Paggising ni Caspian kinabukasan ay naamoy niya na ang mabangong pagkain na nagmumula na naman sa kusina. Nung una ay nagtaka pa siya dahil wala namang magluluto sa bahay niya pero naalala niyang may kasama nga pala siya at si Davina yun. Nasanay kasi siya na walang magluluto ng kakainin niya, siya ang palaging nagluluto para sa sarili niya at kung tinamad naman siya ay umoorder na lang siya.Habang palapit siya nang palapit ay mas lalong naaamoy ang bango ng pagkain sa kusina. Ilang taon na nga ba siyang namumuhay ng mag-isa at walang kasama sa bahay? Hindi niya na matandaan, ngayon niya na lang uli naranasan ng maaabutan niya na ang hapag kainan na may nakahanda na at ngayon na lang uli na may magluluto para sa kaniya.Pumasok na siya sa kusina at kita niya naman na si Davina na nakatalikod sa kaniya at may suot na apron habang nakaharap sa gas stove. Nakatitig lang siya sa dalaga at pinapanuod ang bawat kilos nito. Napaayos na lang ng tayo si Caspian ng mapansin na siya ni Davina.
Nakangiting pinagmamasdan ni Davina ang payapa at magandang dagat mula sa kwarto nila. Glass wall lang kasi ang nakaharang kaya kitang kita mo ang ganda ng dagat. Hindi niya na maalala kung kailan ba ang huli niyang bakasyon o makapunta man lang sa mga ganito kaganda at karelaxing na lugar dahil subsob na siya sa trabaho, walang ibang ginawa at inisip kundi ang ipagawa ang iniuutos ng sariling ama sa kaniya. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at idinapa ang dalawang kamay. Pakiramdam niya kasi panandalian siyang nakawala sa isang hawla, muli niyang naranasan ang magliwaliw at ilaan ang buong oras sa sarili. “Hindi ka pa ba nagugutom? Ipinaakyat ko na lang ang mga pagkain natin dito.” agaw atensyong saad ni Caspian pero nananatili pa rin si Davina sa pwesto niya. Nakatingin lang sa kaniya si Caspian at ng hindi sumagot si Davina ay hinayaan niya na lang ito. Ipinadiretso niya na lang ang pagkain nila sa kwarto nila. “May pakinabang din pala na napangasawa kita. Akalain mong nakakara
Pagbaba ni Caspian ng kwarto nila ay hinanap niya si Davina pero nakakailang minuto na siya na naglalakad sa hotel niya hindi pa rin niya makita ang dalaga. Ayaw pa naman niya nang naghahanap siya dahil ang gusto niya kahit na siya ang may kailangan sayo ikaw pa rin ang lalapit sa kaniya. Salubong na ang mga kilay niya dahil kahit saan siya tumingin hindi niya makita si Davina.Napahugot na lang siya ng malalim na buntong hininga para kalmahin ang sarili niya dahil kapag inaway na naman niya si Davina paniguradong walang katapusang alitan na naman ang mangyayari sa kanila dahil hindi nagpapatalo ang dalaga.Huminto na lang siya sa paglalakad niya dahil nawawalan na siya ng pasensya sa paghahanap kay Davina.“Where the hell are you woman?” umiigting na ang panga niya sa inis saka paano niya ba mahahanap si Davina kung napakalawak ng resort niya rito. Bumuga siya ng malalim na hininga saka naupo sa beach chair niya habang inililibot niya ang paningin niya para hanapin si Davina.“Hey,”
Salubong ang kilay ni Davina na nakatingin sa apat na kasama ni Caspian. Hindi niya alam kung ano bang ginagawa ng mga ito dito. Hanggang dito ba naman ay sinusundan nila si Caspian? Wala namang kaso sa kaniya yun pero para siyang naa-out of place. Hindi niya na nga kilala ang sarili niya minsan eh, sa trabaho niya istrikto siya, masungit at parang palagi ring galit, mahalaga ang bawat oras, hindi pwedeng gawing laro field nila pero dahil ang nakapalibot na mga tao sa kaniya ngayon ay hindi niya kilala at hindi niya pwedeng gamitin ng authority niya, kailangan niyang makisama.Ang mga bagay na hindi niya ginagawa sa trabaho niya ay nagagawa niya ngayong nakaleave siya, katulad na lamang nang makipag-usap ng maayos dahil hindi lahat ng taong nasa paligid niya kaya niyang pasunurin under her command. Hindi niya pwedeng dalhin ang ugali niya sa trabaho lalo na at siya itong kailangang makisama.“What are you still doing here? Hindi ka pa ba kakain?” biglang sulpot na tanong ni Caspian k
Nilapitan na ni Davina ang mga kasamahan ni Caspian para naman hindi nakakahiya na hindi niya hinarap ang mga ito. Nandun naman na rin si Caspian. Inayos niya na ang expression ng mukha niya, pinilit niyang maging normal ang ngiti niya kahit na hindi siya palangiti.“Hi, can I join here?” malambing niyang tanong sa mga ito kaya napatingin silang lahat sa kaniya. Napangiti naman sa kaniya si Railey at Max.“Of course you can,” masigla namang sagot ni Max kaya naupo na lang si Davina sa tabi ni Caspian habang katapat niya naman si Evander na seryoso lang na nakatingin sa kaniya. Pareho sila ni Caspian na seryosong tao pero iba pa rin ang pagiging seryoso ni Caspian dahil kahit papaano maayos na kausap si Evander kesa kay Caspian.Maya-maya ay naupo na rin si Sophia, hindi na siya nilingon pa ni Davina.“Wala ba kayong balak na puntahan? Ganito na lang ba tayo?” tila naboboring na saad ni Max saka nagpangalumbaba sa lamesa. Kanina tinitingnan ang mga turistang palakad-lakad lang.“Then l
Seryoso ang mukha ni Davina na lumapit kay Caspian. Parang nawala ang pagiging palabiro niya sa binata lalo na at nakikita niyang nakahiga sa kamang ito si Caspian habang may mga benda ang katawan. Isa sa braso at ang bagong sugat niya na naman.“Kaibigan ba kayo ni Kamatayan? Masyado kasi kayo maglaro eh, palaging nasusugatan pero hindi ka naman natutuluyan.” Aniya rito pero seryoso ang mukha kaya napaawang ang labi ni Caspian.“What the hell are you talking about?” mas lalong lumapit si Davina kay Caspian, dun siya pumwesto kung nasaan ang sugat niya. Tiningnan niya iyun at nababalutan na iyun ng benda.“Are you okay now? How’s your feeling?” bakas na ang pag-aalala niya para rito, hindi siya nag-aalala dahil mag-asawa sila, nag-aalala siya dahil nadamay pa si Caspian dahil kung si Caspian talaga ang target kanina dapat wala sa kaniya ang tutok ng sniper na yun.“You don’t have to worry. I’m okay,” aniya saka niya iniwas ang paningin sa dalaga. Tumikhim na muna siya at bumuntong hin
Pagsapit ng gabi ay hindi mapakali si Caspian. Pakiramdam niya kailangan niyang bumalik sa hotel niya para kay Davina. Wala naman talaga siyang kinatatakutan, nag-aalala lang siya dahil madadamay ang isang taong inosente ng dahil sa kaniya kaya tinawag niya si Max.“Do you need something?” tanong ni Max nang makalapit na siya.“Bumalik ka sa hotel at bantayan mo si Davina. Hindi tayo sigurado sa mga taong labas pasok ng hotel at sa resort. Kahit na hawak na natin ang lalaking nagtangka sa atin kanina hindi pa rin natin sigurado kung may mga kasama pa ba siya.” seryoso niyang saad, ito na nga ba ang sinasabi niya eh. Ayaw niyang mag-asawa pa dahil sa katayuan niya sa buhay, madadamay lang ang taong wala namang kinalaman sa kaniya. Wala siyang kahinaan pero meron siyang konsensya. Ayaw niya ng may inosente na mamamatay ng dahil sa kaniya lalo na at pinilit lang din niya si Davina na pirmahan ang marriage contract nilang dalawa.“Nandun na si Railey, hindi mo kailangang mag-alala sa kani
Nang makabalik na si Davina sa hotel ay dumiretso na siya sa kwarto niya at ibinalik na uli sa hidden pocket ng maleta niya ang mga ginamit niya. Mabilis siyang nagtungo ng banyo para makaligo. Nilinisan niya ang buo niyang katawan at nang matapos siya ay pinatuyo niya na rin ang buhok niya gamit ang blower.Pinatuyo niya na nang pinatuyo ang buhok niya saka siya dumiretso sa kama niya at nahiga na. Hindi siya pwedeng mahalata ng mga taong nakakasama niya sa lugar na ito. Tiningnan pa niya ang cell phone niya at may ilang tawag na dun si Caspian pero hindi niya na iyun pinansin at ipinikit niya na ang mga mata niya.Subalit, ilang minuto pa lamang ang nakalipas ay may kumatok na sa pintuan niya. Hindi niya na muna iyun binuksan dahil kailangan niyang magpanggap ng tulog na siya pero nagpaulit-ulit lang ang katok sa pintuan niya kaya isinuot niya na ang pang-ibabaw niyang pangtulog saka nagtungo sa pintuan. Kunwaring pakurap-kurap pa ang mga mata niya saka niya tiningnan kung sino ba a
“AAAAHHHHHHHH!” malakas na sigaw ni Davina nang magulat siya sa isang mannequin na nagmukhang white lady. Inis siyang napakuyom ng mga kamao niya dahil sigurado siyang kagagawan na naman ito ng Kuya niyang wala na lang yatang magawa sa buhay. “Humanda ka talaga sa aking Oliver ka!” naiinis pa rin niyang wika. Pakiramdam niya ay panandaliang humiwalay sa katawan niya ang kaluluwa niya sa sobrang gulat niya. Kinuha niya ang toy gun niya saka niya hinanap kung nasaan na naman ang magaling niyang Kuya. Nang makita niya itong prenteng nakaupo sa sala at nanunuod ng tv ay dahan-dahan niya itong nilapitan. Itinutok niya ang toy gun niya sa leeg ng Kuya niya saka niya iyun sunod-sunod na ipinutok. “Ouch! Aray, Davina it hurt!” sigaw niya kay Davina pero hindi siya tinigilan ni Davina. Kinuha ni Oliver ang unan sa sofa at iniharang niya sa sarili niya para hindi siya tamaan ng toy gun ni Davina. “Ano bang problema mo? Masakit kahit na laruan lang yan!” sigaw niya na naman kay Davina. “Ah t
Akala ko dun na lang kami matatapos, akala ko hindi na kami makakabalik. Sa mga araw na nagdaan sa nakalipas na isang taon, wala kaming makita kundi kadiliman lang. Tatlong buwan kaming naging bihag ng mga gagung yun. Akala ko habang buhay na lang kaming nasa kadiliman, ang mga pagkain nilang hindi mo alam kung anong lasa pero dahil kailangan naming mabuhay, kailangan naming mapanatiling malakas ang katawan namin, pinilit namin at pikit mata naming kinain ang mga pagkain na iniaabot sa amin kahit na pinagtatawanan na nila kami habang nginunguya ang mga pagkaing yun. Nang magising ako mula sa coma, hindi kaagad ako nakapagsalita nang sabihin ni Danielle na ilang buwan na kaming tulog ni Evander. Halos gusto ko nang patayin si Danielle dahil pinipigilan nila akong bumalik ng Pilipinas kung nasaan si Lorelie. Halos mabaliw ako kapag iniisip kong inakala niyang patay na ako, na pinagluluksaan niya na ako. Wala akong ibang inisip kundi si Lorelie, tang-ina, ibang babae na pala ang naaala
Halos hindi sila makapaniwala sa kwento ni Evander at Caspian tungkol sa nangyari sa kanila. Mapait na ngumiti si Max at Railey, nakayuko naman na si Lorelie dahil pare-pareho silang naguilty nang maiwan sila ng helicopter. Iniisip nila kung hindi lang siguro nila naiwan si Evander at Caspian, hindi sana nila naranasan ang hirap na nangyari sa kanila sa loob ng isang taon. “Hindi niyo kasalanan kung anong nangyari dahil kung nagpaiwan pa kayong lahat, kung hindi pa kayo umalis baka lahat tayo maiiwan, baka lahat tayo naging bihag ng mga terorista. We never blame you guys dahil naiwan kami. The most important is we’re still complete.” Wika ni Caspian sa kanila. Napangiti na lang ako nang magyakapan silang lahat. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko. Pakiramdam ko hanggang ngayon nananaginip pa rin ako dahil nandito sila at kasama namin. Tiningnan ko si Kuya Danielle na tahimik lang sa dulo ng sofa. Nilingon ko rin si Daddy na patingin-tingin kay Kuya, napangiti ako, sigurado
Halos hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila sa akin ngayon. Nang bumalik ang ala-ala ni Caspian dun lang nalaman ni Danielle ang tunay niyang pagkatao. Ako na lang ang nahihirapan na isink in sa utak ko ang lahat ng mga nalaman ko.Naupo na muna ako sa sofa at ganun din sila. Ramdam ko ang mga titig nila sa akin pero masyadong naguguluhan ang isip ko.“Alam naming magulo para sayo. Matagal na panahon naming minanmanan ang grupo ni Dead Angel kaya marami na kaming alam sa background niya, kung anong mga ginawa niya na dati pa. Sa kaniya lumaki si Danielle but he never treated him as his own son dahil kinidnap lang naman niya ito noong bata pa siya para makapaghiganti sa ama mo Davina. Napatay ni Mr. Flores ang anak ni Dead Angel kaya kinidnap niya si Danielle para gawing anak niya o kapalit ng namayapa niyang anak. Ilang taon din naming pinag-aralan ang tungkol kay Dead Angel at nang mapatay namin siya, nagkaroon kami ng acces sa lahat ng mga gamit at ari-arian niya. Lahat ng mga
DAVINA’S POVIt’s been a year pero hanggang ngayon sariwa pa rin ang sakit. Sa bawat araw na lilipas hindi ko alam kung paano ko yun nalalampasan. Nagpapasalamat pa rin ako dahil binigyan mo ako ng isang anghel, may iniwan ka pa ring ala-ala para sa akin. Bumabangon at nagiging malakas ako sa bawat araw kasama ng anak natin Caspian.Ni hindi man lang kita nakita, nayakap, nahalikan at nahaplos ang bawat parte ng katawan mo. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para maipaglaban ka sa mundong ito pero wala akong nagawa nang si Kamatayan na ang naging kalaban ko. You promised me that everything gonna okay, sinabi mo sa’kin na may aayusin ka lang pero bakit hindi ka na bumalik?Isang taon na ang nakalipas pero yung sakit nandito pa rin sa’kin. Araw-araw ko pa ring nararamdaman yung sakit, yung pangungulila ko sayo. Nakakalimutan kita panandalian kapag nandito ang mga kaibigan mo pero sa tuwing kami na lang ng anak mo ang naiiwan, nandyan na naman ang sakit.Kahit araw-araw kong hilingin na san
Iniayos ni Kenzo ang mga dala-dala niyang pagkain saka niya iyun ibinaba. Inilatag niya na rin ang isang tela at dinoblehan pa yun para hindi tumagos dun ang Bermuda baka kasi katihin si Caleb kapag hindi niya dinoblehan. “Pwede bang buhatin ko muna si Caleb, hi baby Caleb, dito ka muna kay Tito Max okay?” natutuwang wika ni Max habang kinakausap niya ang bata. “Da..da,” tawag niya rito, lahat sila na may ginagawa ay napatingin kay Caleb. Bakas ang gulat sa mukha ni Max dahil sa tinawag sa kaniya ni Caleb. “Sandali, ako ba ang tinawag niyang Dada? Tinawag niya akong Dada hahahaha.” Tuwang tuwang sigaw ni Max kaya lumapit silang lahat kay Davina na siyang may buhat buhat kay Caleb. “Assuming mo naman, normal lang na magsalita siya ng ganun naitaon lang na ikaw ang kaharap.” Nakangiwing wika ni Sophia kay Max. “Well, ako talaga ang Daddy ni Caleb, ano nga baby Caleb? Ang cute cute naman ng prinsipe naming iyan.” Paglalaro pa ni Max kay Caleb. “When did he said a word?” tanong ni K
Tulalang nakatingin sa karagatan si Davina. Hinahayaan niyang tangayin ng hangin ang mahaba niyang buhok. Sa bawat araw na dumadaan ay ito ang gawain niya, ang pumunta sa dagat at manatili ng isa o dalawang oras.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at tipid siyang ngumiti. Sa tuwing naaalala niya ang araw na natanggap niya ang sulat mula kay Caspian, ramdam pa rin niya yung sakit. Kahit lumilipas ang oras araw-araw, masakit pa rin.1 year ago.....“Pareho na silang wala Davina.” Ang mga salita na nakapagpabagsak ng mundo niya. Umiling nang umiling si Davina, napaatras pa siya dahil ayaw niyang maniwala, wala siyang pinaniniwalaan.“I don’t believe you, Max I’m begging you. Huwag naman ganito oh, huwag niyo naman akong biruin, please.” Nagmamakaawa niyang wika. Mabilis na inalalayan ni Railey si Davina nang muntik pa itong matumba dahil sa panghihina.Walang magawa si Railey at Max para pagaanin ang nararamdaman ni Davina. Sa mga mata pa lang niya alam mo ng araw-araw
Bago gawin nina Caspian ang misyon nila sa Presidente ay binilin niya na silang lahat kung anong mga dapat nilang gawin. Nang malaman niyang isa si Davina sa nagbabantay sa Presidente ay binilin niya si Lorelie na ilayo niya si Davina kahit sa anong klaseng paraan basta mailayo niya ito.Nang lumabas si Davina kasama ang Presidente ay akma na sanang hihilain ni Lorelie si Davina pero umatras siya. Umiling siya sa sarili niya, hanggang ngayon ramdam pa rin niya ang inis at galit kay Davina. Sinisisi niya ito kung bakit nasaktan siya ni Caspian kaya pinabayaan niya si Davina. Iniwan niya ito at hinayaan na kung anong mangyayari sa kaniya.Nang mabaril si Davina wala man lang naramdamang kahit kaunting awa si Lorelie para sa kaniya. Hindi niya kasi matanggap na minahal ni Caspian ng sobra si Davina habang siya hanggang ngayon nasasaktan pa rin dahil hindi niya naramdaman ang pag-aalaga at pag-aalala kay Caspian na nagagawa niya ngayon kay Davina.Naggagayak na silang lahat dahil aalis na
Flashback Galit na galit si Caspian nang makabalik siya ng headquarter nila, kulang na lang ay kainin ka niya ng buhay sa sobrang galit niya. “Goddamn it! Who said I was in a bar?!” halos gumuhit lahat ng mga litid ni Caspian sa leeg niya dahil sa lakas ng sigaw niya at sa tindi ng galit niya. Nakapila na silang lahat at nakakunot ang noo maliban kay Lorelie na nakayuko na ang ulo niya at nilalaro niya na ang mga daliri niya dahil sa kabang nararamdaman niya. Umayos siya nang tayo dahil baka mahalata siya ni Caspian. “Why? What happened?” tanong ni Evander. Inis na sinabunutan ni Caspian ang buhok niya. “Davina is there, she’s there and she saw us! Damn it!” nanggagalaiti pa rin niyang sigaw. Hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag kay Davina. Inis siyang napasuntok sa pader nang maalala niya ang mga mata ni Davina kanina, punong puno ng sakit, lungkot at para bang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso niya. “What do you mean? Nasa bar si Davina kung saan may operation ka?”