ELIHA"Nais kong magkaroon tayo ng pagdiriwang!" masayang sambit ni haring Keg habang kaming lahat ay nasa lamesa. "Bakit? Ano ang nais mong ipagdiwang?" kuro ni ama. "Para sa aking anak na si Prinsipe Kein, pupunta siya rito mamaya. Ayaw niyo bang bigyan siya ng selebrasyon?""Gano'n ba? Wala namang problema, hahayaan kong magkaroon tayo ng selebrasyon para sa Prinsipe."Ngumiti si haring Keg bago nag-bow kay ama. Bakit parang may mali sa mga mata ni Keg?"Mahal, kung may pagdiriwang mamaya ay dapat maghanda tayo. Halika, may ipapakita ako sa 'yo." Inakbayan ako ni Keegan at patuloy kaming naglakad papasok sa kwarto.Inalalayan ako ni Keegan na umupo sa kama dahil mayroon daw siyang kukunin sa cabinet. Maya-maya pa ay may dala siyang isang green gown. "Gusto mo bang isuot ito, mahal ko?""Para sa akin ba talaga 'yan, Keegan? Sa sobrang ganda niyan ay palagay ko ay hindi 'yan bagay sa akin."Lumapit siya sa akin sabay hinawakan ako sa balikat. "Para sa akin ay lahat ng isusuot mo a
ELIHAAko ngayon ay nasa isang silid. Hindi kasi ako pinaalis ni ina. Pero kahit anong oras daw ay p'wede na akong umalis dahil hindi talaga ako ang asawa ni Keegan. Naniniwala raw sila sa ipinakita ni Eliza dahil nararamdaman nila ang enerhiya ng katotohanan sa mga mata nito at sa ipinakita. Ako ay napaluhod. Umiyak ako nang umiyak dahil hindi talaga totoo na ako ang asawa ni Keegan. Sobrang sikip ng dibdib ko ngayon at kahit sinong matalino na tao ay hindi maipapaliwanag ang aking nararamdaman. Ang gusto kong mangyari sa akin ay ang maglaho at mawala na rito sa mundo nila. Pero kakayanin ko ba? Kung mahal na mahal ko na si Keegan? Keegan is everything to me. Siya lang ang gusto ko at gugustuhin ko. Kung hindi ako ang totoong Eliha, bakit nagkaroon ako ng kapangyarihan? Kasama rin ba 'yun sa sumpa?Lumabas ako sa kwarto. Sakto dahil biglang dumaan si Keegan. Gusto ko mang pigilan ang aking mga paa papalapit sa kanya ay hindi ko nagawa kaya tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap
ElIHAI was so amazed at what I saw in front of me. It may look scary, but I can say it is beautiful—it is a palace. I looked at Prince Kein; he was holding my right hand. I felt shy, so I removed my hand from his hand."Ano po ang ginagawa natin dito? Ito po ba ang palasyo ninyo, prinsipe Kein?""Huwag mo na akong tawagin na prinsipe, Kein na lang. Sa ngayon ay napagdesisyunan ko na sa palasyo ka na muna tumira.""A-ano?! Nakakahiya naman, Kein. Tsaka, sigurado ka ba talaga? Hindi naman tayo malapit masyado sa isat-isa 'di ba?""Noong nakita kita sa mansyon ng mga Vampyres ay alam ko na mabuti ang iyong kalooban. Eliha, nais kitang maging kaibigan. Maaari ba?"Nag-bow ako. "Oo naman, Kein! Isang karangalan 'yun sa akin. Sino ba naman ako para tumanggi 'di ba? Isa lang naman akong hampaslupa."Tumawa lang siya sabay hinawakan ulit ang kamay ko. Gusto kong alisin pero nakakahiya naman dahil baka isipin niya na mayroon akong iniisip na kakaiba.Sabay kaming naglakad ni Kein sa hagdan. B
Tumango na lang ako kay Tatay. Ang gulo, pero sana ay unti-unti ko nang malaman ang katotohanan. At syempre, ang pagkatao ni Eliha. Pagkatapos kong maubos ang isang bote ng alak ay pakiramdam ko ay lasing na ako dahil grabe ang hilo na aking nararamdaman. "Aalis na po ako!" paalam ko kay Tatay. Tumango lang naman siya. Muli akong sumakay sa tambo. Pupuntahan ko na si Eliza.. pero pasikreto akong kikilos. Habang nasa itaas ako ay pakiramdam ko ay mahuhulog ako dahil sa hilo. Dahan-dahan akong bumaba sa likod ng mansyon ni Eliza. Sakto naman dahil bukas ang pinto sa likod. Dahan-dahan akong naglakad na walang maririnig na yapak. Sigurado kasi ako na nandito lang si Eliza sa paligid. Bumungad sa akin ang sampung kwarto. Alin kaya ang sa kanya d'yan?Binuksan ko ang itim na pinto. Bumungad sa akin si Eli habang natutulog. Nandito na pala siya, akala ko ay bumalik siya sa mansion ng mga Vampyres. Sa kwarto ni Eli ay mayroon akong nakita na mga picture frame ni Eliha. Paano ko nalaman
ELIHAIpinagpabukas na ang pagdiriwang ng engagement party sana namin ni Kein. Pero sinabi ko kay Kein na may bago kaming plano na imbis na sa amin ay para na lang kay Eliha at Keegan. **"Para sa akin ba talaga itong magandang bestida na ito?" Eliha asked. Ang inosente ng boses niya at siya mismo. Nandito kami ngayon sa kwarto na tinutuluyan ko. Ang gagawin ko lang naman sa kanya ay ang ayusan siya. Si Kein naman ay nasa labas dahil inaasikaso niya ang pagdiriwang mamaya. "Oo para sa iyo 'yan. Alam ko na magiging masaya ka kapag nakita mo ang iyong magiging asawa." Hinimas ko ang maganda niyang buhok habang nakatingin sa bintana. "Salamat!" Masaya niyang sabi habang nakatingin sa salamin. Hindi siya bampira kaya mayroon siyang repleksiyon sa salamin. Kinausap ko kagabi si Kein, itinanong ko kung mayroon bang maayos na hiwalayan gamit ang papel o batas nila para sa aming kasal. Ang sabi niya ay wala naman daw, depende raw kung iiwan na ng asawa. Kaya siguro wala ng pakialam sa aki
**Si Kein ay mapayapang natutulog sa kama. Bumangon ako para buksan ang maganda at malaking bintana. Bumungad muli ang tambo sa akin na nakalutang. Ang kahulugan ba nito ay dapat akong maglakbay? Saan naman ako pupunta? Wala na akong hahabulin pa. Siguro ay ito na ang ending ng aking buhay. Pero at least, masasabi ko na masaya ako. Pagkatingin ko sa baba ay nakita ko si Pluma na nakaupo at nakatingin sa akin. "P-Pluma?!" Sumakay ako sa tambo para makababa. "Ano ang ginagawa mo rito? Kumusta ka? Okay ka lang ba?!"Gumalaw ang kanyang buntot sabay kiniskis ang kanyang ulo sa mukha ko. Napangiti ako sa ginawa niya. "Alam mo, para sa akin ay sapat ka na, Pluma. Salamat kasi pinuntahan mo ako. Sana ay hindi ka nalito dahil hindi ako ang totoong Eliha. At sana ay hindi mo ako makalimutan.""Paano ko makakalimutan ang isang katulad mo?" tanong niya.Bigla akong napaatras. "Nagsasalita ka pala?!" "Oo, ako si Pluma Vampyres, ang lion na bampira na pagmamay-ari ng mga Vampyres.""H-hindi k-
ELIHA"Lumayas ka sa aking palasyo!" Keg shouted. "Oo, ako ay aalis na." Tumalikod ako at patuloy na naglakad papalabas. Si Kein ay wala rito sa palasyo pero hindi ko na siya hihintayin dahil marami na akong utang na loob sa kanya. Nagulat ako nang may biglang dumagit sa damit ko. Pagkalingon ko sa itaas ay si Eliza lang pala. Pinipilit kong kumawala pero hindi ko kaya. Nang tingnan ko naman ang baba ay sobrang taas na ng babagsakan ko kaya nanahimik na lang ako.Maya-maya pa ay ibinaba niya ako sa isang bintana. Ito ang bintana ng kwarto namin ni Keegan noon. Nakita ko si Keegan at si Eliha na mahimbing na natutulog.Sana all, joke. Tumabi sa akin si Eliza. "Ang saya nila 'no?""Ano naman ngayon? Masaya na ako para sa kanila. At alam ko na gano'n ka rin dahil hinayaan mo na ang anak mo kay Keegan.""Ano bang akala mo sa akin, Eliha? Tanga? Akala mo ba ay gano'n lang kadali sa akin ang lahat?""Ano bang ibig mong sabihin?! Tsaka bakit mo ako dinala rito?""Ipinakita ko sa 'yo ang
Makalipas ang ilang linggo ay malaki na ang tyan ko. Medyo nahihirapan na rin akong kumilos dahil pakiramdam ko ay malaking sanggol ang nasa loob ng tyan ko. "Eliha, wala ka bang gustong kainin? O pagmasdan?" Kein asked. "Wala,""Ang sungit mo ha!""Naiirita lang ako!!!""At bakit?!""Ang bigat ng tyan ko. Pero hoy! Alam mo ba? Ang gusto kong pangalan niya ay Keha kapag babae at kapag lalaki naman ay-""Keho?!" natatawang tanong niya.Hinampas ko siya sa braso. "Hindi! Kapag lalaki ay Kayan.""Ayaw mo sa Keina at Keino? Biro lang!""Mukhang masaya kayong dalawa, ah? Mamaya ay magkakaroon tayo ng bisita," sabat ni Keg."Sino, ama?""Ipapatawag ko na lang kayo." Naglaho siya. "Kailangan ba na humarap ako sa bisita?" nagtatakang tanong ko."Sa palagay ko ay depende sa sasabihin ni ama."Yumuko na lang ako. "Wala ka bang gustong puntahan?""Tinatamad akong kumilos, Kein.""'Yun nga ang nakikita ko. Sa palagay ko ay mas may iba ka pang gusto, sino kaya?" "Anong sino? Wala 'no.""Sigur