipaglaban ka sa mundong ito pero wala akong nagawa nang si Kamatayan na ang naging kalaban ko. You promised me that everything gonna okay, sinabi mo sa’kin na may aayusin ka lang pero bakit hindi ka na bumalik?Isang taon na ang nakalipas pero yung sakit nandito pa rin sa’kin. Araw-araw ko pa ring nararamdaman yung sakit, yung pangungulila ko sayo. Nakakalimutan kita panandalian kapag nandito ang mga kaibigan mo pero sa tuwing kami na lang ng anak mo ang naiiwan, nandyan na naman ang sakit.Kahit araw-araw kong hilingin na san
Iniayos ni Kenzo ang mga dala-dala niyang pagkain saka niya iyun ibinaba. Inilatag niya na rin ang isang tela at dinoblehan pa yun para hindi tumagos dun ang Bermuda baka kasi katihin si Caleb kapag hindi niya dinoblehan. “Pwede bang buhatin ko muna si Caleb, hi baby Caleb, dito ka muna kay Tito Max okay?” natutuwang wika ni Max habang kinakausap niya ang bata. “Da..da,” tawag niya rito, lahat sila na may ginagawa ay napatingin kay Caleb. Bakas ang gulat sa mukha ni Max dahil sa tinawag sa kaniya ni Caleb. “Sandali, ako ba ang tinawag niyang Dada? Tinawag niya akong Dada hahahaha.” Tuwang tuwang sigaw ni Max kaya lumapit silang lahat kay Davina na siyang may buhat buhat kay Caleb. “Assuming mo naman, normal lang na magsalita siya ng ganun naitaon lang na ikaw ang kaharap.” Nakangiwing wika ni Sophia kay Max. “Well, ako talaga ang Daddy ni Caleb, ano nga baby Caleb? Ang cute cute naman ng prinsipe naming iyan.” Paglalaro pa ni Max kay Caleb. “When did he said a word?” tanong ni K
Tulalang nakatingin sa karagatan si Davina. Hinahayaan niyang tangayin ng hangin ang mahaba niyang buhok. Sa bawat araw na dumadaan ay ito ang gawain niya, ang pumunta sa dagat at manatili ng isa o dalawang oras.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at tipid siyang ngumiti. Sa tuwing naaalala niya ang araw na natanggap niya ang sulat mula kay Caspian, ramdam pa rin niya yung sakit. Kahit lumilipas ang oras araw-araw, masakit pa rin.1 year ago.....“Pareho na silang wala Davina.” Ang mga salita na nakapagpabagsak ng mundo niya. Umiling nang umiling si Davina, napaatras pa siya dahil ayaw niyang maniwala, wala siyang pinaniniwalaan.“I don’t believe you, Max I’m begging you. Huwag naman ganito oh, huwag niyo naman akong biruin, please.” Nagmamakaawa niyang wika. Mabilis na inalalayan ni Railey si Davina nang muntik pa itong matumba dahil sa panghihina.Walang magawa si Railey at Max para pagaanin ang nararamdaman ni Davina. Sa mga mata pa lang niya alam mo ng araw-araw
Bago gawin nina Caspian ang misyon nila sa Presidente ay binilin niya na silang lahat kung anong mga dapat nilang gawin. Nang malaman niyang isa si Davina sa nagbabantay sa Presidente ay binilin niya si Lorelie na ilayo niya si Davina kahit sa anong klaseng paraan basta mailayo niya ito.Nang lumabas si Davina kasama ang Presidente ay akma na sanang hihilain ni Lorelie si Davina pero umatras siya. Umiling siya sa sarili niya, hanggang ngayon ramdam pa rin niya ang inis at galit kay Davina. Sinisisi niya ito kung bakit nasaktan siya ni Caspian kaya pinabayaan niya si Davina. Iniwan niya ito at hinayaan na kung anong mangyayari sa kaniya.Nang mabaril si Davina wala man lang naramdamang kahit kaunting awa si Lorelie para sa kaniya. Hindi niya kasi matanggap na minahal ni Caspian ng sobra si Davina habang siya hanggang ngayon nasasaktan pa rin dahil hindi niya naramdaman ang pag-aalaga at pag-aalala kay Caspian na nagagawa niya ngayon kay Davina.Naggagayak na silang lahat dahil aalis na
Flashback Galit na galit si Caspian nang makabalik siya ng headquarter nila, kulang na lang ay kainin ka niya ng buhay sa sobrang galit niya. “Goddamn it! Who said I was in a bar?!” halos gumuhit lahat ng mga litid ni Caspian sa leeg niya dahil sa lakas ng sigaw niya at sa tindi ng galit niya. Nakapila na silang lahat at nakakunot ang noo maliban kay Lorelie na nakayuko na ang ulo niya at nilalaro niya na ang mga daliri niya dahil sa kabang nararamdaman niya. Umayos siya nang tayo dahil baka mahalata siya ni Caspian. “Why? What happened?” tanong ni Evander. Inis na sinabunutan ni Caspian ang buhok niya. “Davina is there, she’s there and she saw us! Damn it!” nanggagalaiti pa rin niyang sigaw. Hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag kay Davina. Inis siyang napasuntok sa pader nang maalala niya ang mga mata ni Davina kanina, punong puno ng sakit, lungkot at para bang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso niya. “What do you mean? Nasa bar si Davina kung saan may operation ka?”