"Kali?" I called her name pero na kay Lev pa rin yung mga mata niya.
"Woah!" Lev whispered to my ear. "Magkamukha nga talaga kayo.""I failed to mention that she's my twin so," I replied."Hi... Kali, right?" Bati ni Lev. "I'm Lev Laurier."Napakurap si Kali nang mailahad ni Lev yung kamay niya sa kanya. She bit her lower lip, hesitating to shake his hand."Laurier?" Tanong niya at lumingon sa akin. "Siya ba yung hinintay natin?"I nodded. "Yes. Siya nga.""Oh," She sounded disappointed. "N-Nice to meet you, Lev. Kali nga pala. Kakambal ni Kaia."Nakipagkamayan si Kali and Lev could only smile wider. Tumaas ang magkabila kong kilay. Kali isn't usually like this. She's bubbly, even though she's an introvert. Kapag may pinakilala akong kaibigan sa kanya ay dinadaldalan niya ito. Nakakapanibago lang."I see that you're an opposite," Komento ni Lev.Napalingon ako sa kanya habang nakakunot yung noo. "What do you mean?""Well, alam mo naman siguro yun. Your tongue is sharp while she's soft-spoken," Sagot niya."True," Tango ko.I'm not gonna lie. Kali and I are contradicting. If I am black, she's white. If she's the day, I am the night. Ganun lang. Gaya ng sabi ni Lev, soft-spoken si Kali. Yung tipong parang mama mo na kung makipagkwento ka sa kanya. She makes sure that no one gets hurt with her choice of words. I, on the other hand, could be very blunt and rude."Nasa loob ba si Auntie?" I asked."Oo. Papalabasin ko ba?"I nodded at her where she nodded back. Sinulyapan niya muna si Lev bago kami tinalikuran. She then went inside the van to get our Auntie."Why does she feels familiar?" Biglang tanong sa akin ni Lev."Kasi magkamukha kami?" Iling ko."No. Hindi. The way she speaks. Magkatunog nga yung boses niyo pero magkaiba naman sa paraan niyong magsalita. Have we met before?" Kunot-noo niyang tanong."Now that you mentioned, Kali did seemed off," Sagot ko."Ano?" He asked. "What's off about her?"Have they really met before? Sa lahat ng tao, ako ang mas nakakakilala kay Kali. Alam kong nab-bother siya sa presensya ni Lev. With all these questions im my head, I'd rather ask Kali about it."Wala," Iling ko. "Baka nagkakamali lang ako.""Oh come on, Kaia. Tell me!" Nguso niya."Ew! What's with those lips," I stared at him weirdly."It's pouting, in case you didn't know," Irap niya."Stop that. Para kang bakla," Irap ko pabalik."Bakla raw. Sa gwapo kong ito," Kontra niya."Kaya nga. Stop it," May diin kong sabi. "If you're doing that just to make yourself cute, huminto ka na. Those things doesn't work on me.""Halikan kita d'yan e!" He threatened.Tumaas ang magkabila kong kilay. "Oh, would you? Kaya mo?" Hamon ko.He scoffed. "You think I can't do it?"Nagulat nalang ako nang bigla niya akong hapitin sa hawak. Ipinagdikit niya yung katawan niya sa akin. Nang dahil sa gulat, nabitawan ko yung bulaklak na binigay niya sa akin. He's smirking while slowly inching our gap. I stared at his eyes, not knowing what to do. Sobrang bilis nang tibok ng aking puso. Ayokong marinig niya ito."Jusmiyo, Laurier. Not here!" Rinig kong sigaw ni Auntie.Halos magkasabay kaming napalingon kay Auntie. She's smiling from ear to ear, amused of what she's seeing. Si Kali naman ay nagulat pero agad ding nag-iwas ng tingin. I look around and everyone was watching us, some were taking our photos. I gently pushed Lev away as he did the same. I cleared my throat and so does he."I'm sorry po," Yuko niya."I know that you like my niece so much. I mean, I'm not hindering you what you want to do," She laughed. "Just do it somewhere else, okay? Yung walang makakakita.""Auntie!" Sita ko sa kanya."What? You badly want to do it now?" She asked.Nasapo ko ang aking noo. Si Auntie talaga. Siguro sa kanya ko nakuha ang pagiging prangka ko. Sometimes, my mouth don't have filter. Well... Hindi sometimes. Siguro mostly."We were just teasing each other, Tita. It wasn't what you thought it was," Paumanhin ni Lev.Napairap nalang ako. Him and his tricks."Well then, kung ganun, edi I believe you," Ngiti ni Auntie. "Oh and by the way, have you met Kali?"Napatingin si Lev kay Kali and the latter just avoided eye contact."Opo. Pinakilala na ni Kaia," Ngiti ni Lev."Kali over here is actually an architect. Kakauwi lang niya lang dito sa bansa. She's really good, Laurier. If you're planning to build a house, you can ask Kali for help," sabi ni Tita. "She graduated with flying colors and you can say that she really never disappoints me."Nagkatinginan kami ni Lev bago niya binalik yung tingin kay Auntie."That's good to hear!" Sambit ni Lev. "You must be really good."Napangiti si Kali and started playing with her hair. "Thanks.""You have a very talented girls, Tita," Manghang sabi ni Lev. "You must have raised them well.""Girls?" Taas-kilay na tanong ni Auntie at nilingon ako.I felt belittled. Para sa kanya, si Kali lang ang successful. I, on the other hand, parang palamunin lang para sa kanya. Even though I can manage to live on my own, ayaw niya akong pakawalan. Siguro para may maisumbat siya na kailan ako aangat sa buhay."Kaia owns a food place. She's really good at baking," Turo ni Lev sa akin. "I tried one of hers and I was so stunned that I couldn't believe she could make such masterpiece. I'm sure you know what I'm talking about.""Oh," Auntie nodded. "That shitty place she called Casa de los Desiertos? It wasn't that grand.""But it is!" Lev insisted. "It was the best that I tasted."Siniko ko si Lev, trying to signal him to not continue what he's about to say. Kumunot yung noo niya kaya umiling lang ako."We have different definition of success, hijo. Maybe para sa'yo, success na yun. But in our family, that's just the bare minimum," She said.Again, a stab in the heart. Kali can't even go against Auntie. Siguro dahil takot din siya dito. I tried to swallow the lump on my throat. My hardwork being invalidated again."So, have you eaten yet?" Auntie changed the topic. "We brought our chef. Anong gusto mong kainin?""I can eat anything, Tita," Sagot ni Lev."Madali ka naman palang kausap," Ngiti niya. "Kaia, can you get the chef and tell him to start cooking?"Nagkatinginan muna kami ni Lev bago ako humayo. Gusto ko sanang umayaw kasi ayoko namang iwan si Lev but I don't want to quarrel with Auntie in front of Lev.Pumasok ako sa caravan para sabihan yung chef namin sa bahay. I saw him with his back facing me. Kumunot ang aking noo. He's whimpering."Chef Arnold?" I called. "Okay lang po ba kayo?""Po?" Natataranta niyamg sagot. "Okay lang, Ma'am. Konting sunog lang."When he finally faced me, nagulat ako nang makita yung kamay niya. It's burnt and I don't think he can make us food."Good heavens! Hindi po yan konti!" Natataranta kong sigaw at nilapitan siya. "We need first aid.""No. Hindi na po. Kaya ko pa namang magluto. Ano yung gusto niyo?" He asked, ignoring my concern. Pero kahit nakangiti pa rin siya, alam kong masakit ito."Hindi na. I'll go get the medicine kit."Hindi ko hinintay yung sagot niya at agad hinanap yung medicine kit. Ginamot ko yung burn niya saka nilagyan ng petroleum jelly. I can really say na hindi niya kayang magluto."Ako na po ang magluto. Pahinga nalang muna kayo," I suggested."Nako! Okay lang Ma'am. Kaya ko pa naman," Iling niya."Chef anong gusto niyo? Uupo ka lang o mawawalan ka ng trabaho," I threatened him. "I can fire you if you don't do as I say."Nagdadalawang-isip pa siya bago bumuntong-hininga. I took that sign as a yes."Ano yung menu for today?" I asked."Madami Ma'am. But your Auntie wanted the chicken tortilla wrap, sandwich and the chicken drumsticks," Sagot niya.It's indeed Auntie's choice. Gustong-gusto niya talaga yung chicken. Kahit anong klaseng putahe pa 'yan basta chicken."Madali lang pala," I nodded. "Ako na bahala."I took all the ingredients that I'll be needing for the recipe. I did mis en place para organized yung pagluluto ko. I first seasoned the chicken meat that I'll be cooking with. Pinakagusto ni Auntie yung well-seasoned na chicken. Mapili siya sa pagkain kaya medyo kinakabahan ako.As I was doing my job, bigla nalang may pumasok."Lev!" I exclaimed."Kaia. What are you doing?" He asked. "Woah! Are you cooking?" Mangha niyang tanong."Don't tell Auntie na ako ang nagluto," Iling kong sabi."Why not?""Baka hindi niya kakainin," I replied. "Nakita mo naman siguro kung paano niya akong tratuhin, diba?"He nodded. "I'm sorry for that.""Why sorry?" I chuckled. "It's not your doing.""Wala lang. Now I understand why you're like that," Malungkot niyang sabi."Now you understand why I badly want to be free. Kung bakit gusto ko nang makasal," Malungkot akong ngumiti habang ginagawa ang pagluto."Don't worry, Kaia. I'm here. Tutulungan kitang makawala," He smiled assuringly."Thanks, Lev."Noon ko ba gustong makawala kay Auntie ngunit hindi ko magawa. Sa estranghero na ito ko pa pala ito magagawa? I'm happy that he's here."Saan yung chef nga pala? Why are you doing all of this?" He asked.Tinuri ko si Chef Arnold na nakatulog na pala. Maaga kasi siyang gumigising araw-araw para paglutuan si Auntie. Let's say he's deprived from sleep."Our chef had an accident at hindi niya magawang magluto so I volunteered," Sagot ko."Poor guy. Sobrang sakit siguro niyan," Iling niya."Sige na. Baka maghinala sina Auntie kung bakit antagal mo dito. Sabihin mo nalang na mag-assist ako kay Chef," taboy ko sa kanya."Nga pala, I came here to tell you something," He said."Ano yun?""Ngayon alam ko na kung bakit pamilyar kakambal mo," He smiled."Ano?""Mamaya ko nalang iku-kuwento sa iyo. Tapusin mo muna yang niluto mo," kumaway na siya sa akin kaya tumango lang ako.May sasabihin daw pero pabitin naman. Napailing nalang ako at pinagpatuloy yung pagluto. Isang oras mahigit ang lumipas at natapos ko na din yung pagluto. Lumabas na ako at nilapag sa mesa yung mga pagkain. Napangiti si Auntie nang maamoy yung pagkain."Nasaan si Chef Arnold?" She asked.Napakurap ako. "Nasa loob, Auntie. Nagpapahinga.""Hindi talaga ako binibigo ni Chef Arnold. Amoy pa lang nakakatakam na," She praised.Pilit kong tinago yung mga ngiti ko sa labi. Kung alam mo lang na ako ang nagluto, hinding-hindi mo 'yan masasabi sa akin ng harapan."Let's dig in!"Everyone took a plate at kumuha ng pagkain sa mesa. They are all excited to eat it. Yung kabilang tent nga ay napalingon sa amin. Naamoy siguro nila yung pagkain."Ang sarap!" Auntie exclaimed. "Is this a new recipe? I got to ask Chef Arnold later.""Tama ka, Tita. Masarap nga!" Lev complimented and eyed me.Napailing nalang ako at kumain na din para mawala yung ngiti ko sa labi."Kali, ito," Rinig kong sabi ni Lev.Napalingon ako dito and he's putting chicken drumsticks into Kali's plate. Nahihiyang ngumiti si Kali sa kanya at tinanggap yung pagkain."Thank you, Lev," Sagot niya.Ngumiti lang si Lev sa kanya habang nakatitig dito. Kagaya ko ay nakatingin lang din si Auntie sa dalawa, except that her smiles were wider than those she showed earlier when Lev was with me. Kumunot yung noo ko at lumingon kay Lev.What is going on?"What's going on?" I asked Lev the moment we're left alone. Auntie and Kali went home earlier kasi sabi ko gusto ko munang kausapin si Lev. Auntie didn't like the sound of me being alone with Lev. Buti nalang tinulungan ako ni Lev at sinabing importante lang talaga ang pag-uusapan namin.As both parties bade their goodbye's, hindi nakatakas sa aking mga mata ang makahulugang tinginan nina Kali at Lev. At some point, I might have an idea why they're acting like that. Ayoko lang mag-conclude. Baka magkamali ako."What?" Tanong ni Lev."Duh. Those smiles and meaningful eye-contact," I rolled my eyes. "Seriously, Lev. Anong meron sa inyo ng kakambal ko?""Yan nga pala ang iku-kuwento ko sa'yo," He smiled. "It was Kali who helped me when I was drunk. Akala ko ikaw kasi magkamukha kayo."Tumaas ang magkabila kong kilay. "Si Kali yun?"He nodded. "She confirmed it herself after I asked.""In front of Auntie?" "Oo."Nasapo ko ang aking noo. Kaya pala. Let alone that Auntie likes Kali more t
"I-Is Lev gonna be coming over?" Tanong sa akin ni Kali.I'm in our kitchen, baking for our cake. Magb-birthday na kasi kami ni Kali bukas. It's actually my first time celebrating my birthday. Usually kasi lumalayo ako dito kapag birthday namin. Maliban sa hindi naman ako paghahandaan ni Auntie, I also don't want to remind myself how lonely I am. Wala akong mga kaibigan para i-greet ako. Not even my employees know. Si Kali lang yung nag-g-greet sa akin. It was enough though. Kahit through chats and calls lang."I didn't tell him," Sagot ko."Why not?" Nguso niya. "Isn't he like, so close to you?""I don't tell people my birthday," Iling ko. "Why not?""Because I don't celebrate," I smiled sadly. "And besides, baka busy siya bukas. He's always beside his mom.""But you should atleast invite him. Baka magtampo yun sa'yo," Sabi niya I chuckled. "Hindi na yun bata para magtampo.""Can you just invite him?" She insisted. "Madaming handa si Auntie. How are we gonna finish all of it?""Ma
I didn't expect the number of visitors that we have. Ang sabi ni Auntie na sa dinner daw yung celebration. I thought it's only gonna be us. I mean it's been awhile since I celebrated my birthday with family. Nagulat nalang ako na marami nang nakaparada sa harap ng bahay namin. I heard violins playing. Even the chattering of the people, I can hear it from where I am now."Happy Birthday, Kali! It's so nice to finally meet you," Biglang may lumapit sa akin kaya nagulat ako. "Your Auntie told me a lot of things about you. How's life being an architect?"She must've mistaken me for Kali. Hindi naman nakakagulat yun kasi magkamukhang-magkamukha kaming dalawa. Even I sometimes mistaken myself for my twin on pictures. Well, sometimes."It's Kaia po," I corrected her. Napawi yung ngiti niya sa labi na para bang nadismaya. "Oh. The disappointment," iling niya. "Oh well, happy birthday anyways."Hindi na niya hinintay yung sagot ko at agad tumalikod na. The disrespect which I expected from eve
I found myself on the bridge. Don't get me wrong. Hindi naman ako tatalon. It's just healing when I saw the place. Mahangin at walang masyadong tao. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito. Hindi ko din alam kung nasaan na ako. I just drove my car, not knowing the directions until I found myself here. I didn't stop my tears from crawling down my cheeks. No one will judge me here. Gusto ko lang maibsan yung bigat sa aking dibdib. Life was never by my side and I guess it's too much for me to handle now. I look down the river and noticed how calm the current flow is. Pumikit ako nang mariin at huminga nang malalim. I knew that after this, I'll have to face everyone at the party. Hindi nga lang ako sigurado kung babalik ba ako ngayon or I l'll have to stay away from home muna. "I say broken bones. But death? Impossible."May biglang nagsalita kaya dali-dali kong pinahiran ang aking mga luha at nilingon yung tao. She's a she. She's wearing a black hoodie and without a make up on her fa
"Shots pa!" Abot ni Carol sa akin ng baso.I smiled at her and took the glass. Agad ko namang nilagok yung laman at inilagay sa mesa. Carol is already drunk. Napapansin ko na panay lang yung ngiti niya, tumatawa, at nage-ingles na. "Kali," Tawag ko sa kakambal. "It's okay for you to stop drinking."Kinuha ko mula sa kanya yung baso pero binawi niya naman agad. Same as how Carol is doing now, mas dumoble si Kali. She can't even open her eyes. I told her that it's okay na hindi siya iinom but she still insisted."Kaya ko pa, Kaia. I'm your big sister, okay?" She smiled, half-awake."Wow! You are younger than her?" Gulat na tanong ni Carol. "Why do you look older?""Because I'm not the type who smiles a lot?" Irap ko. "Sige na, Kali. Tama na.""Ayoko!" She resisted. Bago pa man niya mainom yung alak ay kinuha na ni Lev yung baso at siya ang uminom nito. Napanguso nalang si Kali at sinamaan ng tingin yung lalaki."Tama na," Lev said, full of authority."Bakit ayaw niyo akong painumin?
I stared at Kali's sleeping face from the mirror. Natutulog pa rin siya hanggang ngayon. I'm sure that this would be her first hangover. I'm worried kasi alam kong sobrang sakit ng first hangover niya kaya I prepared a pain reliever right by my side.Will everything be okay? Did I make the right decision? Letting Lev like Kali wouldn't cause any conflicts, right? I'm okay with it naman. Kung may makakakita man silang magkasama, then they would've thought that it was me. Except for Auntie, of course. She can differentiate us from one another.Inayos ko na yung buhok ko at naglagay ng kolorete sa mukha. I'm going to work today. Even though I am the boss and that I could choose to go and not to, I still chose to go. Kasi ayokong manatili dito sa bahay. Nakakabagot at nakakasakal."Kaia?" I heard Kali called my name.Napalingon ako sa kanya. She's trying to sit back up while holding her head. I can see how she flinched the moment she opened her eyes."You can stay in bed," Sabi ko at nila
Lev stared at Sebastian with knitted brows. Marahil ay hindi niya naintindihan kung bakit kailangan itong sabihin ng lalaki sa harap niya. I, too, am surprised as well. It's a no-brainer that Lev and I are basically seeing each other. Alam naman siguro yan ng lahat."Kaia's not entertaining anyone aside from me," Sabi ni Lev."I'm not saying that I'm stealing him from you. Tinanong mo ako kung anong klaseng babae ang gusto ko. I am merely answering your question," depensa ni Seb sa sarili."I'm just making sure, pare. Know your limitations," pabalang na sabi ni Lev."You are so possessive of her. Bakit? Sinagot ka na ba niya?" Ngisi ni Seb so I had to step in."Tama na," I halted them. "Please not in my shop. You are scaring the customers away."Napalingon ako sa paligid and I guess I was wrong about scaring the customers away. Sa katunayan nga, nakaharap phones nila sa amin, waiting for the drama to arise."Looks like your customers loves the drama," Iling ni Seb. "Don't worry, Kaia.
"I am so sorry of how we acted earlier, hija. Akala kasi namin..." She paused. "It won't happen again."Nasa harap ko ngayon Mommy ni Seb while he is standing behind me. Papauwi na kasi ako. Ayokong maabutan ng hating-gabi kasi delikado na sa byahe. I overthink a lot and I am already thinking of a worst case scenario."It's okay, Tita. We all make mistakes," I smiled assuringly.Napanguso siya bago ako hinawakan sa pisngi. "Why can't it be you? Gusto ko ng manugang na katulad mo."Napangiti ako at hinawakan yung kamay niya sa pisngi ko. "I'm sure there's someone for Seb, Tita. Maybe someone better?""Who could be better than you?" Nguso niya. "Osya. Mag-ingat ka sa byahe. Are you sure you're going to be okay? You can stay here for the night.""I'll be fine po. Thanks for the offer.""Okay," She nodded. "I'm sure this is not the last time that we will be seeing each other. See you soon!""Until then, Tita," I smiled. Nag-beso muna kami bago siya tuluyang nagpaalam at iniwan kami ni Se
I stared at myself in front of the mirror. I refuse to let a single drop of tear ruined my make up. Today is the day, the day when Lev is going to wed. Ewan ko ba kung bakit ako pumayag na pumunta. I told myself that I would never attend his wedding. Kaya nga ako nangabilang-bansa kasi umiiwas ako. But he crossed borders just to see me. Just to invite me to his wedding.Minsan naisip ko na may galit ba siya sa akin. Does he want me to suffer? Or did he assumed that I was okay with this, that I moved on? Does it look like that?Pero kahit pa anong pagkamuhi ko sa mga nangyayari, I still invited myself to be hurt. Talagang sumang-ayon akong dumalo. For what, Kaia? For respect? For you not to look pitiful?"Are you ready?" Tanong ni Kali sa akin.Mapait akong ngumiti. "Yeah.""Tara na!"Kali's invited as well. Akala ko pa nga pipigilan ako ni Kali. But no. She's supportive on my decisions. Hindi ko alam kung saan yung kasal kasi I didn't bother looking at the invitation. Kali knows.Mari
Four months later, I busied myself. I went to Italy to follow my dreams. This time, hindi tumutol si Auntie. She supported me together with Kali. Masaya ako kasi ito lang naman ang hinihiling ko sa kanya, to support me. It took a lot of obstacles just to get here and it is all worth it.Sabay na kami ni Kali pumunta ng Europe. She have a project within the area at sakto namang papunta ako dito. We stayed in the same apartment and supported each other. Si Auntie naman ay naiwan sa Pinas. I told her that she should start meeting men. She will not stay young forever."Kaia, I'll go ahead. Baka hindi agad ako makauwi mamaya so kumain ka nalang nang wala ako," paalam ni Kali."Okay, Kali. Mag-ingat ka!" I waved my hand at her."Bye!"She then closed the door behind her. Naiwan na naman akong mag-isa. Tapos na kasi yung class ko sa morning and so I have the afternoon all for myself. Napalingon ako sa bag ko ang something was peeking from the inside. Lumapit ako dito at kinuha yun. Napahint
"C-Come join us!" Utal na aya ni Kali at agad tumayo. "Kukuha lang ako ng extra plates.""Maraming salamat," ngiti ni Ms. Santos. "Pero kasi, basa kami. Nakakahiya namang umupo sa chairs niyo na parang mga basang sisiw."I blinked twice, realizing that it must be freezing for them. Fully airconditioned pa naman yung bahay. "I'm sorry for that," sabi ko at dali-daling lumapit sa AC para hinaan ito."We only have three rooms in the house," sabi ni Auntie."Okay lang. Pwede naman kaming matulog sa sala, diba?" Sagot ni Ms. Santos."No," iling ni Auntie. "I won't allow you to sleep in the living room.""You can stay in my room," presenta ko. Napalingon silang lahat sa akin. "My room is spacious enough to cater all of you. Doon nalang ako makikishare kay Kali."Tumaas ang kilay ng dalawang kapatid ni Lev. Nakangiti naman sa akin si Ms. Santos as if she's very thankful of what I've said. Si Lev naman ay napatingin sa akin na puno ng paghanga sa mga mata. What? Just because they hurt me doe
"Auntie, we need to go," sabi ni Kali.Hindi ako makagalaw. I can't seem to function well now that I saw him. Mas lalo ko nang hindi maintindihan yung nararamdaman ko. Masaya ba ako kasi nakita ko siya? Malungkot ba ako kasi alam kong hindi ko siya malalapitan. Fück!"Go? Saan?" Tanong ni Auntie habang nakahiga pa rin sa sofa. She seems really tired. Sobrang comfy na kasi ng pagkahiga niya at naabutan pa naming nakapikit ang kanyang mga mata. When she's in this state, hindi dapat namin siya dinidisturbo pero dahil sa pagmamadali, hindi na iyon naisip ni Kali. She wants us to go back home."Uwi na tayo," sagot ni Kali.Kumunot yung noo ni Auntie at napaupo, hinarap kaming dalawa. "Umuwi? Bakit? Hindi niyo ba nagustuhan yung lugar? May mga pupuntahan pa tayo bukas. It's part of the itinerary."Umiling si Kali. "The place is good, Auntie. It's one of the most beautiful places that I've been to. Pero kailangan na talaga nating umalis.""Why?" She asked. "I thought you liked it here?""We
"Are you alone?" Tanong niya.Ilang segundo din akong nakatitig sa kanya. Ano ang ginagawa niya dito? Does she needs anything from me? Wala akong maibibigay sa kanya so why is she here? "I'm sorry," iling ko. "I'm with my Auntie today. Why? May kailangan ka ba?""I wanna talk to you. It will be quick, I promise," sabi niya.Kumunot yung noo ko. "Ano?""May I take this seat?" She asked.Kahit hindi ako sigurado kung ano ang pag-uusapan namin, iginaya ko sa kanya yung bakanteng upuan na nasa harap namin. "Go ahead.""Thank you," sabi niya bago umupo. "Before we start I would like to say how beautiful you are today--""Ano po yung pag-uusapan natin?" I asked, cutting her words. She's not here to compliment me, is she? Napansin niya siguro yung pagkawalang gana ko kaya she compliments me first. Hindi niya ba ako kilala? Hindi ba nakarating sa kanya yung mga rumors kung anong klaseng tao ako? I am a snob, unfriendly, unapproachable, and definitely a person who doesn't beat around the bus
We heard the gates open. Halos magkasabay kaming napalingon dito. I heard the wheels making impact on the pebbles outside of the house. Si Auntie."Quick! Pumasok ka na sa kwarto mo!" Pagmamadali ni Kali sa akin.As I was told, I ran upstairs before Auntie could get in. Dali-dali pa akong nagbihis ng pambahay at winasak yung buhok. I immediately went to bed and covered myself with the comforter."Nasaan si Kaia? Alam kong wala siya dito!" I could hear Auntie's voice echoing in the hallways."N-Nasa silid niya lang po!" Sagot ni Kali."I am not a fool, Kali. Narinig ko na magkasama sila ng batang Laurier at nagtanan pa raw. Kaya pala you two are becoming suspiscious." Sabi ni Auntie."Nagsasabi po kami ng totoo!" Kali insisted. "Hindi pa rin niya ginalaw yung pagkain niya. Hindi din namin nakitang lumabas ng silid kaya imposibleng nakipagtanan yun.""Siguro hindi niyo napansin o di kaya'y alam niyo pero nagbubulag-bulagan lang kayo." Auntie paused. "Kapag wala si Kaia pagkabukas ko ng
"A-Ano?""Hindi na naabutan ni Lev si Mommy and it is all because of you! Grabe! Ang lupet mo no? You ruined my brother's reputation and where were you when everyone was bullying him? Wala! Nagtago ka at sarili mo lang yung iniisip mo!" She shouted.I was left in shock. People were bullying him? Hindi ko 'yan alam! Damn! What happened while I was gone? Was it really my fault? Yes, it was. Kung hindi sana ako gumawa ng tanginang ruse na ito edi sana hindi kami nagkilala ni Lev. I wouldn't have to ruin his life. He told me that we should runaway. Pumayag naman ako kasi siya naman kasama ko. He mentioned how his family started disowning him and I didn't know the deeper meaning of that. Bobo mo, Kaia! Hindi mo man lang naitanong sa kanya kung kumusta siya. Siguro tama mga kapatid niya— that you only think about yourself. "Nasaan si Lev?" I asked. "Is he okay?""Lev? You think papayagan ka naming makipagkita sa kanya? Sa lahat ng ginawa mo?" The other sibling scoffed."Alam mo na may ma
"What?!" Nagising ako dahil sa boses ni Lev. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at nakitang umaga na pala. Siguro nasa 9 am na. But what made Lev shout like that?Napalingon ako sa kanya and he's already standing. Nasa tenga niya yung phone niya. He's talking to someone and I can tell that something is wrong. Nakakunot ang kanyang noo at pakurap-kurap na din yung mga mata niya. It seems like he's in a hurry. Dali-dali niya din kasing isinuot yung lower niya na nasa sahig."I'm coming."Binaba niya yung tawag at dali-daling nagbihis."Lev? What's going on?" I asked.Napalingon siya sa akin at pilit ngumti. "I'm sorry, baby, but we need to go.""Go? Where?""I'll explain while we're on the way. Magbihis ka na at ihanda yung mga gamit mo." Sabi niya at pumasok sa banyo.Naguguluhan man ay ginawa ko yung utos niya. Pumasok na din ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo. After that, I prepared my things. Buti nalang hindi ko inilabas lahat ng gamit ko sa bag. It took me a few mi
How am I feeling? I am devoured by jealousy. Paano nagawa ni Lev na talikuran ako only to face the other woman? Lasing siya, Kaia. Hindi niya alam ang kanyang ginagawa.Pero sabi nila, you are most honest when you are drunk. What is this, Lev?"Nagkagusto ka sa akin?" Tanong ni Patty na halata namang namumula na. Ewan ko ba kung sa alak o dahil sa biglaang pag-amin.Lev nodded. "Oo. Well we were young and I had to admit how I admire you."Huh! In-explain pa talaga!"Ano?" Tumawa si Patty. "Dahan-dahan lang, Lev. Hindi kita maintindihan.""Wala!" Iling ni Lev. "Ano lang. Hinahangaan kita noon. Ang bait mo kasi sa akin at minsan lang ako makakita nang babaeng lulusong sa ilalim ng araw. Walang kaarte-arte."Hindi ko mapigilan ang sariling ikompara sa kanya. Maarte ako. Ayokong naiinitan at mas lalong ayokong amoy-araw ako. I was raised to be prim and proper and adventures like what they did when they were young don't interest me. Napaisip tuloy ako. Iyan ba ang mga tipo ni Lev? Yung hi