“Dahil hindi pa kayo pamilyar sa isa’t isa, ipapakilala ko ulit kayong lahat,” Tumawa si Zephyr. “Sikat si Attorney Constable sa Centrolis at Jangasas. Naniningil siya sa bawat segundo.”“Habang si Mr. Bayer…” Tumingin siya kay Cordelia. “Alam mo na ang lahat ng tungkol sa kanya, at nangyari pa ang car accident. Mukhang hindi ko na siya kailangan ipakilala.”Nagbago ang ekspresyon. Sinabi niya ng inosente, “Bakit hindi?! Ang mga bagay na nababalitaan mo sa internet ay hindi totoo! Hindi ako tulad ng inilalarawan nila!”“Cordelia, ipapakilala ko ulit ang sarili ko! Kahit na mukhang hindi ako malinis, tapat talag ako! Pati, dahil masyado akong gwapo, madalas ay naiinggit ang mga tao sa akin, lalo na si Mr. Hamerton—Aray!”Bago pa siya matapos, hinampas siya ni Fredric sa ulo, at tumingin ng naiirita si Zephyr sa kanya.Masama ang loob niya. Hay, mukhang naging krimen na masyadong gwapo siya. Inaapi siya dahil lang gwapo siya!…Dumiretso si Nelly sa bahay ni Yale, hindi niya pinap
Sa huli, walang laban si Yelena kay Nelly. Puno ng kalmot ang mukha niya.Sa sandaling ito, sumenyas si Yale na paghiwalayin ang dalawa. Pinalabas nila si Yelena.Pilit siyang kumakawala habang sumisigaw, “Sir, bakit hindi niyo ako tinutulungan?! Sir—”Hindi nagtagal, nawala na ang boses sa bahay ni Yale.Nagalit si Nelly. Pagkatapos kunin ang tuwalya mula sa maid, mula sa sulok ng kanyang mga mata, tumingin siya ng masama kay Yale, na siyang nakaupo sa sofa.“Patay ka ba?!” Nagalit ulit siya. “Pinanood mo lang ang babaeng yun na saktan ako?”Ngumisi si Yale. “Ms. Tanner, marunong kang lumaban, kaya bakit hindi ka nagpakita ng awa sa kanya?!”“Yale!”“Okay, wag kang magalit!” May inutusan si Yale na maglabas ng tsaa. “Inumin mo ito at huminahon ka.”Umirap si Nelly kay Yale. Nanatili siya sa lugar.Pumunta siya ngayon dito para humingi ng paliwanag mula kay Yale.Laging sinasabi ni Yale na kaya niyang patayin si Cordelia para kay Nelly para bumalik si Zephyr. Matagal na ang
Noong umalis si Cordelia ng trabaho at bumalik siya sa bahay, nakita niya na naglalaro si Zephyr ng mga baraha kasama ang nanay niya.Ang laro na ito ay kakaiba, at komplikado ang mga rules. Tinetesting nito ang lohikal na pag iisip at pasensya ng isang tao. Tinuro ito sa kanya ng nanay niya noong bata pa siya, ngunit hindi niya ito natutunan. Simula noon, hindi na naglalaro ang nanay niya nito kahit kailan.Hindi niya inaasahan na nagkakasiyahan sila.Tumunog ang tawanan sa sala. Matalino si Zephyr para matalo sa bawat round ng hindi halata. Pinahirapan niya muna si Xyla bago niya ito hinayaan na manalo.Tuwang tuwa si Xyla. Habang tumatagal, mas nagugustuhan niya ang manugang niya.Nang matapos na ang round at ibabalasa na ni Zephyr ang mga baraha, biglang napansin niya na nakatayo si Cordelia sa hindi nalalayo. Agad siyang tumayo at tumawa siya. “Nakabalik ka na?”“Uy, maaga kang umuwi sa trabaho?” Ngumiti si Xyla habang bumubunot ng baraha. “Buong hapon kaming naglalaro ni Ze
Nabigla si Zephyr. “Ano ang sinabi mo?”“Tutulungan mo ba ako?”‘Syempre naman!’ Sumigaw si Zephyr sa loob niya.Gayunpaman, nanatili siyang kalmado. Umubo siya at sinabi niya ng may malalim na boses, “Bakit mo ito tinatanong sa akin ng biglaan?”“Dahil…” Huminto si Cordelia. “Maliban sa sariling pagsisikap ko, kailangan kong gamitin ang lahat ng resources na meron ako para may makamit ako, hindi ba?”Medyo nabigla si Zephyr.Ito rin ang sabi ng lecturer niya sa kanya sa unang class ng business school. Ang tamang oras, tamang lugar, at tamang mga tao ang magiging basehan ng tagumpay ng isang tao.Tumingin si Cordelia kay Zephyr gamit ang malaking mga mata niya at ngumiti siya. “Sinusubukan kong magbigay ng interview sa best actor! Base sa katayuan ko, nangangamba ako na kahit ang assistant niya ay tingnan ako ng mababa. Talagang isa itong mission impossible. Ang lahat ay naghihintay para pagtawanan ako.“Pero, may kasama akong makapangyarihan na superman…”Nag unat si Cordelia
Ngumiti si Zephyr at sasagot na sana siya nang biglang bumalik si Zennie at sinabi nito sa kanya ng mahina, “Wag kang masyadong mastress kapag dumating ka sa mesa.”“Bakit?”“Kasi…” Si Zennie ay para bang naghihintay ng magandang palabas. “Baka wala kang masabi!”Huminto siya at naglakad ng mabilis siya patungo sa mesa.Tama naman si Zennie…Istrikto ang ngiti ni Liam habang umupo siya sa main seat ng main chair habang nakatingin siya sa lahat.Para naman sa upuan na dapat ay kay Zephyr, si Nelly ay nakaupo sa tabi nito!“Zephyr, bakit nakatayo ka dyan?” Ang sabi ni Liam, “Umupo ka.”Madilim ang ekspresyon ni Zephyr habang naglakad siya patungo kay Nelly habang nakahigpit ang kamao niya.Ang katulong ay mabait na hinila ang upuan upang makaupo si Zephyr.Ang lahat ay nakatingin kay Zephyr.Ang relasyon niya kay Cordelia ay kumalat na sa kumpanya. Alam ng bawat Hamerton na may nakilala siyang isang babae noong nagpapagaling siya sa Jangasas. Lahat sila ay alam na nakipagtalo
Naging awkward ang dinner.Ang lahat ay tumitig sa pagkain na nasa harap nila, ngunit walang kumibo. Ang lahat sila ay may ibang motibo at hinihintay nila ang palabas.Tulad ng inaasahan, sumimangot si Liam at tumingin siya ng matalas kay Matthew.Ngumisi si Zephyr.Pagdating sa pag unawa ng lolo niya, walang kahit sino sa mga Hamerton ang makakakumpara sa kanya.Ang pinaka ayaw ni Liam sa lahat ay ang maging masyadong malapit sa ibang pamilya. Minsang ginamit ni Matthew ang punto na ito para atakihin si Zephyr, sinabi niya na naging malapit si Zephyr sa pamilya ng lolo ng nanay nito upang sumama ang loob ni Liam.Tumingin si Zephyr kay Matthew ng may makahulugang ngiti.Ang sinabi niya ngayong gabi ay ang kapalit ng ginawa ni Matthew sa kanya noon.“Z-Zephyr Hamerton!” Ang sigaw ni Matthew, “A-Anong ka-kalokohan ang sinasabi mo sa harap ng maraming tao?!”“Dad, wag kayong maniwala sa kanya. Ang batang ito… Hah, masama lang siguro ang loob niya at ginagamit niya ako para ilaba
Hindi mapigilan ni Nelly na manginig nang makita niya ang matalas na mga mata ni Zephyr.“Z-Zephyr…” Tumawa ng peke si Nelly. “Nag aalala lang ako. Mukhang nagmamadali ka…”“Maliit na bagay lang ito,” Ang malamig na sagot ni Zephyr. “Wala itong kinalaman sayo.”“Nakakairita ba talaga ako para sayo?” Kinagat ni Nelly ang mga labi niya. “Ang Tanner Group at ang Hamerton Group ay may maraming business dealing. Tayo ay—”“Hindi mo kailangan mag aalala tungkol dito. Hinihinwalay ko ang trabaho at personal na buhay.” Ang tono niya ay malamig. “Magkita tayo sa opisina kung may gusto kang sabihin tungkol sa trabaho.”Akala ni Nelly ay hindi na malamig si Zephyr sa kanya at pumayag siya ng masaya, “Mm!”Dinala na ni Robert ang kotse palapit.Papasok na sana si Zephyr nang mapagtanto niya na nakasunod si Nelly sa kanya. Kumunot ang noo niya at tumingin siya kay Nelly ng may blankong mukha. “Ms. Tanner, sinabi ko na sayo na hilay sa akin ang trabaho at personal na buhay.”Napahinto si Ne
Tumingin si Zephyr sa number. Ito ay mula sa University of Centrolis, ngunit ito ay nagsisimula sa 02. Kung tama ang pagkakaalala niya, ito ay ang hotline ng board of trustees ng university.1/3 ng university board ay ang mga tao na may kinalaman sa mga Tanner.Kumibot ang mga labi ni Zephyr habang may napagtanto siya.“Anong problema?” Nag aalala na tumingin si Cordelia kay Zephyr. “May problema ba sa number?”“Ayos lang. Sandali lang.”Pumunta sa balkonahe si Zephyr.Tumingin si Cordelia sa likod ni Zephyr mula sa sala. Ang lalaki ay tumawag ng maraming beses at mahina ang boses nito. Mabilis itong nagsalita ng mahinahon.‘Ito siguro ang ginagawa ng isang hari…’Napatingin si Cordelia sa baba, namumula ang mga pisngi niya.“Mahinang tinanong ni Carter, “Ate, sa tingin mo ba may paraan talaga si Zephyr?”“Mm, sa tingin ko.” Ang boses ni Cordelia ay mahina.“Ah…” Tumango si Carter at bigla siyang nagbuntong hininga. “Ate, masaya talaga ako at ang hipag ko ay si Zephyr Hamert
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala