Dumating ang pulis sa eksena ng aksidente at naglagay sila ng barricade tape.Ang harap na kotse ay isang luxury car na may high-security factor, kaya ang dalawang ilaw lang nabasag, at ang likod ay lumubog ng konti.Ang sasakyan sa likod, ang van, ay sirang sira. Ang harap nito ay nadurog habang umuusok ang makina.“Linda kamusta ang pakiramdam mo?” Namutla ang mukha ni Cordelia mula sa gulat.Naisip niya na disente ang pagmamaneho niya at sumunod siya sa traffic rules. Gayunpaman, nabangga siya at hindi man lang siya nagkaroon ng oras para mag oresno noong nabungo siya, tumalsik siya ng ilang metro mula sa banggaan.Mabuti na lang at may yakap na unan si Linda sa kotse, kaya ang tiyan niya ay hindi nasaktan dahil nakaharang ang unan.Dumating ang ambulansya, at ang mga paramedic ay mabilis na dinala ang dalawang tao sa van sa likod nila.Lumapit ang pulis at kumatok ito sa bintana nila para itanong ang kalagayan nila. Nang makita na ayos lang sila, sinabihan sila na magpacheck
Tama si Cordelia. Walang nakakakilala kay Kelly sa labas. Bakit may naman may dudukot sa kanya?Itinikom ni Cordelia ang kanyang mga labi at mahinang sinabi na, “Zephyr, nakakapagtaka ‘to. Sa tingin ko may kinalaman si Nelly dito.“Hindi naman sa may sama ako ng loob sa kanya o pinag-iinitan ko siya. Pero isipin mo, hindi gusto ng kidnapper ang isang kilalang tagapagmana ng mga Tanner ngunit ginawa ng kidnapper ang lahat ng iyon para sa isang tagapagmana ng mga Tanner na walang sinuman ang nakakakilala. Tungkol ba talaga ito sa pera?"Napahinto si Cordelia at idinagdag niya na, “Kung para ito sa pera, hindi si Kelly ang dapat na dinukot. Kung hindi dahil sa pera, kung ganun… para saan ito?”"Para idispatya siya!" Ang biglang sinabi ni Zephyr.Nakaramdam ng pangingilabot si Cordelia.“Baka mali ang hinala ko…”"Tama man o mali, walang dapat palampasin." Hinawakan ni Zephyr ang kanyang mga balikat at hinaplos niya ng hinlalaki niya ang kanyang mukha.Ngumiti siya at tumingin siya
Nagpalitan ng tingin sina Cordelia at Zephyr at napansin agad nila kung ano ang problema."Heh, Zephyr, Josiah." Pinilit ngumiti ni Joe habang nakatingin siya sa kanila. "Gabi na. Ang mabuti pa ay umuwi na kayo. Salamat sa inyong pag-aalala para kay Kelly. Josiah, lalo na…”Humakbang paharap si Zephyr ng may misteryosong tingin. "Uncle Tanner, bakit wala ang ate kung kailan may nangyaring masama sa nakababata niyang kapatid?"Nagulat si Joe at nanatiling tahimik.Ngumisi si Zephyr at may hinala na siya.Pagkaalis niya sa ospital, hiniling niya kay Robert na imbestigahan ang driver. Kahit na anong paraan pa ang gamitin niya, kailangan niyang ilabas ang katotohanan.Pinaandar ni Zephyr ang sasakyan pagkatapos nito habang inaantok naman si Cordelia, at nakasandal sa bintana ng sasakyan. Inilipat niya si Cordelia sa kanyang mga balikat at ikinumot sa kanya ang kanyang jacket. Marahan niyang sinabi sa kanya na, “Ms. Cordelia, may kontrata kang pipirmahan bukas. Huwag mo itong kakalimu
Nagulat si Rowan. ‘Nawala ba ang alaala ni Zephyr? Mukhang ayos naman siya, base sa kung paano niya kausapin si Cordelia.’Nginitian niya si Cordelia. "Sino ang may amnesia?"“Yung kaibigan ko…” nag-isip si Cordelia at sinabing, “Yung totoo, hindi ko naman talaga siya kaibigan. Yung taong gusto ng kaibigan ko ang may amnesia."Siya ang isa pang tagapagmana ng mga Tanner, si Kelly Tanner."“Oh?” Tumaas ang mga kilay ni Rowan.Naging mainit na balita ito kamakailan, at narinig na niya ang tungkol dito ngunit wala lang siyang pakialam. Wala siyang pakialam sa anumang bagay na walang kinalaman kay Cordelia—at higit pa dito, ito ang mga Tanner. Kay Nelly Tanner diring-diri na siya!Ang sabi niya, “Cordelia, bakit malapit ka sa mga Tanner? Problema na nila 'yun kung may isa pa silang anak. Bakit ka nag-aalala?"“Hindi ako malapit sa kanila. Kaso lang... itong si Ms. Kelly ay isang taong gustong-gusto ng kaibigan ko. Gusto ko silang tulungan!"Matamis ang boses ni Cordelia. “Tito Irwi
“Siyempre dapat magpasalamat ako ng maayos sa pagresolba mo sa ganun kalaking problema para sa'kin!"Heto, para sa'yo 'to!"Nakangiting naglabas ng ticket si Nelly.Nanlaki ang mga mata ni Mona nang makita kung ano iyon sa madilim na ilaw ng bar."Ito... Ito ang grand event ng Sol Entertainment?"“Mismo!” Matagumpay ang ekspresyon ni Nelly.Nanginginig ang mga kamay ni Mona sa sobrang pananabik. Ang Sol Entertainment ay magdaraos ng engrandeng event nito sa unang pagkakataon, ngunit noon pa man ay isinapubliko na nila ito, ipinakilala nila ito bilang ang pinakaengrandeng kaganapan sa showbiz.Magkakaroon ng magandang kinabukasan ang sinumang pupunta dito."Ang galing mo Nelly! Paano mo nakuha ‘to?" Niyakap siya ni Mona. "Talaga bang ibibigay mo sa’kin ang ticket na ‘to?""Wala ako sa showbiz, kaya hindi ko ‘to kailangan." Ngumiti si Nelly. "Dapat mapunta sa mga tamang tao ang mga tamang bagay!“Pupunta din daw si Nicholas doon…” Tumingin si Nelly kay Mona ng may pag-aalala. “
"Ako..." Si Nicholas ay mukhang problemado at nag-aalangan.Tinapik siya ng malakas ni Zephyr. "Paano kita tutulungan kung hindi mo sasabihin ang lahat sa’kin!?"Pagkatapos ng ilang oras ng katahimikan, mahinang sinabi ni Nicholas, "Ilang beses ko pa lang nakita si Mona, at palagi niya akong ginugulo. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa engrandeng event na ito, at nanghina ako pagkatapos kong inumin yung inumin na inabot niya sa’kin.”Ilang beses na inilibot ni Zephyr ang kanyang mga mata, hindi siya makapaniwala kung gaano kadaling magtiwala si Nicholas."Nanghina lang ako!" Nagtaas ng boses si Nicholas habang nagpapaliwanag, “Hindi ako nawalan ng malay, alam mo ba ‘yun?"Kaya paanong hindi ko malalaman kung ginawa ko ‘yun o hindi?"Tsaka, may isa pang dahilan..." Muling humina ang boses niya habang mas mabagal ang pagsasalita niya. “Pagkatapos kong uminom, hindi ko…"Ano?" Nagulat si Zephyr.Kinagat ni Nicholas ang labi niya at tinitigan siya ng masama.Ito ay isang s
Kinuha ni Nicholas ang phone niya at malamig na sinabi. "Dalhin mo sa’kin ang Mona na ‘yun!"…Nang mahanap siya ng mga tauhan ni Nicholas, nagre-record siya ng isang entertainment show.Gumawa siya ng lahat ng uri ng kalokohang pose sa harap ng camera. Bukod sa mapagpanggap na hiyawan, wala na siyang ibang magawa. Hindi man lang niya kabisado ang script.Kumunot ang noo ng mga direktor at walang magawang tumingin sa isa't isa.“Iyon lang sa ngayon!” Sa wakas, hindi na kinaya ng isa sa kanila at hiniling na putulin ang recording. Mabilis siyang pinuntahan ng kanyang ahente para pulbusin ang kanyang mukha.Gayunpaman, nang muling naglalagay siya ng kanyang kolorete, isang puwersa ang humila sa kanya. Isang marka mula sa lipstick ang kinaladkad sa kanyang mukha."Ano ito?" Nagpanic siya. "Sino ka? Anong ginagawa mo!?"Magulo ang eksena.Walang ekspresyon ang ilang lalaking nakaitim. Hinawakan nila si Mona sa magkabilang gilid at kinaladkad palabas."Ah, tulungan mo ako—" Napasi
Inihagis si Mona sa isang madilim at malamig na silid.Gumagapang siya sa buong sahig nang bigla niyang hinawakan ang isang leather na sapatos. Natakot siya sa ginaw, at napasigaw siya.Nakabukas ang ilaw sa kwarto. Ito ay nanlilisik na maliwanag.Noon lang niya nakita ang nasa paligid niya.Umupo si Nicholas sa gitna. Pinalibutan siya ng walang ekspresyon niyang maskuladong mga kababata.Samantala, si Nicholas ay parang Diablo na lumabas sa impiyerno. Nakakatakot ang layunin ng pagpatay sa kanyang mga mata kaya walang nangahas na tumingin sa kanya ng diretso.Natulala si Mona. Hindi siya makapagsalita.Naglalaro siya ng punyal sa kamay habang nagpapakita ng tusong ngisi sa gilid ng labi. "MS. Adams, sa palagay ko ay hindi mo narinig... Ang aking asawa ay nalaglag!"Nanginginig si Mona, namumutla ang mukha.“Ano ba talaga ang nangyari noong gabing iyon? Hindi mo ba sasabihin sa akin ang totoo?""Mr. Thompson, ano…”Nauutal siya. Wala siyang masabi.Inabot ni Nicholas ang pu