"Shit! He heard you say that, right? Lintik! Magwawala na naman ang asawa mo niyan sigurado. I’m coming over." Natataranta na sagot ni Wyatt nang marinig ang pagsigaw na iyon ni Mikel buhat sa telepono. "No, Wyatt. Ayos lang ako. It’s time we talked. As in, to really talk about a lot of things. Huwag ka mag-alala, kaya ko ito." sagot ni Tamara habang ang mga mata ay nakatuon kay Mikel na kunot na kunot ang noo sa kan’ya. "What’s the meaning of this, Tamara?" tanong ni Mikel na hindi na mapigilan ang pagtaas ng boses sa asawa niya na hanggang ngayon ay kausap pa rin ang pinsan niya sa telepono. Nanatili naman na walang imik si Tamara kay Mikel at patuloy lamang na nakatingin sa asawa habang kausap sa telepono si Wyatt. "Shit, baby girl! He’s definitely mad again because of those words. Paano kung ano ang maisip niya na sabihin na naman o baka saktan ka pa niya? Papunta na ako riyan. Alam ko ang takbo ng isip niyan gago na pinsan ko." Pagpipilit pa ni Wyatt. Nag-aalala siya para sa bu
"I am sorry, Tamara. I am sorry for loving you, and I am sorry because I really have to do this. I am so sorry for doing this." Yumuko si Wyatt at sinakop ang labi ni Tamara. Hindi niya inaasahan ang ginawa na iyon ni Wyatt kaya napapikit na lamang si Tamara habang mahigpit na napakapit sa t-shirt ng lalaki. Wyatt is in love with her. And he is kissing her right now, and she doesn’t have the strength to push him away. Tamara was frozen on her spot with Wyatt’s kisses, and then Mikel’s face popped into her mind. And that was enough for her to have the courage and the strength to push Wyatt away. "Wyatt." Itinulak niya si Wyatt sa dibdib at umiling-iling sa lalaki. Inaasahan na niya na aabot sa ganito ang pagsasamahan nila ni Wyatt. But as always, her heart already belongs to someone else, and nobody can take that spot anymore. Kahit na sabihin pa na tinalikuran niya ang kasal nila, it will always be Mikel for her. "I am sorry. I can't, Wyatt. You know, I can’t." Nangingilid ang mga
"Good morning, bu!" Sunod-sunod na paghalik sa kan’yang labi at pisngi ang gumising sa himbing na himbing na si Tamara. "Sorry for waking you up, sweetie, but you need to have your breakfast now." Pupungas-pungas si Tamara na dumilat at hindi niya maiwasan ang mangiti nang mabungaran ang guwapo na mukha ng kan’yang asawa. Everything feels surreal for her, lalo na at magkatabi na naman sila na natulog kagabi pagkatapos ng ilang buwan na pagkakalayo nilang dalawa. And last night, after months of restless sleep, she finally slept peacefully in the arms of her husband. "Anong oras na ba?" tanong niya kay Mikel na tumayo na buhat sa pagkakatabi sa kan'ya sa kama at abala na sa paghanda ng dala na almusal para sa kan’ya. "It’s eight in the morning, bu. Wake up and eat. Baka gutom na rin si baby, kaya naghanda na ako ng almusal para sa inyo. At ako ang nagluto nito para sa inyong dalawa, hindi si manang." Pagmamalaki pa ni Mikel sa kan’ya. "Ikaw ang nagluto? Wala ka ba na pasok ngayon?"
"Buwisit! Lintik! Peste! P*****a! Tarantado!" Sunod-sunod na malalakas na mura na naman ang namutawi sa bibig ni Leonardo habang kaharap si Chad sa kan’yang mansyon. Kung masasabi lamang niya ang lahat ng salitang mura na naimbento ay ginawa na niya dahil sa pagpupuyos ng kalooban niya ngayon. Galit na galit na naman siya sa balita na nakarating sa kan’ya. Ang balita sa muli na pagkakamabutihan ni Mikel at ni Tamara. "Leonardo, kumalma ka muna." Singit naman ni Chad na natataranta na rin dahil sa nakikita na galit sa mukha ng matanda sa harapan niya. Mas lalo na nagdilim ang mga tingin ni Leonardo sa kan’ya at galit na galit na nagsalita muli. "Kumalma?! Tanga ka ba talalga, Chad?! Paano ako kakalma kung hindi na naman umayon sa kagustuhan ko at mga plano ko ang mga pangyayari? Lintik talaga! Paano nangyari na nakuha na pagkatiwalaan muli ni Mikel ang kapatid mo? Bakit dinala pa niya ang kapatid mo sa pamamahay niya, kahit alam na niya ang katotohanan na si Wyatt ang ama ng bata? Nab
"Sissy, hindi ka pa ba nagugutom? Gutom na ako talaga, kaya kumain na tayo rito." Pagmamaktol ni Lou sa kaibigan niya na si Tamara habang sila ay naglalakad sa mall. Kadarating lang ni Lou sa Maynila kahapon at ngayon ay naisipan nilang dalawa na magkaibigan na mamasyal. "Sissy, sa bahay na lang tayo kumain. Tsaka sinabi ko naman sa’yo, hindi ba? Hindi talaga tayo puwede na magtagal dito. Tumakas nga lamang tayo kay Mikel at sigurado ako na magwawala iyon kapag sinumbong tayo ni manang." sagot ni Tamara sa kan’ya na halata ang takot at pangamba sa boses nito. "Sissy, dalawang oras pa lang tayo na nawawala. Isa pa, sinabi mo naman kay manang na maglalakad-lakad lang tayo sa loob ng subdibisyon, hindi ba? Kaya sigurado ako na hindi malalaman ni Mikel na pumunta tayo rito." Pagpapaliwanag pa ni Lou upang mapilit si Tamara sa nais niya na mangyari. "Sissy, please, gutom na talaga ako. At sigurado ako na gutom na rin si bebe natin. Kailangan na lagi magpalakas at busog si bebe dahil nalal
"Louella Andrade. Huwag ka nang makialam pa sa amin na magkapatid. Kahit kailan talaga ay pakialamera ka na babae ka. Lahat ng kabulastugan ay natutunan sa'yo ni Tamara. Ikaw ang masamang impluwensiya sa kapatid ko, mula noon hanggang ngayon." Seryoso na sagot ni Chad kay Lou pero ang mga mata ay nakatutok pa rin sa kan'yang kapatid. "Umalis ka na, Chad." singit ni Tamara. "Pabayaan mo na ako sa buhay ko." Sarkastiko na tumawa si Chad kay Tamara habang palinga-linga pa sa paligid. Sumandal pa siya sa upuan at pinakatitigan ang kan'yang kapatid. "Alam mo ba ang lahat ng paghihirap na nangyari sa amin dahil sa ginawa mo na pagtakas at pagtatago na naman? Alam mo ba na halos hiwalayan ako ng asawa ko at itakas pa sa akin ang anak ko dahil hindi ko na sila masustentuhan? Pati buhay ko ay nalalagay sa alanganin dahil sa kagagahan mo. Kasalanan mo ang lahat ng kamalasan na ito, Tamara." "Ang kapal ng mukha mo, Chad." Gigil na gigil si Tamara na hindi nagpatinag sa kan'yang kapatid sa kabi
"Nasaan ang walanghiya na Chad na iyan? Tang-ina! Napaka-hayop ng putang-ina na lalaki na iyon! Stan, may report na ba? Tang-ina talaga, ayaw tumigil ng mga hayop!" Galit na galit si Mikel at hindi malaman ang kan'yang gagawin dahil sa kaalaman na ang mag-ina niya ay nasa panganib na naman ngayon. "Lou, ano ba kasi ang naisipan ninyo ni Tamy at umalis kayo at tumakas? At bakit hindi man lamang kayo nagpaalam? You, of all people, should know how unsafe it is for her. Maynila ito, Lou, wala tayo sa Baguio na normal ang buhay ng lahat." Galit din na tanong ni Wyatt kay Lou. Nag-iinit din talaga ang ulo niya sa pasaway na kaibigan nila dahil sigurado siya na ang babae na ito na naman ang nagpilit kay Tamara na umalis. Labis naman ang kaba ni Lou sa mga lalaki na kaharap niya. Kanina pa madidilim ang tingin na ipinupukol nila sa kan'ya, at kung nakamamatay lamang talaga ang tingin ay baka nauna na siya na binawian ng buhay sa sitwasyon niya ngayon. Alam din niya na nagtitimpi lamang sa k
"Matatapos lamang ang problema namin kung mawawala kayo sa landas namin ng asawa ko. Kung tuluyan kayo na mabubura sa buhay namin ng walang Leonardo na iyon, doon lamang magiging maayos ang lahat." Hindi na maitago ni Mikel ang galit, lalo na sa mga sinasabi ni Chad sa kan'ya. "Ngayon, sabihin mo kung magkano ka para tigilan mo na ang asawa ko?" "Huwag ka nga na atat, Mikel. Darating tayo sa tamang presyo." "Sabihin mo na ngayon din. Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa dahil doon din naman ang punta ng usapan na ito." He can no longer bear the waiting game. Mikel doesn't have the patience, especially now that his wife’s life is at stake. "Magkita tayo, Mikel Lucero. At tandaan mo, walang pulis. Hintayin mo ang i-te-text ko na lugar sa'yo." Nang masabi iyon ay pinutol na ni Chad ang tawag. Lalo lamang ang takot ni Mikel para sa mag-ina niya. Chad is holding them captive and playing with them, and he can’t do anything about it. Nagkatinginan sila ni Wyatt. Alam nila pareho ang sirkumstan
Maraming salamat po sa lahat ng suporta na ibinigay ninyo sa story ko na ito. Ito pa ay entry ko sa MBL contest ni GNPH. Kahit hindi po nanalo sa contest sapat na ang may mga nagbasa at sana po ay nagustuhan ninyo. Hindi perfect ang mga stories ko and I still have a long way to go, but the support that you are giving me warms my heart. Muli, maraming, maraming salamat sa suporta. Hanggang sa susunod po na kuwento. Pa-add din sa library ninyo and pa-support din po sa iba ko na story kay GN. The Invisible Love of Billionaire (Completed) My Back-up Boyfriend is a Mafia Boss (On-going) The Rise of the Fallen Ex-Wife (On-going) Falling for the Replacement Mistress (On-going)
Mikel Lucero and Tamara Ilustre had both never had a good and fulfilling family life. Pareho sila na pinagkaitan ng tadhana na maranasan ang isang masaya at tunay na pamilya. But that was before. Dahil ngayon ay binawi naman ng tadhana ang lahat ng paghihirap na ibinigay sa kanila noon. At bawing-bawi sila sa kasiyahan sa buhay pamilya na mayro’n silang dalawa ngayon. Hindi nila akalain na ang mga problema na tinakbuhan nila ay ang siya rin na magiging dahilan upang magtagpo at magbuklod ang mga landas nila. They were both tested on how far they could hold on to a fake relationship that they had started. And looking back, it started out as a fake marriage, but the emotions and feelings they both felt all throughout their married life were actually genuine. At paulit-ulit nila na ipaparamdam sa isa’t-isa, na kahit isang pagkakamali ang pagsisimula nila, patuloy rin iyon na magiging isang pinakamaganda na pagkakamali sa buhay nilang dalawa. Mikel ran away from problems, but he met and
The Lucero’s. That’s what we are. Kahapon lamang ay natapos na ang binyag ni Mirakel at pormal na rin namin siya na ipinakilala ni Tamara sa aming mga kapamilya at kaibigan. It was a joyous event that was shared with those special to us. Bidang-bida sa okasyon na iyon siyempre ang aming prinsesa na si Mira. It has been three months since our little princess was born. At sa loob ng tatlong buwan na iyon ay sinigurado ko na katulong ako ni Tamara sa bawat paghihirap at pagpupuyat niya. It was never easy for her, lalo na at breastfeeding mom siya, kaya lahat ng kaya ko na suporta ay ibinibigay ko sa kan’ya. Tamara and I are still slowly adjusting to being parents. A tough but very fulfilling job at that. And I wouldn’t trade it for anything in the world. At ipinapangako ko, I wouldn’t be anywhere near what my father is. Ang buong buhay ko ay ilalaan ko para sa mag-ina ko at sa iba pa namin na magiging anak sa hinaharap. Slowly now, the broken pieces of my life are being restored. At
"Diane, nasa opisina niya ba ang magaling na amo mo?" tanong ni Wyatt sa sekretarya ni Mikel na si Diane. "Ay, Sir Wyatt, oo, kadarating lang, pero aalis din agad at kukunin lang daw niya ang ilang mga dokumento na hindi nadala ni Sir Stan sa kanila kahapon." Inginuso pa nito ang direksyon ng opisina kay Wyatt. Tumango naman si Wyatt at isinenyas sa sekretarya na pupuntahan na niya. "Pasok na ako." "Huwag mo painitin ang ulo, Sir Wyatt, ha, good mood siya." "Ikaw talaga, Diane." Kumindat pa si Wyatt saka nagdiretso sa opisina ng pinsan niya. Hindi na siya kumatok pa at basta na lamang na pumasok sa silid. At doon ay naabutan niya si Mikel na nakasandal sa upuan nito at nakapikit. "You look exhausted. Sino ang pumagod sa’yo, ang reyna o ang prinsesa mo?" Dumilat si Mikel nang marinig ang boses ni Wyatt. "Ano ang ginagawa mo rito?" Balik-tanong niya na hindi na sinagot ang nauna na tanong ni Wyatt sa kan'ya. "To talk to you." Maangas na sagot ni Wyatt sa kan’ya na lumakad at umupo
Palakad-lakad sa pasilyo ng ospital si Mikel. Hindi siya mapakali sa kaka-isip sa kan’yang mag-ina. Kanina pa naipasok si Tamara sa loob at ang sabi ng doktora na maghintay na lamang siya. At sa totoo lamang ay sobra ang kaba niya ngayon. Not for himself but for his wife. Ganito pala ang kaba na nararamdaman ng mga asawa at ang halo-halo na emosyon na lumulukob sa kan’ya ngayon ay hindi niya talaga maipaliwanag. "Everything is going to be okay, Mikel." Lumapit sa kan’ya si Wyatt at tinapik pa siya sa balikat. Si Wyatt ang una na natawagan ni manang kanina na agad din na napasugod sa ospital nang malaman na manganganak na nga si Tamara. "She is a strong woman. She is well prepared for this." "It just feels so surreal that she is coming." sagot na lamang niya, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya talaga mapaniwalaan na lalabas na ang anak niya. "I’ve prepared for this day. Pero kanina, wala sa mga kahit na ano na plano ko ang nagawa ko, dahil sa pagkataranta ko. And everything I
Mahimbing na ang tulog ni Tamara nang pumasok si Mikel sa kanilang silid. Naging abala kasi siya matapos nila na maghapunan sa inaayos niya na gamit sa silid ng kanilang prinsesa. At dala marahil ng pagod dahil sa pamimili nila ni Tamara ng mga gamit ng bata kanina, ay hindi na siya nahintay pa ng asawa niya. Napangiti na lamang si Mikel na marahan na lumapit at tumabi kay Tamara. Wala sa kanilang plano ang magtungo sa mall at mamili, pero ano nga ba ang aasahan niya sa kan’yang asawa na lagi ay walang kaplano-plano at lahat ay dinaraan sa pabigla-bigla. Aba’y, kahit nga ang kasal nila noon ay naging pabigla-bigla, pero hindi niya na iyon pinagsisisihan pa sa ngayon. Itinawag pa nga niya sa doktora ni Tamara kung puwede pa ba na mamasyal at maglakad-lakad ang asawa niya, na sinang-ayunan naman ng doktora nila upang mas maging madali raw ang panganganak nito at hindi gaano na mahirapan. At kitang-kita niya ang saya ni Tamara kanina habang sila ay namimili. Inilibot niya ang kan’ya
Nagising ako na wala na si Mikel sa aking tabi. Nang sulyapan ko ang orasan sa aming silid ay maaga pa naman, kaya nagtataka na ako kung nasaan na naman ang asawa ko. Hindi na ako sanay na gumising na wala siya sa aking tabi o ang hindi man lamang maramdaman ang pagpapaalam niya sa akin kapag kinakailangan niya nang umalis at pumunta sa opisina. I am becoming clingy to Mikel with each passing day. I don't want to be too dependent on him, but I just can’t help it. Hindi ko maiwasan na lagi na lamang nakadepende sa kan’ya dahil kagaya lamang ng dati ay malimit na rito siya sa bahay na nagtatrabaho ngayon. Ayaw na rin niya ako na iwan dito kasama si manang lamang dahil baka raw bigla na lamang ako na mapaanak lalo na at sinabi ni doktora na hindi sakto sa due date ang labas ng aming prinsesa. At sa bawat araw na magkasama kami ay ramdam na ramdam ko ang kasiyahan sa puso ko. Everything is falling perfectly into place in its own time. Hindi pa man gano’n na maayos ang lahat, pero malapit
Isang linggo matapos ang araw na tuluyan nang nagtapos ang kasamaan ni Leonardo Lucero, unti-unti na rin na inaayos nina Mikel at Tamara ang buhay nila. Kasabay sa pagkakakulong ni Leonardo ay ang pagsuko at pagkakakulong din ni Chad upang pagbayaran ang nakaraan niya na kasalanan na pagtatangka kay Tamara. Dahil sa pagtulong na ginawa ni Chad upang mailigtas si Tamara ay nais siya na piyansahan ni Mikel at iurong na ang kaso laban sa ginawa niya kay Tamara noon, ngunit mariin na tinanggihan ni Chad iyon. Nais na rin niya na magbagong buhay kaya nais niya na pagdusahan ang mga kasalanan na nagawa niya sa kan'yang kapatid. And maybe it is really the best for him. Ang mga magulang ni Tamara naman ay lalo na nagalit sa kan'ya dahil sa pagkakakulong ni Chad. Tuluyan na siya na itinakwil ng sariling magulang niya dahil nawala pa lalo ang magsusuporta sa mga pangangailangan nila. Ngunit hindi na iyon mahalaga pa sa kan’ya. Matagal nang natanggap ni Tamara na hindi siya importante sa kan’ya
"Gago ka kung inaakala mo na ibibigay ko sa’yo ang asawa ko." Matapang na sagot ni Mikel sa ama niya. Nanginginig ang mga kamay ni Tamara na nananatili na nakahawak sa kan’ya. And he hates his father even more for causing this extreme fear in his wife. "Asawa mo? Hindi ba at matagal na kayong hiwalay? Hindi ba at may ibang babae ka na rin? Iyon abogada na nag-ayos ng paghihiwalay ninyo, nagkakamabutihan na kayo, hindi ba? Kaya ka nga naungusan na ni Wyatt na lagyan ng laman ang tiyan ng asawa mo dahil sa ibang babae na rin ang pinili mo." Sa mga narinig na iyon ni Tamara ay napadiin ang pagkakakapit niya sa kamay ni Mikel. Hindi dahil sa sa pag-aakala ni Leonardo na anak ni Wyatt ang anak nila ni Mikel, kung hindi sa sinabi nito na may ibang babae na si Mikel. Napasulyap siya sa kan'yang asawa, na ang sentro ng atensyon ay nasa ama pa rin nito. Nagpupuyos ang kalooban niya ngayon, hindi niya lamang matiyak kung kanino sa mag-ama na Lucero siya nanggagalaiti na naman. At sisiguraduhin