Bago pa man makalabas ng tuluyan sa headquarter si Davina ay napigilan na siya ni Kenzo. Hinawakan siya nito sa kamay at bahagyang hinila para mapalapit si Davina sa kaniya. Kunot noong tiningnan ni Davina kung sino man ang humila sa kaniya.“Kenzo? What do you need?” pagtatanong niya rito. Salubong ang mga kilay ni Kenzo at seryosong nakatingin kay Davina. “Pagkatapos mo akong takasan sa araw ng kasal natin at magpakasal sa ibang lalaki ng araw ding yun, ganito ang gagawin mo sa akin? Hindi mo pa ako kinakausap Davina at parang hindi mo iniisip ang nararamdaman ko.”May diin niyang wika, gusto niyang magalit pero hindi niya magawa kay Davina dahil mahal niya ito. Naiintindihan naman siya ni Davina pero nagmamadali si Davina ngayon, gusto niya nang makabalik sa bahay ni Caspian at wala siyang panahon para kausapin muna si Kenzo. “I’m sorry Kenzo but I have to go.” Akma sanang aalisin ni Davina ang pagkakahawak sa kaniya ni Kenzo nang mas lalong higpitan ni Kenzo ang pagkakahawak sa k
Muli sanang lalagyan ni Caspian ng alak ang baso niya nang maramdaman niyang wala ng laman ang bote kaya napabuntong hininga na lang siya saka siya tumayo at nagtungo sa kusina para manguha ng bagong alak.Muli niyang nilagok ng dire-diretso ang alak na nasa baso niya saka niya inis na ibinato yun sa sahig dahilan para magpira-piraso ito. Naikuyom niya ang mga kamao niya at naiinis sa tuwing naalala niya kung paano binuhat at hinawakan ni Kenzo si Davina kanina. Wala siyang magawa para pigilan ang mga ito lalo na at kasama ang ama ni Davina, hindi man sila magkakilala nirerespeto pa rin ni Caspian ang ama ng babaeng napangasawa niya.Gusto niyang bawiin si Davina pero sa paanong paraan? Kasunduan lang ang pagpapakasal nilang dalawa para lang tigilan siya ng Lolo niya. Paano kung makipaghiwalay na sa kaniya si Davina?“Damn it!” galit na sigaw ni Caspian dahil sa mga iniisip niya. Bumalik na lang siya sa sofa at napahilamos sa sarili, ano bang nangyayari sa kaniya? Hindi niya alam kung
Hindi na alam ni Davina kung ano ang pinag-usapan ng maglolo sa library. Nagtungo na lang siya sa kusina para makapagluto ng tanghalian nila dahil mukhang magtatagal ang usapan nila. Napapakamot na lang si Davina sa ulo niya kapag naiisip niyang itutuloy ng Lolo ni Caspian na ipublic ang tungkol sa kanilang dalawa. Hindi yun pwedeng mangyari, ayaw ni Davina na mas lumala pa ang sitwasyon.Ang kailangan niya lang ay ang malaman ang pagkatao ni Caspian, yun lang at kahit na wala sa plano niya ang mahalin ito kailangan niyang isantabi ang nararamdaman niya para maituwid ang batas, para magawa niya ng tama ang trabaho niya. Sa trabahong pinili niya kailangan malakas ang loob mo at kahit na mahalaga sayo ang isang tao pero lumabag siya sa batas, you need to kill them.“Ahh,” da-ing ni Davina nang masugatan na naman ang daliri niya. Palagi na lang siyang nasusugatan sa tuwing naghihiwa siya dahil sa lalim ng iniisip niya. Muli siyang bumuntong hininga, saan nga ba aabot ang mga ginagawa niy
Pagdating nila sa beach ay pabagsak na ibinaba ni Davina ang mga gamit niya. Ano na naman lang bang gagawin nila sa beach? Naiinis tuloy siya dahil tatlong araw silang hindi makakauwi. Ayaw niyang mainip ang Daddy niya sa kakahintay sa kaniya, malamang tatawag at tatawag ang Daddy niya para magtanong tungkol sa update ng misyon ni Davina.Shoot to kill ang order kay Dead Angel pero gusto ni Davina na may matibay silang proweba na si Dead Angel nga si Caspian dahil baka kapag pinatay ni Davina si Caspian, malaman niya sa huli na hindi pala siya si Dead Angel, konsensya pa niya sa huli.Maya-maya ay pumasok na si Caspian sa kwarto nila dala-dala ang ibang gamit.“Hindi naman na kailangang gawin pa ito but thanks.” Nakangiting wika ni Davina.“I don’t want you to feel alone, let’s go outside.” Pag-aaya ni Caspian. Hindi pa man pumapayag si Davina nang hawakan na siya ni Caspian sa kamay at lumabas ng kwarto nila. Habang naglalakad sila ay nakatingin si Davina sa magkasalikop na mga kamay
Salubong ang mga kilay ni Caspian na nakatingin sa lalaking tumawag kay Davina. Hindi na maipinta ang mukha niya dahil may kakilala pa pala si Davina rito.“Jasper,” sagot din ni Davina. Hinawakan ni Davina sa kamay si Caspian saka ito bahagyang nginitian. “Don’t worry, I’m okay. I know him too,” aniya kay Caspian na hindi pa rin maipinta ang mukha.“How did you know him?” blangko at malamig na tanong ni Caspian.“He’s my classmate when we are in college, He’s Jasper.” Pagpapakilala naman ni Davina. Masama pa rin ang tingin ni Caspian kay Jasper na nakangiti lang sa kaniya. Naniningkit ang mga mata ni Caspian na tinignan si Jasper.“Next time, be careful dahil hindi mo gugustuhin kung anong gagawin ko.” tila pagbabanta niyang wika kaya pilit na rin ang ngiti ni Jasper na tila ba tinalaban ng pananakot ni Caspian.“I’m really sorry Davina, hindi ko sinasadya. Mabuti at nandito ka it’s been a long time.” baling na lang ni Jasper kay Davina.“Well yeah—hey!” biglang wika ni Davina nang b
Nang makapasok si Caspian sa kwarto nila ni Davina ay dahan-dahan pa siyang naglakad palapit sa sofa habang nasa kama naman si Davina. Ramdam ni Davina ang pagpasok ni Caspian sa kwarto nila pero hindi niya ito pinansin.“I’m sorry for what happened lately.” Malumanay niyang hinging tawad. Naupo nang maayos si Davina saka siya sumandal sa headboard.“For what? Hindi ko alam ang sinasabi mo.” tila masungit niyang wika. Napabuntong hininga naman si Caspian dahil ayaw niya nang umaamin siya sa mali niya dahil kahit na siya ang may mali, hinding hindi siya hihingi ng sorry.“Sa paraan ng pananalita ko kanina, kung pakiramdam mo kinokontrol ko ang buhay mo, I didn’t mean that.” kalmado niyang wika, napakasoft ng tinig niya ngayon. Mas lalo tuloy naguilty si Davina dahil mukhang inisip ni Caspian ang mga binitawang salita ni Davina kanina.“Wala yun, hayaan mo na.” sagot niya na lang din.“But still, I’m sorry.” Hindi na nilingon ni Davina si Caspian dahil para bang lumalambot ang puso niya
Nang makarating sila ng bahay ay nauna nang bumaba si Caspian at padabog pa niyang isinarado ang pintuan.“Ano bang problema mo?! Pwede ba kung may sarili kang problema huwag mo na akong idamay pa dahil marami rin akong problema na dapat kong gawin! Kung gusto mo naman na palang umuwi, pwede mo namang sabihin sa’kin yun at kusa akong sasama sayo. Hindi mo na ako kailangan pang kaladkarin na para bang bata!” galit na galit na wika ni Davina habang nakasunod siya kay Caspian.Binilisan ni Davina ang paglakad niya saka niya hinawakan sa braso si Caspian para pigilan ito. Hinarap niya si Caspian at halos hinihingal pa si Davina dahil sa pagsigaw at paghabol niya kay Caspian. Tiningnan naman siya ni Caspian.“Sabihin mo nga sa’kin, ano bang problema mo?!” galit pa rin niyang tanong dito, naguguluhan si Davina kung bakit ba bigla bigla na lang nagbabago ang kinikilos ni Caspian. Wala naman siyang maalalang may ginawa siyang hindi nagustuhan ni Caspian saka kung meron man, ano pa bang pakial
Nanlaki ang mga mata ni Davina dahil sa pwesto nila ngayon ni Caspian. Bakas na bakas ang pagod kay Caspian.“A-Are you okay?” tanong niya rito, pigil pigil tuloy ang hininga ni Davina dahil sa pwesto nila ni Caspian ngayon ay para silang magkayakap.“I just want to rest on your shoulder, please let me stay for a while.” Tila nakikiusap niyang wika, sa boses pa lang niya alam mong pagod na. Wala namang nagawa si Davina kundi ang hayaan si Caspian sa gusto niya. Nakapikit ang mga mata ni Caspian at nakakaramdam siya ng kaunting pahinga sa bisig ni Davina.Halos manlamig ang katawan ni Davina nang maramdaman niya ang mainit na mga kamay ni Caspian na dahan-dahan na yumakap sa kaniya. Muli siyang napalunok pero hindi siya gumalaw. Tiningnan niya si Caspian at napabuntong hininga na lang siya. Nag-aalinlagan siyang yakapin din si Caspian pero sa tingin niya iyun ang tama para kahit papaano ay mabawasan ang pagod na nararamdaman ng binata.Dahan-dahan na iniangat ni Davina ang mga kamay ni
“AAAAHHHHHHHH!” malakas na sigaw ni Davina nang magulat siya sa isang mannequin na nagmukhang white lady. Inis siyang napakuyom ng mga kamao niya dahil sigurado siyang kagagawan na naman ito ng Kuya niyang wala na lang yatang magawa sa buhay. “Humanda ka talaga sa aking Oliver ka!” naiinis pa rin niyang wika. Pakiramdam niya ay panandaliang humiwalay sa katawan niya ang kaluluwa niya sa sobrang gulat niya. Kinuha niya ang toy gun niya saka niya hinanap kung nasaan na naman ang magaling niyang Kuya. Nang makita niya itong prenteng nakaupo sa sala at nanunuod ng tv ay dahan-dahan niya itong nilapitan. Itinutok niya ang toy gun niya sa leeg ng Kuya niya saka niya iyun sunod-sunod na ipinutok. “Ouch! Aray, Davina it hurt!” sigaw niya kay Davina pero hindi siya tinigilan ni Davina. Kinuha ni Oliver ang unan sa sofa at iniharang niya sa sarili niya para hindi siya tamaan ng toy gun ni Davina. “Ano bang problema mo? Masakit kahit na laruan lang yan!” sigaw niya na naman kay Davina. “Ah t
Akala ko dun na lang kami matatapos, akala ko hindi na kami makakabalik. Sa mga araw na nagdaan sa nakalipas na isang taon, wala kaming makita kundi kadiliman lang. Tatlong buwan kaming naging bihag ng mga gagung yun. Akala ko habang buhay na lang kaming nasa kadiliman, ang mga pagkain nilang hindi mo alam kung anong lasa pero dahil kailangan naming mabuhay, kailangan naming mapanatiling malakas ang katawan namin, pinilit namin at pikit mata naming kinain ang mga pagkain na iniaabot sa amin kahit na pinagtatawanan na nila kami habang nginunguya ang mga pagkaing yun. Nang magising ako mula sa coma, hindi kaagad ako nakapagsalita nang sabihin ni Danielle na ilang buwan na kaming tulog ni Evander. Halos gusto ko nang patayin si Danielle dahil pinipigilan nila akong bumalik ng Pilipinas kung nasaan si Lorelie. Halos mabaliw ako kapag iniisip kong inakala niyang patay na ako, na pinagluluksaan niya na ako. Wala akong ibang inisip kundi si Lorelie, tang-ina, ibang babae na pala ang naaala
Halos hindi sila makapaniwala sa kwento ni Evander at Caspian tungkol sa nangyari sa kanila. Mapait na ngumiti si Max at Railey, nakayuko naman na si Lorelie dahil pare-pareho silang naguilty nang maiwan sila ng helicopter. Iniisip nila kung hindi lang siguro nila naiwan si Evander at Caspian, hindi sana nila naranasan ang hirap na nangyari sa kanila sa loob ng isang taon. “Hindi niyo kasalanan kung anong nangyari dahil kung nagpaiwan pa kayong lahat, kung hindi pa kayo umalis baka lahat tayo maiiwan, baka lahat tayo naging bihag ng mga terorista. We never blame you guys dahil naiwan kami. The most important is we’re still complete.” Wika ni Caspian sa kanila. Napangiti na lang ako nang magyakapan silang lahat. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko. Pakiramdam ko hanggang ngayon nananaginip pa rin ako dahil nandito sila at kasama namin. Tiningnan ko si Kuya Danielle na tahimik lang sa dulo ng sofa. Nilingon ko rin si Daddy na patingin-tingin kay Kuya, napangiti ako, sigurado
Halos hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila sa akin ngayon. Nang bumalik ang ala-ala ni Caspian dun lang nalaman ni Danielle ang tunay niyang pagkatao. Ako na lang ang nahihirapan na isink in sa utak ko ang lahat ng mga nalaman ko.Naupo na muna ako sa sofa at ganun din sila. Ramdam ko ang mga titig nila sa akin pero masyadong naguguluhan ang isip ko.“Alam naming magulo para sayo. Matagal na panahon naming minanmanan ang grupo ni Dead Angel kaya marami na kaming alam sa background niya, kung anong mga ginawa niya na dati pa. Sa kaniya lumaki si Danielle but he never treated him as his own son dahil kinidnap lang naman niya ito noong bata pa siya para makapaghiganti sa ama mo Davina. Napatay ni Mr. Flores ang anak ni Dead Angel kaya kinidnap niya si Danielle para gawing anak niya o kapalit ng namayapa niyang anak. Ilang taon din naming pinag-aralan ang tungkol kay Dead Angel at nang mapatay namin siya, nagkaroon kami ng acces sa lahat ng mga gamit at ari-arian niya. Lahat ng mga
DAVINA’S POVIt’s been a year pero hanggang ngayon sariwa pa rin ang sakit. Sa bawat araw na lilipas hindi ko alam kung paano ko yun nalalampasan. Nagpapasalamat pa rin ako dahil binigyan mo ako ng isang anghel, may iniwan ka pa ring ala-ala para sa akin. Bumabangon at nagiging malakas ako sa bawat araw kasama ng anak natin Caspian.Ni hindi man lang kita nakita, nayakap, nahalikan at nahaplos ang bawat parte ng katawan mo. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para maipaglaban ka sa mundong ito pero wala akong nagawa nang si Kamatayan na ang naging kalaban ko. You promised me that everything gonna okay, sinabi mo sa’kin na may aayusin ka lang pero bakit hindi ka na bumalik?Isang taon na ang nakalipas pero yung sakit nandito pa rin sa’kin. Araw-araw ko pa ring nararamdaman yung sakit, yung pangungulila ko sayo. Nakakalimutan kita panandalian kapag nandito ang mga kaibigan mo pero sa tuwing kami na lang ng anak mo ang naiiwan, nandyan na naman ang sakit.Kahit araw-araw kong hilingin na san
Iniayos ni Kenzo ang mga dala-dala niyang pagkain saka niya iyun ibinaba. Inilatag niya na rin ang isang tela at dinoblehan pa yun para hindi tumagos dun ang Bermuda baka kasi katihin si Caleb kapag hindi niya dinoblehan. “Pwede bang buhatin ko muna si Caleb, hi baby Caleb, dito ka muna kay Tito Max okay?” natutuwang wika ni Max habang kinakausap niya ang bata. “Da..da,” tawag niya rito, lahat sila na may ginagawa ay napatingin kay Caleb. Bakas ang gulat sa mukha ni Max dahil sa tinawag sa kaniya ni Caleb. “Sandali, ako ba ang tinawag niyang Dada? Tinawag niya akong Dada hahahaha.” Tuwang tuwang sigaw ni Max kaya lumapit silang lahat kay Davina na siyang may buhat buhat kay Caleb. “Assuming mo naman, normal lang na magsalita siya ng ganun naitaon lang na ikaw ang kaharap.” Nakangiwing wika ni Sophia kay Max. “Well, ako talaga ang Daddy ni Caleb, ano nga baby Caleb? Ang cute cute naman ng prinsipe naming iyan.” Paglalaro pa ni Max kay Caleb. “When did he said a word?” tanong ni K
Tulalang nakatingin sa karagatan si Davina. Hinahayaan niyang tangayin ng hangin ang mahaba niyang buhok. Sa bawat araw na dumadaan ay ito ang gawain niya, ang pumunta sa dagat at manatili ng isa o dalawang oras.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at tipid siyang ngumiti. Sa tuwing naaalala niya ang araw na natanggap niya ang sulat mula kay Caspian, ramdam pa rin niya yung sakit. Kahit lumilipas ang oras araw-araw, masakit pa rin.1 year ago.....“Pareho na silang wala Davina.” Ang mga salita na nakapagpabagsak ng mundo niya. Umiling nang umiling si Davina, napaatras pa siya dahil ayaw niyang maniwala, wala siyang pinaniniwalaan.“I don’t believe you, Max I’m begging you. Huwag naman ganito oh, huwag niyo naman akong biruin, please.” Nagmamakaawa niyang wika. Mabilis na inalalayan ni Railey si Davina nang muntik pa itong matumba dahil sa panghihina.Walang magawa si Railey at Max para pagaanin ang nararamdaman ni Davina. Sa mga mata pa lang niya alam mo ng araw-araw
Bago gawin nina Caspian ang misyon nila sa Presidente ay binilin niya na silang lahat kung anong mga dapat nilang gawin. Nang malaman niyang isa si Davina sa nagbabantay sa Presidente ay binilin niya si Lorelie na ilayo niya si Davina kahit sa anong klaseng paraan basta mailayo niya ito.Nang lumabas si Davina kasama ang Presidente ay akma na sanang hihilain ni Lorelie si Davina pero umatras siya. Umiling siya sa sarili niya, hanggang ngayon ramdam pa rin niya ang inis at galit kay Davina. Sinisisi niya ito kung bakit nasaktan siya ni Caspian kaya pinabayaan niya si Davina. Iniwan niya ito at hinayaan na kung anong mangyayari sa kaniya.Nang mabaril si Davina wala man lang naramdamang kahit kaunting awa si Lorelie para sa kaniya. Hindi niya kasi matanggap na minahal ni Caspian ng sobra si Davina habang siya hanggang ngayon nasasaktan pa rin dahil hindi niya naramdaman ang pag-aalaga at pag-aalala kay Caspian na nagagawa niya ngayon kay Davina.Naggagayak na silang lahat dahil aalis na
Flashback Galit na galit si Caspian nang makabalik siya ng headquarter nila, kulang na lang ay kainin ka niya ng buhay sa sobrang galit niya. “Goddamn it! Who said I was in a bar?!” halos gumuhit lahat ng mga litid ni Caspian sa leeg niya dahil sa lakas ng sigaw niya at sa tindi ng galit niya. Nakapila na silang lahat at nakakunot ang noo maliban kay Lorelie na nakayuko na ang ulo niya at nilalaro niya na ang mga daliri niya dahil sa kabang nararamdaman niya. Umayos siya nang tayo dahil baka mahalata siya ni Caspian. “Why? What happened?” tanong ni Evander. Inis na sinabunutan ni Caspian ang buhok niya. “Davina is there, she’s there and she saw us! Damn it!” nanggagalaiti pa rin niyang sigaw. Hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag kay Davina. Inis siyang napasuntok sa pader nang maalala niya ang mga mata ni Davina kanina, punong puno ng sakit, lungkot at para bang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso niya. “What do you mean? Nasa bar si Davina kung saan may operation ka?”