Blangkong nakatingin si Caspian sa mga babaeng nakaharap sa kaniya. Isa-isa niya itong mga tiningnan, lahat naman sila ay magaganda pero hindi niya maintindihan kung bakit wala man lang siyang magustuhan.
Napapahilot na lang siya sa noo niya at napapayuko na lang din si John dahil alam niyang wala nanamang nagustuhan ang Boss niya sa mga babaeng dinala niya. Caspian is looking for a woman to marry him. He needed to get married as soon as possible because that was his grandfather’s last request.
Maraming mga babae na ang pumasok sa loob ng office niya at lahat ng mga yun ay nakasuot na ng wedding gown subalit ni isa ay wala nanaman siyang nagustuhan. Napabuntong hininga na lang siya at sinenyasan ang sekretarya niyang palabasin na silang lahat.
Nakayuko namang iginiya ni John ang mga dalaga palabas ng opisina. Lahat sila ay napasimangot dahil gusto talaga nilang pakasalan ang nag-iisang Caspian Sanchez subalit, mukhang wala man lang ni isa sa kanila ang pumasok sa standard ng isang Caspian Sanchez.
“Lahat na ng mga kinuha ko Sir ay isa sa mga anak ng mga mayayaman sa bansa, wala po ba man lang kayong nagustuhan sa kanila?” lakas loob na tanong ni John, hindi niya na mabilang kung ilang dalaga na ba ang kinausap niya para isama sa mga pamimilian ni Caspian na pakakasalan pero hanggang ngayon wala pa ring mapili si Caspian. Hindi niya na alam kung saan pa siya maghahanap ng mga dalaga para iharap sa Boss niya.
Lahat sila ay kinatatakutan ang nag-iisang Caspian dahil sa kakayahan nitong pabagsakin ka kapag kinalaban mo siya.
“What do you think?” malamig niyang balik na tanong na mas lalong nakapagpayuko kay John.
“I’m sorry Sir.” tanging sagot niya.
“Ready my car, I’m leaving. Next time, iharap mo sa akin ang mga babaeng may papasok man lang sa standard ko, John. Huwag mo ng sayangin ang oras ko.” blangko pa rin niyang wika na mabilis nakapagpatango kay John.
Akma na sana silang lalabas ng office niya nang mapaatras siya dahil sa may biglang nagbukas ng pintuan niya. Pumasok ang isang babaeng nakasuot ng napakaengrandeng wedding gown at hingal na hingal pa ito. Mabilis na isinarado ng babae ang pintuan at napasandal na lang dun habang hinahabol niya ang hininga niya.
Hindi pa niya alintana ang taong nasa loob ng opisina na pinasok niya dahil nakapikit ang mga mata niya.
Tinitigan ni Caspian ang babaeng bigla na lang pumasok ng opisina niya. Mula ulo hanggang paa ay tiningnan niya ang babae, matangkad, maganda, hindi mukhang mahina at mahinhin. Mga katangian na maaaring pumasok sa standard niya, mga hinahanap niya sa mga babaeng iniharap ni John pero hindi niya nakita.
Napatango-tango na lang siya at napangisi dahil mukhang nahanap niya na ang babaeng maaari niyang pakasalan.
Nilapitan niya si John at may ibinulong dito. Tumango naman si John at tahimik na umalis saka pinasok ang isa pang kwarto sa loob ng office ni Caspian.
Blangko lang na nakatitig si Caspian sa babaeng nakaharap sa kaniya pero nakapikit pa rin ito. Nang makaginhawa na ang babaeng pumasok ng office niya ay iminulat niya na ang mga mata niya pero napadikit na lang siya sa pintuan ng sumalubong sa kaniya ang mga malalamig na titig ni Caspian.
Napalunok na lamang si Davina dahil hindi niya alam kung anong kwarto ang pinasok niya.
“I’m sorry, hindi ko sinasadyang pumasok dito sa office mo.” wika niya pero walang salitang lumabas sa bibig ni Caspian. Nagtitigan lang silang dalawa at wala ni isa ang kumalas sa mga titig na iyun. Bahagyang napangisi si Caspian dahil sa lakas ng loob ng babaeng kaharap niya para titigan siya. Walang sinuman ang naglakas loob na titigan siya ng diretso sa mga mata niya pero sino ang lapastangan na babaeng ito para gawin sa kaniya iyun ng wala man lang bakas ng takot.
Naputol ang titigan nilang dalawa ng lumabas si John sa isang kwarto. Tiningnan ni Davina ang isa pang lalaki, napakunot na lang siya ng noo ng sumenyas si John na pumasok na siya sa kwarto. Hindi siya sumunod dahil nawiwirduhan siya sa mga taong kasama niya sa office na ito. Nang lilingunin niya sana si Caspian ay bigla na lamang itong nawala sa kinatatayuan niya kanina.
“Follow me,” nakangiting saad ni John kay Davina, naguguluhan man siya ay sumunod na siya. Pumasok sila sa isang kwarto at sa loob ng kwartong iyun ay kita naman nila ang lalaking nasa middle age na. Pinaupo nila si Davina, hindi mapigilang hindi mapatitig ni Davina sa mga taong kasama niya dahil sa mga ikinikilos ng mga ito.
“Ano bang gagawin ko rito?” pagtatanong niya na, napakunot ng noo si John dahil hindi ba halatang nagpunta siya rito para pakasalan si Caspian Sanchez?
Muling tumayo si Davina at binuhat niya ang napakabigat niyang gown.
“Aalis na ako, pasensya na kung pumasok ako rito.” aniya pa pero bago pa man siya makahakbang nang tabihan na siya ni Caspian.
“Let’s proceed.” Maawtoridad niyang saad sa judge na kanina pa naghihintay. Napangiti naman si John dahil sa wakas may babaeng napili ang Boss niya at hindi na siya maghihirap para maghanap pa uli ng mga dalaga.
“You don’t need to say anything, let’s just proceed to the papers that we need to sign. Let’s finish this.” Hindi makapaghintay na wika ni Caspian sa judge, tumango naman ang judge at ibinigay na ang mga papeles na magpapatunay na kasal na silang dalawa.
Hindi maalis ang pagkakakunot ng noo ni Davina dahil wala siyang alam kung anong nangyayari? Napatingin siya kay Caspian nang iabot sa kaniya ang isang ballpen. Tinitigan niya lang iyun pero hindi kinuha.
“Anong gagawin ko diyan?” taas kilay niyang tanong. Una sa lahat ayaw ni Caspian ng pinaghihintay siya kaya inis niyang kinuha ang kamay ni Davina para ipahawak ang ball pen at pirmahan na ang mga papeles.
“Ano ba?! What do you think you’re doing?” inis niya na ring saad. “I’m leaving.”
“You’re not leaving, sign these papers first so you can leave.” Malamig na saad ni Caspian, hilaw namang natawa si Davina.
“Sino ka ba para sundin ko?” nagtiim ang bagang ni Caspian dahil sa salitang binitawan ni Davina. Caspian Sanchez, hindi niya kilala? Napapayuko na lang si John dahil baka siya ang managot sa ipinapakitang pag-uugali ng dalaga. Hindi niya kilala ang babae dahil hindi naman ito kasama sa mga babaeng dapat ay pamimilian ni Caspian.
“You want to leave? Sign these and leave.” May diin niya ng wika, nawawalan na ng pasensya sa babaeng kaharap niya. Dahil sa inis ni Davina at gusto niya ng makaalis ay kinuha niya ang ballpen at pinirmahan ang ilang mga papeles ng hindi niya na binabasa pa.
“Satisfied? Now, can I leave?” anas niya, ngumisi lang naman si Caspian. Akma na sanang aalis si Davina ng mapahinto siya dahil sa sinabi ng judge. Dahan-dahan siyang napaharap sa judge habang salubong ang mga kilay niya.
“What did you say, Sir? Nabingi yata ako.” natatawa niyang tanong.
“I now pronounce you husband and wife.” Ulit ng judge pero natawa lang si Davina na ikinakunot ng noo ni Caspian.
“Sandali, nagkakamali yata kayo. What is this?” hinarap niya si Caspian na salubong na rin ang kilay dahil sa pagtataka.
“What do you think? Hindi ba at iyan ang ipinunta mo rito?” tiningnan niya ang mga papeles na may pirma na nilang dalawa pero blangko pa rin ang pangalan ni Davina, maaari na lang nilang lagyan ito mamaya. Kinuha ni Caspian ang dalawang singsing saka niya isinuot ang isa pagkatapos ay kinuha ang kamay ni Davina para sapilitang isuot ang singsing sa kaniya.
“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo lalaki?!” galit ng sigaw ni Davina, halos manginig na rin sa takot si John, kung maaari niya lang pigilan ang dalaga ay ginawa niya na pero nakaharap pa rin si Caspian kaya mas lalo siyang natatakot. Inis na kinuha ni Davina ang isang papales na may pirma niya na.
Halos manlaki ang mga mata niya dahil sa nabasa niya.
“Marriage contract?!” inagaw na ni Caspian ang mga papeles saka ibinigay kay John.
“Kung makasigaw ka akala mo hindi mo ito inaasahan. Look at yourself, you’re ready for this wedding.”
“What the hell are you talking?! Are you crazy? I am here para takasan ang sarili kong kasal na dito ginaganap sa hotel na ito. Pumasok ako sa kwartong ito para magtago at hindi para ikasal sa lalaking hindi ko kilala, you idiot!”
“Fuck,” mahinang mura ni Caspian, nilingon niya si John na nakayuko na ngayon.
“I’m sorry Sir, hindi ko rin po siya kilala eh. Bigla na lang siyang pumasok sa office niyo.” Nanginginig niyang wika, ang mga nanlilisik na mga mata ni Caspian ay tiningnan ang kabuuan ng babae. Wala na siyang oras para maghanap pa ng ibang babaeng kailangan niyang pakasalan. Wala na siyang pakialam kung sino ang babaeng nasa harapan niya at kung saang pamilya galing.
Nang makita niya ang hawak-hawak nitong wallet ay kinuha niya iyun saka naghanap ng pagkakakilanlan ng dalaga.
“Ano bang ginagawa mo?” aagawin sana ni Davina ang wallet niya pero inilayo iyun ni Caspian. Nang mahanap niya ang ID ni Davina ay binasa niya kung anong pangalan ng dalagang kaharap niya.
“Davina Flores,” basa niya sa pangalan ni Davina. Tiningnan niya si John at sinenyasan ito, mabilis naman siyang kumilos para ilagay na ang pangalan ni Davina sa marriage contract nilang dalawa.
“Anong binabalak mo? Don’t you ever do that.” mapagbantang wika ni Davina dahil mukhang alam niya na kung anong pumapasok sa utak ng lalaking kaharap niya subalit mabilis na nawala sa paningin nila si John.
“You chose this woman, you’re now my wife.”
“Tanga ka ba o sadyang tanga ka na talaga?! Hindi ako pumasok sa kwartong ito para pakasalan ka! Ni hindi nga kita kilala tapos ikakasal pa?”
“I don’t even know you kaya it’s fair! You should be thankful dahil ako ang napangasawa mo.” hilaw na natawa si Davina at mas lalo pa siyang natawa na tila nababaliw dahil sa sinabi ni Caspian. Hindi siya makapaniwalang tumakas siya sa sarili niyang kasal tapos mapupunta siya rito sa kwartong ito at paglabas ay kasal na rin siya sa taong ni hindi niya kilala?
“I should be thankful? May sira ba ulo mo? Bakit ko naman ipagpapasalamat na ikinasal ako sa lalaking kagaya mo? Mas pipiliin ko pang pakasalan ang lalaking dapat ay pakakasalan ko ngayon kesa sayo!” nag-igting ang panga ni Caspian. Saan nanggagaling ang lakas ng loob ng babaeng ito para ipahiya at sigawan siya. Lahat ng mga babae ay nagkakandarapa sa kaniya tapos ang babaeng kaharap niya ngayon ay walang kahirap-hirap na sigawan lamang siya?
“If that so, hindi ka sana tumakas sa kasal mo at pinakasalan ang lalaking yun.” He said in his cold tone saka siya lumabas. Pabagsak pang isinarado ni Caspian ang pintuan dahil hindi niya matanggap na may isang babaeng naglakas loob na sigawan siya at pagsabihan na lamang ng mga ganung klaseng salita.
Hilaw na natawa si Davina at napasigaw na lang siya dahil sa inis niya. Anong gulo ba ang pinasok niya? Naiwan na siya ng mag-isa niya sa loob ng kwartong iyun at hindi niya na alam kung saan nagpunta ang mga taong yun.
“Nakadrugs ba silang lahat?” aniya pa, napahilot siya sa sintido niya. Iniisip pa lamang niya ang pagtakas sa sarili niyang kasal tapos dumagdag pa ito? Sinong taong masisiyahan na bigla na lang ikinasal sa taong ni hindi niya kilala.
“I’m doomed,” napasapo na lang siya sa noo niya. Ano pa bang magagawa niya napirmahan niya na ang marriage contract nila. Kung hindi rin naman siya tanga, binasa niya na muna sana ang mga papeles. Hindi na siya nakapag-isip ng maayos. Paano niya ito ipapaliwanag sa mga magulang niya lalo na sa ama niya dahil baka mapatay pa silang dalawa ng ama niya.
Napaupo siya sa sofa dahil biglang nanghina ang mga tuhod niya. Baka papasok pa lamang siya ng bahay nila kasama ang ibang lalaki ay habulin na sila ng mga bala ng baril ng kaniyang ama.
“That man, this is your fault. Ano bang problema nun at nagpakasal kaagad sa babaeng hindi niya naman kilala. Hindi na lang siya naghanap ng ibang babae dahil sa itsura niyang yun lahat sila ay papayag. You asshole.” Nanggigigil pa rin niyang aniya.
Napatingin siya kay John na dahan dahan pang lumapit sa kaniya saka iniabot ang isang shopping paper bag. Blangko lang iyung tiningnan ni Davina.
“Sinabi ni Sir na magbihis ka na. Huwag kang mag-aalala bago at malilinis ang mga damit na yan.”
“Anong klaseng tao ba ang Boss mo? Baliw ba yun?”
“Pasensya ka na, naghahanap kasi siya ng babaeng pakakasalan niya. Hindi naman sinasadyang pumasok ka sa office niya ng nakasuot ng wedding gown. That time kasi kalalabas din ng mga babaeng nakasuot ng wedding gown para sa babaeng pipiliin niya. Hindi naman namin alam na hindi ka pala kasama sa mga babaeng yun. Pasensya na.” napairap si Davina, kung pwede niya lang sakalin ang lalaking yun ay ginawa niya na.
“Anong tingin niya sa mga babae? Laruan? Namimili para pakasalan siya? Ha! Gago ba siya?” naiinis pa rin niyang aniya, hindi pa rin nawawala ang panggigigil niya kay Caspian.
“Pasensya ka na talaga. Ito, isuot mo na para hindi ka na nahihirapan diyan sa suot mong wedding gown.” Inis na inagaw ni Davina ang paper bag saka tumayo. Itinuro naman ni John kung nasaan ang restroom.
Naikukuyom na lang ni Davina ang kamao niya at gusto nang sapakin ang pagmumukha ni Caspian.
“Ipinanganak yatang may sira ang ulo. Playground ba ang tingin niya sa pagpapakasal?” Naiinis pa rin niyang aniya. Tiningnan niya ang mga damit na nakalagay sa paper bag at mukha namang kasya sa kanya kaya isinuot niya na. Pagkatapos niya ay lumabas na siya dala-dala ang wedding gown niya.
“Ako na diyan,” pang-aagaw naman ni John sa wedding gown. Ibinigay naman ni Davina dahil wala naman na siyang gagawin dun. Inayos niya ang sarili niya saka niya hinarap si John.
“What is his name?” pagbabanggit niya kay Caspian.
“Caspian...Caspian Sanchez Ma’am.”
“And you are?”
“John po, just call me John.” Bahagya na lang na napataas ang kilay ni Davina.
“Caspian, Caspian pala ha.” banggit niya sa pangalan ni Caspian. Lumabas naman na siya habang nakasunod sa kaniya si John. Inilibot niya ang paningin niya sa loob ng office ni Caspian pero hindi niya na makita kung nasaan ito.
“Nagkaroon po ng emergency meeting si Sir kaya wala po siya rito.” saad ni John ng mapansin niya ang paghahanap ni Davina.
“Ayos ha, pagkatapos niyang magpakasal iiwan niya na lang ang bride niya. What a jerk.” Aniya saka lumbas na ng office, wala na siyang pakialam kung nasaan mang lupalop ng lupa ang Caspian na yun. Napahinto na lang siya sa paglalakad niya nang maramdaman niya ang pagsunod ni John.
“Hanggang saan mo ba ako susundan? Pwede ba, puntahan mo na lang ang Boss mo.” irap niyang saad saka nagpatuloy sa paglalakad pero naipikit na lang niya ang mga mata niya dahil sa panggigigil. Hindi pa rin siya tinatantanan ni John.
“Ano ba!” sigaw niya na rito, napayuko si John, kailangan niyang sundin ang utos ng Boss niya.
“Ang utos po kasi sa akin ay bantayan ang asawa ni Sir Caspian. Pasensya na kayo ma’am, hindi ko kayo pwedeng iwan.” Inis na napahilamos sa mukha niya si Davina.
Sa isang iglap lang ay nagkaroon siya ng bodyguard at ang malala pa ay asawa. Anong klaseng kwarto ba ang pinasok niya? Tumakas siya sa kasal niya pero hindi siya nakatakas sa isa pang kasal?
Pakiramdam niya mababaliw na siya sa iniisip niya. Magsasalita pa sana siya nang mapatakip siya sa mukha niya dahil nakikita niya na ang mga tauhan ng Daddy niya.
“Patay na,” anas niya, bakit ba nawala sa isip niyang tumatakas nga pala siya. Malamang nagkalat pa rin sa hotel na ito ang mga tauhan ng Daddy niya at ng mapapangasawa niyang si Kenzo. Dahan-dahan siyang naglakad habang nakatakip ang mga kamay niya sa mukha niya. Nakasunod lang naman si John at pansin niya rin ang ilang mga kalalakihang nagkalat.
“Nakita niyo na ba?” tanong ng isang lalaki sa kasama niya.
“Hindi pa, may mga nakita kaming mga babaeng nakasuot ng wedding gown pero wala siya ron.”
“Halughugin niyo ang buong hotel, hindi pa yun nakakalabas.” Tumango naman silang lahat saka muling naghanap.
Halos lakad takbo naman ang ginagawa ni Davina para makalabas na ng hotel pero halos mapatalon siya sa nang ituro siya ng isa sa mga tauhan ng Daddy niya.
“Ayun siya!” sigaw nito na nakapagpaagaw ng atensyon ng ibang naghahanap sa kaniya.
“Damn it! Faster John!” aniya saka mabilis na tumakbo para takasan ang mga lalaking naghahabol sa kaniya. “Bakit ba hindi na sila tumigil? Hindi ko pa nga gustong magpakasal kay Kenzo!” wika niya.
Hinihingal na rin si John na kinuha ang cellphone niya para tawagan si Caspian.
“Anong klaseng babae ba siya para tumakbo nang ganiyan kabilis?” Aniya pa habang hinahabol si Davina na pilit na tinatakasan ang mga kalalakihan.
Kaunti na lamang ay makakalabas na si Davina pero napamura na lamang siya ng sasalubungin na siya ng ibang tauhan ng Daddy niya.
“Damn it!” inilibot niya ang paningin niya kung saan pa siya magtutungo pero wala na siyang makitang daanan. Maya-maya pa ay may mabilis na sasakyang dumaan sa harapan niya saka huminto.
“Hop on, Faster!” sigaw ni Caspian. Tiningnang mabuti ni Davina kung sino ang lalaking nasa kotse. Nang makilala niyang si Caspian ito ay mabilis siyang sumakay.
Mabilis ding pinatakbo ni Caspian ang sasakyan niya para makalayo na sa hotel kung saan may naghahabol kay Davina. Habol habol ni Davina ang hininga niya dahil sa layo rin ng tinakbo niya.
“Where’s John?!” tanong niya nang maalala niyang kasama nga pala niya si John.
“Don’t worry about him, kaya niya na ang sarili niya.” sagot ni Caspian. Tiningnan ni Davina ang side mirror at napahinga na lamang siya ng maluwag ng makita niyang nawala na ang mga lalaking naghahabol sa kaniya. Muntik na siya dun dahil kapag nagkataon na nahuli siya, malamang itutuloy ang kasal pero paano pa yun mangyayari kung bigla siyang ikinasal sa lalaking kasama niya ngayon?
Inilibot ni Davina ang paningin niya sa kabuuan ng kwarto. Hindi na rin masama dahil napakalawak nito at napakaganda. Nagsusumigaw ng karangyaan ang buong paligid niya. Sanay naman na siya sa mga ganung bagay dahil marami rin sa bahay nila pero mas mamamangha pa pala siya sa mga gamit ni Caspian.“Where are we?” pagtatanong niya habang pinagmamasdan pa rin ang paligid niya.“In my house.” Napatango-tango na lang si Davina, hindi rin pala basta-bastang tao ang napakasalan niya ng wala sa oras. Naalala niya na naman ang tungkol sa nangyari sa kaniya. Kasal? Is he crazy? Nilingon niya si Caspian na prenteng nakaupo. “Yung mga lalaking yun, ikaw talaga ang sadya?” nauna niyang pagsasalita. Hilaw namang natawa si Davina.“Ano sa tingin mo? Hahabulin ba ako ng mga yun kung hindi ako ang dahilan? Are you that stupid para hindi mo yun maisip?” bahagyang kumurba ang kanang labi ni Caspian, kakaibang babae yata ang napakasalan niya. Walang sino mang babae ang naglakas loob na pagsalitaan siya n
Hindi alam ni Davina kung ano ang ihaharap niya sa Daddy niya pagkatapos ng ginawa niya. Siguro maiintindihan pa ni Kenzo dahil matagal niya ng ipinaliwanag sa binata na hindi pa siya handa sa buhay may asawa. “Damn it!” hindi mapakali si Davina sa kinahihigaan niya, mag-isa niya lang sa bahay at hindi sigurado kung kailan ang balik ng bakulaw niyang napangasawa. “Ugh! My worst day ever!” inis niyang ibinato ang hawak niyang unan. Gusto niya lang namang tumakas sa kasal na ayaw niya tapos ang ending? Ikinasal sa lalaking lalong hindi niya kilala. Nag-iisip na siya kung paano ba niya ipapaliwanag ang lahat, kilala pa naman niya ang Daddy niya kung magalit. Kahit na anak siya nito ay wala siyang pakialam, once na kinontra mo siya humanda ka na. Napatingin si Davina sa entrance ng may maramdaman siya, malakas ang pakiramdam niya. Kinuha niya ang vase na nasa ibabaw ng lamesa para kung sakaling nandiyan nga ang mga sinasabi ni Caspian, makakapaghanda siya. Dahan-dahan siyang naglakad p
Maagang nagising si Davina, naabutan niya naman na sa kusina si Caspian at abala itong nagluluto. Seryoso pala talaga itong wala man lang siyang katulong. Siya ang nagluluto? Paano kapag nalate siya umuwi?“Get ready, we’re going to your family’s house. You’re going to introduce me as your husband.”“Gago ka ba? Sa tingin mo ganun lang kadali?” inis na saad ni Davina, wala na lang yatang araw na hindi siya ininis ng lalaking ito. “Kapag ginawa ko yun mapapatay tayo ng Daddy ko!”“Then I don’t care, kill me if he want.”“Ugh! You don’t know my Dad! Hindi mo alam ang kaya niyang gawin.” Halos gusto ng sabunutan ni Davina ang sarili niya dahil sa tigas ng ulo ni Caspian. Malamang, wala siyang katatakutan dahil hindi niya naman talaga kilala ang ama nito. Nanginginig na nga si Davina dahil sa takot eh.“At sa tingin mo matutuwa siya kapag nalaman pa niya sa ibang tao? I will broadcast about our marriage woman, either you like it or not we’re going to your family’s house. Mag-ayos ka kung
Umalis na sina Caspian at Davina sa bahay ng dalaga dahil sa nangyari. Salubong ang mga kilay ni Caspian habang nakatingin kay Davina na kagat kagat ang daliri. Nagtataka kung ano bang klaseng tao ang ama ni Davina para magkaroon ito ng baril sa tagiliran niya. Kung isa siyang negosyante paano siya matututong humawak nun at bakit siya magdadala ng sarili niyang baril kung kaya niya namang manguha ng taong pwedeng magbantay sa kaniya.“Ganun ba talaga ang ama mo? Kaya kang patayin dahil lang sa ginawa mo?” hindi niya na maiwasang tanong. Napairap na lang si Davina saka niya tiningnan ni Caspian.“Can’t you see? Sa tingin mo napakasimple ng ginawa ko? Alam mo, kung hindi dahil sayo hindi naman mangyayari sa akin ito eh. Ikaw itong pinilit akong pirmahan yang letseng kontrata na yan! Saka hindi ako kayang patayin ng Tatay ko okay? Kaisa-isa niya akong anak kaya hindi niya yun magagawa. I’m just stupid na pumasok sa kwartong yun kung nasaan ka. Damn it!” inis pa rin niyang saad, natatawa
Nakatingin lang si Caspian kay Davina na bakas ang pagkaseryoso habang ang matanda naman ay seryoso ng nakatingin kay Davina pero kay Caspian ito nakatingin. Magkatitigan na ngayon si Caspian at Davin, nanlilisik ang mga mata ni Davina habang blangko lang naman ang kay Caspian. Ngayong nalaman ni Davina sa mismong Lolo ni Caspian na marami na pala itong inuuwing babae, hindi niya ipagsisiksikan ang sarili niya sa lalaking katulad niya. Ang lalaking ang tingin sa kababaihan ay isang laruan lamang.Hindi naman niya talaga ito gusto eh, naipit lang talaga siya sa sitwasyon saka malay niya bang may isinasagawa pala sa kwartong pinasukan niya tapos nakawedding gown pa siya.Napatikhim na ang matanda dahil ramdam niya na ang pagiging seryoso ng dalawa. Tiningnan ulit ni Chariman Sanchez ang papel na nakalahad sa harapan niya at malinaw niya namang nakikita ang nakasulat dun. Nanlilisik pa rin ang mga mata ni Davina kay Caspian kaya iniwasan na lang siya ni Caspian ng tingin.“So, it’s true,
Humalikipkip na lang si Davina at itinuon ang paningin sa labas, salubong ang mga kilay at hindi na alam kung saan siya tutungo ngayon lalo na at alam niyang hindi siya tatanggapin ng ama sa pamamahay nila. Muling umikot ang mga mata niya at napapabuntong hininga na lang. Ano ba itong pinasok niya? Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para makatakas kay Kenzo tapos ngayon ikinasal naman siya sa iba.What a damn life! Inis niyang saad sa isipan niya. Iniisip niyang mas mabuti pa yatang ikinasal na lang siya kay Kenzo dahil mapapakisamahan at mapapakiusapan pa niya iyun ng maayos kesa sa isang estranghero na hindi man lang niya kilala at hindi gamay ang ugali.Nagulat na lamang si Davina nang may biglang magpaputok sa sasakyan nila.“Damn it! What is that?! AAAHH!” sigaw na naman niya nang sunod-sunod na ang paputok ng baril sa kanila.“Get down and don’t you dare na tingnan ang nangyayari sa labas!” maawtoridad na saad sa kaniya ni Caspian kaya ginawa na lang ni Davina ang sinabi nit
Para ng batang naupo sa gilid si Davina. Napakainit na sa labas kaya tagaktak na ang pawis niya lalo na sa noo niya. Kung 5,000 lang ang pera niya saan aabot yun? Ni hindi siya makapagstay sa hotel dahil isang gabi lang aabutin ng pera niya. Alam niyang may kinalaman ang Daddy niya sa pagkakablock ng mga atm niya at talagang pinakyaw niyang iblock lahat ng atm niya. Akala mo bata pa siya para hindi alam ang ginagawa niya.Sarili niyang pera ang inilalagay niya sa atm niya dahil galing ang lahat ng mga yun sa trabaho niya tapos kung iblock ng Daddy niya akala mo pag-aari niya. Napapatingala na lang si Davina wala na siyang pakialam kahit na makita pa siya ng mga taong dumadaan sa gilid dahil mas malalim ang iniisip niya.Hindi niya naman gustong bumalik kay Caspian dahil baka mamaya matagpuan na lang ang bangkay niya kung saan kahit na apo pa ito ng chairman ng Sanchez Group.Tumayo na si Davina saka muling hinila ang maleta niya at naglakad-lakad na kahit na hindi niya alam kung saan
Mabilis na umuwi si Caspian dahil sa ginagawa ni Davina. Wala namang kaso sa kaniya kung gagamitin ni Davina ang card niya dahil kusa niya naman iyung ibinigay pero saan niya na lang ba inilalaan? Sa isang oras lang ay naka-5M na kaagad ito? Mukhang sinasadya na lang ni Davina na asarin si Caspian.Pabagsak na binuksan ni Caspian ang pintuan niya at halos malaglag ang panga niya nang makita niya ang mga gamit na dumating na inorder online ni Davina.“What the hell are you doing, woman?! Anong gagawin mo sa mga ito?!” tanong niya habang tinitingnan ang tambak ng mga gamit sa sala niya. Nakangisi lang naman sa kaniya si Davina.“Hindi ko naman ninakaw ang black card mo no para magreaction ka ng ganiyan? Kusa mong ibinigay sa akin yun.”“I know and I told you to use it whenever you need but what is this? Anong gagawin mo sa mga yan?” turo niya sa mga gamit, hindi naman umimik si Davina ng marinig nila ang pagdoorbell kaya dumiretso siya sa pintuan para papasukin kung sino na naman ang pa
“AAAAHHHHHHHH!” malakas na sigaw ni Davina nang magulat siya sa isang mannequin na nagmukhang white lady. Inis siyang napakuyom ng mga kamao niya dahil sigurado siyang kagagawan na naman ito ng Kuya niyang wala na lang yatang magawa sa buhay. “Humanda ka talaga sa aking Oliver ka!” naiinis pa rin niyang wika. Pakiramdam niya ay panandaliang humiwalay sa katawan niya ang kaluluwa niya sa sobrang gulat niya. Kinuha niya ang toy gun niya saka niya hinanap kung nasaan na naman ang magaling niyang Kuya. Nang makita niya itong prenteng nakaupo sa sala at nanunuod ng tv ay dahan-dahan niya itong nilapitan. Itinutok niya ang toy gun niya sa leeg ng Kuya niya saka niya iyun sunod-sunod na ipinutok. “Ouch! Aray, Davina it hurt!” sigaw niya kay Davina pero hindi siya tinigilan ni Davina. Kinuha ni Oliver ang unan sa sofa at iniharang niya sa sarili niya para hindi siya tamaan ng toy gun ni Davina. “Ano bang problema mo? Masakit kahit na laruan lang yan!” sigaw niya na naman kay Davina. “Ah t
Akala ko dun na lang kami matatapos, akala ko hindi na kami makakabalik. Sa mga araw na nagdaan sa nakalipas na isang taon, wala kaming makita kundi kadiliman lang. Tatlong buwan kaming naging bihag ng mga gagung yun. Akala ko habang buhay na lang kaming nasa kadiliman, ang mga pagkain nilang hindi mo alam kung anong lasa pero dahil kailangan naming mabuhay, kailangan naming mapanatiling malakas ang katawan namin, pinilit namin at pikit mata naming kinain ang mga pagkain na iniaabot sa amin kahit na pinagtatawanan na nila kami habang nginunguya ang mga pagkaing yun. Nang magising ako mula sa coma, hindi kaagad ako nakapagsalita nang sabihin ni Danielle na ilang buwan na kaming tulog ni Evander. Halos gusto ko nang patayin si Danielle dahil pinipigilan nila akong bumalik ng Pilipinas kung nasaan si Lorelie. Halos mabaliw ako kapag iniisip kong inakala niyang patay na ako, na pinagluluksaan niya na ako. Wala akong ibang inisip kundi si Lorelie, tang-ina, ibang babae na pala ang naaala
Halos hindi sila makapaniwala sa kwento ni Evander at Caspian tungkol sa nangyari sa kanila. Mapait na ngumiti si Max at Railey, nakayuko naman na si Lorelie dahil pare-pareho silang naguilty nang maiwan sila ng helicopter. Iniisip nila kung hindi lang siguro nila naiwan si Evander at Caspian, hindi sana nila naranasan ang hirap na nangyari sa kanila sa loob ng isang taon. “Hindi niyo kasalanan kung anong nangyari dahil kung nagpaiwan pa kayong lahat, kung hindi pa kayo umalis baka lahat tayo maiiwan, baka lahat tayo naging bihag ng mga terorista. We never blame you guys dahil naiwan kami. The most important is we’re still complete.” Wika ni Caspian sa kanila. Napangiti na lang ako nang magyakapan silang lahat. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko. Pakiramdam ko hanggang ngayon nananaginip pa rin ako dahil nandito sila at kasama namin. Tiningnan ko si Kuya Danielle na tahimik lang sa dulo ng sofa. Nilingon ko rin si Daddy na patingin-tingin kay Kuya, napangiti ako, sigurado
Halos hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila sa akin ngayon. Nang bumalik ang ala-ala ni Caspian dun lang nalaman ni Danielle ang tunay niyang pagkatao. Ako na lang ang nahihirapan na isink in sa utak ko ang lahat ng mga nalaman ko.Naupo na muna ako sa sofa at ganun din sila. Ramdam ko ang mga titig nila sa akin pero masyadong naguguluhan ang isip ko.“Alam naming magulo para sayo. Matagal na panahon naming minanmanan ang grupo ni Dead Angel kaya marami na kaming alam sa background niya, kung anong mga ginawa niya na dati pa. Sa kaniya lumaki si Danielle but he never treated him as his own son dahil kinidnap lang naman niya ito noong bata pa siya para makapaghiganti sa ama mo Davina. Napatay ni Mr. Flores ang anak ni Dead Angel kaya kinidnap niya si Danielle para gawing anak niya o kapalit ng namayapa niyang anak. Ilang taon din naming pinag-aralan ang tungkol kay Dead Angel at nang mapatay namin siya, nagkaroon kami ng acces sa lahat ng mga gamit at ari-arian niya. Lahat ng mga
DAVINA’S POVIt’s been a year pero hanggang ngayon sariwa pa rin ang sakit. Sa bawat araw na lilipas hindi ko alam kung paano ko yun nalalampasan. Nagpapasalamat pa rin ako dahil binigyan mo ako ng isang anghel, may iniwan ka pa ring ala-ala para sa akin. Bumabangon at nagiging malakas ako sa bawat araw kasama ng anak natin Caspian.Ni hindi man lang kita nakita, nayakap, nahalikan at nahaplos ang bawat parte ng katawan mo. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para maipaglaban ka sa mundong ito pero wala akong nagawa nang si Kamatayan na ang naging kalaban ko. You promised me that everything gonna okay, sinabi mo sa’kin na may aayusin ka lang pero bakit hindi ka na bumalik?Isang taon na ang nakalipas pero yung sakit nandito pa rin sa’kin. Araw-araw ko pa ring nararamdaman yung sakit, yung pangungulila ko sayo. Nakakalimutan kita panandalian kapag nandito ang mga kaibigan mo pero sa tuwing kami na lang ng anak mo ang naiiwan, nandyan na naman ang sakit.Kahit araw-araw kong hilingin na san
Iniayos ni Kenzo ang mga dala-dala niyang pagkain saka niya iyun ibinaba. Inilatag niya na rin ang isang tela at dinoblehan pa yun para hindi tumagos dun ang Bermuda baka kasi katihin si Caleb kapag hindi niya dinoblehan. “Pwede bang buhatin ko muna si Caleb, hi baby Caleb, dito ka muna kay Tito Max okay?” natutuwang wika ni Max habang kinakausap niya ang bata. “Da..da,” tawag niya rito, lahat sila na may ginagawa ay napatingin kay Caleb. Bakas ang gulat sa mukha ni Max dahil sa tinawag sa kaniya ni Caleb. “Sandali, ako ba ang tinawag niyang Dada? Tinawag niya akong Dada hahahaha.” Tuwang tuwang sigaw ni Max kaya lumapit silang lahat kay Davina na siyang may buhat buhat kay Caleb. “Assuming mo naman, normal lang na magsalita siya ng ganun naitaon lang na ikaw ang kaharap.” Nakangiwing wika ni Sophia kay Max. “Well, ako talaga ang Daddy ni Caleb, ano nga baby Caleb? Ang cute cute naman ng prinsipe naming iyan.” Paglalaro pa ni Max kay Caleb. “When did he said a word?” tanong ni K
Tulalang nakatingin sa karagatan si Davina. Hinahayaan niyang tangayin ng hangin ang mahaba niyang buhok. Sa bawat araw na dumadaan ay ito ang gawain niya, ang pumunta sa dagat at manatili ng isa o dalawang oras.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at tipid siyang ngumiti. Sa tuwing naaalala niya ang araw na natanggap niya ang sulat mula kay Caspian, ramdam pa rin niya yung sakit. Kahit lumilipas ang oras araw-araw, masakit pa rin.1 year ago.....“Pareho na silang wala Davina.” Ang mga salita na nakapagpabagsak ng mundo niya. Umiling nang umiling si Davina, napaatras pa siya dahil ayaw niyang maniwala, wala siyang pinaniniwalaan.“I don’t believe you, Max I’m begging you. Huwag naman ganito oh, huwag niyo naman akong biruin, please.” Nagmamakaawa niyang wika. Mabilis na inalalayan ni Railey si Davina nang muntik pa itong matumba dahil sa panghihina.Walang magawa si Railey at Max para pagaanin ang nararamdaman ni Davina. Sa mga mata pa lang niya alam mo ng araw-araw
Bago gawin nina Caspian ang misyon nila sa Presidente ay binilin niya na silang lahat kung anong mga dapat nilang gawin. Nang malaman niyang isa si Davina sa nagbabantay sa Presidente ay binilin niya si Lorelie na ilayo niya si Davina kahit sa anong klaseng paraan basta mailayo niya ito.Nang lumabas si Davina kasama ang Presidente ay akma na sanang hihilain ni Lorelie si Davina pero umatras siya. Umiling siya sa sarili niya, hanggang ngayon ramdam pa rin niya ang inis at galit kay Davina. Sinisisi niya ito kung bakit nasaktan siya ni Caspian kaya pinabayaan niya si Davina. Iniwan niya ito at hinayaan na kung anong mangyayari sa kaniya.Nang mabaril si Davina wala man lang naramdamang kahit kaunting awa si Lorelie para sa kaniya. Hindi niya kasi matanggap na minahal ni Caspian ng sobra si Davina habang siya hanggang ngayon nasasaktan pa rin dahil hindi niya naramdaman ang pag-aalaga at pag-aalala kay Caspian na nagagawa niya ngayon kay Davina.Naggagayak na silang lahat dahil aalis na
Flashback Galit na galit si Caspian nang makabalik siya ng headquarter nila, kulang na lang ay kainin ka niya ng buhay sa sobrang galit niya. “Goddamn it! Who said I was in a bar?!” halos gumuhit lahat ng mga litid ni Caspian sa leeg niya dahil sa lakas ng sigaw niya at sa tindi ng galit niya. Nakapila na silang lahat at nakakunot ang noo maliban kay Lorelie na nakayuko na ang ulo niya at nilalaro niya na ang mga daliri niya dahil sa kabang nararamdaman niya. Umayos siya nang tayo dahil baka mahalata siya ni Caspian. “Why? What happened?” tanong ni Evander. Inis na sinabunutan ni Caspian ang buhok niya. “Davina is there, she’s there and she saw us! Damn it!” nanggagalaiti pa rin niyang sigaw. Hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag kay Davina. Inis siyang napasuntok sa pader nang maalala niya ang mga mata ni Davina kanina, punong puno ng sakit, lungkot at para bang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso niya. “What do you mean? Nasa bar si Davina kung saan may operation ka?”