HALOS walang mapaglagyan ang mga ngiti nina Gretta at Astolfo lalo na at nasa kanilang mga kamay na ang last will and testament ni Divina.“Sa wakas nasa atin na ang huling testamento ng bastardang matanda na ‘yon!” tuwang-tuwa na saad ni Astolfo nang makita ang testamentong nasa kanyang mga kamay. “Mapapasaatin na rin ang lahat ng kayamanan na iniwan ni Papa.”“Dapat lang na bawiin natin ang kayamanan na nararapat na para sa atin na hindi karapat-dapat sa bastardang iyon o sa apo ng bastardang matanda at mas lalong hindi sa isang katulong!” mariing saad ni Gretta.Humarap si Astolfo kay Gretta. “Ngayon na nasa atin na ang last will and testament at selyo, ano na ang sunod nating gagawin, Gretta?”“Kailangan nating kausapin si Atty. Cabalquinto siya ang makakatulong sa atin para palitan ang nakasaad sa testamentong ito.”“Nakakasiguro ka ba riyan sa abogado na ‘yan, Gretta? Baka ilaglag tayo niyan.”Ngumisi si Gretta. “Kuya, walang taong maglalaglag sa ‘yo kung pera ang kanilang sinas
MATAPOS na mahuli nina Inspector Vasquez at PO3 Abarientos ang kasabwat nina Astolfo at Gretta ay dinala nila ito sa presinto at agad na sinimulan na tinanong sa buong nangyari nang araw bago mamamatay si Divina.“Mr. Pedroza, hanggang kalian mo balak manahimik? Alam mo bang mas nilalagay mo sa alanganin ang sarili mo dahil sa ginagawa mong ito?” mariing pagpupunto ni Inspector Vasquez.Napakuyom nang mahigpit si Oscar at pilit na pinipigilan ang kanyang sarili.“Mr. Pedroza!”Hinampas ni Oscar ang mesa na may buong panggigigil. “Ilang beses ko ba kailangang sabihin sa inyo na wala akong kasalanan!” mariing saad nito.“Sa tingin mo ba papaniwalaan ko ang lahat ng sinasbi mo?” tanong ni Lemuel na nakataas ang isang kilay.“Bakit ba ayaw niyo ako paniwalaan?” nasisiphayong tanong ni Oscar na halos mawala na sa kanyang sarili.“Kung ganoon sabihin mo sa akin, sino ang taong ito?” At nilapag ni Lemuel ang litrato sa mesa at inilapit iyon kay Oscar. “Ngayon, sabihin mo sa akin sino ang lal
MATAPOS na malaman nina Stefan na sina Astolfo at Gretta ang may kagagawan ng pagkamatay ng kanyang lola ay nagsimula na silang magmanman at magplano ng kanilang gagawin para mahuli ang mga ito.“Are you sure you’ll be okay here? Don’t you want to come to my office with me?” nag-aalalang tanong ni Stefan kay Eunice.Ngumiti si Eunice at hinaplos ang pisngi ng kanyang nag-aalalang asawa. “Ayos lang ako dito, Mahal. Wala ka dapat na ipag-alala.”“But—”“Trabaho ang pupuntahan mo, Mahal. Ayoko na maging sagabal ako sa pagtatrabaho mo kaya ‘wag ka ng mag-alala. Ayos lang ako rito,” pangungumbinsing saad ni Eunice.Gustuhin man ni Stefan na umangal dahil nag-aalala siya na baka kung ano ang mangyari sa kanyang asawa habang hindi siya nakatingin dito lalopa’t ngayon na alam niya ng sina Gretta at Astolfo ang may kagagawan kung bakit namatay ang kanyang lola. Natatakot siya na baka may gawin din itong masama kay Eunice.Inabot ni Eunice ang pisngi ni Stefan at hinalikan ito roon dahilan para
ISANG MALALIM na paghinga ang pinakawalan ng isang lalaki mula sa kanyang pagkakagising na tila ba ito’y ang unang beses niyang makakalanghap ng hangin. Ilang beses itong nagpahinga-bunga habang iginagala ang kanyang mga mata sa puting k’warto na kanyang kinaroroonan. Ilang beses siyang nagpakurap-kurap ng mga mata na tila inaanalisa ang buong paligid. Makalipas ang ilang minuto na pagkurap ng mga mata ay sinubukan niyang igalaw ang kanyang katawan ngunit hindi niya ito magawang maigalaw o kahit na maiangat man lang. Pakiramdam niya ay namamanhid ang kanyang buong katawan at hindi niya man lang ito maramdaman.“What’s happening?” tanong niya sa kanyang sarili.Sinubukan niyang ibukas ang kanyang bibig para magsalita ngunit ramdam niya ang panunuyo nito maging ang kanyang lalamunan dahilan para walang lumabas na tinig sa kanyang lalamunan. Anumang pilit na subukan ay wala talagang boses na lumalabas sa kanyang bibig.“What exactly did happen?” nasisiphayo at naguguluhan niyang tanong s
ABALA si Lucia sa paglilinis ng mga gamit nang biglang mahulog ang litrato ni Eduardo at nang sandaling dumikit ang kanyang daliri sa litrato ay bigla siyang nakaramdam nang malakas na pagkabog ng dibdib nang sandaling iyon.“Ano itong nararamdaman ko?” bulalas na tanong ni Lucia sa kanyang sarili.Hindi siya mapalagay nang sandaling iyon at mas lalo siyang nakaramdam ng pagkabalisa nang dumapo ang kanyang mga mata sa litratong kanyang hawak.“Ed, anong ibig mong sabihin?” tanong ni Lucia habang nakatitig sa maaliwalas na mukha ni Eduardo, ang lalaking kanyang unang inibig.At nang sandaling iyon ay nanariwa sa kanyang alaala ang mga masasaya, matatamis at kapana-panabik na sandaling dalawa ng kanyang unang pag-ibig.“Hija, dito ka magtatrabaho. Ito ang bahay ng pamilya Salvatore,” pagpapakilala ni Aling Elena.Alalang-alala pa ni Lucia ang unang beses na makita niya ang pamamahay ng mga Salvatore. Aminado siyang labis siya nakaramdam ng pagkamangha nang sandaling iyon dahil sa ganda
“SAPAT na ito, Mr. Salvatore, para hulihin ang inyong—” “No. This isn’t the right time. Let’s hold off a little longer,” saad ni Stefan habang tinitignan ang video na nakunan ni Inspector Vasquez habang minamanmanan ang magkapatid na Astolfo at Gretta Salvatore. “I want to know if there is anyone else stabbing me back.” Dagdag nito nang ibaling ang mga tingin kay Lemuel. At nanariwa sa kanyang alaala ang mga complain na nakarating sa kanya nitong mga nakaraan na mga araw—mga complain tungkol sa mahinang klase ng mga materyales ang ginamit sa mga ginawa nilang mga bahay at maging ang mataas na presyo ng kanilang mga lupa at serbisyo ay labis na mahal. Kilala ang Salvatore Group of Companies sa maganda at hindi matatawarang serbisyo at kalidad ng mga materyales na kanilang ginagamit. Lahat ng kanilang mga ginagamit para sa mga tinatayong bahay, gusali at iba pang infrastructures ay higit pa sa normal standard pagdating sa kalidad ng mga ito maging ang mga lupa na kanil
NAKARAMDAM ng pangangalay si Stefan sa kanyang leeg buhat nang mahabang pagkakaupo dahil sa nakatambak na mga dokumentong naiwan niya dahil sa pag-aasikaso ng kanyang asawa. Napasandal siya sa kanyang upuan para ipahinga ang kanyang likod at leeg nang mapansin niyang bukas na ang ilaw sa kanyang opisina at madilim na sa labas. Napatingin siya sa kanyang relo at doon niya lang napagtanto na pasado ala syete na pala ng gabi.Napatayo si Stefan sa kanyang pagkakaupo. “I need to go,” wika niya sa kanyang sarila at kinuha ang coat at susi saka lumabas ng kanyang opisina.Sa paglabas niya ng kanyang opisina ay wala siyang ibang narinig kung ‘di ang kanyang mga yabag na umaalingawngaw sa tahimik na gusali. Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad hanggang sa makarating siya ng parking lot at dahil sa gabi na ay wala na ring kotse ang naroon bukod sa kanyang sasakyan.“I should get home as soon as possible. It’s not a good idea to leave Eunice
NABALOT nang kakaibang tensyon ang buong k’warto nang sandaling iyon ngunit hindi iyon dama nina Gretta at Astolfo dahil sa pagnanasa nilang magagawa nilang manalo at mapasakanila ang kompanya sa mismong araw na iyon. Pinagmasdan ni Gretta ang mga shareholder na naroon kung saan kitang-kita niya ang ilan na naroon doon ay hindi gusto na makita silang dalawa ng kanyang kapatid. Ngunit, hindi niya iyon dinamdam at ibinaling ang kanyang mga tingin sa mga taong nakausap niya ng mga nakaraang araw.Hindi na pinatagal ni Gretta ang tensyon na bumabalot sa kanilang lahat at binasag ang katahimikang iyon. “Something unpleasant happened in our company a few months ago when our sister Divina was murdered by our daughter-in-law, the wife of our grandson Stefan,” panimula niyang sabi na siyang ikinasinghap ng lahat at pag-iling.Samu’t saring bulong-bulungan ang naging reaksyon ng mga taong naroon. Hindi sila makapaniwala na ang manugang ni Divina ay siyang papatay sa kanilang chairman. Buong aka
“WE are all here to witness the murder, fraud, and documentary falsification cases against Astolfo and Gretta Salvatore vs Stefan Salvatore,” panimula ni Judge Lopez. Ramdam sa buong paligid ang mabigat na hangin sa loob ng korte kung saan naroon si Stefan at ang magkapatid na puno’t dulo ng lahat ng pagdurusa at pag-iisa ng binata. Bagamat nakaposas ang mga ito ay hindi nawawala sa puso ng binata ang galit at poot na kanyang nararamdaman matapos ang lahat ng mga ginawa nito sa kanyang pamilya. Napakuyom ng kanyang mga kamay si Stefan nang sandaling magkrus ang mga mata nila Astolfo at Gretta na hindi niya man lang makakitaan ng pagsisisi bagkus ay tila nanlalaban pa ito na sila ay inosente dahilan para lalong humigpit ang pagkakakuyom niya sa kanyang mga kamay. “Defense Attorney, please proceed to your opening statement.” Puno nang galit ay binigyan niya ng mga tingin ang mga ito na may tahimik na mensaheng, “I will make you pay. You will pay everything!” At matapos noon ay itinuo
MAGKAHALONG tuwa, kaba at pag-aalala ang naramdaman ni Stefan nang marinig niya ang sinabi ni Dr. Kith.“For the time being, we’ll take her to the labor and delivery room and wait until the baby is ready to be delivered,” wika ni Dr. Kith. “I have to go and prepare what she needs.”Matapos noon ay iniwan na ng doktora sina Stefan.“Ahh…ang sakit,” daing ni Eunice habang namimilipit sa nararamdamang sakit.Hindi alam ni Stefan ang kanyang gagawin dahil iyon ang unang beses na makaranas ng ganoon dahilan para ‘di siya makagalaw sa kanyang kinakatayuan.“What should I do to help her to ease the pain that she’s having?” tanong niya sa kanyang sarili na may desperasyon sa kanyang tono.Hindi niya maatim na makita ang kanyang asawa na nasasaktan kung kaya hindi niya man alam ang kanyang kinuha niya ang kamay ng kanyang asawa at marahan na hinawakan iyon.“Calm down, Mahal. You need to relax,” marahan niyang saad na nakatuon ang mga tingin sa kanyang asawa na kagat-kagat ang labi para pigila
NAPATINGIN si Stefan sa kanyang relo at pasado ala sais na ng gabi kung kaya inimpis niya na ang kanyang mga folders na kanyang binabasa at saka tumayo sa kanyang pagkakaupo. Kinuha niya ang kanyang car keys at agad naglakad paalis.“What should I buy for her?” tanong ni Stefan sa kanyang sarili habang nag-i-scroll sa kanyang cellphone naghahanap ng restaurant na pagbibilhan niya ng makakain nilang dalawa ni Eunice.Nang makahanap siya ay agad siyang nagtungo sa restaurant na iyon at um-order ng kanilang makakain pagkatapos noon ay dumiretso na siya ng ospital. Wala pa kalahating oras ay nakarating na siya ng ospital.“I’m just in time,” wika ni Stefan nang i-check ang kanyang relo.Gumuhit sa mga labi ni Stefan ang ngiti habang naglalakad papunta sa k’warto ng kanyang asawa ngunit nang sandaling makarating siya tapat ng pinto ay nakarinig siya ng ibang boses sa k’warto nito—nagtatawanan ang mga ito na tila ang saya-saya sa kanilang mga pinag-uusapan. Nang silipin niya ay nakita niya
NANG makita ni Eduardo ang tila kamukha ng kanyang anak na si Stefan sa ospital ay walang araw na ginagalugad niya ang ospital nagbabakasakaling makita niyang muli ito at makumpirma kung anak niya ba talaga ito.“Where are you going, Dad?” tanong ni Damon na tila napapansin ang palaging pag-alis ng kanyang ama sa kanilang k’warto sa mga nakalipas na mga araw.“Diyan lang, anak. Magpapahangin-hangin lang ako,” tugon ni Eduardo at kinuha ang crutches nito.“Are you not going to use your wheelchair, Dad?”“Hindi, mas makakabuti kung ito ang gagamitin para mapadali ang rehabilitation ng mga binti at paa ako nang sa gayon ay makapaglakad na ako ng hindi gumagamit ng wheelchair at crutches,” nakangiting saad nito.“But don’t you think you shouldn't put too much pressure on yourself?”“Damon, I’m not pushing myself. All I want to do is walk like I used to.” At
NAPABUGA ng hangin si Eduardo sa labis na pagkabagot. Ilang linggo na rin ang nakalipas ng siya ay magising at wala siyang ibang ginawa kung ‘di ang manatili sa k’wartong iyon at lalabas lang kapag schedule ng kanyang therapy. Muli napabuga siya ng hangin at napatingin sa labas ng bintana ng kanyang k’warto kung saan binalot na ng kadiliman at ang liwanag sa bawat k’warto ng ospital na iyon. Habang nakatingin sa munting liwanag na nilalamong kadiliman ay nanariwa sa kanyang isipan ang mga sandali na magkakasama sila ng kanyang buong pamilya, ang aksidente, ang pagkawala ng kanyang asawa at mga taong lumipas na hindi nila namalayan ay tila isang pangyayari na hindi nila lahat inaasahan. Para sa kanya, ang lahat ay tila isang panaginip—panaginip na hindi niya kailanman ginusto.Muling napabuga ng hangin si Eduardo dahil sa mabigat na emosyon na kanyang nararamdaman.“Bakit nangyari ang lahat ng ito sa amin?” tanong niya sa kanyang sarili.Binalot nang matinding katahimikan ang buong k’w
A WEEK AGO…Hindi maalis ni Eunice ang kanyang tingin sa kanyang cellphone na kanyang hawak. Kanina niya pa ito hawak at pinag-iisipan kung tatawagan niya ba ang kanyang ina o hindi. Labis siyang kinakain ng kanyang mga agam-agam at gusto niyang malaman ang buong katotohanan kung ano ba talaga ang tunay na relasyon ng kanyang ina at ni Eduardo at kung anak ba talaga siya ni Eduardo—kung magkapatid ba talaga sila ni Stefan. Wala siyang ibang alam na makakasagot ng kanyang katanungan at makakapagsabi ng katotohanan ay sina Doña Divina at ang kanyang ina. At dahil wala na si Doña Divina, walang ibang nakakaalam ng katotohanan kung ‘di ang kanyang ina.Napahugot siya nang malalim na paghinga at ipinikit ang kanyang mga mata para ikalma ang kanyang sarili at alisin ang mga gumugulo sa kanyang isipan para makapag-isip siya sa kung ano bang dapat niyang itanong sa kanyang ina sa sandaling tanungin niya ito sa totoong pagkatao niya.“Kung ito lang ang paraan para malaman ko ang katotohanan…”
Kumawala si Stefan sa pagkakayakap ni Eunice at tinignan ito sa mga mata.“You should feel sorry,” seryosong saad nito. “And you should be held accountable for your actions!” At sa isang iglap ay inangkin ni Stefan ang labi ni Eunice bagamat ito’y may kagaspangan dahil sa panunuyo dahil sa ilang araw na hindi ito nabasa ay hindi iyon naging alintana sa kanya para manabik na mahagkan muli ang kanyang asawa.Nabigla man sa ginawa ng kanyang asawa ay tinugunan niya rin ang mga halik ni Stefan. Nang sandaling iyon hindi niya maikakaila na na-miss niya din ang mga halik ng kanyang asawa sa mga araw na nawalan siya ng malay. Ngunit sa kabila ng pagpapalitan at pagtanggap ng halik na puno ng pagmamahal sa isa’t isa ay muling sumagi sa kanyang isipan ang agam-agam…o isang katotohanan na siya niyang natuklasan ng nakaraan.Stefan…***SINUBUKAN ni Eunice na baliwalain ang kanyang nalaman ngunit kahit anong pilit niyang alisin iyon sa kanyang isipan ay paulit-ulit pa ring nanariwa sa kanyang al
ITINULAK ni Damon ang kanyang wheelchair papalapit sa higaan ng kanyang ama at saka hinawakan ang kamay nito.“Dad…” mahinang sambit nito na halatang pinipigilan ang kanyang pagluha.Pilit na bumangon si Eduardo sa kanyang pagkakahiga at inabot ang pisngi ng kanyang anak na bakas ang pagbabago sa mukha nito noong huli niya itong makita.“You’ve already grown up a lot, Damon,” wika ni Eduardo habang hinahaplos ang pisngi ng anak.“Same goes to you, Dad,” wika ni Damon na tumawa nang mahina.Habang pinagmamasdang maigi ni Eduardo ang kanyang anak ay biglang sumagi sa kanyang isipan si Amanda, ang kanyang asawa.“Damon, where’s your mom? How is she?” Sunod-sunod na tanong ni Eduardo sa kanyang anak na may halong pananabik at pag-aalala ngunit biglang naglaho ang kanyang pananabik nang mapansin niya ang pagbabago sa reaksyon ng kanyang anak nang banggitin niya ang kanyang asawa.“Damon, why? Is there something wrong with your mom? What happened to her?”Hindi nakasagot si Damon.“Damon?”
SABIK na umuwi si Stefan sa kanilang bahay para ibalita kay Eunice ang magandang balita na kanyang dala. Nang sandaling maiparada niya na ang kanyang kotse ay dali-dali itong naglakad papasok ng mansyon at agad na hinanap ang kanyang asawa.“Mahal? I’m home!” masaya saad ni Stefan na agad ginala ang kanyang mga mata para makita ang kanyang asawa ngunit wala sa sala ang kanyang asawa dahilan para pumunta ito ng kusina ngunit wala rin doon si Eunice. “Where is she?” kunot noong tanong niya sa kanyang sarili.Umakyat si Stefan sa kanilang k’warto para tignan kung naroon si Eunice.“Mahal, are you—”Hindi nagawang matapos ni Stefan ang kanyang sasabihin nang makita niya ang kanyang asawang nakahandusay sa sahig.“Eunice!” bulalas na sambit ni Stefan sa pangalan ng kanyang asawa at mabilis itong nilapitan. “Mahal, mahal! Wake up! What happened?” Sunod-sunod na tanong nito nang