Nakatingin lang si Caspian kay Davina na bakas ang pagkaseryoso habang ang matanda naman ay seryoso ng nakatingin kay Davina pero kay Caspian ito nakatingin. Magkatitigan na ngayon si Caspian at Davin, nanlilisik ang mga mata ni Davina habang blangko lang naman ang kay Caspian. Ngayong nalaman ni Davina sa mismong Lolo ni Caspian na marami na pala itong inuuwing babae, hindi niya ipagsisiksikan ang sarili niya sa lalaking katulad niya. Ang lalaking ang tingin sa kababaihan ay isang laruan lamang.
Hindi naman niya talaga ito gusto eh, naipit lang talaga siya sa sitwasyon saka malay niya bang may isinasagawa pala sa kwartong pinasukan niya tapos nakawedding gown pa siya.
Napatikhim na ang matanda dahil ramdam niya na ang pagiging seryoso ng dalawa. Tiningnan ulit ni Chariman Sanchez ang papel na nakalahad sa harapan niya at malinaw niya namang nakikita ang nakasulat dun. Nanlilisik pa rin ang mga mata ni Davina kay Caspian kaya iniwasan na lang siya ni Caspian ng tingin.
“So, it’s true, you are my grandson’s wife?” seryoso ng tanong ni Chairman.
“Yes Sir and soon to be his ex-wife po.” Ramdam nila ang pagiging seryoso ni Davina. Ayaw din naman ito ng dalaga lalo na at relasyon nila ng ama niya ang madadamay dahil sa isang pagkakamaling ito. Mas tatanggpin niya sigurong magalit sa kaniya ang ama dahil hindi siya sumipot sa kasal pero hindi sa ganitong sitwasyon, tumakas na nga siya tapos uuwing may asawa na?
“I’m sorry iha, nasabi ko ang mga bagay na yun dahil ilang mga babae na ang ipinakilala sa’kin ng apo ko na binabayaran niya lang para ipakilalang asawa niya pero hindi sila mga kasal. Gusto ko lang masiguro this time na totoong kasal na nga siya and I’m sorry kung nagalit ka because of what I said. Calm down iha, hindi magandang magbitiw ka ng desisyo ng galit ka pa.” malumamay na wika ng matanda kaya napabuntong hininga na lang si Davina. Ayaw niya namang bastusin ang matanda dahil kahit may pagkamataray siya may respeto pa rin siya sa mga taong mas matanda sa kaniya.
“I want to introduce myself iha, I’m Chairman Mario Sanchez. Owner of Sanchez Group company.” Pagpapakilala ng matanda, para namang nanigas si Davina sa sinabi ng matanda. Bahagya pang napaawang ang bibig niya dahil sa gulat at para bang hindi pa siya makapaniwala na ang Chairman ng isang pinakamalaking kompanya sa bansa ay nasa harapan niya ngayon. Napatayo na lang si Davina saka bahagyang yumuko para magbigay galang sa matanda.
“Pasensya na po sa ipinakita kong pag-uugali, I didn’t mean it po. Nagulat lang po talaga ako sa sinabi niyo kanina na panglimang babae na ako ni Caspian na idinala sa inyo.” nahihiya pa rin niyang saad. Kilala sa pangalan si Chairman Sanchez pero hindi masyado sa mukha dahil hindi siya mahilig magpakita sa mga news at magazine.
“I understand iha, you don’t need to say sorry. You don’t have to worry naman dahil sa lahat ng idinala at iniharap sa akin ni Caspian ay ikaw lang ang kasal sa kaniya.” nagtataka man ang mukha ni Davina ay hindi niya na iyun ipinapahalata. Nagtatanong ang isip niya kung bakit ba parang pareho silang maglolo na nagmamadali sa pag-aasawa? Gusto man niya iyung itanong pero mamaya na lang siguro kapag dalawa na lang sila ni Caspian ang naiwan.
Muling naupo si Davina at nakayuko na ang ulo niya. Isang kagalang galang na tao ang kaharap niya at nahihiya na lang siya kapag naiisip niya ang ginawa niya kanina sa harap ng matanda.
“Katie, pakihatid naman ng meryenda naman dito.” utos ng Chairman sa katulong nila.
“Napansin ko pong parang mag-isa niyo lang po dito. Wala po ba kayong kasama rito maliban sa mga katulong?” mahinang tanong ni Davina pero sapat pa rin naman para marinig ng matanda.
“May tatlo akong anak na puro lalaki pero lahat sila ay may mga pamilya na. Dumadalaw na lang sila rito kaya hindi sila masyadong busy.” Napatango-tango na lang si Davina at hindi na nagtanong pa. Sa laki ng bahay ng Chairman ng Sanchez Group tapos siya lang pala ang nakatira at tanging mga katulong at security na lang ang kasama.
“Pasensya ka na Lo kung ngayon lang kami nakadalaw ni Davina rito. Naisipan po kasi namin na magbakasyon na muna bago kami nagpakasal.” Muling kumunot ang noo ni Davina dahil sa kasinungalingan ni Caspian habang naniningkit naman ang mga mata ng Chairman at binabasa ang mukha ng apo kung talagang nagsasabi ito ng katotohanan. Napairap na lang si Davina dahil sa galing umakting ni Caspian, para siyang nagsasabi ng totoo.
“Oh, so it’s true. Ang asawa mo ang nakita ko sa picture kasama mo sa Dubai.” Mas lalong wala ng naiintindihan si Davina dahil sa pinag-uusapan ng maglolo. Wala naman siyang matandaan na nagpunta siya sa Dubai at kasama pa talaga ang lalaking ito? Natatawa na lamang si Davina sa isipan niya, anong kasinungalingan at ipinapaabot ni Caspian sa Lolo niya. Napairap na lang si Davina.
“Lo, hanggang kailan niyo ba ako paiimbestigahan lalo na sa mga taong nakakasama ko. That is our privacy po, please.” Hindi na mabilang ni Davina kung nakailang irap na ba siya habang kasama ang maglolo na ito dahil para talagang nagsasabi ng totoo si Caspian, madadala ka sa kaseryosohan niya.
Tumawa na lang si Chairman Sanchez na para bang may nakakatawa talaga.
“Pasensya ka na iho, nadulas ako sa sinabi ko. Anyway, welcome to our family Davina. Feel at home at huwag kang mahihiya sa pamilya namin lalo na sa akin lalo na at it looks like na hindi mo inaasahan na ako ang Lolo ni Caspian.” Tipid na lang na ngumiti si Davina.
“Ganun na nga po, hindi nasabi sa akin ni Caspian na Lolo po pala niya ang Chairman ng Sanchez Group. Hindi ko po inaasahan ang bagay na yun.” Nakayuko niyang aniya dahil kapag alam niya lang hindi siya sasama sa mansion na ito para mameet ang isang iginagalang na tao sa bansang ito. Gusto na lang ni Davina na mawala na lang at kainin ng lupa dahil nahihiya siya sa ginawa niyang pagbatok kay Caspian kanina sa harap pa talaga mismo ni Chairman Sanchez.
Kumain naman naman na muna sila ng meryenda at tahimik na si Davina. May pagkasiga siya, pagkamataray at may pagkasungit pero kapag ganito kataas na tao ang nakakaharap niya para bang tumiklop na ang buntot niya na parang aso. Mabagal din siyang kumain dahil malalim na ang iniisip niya, ang dami niya na ngang iniisip lalo na sa Daddy niya tapos dumagdag pa ang mga iniisip niya sa mga sinabi ni Caspian kanina. Ni hindi nga sila magkakilala tapos may pabakasyon pa?
Ano? Pagtatakpan na lang ni Caspian ang pagiging babaero niya gamit si Davina? Nakukuyumos na lang ni Davina ang kamao niya at sa tuwing napapatingin siya kay Caspian ay matalim niya itong tinitingnan. Naniningkit ang mga mata niya at iniisip na siguro ibang babae talaga ang kasama niya sa Dubai at pinalabas na lang na si Davina ang kasama niya. Muling umikot ang mga mata ni Davina dahil dun.
“Ngayong mag-asawa naman na kayo siguro naman ay panahon na para magkaroon ako ng apo sa tuhod sayo Caspian lalo na at ilang—“ hindi pa man natatapos ng Chairman ang sasabihin niya nang mabulunan na si Davina sa kinakain niya kaya mabilis siyang nilapitan ni Caspian at inabutan ng tubig. Ininom naman yun ni Davina habang hinahagod naman ni Caspian ang likod ng dalaga.
Nakahinga na lang ng maluwag si Davina nang maging maayos ang pakiramdam niya.
“Hindi ka naman aagawan sa pagkain Baby so please eat slowly.” Malambing na wika ni Caspian kaya inirapan na lang ni Davina ang dalaga. Napakagaling talaga umakting, pwede ng mag-artista.
“Are you okay, iha?” tanong na rin ng matanda.
“Okay lang po ako, pasensya na po. Nabigla lang po ako sa sinabi niyong kailangan na namin magkaanak ni Caspian? Hindi po ba parang masyado naman po yatang maaga para sa bagong kasal?” pilit ang ngiti niyang tanong pero seryoso ang mukha ng matanda.
“Masyado pang maaga? Ilang taon ka na ba Caspian para maging maaga pa magkaroon ng anak? Kung yung iba nga diyan nagkakaanak na bago ang kasal bakit kayo na ikinasal muna masyado pang maaga? Hindi kayo pabata para—“
“Lo, pwede po bang kami ni Davina ang magdedecide sa bagay na yan? Si Davina po ang magbubuntis Lo at hindi po tayo. Gusto ko kapag nagkaanak kami ni Davina handa na siya, ayaw ko ng pinipilit dahil siya ang magdadala sa bata. I need to respect her, hindi ko siya pinakasalan para magdala lang ng magiging anak ko.” sabat na ni Caspian, hindi alam ni Davina kung matutuwa ba siya o maiinis sa sinasabi ni Caspian. Naiinis siya dahil wala silang pinag-usapan na magkakaroon sila ng anak at parang lumambot ang puso niya sa sinabi niyang he respects her lalo na at siya nga naman na babae ang magbubuntis at hindi silang dalawa na maglolo.
Napabuntong hininga na lang si Chairman Sanchez dahil may punto naman si Caspian.
“I understand, pasensya ka na iha. Matanda na ako at ano mang oras ay pwede ng mawala sa mundong ito and I just want to see and meet may grandson kay Caspian.” Aniya na ikinangiti na lang ni Davina.
“Naiintindihan ko po, huwag po kayong mag-alala dahil sisiguraduhin po ni Caspian na bibigyan niya po kayo ng apo bago po kayo mawala saka matagal na panahon pa po yun, malakas pa po kayo.” Pilit ang ngiti niyang saad habang nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin kay Caspian.
‘Bibigyan niya kayo ng apo na nais niyo pero hindi sa’kin, hindi ako paanakan.’ Wika niya na lang sa isip niya at pilit na ngumiti sa matanda.
Napatango-tango na lang ang matanda at matamis na ring ngumiti kay Davina.
“Oh siya, dito ba kayo kakain? Para makapaghanda ang mga katulong natin.”
“Gustuhin man po namin Lo but we have to go na rin po dahil ilang araw na po akong absent sa hotel.” Saad ni Caspian.
“Kung ganun, naiintindihan ko. Dumalaw kayo uli kapag may oras pero sa ngayong buwan huwag na muna dahil magiging abala ako.” napakunot naman ang noo ni Caspian.
“Where are you going Lo?” tanong niya rito.
“I need to go at England para sa business natin. Sasabihan ko na lang kayo kapag nandito na ako sa Pilipinas.” Napatango na lang silang dalawa at nagpaalam na rin para umalis. Sa lalim ng iniisip kanina ni Davina ay hindi niya na napansin ang ganda ng lugar na pinasukan nila. Napakalawan na hardin, ng bakuran at ni hindi niya man lang napansin na may pinasukan na pala silang gate kanina bago sila makarating sa napakalaking bahay.
“Ang laki-laki ng bahay niyo rito pero bakit pinili mo pang lumayo sa Lolo mo kung mag-isa niya naman na pala rito?” saad ni Davina.
“I have a valid reason kung bakit.” Tipid na sagot ni Caspian. Inis na hinarap ni Davina si Caspian at gusto niya na itong batukan pero hindi niya pwedeng gawin lalo na at nagdadrive si Caspian.
“Saka teka nga, sino nagsabi sayong pwede mo akong anakan?! Hello? Hibang ka ba talaga? Nakadroga ka ba? Ni hindi nga kita kilala tapos gusto mo akong anakan? Are you really serious?!” hindi niya na mapigilang sigaw, kanina pa siya nagtitimpi hindi niya lang masagot si Caspian dahil kaharap pa nila ang Lolo niya.
“Wala naman akong sinabing aanakan kita diba? Forget about that thing at ako na ang bahala dun.”
“You should dahil kung hindi baka mapatay kita! Bakit ba excited kayong dalawa na maglolo sa pagpapakasal? Nauubusan ba kayo ng oras para gawin yun?! Saka marami ka naman na palang babae na dinala sa kaniya bakit ni isa wala kang pinakasalan?!”
“Meron,” kalmado at tipid na sagot ni Caspian kaya natahimik si Davina at kunot noo na namang nakatingin kay Caspian.
“Kung meron naman pala, bakit mo akong pinakasalan? Gago ka ba?!” humugot na lang ng malalim na buntong hininga si Caspian dahil kanina pa niya napapansin na kanina pa siya sinisigawan ni Davina lalo na at binatukan pa siya nito. Ang pinakaayaw pa naman niya ay ang sinasaktan siya at sinisigawan.
“Sa lahat ng babaeng idinala ko sa kaniya may pinakasalan ako at ikaw yun Ms. Davina.” May diin niya ng saad dahil umiigting na ang panga niya dahil sa pagsigaw-sigaw sa kaniya ni Davina.
Napaawang na lang ang bibig ni Davina at hindi makapaniwalang nakatingin kay Caspian. What a nice answer.
Humalikipkip na lang si Davina at itinuon ang paningin sa labas, salubong ang mga kilay at hindi na alam kung saan siya tutungo ngayon lalo na at alam niyang hindi siya tatanggapin ng ama sa pamamahay nila. Muling umikot ang mga mata niya at napapabuntong hininga na lang. Ano ba itong pinasok niya? Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para makatakas kay Kenzo tapos ngayon ikinasal naman siya sa iba.What a damn life! Inis niyang saad sa isipan niya. Iniisip niyang mas mabuti pa yatang ikinasal na lang siya kay Kenzo dahil mapapakisamahan at mapapakiusapan pa niya iyun ng maayos kesa sa isang estranghero na hindi man lang niya kilala at hindi gamay ang ugali.Nagulat na lamang si Davina nang may biglang magpaputok sa sasakyan nila.“Damn it! What is that?! AAAHH!” sigaw na naman niya nang sunod-sunod na ang paputok ng baril sa kanila.“Get down and don’t you dare na tingnan ang nangyayari sa labas!” maawtoridad na saad sa kaniya ni Caspian kaya ginawa na lang ni Davina ang sinabi nit
Para ng batang naupo sa gilid si Davina. Napakainit na sa labas kaya tagaktak na ang pawis niya lalo na sa noo niya. Kung 5,000 lang ang pera niya saan aabot yun? Ni hindi siya makapagstay sa hotel dahil isang gabi lang aabutin ng pera niya. Alam niyang may kinalaman ang Daddy niya sa pagkakablock ng mga atm niya at talagang pinakyaw niyang iblock lahat ng atm niya. Akala mo bata pa siya para hindi alam ang ginagawa niya.Sarili niyang pera ang inilalagay niya sa atm niya dahil galing ang lahat ng mga yun sa trabaho niya tapos kung iblock ng Daddy niya akala mo pag-aari niya. Napapatingala na lang si Davina wala na siyang pakialam kahit na makita pa siya ng mga taong dumadaan sa gilid dahil mas malalim ang iniisip niya.Hindi niya naman gustong bumalik kay Caspian dahil baka mamaya matagpuan na lang ang bangkay niya kung saan kahit na apo pa ito ng chairman ng Sanchez Group.Tumayo na si Davina saka muling hinila ang maleta niya at naglakad-lakad na kahit na hindi niya alam kung saan
Mabilis na umuwi si Caspian dahil sa ginagawa ni Davina. Wala namang kaso sa kaniya kung gagamitin ni Davina ang card niya dahil kusa niya naman iyung ibinigay pero saan niya na lang ba inilalaan? Sa isang oras lang ay naka-5M na kaagad ito? Mukhang sinasadya na lang ni Davina na asarin si Caspian.Pabagsak na binuksan ni Caspian ang pintuan niya at halos malaglag ang panga niya nang makita niya ang mga gamit na dumating na inorder online ni Davina.“What the hell are you doing, woman?! Anong gagawin mo sa mga ito?!” tanong niya habang tinitingnan ang tambak ng mga gamit sa sala niya. Nakangisi lang naman sa kaniya si Davina.“Hindi ko naman ninakaw ang black card mo no para magreaction ka ng ganiyan? Kusa mong ibinigay sa akin yun.”“I know and I told you to use it whenever you need but what is this? Anong gagawin mo sa mga yan?” turo niya sa mga gamit, hindi naman umimik si Davina ng marinig nila ang pagdoorbell kaya dumiretso siya sa pintuan para papasukin kung sino na naman ang pa
Halos pagod na pagod silang nag-ayos ng mga gamit. Napaupo na lang silang lahat sa sofa at nagpahinga na.“Nasaan na ba ang asawa mo? Mukhang nahanap mo na ang katapat mo ah?” mapang-asar na saad ni Max kay Caspian. Napapaismid na lang si Caspian dahil para siyang pagod na pagod gayong mas nakakapagod pa nga itong mga ginagawa nila sa misyon nila.“Sa tingin mo ikinaganda niya na yun? Tsss.” Singit na naman ni Sophia na hindi maalis ang inis kay Davina dahil halos lahat yata ay naipapagawa niya kay Caspian.“Nasan na nga pala siya? Hindi ko na siya napansin kanina.” saad na rin ni Railey saka inilibot nila ang paningin nila maliban kay Caspian at Evander.“Baka napagod na at nakatulog na kung saan, bakit mo pa kasi hahanapin.” Napapairap na saad ni Sophia kay Railey. Inilibot ni Evander ang paningin niya sa kabuuan ng sala at napangiti na lang.“Akalain mo nga namang ang ginasta niyang pera mo ay sa bahay mo rin naman pala naipunta lahat. Tingnan mo ang bahay mo Caspian, may pinagbago
Ilang araw na ang lumipas simula noong umalis si Caspian kaya naiwang mag-isa si Davina sa napakalaking bahay ni Caspian. Inilibot niya ang paningin niya pero hindi niya alam kung anong gagawin niya. Kung maglilinis naman siya ng bahay, ano pang lilinisan niya kung nalinis na ng mga taong nirerenta lang ni Caspian para maglinis ng bahay.Napabuntong hininga na lang si Davina saka niya kinuha ang cell phone niya sakto naman ang pagtawag sa kaniya ni Jillian na mabilis niya namang sinagot.“Jill, buti napatawag ka.” sagot niya sa kaibigan.“Kailan ka ba babalik? Saka nasan ka na ba? Hindi ka pa rin ba umuuwi sa inyo?” nagtatakang tanong ng kaibigan niya kaya napasandal na lang siya sa sofa at itinaas ang paa sa glass table.“Pinalayas ako ni Daddy,” simple niyang sagot.“What? Are you serious? Hindi yun magagawa ng Daddy mo kaya paano?” napairap na lang si Davina, yun ang inaasahan nilang lahat, ang hindi magalit sa kaniya ang Daddy niya kahit na nag-iisa siyang anak pero wala eh, nagal
Pagbalik ni Davina sa kwarto ni Caspian ay naabutan niya itong sinasarili na linisin ang sugat niya. Nang mapansin ni Caspian ang pagpasok ni Davina ay nilingon niya ito pero ibinalik din ang atensyon sa paglilinis niya ng sugat niya.“What are you doing here? Get out, you are not supposed to be here.” Masungit na wika ni Caspian pero walang pinakinggan si Davina at mas nilapitan ang binata.“Anong gusto mong gawin ko, pabayaan ko ang asawa ko?” May diin pa niyang saad sa may asawa. Hinarap niya na si Caspian saka niya inilagay ang isang malinis na towel sa warm water na kinuha niya sa ibaba.“You don’t need to do this. I can take care of myself. Now, get out.” Napairap na lang si Davina dahil sa kasungitan at may pagkatigas din pala na ulo ni Caspian.“Ano ba!” masungit na saad ni Caspian nang biglang hawakan ni Davina ang braso niyang may sugat saka dahan dahan iyun na dinampian ng towel.“Kung mag-iinarte ka lang din pala dahil diyan sa sugat mo hindi ka na lang sana umuwi para hin
Paggising ni Caspian kinabukasan ay naamoy niya na ang mabangong pagkain na nagmumula na naman sa kusina. Nung una ay nagtaka pa siya dahil wala namang magluluto sa bahay niya pero naalala niyang may kasama nga pala siya at si Davina yun. Nasanay kasi siya na walang magluluto ng kakainin niya, siya ang palaging nagluluto para sa sarili niya at kung tinamad naman siya ay umoorder na lang siya.Habang palapit siya nang palapit ay mas lalong naaamoy ang bango ng pagkain sa kusina. Ilang taon na nga ba siyang namumuhay ng mag-isa at walang kasama sa bahay? Hindi niya na matandaan, ngayon niya na lang uli naranasan ng maaabutan niya na ang hapag kainan na may nakahanda na at ngayon na lang uli na may magluluto para sa kaniya.Pumasok na siya sa kusina at kita niya naman na si Davina na nakatalikod sa kaniya at may suot na apron habang nakaharap sa gas stove. Nakatitig lang siya sa dalaga at pinapanuod ang bawat kilos nito. Napaayos na lang ng tayo si Caspian ng mapansin na siya ni Davina.
Nakangiting pinagmamasdan ni Davina ang payapa at magandang dagat mula sa kwarto nila. Glass wall lang kasi ang nakaharang kaya kitang kita mo ang ganda ng dagat. Hindi niya na maalala kung kailan ba ang huli niyang bakasyon o makapunta man lang sa mga ganito kaganda at karelaxing na lugar dahil subsob na siya sa trabaho, walang ibang ginawa at inisip kundi ang ipagawa ang iniuutos ng sariling ama sa kaniya. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at idinapa ang dalawang kamay. Pakiramdam niya kasi panandalian siyang nakawala sa isang hawla, muli niyang naranasan ang magliwaliw at ilaan ang buong oras sa sarili. “Hindi ka pa ba nagugutom? Ipinaakyat ko na lang ang mga pagkain natin dito.” agaw atensyong saad ni Caspian pero nananatili pa rin si Davina sa pwesto niya. Nakatingin lang sa kaniya si Caspian at ng hindi sumagot si Davina ay hinayaan niya na lang ito. Ipinadiretso niya na lang ang pagkain nila sa kwarto nila. “May pakinabang din pala na napangasawa kita. Akalain mong nakakara
“AAAAHHHHHHHH!” malakas na sigaw ni Davina nang magulat siya sa isang mannequin na nagmukhang white lady. Inis siyang napakuyom ng mga kamao niya dahil sigurado siyang kagagawan na naman ito ng Kuya niyang wala na lang yatang magawa sa buhay. “Humanda ka talaga sa aking Oliver ka!” naiinis pa rin niyang wika. Pakiramdam niya ay panandaliang humiwalay sa katawan niya ang kaluluwa niya sa sobrang gulat niya. Kinuha niya ang toy gun niya saka niya hinanap kung nasaan na naman ang magaling niyang Kuya. Nang makita niya itong prenteng nakaupo sa sala at nanunuod ng tv ay dahan-dahan niya itong nilapitan. Itinutok niya ang toy gun niya sa leeg ng Kuya niya saka niya iyun sunod-sunod na ipinutok. “Ouch! Aray, Davina it hurt!” sigaw niya kay Davina pero hindi siya tinigilan ni Davina. Kinuha ni Oliver ang unan sa sofa at iniharang niya sa sarili niya para hindi siya tamaan ng toy gun ni Davina. “Ano bang problema mo? Masakit kahit na laruan lang yan!” sigaw niya na naman kay Davina. “Ah t
Akala ko dun na lang kami matatapos, akala ko hindi na kami makakabalik. Sa mga araw na nagdaan sa nakalipas na isang taon, wala kaming makita kundi kadiliman lang. Tatlong buwan kaming naging bihag ng mga gagung yun. Akala ko habang buhay na lang kaming nasa kadiliman, ang mga pagkain nilang hindi mo alam kung anong lasa pero dahil kailangan naming mabuhay, kailangan naming mapanatiling malakas ang katawan namin, pinilit namin at pikit mata naming kinain ang mga pagkain na iniaabot sa amin kahit na pinagtatawanan na nila kami habang nginunguya ang mga pagkaing yun. Nang magising ako mula sa coma, hindi kaagad ako nakapagsalita nang sabihin ni Danielle na ilang buwan na kaming tulog ni Evander. Halos gusto ko nang patayin si Danielle dahil pinipigilan nila akong bumalik ng Pilipinas kung nasaan si Lorelie. Halos mabaliw ako kapag iniisip kong inakala niyang patay na ako, na pinagluluksaan niya na ako. Wala akong ibang inisip kundi si Lorelie, tang-ina, ibang babae na pala ang naaala
Halos hindi sila makapaniwala sa kwento ni Evander at Caspian tungkol sa nangyari sa kanila. Mapait na ngumiti si Max at Railey, nakayuko naman na si Lorelie dahil pare-pareho silang naguilty nang maiwan sila ng helicopter. Iniisip nila kung hindi lang siguro nila naiwan si Evander at Caspian, hindi sana nila naranasan ang hirap na nangyari sa kanila sa loob ng isang taon. “Hindi niyo kasalanan kung anong nangyari dahil kung nagpaiwan pa kayong lahat, kung hindi pa kayo umalis baka lahat tayo maiiwan, baka lahat tayo naging bihag ng mga terorista. We never blame you guys dahil naiwan kami. The most important is we’re still complete.” Wika ni Caspian sa kanila. Napangiti na lang ako nang magyakapan silang lahat. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko. Pakiramdam ko hanggang ngayon nananaginip pa rin ako dahil nandito sila at kasama namin. Tiningnan ko si Kuya Danielle na tahimik lang sa dulo ng sofa. Nilingon ko rin si Daddy na patingin-tingin kay Kuya, napangiti ako, sigurado
Halos hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila sa akin ngayon. Nang bumalik ang ala-ala ni Caspian dun lang nalaman ni Danielle ang tunay niyang pagkatao. Ako na lang ang nahihirapan na isink in sa utak ko ang lahat ng mga nalaman ko.Naupo na muna ako sa sofa at ganun din sila. Ramdam ko ang mga titig nila sa akin pero masyadong naguguluhan ang isip ko.“Alam naming magulo para sayo. Matagal na panahon naming minanmanan ang grupo ni Dead Angel kaya marami na kaming alam sa background niya, kung anong mga ginawa niya na dati pa. Sa kaniya lumaki si Danielle but he never treated him as his own son dahil kinidnap lang naman niya ito noong bata pa siya para makapaghiganti sa ama mo Davina. Napatay ni Mr. Flores ang anak ni Dead Angel kaya kinidnap niya si Danielle para gawing anak niya o kapalit ng namayapa niyang anak. Ilang taon din naming pinag-aralan ang tungkol kay Dead Angel at nang mapatay namin siya, nagkaroon kami ng acces sa lahat ng mga gamit at ari-arian niya. Lahat ng mga
DAVINA’S POVIt’s been a year pero hanggang ngayon sariwa pa rin ang sakit. Sa bawat araw na lilipas hindi ko alam kung paano ko yun nalalampasan. Nagpapasalamat pa rin ako dahil binigyan mo ako ng isang anghel, may iniwan ka pa ring ala-ala para sa akin. Bumabangon at nagiging malakas ako sa bawat araw kasama ng anak natin Caspian.Ni hindi man lang kita nakita, nayakap, nahalikan at nahaplos ang bawat parte ng katawan mo. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para maipaglaban ka sa mundong ito pero wala akong nagawa nang si Kamatayan na ang naging kalaban ko. You promised me that everything gonna okay, sinabi mo sa’kin na may aayusin ka lang pero bakit hindi ka na bumalik?Isang taon na ang nakalipas pero yung sakit nandito pa rin sa’kin. Araw-araw ko pa ring nararamdaman yung sakit, yung pangungulila ko sayo. Nakakalimutan kita panandalian kapag nandito ang mga kaibigan mo pero sa tuwing kami na lang ng anak mo ang naiiwan, nandyan na naman ang sakit.Kahit araw-araw kong hilingin na san
Iniayos ni Kenzo ang mga dala-dala niyang pagkain saka niya iyun ibinaba. Inilatag niya na rin ang isang tela at dinoblehan pa yun para hindi tumagos dun ang Bermuda baka kasi katihin si Caleb kapag hindi niya dinoblehan. “Pwede bang buhatin ko muna si Caleb, hi baby Caleb, dito ka muna kay Tito Max okay?” natutuwang wika ni Max habang kinakausap niya ang bata. “Da..da,” tawag niya rito, lahat sila na may ginagawa ay napatingin kay Caleb. Bakas ang gulat sa mukha ni Max dahil sa tinawag sa kaniya ni Caleb. “Sandali, ako ba ang tinawag niyang Dada? Tinawag niya akong Dada hahahaha.” Tuwang tuwang sigaw ni Max kaya lumapit silang lahat kay Davina na siyang may buhat buhat kay Caleb. “Assuming mo naman, normal lang na magsalita siya ng ganun naitaon lang na ikaw ang kaharap.” Nakangiwing wika ni Sophia kay Max. “Well, ako talaga ang Daddy ni Caleb, ano nga baby Caleb? Ang cute cute naman ng prinsipe naming iyan.” Paglalaro pa ni Max kay Caleb. “When did he said a word?” tanong ni K
Tulalang nakatingin sa karagatan si Davina. Hinahayaan niyang tangayin ng hangin ang mahaba niyang buhok. Sa bawat araw na dumadaan ay ito ang gawain niya, ang pumunta sa dagat at manatili ng isa o dalawang oras.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at tipid siyang ngumiti. Sa tuwing naaalala niya ang araw na natanggap niya ang sulat mula kay Caspian, ramdam pa rin niya yung sakit. Kahit lumilipas ang oras araw-araw, masakit pa rin.1 year ago.....“Pareho na silang wala Davina.” Ang mga salita na nakapagpabagsak ng mundo niya. Umiling nang umiling si Davina, napaatras pa siya dahil ayaw niyang maniwala, wala siyang pinaniniwalaan.“I don’t believe you, Max I’m begging you. Huwag naman ganito oh, huwag niyo naman akong biruin, please.” Nagmamakaawa niyang wika. Mabilis na inalalayan ni Railey si Davina nang muntik pa itong matumba dahil sa panghihina.Walang magawa si Railey at Max para pagaanin ang nararamdaman ni Davina. Sa mga mata pa lang niya alam mo ng araw-araw
Bago gawin nina Caspian ang misyon nila sa Presidente ay binilin niya na silang lahat kung anong mga dapat nilang gawin. Nang malaman niyang isa si Davina sa nagbabantay sa Presidente ay binilin niya si Lorelie na ilayo niya si Davina kahit sa anong klaseng paraan basta mailayo niya ito.Nang lumabas si Davina kasama ang Presidente ay akma na sanang hihilain ni Lorelie si Davina pero umatras siya. Umiling siya sa sarili niya, hanggang ngayon ramdam pa rin niya ang inis at galit kay Davina. Sinisisi niya ito kung bakit nasaktan siya ni Caspian kaya pinabayaan niya si Davina. Iniwan niya ito at hinayaan na kung anong mangyayari sa kaniya.Nang mabaril si Davina wala man lang naramdamang kahit kaunting awa si Lorelie para sa kaniya. Hindi niya kasi matanggap na minahal ni Caspian ng sobra si Davina habang siya hanggang ngayon nasasaktan pa rin dahil hindi niya naramdaman ang pag-aalaga at pag-aalala kay Caspian na nagagawa niya ngayon kay Davina.Naggagayak na silang lahat dahil aalis na
Flashback Galit na galit si Caspian nang makabalik siya ng headquarter nila, kulang na lang ay kainin ka niya ng buhay sa sobrang galit niya. “Goddamn it! Who said I was in a bar?!” halos gumuhit lahat ng mga litid ni Caspian sa leeg niya dahil sa lakas ng sigaw niya at sa tindi ng galit niya. Nakapila na silang lahat at nakakunot ang noo maliban kay Lorelie na nakayuko na ang ulo niya at nilalaro niya na ang mga daliri niya dahil sa kabang nararamdaman niya. Umayos siya nang tayo dahil baka mahalata siya ni Caspian. “Why? What happened?” tanong ni Evander. Inis na sinabunutan ni Caspian ang buhok niya. “Davina is there, she’s there and she saw us! Damn it!” nanggagalaiti pa rin niyang sigaw. Hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag kay Davina. Inis siyang napasuntok sa pader nang maalala niya ang mga mata ni Davina kanina, punong puno ng sakit, lungkot at para bang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso niya. “What do you mean? Nasa bar si Davina kung saan may operation ka?”