Home / Romance / Married At First Sight / Episode 5: Trapped

Share

Episode 5: Trapped

Author: monteevs
last update Huling Na-update: 2023-01-04 22:11:47

Ilang sandali pa, mga kalalakihan na ang may hawak sa kanya. Mas lalo nang dumami ang mga taong nag-uusyuso sa kanila. Giniya siya ng mga ito papunta sa dalampasigan.

"Ito ba ang ayaw managot kay Maria?" sigaw ng isang lalaking kakababa lamang sa isang bangka.

"Sandali!" hiyaw ni Maria. "Wala kaming ginagawang masama kaya 'wag niyong sasaktan ang baby ko."

"Hindi mo ba narinig, Maria, na hindi ka pananagutan ng lalaking ito?" sabat ng isang babae sabay kurot sa tagiliran niya. "Hindi pa siya sigurado sa'yo kaya kailangan natin siyang dalhin sa baryo."

"Ano, Benjamin ko?" Naluluhang tumingin sa kanya ang dalaga. "Sabihin mo sa kanila na hindi totoo 'yan. Ngayon pang nakita na kita? Ikaw ang katuparan sa lahat ng hiling ko sa taas. Ikaw, Benjamin! Makinig kayo, may usapan na kami ng mahal ko na magpapaalam sa magulang ko para makaluwas na'ko ng Maynila."

Napamulagat siya sa narinig. Nakakatulig ang katahimikan ng mga taong biglang tumahimik pero ang mga titig ng mga ito, kakaiba. Mukhang may dalang panganib ang nanlilisik na mata ng mga ito pero hindi maaari. Kailangan niyang magpakatotoo sa sarili.

"I'm so sorry but this is my fault, Maria. Akala ko kasi—" Akala niya napakaganda nito kagaya ng boses nito pero mali siya. Maling-mali siya nang patulan niya ang balyenang ito. Sexy at maganda ang kalimitang nagiging nobya niya pero kung ikukumpara si Maria, mas mabuti pang maging single na lang siya forever. Nasa huli talaga ang pagsisisi niya dahil sa padalos-dalos niyang desisyon sa buhay. "Please, let me go. Gusto ko nang umuwi kaya pakawalan niyo na ako."

"Hindi!" hiyaw ni Maria. "Nangako ka sa'kin, Benjamin, na hindi mo'ko iiwan pero bakit? Bakit ayaw mo na sa'kin? 'Di ba sabi mo, 'wag akong mag-alala? Sabi mo hindi mo'ko pababayaan. Hinding-hindi ko 'yon nakakalimutan."

"Hoy, Maria," singit ng isang dalaga. "Natural walang magkakagusto sa'yo, sa hitsura mo ba namang 'yan? Ako ang ka-level niya kaya malamang sa'kin mababaling ang pagtingin niyan. Sa'kin mo na kaya ibigay si Pogi total, mas lamang naman ang ganda ko kaysa sa'yo. Maghanap ka ng ka-level mo, Maria."

Isang malakas na tili ang pinakawalan ni Maria bago nito sinugod ang dalagang nagsalita. Nakakita siya ng pagkakataon nang bigla siyang bitawan ng mga kalalakihan. Nagrambulan na ang dalawang babae nang awatin ito ng mga lalaki. Nagpagulong-gulong ang mga ito sa lupa pero napamura siya. Mas lamang ang mataba dahil sa laki ng katawan nito. Parang nakalabas na ang dila ng payat na babae nang sakyan ito ni Maria. Mabilis siyang kumaripas ng takbo nang masigurong walang nakatingin sa kanya. Dere-deretso lang siya at walang lingon-lingon sa likod niya.

"Hoy, nakatakas ang nobyo ni Maria! Magsitigil kayo riyan," hiyaw ng isang lalaki na agad sumunod sa kanya. "Tulungan niyo 'kong mahuli siya. Ano ba kayo!"

"Habulin niyo!" sunod-sunod na sigaw ng iba pa.

"Huwag niyong titigilan hangga't hindi niyo nahuhuli ang lalaking iyan," sigaw ng nanay ni Maria. "Kailangan niyang panagutan ang anak ko. Magtutuos pa kami ng lalaking 'yan!"

Naririnig niya ang hiyawan ng mga ito kaya mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo. Panay ang mura niya dahil sa nangyaring ito. Halos mangudngod ang nguso niya sa lupa nang maramdaman niya ang malakas na pagtulak sa likod niya. Naabutan siya ng isang lalaki.

"Tulungan niyo 'ko, nadapa siya," hiyaw ng isang lalaking yakap-yakap na siya. "Ang kupad pala nitong tumakbo kahit ang laking tao. Nakakabakla ang kaguwapuhan nito pero sorry, kailangan nitong managot kay Maria. Pare, 'wag ka namang ganyan. Nadadala sa mahinahong usapan ang lahat."

Hindi niya pinansin ang sinabi nito at ang nguso nitong nakadikit na sa pisngi niya. Mas natuon ang pansin niya sa matabang babae na tumatakbo palapit sa gawi nila. Tumatalbog ang katawan nito sa sobrang katabaan at kitang-kita niya ang pagkahingal nito; na walang iba kundi si Maria. Hawak-hawak na siya ng tatlong kalalakihan. Pinilit niyang humulagpos sa pagkakahawak ng mga ito pero ang matandang babae na nanay ni Maria, bigla itong humawak sa balikat niya. Tatayo na sana siya pero hindi niya magawa.

"Sige, dalhin niyo sa bahay para makapag-usap kami nang maayos. Kailangang panagutan niya ang nag-iisa kong dalaga," sigaw ng matandang babae. "Hindi na makakawala 'to at kailangan naming mag-usap kung ano ang plano nila ng anak ko."

Helpless siya. Gusto niyang umiyak pero pinigilan niya. Grabe ang paninisi niya sa parachute niya dahil sa islang 'to nagkrus ang landas nila ng babae kagabi.

"Inay, huwag niyo naman pong ganyanin si Benjamin ko." Umiiyak na si Maria nang yakapin nito ang ina at ilayo sa kanya. "Hayaan mong pag-usapan muna namin ang lahat. Benjamin," anas ng dalaga nang lumuhod ito para magpantay ang mukha nila.

"M-Maria." Puno ng galit ang mga mata niya, "Huwag ganito, p-please." Naiiyak niyang tinitigan ito para paalisin na lang siya sa malas na islang ito. "P-please..."

Pigil na pigil niya ang sarili pero namumula na ang mata niya. Naisip agad niya ang dakila niyang Mama Regine. Sinisigaw ng utak niya ang pangalan nito sa ganitong sitwasyon. Kailangan niya ng tulong. Kailangan niya ang ina para mawala ang takot niya.

"Sorry, Benjamin ko," naiiyak na saad ni Maria. "Kailangan mong pumunta sa amin para mapag-usapan ang kasal natin. Baka kasi ano'ng gawin nila sa'tin."

"Dapat lang, Maria, na pakasalan ka ng lalaking 'yan," sabat ng isa pang matanda. "Nakakahiya sobra ang ginawa mo. Diyos ko! Kalat na kalat na sa buong baryo ang ginawa niyong—hay naku. Mga kabataan talaga ngayon. Nauuna pa ang mga ganyan kaysa kasal."

Hawak siya nang mahigpit ng mga kalalakihan nang umagapay ito sa paglalakad niya. Ang babaeng mataba, hawak din siya nito sa kamay. Hindi niya kayang tingnan ang hitsura nito dahil nangingitim ito at puno ng maliliit na taghiyawat ang mukha ng babae. No way! Hindi siya makakapayag na ito ang mapangasawa niya.

"Benjamin, 'wag kang mag-alala. Pagkatapos ng kasal natin, hindi ka na kukuyugin ng mga taong 'to. Mga kamag-anak at kapitbahay ko sila." May ngiti sa labi ni Maria nang mapatingin sa kanya. "Kailangan mo'kong panagutan para hindi nila tayo saktan. Ikaw lang ang pag-asa ko. Alam na ng buong baryo ang nangyari kaya nakakahiya sobra kung uurong ka. Para sa dangal ng pamilya ko."

Ganun kabilis kumalat ang tsismis? Napamura siya pero hindi na niya ito isinatinig. Oras na malingat niya ang mga ito, tatakas talaga siya. Isang malakas na pagtapik sa likod niya ang ginawa ng lalaking nakahawak sa kanya.

"S-sumagot ka!" singhal nito. "Gagawa kayo ng milagro pero hindi mo kayang magpakalalaki sa harap namin?"

Papa'no siya sasagot? Baka suntok ang isagot ng mga ito kapag sinabi niya ang nasa loob. Wala siyang gusto sa babae at nabigla lang talaga siya kagabi. Maraming tao ang sumalubong sa kanila. May mga nagvi-video at ang iba, pinipicturan din sila. 

"Naku, 'yan ba ang nobyo ni Maria? Ang guwapo naman." 

"Aanhin mo ang guwapo, kung ayaw namang panagutan si Maria?"

"Naku, kung sakaling tumakas 'yan, kailangan nating pumunta sa bayan para makahingi ng tulong sa kapulisan."

Hindi niya makayanan ang mga naririnig. Kailangan niyang iligtas ang sarili kaya isang desisyon ang nabuo sa utak niya.

"Oh, Mama, tulungan mo'ko. I need you now." Pero ang cellphone niya, nasa loob ng suot niya. Napatingin siya sa babaeng mataba na nakikipag-away na sa mga tao. "Maria," banayad niyang tawag dito. "P-papakasalan kita, ok? Please, tell these people to leave me alone." Natigilan ang babae nang mapatingin sa kanya. "Magpapakasal tayo, ok?" Hindi niya alam kung bakit niya nasabi ito pero iyon ang sigaw ng utak niya para tigilan na sila ng mga taong ito.

Sa isang iglap, nakayakap na sa kanya ang babae. Bigla na lang itong umiyak. Nairita siya nang pugpugin siya nito ng halik sa mukha. Gusto niyang masuka dahil hindi niya type ang babae pero ano ba ang magagawa niya? Kailangan niyang magpanggap na ok lang sa kanya para makatakas siya sa impyernong lugar na ito.

"Mabuhay ang ikakasal!" hiyaw ng isang matanda na sinundan ng palakpakan.

"Ipatawag na agad ang pastor at ikaw," galit na baling ng tiyuhin ng dalaga sa kanya. "Mabilisan ang kasal niyo, ha?" Nakaumang pa ang kamao nito sa mukha niya kaya napalunok siya. "Kailangang manindigan ka sa pinasok mong ito. Kahit mahirap lang kami, hindi kami papayag na may naaagrabyado rito."

Hindi niya maintindihan pero parang hihimatayin siya sa mga pinagsasabi nito. Isang lalaki naman ang agad kinapa ang suot niya kaya inis niya itong binalingan.

"What are you doing?" inis niyang tanong at pinandilatan ito. "This is not fair, everyone. Please, hear me out. I'm really sorry for everything."

"Sagutin mo'ko, ha," gigil na muling sigaw ng lalaking nakaamba ang kamao. "Ano ang dala mo para maikasal ka agad kay Maria?"

Naumid ang dila niya kaya hindi na siya makasagot dahil ramdam na niya ang kamay nitong mahigpit ang pagkakahawak sa braso niya. Papaano siya makakasagot kung ganitong nawalan siya ng tapang bigla? Lahat ng mata, sa kanila nakatutok.

"Wala," hiyaw ng lalaki nang wala itong makuha sa kanya. "Pogi, legal ang kasal mo kay Maria dahil may sarili kaming batas dito." Kumindat pa ito at sinalubong ang mata niyang namamasa na nang muli siyang balingan. "Mabait 'yang si Maria."

Pabuka pa lang sana ang bibig niya para sagutin ito pero mas pinili niyang itikom muna ang bibig. Hindi niya matingnan ang pagmumukha ni Maria dahil para sa kanya, ang panget talaga nito sobra. 

"M-Mama," anas niya. "P-please, h-help me, Mama." Napuno ng takot ang dibdib niya dahil wala na siyang kawala sa kinasadlakang sitwasyon. Sana hanapin na siya ng ina para makaalis na siya rito "Save me, Mama," hiyaw ng utak niya kasabay ng pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. "I-I'm d-dead!" 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Kaye Ti
...️...️...️ Ganda
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Married At First Sight   Episode 6: Forced Marriage (Benjamin)

    Habang nagkakagulo ang lahat sa preparasyon ng kasal kuno nila ng matabang babae, malikot naman ang kanyang mga mata sa pagtingin sa mga taong nakakasalamuha hanggang humantong ito sa isang lalaking bukod-tangi ang suot sa lahat. Nakasuot lamang ito ng t-shirt at short. Hindi niya maintindihan ang kasuotan ng mga taong nakapaligid sa kanya. Para lang itong malong na may disenyo at itinapis sa katawan ng mga ito at ang mga lalaki naman, sa beywang naman ng mga ito nakabalabal ang suot. Nang magtama ang paningin nila ng lalaking nakasuot lamang ng short at green t-shirt, halos magmakaawa ang expression ng mukha niya. Sana ma-feel nito kung gaano niya ka-need ang tulong nito. Kahit pa against sa loob niya ang pagpapakasal, nangako siyang papanagutan niya si Maria para sa ikakatahimik ng lahat. Kailangan lamang niyang gumawa ng paraan na makaalis sa lugar na ito at kung magtagumpay siya mamaya, kakalimutan niyang naging tanga siya panandalian. "Ikaw lalaki, tinatanggap mo ba si Maria sa

    Huling Na-update : 2023-01-13
  • Married At First Sight   Episode 7: Just married(Maria's POV)

    Hindi niya lubos maisip na magiging ganito ang kapalaran niya; ang maikasal sa pinakagwapong lalaki. Mula pagkabata ba naman, ngayon lamang siya nakakita ng ganito kagwapo na nilalang. "Salamat, Benjamin ko, sa pagtanggap mo at pagbigay ng pangalan mo sa'kin." Hindi niya mabitaw-bitawan ang kamay ng lalaki dahil pakiramdam niya, handa itong agawin ng malalandi niyang kapitbahay na dalaga. "Akin ka lang..." Buong pusong anas niya nang pagharapin na sila ng pastor sa isa't isa."Sige!" yamot na saad ng pastor. "Oh, ano pang hinihintay mo, Maria?" May pagtataka sa mukha ng pastor nang 'di siya kumilos. "Pwede mo na siyang halikan. Ang bagal naman, oo."Nakita niya ang biglang pagtingin ng asawa sa pastor at ang panlalaki ng mata nito. Napadila siya at inikot ito sa buong bibig niya. Kahit man lang lipstick, hindi siya makabili kaya simpleng-simple lang ang mukha niya ngayon. Nakasuot siya ng malong mula balikat niya pababa ng sakong. May bulaklak na puti sa ulo niya at syempre ang nanay

    Huling Na-update : 2023-01-16
  • Married At First Sight   Episode 8: Escape (Benjamin)

    "Yes... of course!" nanggigigil niyang anas sa mukha ng lalaki. "Kailangan ko ng tulong mo, n-ngayon na! Gustong-gusto ko nang makauwi. P-please, help m-me." Nagsalubong ang kilay ng kaharap niya at wari'y nayamot pa ito sa kanya. Nakalahad agad ang kamay nito habang nakatitig sa kanya. Nang taasan niya ito ng kilay, nakipagsukatan ito ng tingin sa kanya. "Pera." Mahinang saad nito habang nakalahad pa rin ang kamay. "Akin na muna ang bayad dahil nakakaistorbo ka. May nakita akong perlas na ginagawa nilang palamuti rito pero hindi ko alam kung ano'ng klase 'yon. Kailangan nating kilatisin—" "I'm not interested." Napataas ang boses niya pero muli niyang kinontrol ito para walang makarinig sa kanila. "Mayaman ako at kaya kong tapatan 'yang perlas na sinasabi mo." Nanggigigil na siya sa lalaking 'to dahil kanina pa siya nakikipagnegosasyon pero ayaw nitong maniwala na kaya niyang bayaran ito ng malaki. Napailing na siya nang gumalaw ang kamay nito para iabot niya ang kabayaran. "Look,

    Huling Na-update : 2023-01-21
  • Married At First Sight   Episode 9: Make Off

    "D-dito?" Hindi siya makapaniwala nang hawakan niya ang isang bamboo stick, "N-nasa'n ang bangka mo?" Pigil ang pagtaas ng boses niya nang wala siyang makita sa paligid. Nakalublob na sila sa dagat at halos leeg na ang lalim kaya takang-taka siya. "Ang daming satsat, eh." Inis na pakli ni Pancho. Pagkasabi niyon, pwersahang nilubog nito ang ulo niya sa tubig. Sumenyas ang lalaking sundin ang ginagawa nito sa ilalim kaya wala siyang nagawa nang ilagay niya ang kapirasong bamboo stick sa bunganga at do'n pansamantalang huminga sa instruction na rin nito. Hindi niya makita ang taas sa rami ng sangang nagkalat. Nagkalat ang mga dahon at sanga ng punong naanod sa dagat na siguradong bagyo ang may kagagawan. Alam niyang wala siyang kakayahan na salagin ang anumang pinapagawa ng kasama dahil mas kabisado ng lalaki ang lugar na ito kaysa sa kanya. Naririnig pa niya kanina ang ingay ng mga taong naghahanap sa kanila pero naglaho na ito nang pumailalim na sila ng tubig. Halos pagkapusan siya

    Huling Na-update : 2023-01-28
  • Married At First Sight   Episode 10: First Attempt

    "I will wholeheartedly marry you to save my life, woman!" He snorted when he got his chance to blame it on her. "You had no idea how much I hated this forced marriage kahit walang namagitan sa'tin kagabi." "Pero Benjamin—" Naiiyak man, abot hanggang langit naman ang pasasalamat ng dalaga sa pagpayag niyang maikasal sila. "Papakasalan kita dahil ikaw ang katuparan ng pangarap ko. Hulog ka ng langit kagabi. Hindi ka na makakawala kahit ano pang sabihin mo dahil ikaw—ikaw ang itinadhana para sa'kin." Sumabay ang pag-iyak ng babae sa kulog kaya nagulat siya at agad napabalikwas. Panaginip. Isang panaginip lang pala pero napakapangit na pangitain 'yon sa kasagsagan ng bagyo. Bagyo? Basang-basa pa rin siya sa pinagkukublian niyang iyon. Diyata't bumabagyo na naman sa labas? Nakaramdam siya ng lamig sa pinagtataguan. Agad niyang naalala ang kasama, "P-Pancho?" mahina lang nang una ang pagbigkas niya sa pangalan nito pero nang wala siyang marinig, agad siyang sumigaw. "Panchoo!" Nakakaini

    Huling Na-update : 2023-02-02
  • Married At First Sight   Episode 11: The Great Escape

    Wala naman siyang kasalanan sa batas pero grabe ang ginagawa nilang pagtatago para hindi mahuli ng mga tumutugis sa kanila. Napapikit siya nang mariin at napakapit nang mahigpit sa isang sanga ng puno. Nakahinga siya nang maluwag nang marinig ang papalayong ingay ng mga ito."Kapit lang, boss. Parang si Maria lang 'yan, mahigpit ang kapit sa'yo." Tinanguan siya ng lalaki sabay ngiti nang nakakaloko. "Mag-uumaga na, baka iba na naman ang maghahanap sa'yo. Palitan sila."It was his second day. Bagot na bagot siya sa pagtatago niyang ito. Bakit siya pinipilit ng mga ito sa babaeng ayaw niya? Mamatay muna siya bago niya gawing legal na asawa ang babaeng iyon. Hindi ba alam ng mga tao na walang bisa ang kasal nila kaya bakit pa naghahabol ang mga ito? This is wrong and he can sue them anytime."Bumaba na tayo rito, Pancho."Puno ng balete ang inakyat nilang dalawa nang muling magkrus ang landas nila sa gubat. Papunta siya sa direksyong tinuro ni Pancho kanina pero nang malapit na siya, ila

    Huling Na-update : 2023-02-07
  • Married At First Sight   Episode 12: Newfound Love

    "What happened?" Nagulantang na sigaw niya nang lumundo nang malakas ang kinahihigaan. Halos mahulog siya sa sunod-sunod na pag-alog na iyon na sinundan ng tawanan ng mga kaibigan. "May lubak, bro." Nakangising napalingon sa kanya si Clyde, "Well, I thought you were just pranking us but when I saw you were forcibly dragged back to the boat, we decided to talk to them. Nakinig naman sila." Napalingon naman siya kay Clint nang ito naman ang tumawa nang malakas at magsalita, "Is it true, dude, that you married an island girl? Well, according to them, you need to speak to your wife about your wedding. I promised them we'll take you back to that island after meeting your parents." Napabangon siya sa kinahihigaan niya sabay sigaw nang malakas, "Hell, no!" Nasa loob siya ng isang pampasaherong sasakyan at nasa kabila naman nakaupo ang mga kaibigan. Nakatingin ang lahat ng ito sa kanya. "Where are we, mga dude?" Panay ang linga niya sa bintana ng sinasakyan nang makitang puro puno ang nada

    Huling Na-update : 2023-02-10
  • Married At First Sight   Episode 13: After 1 Year (Maria)

    "Ano ka ba, magmumukmok ka na lang ba diyan?" galit na singhal ng kanyang nanay nang mangulambaba siya sa kanyang bintana. Tahimik lamang siyang umiiyak habang nakatanaw sa kawalan. "Maria, isang taon na ang nakalipas pero wala ka pa ring pinagbago. Ba't ka ba nagpapakabaliw sa lalaking 'yon?" Hindi siya sumagot. Naririnig naman niya ang kanyang nanay pero paulit-ulit lang ito kahit ano pang sabihin niya. Hindi matatawarang sakit sa puso niya ang naiwan ng lalaking iyon. Masakit pa rin ang nangyaring iyon sa kanya nang iwan siya ng kanyang asawa at hindi na rin ito bumalik kahit pa naghintay siya nang matagal. Marahas na bumuntong-hininga ang kanyang nanay nang 'di niya ito pansinin. "Maria, ang papel na 'to, hindi ko alam kung ano ito pero magandang balita raw ito, anak." Malumanay nang nagsalita ang babae nang iwasiwas nito sa mukha niya ang ilang pirasong papel. "Tanda mo pa ba noong isang buwan, may sinulatan ka para sa scholarship ba 'yon nang may mag-ikot na mga tao rito?" Tu

    Huling Na-update : 2023-02-12

Pinakabagong kabanata

  • Married At First Sight   Episode 90: A Heart's Enchantment: The Ending

    Benjamin's POV Inis niyang tiningnan ang babae. Kitang-kita na ang umbok ng tiyan nito pero nagpapakipot pa rin ito. Ano bang problema nito? "Ilang buwan na lang, manganganak ka na, Maria, pero look at you, nag-aaral ka pa rin. Hindi ba pwedeng pagkatapos mong manganak saka ka bumalik sa school?" Kahit nakakapagod ang magpabalik-balik sa probinsya every week, tiniis niya ito para lang suyuin ang babae. "Kaya ko ang sarili ko," inis nitong sagot. "Gusto kong makapagtapos kahit pa buntis ako. Hindi mo'ko mapipigilan sa pangarap ko." "Pag-aaralin kita ng bachelor's degree after mong manganak." Isang short course ang kinuha ng babae sa bayan na under ng TESDA pero hindi niya ito ikinatuwa. Mas gusto niyang mag-focus muna ito sa baby nila at sa sarili nito para masiguro ang kaligtasan ng mag-ina niya. Sa bayan ito pansamantalang nakatira dahil sa kalagayan nito kasama ang mga magulang nito. Isang malaking apartment ang nirentahan niya para sa mga ito. Mabilis niyang nilabas ang bungko

  • Married At First Sight   Episode 89: It's Love

    Benjamin's POV Magdadalawang buwan na ang lumipas nang makabalik siya ng Manila. Updated naman siya ng mga tao niya sa proyektong naiwan sa isla. Umangat ang mukha niya nang tingnan ang kaharap. "I'm listening, Venice." Napangiti nang kimi ang babae nang salubungin nito ang tingin niya, "Gusto ko lang mag-sorry, Ben, at magpasalamat kaya ako nandito—at magpapaalam na rin syempre." Naluluha ito nang muling magsalita. "Sorry kasi pinilit kitang balikan ako kahit na niloko kita. Salamat kasi—tinulungan mo pa rin akong makapagsimula rito sa Manila." Napatango siya. Nagpapasalamat siyang nagiging maayos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa. "Sigurado ka na ba?" Tumango si Venice, "Oo, sapat na siguro ang dalawang buwan para makapag-isip ako nang maayos. Haharapin ko si Saeed para magkaro'n ng katahimikan ang isip ko. Pasensiya na." Nakatayo na ang babae nang hawakan niya ang kamay nito," I wish you all the best in life, Venice." Nang tumalikod ang babae at tuluyan nang naglaho sa lo

  • Married At First Sight   Episode 88: Second Thoughts

    Benjamin's POV "Wala ka bang balak umuwi?" Tanong niya nang lapitan siya ulit ng babae. "Give me some time, Venice. My priority is not our relationship right now." Hindi niya maintindihan kung bakit na lang siya biglang nanlamig dito. Inamin na kasi nito ang lahat; ang pagkakaroon nito ng relasyon kay Saeed pero balak na itong bitawan ng babae. All this time, pinaniwala siya nitong single ito pero hindi na 'yon mahalaga sa ngayon. "I made it clear, right, Venice? I just want to ensure that there is no confusion between us. Hanggang dito na lang muna tayo. We're done, iyon ang gusto ko." "Yes," napabuntong-hiningang saad nito pero nagtangka itong yakapin siya na agad niyang pinigilan. "Nagkamali ako, Ben, I'm sorry at sadyang naguguluhan lang nang una dahil nga sa issue namin ni Denise pero sigurado na'ko na ikaw ang pipiliin ko. Yong pagsampal ko sa'yo kahapon, nabigla lang talaga ako."Napatingin siya sa paligid. May ilang katutubo ang nag-uusap at ang tatay ni Maria, kanina pa

  • Married At First Sight   Episode 87: Redirected

    Maria's POV Ang saya niya nang matapos ang pagpapa-DNA nina Jacob at ng mama ni Ben. Resulta na lang ang hihintayin nila para malaman kung talagang mag-ina ang dalawang ito. "If you think we're done, Maria, think again," anas ni Jacob nang mapadaan ito sa gawi niya. "Tinakbuhan mo'ko. Tinraydor mo'ko nang bawiin mo ang kasong inihabla mo kay Benjamin." Kumabog ang dibdib niya sa sinabi ng lalaki at para na siyang maiiyak nang tingnan ito, "J-Jacob, ayoko na ng gulo. B-baka nga kapatid mo pa si Ben, eh." Napatiim-bagang ang kaharap nang sabihin ito, "I don't think so." Saad nito. "Not that guy, I hate him." "J-Jacob?" tawag ng mama ni Ben nang makalabas ito mula sa isang cubicle kasama naman ang tita ng lalaki. Agad itong naglakad palapit sa kanila. "The result will be delivered to us in two to three weeks." Huminto ito nang tuluyang makalapit, "I just wanted to say thank you for helping out tonight. Although I'm eager to find out, I know in my heart that I'm right." Sa isang osp

  • Married At First Sight   Episode 86: In Manila

    Maria's POV Hindi siya mapakali sa kinauupuan niya habang papasok na sa building ni Jacob ang sinasakyan nila. Sa tulong ng tiyahin nito, pumayag na humarap ang lalaki pero hindi pa nito alam na sila ang kakatagpuin nito. "Maria." Ginagap ng babae ang nanginginig niyang kamay nang tuluyang mag-park ang sinasakyan nila, ito ang tiyahin ni Jacob na nagpaanak sa mama ni Ben. "Relax, gusto ko nang itama ang lahat kaya nandito ako kahit pa nangako ako sa namatay kong kapatid na ibabaon ko sa hukay ang sekretong ito."Nakausap na siya ng mama ni Ben pati na ng babae ukol dito. Si Jacob ay anak ng mama ni Ben pero dahil nga sa pakikipagsabwatan ng daddy ni Jacob at ng babaeng ito, pinalabas na namatay ang bata para maitakas ang sanggol palayo sa ina nito. Dahil ang mama ni Ben ay kasal na kaya pinili nitong manatili sa asawa nang magtaksil ito. Handa namang tanggapin ng asawa nito ang anak sa labas ng babae pero iba ang plano ng kerido ng mga oras na iyon. Napuno ito ng galit dahil mas pi

  • Married At First Sight   Episode 85: Unknown Emotions

    Benjamin's POVParang bumabalik lang ang dating nangyari sa kanila nang nasa loob na sila ng kweba pero sa pagkakataong ito, pareho na nilang nakikita ang isa't isa sa tulong ng emergency light na nakabukas. Nakapikit siya habang hinahalikan ang babae na hindi kababakasan ng pagtutol."B-Ben," napasinghap na tawag nito.Bumaba ang halik niya sa leeg nito hanggang tinunton ng labi niya ang pinakakaasam niyang yaman nito. Doon siya nagtagal habang impit na tinatawag ng babae ang pangalan niya. Salit-salitan niyang hinahalikan ang mayamang dibdib ng babae habang nakasabunot naman ang dalawang kamay nito sa buhok niya. "N-nakikiliti ako," reklamo ng dalaga pero napaungol lang siya habang binabaybay naman ng labi niya ang tiyan nito. "D-Diyos ko, Ben." HIndi napigilang mapaigik ng dalaga nang maramdaman na nito sa singit ang paghalik niya.Nostalgia. Ito ang hinahanap ng puso't katawan niya na nangyari na noon pero muling naulit ngayon. Handang-handa na siya ngayong gabi at nakalimutan na

  • Married At First Sight   Episode 84: Confusion

    Benjamin's POV "What?" 'di makapaniwalang tanong ni Clyde nang sabihin niya ang napag-usapan nila ni Maria. "You're such an awful person to say that to her." Pareho lang naman sila ni Maria, nasa sitwasyon din siyang naguguluhan dahil kay Venice. Alam na rin ng mga kaibigan ang ukol dito kaya katakot-takot na advice ang binigay nila. "Stop fantasizing about Venice, hindi ka pa nadala." Walang kangiti-ngiting singit ni Clint sabay tapik sa balikat niya. "Kung type mo si Maria, do it properly at tawagan mo si Venice para makipaghiwalay na. Bro, remember, magkadugo sila ni Denise eventhough paulit-ulit mong sinasabi na iba siya, she's romantically involved with Saeed I think. Medyo natukso lang siya nang ma-meet ka ulit dahil gwapo ka. Red flag, dude." Hindi siya makapaniwala dahil kung tutuusin, mga babaero din ang mga kaibigan noon at walang pakialam ang mga ito kahit ilang babae pa ang dumaan sa kanya. For the first time, nagbigay ng advice ang mga mokong. "I'm afraid we don't ha

  • Married At First Sight   Episode 83: His Agony

    Benjamin's POV "Masakit lang malaman na magpapakasal siya sa'kin dahil napilitan lang," malungkot na saad ni Polding nang magkaharap na sila para pag-usapan si Maria. "Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko. Kung sa'n masaya si Maria, hahayaan ko siyang mamili." "Maria?" untag niya sa babae. "Pasensiya na, Polding," nahihiyang pag-amin ni Maria. "Totoo naman ang sinabi ni Benjamin na wala akong gusto sa'yo pero napakabuti mo kaya pumayag ako pero kanina—" Talagang hindi siya makasagot ng oo agad. "Ok lang 'yon, Maria," hinging-paumanhin nito. "Importante pa rin ang may maramdaman ka sa taong papakasalan mo. Pakisabi na lang sa magulang mo na umalis na'ko." Bilib siya sa lalaking 'to. Good sport ito matapos niyang manalo sa palaro kanina. Nakipagkamay pa ito na kanyang malugod na tinanggap. Nakaligo na rin sila at nakapagbihis pero ang amoy nila, hindi mawala-wala kaya naaasar pa rin siya sa tradisyong ito. "Thank you for understanding everything, Polding. I know you're an educate

  • Married At First Sight   Episode 82: Laban-bawi

    Benjamin's POV "Kung gayon, Polding, dadaan kayo ni Ben sa kinagisnang tradisyon ng tribong ito, ang laban-bawi na palaro. Bilang isang pinuno—" Panimula ni Ka Letong na siyang tatayong watcher din ng kanilang laban. "Ganito ang patakaran sa larong ito: nilaban ni Polding ang pag-ibig niya kay Maria kaya papakasalan niya ang kahuli-hulihang babae na wala pang asawa. Siya ang tatayo sa "laban." Nakatingin na ang matanda kay Maria na walang kibo. "Pero dumating si Benjamin na pinipigilan ang kasalan kaya siya ang babawi sa dalaga. Siya ang tatayo sa "bawi." For them, that actually sounds pretty strange. He doesn't know what this tribe chief wanted them to do to put an end to this marriage. Kung tutuusin, hindi naman legal ang ginagawa ng matanda na pagkakasal kung hindi dumaan sa tamang proseso. "Dude, I think we made the right choice not to go on our mountain trek today. This sounds more fun to me." Bulong ni Clyde sa kanya na nakatayo na sa tabi niya. "Mukhang mapapalaban ka sa is

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status