Tiningnan ni Davina ang paligid niya kung tama ba siya nang pinuntahan pero lingid sa kaniyang kaalaman ang ilang mga kalalakihang nakamasid sa kaniya. Napapangisi na lamang ang mga ito dahil kung sinuswerte ka nga naman, ang taong kailangan pa nila ang nagkusang nagpunta sa kanila.“Siguraduhin niyo lang na mahuhuli niyo siya ngayong gabi dahil kung hindi, baril ko ang haharapin niyo.” Maawtoridad na utos ni Gabrielle, ang leader ng Triangle na isa rin sa mafia organization.“Yes Sir,” mabilis naman nilang sagot kaya mas lalong napangisi si Gabrielle dahil sa wakas, makukuha na nila ang kailangan nila.Dahan-dahan naman ang paglakad ni Davina, ilang mga ilaw lang ang nagbibigay ng liwanag sa daraanan niya. Isang tahimik na lugar ang pinuntahan niya, isang abandunadong warehouse.“Sigurado akong dito mangyayari ang transaction nila.” Mahina niyang saad sa sarili habang pinagmamasdan niya ang paligid. Wala siyang ibang makitang tao, isang mainit na hangin lang ang yumayakap sa kaniya.
Pagdating nila ng bahay ay nauna nang pumasok si Caspian, sumunod naman si Davina na kinakabahan na ngayon dahil sa aura ng mukha ni Caspian. Para bang ano mang oras ay kakainin na siya nito ng buhay.Pagpasok nila ng bahay ay inis na hinarap ni Caspian si Davina. Inis pa siyang napasabunot sa buhok niya dahil sa pinaghalo-halong emosyon na nararamdaman niya. Tiningnan niya si Davina mula ulo hanggang paa. Sa suot niya ngayon, isa nga siyang tunay na agent.Nakasuot ng black suit, nakatali ng mataas ang mga buhok at may mga baril at balisong sa tagiliran niya. Napakaganda niyang tingnan, bagay na bagay sa kaniya pero hindi oobra kay Caspian ang lakas ng karisma ni Davina ngayon. Hapit na hapit kay Davina ang suot niya at kitang kita na ang magandang hubog ng kaniyang katawan pero mas nangingibabaw ang galit kay Caspian.“What do you think you are doing Davina?” madiin niyang tanong dito. Pilit niyang kinakalma ang galit niya pero tila ba isang bomba na gusto ng sumabog ano mang oras.
Magkakasama sila ngayong lahat sa sala ni Caspian. Masama at matatalim ang tingin na iginagawad ni Sophia kay Davina pero hindi naman siya binibigyang pansin ni Davina. They are professional so they need to act like one.“Wala ka bang natatandaan kung kailan nailagay sa bag mo ang notebook na yan?” tanong ni Evander kay Davina. Pinag-uusapan nila ngayon ang tungkol sa notebook na aksidenteng nailagay sa bag ni Davina ng hindi man lang niya namamalayan.“Natatandaan ko dahil nung huling ginamit ko ang bag na pinaglagyan nila ng notebook ay dalawang buwan na ang nakakalipas at dun din nagsimulang may mangyari sa’kin. Hindi ko alam na sinusundan at tinutugis na pala nila ako dahil lang sa notebook na yan.” Tugon niya naman, tahimik lang naman si Caspian at ang iba pa nilang kasamahan. “Nung magsimula ang bakasyon ko sa trabaho ko, natatandaan kong nagpunta kami ni Jillian sa isang bar pero saglit lang kami. Hindi ko naman na tiningnan ang bag ko matapos ko yung gamitin. Nakita ko lang yu
Dahan-dahan na iminulat ni Davina ang mga mata niya nang unti-unti na siyang nagkakamalay. Nang maramdaman niyang nakatali ang mga paa at mga kamay niya ay nagpupumiglas siya at impit ang pagsigaw niya dahil sa tape na nakatakip sa bibig niya.“Hmmm-hmmm,” sinusubukan niyang magsalita pero hindi naman siya maintindihan dahil sa takip sa bibig niya. Sinubukan niyang igalaw ang mga paa niya pero mahigpit din ang pagkakatali dun na halos mag-iwan na ng sugat sa kaniya.Inilibot niya ang paningin niya pero isang ilaw lang ang nagbibigay liwanag sa paligid niya. Hindi na siya bago sa mga ganitong lugar dahil ilang beses na siyang napapapunta sa mga abandunadong warehouse dahil sa misyon niya pero this time, isa siyang bihag.“Pakawalan niyo ako rito!” sigaw niya pero walang makaintindi sa kaniya. Paano siyang napasok sa loob ng bahay ni Caspian kung may mga bantay naman siya sa labas? Sinunod niya ang gusto ni Caspian para mapanatag ito pero wala pa rin pa lang makakapigil sa mga taong, si
Sinusubukang alisin ni Davina ang pagkakatali sa kaniya. Ilang beses na ba nila itong ginawa sa training sakaling sa kanila nga mangyari ito pero parang nanigurado na talaga si Gabrielle dahil sa higpit nang pagkakatali sa kaniya. Hindi pa siya nakontento sa tali lang dahil may kadena pang nakadoble para hindi ito maalis kaagad.“Damn it!” inis na mura ni Davina dahil tumutulo na lamang ang mga pawis niya pero hindi pa rin niya magawang alisin ang nakatali sa kaniya. Alam na ni Davina kung anong gusto ni Gabrielle sa kaniya, ang mapasakamay niya uli ang notebook na matagal niya nang hinahanap.“Don’t you ever try to go here Caspian or else, I will kill you.” aniya na lang sa sarili. Inilibot ni Davina ang paningin niya at talagang may karamihan ang bantay niya. Paano ba siya makakatakas?Nag-iisip siya ng paraan kung ano bang dapat niyang gawin para makaalis sa bwisit na Gabrielle na yan. Ang mga taong nasa ganitong industriya ay mga kauri rin nila ang nakakaaway nila. Pare-pareho lan
Maingat ang bawat paglakad ni Davina para hindi siya marinig ng kung sino mang malapit sa kaniya. Dahan-dahan ang paghakbang niya at nang malapit na siya sa isang lalaki ay mabilis niya na naman itong hinampas sa batok dahilan ng pagkawala niya ng malay.Buong lakas na hinila ni Davina ang lalaki para lang itago ng sa gayon ay hindi makahalata ang mga kasamahan nito. Naghahanap na siya ng pwede niyang labasan. Nang may mga lalaking biglang lumabas sa dapat ay daraanan niya mabilis siyang nagtago sa likod ng isang pader at idinikit niya dun ang sarili niya.Makalipas ng ilang segundo ay muli niyang sinilip kung may mga bantay pa ba sa paligid at nang wala na siyang makita ay lumabas na siya sa pinagtataguan niya.“Tatakas ka pa ah,” wika ng isang lalaking nasa likuran niya. Napataas na lang ng kamay si Davina nang maramdaman niya ang nguso ng baril na nakatutok sa kaniya. Dahan-dahan niyang hinarap ang lalaki at sakto sa mukha niya ang nguso ng baril.“Hindi ka makakatakas dito.” tila
Naiwan ang mga grupo ni Evander sa abandunadong warehouse habang nauna naman nang umalis sina Davina at Caspian kasama si Max para idala na sa doctor si Caspian dahil sa tama ng bala sa likod niya. Hawak hawak ni Davina ang kamay ni Caspian at sunod sunod ang pagtulo ng mga luha niya dahil sa takot niyang baka may mangyari kay Caspian. “Huwag kang pipikit, huwag kang matutulog. Pakiusap Caspian, listen to me Baby.” nakikiusap niyang wika rito saka niya hinalikan ang kamay ni Caspian. Tipid lang namang ngumiti si Caspian. “Huwag kang umiyak na para bang mamamatay na ako. Hindi pa ako matatapos dito, iyan ang tatandaan mo.” mayabang niyang saad kahit na nahihirapan na siyang magsalita. Ngayon lang naman kasi siya tinamaan ng bala sa likod niya madalas kasi ay sa braso o sa mga hindi lang delikadong parte ng katawan niya. Bahagyang ngumiti si Caspian, ito na nga ba ang sinasabi niya, ang dumating ang mga araw na ganito. Hindi siya makakakilos ng maayos dahil may tao siyang prinoprotek
Halos maalimpungatan pa si Davina nang magising siya. Mabilis siyang bumangon dahil hindi niya alam na lumipat siya ng pwesto kagabi. Inilibot niya ang paningin niya sa paligid niya at nandun pa rin naman siya sa kwarto pero nasa isang malaking sofa na siya nakahiga.Hindi niya na namalayan na inilipat pala siya ng pwesto. Ang huling pagkakaalala niya kasi ay nakatulog siya sa gilid ng kama ni Caspian habang nananatiling nakaupo ang pwet niya sa stool.“Mabuti naman at gising ka na, ipapatawag ko na sana ang Doctor dahil baka hindi maganda ang pakiramdam mo.” wika ni Evander sa kaniya. Napahilamos naman si Davina sa mukha niya. Ramdam pa niya ang antok niya pero kumakalam na ang sikmura niya. Hindi niya alam kung anong oras na ba.“Gising ka na pala, ito na lang ang binili kong pananghalian mo. Lumamig na kasi yung ibinili naming pagkain mo kanina dahil akala namin magigising ka ng maaga.” Saad din ni Max na bagong pasok lang ng kwarto.Napakunot na lang ng noo si Davina dahil sa sina
“AAAAHHHHHHHH!” malakas na sigaw ni Davina nang magulat siya sa isang mannequin na nagmukhang white lady. Inis siyang napakuyom ng mga kamao niya dahil sigurado siyang kagagawan na naman ito ng Kuya niyang wala na lang yatang magawa sa buhay. “Humanda ka talaga sa aking Oliver ka!” naiinis pa rin niyang wika. Pakiramdam niya ay panandaliang humiwalay sa katawan niya ang kaluluwa niya sa sobrang gulat niya. Kinuha niya ang toy gun niya saka niya hinanap kung nasaan na naman ang magaling niyang Kuya. Nang makita niya itong prenteng nakaupo sa sala at nanunuod ng tv ay dahan-dahan niya itong nilapitan. Itinutok niya ang toy gun niya sa leeg ng Kuya niya saka niya iyun sunod-sunod na ipinutok. “Ouch! Aray, Davina it hurt!” sigaw niya kay Davina pero hindi siya tinigilan ni Davina. Kinuha ni Oliver ang unan sa sofa at iniharang niya sa sarili niya para hindi siya tamaan ng toy gun ni Davina. “Ano bang problema mo? Masakit kahit na laruan lang yan!” sigaw niya na naman kay Davina. “Ah t
Akala ko dun na lang kami matatapos, akala ko hindi na kami makakabalik. Sa mga araw na nagdaan sa nakalipas na isang taon, wala kaming makita kundi kadiliman lang. Tatlong buwan kaming naging bihag ng mga gagung yun. Akala ko habang buhay na lang kaming nasa kadiliman, ang mga pagkain nilang hindi mo alam kung anong lasa pero dahil kailangan naming mabuhay, kailangan naming mapanatiling malakas ang katawan namin, pinilit namin at pikit mata naming kinain ang mga pagkain na iniaabot sa amin kahit na pinagtatawanan na nila kami habang nginunguya ang mga pagkaing yun. Nang magising ako mula sa coma, hindi kaagad ako nakapagsalita nang sabihin ni Danielle na ilang buwan na kaming tulog ni Evander. Halos gusto ko nang patayin si Danielle dahil pinipigilan nila akong bumalik ng Pilipinas kung nasaan si Lorelie. Halos mabaliw ako kapag iniisip kong inakala niyang patay na ako, na pinagluluksaan niya na ako. Wala akong ibang inisip kundi si Lorelie, tang-ina, ibang babae na pala ang naaala
Halos hindi sila makapaniwala sa kwento ni Evander at Caspian tungkol sa nangyari sa kanila. Mapait na ngumiti si Max at Railey, nakayuko naman na si Lorelie dahil pare-pareho silang naguilty nang maiwan sila ng helicopter. Iniisip nila kung hindi lang siguro nila naiwan si Evander at Caspian, hindi sana nila naranasan ang hirap na nangyari sa kanila sa loob ng isang taon. “Hindi niyo kasalanan kung anong nangyari dahil kung nagpaiwan pa kayong lahat, kung hindi pa kayo umalis baka lahat tayo maiiwan, baka lahat tayo naging bihag ng mga terorista. We never blame you guys dahil naiwan kami. The most important is we’re still complete.” Wika ni Caspian sa kanila. Napangiti na lang ako nang magyakapan silang lahat. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko. Pakiramdam ko hanggang ngayon nananaginip pa rin ako dahil nandito sila at kasama namin. Tiningnan ko si Kuya Danielle na tahimik lang sa dulo ng sofa. Nilingon ko rin si Daddy na patingin-tingin kay Kuya, napangiti ako, sigurado
Halos hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila sa akin ngayon. Nang bumalik ang ala-ala ni Caspian dun lang nalaman ni Danielle ang tunay niyang pagkatao. Ako na lang ang nahihirapan na isink in sa utak ko ang lahat ng mga nalaman ko.Naupo na muna ako sa sofa at ganun din sila. Ramdam ko ang mga titig nila sa akin pero masyadong naguguluhan ang isip ko.“Alam naming magulo para sayo. Matagal na panahon naming minanmanan ang grupo ni Dead Angel kaya marami na kaming alam sa background niya, kung anong mga ginawa niya na dati pa. Sa kaniya lumaki si Danielle but he never treated him as his own son dahil kinidnap lang naman niya ito noong bata pa siya para makapaghiganti sa ama mo Davina. Napatay ni Mr. Flores ang anak ni Dead Angel kaya kinidnap niya si Danielle para gawing anak niya o kapalit ng namayapa niyang anak. Ilang taon din naming pinag-aralan ang tungkol kay Dead Angel at nang mapatay namin siya, nagkaroon kami ng acces sa lahat ng mga gamit at ari-arian niya. Lahat ng mga
DAVINA’S POVIt’s been a year pero hanggang ngayon sariwa pa rin ang sakit. Sa bawat araw na lilipas hindi ko alam kung paano ko yun nalalampasan. Nagpapasalamat pa rin ako dahil binigyan mo ako ng isang anghel, may iniwan ka pa ring ala-ala para sa akin. Bumabangon at nagiging malakas ako sa bawat araw kasama ng anak natin Caspian.Ni hindi man lang kita nakita, nayakap, nahalikan at nahaplos ang bawat parte ng katawan mo. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para maipaglaban ka sa mundong ito pero wala akong nagawa nang si Kamatayan na ang naging kalaban ko. You promised me that everything gonna okay, sinabi mo sa’kin na may aayusin ka lang pero bakit hindi ka na bumalik?Isang taon na ang nakalipas pero yung sakit nandito pa rin sa’kin. Araw-araw ko pa ring nararamdaman yung sakit, yung pangungulila ko sayo. Nakakalimutan kita panandalian kapag nandito ang mga kaibigan mo pero sa tuwing kami na lang ng anak mo ang naiiwan, nandyan na naman ang sakit.Kahit araw-araw kong hilingin na san
Iniayos ni Kenzo ang mga dala-dala niyang pagkain saka niya iyun ibinaba. Inilatag niya na rin ang isang tela at dinoblehan pa yun para hindi tumagos dun ang Bermuda baka kasi katihin si Caleb kapag hindi niya dinoblehan. “Pwede bang buhatin ko muna si Caleb, hi baby Caleb, dito ka muna kay Tito Max okay?” natutuwang wika ni Max habang kinakausap niya ang bata. “Da..da,” tawag niya rito, lahat sila na may ginagawa ay napatingin kay Caleb. Bakas ang gulat sa mukha ni Max dahil sa tinawag sa kaniya ni Caleb. “Sandali, ako ba ang tinawag niyang Dada? Tinawag niya akong Dada hahahaha.” Tuwang tuwang sigaw ni Max kaya lumapit silang lahat kay Davina na siyang may buhat buhat kay Caleb. “Assuming mo naman, normal lang na magsalita siya ng ganun naitaon lang na ikaw ang kaharap.” Nakangiwing wika ni Sophia kay Max. “Well, ako talaga ang Daddy ni Caleb, ano nga baby Caleb? Ang cute cute naman ng prinsipe naming iyan.” Paglalaro pa ni Max kay Caleb. “When did he said a word?” tanong ni K
Tulalang nakatingin sa karagatan si Davina. Hinahayaan niyang tangayin ng hangin ang mahaba niyang buhok. Sa bawat araw na dumadaan ay ito ang gawain niya, ang pumunta sa dagat at manatili ng isa o dalawang oras.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at tipid siyang ngumiti. Sa tuwing naaalala niya ang araw na natanggap niya ang sulat mula kay Caspian, ramdam pa rin niya yung sakit. Kahit lumilipas ang oras araw-araw, masakit pa rin.1 year ago.....“Pareho na silang wala Davina.” Ang mga salita na nakapagpabagsak ng mundo niya. Umiling nang umiling si Davina, napaatras pa siya dahil ayaw niyang maniwala, wala siyang pinaniniwalaan.“I don’t believe you, Max I’m begging you. Huwag naman ganito oh, huwag niyo naman akong biruin, please.” Nagmamakaawa niyang wika. Mabilis na inalalayan ni Railey si Davina nang muntik pa itong matumba dahil sa panghihina.Walang magawa si Railey at Max para pagaanin ang nararamdaman ni Davina. Sa mga mata pa lang niya alam mo ng araw-araw
Bago gawin nina Caspian ang misyon nila sa Presidente ay binilin niya na silang lahat kung anong mga dapat nilang gawin. Nang malaman niyang isa si Davina sa nagbabantay sa Presidente ay binilin niya si Lorelie na ilayo niya si Davina kahit sa anong klaseng paraan basta mailayo niya ito.Nang lumabas si Davina kasama ang Presidente ay akma na sanang hihilain ni Lorelie si Davina pero umatras siya. Umiling siya sa sarili niya, hanggang ngayon ramdam pa rin niya ang inis at galit kay Davina. Sinisisi niya ito kung bakit nasaktan siya ni Caspian kaya pinabayaan niya si Davina. Iniwan niya ito at hinayaan na kung anong mangyayari sa kaniya.Nang mabaril si Davina wala man lang naramdamang kahit kaunting awa si Lorelie para sa kaniya. Hindi niya kasi matanggap na minahal ni Caspian ng sobra si Davina habang siya hanggang ngayon nasasaktan pa rin dahil hindi niya naramdaman ang pag-aalaga at pag-aalala kay Caspian na nagagawa niya ngayon kay Davina.Naggagayak na silang lahat dahil aalis na
Flashback Galit na galit si Caspian nang makabalik siya ng headquarter nila, kulang na lang ay kainin ka niya ng buhay sa sobrang galit niya. “Goddamn it! Who said I was in a bar?!” halos gumuhit lahat ng mga litid ni Caspian sa leeg niya dahil sa lakas ng sigaw niya at sa tindi ng galit niya. Nakapila na silang lahat at nakakunot ang noo maliban kay Lorelie na nakayuko na ang ulo niya at nilalaro niya na ang mga daliri niya dahil sa kabang nararamdaman niya. Umayos siya nang tayo dahil baka mahalata siya ni Caspian. “Why? What happened?” tanong ni Evander. Inis na sinabunutan ni Caspian ang buhok niya. “Davina is there, she’s there and she saw us! Damn it!” nanggagalaiti pa rin niyang sigaw. Hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag kay Davina. Inis siyang napasuntok sa pader nang maalala niya ang mga mata ni Davina kanina, punong puno ng sakit, lungkot at para bang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso niya. “What do you mean? Nasa bar si Davina kung saan may operation ka?”