Habang nagkakaedad siya, napapaisip na rin siyang lumagay sa tahimik. Oras na makita niya ang right woman niya, hindi siya magdadalawang-isip na pakasalan ito. Ito ang paulit-ulit na hinihingi sa kanya ng makulit niyang mama dahil solong anak lamang siya ng mga ito.
"Babe, I said... payakap!" Hagikgik ng babae lang ang narinig niya kaya kusa nang yumakap ang braso niya. "See? Mas nakakatulong ang yakap kapag ganitong malamig ang panahon. Ahm, M-Maria?" Nakasandig na sa dibdib niya ang babae at ang kamay niya, humahaplos ito nang kusa sa ulo ng babae.
"Y-yes?" puno ng siglang sagot nito. "Bakit, baby, may problema ba? Alam mo, mas gugustuhin pa kita kaysa sa ibang lalaki na nirereto sa'kin kaya mas pinili kong maging single muna dahil hindi ko pa natatagpuan ang tamang lalaki para sa'kin."
Napangisi siya pero sinupil na lang niya. "A-ako ba ang unang boyfriend mo?" Ang swerte pala niya kung ganun. "Huwag kang mag-alala dahil bukas, ako mismo ang maghahatid sa'yo sa bahay niyo. Gusto mo 'yon? Para makilala ko ang magulang mo."
Katahimikan.
Hindi niya alam kung tama itong pinagsasabi niya pero napakagaan ng loob niya sa dalaga. Kakaiba ang dating nito sa kanya sa kabila ng pagiging probinsyana nito. Mali man pero nae-enjoy niya ang presensiya nito na hindi niya mahanap sa iba.
Tikhim ni Maria ang biglang bumasag sa katahimikang iyon. "Naku, matutuwa sigurado si Nanay kapag dinala kita sa'min pero natatakot ako kasi unang beses kong magdala ng lalaki sa baryo namin."
Simpleng buhay lang ang meron sila noon pero sinuwerte lang sila kaya nasa subdivision na sila nakatira. "Hindi hadlang kung ano ka basta gusto kita, Maria." May kasamang haplos ito sa ulo ng dalaga nang sambitin niya iyon. "Hindi naman kami mayaman pero nagpursige ako kaya heto, very successful na. So, bibigyan mo ba 'ko ng pagkakataong maging tayo?"
"Benjamin, ang ibig s-sabihin nito, tayo na b-ba?" nautal na tanong ng dalaga. "P-parang ang bilis naman."
Sinupil niya ang ngisi kahit pa hindi siya nakikita ng babae. Kapag babae ang usapan, talagang lumalabas ang lahat ng kalambingan niya sa katawan. Isang prinsesa ang turing niya sa mga ito. Para sa kanya, ang mga babae ay dapat minamahal nang tunay at hindi sinasaktan. Iyon ang isang tunay na gentleman.
"D-Diyos ko, B-Benjamin, hindi ako makapaniwala. T-tayo na ba talaga?"
Napahalakhak siya nang malakas. "Yes, babe. Tayo na." Mabilis man ito pero napakagaan ng loob niya sa dalaga. "B-babe?" nautal niyang tawag dito nang magpakiramdaman lamang sila. "Single ako at naghahanap ng babaeng magdadala ng pangalan ko balang-araw."
Punong-puno ng pag-aalinlangan ang puso niya pero wala namang mawawala kung susubukan niyang maging sila. Ito ang request ng kanyang mama—ang mag-asawa na siya para maisalin sa kanya ng magulang ang pamana niyang pinakaaasam. Mukhang na-in love rin sa kanya ang dalaga. Kahit pa sa isip na lang niya nabubuo ang mukha nito, isang napakagandang prinsesa ang kanyang nakikinita. Ang importante, happy sila pareho sa bagong yugto ng buhay nila.
"B-Benjamin, hulog ka ng langit ngayong gabi." Sinundan ito ng malalim na paghinga ng dalaga at sunod-sunod na pagtikhim nito na animo'y may bumara sa lalamunan nito. "Ikaw ang katuparan sa pangarap kong makapag-asawa na. Dininig ni Lord ang panalangin ko. Ang tagal kong naghintay sa'yo at pareho nating pangarap 'to."
Napangiti siya pero walang salitang namutawi sa kanya.
"Sabi ko nga, kung hindi man ako palarin sa lalaki, ok na ang bungi o kalbo basta makapag-asawa lang ako. Maganda naman ako."
Nang marinig ito, mas lalo siyang nabihag dito. "I believe you, Maria."
"Sexy naman a-ako," may bikig sa lalamunan na dugtong ng dalaga. "Pero b-bakit walang nagkakagustong guwapo?"
This time, tumikhim na siya, "Dahil ako ang nakatadhana sa'yo," anas niya sa punong tainga ng babae. Ubod lawak siyang ngumiti dahil sa hatid nitong saya sa gitna ng panganib na dala ng bagyong ito. "Kung ganun, may tiwala ka ba sa'kin kung maging tayo na?" Grabe! Ito ang unang beses na nakipag-date siya sa dilim pero ayos lang. Sadya nga yata silang pinagtagpo ng tadhana at labis niya itong ikinasiya. Nang mahawakan niya ang babae, hindi niya napigil ang pagkomento. "Baby, ano ba 'tong nahawakan ko?"
"Ay!" Napahalakhak ang dalaga. "Ano, braso ko 'yan. Ano bang ginagawa mo? Kung sa'n-s'an na napupunta ang kamay mo. Ay, Bentot, este my baby, nakikiliti ako."
Agad niyang kinapa ang babae at niyakap ito. "Sorry, babe. Ang dilim, eh." Kailangan niyang maging maginoo dahil siya ang unang lalaki sa buhay nito. "Maria?"
Katahimikan.
Na-trap sila sa maliit na kuweba kung sa'n sila nagtatago pansamantala pero mukhang mas na-trap siya nang yakapin siya ng babae bigla. Hindi siya makagalaw sa pwesto niya. Bakit mukhang ang laki ng katawan nito o baka guni-guni lang niya? Masyado siyang judgemental.
"Benjamin," malumanay na tawag ng babae. "Oo, nobya mo na ako. Bukas, sasama na'ko sa'yo pabalik ng Manila, ok?"
Hindi niya nakuha ang ibig sabihin nito pero nang rumehistro ito sa utak niya, napuno ng galak ang puso niya. "S-sigurado k-ka?" may pag-aalinlangang tanong niya bago siya nakaramdam ng ginhawa nang matanggal nito ang braso sa katawan niya. "Hindi ka magsisisi dahil whole package na ako oras na masilayan mo ang kaguwapuhan ko bukas ng umaga. Aalis tayo rito bukas pabalik ng Manila."
Siguradong magugulat ang kanyang mama kung may itatanan siyang babae. Nasa tamang edad na siya at kailangan niya rin si Maria para maisalin sa kanya ang ibang ari-arian ng kanyang papa kapag nag-asawa siya.
"Talaga, my Benjamin?" May kilig sa boses ng dalaga nang itanong iyon. "G-ganito pala ang may boyfriend? Istrikto pa naman si Nanay pero hindi mo naman ako pababayaan, 'di ba?"
"Oo naman," pampalubag-loob niya. "Hindi kita iiwan, my Maria."
Sa totoo lang, hindi niya alam kung tama itong pakikipagrelasyon niya pero nang maisip ang ina, siguradong matutuwa ang mama niya. Kailangan niyang maipakilala ang babae sa ina bago pa man mapunta sa charity works ang lahat ng yaman nila.
"Maria, final na 'to, ha?" Agad niyang inakbayan ang babae na ikinatahimik nito. "Don't worry, ok? H-hindi kita pababayaan pagkatapos nito at siguradong magugustuhan ako ng pamilya mo." Nang hindi sumagot ang babae, muli siyang nagtanong. "Maria, may tiwala ka ba sa'kin?"
Tumikhim ang babae, "Oo, my Benjamin. Ramdam kong ikaw na talaga ang lalaking hinihintay ko."
May pag-aatubili man mula sa babae, winalang-bahala na lamang niya ito. Iniyakap niya ang mga braso para mawala ang panginginig niya. Sa totoo lang, ang lahat ng naghahabol sa kanya, dinadaan na lang niya sa pera kapag nakikipag-break siya. Walang gulo dahil kalimitang materialistic naman ang napupusuan niya but this time, isang probinsyana naman kaya for sure, wala siyang magiging problema rito. Ramdam niyang ibang-iba si Maria at pwede na itong iharap sa kanyang magulang. Kailangan niyang maghanap ng babae para maisalin sa kanya ang pamana ng boss ng kanyang ama. Weird man pero ito ang gusto ng kanyang papa.
"Sabi mo sexy ka?" may pag-aalinlangang tanong niya bigla. Bakit mukhang malapad ang pangangatawan nito nang gantihan niya ang yakap nito? "M-Maria?"
"Oo, sexy ako." Mabilis nitong saad sa kanya. "Mabait pa at maalaga kaya hindi ka magsisisi na ako ang naging nobya mo."
"S-sure, Maria. I love that and I believe you, my love."
"Oo!" buong tatag na saad ng dalaga. "Isa akong Diyosa, my Benjamin."
Habang lumalalim ang gabi, muli na namang nagsungit ang panahon. Nagsimula nang umulan at ang panaka-nakang salitan ng kulog at kidlat. Nakaramdam na sila ng gutom sa magdamag na paghagupit ng bagyo na dinagdagan pa ng lamig dahil sa lakas ng hangin sa labas. Mas piniling yakapin na lang ng binata ang dalaga para mawala ang panginginig nila pareho. Nakaramdam siya ng takot sa mga tunog na naririnig niya sa labas.
"Maria, wala bang m-multo rito?" anas niya habang yakap ito. "Deserted ang lugar na ito at mukhang nakakatakot."
"A-ano 'yon?" litong tanong nito. "Nandito lang ako at kaya kitang protektahan pero bakit ganito? Nanliliit ako dahil mukhang mataas ang pinag-aralan mo hindi kagaya ko na—"
"Stop, please!" Nang makapa ang ulo ng babae, agad niya itong kinintalan ng halik sa noo. "Don't worry, Maria, simple rin ako kagaya mo."
Napahikbi na naman ang dalaga nang marinig ito mula sa kanya, "Salamat, Benjamin. Wala akong alinlangan sa'yo basta mangako ka, hindi mo'ko iiwan, ha?"
"Oo naman." Kasimbilis ng kidlat sa labas ang sagot niya kahit puno ng alinlangan ang puso niya pero kung para sa mama niyang panay ang apura, baka nga mag-asawa na siya. "Basta 'wag ka nang mag-drama at panay iyak, ok? Ang sakit sa heart, eh. Ayokong umiiyak ang baby ko."
Yakap ang sinagot ng babae sa kanya kaya napangiti siya. Bakit pakiramdam niya, parang ang lapad nito? Ang bigat ng paa nitong nakadantay sa kanya kung paa ba ito, ay parang kasing bigat ng medium size na barbel na ginagamit niya sa gym.
"Benjamin, ang saya ko!" naiiyak na saad nito habang nakayakap sa kanya. "May nobyo na'ko sa wakas. Hindi na'ko tutuksuhin ng mga ka-baryo ko."
"Oo, Maria."
Napangiti siya dahil akala niya, wala siyang pag-asa lalo't madilim at wala silang makita. Hindi siya mapagsamantala kaya may respeto siya rito. Panaka-naka lamang ang paghalik niya sa pisngi ng dalaga na hinahayaan lamang nito. Naisip niya ang kanyang mama, baka nag-aalala na ito sa kanya. Kahit 25 years old na siya, isa siyang dakilang mama's boy. Nakakatakot ang kidlat sa labas kaya napahigpit ang yakap niya sa dalaga. Tago ang kinaroroonan nila kaya tuwing kumikidlat, hindi pa rin niya makita ang pagmumukha nila.
"Maria, hindi ka ba natatakot?" anas niya rito.
"Hindi, bakit?" balik-tanong nito sa kanya, "B-bakit, my Benjamin, may nararamdaman ka bang kakaiba? Kulog at kidlat lang 'yan kaya 'wag kang matakot."
"Sure, Maria, ang swerte ko pala sa'yo."
Yumakap pa lalo ang dalaga sa kanya, "Sobra, Benjamin. Ikaw ang lalaking pinakaswerte sa balat ng lupa."
Nasa tabi niya lang ang dalaga na nagbibigay ng kapanatagan ng loob niya sa kabila ng hagupit ng bagyong kinatatakutan niya. "Huwag kang mag-alala dahil bukas ng umaga, mag-uusap tayo sa relasyon natin." Nagtagpo ang labi nila nang hindi sinasadya pero mabilis lamang niya itong ginawa."Huwag mo'kong lolokohin, ha, Benjamin?" Napasinok pa ang dalaga at lalong humigpit ang yakap nito sa kanya. Nalasahan niya ang luha nito sa pisngi nang bigla niya itong kintalan ng halik kaya pinilit niya itong pakalmahin ang sarili. "Maria," inis niyang sita. "I told you, 'wag ka mag-isip ng hindi maganda. Magiging ok din ang lahat. Wait nating humupa ang bagyo at bukas, ime-meet ko ang parents mo. Happy?" "Happy?" ulit ng dalaga. "N-natatakot lang ako, baby, kasi kapag niloko mo'ko, baka—ano." Napabuntong-hininga ang dalaga, "Baka kulamin ka ni Nanay pero wala pa naman siyang napapatay sa kulam niya kasi parang hindi naman umeepekto sa taong kinukulam niya. Hay!" Malakas na halakhak niya ang puma
Ilang sandali pa, mga kalalakihan na ang may hawak sa kanya. Mas lalo nang dumami ang mga taong nag-uusyuso sa kanila. Giniya siya ng mga ito papunta sa dalampasigan. "Ito ba ang ayaw managot kay Maria?" sigaw ng isang lalaking kakababa lamang sa isang bangka. "Sandali!" hiyaw ni Maria. "Wala kaming ginagawang masama kaya 'wag niyong sasaktan ang baby ko." "Hindi mo ba narinig, Maria, na hindi ka pananagutan ng lalaking ito?" sabat ng isang babae sabay kurot sa tagiliran niya. "Hindi pa siya sigurado sa'yo kaya kailangan natin siyang dalhin sa baryo." "Ano, Benjamin ko?" Naluluhang tumingin sa kanya ang dalaga. "Sabihin mo sa kanila na hindi totoo 'yan. Ngayon pang nakita na kita? Ikaw ang katuparan sa lahat ng hiling ko sa taas. Ikaw, Benjamin! Makinig kayo, may usapan na kami ng mahal ko na magpapaalam sa magulang ko para makaluwas na'ko ng Maynila." Napamulagat siya sa narinig. Nakakatulig ang katahimikan ng mga taong biglang tumahimik pero ang mga titig ng mga ito, kakaiba. M
Habang nagkakagulo ang lahat sa preparasyon ng kasal kuno nila ng matabang babae, malikot naman ang kanyang mga mata sa pagtingin sa mga taong nakakasalamuha hanggang humantong ito sa isang lalaking bukod-tangi ang suot sa lahat. Nakasuot lamang ito ng t-shirt at short. Hindi niya maintindihan ang kasuotan ng mga taong nakapaligid sa kanya. Para lang itong malong na may disenyo at itinapis sa katawan ng mga ito at ang mga lalaki naman, sa beywang naman ng mga ito nakabalabal ang suot. Nang magtama ang paningin nila ng lalaking nakasuot lamang ng short at green t-shirt, halos magmakaawa ang expression ng mukha niya. Sana ma-feel nito kung gaano niya ka-need ang tulong nito. Kahit pa against sa loob niya ang pagpapakasal, nangako siyang papanagutan niya si Maria para sa ikakatahimik ng lahat. Kailangan lamang niyang gumawa ng paraan na makaalis sa lugar na ito at kung magtagumpay siya mamaya, kakalimutan niyang naging tanga siya panandalian. "Ikaw lalaki, tinatanggap mo ba si Maria sa
Hindi niya lubos maisip na magiging ganito ang kapalaran niya; ang maikasal sa pinakagwapong lalaki. Mula pagkabata ba naman, ngayon lamang siya nakakita ng ganito kagwapo na nilalang. "Salamat, Benjamin ko, sa pagtanggap mo at pagbigay ng pangalan mo sa'kin." Hindi niya mabitaw-bitawan ang kamay ng lalaki dahil pakiramdam niya, handa itong agawin ng malalandi niyang kapitbahay na dalaga. "Akin ka lang..." Buong pusong anas niya nang pagharapin na sila ng pastor sa isa't isa."Sige!" yamot na saad ng pastor. "Oh, ano pang hinihintay mo, Maria?" May pagtataka sa mukha ng pastor nang 'di siya kumilos. "Pwede mo na siyang halikan. Ang bagal naman, oo."Nakita niya ang biglang pagtingin ng asawa sa pastor at ang panlalaki ng mata nito. Napadila siya at inikot ito sa buong bibig niya. Kahit man lang lipstick, hindi siya makabili kaya simpleng-simple lang ang mukha niya ngayon. Nakasuot siya ng malong mula balikat niya pababa ng sakong. May bulaklak na puti sa ulo niya at syempre ang nanay
"Yes... of course!" nanggigigil niyang anas sa mukha ng lalaki. "Kailangan ko ng tulong mo, n-ngayon na! Gustong-gusto ko nang makauwi. P-please, help m-me." Nagsalubong ang kilay ng kaharap niya at wari'y nayamot pa ito sa kanya. Nakalahad agad ang kamay nito habang nakatitig sa kanya. Nang taasan niya ito ng kilay, nakipagsukatan ito ng tingin sa kanya. "Pera." Mahinang saad nito habang nakalahad pa rin ang kamay. "Akin na muna ang bayad dahil nakakaistorbo ka. May nakita akong perlas na ginagawa nilang palamuti rito pero hindi ko alam kung ano'ng klase 'yon. Kailangan nating kilatisin—" "I'm not interested." Napataas ang boses niya pero muli niyang kinontrol ito para walang makarinig sa kanila. "Mayaman ako at kaya kong tapatan 'yang perlas na sinasabi mo." Nanggigigil na siya sa lalaking 'to dahil kanina pa siya nakikipagnegosasyon pero ayaw nitong maniwala na kaya niyang bayaran ito ng malaki. Napailing na siya nang gumalaw ang kamay nito para iabot niya ang kabayaran. "Look,
"D-dito?" Hindi siya makapaniwala nang hawakan niya ang isang bamboo stick, "N-nasa'n ang bangka mo?" Pigil ang pagtaas ng boses niya nang wala siyang makita sa paligid. Nakalublob na sila sa dagat at halos leeg na ang lalim kaya takang-taka siya. "Ang daming satsat, eh." Inis na pakli ni Pancho. Pagkasabi niyon, pwersahang nilubog nito ang ulo niya sa tubig. Sumenyas ang lalaking sundin ang ginagawa nito sa ilalim kaya wala siyang nagawa nang ilagay niya ang kapirasong bamboo stick sa bunganga at do'n pansamantalang huminga sa instruction na rin nito. Hindi niya makita ang taas sa rami ng sangang nagkalat. Nagkalat ang mga dahon at sanga ng punong naanod sa dagat na siguradong bagyo ang may kagagawan. Alam niyang wala siyang kakayahan na salagin ang anumang pinapagawa ng kasama dahil mas kabisado ng lalaki ang lugar na ito kaysa sa kanya. Naririnig pa niya kanina ang ingay ng mga taong naghahanap sa kanila pero naglaho na ito nang pumailalim na sila ng tubig. Halos pagkapusan siya
"I will wholeheartedly marry you to save my life, woman!" He snorted when he got his chance to blame it on her. "You had no idea how much I hated this forced marriage kahit walang namagitan sa'tin kagabi." "Pero Benjamin—" Naiiyak man, abot hanggang langit naman ang pasasalamat ng dalaga sa pagpayag niyang maikasal sila. "Papakasalan kita dahil ikaw ang katuparan ng pangarap ko. Hulog ka ng langit kagabi. Hindi ka na makakawala kahit ano pang sabihin mo dahil ikaw—ikaw ang itinadhana para sa'kin." Sumabay ang pag-iyak ng babae sa kulog kaya nagulat siya at agad napabalikwas. Panaginip. Isang panaginip lang pala pero napakapangit na pangitain 'yon sa kasagsagan ng bagyo. Bagyo? Basang-basa pa rin siya sa pinagkukublian niyang iyon. Diyata't bumabagyo na naman sa labas? Nakaramdam siya ng lamig sa pinagtataguan. Agad niyang naalala ang kasama, "P-Pancho?" mahina lang nang una ang pagbigkas niya sa pangalan nito pero nang wala siyang marinig, agad siyang sumigaw. "Panchoo!" Nakakaini
Wala naman siyang kasalanan sa batas pero grabe ang ginagawa nilang pagtatago para hindi mahuli ng mga tumutugis sa kanila. Napapikit siya nang mariin at napakapit nang mahigpit sa isang sanga ng puno. Nakahinga siya nang maluwag nang marinig ang papalayong ingay ng mga ito."Kapit lang, boss. Parang si Maria lang 'yan, mahigpit ang kapit sa'yo." Tinanguan siya ng lalaki sabay ngiti nang nakakaloko. "Mag-uumaga na, baka iba na naman ang maghahanap sa'yo. Palitan sila."It was his second day. Bagot na bagot siya sa pagtatago niyang ito. Bakit siya pinipilit ng mga ito sa babaeng ayaw niya? Mamatay muna siya bago niya gawing legal na asawa ang babaeng iyon. Hindi ba alam ng mga tao na walang bisa ang kasal nila kaya bakit pa naghahabol ang mga ito? This is wrong and he can sue them anytime."Bumaba na tayo rito, Pancho."Puno ng balete ang inakyat nilang dalawa nang muling magkrus ang landas nila sa gubat. Papunta siya sa direksyong tinuro ni Pancho kanina pero nang malapit na siya, ila
Benjamin's POV Inis niyang tiningnan ang babae. Kitang-kita na ang umbok ng tiyan nito pero nagpapakipot pa rin ito. Ano bang problema nito? "Ilang buwan na lang, manganganak ka na, Maria, pero look at you, nag-aaral ka pa rin. Hindi ba pwedeng pagkatapos mong manganak saka ka bumalik sa school?" Kahit nakakapagod ang magpabalik-balik sa probinsya every week, tiniis niya ito para lang suyuin ang babae. "Kaya ko ang sarili ko," inis nitong sagot. "Gusto kong makapagtapos kahit pa buntis ako. Hindi mo'ko mapipigilan sa pangarap ko." "Pag-aaralin kita ng bachelor's degree after mong manganak." Isang short course ang kinuha ng babae sa bayan na under ng TESDA pero hindi niya ito ikinatuwa. Mas gusto niyang mag-focus muna ito sa baby nila at sa sarili nito para masiguro ang kaligtasan ng mag-ina niya. Sa bayan ito pansamantalang nakatira dahil sa kalagayan nito kasama ang mga magulang nito. Isang malaking apartment ang nirentahan niya para sa mga ito. Mabilis niyang nilabas ang bungko
Benjamin's POV Magdadalawang buwan na ang lumipas nang makabalik siya ng Manila. Updated naman siya ng mga tao niya sa proyektong naiwan sa isla. Umangat ang mukha niya nang tingnan ang kaharap. "I'm listening, Venice." Napangiti nang kimi ang babae nang salubungin nito ang tingin niya, "Gusto ko lang mag-sorry, Ben, at magpasalamat kaya ako nandito—at magpapaalam na rin syempre." Naluluha ito nang muling magsalita. "Sorry kasi pinilit kitang balikan ako kahit na niloko kita. Salamat kasi—tinulungan mo pa rin akong makapagsimula rito sa Manila." Napatango siya. Nagpapasalamat siyang nagiging maayos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa. "Sigurado ka na ba?" Tumango si Venice, "Oo, sapat na siguro ang dalawang buwan para makapag-isip ako nang maayos. Haharapin ko si Saeed para magkaro'n ng katahimikan ang isip ko. Pasensiya na." Nakatayo na ang babae nang hawakan niya ang kamay nito," I wish you all the best in life, Venice." Nang tumalikod ang babae at tuluyan nang naglaho sa lo
Benjamin's POV "Wala ka bang balak umuwi?" Tanong niya nang lapitan siya ulit ng babae. "Give me some time, Venice. My priority is not our relationship right now." Hindi niya maintindihan kung bakit na lang siya biglang nanlamig dito. Inamin na kasi nito ang lahat; ang pagkakaroon nito ng relasyon kay Saeed pero balak na itong bitawan ng babae. All this time, pinaniwala siya nitong single ito pero hindi na 'yon mahalaga sa ngayon. "I made it clear, right, Venice? I just want to ensure that there is no confusion between us. Hanggang dito na lang muna tayo. We're done, iyon ang gusto ko." "Yes," napabuntong-hiningang saad nito pero nagtangka itong yakapin siya na agad niyang pinigilan. "Nagkamali ako, Ben, I'm sorry at sadyang naguguluhan lang nang una dahil nga sa issue namin ni Denise pero sigurado na'ko na ikaw ang pipiliin ko. Yong pagsampal ko sa'yo kahapon, nabigla lang talaga ako."Napatingin siya sa paligid. May ilang katutubo ang nag-uusap at ang tatay ni Maria, kanina pa
Maria's POV Ang saya niya nang matapos ang pagpapa-DNA nina Jacob at ng mama ni Ben. Resulta na lang ang hihintayin nila para malaman kung talagang mag-ina ang dalawang ito. "If you think we're done, Maria, think again," anas ni Jacob nang mapadaan ito sa gawi niya. "Tinakbuhan mo'ko. Tinraydor mo'ko nang bawiin mo ang kasong inihabla mo kay Benjamin." Kumabog ang dibdib niya sa sinabi ng lalaki at para na siyang maiiyak nang tingnan ito, "J-Jacob, ayoko na ng gulo. B-baka nga kapatid mo pa si Ben, eh." Napatiim-bagang ang kaharap nang sabihin ito, "I don't think so." Saad nito. "Not that guy, I hate him." "J-Jacob?" tawag ng mama ni Ben nang makalabas ito mula sa isang cubicle kasama naman ang tita ng lalaki. Agad itong naglakad palapit sa kanila. "The result will be delivered to us in two to three weeks." Huminto ito nang tuluyang makalapit, "I just wanted to say thank you for helping out tonight. Although I'm eager to find out, I know in my heart that I'm right." Sa isang osp
Maria's POV Hindi siya mapakali sa kinauupuan niya habang papasok na sa building ni Jacob ang sinasakyan nila. Sa tulong ng tiyahin nito, pumayag na humarap ang lalaki pero hindi pa nito alam na sila ang kakatagpuin nito. "Maria." Ginagap ng babae ang nanginginig niyang kamay nang tuluyang mag-park ang sinasakyan nila, ito ang tiyahin ni Jacob na nagpaanak sa mama ni Ben. "Relax, gusto ko nang itama ang lahat kaya nandito ako kahit pa nangako ako sa namatay kong kapatid na ibabaon ko sa hukay ang sekretong ito."Nakausap na siya ng mama ni Ben pati na ng babae ukol dito. Si Jacob ay anak ng mama ni Ben pero dahil nga sa pakikipagsabwatan ng daddy ni Jacob at ng babaeng ito, pinalabas na namatay ang bata para maitakas ang sanggol palayo sa ina nito. Dahil ang mama ni Ben ay kasal na kaya pinili nitong manatili sa asawa nang magtaksil ito. Handa namang tanggapin ng asawa nito ang anak sa labas ng babae pero iba ang plano ng kerido ng mga oras na iyon. Napuno ito ng galit dahil mas pi
Benjamin's POVParang bumabalik lang ang dating nangyari sa kanila nang nasa loob na sila ng kweba pero sa pagkakataong ito, pareho na nilang nakikita ang isa't isa sa tulong ng emergency light na nakabukas. Nakapikit siya habang hinahalikan ang babae na hindi kababakasan ng pagtutol."B-Ben," napasinghap na tawag nito.Bumaba ang halik niya sa leeg nito hanggang tinunton ng labi niya ang pinakakaasam niyang yaman nito. Doon siya nagtagal habang impit na tinatawag ng babae ang pangalan niya. Salit-salitan niyang hinahalikan ang mayamang dibdib ng babae habang nakasabunot naman ang dalawang kamay nito sa buhok niya. "N-nakikiliti ako," reklamo ng dalaga pero napaungol lang siya habang binabaybay naman ng labi niya ang tiyan nito. "D-Diyos ko, Ben." HIndi napigilang mapaigik ng dalaga nang maramdaman na nito sa singit ang paghalik niya.Nostalgia. Ito ang hinahanap ng puso't katawan niya na nangyari na noon pero muling naulit ngayon. Handang-handa na siya ngayong gabi at nakalimutan na
Benjamin's POV "What?" 'di makapaniwalang tanong ni Clyde nang sabihin niya ang napag-usapan nila ni Maria. "You're such an awful person to say that to her." Pareho lang naman sila ni Maria, nasa sitwasyon din siyang naguguluhan dahil kay Venice. Alam na rin ng mga kaibigan ang ukol dito kaya katakot-takot na advice ang binigay nila. "Stop fantasizing about Venice, hindi ka pa nadala." Walang kangiti-ngiting singit ni Clint sabay tapik sa balikat niya. "Kung type mo si Maria, do it properly at tawagan mo si Venice para makipaghiwalay na. Bro, remember, magkadugo sila ni Denise eventhough paulit-ulit mong sinasabi na iba siya, she's romantically involved with Saeed I think. Medyo natukso lang siya nang ma-meet ka ulit dahil gwapo ka. Red flag, dude." Hindi siya makapaniwala dahil kung tutuusin, mga babaero din ang mga kaibigan noon at walang pakialam ang mga ito kahit ilang babae pa ang dumaan sa kanya. For the first time, nagbigay ng advice ang mga mokong. "I'm afraid we don't ha
Benjamin's POV "Masakit lang malaman na magpapakasal siya sa'kin dahil napilitan lang," malungkot na saad ni Polding nang magkaharap na sila para pag-usapan si Maria. "Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko. Kung sa'n masaya si Maria, hahayaan ko siyang mamili." "Maria?" untag niya sa babae. "Pasensiya na, Polding," nahihiyang pag-amin ni Maria. "Totoo naman ang sinabi ni Benjamin na wala akong gusto sa'yo pero napakabuti mo kaya pumayag ako pero kanina—" Talagang hindi siya makasagot ng oo agad. "Ok lang 'yon, Maria," hinging-paumanhin nito. "Importante pa rin ang may maramdaman ka sa taong papakasalan mo. Pakisabi na lang sa magulang mo na umalis na'ko." Bilib siya sa lalaking 'to. Good sport ito matapos niyang manalo sa palaro kanina. Nakipagkamay pa ito na kanyang malugod na tinanggap. Nakaligo na rin sila at nakapagbihis pero ang amoy nila, hindi mawala-wala kaya naaasar pa rin siya sa tradisyong ito. "Thank you for understanding everything, Polding. I know you're an educate
Benjamin's POV "Kung gayon, Polding, dadaan kayo ni Ben sa kinagisnang tradisyon ng tribong ito, ang laban-bawi na palaro. Bilang isang pinuno—" Panimula ni Ka Letong na siyang tatayong watcher din ng kanilang laban. "Ganito ang patakaran sa larong ito: nilaban ni Polding ang pag-ibig niya kay Maria kaya papakasalan niya ang kahuli-hulihang babae na wala pang asawa. Siya ang tatayo sa "laban." Nakatingin na ang matanda kay Maria na walang kibo. "Pero dumating si Benjamin na pinipigilan ang kasalan kaya siya ang babawi sa dalaga. Siya ang tatayo sa "bawi." For them, that actually sounds pretty strange. He doesn't know what this tribe chief wanted them to do to put an end to this marriage. Kung tutuusin, hindi naman legal ang ginagawa ng matanda na pagkakasal kung hindi dumaan sa tamang proseso. "Dude, I think we made the right choice not to go on our mountain trek today. This sounds more fun to me." Bulong ni Clyde sa kanya na nakatayo na sa tabi niya. "Mukhang mapapalaban ka sa is