Share

Chapter 82: Sweet Treat

NAKARAMDAM ng pangangalay si Stefan sa kanyang leeg buhat nang mahabang pagkakaupo dahil sa nakatambak na mga dokumentong naiwan niya dahil sa pag-aasikaso ng kanyang asawa. Napasandal siya sa kanyang upuan para ipahinga ang kanyang likod at leeg nang mapansin niyang bukas na ang ilaw sa kanyang opisina at madilim na sa labas. Napatingin siya sa kanyang relo at doon niya lang napagtanto na pasado ala syete na pala ng gabi.

Napatayo si Stefan sa kanyang pagkakaupo. “I need to go,” wika niya sa kanyang sarila at kinuha ang coat at susi saka lumabas ng kanyang opisina.

Sa paglabas niya ng kanyang opisina ay wala siyang ibang narinig kung ‘di ang kanyang mga yabag na umaalingawngaw sa tahimik na gusali. Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad hanggang sa makarating siya ng parking lot at dahil sa gabi na ay wala na ring kotse ang naroon bukod sa kanyang sasakyan.

“I should get home as soon as possible. It’s not a good idea to leave Eunice

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status