"Louella Andrade. Huwag ka nang makialam pa sa amin na magkapatid. Kahit kailan talaga ay pakialamera ka na babae ka. Lahat ng kabulastugan ay natutunan sa'yo ni Tamara. Ikaw ang masamang impluwensiya sa kapatid ko, mula noon hanggang ngayon." Seryoso na sagot ni Chad kay Lou pero ang mga mata ay nakatutok pa rin sa kan'yang kapatid. "Umalis ka na, Chad." singit ni Tamara. "Pabayaan mo na ako sa buhay ko." Sarkastiko na tumawa si Chad kay Tamara habang palinga-linga pa sa paligid. Sumandal pa siya sa upuan at pinakatitigan ang kan'yang kapatid. "Alam mo ba ang lahat ng paghihirap na nangyari sa amin dahil sa ginawa mo na pagtakas at pagtatago na naman? Alam mo ba na halos hiwalayan ako ng asawa ko at itakas pa sa akin ang anak ko dahil hindi ko na sila masustentuhan? Pati buhay ko ay nalalagay sa alanganin dahil sa kagagahan mo. Kasalanan mo ang lahat ng kamalasan na ito, Tamara." "Ang kapal ng mukha mo, Chad." Gigil na gigil si Tamara na hindi nagpatinag sa kan'yang kapatid sa kabi
"Nasaan ang walanghiya na Chad na iyan? Tang-ina! Napaka-hayop ng putang-ina na lalaki na iyon! Stan, may report na ba? Tang-ina talaga, ayaw tumigil ng mga hayop!" Galit na galit si Mikel at hindi malaman ang kan'yang gagawin dahil sa kaalaman na ang mag-ina niya ay nasa panganib na naman ngayon. "Lou, ano ba kasi ang naisipan ninyo ni Tamy at umalis kayo at tumakas? At bakit hindi man lamang kayo nagpaalam? You, of all people, should know how unsafe it is for her. Maynila ito, Lou, wala tayo sa Baguio na normal ang buhay ng lahat." Galit din na tanong ni Wyatt kay Lou. Nag-iinit din talaga ang ulo niya sa pasaway na kaibigan nila dahil sigurado siya na ang babae na ito na naman ang nagpilit kay Tamara na umalis. Labis naman ang kaba ni Lou sa mga lalaki na kaharap niya. Kanina pa madidilim ang tingin na ipinupukol nila sa kan'ya, at kung nakamamatay lamang talaga ang tingin ay baka nauna na siya na binawian ng buhay sa sitwasyon niya ngayon. Alam din niya na nagtitimpi lamang sa k
"Matatapos lamang ang problema namin kung mawawala kayo sa landas namin ng asawa ko. Kung tuluyan kayo na mabubura sa buhay namin ng walang Leonardo na iyon, doon lamang magiging maayos ang lahat." Hindi na maitago ni Mikel ang galit, lalo na sa mga sinasabi ni Chad sa kan'ya. "Ngayon, sabihin mo kung magkano ka para tigilan mo na ang asawa ko?" "Huwag ka nga na atat, Mikel. Darating tayo sa tamang presyo." "Sabihin mo na ngayon din. Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa dahil doon din naman ang punta ng usapan na ito." He can no longer bear the waiting game. Mikel doesn't have the patience, especially now that his wife’s life is at stake. "Magkita tayo, Mikel Lucero. At tandaan mo, walang pulis. Hintayin mo ang i-te-text ko na lugar sa'yo." Nang masabi iyon ay pinutol na ni Chad ang tawag. Lalo lamang ang takot ni Mikel para sa mag-ina niya. Chad is holding them captive and playing with them, and he can’t do anything about it. Nagkatinginan sila ni Wyatt. Alam nila pareho ang sirkumstan
"Gago ka kung inaakala mo na ibibigay ko sa’yo ang asawa ko." Matapang na sagot ni Mikel sa ama niya. Nanginginig ang mga kamay ni Tamara na nananatili na nakahawak sa kan’ya. And he hates his father even more for causing this extreme fear in his wife. "Asawa mo? Hindi ba at matagal na kayong hiwalay? Hindi ba at may ibang babae ka na rin? Iyon abogada na nag-ayos ng paghihiwalay ninyo, nagkakamabutihan na kayo, hindi ba? Kaya ka nga naungusan na ni Wyatt na lagyan ng laman ang tiyan ng asawa mo dahil sa ibang babae na rin ang pinili mo." Sa mga narinig na iyon ni Tamara ay napadiin ang pagkakakapit niya sa kamay ni Mikel. Hindi dahil sa sa pag-aakala ni Leonardo na anak ni Wyatt ang anak nila ni Mikel, kung hindi sa sinabi nito na may ibang babae na si Mikel. Napasulyap siya sa kan'yang asawa, na ang sentro ng atensyon ay nasa ama pa rin nito. Nagpupuyos ang kalooban niya ngayon, hindi niya lamang matiyak kung kanino sa mag-ama na Lucero siya nanggagalaiti na naman. At sisiguraduhin
Isang linggo matapos ang araw na tuluyan nang nagtapos ang kasamaan ni Leonardo Lucero, unti-unti na rin na inaayos nina Mikel at Tamara ang buhay nila. Kasabay sa pagkakakulong ni Leonardo ay ang pagsuko at pagkakakulong din ni Chad upang pagbayaran ang nakaraan niya na kasalanan na pagtatangka kay Tamara. Dahil sa pagtulong na ginawa ni Chad upang mailigtas si Tamara ay nais siya na piyansahan ni Mikel at iurong na ang kaso laban sa ginawa niya kay Tamara noon, ngunit mariin na tinanggihan ni Chad iyon. Nais na rin niya na magbagong buhay kaya nais niya na pagdusahan ang mga kasalanan na nagawa niya sa kan'yang kapatid. And maybe it is really the best for him. Ang mga magulang ni Tamara naman ay lalo na nagalit sa kan'ya dahil sa pagkakakulong ni Chad. Tuluyan na siya na itinakwil ng sariling magulang niya dahil nawala pa lalo ang magsusuporta sa mga pangangailangan nila. Ngunit hindi na iyon mahalaga pa sa kan’ya. Matagal nang natanggap ni Tamara na hindi siya importante sa kan’ya
Nagising ako na wala na si Mikel sa aking tabi. Nang sulyapan ko ang orasan sa aming silid ay maaga pa naman, kaya nagtataka na ako kung nasaan na naman ang asawa ko. Hindi na ako sanay na gumising na wala siya sa aking tabi o ang hindi man lamang maramdaman ang pagpapaalam niya sa akin kapag kinakailangan niya nang umalis at pumunta sa opisina. I am becoming clingy to Mikel with each passing day. I don't want to be too dependent on him, but I just can’t help it. Hindi ko maiwasan na lagi na lamang nakadepende sa kan’ya dahil kagaya lamang ng dati ay malimit na rito siya sa bahay na nagtatrabaho ngayon. Ayaw na rin niya ako na iwan dito kasama si manang lamang dahil baka raw bigla na lamang ako na mapaanak lalo na at sinabi ni doktora na hindi sakto sa due date ang labas ng aming prinsesa. At sa bawat araw na magkasama kami ay ramdam na ramdam ko ang kasiyahan sa puso ko. Everything is falling perfectly into place in its own time. Hindi pa man gano’n na maayos ang lahat, pero malapit
Mahimbing na ang tulog ni Tamara nang pumasok si Mikel sa kanilang silid. Naging abala kasi siya matapos nila na maghapunan sa inaayos niya na gamit sa silid ng kanilang prinsesa. At dala marahil ng pagod dahil sa pamimili nila ni Tamara ng mga gamit ng bata kanina, ay hindi na siya nahintay pa ng asawa niya. Napangiti na lamang si Mikel na marahan na lumapit at tumabi kay Tamara. Wala sa kanilang plano ang magtungo sa mall at mamili, pero ano nga ba ang aasahan niya sa kan’yang asawa na lagi ay walang kaplano-plano at lahat ay dinaraan sa pabigla-bigla. Aba’y, kahit nga ang kasal nila noon ay naging pabigla-bigla, pero hindi niya na iyon pinagsisisihan pa sa ngayon. Itinawag pa nga niya sa doktora ni Tamara kung puwede pa ba na mamasyal at maglakad-lakad ang asawa niya, na sinang-ayunan naman ng doktora nila upang mas maging madali raw ang panganganak nito at hindi gaano na mahirapan. At kitang-kita niya ang saya ni Tamara kanina habang sila ay namimili. Inilibot niya ang kan’ya
Palakad-lakad sa pasilyo ng ospital si Mikel. Hindi siya mapakali sa kaka-isip sa kan’yang mag-ina. Kanina pa naipasok si Tamara sa loob at ang sabi ng doktora na maghintay na lamang siya. At sa totoo lamang ay sobra ang kaba niya ngayon. Not for himself but for his wife. Ganito pala ang kaba na nararamdaman ng mga asawa at ang halo-halo na emosyon na lumulukob sa kan’ya ngayon ay hindi niya talaga maipaliwanag. "Everything is going to be okay, Mikel." Lumapit sa kan’ya si Wyatt at tinapik pa siya sa balikat. Si Wyatt ang una na natawagan ni manang kanina na agad din na napasugod sa ospital nang malaman na manganganak na nga si Tamara. "She is a strong woman. She is well prepared for this." "It just feels so surreal that she is coming." sagot na lamang niya, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya talaga mapaniwalaan na lalabas na ang anak niya. "I’ve prepared for this day. Pero kanina, wala sa mga kahit na ano na plano ko ang nagawa ko, dahil sa pagkataranta ko. And everything I