Tumama ang mga sinabi ni Melissa sa maigsing pisi sa puso ni Linda. Noon, baka sinugod na niya siya, sinakal, at sinampal. O baka uutusan niya si Ian kagaya ng kung paano niya hinarap si Mollie. Hahayaan niya siyang maging brutal hanggang sa makakaya niya. Pero hindi na niya ito kayang gawin kahit kailan. Huminga siya nang malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili niya at pigilan ang panginginig niya. Pagkatapos ay kalmado siyang tumingin kay Melissa. “Wag mong sabihin yan.” Malumanay ang boses ni Linda. “Ikaw ang nanay niya nang dalawampung taon. May karapatan kang tawaging nanay niya.”Nagulat si Melissa at kaagad na tumulo ang mga luha sa mukha niya. “Pero ninakaw ko ang dalawampung taong iyon…”Sa sandaling sinabi niya iyon, para bang may mabigat na batong dumurog sa mga puso nila nang sabay. Halos hindi nakahinga si Linda at desperadong sinubukang hindi umiyak. Sa wakas, bumitaw na si Melissa. Pagkatapos ng dalawampung taon, kaya na niyang harapin ang katotohanan.
“Salamat sa pagmamahal mo sa anak ko, salamat sa… pagligtas mo sa buhay niya.”Tumingin si Melissa kay Linda. Puno ng gulat ang ekspresyon niya. Bago siya nakapagsalita, bigla siyang nakaramdam ng matinding sakit na dumaloy sa katawan niya. Napayuko siya, namutla ang mukha niya, at tumulo ang pawis sa mukha niya. -Pinapasok ni Lina si Abigail sa opisina niya. Samantala, nasa drafting room si Renee at nakikipagtulungan sa mga katrabaho nila sa design research. Para tiyakin ang privacy ng artista, sinara ni Lina ang pinto at mabilis na hinila ang mga blinds. Kumuha pa siya ng kape at tiniyak na walang papasok o mang-iistorbo sa kanila. Nakaramdam ng pagsisisi si Abigail sa pagiging maasikaso ni Lina. Tinanggal ni Abigail ang sunglasses niya, ipinakita ang magagandang mata niya, at sinserong ngumiti. “Alam kong pambihira ka sa sandaling nakita kita sa baba!” Sigaw ni Lina na nakaupo sa harapan niya at nakangiti na parang tagahanga. “May mga artistang nagpunta rito para sa inter
Marahang bumunot ng pen si Abigail mula sa bag niya at natulala habang hawak niya ito. Ilang beses muna siyang kailangang tawagin ng assistant niya para mahimasmasan siya nang dumating sila sa pupuntahan nila. Lumabas si Jackie mula sa recording studio, kusang binuksan ang pinto, at binati si Abigail nang may masiglang ngiti. “Mataas ang ratings ng reality show na'to. Magandang pagkakataon ito para sa comeback mo! Kunin natin to, darling. Pumunta ka sa makeup team at tignan mo ang script. Susundan natin ang sasabihin ng direktor, okay?”“Kinausap ko na ang team, sinabihan ko silang wag mag-edit ng eksena nang basta-basta.”Bumalik ang masungit na mukha ni Abigail at initsa niya ang sunglasses niya na lumapag naman sa kamay ng assistant niya. “Tara na, darling!” Handang sumakay si Jackie sa kahit na anong gusto ni Abigail. “Wag kang mag-alala. Nakausap ko na sila. Kapag may ginawa silang mali, pwede natin silang kasuhan! Pero may isang bagay lang…”“Ano yun?”“Pwede ka bang ng
Umuwi si Linda nang may mabigat na puso. Samantala, umalingawngaw ang mga tawanan at kwentuhan mula sa sala na nakakuha ng atensyon niya bago siya pumasok. Tumayo siya sa pintuan at nagmasid sandali. Nakauwi na ang mga bata. Nagbatuhan ng mga plato sina Zuko at Toph mula sa kusina na nagdala ng pag-aalala kina Tita Evelyn at sa mga katulong na hindi sila kayang pigilan. Tumingin si Linda sa kusina at nakita niyang ang kalat-kalat dito. Malinaw na may matinding labanang nangyari rito. Mukhang napakasigla nina Lina at Renee. Puno ang mesa ng mga luto ng magkapatid, pero hindi ito mukhang masarap. Nagpumilit ang magkapatid na ipaliwanag ang mga sarili nila. “Kahit na hindi ito mukhang masarap, masarap ang lasa nito, pangako!”Natawa nang malakas si Linda habang nakatayo sa pintuan. “Kung ganun, walang tapang ang mga tagapagmanang guluhin ang kusina sa bahay niyo dahil sa istriktong nanay niyo, kaya sa halip ay nagpunta kayo rito?” Sabay-sabay na napahinto ang apat na bata s
Ngumiti si Lina at nagsabing, “Makikipagkita ako kay Abigail.”Napalingon si Toph kay Zuko. Kumunot ang noo ni Zuko at tinanong si Lina, “Bakit ka nakatingin sa'kin?”Ngumisi si Toph at nagtanong, “Bakit ang laki ng reaksyon mo?”Palihim na sinundot nang malakas ng daliri ni Zuko ang kilikili no Toph. Sumigaw si Toph at mabilis na umupo sa pagitan nina Lina at Renee. Umubo si Zuko. Lumapit siya kay Lina, hinawakan ang mga kamay niya, at marahang nagtanong, “Bakit ka makikipagkita sa kanya?”Sagot ni Lina, “Usapang babae ito. Bakit ba ang usyusero mo?”Nabigla si Zuko at wala siyang nasabi. Sumimangot si Lina at nagsabing, “Gusto ko siyang kausapin tungkol sa ambassadorship.”"Ambassadorship?"“Oo, kailangan ng film studio project ng isang ambassador,” paliwanag ni Lina. Pinagpawisan ang tungki ng ilong ni Zuko. “Di ba marami namang artistang pwedeng kausapin tungkol dito?”“Pero wala sa kanila ang kasing galing ni Abigail,” sagot ni Lina. “Gusto mo siya? Siya na ta
Tumawa si Lina. Sa mga mata niya, mas parang isang bidang babae si Abigail kaysa isang ate. Napanood na ni Lina ang mga pelikula ni Abigail bago sila nagkita. Palagi siyang gumaganap na isang matapang at makapangyarihang babae o isang mabangis na bida. Inilarawan si Abigail ng marketing team niya bilang isang mahirap lapitan at tahimik na tao. Gayunpaman, nang nagkita sila, nalaman ni Lina na naiiba si Abigail sa likod ng kamera. Mahilig makipagkwentuhan, ngumiti, kumain, at maglaro si Abigail. Inosente siya na parang isang bata. Kagaya ng pagkikita nila ngayon, naisip ni Lina na hilig ni Abigail na mapasama sa maraming tao. Handa siyang isuot ang armor niya sa mainit na panahon para magsaya kasama ng mga tao. Hindi nagtagal, dumating sila sa private beach ng mga Thompson. Iba ang ere roon kumpara sa kalsada—pumasok sila sa isang payapang mundo. Para bang may malinaw na salaming naghihiwalay sa dagat mula sa panlabas na mundo. Isang malumanay at preskong hangin ang hu
Pagkatapos ng isang sandali ng katahimikan, hinawakan ni Abigail ang mga kamay ni Lina nang may sinseridad at madiiing binanggit ang bawat isang salita. “Mahalin niyo ang isa't-isa… Maging masaya kayo habangbuhay!”Nabigla si Lina. Nakaramdam siya ng kakaibang ere sa paligid nila. Pero ganito ang hiling ng mabuting magkakaibigan para sa isa't-isa. Yumuko siya at ngumiti, sabay matapat na tumango. “Salamat.”Para bang nakahinga nang maluwag si Abigail at naging mas kalmado. “Tama na ang tungkol sa'kin!” Kuminang ang mapaglarong mga mata ni Lina. “Ikaw naman? Napakagaling mo, kaya sigurado akong maraming lalaki ang interesado sa'yo. Meron ka bang nagugustuhan?”“Ako…” Huminto si Abigail bago matapat na nagsabing. “Meron nga akong nagugustuhan.”Kuminang ang mga mata ni Lina. Ngunit narinig niyang nagpatuloy si Abigail. “Pero hindi niya alam, at hindi ko sinabi sa kanya.”“Bakit naman hindi?” tanong ni Lina. “Kasi… takot akong madismaya.”Natabunan ng mga alon ang mahinang
Sandaling walang nasabi si Zuko kaya pinuno niya ng tequila ang baso ni Jacob. Hindi siya magaling sa pagpapagaan ng loob ng tao at nahirapan siyang maunawaan ang pakiramdam ng hindi masuklian ang pag-ibig. Siguro dahil napakaayos ng relasyon niya kay Lina, naniwala siya sa payo ni Toph na magkusa at halikan ang taong gusto niya. Dahil ginawa niya ito mismo at sumagot si Lina, naisip ni Zuko na ganun dapat ang gagawin kapag umiibig. Tinapik ni Zuko ang balikat ni Jacob nang may seryosong ekspresyon. “Bakit di mo subukang… halikan muna siya?”Kakainom lang ni Jacob ng tequila at nasamid siya, sabay tumulo ang mga luha niya sa mukha niya sa matinding hapdi. Tinitigan niya si Zuko na para bang isa siyang halimaw. Kaya ba talaga ng kalmado at tahimik na tagapagmanang ito na magsabi nang ganito katinding bagay?“May nasabi ba akong mali?” Seryosong sabi ni Zuko. “Kung gusto mo siya, kailangan mo siyang halikan! Kung hindi, paano niya malalaman ang nararamdaman mo?”Naningkit ang mga
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala