Inilibot ni Davina ang paningin niya sa kabuuan ng kwarto. Hindi na rin masama dahil napakalawak nito at napakaganda. Nagsusumigaw ng karangyaan ang buong paligid niya. Sanay naman na siya sa mga ganung bagay dahil marami rin sa bahay nila pero mas mamamangha pa pala siya sa mga gamit ni Caspian.
“Where are we?” pagtatanong niya habang pinagmamasdan pa rin ang paligid niya.
“In my house.” Napatango-tango na lang si Davina, hindi rin pala basta-bastang tao ang napakasalan niya ng wala sa oras. Naalala niya na naman ang tungkol sa nangyari sa kaniya. Kasal? Is he crazy? Nilingon niya si Caspian na prenteng nakaupo. “Yung mga lalaking yun, ikaw talaga ang sadya?” nauna niyang pagsasalita. Hilaw namang natawa si Davina.
“Ano sa tingin mo? Hahabulin ba ako ng mga yun kung hindi ako ang dahilan? Are you that stupid para hindi mo yun maisip?” bahagyang kumurba ang kanang labi ni Caspian, kakaibang babae yata ang napakasalan niya. Walang sino mang babae ang naglakas loob na pagsalitaan siya ng mga ganung salita lalo na ang murahin siya, kausapin ng pabalang at walang respeto. Isang tingin lang niya sa mga babaeng magtatangkang pagsalitaan siya ng mga hindi magagandang salita ay umaatras na ang mga ito. Pero ang babaeng ito, hindi niya alam kung bakit hinahayaan niyang pagsalitaan siya at murahin na lang. Hindi rin niya alam kung anong merong lakas ng loob ang babaeng ito para hindi siya katakutan.
Kung sabagay, baka nga hindi siya kilala ng babaeng pinakasalan niya.
“Your family are forcing you to marry a man you don’t love?”
“And you’re a damn asshole, jerk na pinakasalan ako. That’s crime, pinilit mo akong pakasalan ka. You idiot.” Napapangisi na lang si Caspian habang nilalaro niya sa kamay niya ang isang ballpen. Tumayo na siya saka niya inayos ang sarili niya.
“You can stay here, I don’t have any maids here but don’t worry you don’t need to clean the house dahil may mga naglilinis dito every weekend. Tomorrow, I want to meet your family.” Blangko at seryoso niyang saad saka lumabas nang kwarto. Hilaw na tumawa si Davina at hindi makapaniwalang sinundan ng tingin si Caspian.
“You’re insane! My father will kill us if we did that! Gago ka ba?! Magpakamatay ka mag-isa kung gusto mo!” habol niyang sigaw dito pero wala na siyang narinig kay Caspian. Naikuyom niya ang kamao niya, hindi niya alam kung paano ba niya ipapaliwanag ang lahat sa Daddy niya. Wala siyang problema sa ina niya pero imposible sa Daddy niya.
Malamang nag-aapoy na ito sa galit dahil sa ginawa niya. Baka nga nasapok niya na isa-isa ang mga tauhan niyang naghabol sa kaniya kanina eh.
“What I’m gonna do now? I’m doom.” Problemado niyang aniya saka naupo sa sofa. Una pa lang naman kasi ay sinabi niya nang ayaw pa niyang magpakasal, bakit ba kasi masyadong nagmamadali ang Daddy niyang makapag-asawa siya gayong marami pa siyang dapat gawin sa buhay niya. Lalo na at wala naman siyang pagtingin kay Kenzo.
Ramdam niya ang pagtingin sa kaniya ni Kenzo, matagal na pero kaibigan lang talaga ang nararamdaman niya para rito. Hindi niya maimagine ang sarili niya na si Kenzo ang makakasama niyang bumuo ng pamilya. Wala namang problema kay Kenzo dahil mabait naman ito at responsable pero hindi talaga e, hindi niya kayang magpakasal sa taong hindi niya mahal.
Napabuga siya ng hangin saka nahiga at tinitigan ang kisame.
Natakasan nga niya ang kasal niya, maaari pa siyang magpaliwanag sa Daddy niya pero paano niya maipapaliwanag ang nangyari sa kaniya?
“Pahamak na kwarto, malay ko bang office pala yun! Fuck!” inis niyang aniya, pero kung nagbabasa rin naman siya baka naagapan niya ang kasal na yun. Malay ba niyang marriage contract na pala ang pinipirmahan niya.
Halos magpagulong-gulong na siya sa malaking sofa dahil kahit anong isipin niyang dahilan ay magagalit at magagalit pa rin sa kaniya ang Daddy niya. Baka mapaputukan na siya ng baril nito dahil sa matinding galit.
“This is your fault! You jerk. Caspian Sanchez, Caspian.” May diin niyang saad sa bawat pagbanggit niya sa pangalan ni Caspian. Gusto niya na lang mawala ngayon kesa ang harapin ang Daddy niya. Kilala niya ito kung magalit, mataas ang tingin sa kaniya ng Daddy niya pero sa ginawa niyang pagpapahiya sa Daddy niya baka magawa pa ng kaniyang ama na alisin na siya sa pamilya nila.
“I hate it,” hindi niya alam kung pagsisisihan niya ba ang ginawa niyang pagtakas sa kasal nila ni Kenzo dahil kung hindi siya tumakas hindi mangyayari ang kasal niya sa isang estranhero pero kung hindi rin naman siya tumakas baka ganap na siyang Mrs ngayon ni Kenzo.
“Ugh!” aniya pa, napapairap na lang siya. Halos magulat pa siya ng magring ang cellphone niya. Kinakabahan pa siya dahil baka ang Daddy niya na iyun. Bumangon siya sa pagkakahiga niya saka niya tiningnan ang cellphone niya. Humugot muna siya ng malalim na buntong hininga saka niya tuluyang tiningnan kung kaninong pangalan ang nakarehistro sa cellphone niya.
Nakaginhawa siya ng si Jillian lang pala kaya sinagot niya na.
“Where the hell are you?! Your Dad is really furious now.” Sigaw nito kaya bahagyang nailayo ni Davina ang cellphone niya sa tenga niya.
“I know,”
“Kung nasan ka man ngayon, diyan ka na muna. Huwag mong salubungin ang galit ng Daddy mo. Grabe girl yung damage na ginawa mo sa kasal niyo. Pati ako nasstress pero hindi naman kita masisisi, mahirap magpakasal sa kilala mo lang pero hindi mo mahal.” Kahit hindi nakikita ni Davina ang kaibigan ay alam niyang naiiling din ito. “Where are you?”
“I don’t know, hindi ko na alam dahil ang gusto ko lang ay makatakas. How’s Kenzo?”
“Wala siyang imik, malamang nasaktan dahil sa ginawa mo pero wala naman siyang magagawa dahil desisyon mo pa rin naman yun. You know Kenzo, kung saan ka irerespeto niya. Hindi naman yun nagreklamo sayo as long as you’re happy and safe with you decisions.” Tipid na ngumiti si Davina, she didn’t mean to hurt Kenzo pero mas natatakot siyang kapag pinakasalan niya ito ay mas lalo niyang masaktan ang taong mahalaga rin naman sa kaniya.
“Tell them na hindi mo ako nakausap. I will turn off my phone. Take care,” aniya saka pinatay na ang tawag saka muling nahiga. Hinayaan niyang maglayag ang isip niya, pinaghahandaan niya na rin ang sasabihin niya sa Daddy niya kung sakaling magkita na sila.
Nang makaramdam siya ng gutom ay bumangon na siya saka niya nilibot ang buong bahay.
“Napakalaki ng bahay tapos mag-isa niya lang? Seriously? aanhin niya ang ganito kalaking bahay?” Nagpatuloy siya sa paghahanap ng kusina sa bahay ni Caspian. Habang hinahanap niya ay tinitingnan niya rin ang ibang gamit sa loob ng bahay, nagbabakasakaling may makita man lang siya para sa pagkakakilanlan ni Caspian.
Wala siyang alam sa pagkatao nito kahit na sikat ito sa buong bansa. Wala siyang oras para bigyan pa ng pansin ang buhay ng ibang tao.
“So, he si the CEO of that hotel. Kung sinuswerte ka nga naman. Bakit ba kasi sa dami ng kwartong pwede kong pasukin, kwarto pa niya.” naiiling niyang aniya saka binitawan ang isang frame na naglalaman ng certificate ni Caspian.
Halos lahat ng picture na nakasabit sa mga dinding ay mga picture lang ni Caspian.
“Wala man lang ba siyang pamilya? Bakit puro picture niya lang ang nandito?” pinasadahan pa niya ang lahat ng mga picture frame pero wala man lang siyang ibang makitang mukha kundi ang kay Caspian lang.
Nagpatuloy na siyang hanapin ang kusina dahil nagugutom na talaga siya, isama mo pa ang ginawa niyang pagtakbo kanina. Nang mahanap niya ang kusina ay una niyang binuksan ang fridge para magtingin ng mga pagkain.
Napatango-tango na lang si Davina.
“Mukhang hindi ako magugutom dito.” kinuha niya ang isang nasa baunan saka niya pinainit, nagbukas na lang din siya ng isang beer para inumin niya habang naghihintay sa kakainin niya.
“Bakit ba ang pait ng alak?” aniya pa nang bahagyang gumuhit sa lalamunan niya ang init. Parang kailangan niyang lumagok ng ilang alak bago niya harapin ang Daddy niya para may lakas siya ng loob kausapin ito.
“Nandito ka pala,”
“Oh goodness!” gulat niyang saad, natapon sa damit niya ang iniinom niyang beer dahil sa biglang nagsalita sa likod niya. Inis niyang nilingon kung sino ang gumulat sa kaniya.
“Hi, hehehe” nahihiyang bati ni John, inirapan naman siya ni Davina.
“What are you doing here?” mataray niyang tanong. Ibinaba naman ni John ang mga pinamili niyang mga pagkain.
“Ihahatid ko lang itong mga ‘to saka magluluto ng kakainin mo.”
“No need, there’s a lot of food here. Okay na sa’kin yun.”
“Pero iyun ang utos ni Sir Caspian.” Muling napairap si Davina, parang aso kung sumunod si John sa Boss niya. Kung sabagay, ano nga bang magagawa niya.
“I can cook, just do your other work. I can handle myself here, beside, aalis din naman ako bukas.” Napatingin sa kaniya si John.
“You can’t leave, you’re already married to Sir Caspian kaya kahit saan ka pumunta, he’s going to find you.”
“Damn! He can’t control my life, saka hindi ko ginusto ang kasal na sinasabi mo. This is a crime.”
“What do you know about crime?” napalingon naman siya ngayon sa pintuan ng kusina, nakatayo na ngayon dun si Caspian with his usual expression, blank and serious.
“Marami,” bahagyang napangisi si Caspian.
“I didn’t force you to marry me. Sino ba ang nagsabi sayong pumasok ka ng office ko that time? You even signed our marriage contract.”
“Because you force me!”
“Like what I said, I didn’t. Hey woman, you entered my office wearing a wedding gown. Hindi kita hinila kung saan lang. Now, which one of us is stupid?” hindi nakaimik si Davina. Aba! Malay ba niyang may nangyayari pala sa loob ng office na yun, gusto lang naman niyang magtago.
Nagtungo si Caspian sa fridge para manguha nang inumin. Tinungga naman ni Davina ang hawak niyang beer kaya mariiin siyang napapikit dahil sa pait. Pero kung inumin ito ng iba ay akala mo isang softdrinks lang sa panlasa nila.
Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin kay Caspian na tila walang pakialam sa lahat ng bagay. Kung pwede niya lang itong patayin ngayon, ginawa niya na.
“Hindi ako makakauwi mamaya—“
“I don’t care, I didn’t ask, asawa lang kita sa papel at wala akong pakialam kung saan ka pupunta.” Pagpuputol niya sa sasabihin ni Caspian.
“I know, I just want you to know dahil mag-isa ka lang dito. Take care, there’s no security guard here to protect you.”
“Damn! Are you scaring me now?”
“No, I am just saying this just in case. Mainit sa mata ng mga magnanakaw ang bahay ko.” napalunok si Davina.
“Kung ganun, I will spend the night at the hotel.”
“Ang balita ko, hinahalughog ng Daddy mo ang lahat ng hotel dito sa Metro.”
“What?” hindi niya makapaniwalang tanong, pero napaisip din siya dahil hindi malabong mangyari yun.
“Galing ako sa isang branch ng hotel namin malapit dito. Yung mga lalaking humahabol sayo kanina, nandun sila at hinahanap ang pangalan mo sa mga nakalog in.” Singit naman ni John, hindi na nakaimik si Davina. She don’t have a choice but to stay at Caspian house.
Inirapan na lang niya si Caspian saka niya kinuha sa oven ang ipinainit niyang pagkain.
“Iyan lang ba ang kakainin mo?”
“Eh ano bang pakialam mo? Mind your own business.” Masungit niyang aniya.
Napapatingin na lang sa kanila si John at bahagyang natatawa sa isipan niya dahil mukhang nakatagpo na ng babaeng tatapat sa Boss niya. Hindi niya akalain na titikom ang bibig ng Boss niya kay Davina na hindi naman nila kilala.
Hindi na lang pinansin ni Caspian si Davina saka siya lumabas ng kusina. Masama naman ang loob ni Davina habang nginunguya ang pagkain niya, hindi niya tuloy ito malasahan.
Maaaring hanggang ngayon naghahanap pa rin ang Daddy niya sa kaniya.
“Ibinilhan na rin pala kita ng mga isusuot mo.” sabat uli ni John.
“Don’t tell me that you even—“
“Huwag kang mag-aalala, may babae akong inutusan para siya ang bumili ng mga gamit niyong babae.” Pagpuputol na ni John sa sasabihin ni Davina dahil bakas naman sa mukha nito.
Hindi na nagsalita si Davina saka pinagpatuloy ang pagkain niya.
Hindi alam ni Davina kung ano ang ihaharap niya sa Daddy niya pagkatapos ng ginawa niya. Siguro maiintindihan pa ni Kenzo dahil matagal niya ng ipinaliwanag sa binata na hindi pa siya handa sa buhay may asawa. “Damn it!” hindi mapakali si Davina sa kinahihigaan niya, mag-isa niya lang sa bahay at hindi sigurado kung kailan ang balik ng bakulaw niyang napangasawa. “Ugh! My worst day ever!” inis niyang ibinato ang hawak niyang unan. Gusto niya lang namang tumakas sa kasal na ayaw niya tapos ang ending? Ikinasal sa lalaking lalong hindi niya kilala. Nag-iisip na siya kung paano ba niya ipapaliwanag ang lahat, kilala pa naman niya ang Daddy niya kung magalit. Kahit na anak siya nito ay wala siyang pakialam, once na kinontra mo siya humanda ka na. Napatingin si Davina sa entrance ng may maramdaman siya, malakas ang pakiramdam niya. Kinuha niya ang vase na nasa ibabaw ng lamesa para kung sakaling nandiyan nga ang mga sinasabi ni Caspian, makakapaghanda siya. Dahan-dahan siyang naglakad p
Maagang nagising si Davina, naabutan niya naman na sa kusina si Caspian at abala itong nagluluto. Seryoso pala talaga itong wala man lang siyang katulong. Siya ang nagluluto? Paano kapag nalate siya umuwi?“Get ready, we’re going to your family’s house. You’re going to introduce me as your husband.”“Gago ka ba? Sa tingin mo ganun lang kadali?” inis na saad ni Davina, wala na lang yatang araw na hindi siya ininis ng lalaking ito. “Kapag ginawa ko yun mapapatay tayo ng Daddy ko!”“Then I don’t care, kill me if he want.”“Ugh! You don’t know my Dad! Hindi mo alam ang kaya niyang gawin.” Halos gusto ng sabunutan ni Davina ang sarili niya dahil sa tigas ng ulo ni Caspian. Malamang, wala siyang katatakutan dahil hindi niya naman talaga kilala ang ama nito. Nanginginig na nga si Davina dahil sa takot eh.“At sa tingin mo matutuwa siya kapag nalaman pa niya sa ibang tao? I will broadcast about our marriage woman, either you like it or not we’re going to your family’s house. Mag-ayos ka kung
Umalis na sina Caspian at Davina sa bahay ng dalaga dahil sa nangyari. Salubong ang mga kilay ni Caspian habang nakatingin kay Davina na kagat kagat ang daliri. Nagtataka kung ano bang klaseng tao ang ama ni Davina para magkaroon ito ng baril sa tagiliran niya. Kung isa siyang negosyante paano siya matututong humawak nun at bakit siya magdadala ng sarili niyang baril kung kaya niya namang manguha ng taong pwedeng magbantay sa kaniya.“Ganun ba talaga ang ama mo? Kaya kang patayin dahil lang sa ginawa mo?” hindi niya na maiwasang tanong. Napairap na lang si Davina saka niya tiningnan ni Caspian.“Can’t you see? Sa tingin mo napakasimple ng ginawa ko? Alam mo, kung hindi dahil sayo hindi naman mangyayari sa akin ito eh. Ikaw itong pinilit akong pirmahan yang letseng kontrata na yan! Saka hindi ako kayang patayin ng Tatay ko okay? Kaisa-isa niya akong anak kaya hindi niya yun magagawa. I’m just stupid na pumasok sa kwartong yun kung nasaan ka. Damn it!” inis pa rin niyang saad, natatawa
Nakatingin lang si Caspian kay Davina na bakas ang pagkaseryoso habang ang matanda naman ay seryoso ng nakatingin kay Davina pero kay Caspian ito nakatingin. Magkatitigan na ngayon si Caspian at Davin, nanlilisik ang mga mata ni Davina habang blangko lang naman ang kay Caspian. Ngayong nalaman ni Davina sa mismong Lolo ni Caspian na marami na pala itong inuuwing babae, hindi niya ipagsisiksikan ang sarili niya sa lalaking katulad niya. Ang lalaking ang tingin sa kababaihan ay isang laruan lamang.Hindi naman niya talaga ito gusto eh, naipit lang talaga siya sa sitwasyon saka malay niya bang may isinasagawa pala sa kwartong pinasukan niya tapos nakawedding gown pa siya.Napatikhim na ang matanda dahil ramdam niya na ang pagiging seryoso ng dalawa. Tiningnan ulit ni Chariman Sanchez ang papel na nakalahad sa harapan niya at malinaw niya namang nakikita ang nakasulat dun. Nanlilisik pa rin ang mga mata ni Davina kay Caspian kaya iniwasan na lang siya ni Caspian ng tingin.“So, it’s true,
Humalikipkip na lang si Davina at itinuon ang paningin sa labas, salubong ang mga kilay at hindi na alam kung saan siya tutungo ngayon lalo na at alam niyang hindi siya tatanggapin ng ama sa pamamahay nila. Muling umikot ang mga mata niya at napapabuntong hininga na lang. Ano ba itong pinasok niya? Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para makatakas kay Kenzo tapos ngayon ikinasal naman siya sa iba.What a damn life! Inis niyang saad sa isipan niya. Iniisip niyang mas mabuti pa yatang ikinasal na lang siya kay Kenzo dahil mapapakisamahan at mapapakiusapan pa niya iyun ng maayos kesa sa isang estranghero na hindi man lang niya kilala at hindi gamay ang ugali.Nagulat na lamang si Davina nang may biglang magpaputok sa sasakyan nila.“Damn it! What is that?! AAAHH!” sigaw na naman niya nang sunod-sunod na ang paputok ng baril sa kanila.“Get down and don’t you dare na tingnan ang nangyayari sa labas!” maawtoridad na saad sa kaniya ni Caspian kaya ginawa na lang ni Davina ang sinabi nit
Para ng batang naupo sa gilid si Davina. Napakainit na sa labas kaya tagaktak na ang pawis niya lalo na sa noo niya. Kung 5,000 lang ang pera niya saan aabot yun? Ni hindi siya makapagstay sa hotel dahil isang gabi lang aabutin ng pera niya. Alam niyang may kinalaman ang Daddy niya sa pagkakablock ng mga atm niya at talagang pinakyaw niyang iblock lahat ng atm niya. Akala mo bata pa siya para hindi alam ang ginagawa niya.Sarili niyang pera ang inilalagay niya sa atm niya dahil galing ang lahat ng mga yun sa trabaho niya tapos kung iblock ng Daddy niya akala mo pag-aari niya. Napapatingala na lang si Davina wala na siyang pakialam kahit na makita pa siya ng mga taong dumadaan sa gilid dahil mas malalim ang iniisip niya.Hindi niya naman gustong bumalik kay Caspian dahil baka mamaya matagpuan na lang ang bangkay niya kung saan kahit na apo pa ito ng chairman ng Sanchez Group.Tumayo na si Davina saka muling hinila ang maleta niya at naglakad-lakad na kahit na hindi niya alam kung saan
Mabilis na umuwi si Caspian dahil sa ginagawa ni Davina. Wala namang kaso sa kaniya kung gagamitin ni Davina ang card niya dahil kusa niya naman iyung ibinigay pero saan niya na lang ba inilalaan? Sa isang oras lang ay naka-5M na kaagad ito? Mukhang sinasadya na lang ni Davina na asarin si Caspian.Pabagsak na binuksan ni Caspian ang pintuan niya at halos malaglag ang panga niya nang makita niya ang mga gamit na dumating na inorder online ni Davina.“What the hell are you doing, woman?! Anong gagawin mo sa mga ito?!” tanong niya habang tinitingnan ang tambak ng mga gamit sa sala niya. Nakangisi lang naman sa kaniya si Davina.“Hindi ko naman ninakaw ang black card mo no para magreaction ka ng ganiyan? Kusa mong ibinigay sa akin yun.”“I know and I told you to use it whenever you need but what is this? Anong gagawin mo sa mga yan?” turo niya sa mga gamit, hindi naman umimik si Davina ng marinig nila ang pagdoorbell kaya dumiretso siya sa pintuan para papasukin kung sino na naman ang pa
Halos pagod na pagod silang nag-ayos ng mga gamit. Napaupo na lang silang lahat sa sofa at nagpahinga na.“Nasaan na ba ang asawa mo? Mukhang nahanap mo na ang katapat mo ah?” mapang-asar na saad ni Max kay Caspian. Napapaismid na lang si Caspian dahil para siyang pagod na pagod gayong mas nakakapagod pa nga itong mga ginagawa nila sa misyon nila.“Sa tingin mo ikinaganda niya na yun? Tsss.” Singit na naman ni Sophia na hindi maalis ang inis kay Davina dahil halos lahat yata ay naipapagawa niya kay Caspian.“Nasan na nga pala siya? Hindi ko na siya napansin kanina.” saad na rin ni Railey saka inilibot nila ang paningin nila maliban kay Caspian at Evander.“Baka napagod na at nakatulog na kung saan, bakit mo pa kasi hahanapin.” Napapairap na saad ni Sophia kay Railey. Inilibot ni Evander ang paningin niya sa kabuuan ng sala at napangiti na lang.“Akalain mo nga namang ang ginasta niyang pera mo ay sa bahay mo rin naman pala naipunta lahat. Tingnan mo ang bahay mo Caspian, may pinagbago
“AAAAHHHHHHHH!” malakas na sigaw ni Davina nang magulat siya sa isang mannequin na nagmukhang white lady. Inis siyang napakuyom ng mga kamao niya dahil sigurado siyang kagagawan na naman ito ng Kuya niyang wala na lang yatang magawa sa buhay. “Humanda ka talaga sa aking Oliver ka!” naiinis pa rin niyang wika. Pakiramdam niya ay panandaliang humiwalay sa katawan niya ang kaluluwa niya sa sobrang gulat niya. Kinuha niya ang toy gun niya saka niya hinanap kung nasaan na naman ang magaling niyang Kuya. Nang makita niya itong prenteng nakaupo sa sala at nanunuod ng tv ay dahan-dahan niya itong nilapitan. Itinutok niya ang toy gun niya sa leeg ng Kuya niya saka niya iyun sunod-sunod na ipinutok. “Ouch! Aray, Davina it hurt!” sigaw niya kay Davina pero hindi siya tinigilan ni Davina. Kinuha ni Oliver ang unan sa sofa at iniharang niya sa sarili niya para hindi siya tamaan ng toy gun ni Davina. “Ano bang problema mo? Masakit kahit na laruan lang yan!” sigaw niya na naman kay Davina. “Ah t
Akala ko dun na lang kami matatapos, akala ko hindi na kami makakabalik. Sa mga araw na nagdaan sa nakalipas na isang taon, wala kaming makita kundi kadiliman lang. Tatlong buwan kaming naging bihag ng mga gagung yun. Akala ko habang buhay na lang kaming nasa kadiliman, ang mga pagkain nilang hindi mo alam kung anong lasa pero dahil kailangan naming mabuhay, kailangan naming mapanatiling malakas ang katawan namin, pinilit namin at pikit mata naming kinain ang mga pagkain na iniaabot sa amin kahit na pinagtatawanan na nila kami habang nginunguya ang mga pagkaing yun. Nang magising ako mula sa coma, hindi kaagad ako nakapagsalita nang sabihin ni Danielle na ilang buwan na kaming tulog ni Evander. Halos gusto ko nang patayin si Danielle dahil pinipigilan nila akong bumalik ng Pilipinas kung nasaan si Lorelie. Halos mabaliw ako kapag iniisip kong inakala niyang patay na ako, na pinagluluksaan niya na ako. Wala akong ibang inisip kundi si Lorelie, tang-ina, ibang babae na pala ang naaala
Halos hindi sila makapaniwala sa kwento ni Evander at Caspian tungkol sa nangyari sa kanila. Mapait na ngumiti si Max at Railey, nakayuko naman na si Lorelie dahil pare-pareho silang naguilty nang maiwan sila ng helicopter. Iniisip nila kung hindi lang siguro nila naiwan si Evander at Caspian, hindi sana nila naranasan ang hirap na nangyari sa kanila sa loob ng isang taon. “Hindi niyo kasalanan kung anong nangyari dahil kung nagpaiwan pa kayong lahat, kung hindi pa kayo umalis baka lahat tayo maiiwan, baka lahat tayo naging bihag ng mga terorista. We never blame you guys dahil naiwan kami. The most important is we’re still complete.” Wika ni Caspian sa kanila. Napangiti na lang ako nang magyakapan silang lahat. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko. Pakiramdam ko hanggang ngayon nananaginip pa rin ako dahil nandito sila at kasama namin. Tiningnan ko si Kuya Danielle na tahimik lang sa dulo ng sofa. Nilingon ko rin si Daddy na patingin-tingin kay Kuya, napangiti ako, sigurado
Halos hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila sa akin ngayon. Nang bumalik ang ala-ala ni Caspian dun lang nalaman ni Danielle ang tunay niyang pagkatao. Ako na lang ang nahihirapan na isink in sa utak ko ang lahat ng mga nalaman ko.Naupo na muna ako sa sofa at ganun din sila. Ramdam ko ang mga titig nila sa akin pero masyadong naguguluhan ang isip ko.“Alam naming magulo para sayo. Matagal na panahon naming minanmanan ang grupo ni Dead Angel kaya marami na kaming alam sa background niya, kung anong mga ginawa niya na dati pa. Sa kaniya lumaki si Danielle but he never treated him as his own son dahil kinidnap lang naman niya ito noong bata pa siya para makapaghiganti sa ama mo Davina. Napatay ni Mr. Flores ang anak ni Dead Angel kaya kinidnap niya si Danielle para gawing anak niya o kapalit ng namayapa niyang anak. Ilang taon din naming pinag-aralan ang tungkol kay Dead Angel at nang mapatay namin siya, nagkaroon kami ng acces sa lahat ng mga gamit at ari-arian niya. Lahat ng mga
DAVINA’S POVIt’s been a year pero hanggang ngayon sariwa pa rin ang sakit. Sa bawat araw na lilipas hindi ko alam kung paano ko yun nalalampasan. Nagpapasalamat pa rin ako dahil binigyan mo ako ng isang anghel, may iniwan ka pa ring ala-ala para sa akin. Bumabangon at nagiging malakas ako sa bawat araw kasama ng anak natin Caspian.Ni hindi man lang kita nakita, nayakap, nahalikan at nahaplos ang bawat parte ng katawan mo. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para maipaglaban ka sa mundong ito pero wala akong nagawa nang si Kamatayan na ang naging kalaban ko. You promised me that everything gonna okay, sinabi mo sa’kin na may aayusin ka lang pero bakit hindi ka na bumalik?Isang taon na ang nakalipas pero yung sakit nandito pa rin sa’kin. Araw-araw ko pa ring nararamdaman yung sakit, yung pangungulila ko sayo. Nakakalimutan kita panandalian kapag nandito ang mga kaibigan mo pero sa tuwing kami na lang ng anak mo ang naiiwan, nandyan na naman ang sakit.Kahit araw-araw kong hilingin na san
Iniayos ni Kenzo ang mga dala-dala niyang pagkain saka niya iyun ibinaba. Inilatag niya na rin ang isang tela at dinoblehan pa yun para hindi tumagos dun ang Bermuda baka kasi katihin si Caleb kapag hindi niya dinoblehan. “Pwede bang buhatin ko muna si Caleb, hi baby Caleb, dito ka muna kay Tito Max okay?” natutuwang wika ni Max habang kinakausap niya ang bata. “Da..da,” tawag niya rito, lahat sila na may ginagawa ay napatingin kay Caleb. Bakas ang gulat sa mukha ni Max dahil sa tinawag sa kaniya ni Caleb. “Sandali, ako ba ang tinawag niyang Dada? Tinawag niya akong Dada hahahaha.” Tuwang tuwang sigaw ni Max kaya lumapit silang lahat kay Davina na siyang may buhat buhat kay Caleb. “Assuming mo naman, normal lang na magsalita siya ng ganun naitaon lang na ikaw ang kaharap.” Nakangiwing wika ni Sophia kay Max. “Well, ako talaga ang Daddy ni Caleb, ano nga baby Caleb? Ang cute cute naman ng prinsipe naming iyan.” Paglalaro pa ni Max kay Caleb. “When did he said a word?” tanong ni K
Tulalang nakatingin sa karagatan si Davina. Hinahayaan niyang tangayin ng hangin ang mahaba niyang buhok. Sa bawat araw na dumadaan ay ito ang gawain niya, ang pumunta sa dagat at manatili ng isa o dalawang oras.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at tipid siyang ngumiti. Sa tuwing naaalala niya ang araw na natanggap niya ang sulat mula kay Caspian, ramdam pa rin niya yung sakit. Kahit lumilipas ang oras araw-araw, masakit pa rin.1 year ago.....“Pareho na silang wala Davina.” Ang mga salita na nakapagpabagsak ng mundo niya. Umiling nang umiling si Davina, napaatras pa siya dahil ayaw niyang maniwala, wala siyang pinaniniwalaan.“I don’t believe you, Max I’m begging you. Huwag naman ganito oh, huwag niyo naman akong biruin, please.” Nagmamakaawa niyang wika. Mabilis na inalalayan ni Railey si Davina nang muntik pa itong matumba dahil sa panghihina.Walang magawa si Railey at Max para pagaanin ang nararamdaman ni Davina. Sa mga mata pa lang niya alam mo ng araw-araw
Bago gawin nina Caspian ang misyon nila sa Presidente ay binilin niya na silang lahat kung anong mga dapat nilang gawin. Nang malaman niyang isa si Davina sa nagbabantay sa Presidente ay binilin niya si Lorelie na ilayo niya si Davina kahit sa anong klaseng paraan basta mailayo niya ito.Nang lumabas si Davina kasama ang Presidente ay akma na sanang hihilain ni Lorelie si Davina pero umatras siya. Umiling siya sa sarili niya, hanggang ngayon ramdam pa rin niya ang inis at galit kay Davina. Sinisisi niya ito kung bakit nasaktan siya ni Caspian kaya pinabayaan niya si Davina. Iniwan niya ito at hinayaan na kung anong mangyayari sa kaniya.Nang mabaril si Davina wala man lang naramdamang kahit kaunting awa si Lorelie para sa kaniya. Hindi niya kasi matanggap na minahal ni Caspian ng sobra si Davina habang siya hanggang ngayon nasasaktan pa rin dahil hindi niya naramdaman ang pag-aalaga at pag-aalala kay Caspian na nagagawa niya ngayon kay Davina.Naggagayak na silang lahat dahil aalis na
Flashback Galit na galit si Caspian nang makabalik siya ng headquarter nila, kulang na lang ay kainin ka niya ng buhay sa sobrang galit niya. “Goddamn it! Who said I was in a bar?!” halos gumuhit lahat ng mga litid ni Caspian sa leeg niya dahil sa lakas ng sigaw niya at sa tindi ng galit niya. Nakapila na silang lahat at nakakunot ang noo maliban kay Lorelie na nakayuko na ang ulo niya at nilalaro niya na ang mga daliri niya dahil sa kabang nararamdaman niya. Umayos siya nang tayo dahil baka mahalata siya ni Caspian. “Why? What happened?” tanong ni Evander. Inis na sinabunutan ni Caspian ang buhok niya. “Davina is there, she’s there and she saw us! Damn it!” nanggagalaiti pa rin niyang sigaw. Hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag kay Davina. Inis siyang napasuntok sa pader nang maalala niya ang mga mata ni Davina kanina, punong puno ng sakit, lungkot at para bang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso niya. “What do you mean? Nasa bar si Davina kung saan may operation ka?”