Tulad ng inaasahan, hindi pinirmahan ni William ang share return documents. Sa halip, nilagay niya ito sa tabi.Kasunod nito, tumingin siya kay Cordelia ng may komplikadong emosyon sa kanyang mga mata.Walang alam si Cordelia. Wala siyang ideya kung ano ang susunod na sasabihin o gagawin ni William.Tumahimik ang buong opisina. Lumingon lang si William ng paminsan minsan, tinanong niya ng namamaos na boses. “Gusto mo ba talaga putulin ang koneksyon mo sa akin?”Tinikom niya ang mga labi niya at wala siyang sinabi.“Nakalabas na ba ng hospital ang nanay mo?” Malalim ang tingin niya. “Sinabi niya ba ito sayo?”“Hindi,” Ang sagot ni Cordelia. “Nagkataon lang na nalaman ko na hindi tayo magkadugo.”“Kaya binabalik ko ang mga ito sa inyo…”Pinagpapawisan ang mga palad ni William. Palihim na nakita ni Cordelia ang ekspresyon niya.Umupo ng diretso si William at tinanong niya. “Bakit mo ito ginagawa?”“Ito ay dahil hindi ako isang Jenner,” Ang sagot ni Cordelia. “Hindi ito nararapat
Sumikip ang puso ni Cordelia nang marinig niya ang malakas na tunog. Lumingon siya at nagkataon na nakita niya ang malamig na titig ni William, may maliit na ngiti sa mga labi ni Cordelia.Pagkatapos lumabas ng opisina, hinila siya ni Yelena mula sa likod bago siya lumabas ng gusali.“Sandali lang!”Lumingon si Cordelia, at ang sampal ni Yelena ay papunta sa mukha niya!Mabuti na lang at handa siya. Umiwas siya ng mabilis, at hindi tumama si Yelena. Nang subukan ulit ni Yelena na sampalin siya, hinawakan ni Cordelia ang braso ni Yelena!Malupit ang titig ni Yelena, ngunit ayaw sumuko ni Cordelia.Ang share return documents ay nagkalat sa sahig. Ang blanko na parte ay ang lugar kung saan dapat pumirma si William.Sumigaw si Yelena na para bang nababaliw siya.Sa sandaling ito, komplikado ang nararamdaman ni Cordelia.Naisip niya ito mula sa ibang anggulo. Kung sila ni Carter ay may parehong tatay at magkaibang nanay, kinamumuhian niya si Carter simula pa noong bata sila, sinubu
“Okay, tama na!”Tinanggihan ito ng mahina ni Cordelia. Yumakap siya kay Zephyr.Ngumiti si Zephyr at hinalikan niya ang leeg ni Cordelia, pinigilan niya ang nagliliyab na pagnanasa na umaagos sa loob niya.Alam niya na isang conservative na babae si Cordelia. Hindi ito kayang gawin ni Cordelia sa kahit saan maliban sa bedroom nila.Mukhang kailangang sanayin muna ni Zephyr si Cordelia dito.“Ano ang iniisip mo, hubby?”Bumalik sa sarili si Zephyr. Ngumiti siya kay Cordelia pagkatapos dilaan ang tuyong mga labi nito.“Ayos na ba ang pakiramdam mo ngayon?”“Mm-hmm!”Sinabi niya, “Wifey, ano ang gagawin mo tungkol sa shares?”Kinagat ni Cordelia ang labi niya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya kay Zephyr.“Walang halaga ang shares.” Pinaglaruan ni Zephyr ang buhok ni Cordelia. “Kunin mo ito kung gusto mo. Wag mo itong kunin kung ayaw mo. Hindi mo kailangan mahirapan tungkol dito.”“Walang halaga yun?” Tumawa ng malakas si Cordelia. “Nagsasalita ka na parang mayaman
“Ang paghalo ng savings at ang return mula sa investment…” Nakita ang pananabik sa sulok ng mga mata ng babae. “Hubby, hulaan mo kung gaano kalaki ang meron na tayo ngayon?!”Umiling si Zephyr habang tumatawa.Binulong ni Cordelia ang number at hindi niya mapigilan na ngumiti.“Hubby, pwede na akong bumili ng kotse para sayo!”“Ano?” Ibinaba ni Zephyr ang kutsara at tinidor at tumingin siya kay Cordelia ng nalilito.“Bibili ako ng kotse para sayo!” Inulit ni Cordelia. “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na gusto ko kumuha ng kotse para sayo para hindi mo na kailangan sumakay ng public transportation? Kaya nga lang, kulang ang savings ko noon.”Guminhawa ang pakiramdam ni Zephyr.Mukhang ang salary niya ay nadoble nang mapromote siya sa sales supervisor sa dating kumpanya.Sinabi niya na kukuha siya ng mortgage para bumili ng isang bahay, at pagkatapos ay kukuha siya ng kotse para maging madali ang paglalakbay ni Zephyr.Mukhang hindi nakaramdam ng pagsisisi si Cordelia sa paggastos
Ito ay isang ordinaryong sedan—maliit ang engine capacity, tipid sa gas, hindi malaki, at hindi lalampas ng $15,000.Kahit ang mga katulong ng mga Hamerton ay nagmamaneho ng ganitong klaseng kotse, ngunit nagustuhan ito ni Zephyr. Ito ay dahil kuminang ang mga mata ni Cordelia nang makita niya ang kotse, at gusto ni Zephyr ang kinang sa mga mata ni Cordelia.“Honey, ano sa tingin mo?” Hinawakan ni Cordelia ang braso ni Zephyr.Ngumiti si Zephyr. “Basta’t gusto mo ito.”“Gusto ko ito, pero para sayo ito. Dapat ay gusto mo rin ito?”Alam ni Cordelia na gusto ng mga lalaki ang mga kotse. Ang mga kotse ay parang ang pangalawang asawa nila. Dapat siyang pumili ng isa na magugustuhan ni Zephyr.“Tumingin kami ni Linda ng marami at sa tingin namin ay ito ang pinakamaganda sa lahat ng aspeto. Gusto mo ba itong i-test drive, darling?”“Hindi na kailangan.” Tumingin si Zephyr kay Cordelia. “Ito ang kukunin namin. Gusto ko ito.”Ngumiti ng matamis si Cordelia at nag usap sila tungkol sa k
“Uh, hindi ko gustong pumunta. Pero pinilit ako ni Josiah!” Mabilis na naging inosente si Fredric.Tumingin ng madilim si Zephyr kay Josiah.“Hindi, Z, ako ay…”“Hindi mo lang gusto pumunta. Sinabi mo pa na gusto mong mag drive sa bagong kotse ni Z!”“Fredric!” Hindi kayang manalo ni Josiah sa argumento.Istriktong tinanong ni Zephyr, “Hindi ba’t sinabi ko sayo na wag kang tumambay dito? Paano kung nakita ka ni Cordelia?!”“Yun ay…”Malapit nang lumuha si Josiah habang sinusubukan ni Fredric na pigilan ang tawa niya.“Wag mo na siyang pansinin, Z. Hindi naman siya matalino simula pa noong bata siya. Wag ka nang magalit sa kanya!”Walang masabi si Josiah.“Oo nga pala, maganda ang bagong kotse mo!” Ngumiti si Fredric na parang isang tuso. “Si Cordelia ang pumili nito?”Sa oras na ito, doon lang nagpakita ng ngiti si Zephyr.Nagpatuloy si Fredric. “Maganda ang panlasa ni Cordelia. Z, ang mga kotse mo ay hindi praktikal dati. Ang specs at model ng kotse nito, at lalo na ang ku
“Pero…”Ang pangungusap ay lalabas na sa dila ni Zennie, ngunit hindi niya ito magawa. Nilunok niya lang ito.Maliban sa personal na pagpapaliwanag ng kapatid niya kay Cordelia, hindi pwedeng makialam ang iba.“Sige.” Ngumiti si Cordelia at piningot niya ang ilong ni Zennie. “Ano ba ang meron sayo ngayon? Ito ba ay dahil wala ka pang cookies?”Pinilit ni Zennie na ngumiti at kinuha niya ang cookies mula sa oven.Tumunog ang wind chime sa pinto tuwing may pumapasok na customer sa cafe.Nagsimula ulit ng busy na araw si Cordelia. Ang araw na ito ay parang isang normal na araw—ang suminag ang araw sa porch habang ang loob ay amoy kape. Ang mga customer ay nag uusap aat kumukuha ng litrato dito, nag iiwan ng magandang review bago sila umalis.Malapit na ang fall season ngayon, ngunit ang mga iris ay namumulaklak ng maganda.Puno ng kaligayahan si Cordelia. Habang pinanood ni Zennie ang ngiti ni Cordelia, umaasa siya na manatiling masaya ito.…Nagmamaneho ng mabagal si Zephyr sa
Kumunot ang noo ni Zephyr at hindi niya alam kung ano ang iisipin niya.Lumaki si Zennie na nakatago sa mundo at isa siyang mabait na babae simula pa noong bata siya. Gayunpaman, mas madali para sa mga babae na ganito na makaharap ang mga taong may ibang motibo.Huminga ng malalim si Zephyr at sumakit ang ulo niya. Matagal siyang nanatiling tahimik bago siya nagmaneho pabalik.…Maraming araw na naghihintay si Oliver sa labas ng private club sa Centrolis. Araw araw niyang gustong makita si Matthew, nakatayo siya mula 7:00 a.m. hanggang 8 p.m., ngunit ang mga bodyguard sa labas ay walang emosyon kahit na anong gawin niya.Nainis si Matthew na marinig ang pangalan ni Oliver, paano pa ang makita ito.Nang maging desperado na si Oliver, lumabas ang butler para sabihan siya, “Mr. Jones, iniimbitahan kayo ni Mr. Yale.”Tumayo ng diretso si Oliver at agad siyang nagmadali.May malaking bakal na cage sa backyard ng club. Bago pa lumapit si Oliver, ang hangin ang amoy ng nabubulok na b
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala