Chapter Fourty-Eight: Acceptance••• Ryder"D-Daphne. . ."Napabuntong hininga ako. Ang ingay kasi ng babaeng 'to. Marahil nagising si Daphne dahil sa ingay nito. Wala na akong nagawa kung hindi harapin ito.Is it now or never."K-Kaya pala. . . They're not good to me. Kaya pala si Diane lang ang magaling, ang maganda, and mabait sa panginin ni M-Mama. . .""Dzai, kalma muna tayo ng konti. I-It's not good for your baby," tugon ni Izzy.Naglakad si Daphne papalapit sa amin."K-Kaya pala lagi akong nanaginip ng isang pamilya. . . na ako yung bata, at si Papa ang siyang kasama ko, habang ang babae ay hindi ko kilala. . .""N-Napanaginipan mo si Nanay?" bigla ay naitanong ko."H-Half brother kita."Napatango si Daphne na para bang sumsang-ayon at sumilay dito ang tipid na ngiti. Unti-unti ay napansin ko ang tila kakaiba nitong pagkilos. Para bang nahihilo ito kaya naging maagap ako nang matumba ito at mawalan ng malay. Gulat man ay kaagad rin na umalalay si Izzy kay Daphne.Hinawakan nito
Chapter Fourty-Nine: The History"G-Gusto kong makausap si Mama. . ."Gumuhit ang galit sa mukha ni Ryder. Oo, galit siya sa stepmother ni Daphne. Kung bibigyan lang siya ng pagkakataon para parusahan ito ay gagawin niya talaga. That woman doesn't deserve Daphne's love. Pero heto si Daphne at gusto pang makita ang stepmother."Bakit pa? You should hate her for treating you like that!" inis niyang tugon at pilit na pinapakalma ang sarili."R-Ryder. . . Kahit na hindi patas ang pagtrato niya sa akin, k-kahit na mas pinaramdam niya na mas mahal niya si Diane, kahit pa ipinagtulakan niya ako noon. Gusto ko pa rin siyang makita. I deserves an explanation from her. K-Kahit hindi maganda ang relasyon namin sa isa't-isa, she is still the mother that I have before I know the truth."Napabuntong hininga na lamang si Ryder. He guess na wala siyang magagawa sa gustong mangyari ni Daphne. Nakalimutan niyang masyadong mabait ito at mababa ang loob."Okay, but I'll go with you. Sa totoo lang bawal k
Chapter Fifty: Engagement PartyNakasuot si Daphne ng isang kulay pulang magarbong fitted long slit dress. Kitang-kita ang hubog ng kaniyang katawan kahit pa sabihin na nagkakaroon na ng kaunting baby bump ang kaniyang tiyan. Pinaghandaan niya ang araw na 'to. Para naman kahit pa paano ay haharap siyang maganda sa harap ng mga taong nanakit sa kaniya.Kinuha niya ang isang pulang lipstick at saka iyon inilagay sa kaniyang labi. Ito ang unang beses na gumamit siya ng kulay pula. Ngayon niya lang tuloy na-realize kung gaano kaganda at kabagay sa kaniya ang kulay na ito.“Dzai, ang tigas ng ulo mo! Ulo ko tuloy ang sumasakit dahil sa 'yo!” kumakamot sa ulo si Izzy habang hindi maipinta ang mikha nito. “Alin sa kailangan mo ang magpahinga ang hindi mo maintindihan? Doctor Daphne Romero para hindi ka Doctor, ah!”"I am not a Doctor anymore, Izzy."Nag-resigned na siya. Plano niyang mag-focus sa ipinagbubuntis niya. Isa pa ay ayaw na niyang ma-involve pang muli ang trabaho niya sa mga taong
Chapter Fifty-One: Meet The FianceeHindi malaman ni Daphne kung anong una niyang dapat gawin. Ayaw niyang sagutin ang tinatanong ni Treyton. Ayaw niya rin na mapalapit ito sa kaniya dahil hindi naman niya alam kung anong magiging epekto nito sa kaniyang sistema.“Don't repeat myself again. Why are you vomiting? A-Are . . . Are you pregnant?” muli ay tanong ni Treyton at matalim ang titig nito kay Daphne. Ipinilig ni Daphne ang kaniyang ulo dahil para bang unti-unti siyang nawawalan ng hangin. Nanlalabo na ang kaniyang paningin. Kasabay nito ang panlalambot ng kaniyang tuhod.She's now doomed!Hindi naman mapakali si Ryder nang makita niyang magsuka ang kapatid niya. Sinundan niya ito ngunit may nabangga siyang waitress at natapunan ito ng wine. Tinulungan niya muna ito bago muling sundan si Daphne.Nang tumayo siya ay wala na ito sa paningin niya. Hinanap niya ito sa pinakamalapit na restroom ngunit wala naman ang sumasagot. Nagtanong siya sa event manager kung saan pa mayroong rest
Chapter Fifty-Two: MiscarriageKasabay nang pagsigaw ni Ryder ay ang pagkawala ng malay ni Daphne. Mabilis na kumilos si Diane upang alalayan si Ryder nang buhatin niya ito. Habang si Theo naman ay kaagad na inihanda ang kotse. Hindi alam ni Treyton kung ano ang ire-react niya sa nangyayari. Gusto niyang lapitan si Daphne ngunit kaagad siyang hinawakan ni Laura sa braso. At may ibinulong ito sa kaniya na siyang tuluyang nakapagpigil para sundan niya sila Ryder.Sinenyasan ni Laura ang Emcee upang kunin ang atensyon ng mga bisita. Ngunit si Treyton at ang kaniyang Mommy ay hindi mapigilan ang mag-alala para kay Daphne. Pero para saan pa? They already hurt and broke her. Wala silang karapatan mag-alala, dahil in the first place ay sila rin naman ang nanakit sa damdamin nito."Oh my gosh, A-Ate . . . W-wake up!" umiiyak na sambit ni Diane habang tinatapik ang pisngi ni Daphne. Nasa loob na sila ng kotse. Wala nang malay si Daphne at natatakot si Diane sa posibleng mangyari dahil ultimo
Chapter Fifty-Three: DevastatedNapunta si Daphne bilang sa kaniyang pagkabata. Kasa-kasama niya ang tunay niyang Nanay at naalala na niya lahat mula sa nakaraan niya. Narito muli sila sa munting kubo na tinitirahan nila noon. Ngunit sa iba't-ibang senaryo ang nakikita niya. "Daphne, palagi mong tatandaan na mahal ka ni Nanay at Tatay, hindi ka namin makakalimutan." "Love ko din kayo ni Tatay!" "Daphne, huwag matigas ang ulo mo baka madapa ka!" "Kaya ko 'to, Nay! Malakas yata ako!" "Anong pangarap mo paglaki mo, Anak?" "Hmm . . . Gusto kong maging Doctor, para makatulong ako sa aking kapwa, lalo na sa mga may sakit na bata tulad ko na may allergy! At syempre para sa inyo ni Tatay ay ako ang gagamot sa inyo!" "Wow, susuportahan ka namin ng Tatay mo sa pangarap mo!" "S-Sana kasama ko pa kayo kapag natupad ko na ang pangarap ko . . ." Unti-unting napadilat nang mga mata si Daphne. Papikit-pikit pa ang kaniyang mga mata habang nanlalabo pa rin ito. Inaaninag niya kung nasaan siya
Chapter Fifty-Four: Goodbye, MemoriesNakatanaw si Daphne sa dalampasigan habang papalubog na ang araw. Bumalik sila sa lugar kung saan sila nanirahan ng tunay niyang Ina. Yakap-yakap niya ang sarili habang nakatanaw sa malayo at tila dulo ng karagatanIsang linggo na siyang nagluluksa. Isang linggo na siyang parang baliw na paulit-ulit isinisiksik sa isipan na wala na talaga ang baby niya. Isang linggo na puno ng pagdadalamhati at galit sa puso niya.Paulit-ulit niyang tinatanong ang Diyos kung ano bang nagawa niyang kasalanan. Kung bakit sa kaniya pa nangyari ang puro masasakit na dinanas niya. Wala ba siyang karapatang maging masaya?Inaamin naman niya. Alam niya sa sarili niya kung anong mali niya. Sobra-sobrang pagsisisi ang nararamdaman niya. Ang dami niyang "sana" na araw at gabing pumapasok sa isip niya.Sana hindi na lang siya nagpunta sa engagement party. Sana hindi na siya lumapit pa kay Treyton at Clara. Sana mas pinili niya na lang magpakalayo-layo. Kung sana ay nakinig s
Chapter Fifty-Five: Collien Grace Rossi••○ After 4 years . . . Maingay sa isang classroom ng pang Pilipinong Eskwelahan nang mga oras na 'yon. Ngayon ay oras ng breaktime ng mga batang estudyante."Oo nga at sikat ang Mommy mo, pero wala ka pa rin namang Daddy! Hindi tulad namin kasama namin ang totoong Daddy namin!" sigaw ng batang si Briana at nagtawanan ang buong klase.Mabilis na tumalim ang tingin ng batang si Collien. Itong mga kaklase niyang bully ang palaging nangungutya sa kaniya. Hinahayaan niya lamang dahil araw-araw sinasabi sa kaniya ng Mommy niya na kapag good girl siya ay mas maraming rewards siyang makukuha. But this is so far, masyado nang masasakit ang mga salitang ibinabato sa kaniya."Alam mo, Briana kung hindi ka titigil? I will pull your hair and crash you!""Try me then! Tingnan natin kung kaya mo! Kaya ka siguro iniwan ng Daddy mo kasi maarte ang Mommy mo! Iyon kasi ang sabi ng Mommy ko! Kaya raw kayo narito sa Italy dahil nakabingwit siya ng mayaman. You kno
AUTHOR'S NOTE~ Maraming salamat sa lahat ng sumuporta through reading using bonus, ads and buying coins! Wala ako kung wala kayo. Alam ko po na maraming mas magagaling na Author kaysa sa akin, at sobrang saya ko kung ikaw man ay umabot sa pahinang ito. Salamat sa pagsama sa akin! I also thank God, dahil nakatapos akong muli ng isang story dito sa GN! Hope you'll support me sa iba pang story na gagawin ko. ^-^ Ang next story ko po ay ang THE MAFIA LORD'S OBSESSION na ang bida ay si Phoenix at Jullina. Sana ay masamahan niyong muli ako.~ Ang aral na natutunan ko sa story nila Treyton at Daphne ay, "Huwag natin pangunahan ang mga bagay na nangyayari sa buhay natin. Minsan dumaraan tayo sa sitwasyon na hindi natin inaasahan, but trust the process. Kapag para sa 'yo, para sa 'yo."Date started: May 24, 2022Date end: December 01, 2022STORY WRITTEN BY: febbyflame | Sashi GrayTHANK YOUUUU! ^-^
EPILOGUE"Mommy!" sigaw ni Collien. "Kailangan po ng tulong ni Daddy!" nanginginig na sambit ng limang taong gulang na anak ni Daphne at Treyton na si Collien."What happened sweetie?" aligagang tanong ni Daphne at 'agad itong nilapitan saka hinawakan sa braso para pakalmahin. Ito ang unang beses na nakikita niyang natatakot ito ng husto."H-He can't breath, Mommy! Nakita ko siyang nakahandusay sa sahig at nahihiraoang huminga. . ." sa pagkakataong ito ay umiiyak na si Collien at kaagad niyang pinunasan ang luha nito.Kinakabahan siya, at mabilis na umakyat si Daphne patungo sa kanilang kuwarto. Pagpasok niya sa loob ay saka niya hinanap sa sahig ang asawa. Doble-doble ang bilis at tibok ng puso niya, ngunit wala ito doon."L-Love. . . T-Treyton?""Hey, there Love." nakingiti ito habang nasa pintuan ng shower room, tanging nakatapis lamang ito ng puting tuwalya.Napatingin siya sa pintuan nang marinig ang isang maliit na boses na natatawa. At huling-huli niya si Collien na tila kiniki
Chapter Sixty-Seven: Forgiveness"Use this bluetooth speaker to contact with us. Kung kailangan mo ng tulong, sumigaw ka lang. Ang mga tauhan ko ay naka-stand by. Medyo magiging malayo kami sa 'yo pero garantisadong mabilis ka lang namin na malalapitan. Maliwanag ba sa 'yo, Ma'am Daphne?" tanong ni Captain Silver.Tumango si Daphne at napakuyom ang kaniyang palad. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman niya. Hindi biro ang buwis buhay na gagawin niyang ito para sa dalawang bata. Pero wala siyang pakialam sa buhay niya, ang mahalaga ay mailigtas niya ang mga ito."A-Ate Daphne, t-tatagan mo. Okay?" sambit ni Diane saka siya nito niyakap.Napatingin siya kay Treyton at kaagad siyang humalik dito habang umiiyak. Hindi niya alam ang posibleng mangyari. Hindi niya alam kung ito na ba ang huling halik na mararanasan niya sa binata."M-Mag-iingat ka, kapag sumigaw ka ng tulong. Don't worry, nasa likod mo ako. Hindi ko kayo pababayaan.""Ah- I love you, Treyton. M-Mahal pa rin kita."Baka
Chapter Sixty-Six: Kidnapped••• Diane's POVAng hirap pala kapag alam mo lahat ng nangyayari sa paligid mo. Kapag nadamay o kasama ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman ginusto. Tipong akala nila madali para sa akin ang lahat. Para sabihin ang mga nalalaman ko. Kung sinabi ko ba noon may maniniwala kahit wala akong pruweba? Kung sinabi ko ba kaya ba nilang protektahan ang pamilyang pinoprotektahan ko? I doubt that.Kung sila ang nasa sitwasyon ko? Ano ang gagawin nila? Madaling magsabi na sana sinabi ko ng maaga, sana hindi ko tinago, sana ipinaalam ko kahit ang isa sa kanila. Pero akala nila hindi ako nahirapan. Halos araw-araw akong inuusig ng konsesya ko. Araw-araw na nagdarasal na sana ay masabi ko.Pero ang masakit kasi sa part na nalaman nila ang totoo, bad side ko ang nakita nila hindi ang pagmamahal ko.××××"Sige na, Mommy! Pumayag ka na kasi na sumama si Daddy sa atin Mamaya! Family day kaya!" sambit ni Collien.Napatingin naman si Daphne kay Treyton na ngayon ay prenteng
Chapter Sixty-Five: Trevon's FatherSamantala hindi naman alam ng lahat kung ano ang nangyayari kay Trevon sa kamay ng ina nitong si Laura. "PLEASE, pleㅡplease, Mommy stop huㅡhurting me," nakikita ni Trevon na papalapit na naman sa kaniya ang Mommy niya at this time hindi lang sinturon ang dala nito kung 'di ay may isang kutsilyo pa na nasa kanang kamay nito."Bakit hindi kita sasaktan? Eh, ikaw at ang Daddy mo ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ko! Kayo ng malanding Daphne na 'yon!" lumapat ang isang hagupit ng sinturon na tumama sa mga binti niya. "Tapos gusto mo tatawagin mo siyang, Mama Daphne? Wala kang utang na loob!"Lalong lumakas ang iyak ni Trevon dahil sa paglapat ng sinturon sa parte ng katawan niya. Kahit na wala nang espasyo sa likuran niya ay patuloy pa rin siyang sumisiksik at umaasang hindi siya maaabot ng Mommy niya. Sa murang katawan niyang 'yon ay punong-puno na ito ng sugat at mga pasa."MoㅡMommy, is-stop na pㅡpo," putol-putol na ang boses niya sa kakaiyak,
Chapter Sixty-Four: Boost Sex Drive - [SPG - Warning!]Hindi makapag-focus si Daphne sa trabaho. Narito na ang buong production staff at kasalukuyan ng tinitake ang photos na kailangan nila para sa launch ng Cazoa Homes. Ngunit si Izzy ay nananatili pa rin sa Italy.It's been two weeks since she and Treyton talked about his condition. Hindi inaasahan ni Daphne na gano'n kalala ang sitwasyon nito. Wala sa isip niya na ang sakit nito ay isang malaking dagok sa buhay ng isang lalaki.Simula nang makapag-usap sila ay hindi na ito humaharap sa kaniya. Palagi lamang nitong kinakausap si Collien, sinusund at ipinapasyal. Para bang naging hangin siya dito. Hindi alam ni Daphne kung nahihiya ba ito sa kaniya o sadyang wala na rin talaga itong pakialam sa kaniya. Nagulo tuloy ang nananahimik niyang isip dahil sa mga kinikilos ni Treyton."Balik na sa front! Are you ready, Daphne?" tanong ng Manager niyang si Penny.Parang nagulat pa siya na narinig na napangalan niya. Mabilis siyang tumayo at i
Chapter Sixty-Three: All About The TruthKasalukuyang umiinom si Treyton sa dati nilang tinitirahan ni Daphne. Narito siya labas ng bahay para mag-isang mag celebrate. Unti-unti ng bumabalik sa dati ang lahat. Sobrang saya niya dahil hindi niya inakalang darating ang araw na magkaroon siya ng anak. Malaki ang pasasalamat ni Treyton kay Daphne dahil kung hindi sa kaniya ay hindi niya mararanasan ang mga bagay na ngayon niya lang naranasan. Akala niya palagi siyang mananatili sa itaas. Iyon pala ay babagsak rin siya at dito siya natuto kung paano tumayong mag-isa."Tsk. Nagagawa mo pang uminom kahit na puro ka na problema?"Napatingin si Treyton sa nagsalita at nakita niya si Ryder. Hindi siya nakailag nang bigla siya nitong suntukin. Gulat siya dahil hindi niya inaasahan ang suntok na tatama sa mukha niya."Tang'na, anong trip mo?" inis na tanong ni Treyton sabay pahid ng duo sa kaniyang kilay."Gaya ng dati. Don't tell me umuurong ka na kaagad sa ganitong laban?" sambit ni Ryder.Ang
Chapter Sixty-Two: Reunited - Collien's Wish GrantedHindi maipaliwanag ni Daphne ang nararamdaman. Paanong baog? Tinitingnan niya ang bawat taong naroon na kasama nila ni Treyton. Lahat sila nakayuko-- na para bang alam nilang lahat ang tungkol kay Treyton."K-Kunga baog ka . . . P-Paano ako nabuntis?" naguguluhang tanong ni Daphne. "At first I thought it's just a miracle, but Doctor Webster said na kahit 14% lang ang mayroon ako, malaki pa rin ang tiyansa, pero may mga bagay na dapat kong itigil. Tulad ng pag-inom ng alak-- bawala akong ma-stress, iwasan rin pati ang mapagod ng sobra. Ginawa ko naman 'yon p-pero napansin kong wala namang epekto sa 'yo, k-kaya doon ako nagdesisyon at naisip ko na b-baka hindi ko na talaga kaya. . ."Naramdaman ni Daphne ang pahawak ni Ryder sa kaniyang likuran at inalalayan siyang tumayo. Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig. Bakit walang nagsabi sa kaniya kahit ni isa sa kanila? Hinayaan nila siyang mabulag sa mga nakikita niya. Sa mga naging pa
Chapter Sixty-One: DNA ResultIsang linggo nang nagpapahinga si Daphne sa bahay nila Diane. Dito niya napiling magpahinga lalo pa at gusto rin ni Collien na makasama ang nga pinsan nito. Wala pa rin namang update kung kailan ang dating ng manager niyang si Penny. Kaya naman hindi pa siya sumasabak muli sa photoshoot. Mabuti na lang din at gumaling na ang injury niya. Na-sprain pala ang kaniyang paa.Hindi na rin siya nagkaroon pa ng balita tungkol kay Treyton. Siguro natauhan at nagkaroon na ng hiya sa mukha kay hindi na nagpakita. Pero ang mga nangyari simula nang magkita sila, lahat iyon ay paulit-ulit sa kaniyang isipan na para bang nanunuod siya ng teleserye. Madalas mangyari ito sa tuwing wala siyang pinagkakaabalahan o 'di kaya kapag siya ay natutulala."Tita Daphne, can you teach us po on how to walk confidently?" nakangiting tanong ni Trixie.Nakuha ni Trixie at Collien ang atensyon niya habang nagbabasa siya ng libro. Napaka-cute rin na batang ito. Halos manang-mana kay Theo