Kahit na binigyan si Mayumi ni Miguel ng pagpipilian, halata namang kontrolado pa rin nito ang sitwasyon kahit abogado ang kaharap niya ngayon. Alam nitong hindi kaya bayaran ni Mayumi ang perang multa dahil sa paglabag sa kasunduan. Kahit nga 800,000, wala siyang ganoong pera.Natahimik si Mayumi habang pinoproseso ang lahat ng pag-uusap nila ng attorney ni Miguel. Mabuti na lang dahil matiyaga kahit papaano si Attorney Lopez, hindi siya nito minamadali na magdesisyon agad.Pagkalipas ng ilang sandali, nilagay nito ang kontratang pinirmahan niya noon sa harap niya. Napadako ang tingin niya roon."Miss Romero, malinaw na nakasaad sa kontrata na nalabag mo ito."Karamihan sa mga abogado ay seryoso at pormal. Pakiramdam ni Mayumi, medyo mayabang ang lalaki sa harap niya nang banggitin ang mga salitang iyon. Parang ang baba ng dating niya sa abogado, ngunit maayos naman nitong itinatago ang kayabangan nito. "Sa totoo lang, ayaw naman ni Mr. Lopez na ituloy ang pagkaso kung sakali. Mas m
Mabilis ang mga naging aksyon ni Miguel sa oras na matanggap ang text na iyon ni Mayumi. Pagkatapos ng hapong iyon, inayos agad niya ang appointment ni Mayumi sa isang kakilala para makapag-abort na kinabukasan. Baka kasi magbago pa ang isip nito.Isa itong pribadong ospital na pagmamay-ari pa ng pamilya ni Miguel. Sigurado ang lalaki na walang anumang makakalabas na balita tungkol sa isasagawa nilang dalawa ni Mayumi.Hindi na rin nila kailangang pumila at maghintay pa. Sa isang pitik lang ng kamay ni Miguel, kahit sa araw na iyon ay kaya na nilang magpalaglag ng bata. Subalit iniisip din ng lalaki ang sitwasyon ni Mayumi, alam niya na hindi pa rin ito handa sa gagawing pagpapalaglag. Ngunit wala itong magagawa kinabukasan, kailangan nitong maging determinado sa desisyon nito.Kinabukasan, akala ni Mayumi mag-isa lang itong pupunta sa ospital para sa sa gagawing aborsyon, ngunit nagulat ito nang hindi na tinanggap ni Miguel ang mga gagawin niya sana sa araw na iyon. Ni hindi siya pum
Hindi na nakapaghintay si Senyora sa sagot ni Miguel. Ramdam ni Miguel na pinipigilan lang nito ang matinding galit habang kausap niya ito sa kabilang linya."Sinabi sa akin ni Dr. Cruz na nakita ka raw niya at si Mayumi sa ospital."Wala talagang balak si Miguel na malaman ito ni Seryora pero dahil hindi na nito kayang itago pa ang katotohanan, wala na siyang magagawa kung hindi sabihin ang totoo. Napagtanto niya na walang silbi kung magpapanggap siya."Oo.""Doon ba?" makahulugang tanong ni Senyora."Bakit mo pa ako tinatanong, alam mo naman ang lahat?"Halos sigawan siya si Senyora sa sobrang galit. Matagal nang ganito si Miguel, palaging may sariling pananaw simula pagkabata, kaya't wala na itong magagawa. Hindi alam ni Senyora na naitulak na si Mayumi papasok sa operating room. Inaayos na rin ng ginang ang sasakyan para magtungo sa ospital."Buntis ba si Mayumii?" tanong ng kaniyang ina.Natahimik lang si Miguel. Habang iniisip ni Senyora ang mga nangyari, mas lalo nitong naisip
Sobrang sakit pakinggan ang pag-iyak ni Mayumi sa loob ng silid na iyon. Ang lungkot na matagal nitong inipon ay unti-unting lumalabas sa pamamagitan ng paghikbi nito.Ayaw ni Mayumi magmukhang kawawa sa harap ni Miguel kung kaya’t pinapakita nito sa lalaki na matatag ito—kahit hindi naman.Medyo nanigas ang katawan ni Miguel habang napapakinggan ang mahihinang pag-iyak ni Mayumi sa loob. Kahit anong pigil ng kaniyang asawa, kusa pa ring nanaig ang kalungkutang nararamdaman nito. Medyo namumula na ang mata nito at namumugto dahil sa pag-iyak nito nang labis.Nang humupa na ang pag-iyak ni Mayumi, muling binuksan ni Miguel ang pinto. Hawak nito ang ang isang tray ng lunch ni Mayumi galing sa hotel."Mayumi, kumain ka muna."Medyo garagal ang boses ni Mayumi nang datnan niya. Inangat nito ang tingin sa kaniya at nakita niya ang pamamaga ng mga mata nito. Maryoong karayom na nakaturok sa kamay ng kaniyang asawa galing sa dextrose. Ngayon lang napagtanto ni Miguel ang pagkapayat ni Mayumi
Gusto na lang matawa ni Mayumi dahil sa sinabing iyon ni Miguel. Nakakaloko, parang tinatarantado lang siya nito. Malinaw naman na nagsisinungaling lang si Miguel.Wala man lang itong ginugol na kahit kaunting tiyaga sa pagsisinungaling. Nakaiinis. Hindi nito alam kung gaano iyon kahalaga kay Mayumi pero ginagawang biro lamang nito iyon. Ganoon na lang ba talaga?Nang marinig ni Mayumi ang sinabi nito, hindi niya mapigilang ma-dissapoint lalo kay Miguel dahil kahit kasinungalingan iyon, nagawa pa rin nitong patibukin nang ganoon kalakas ang puso niya.Pagkatapos nito sabihin iyon, bumalik na naman ang itsura nito na parang wala na namang itong pakailam. Mas nakumpirma niya na biro lang nito iyon kaya mas lalo siyang nagagakit.Kinalma ni Mayumi ang kaniyang sarili dahil hindi niya alam kung ano ang magawa niya at ano pa ang masabi niya kay Miguel. Winasak lamang nito ang puso niya. Wala na talagang pag-asa. Sukong-suko na siya.Kahit wala na siyang lakas magsalita pagkatapos ng operas
Hindi alam ng katulong kung ano ang nangyari kay Mayumi. Bigla na lang itong nagkaroon ng sakit. "Kauuwi lang ni Mr. Lopez.""Pumunta ba siya sa kompanya kanina?" tanong niya ulit.Hindi alam ng katulong ang isasagot. Sabagay, hindi naman nito tinitanong ang mga gawain ni Miguel. "Hindi ko rin po alam.""Miss Romero, kumakain na po ba kayo?" nag-aatubiling tanong nito."Hindi pa pero huwag na. Wala naman akong ganang kumain.""Okay po."Sinara nito ang pinto nang umalis. Naramdaman ni Mayumi nang biglang nag-vibrate ang cellphone niya. Kinuha ni Mayumi ang cellphone at sinagot ang tawag ni Anne."Tinatawagan kita buong araw, bakit hindi ka sumasagot?" bungad nito sa kaniya"Natutulog ako. Pasensya na.""Pumunta pala ako sa mall kanina at nakita ko ang kapatid mo. Nagulat ako! Hawak niya ang braso ni Carl Locsin! Nakakabilib talaga ang kapatid mo, bakit kaya nahuhumaling lahat sila sa kaniya?"Matagal nang hindi narinig ni Mayumi ang pangalan ni Carl Locsin."Iyan ba iyong prinsipe ng
Sa mga taon na lumipas, bihirang makaranas si Miguel ng ganoong emosyonal na pakiramdam. At hindi niya iyon matanggap na si Mayumi pa talaga ang nagsabi.Matagal siyang nagtiis sa ugali na pinapakita ni Mayumi pero hindi na niya kayang pigilan ang kaniyang pagkayamot. Mahigpit niyang pinisil ang kamay ni Mayumi, kitang-kita ang mga ugat niya dahil sa kaniyang pagkakahawak. Malamig niya itong tiningnan.“Tingin mo ba ay pinapagawa ko ito sa ’yo para saktan ka?"Sobrang seryoso ni Miguel habang tinitingnan si Mayumi. Ang mga mata niya ay puno na ng galit. Pakiramdam naman ni Mayumi ay parang mababali na ang pulso niya.Tinulak niya ang kamay ni Miguel palayo nang walang emosyon."Sige, kasalanan ko na."Tinutok ni Miguel ang mata niya kay Mayumi, mas lalo lamang lumalim ang galit niya dahil sa pagiging mapang-uyam at sakrastiko nito.Ang mga salitang lumabas mula sa bibig ni Mayumi ay parang martilyo na tumama sa puso ni Miguel. Siyempre, hindi siya iyong tao na magtitiis na ginaganoon
Hindi na gustong sagutin ni Mayumi ang mga nakakainis na tanong ni Miguel.Itinapon niya ang kumot at tumayo pero napabalik lamang siya sa pagkakaupo nang marahan siyang tinulak ni Miguel.Hindi talaga patitinag si Maguel na may kakaibang aura na naman ngayon. Ang liwanag ng paglubog ng araw ay tumatagos sa magandang kilay nito. "Saan ka naman pupunta?"Sinubukan ni Mayumi na tumayo pero masyadong malakas si Miguel ma para bang hindi ito katulad ng ordinaryong tao. Ang malamig, matigas, at payat nitong hinlalaki ay nasa kaniyang balikat at madali siyang nakokontrol."Sa itaas lang ako. Magpapahinga," aniya.Hinaplos ni Miguel ang buhok niya at tinitigan ang bahagyang namumulang mukha niya. "Masyadong mainit sa itaas, dito ka na lang magpahinga sa sala."Galit si Mayumi pero hindi niya magawang ipakita ito sa lalaki ngayon. "Huwag mo akong pigilan," mariin niya na lang na sabi.Humingi sa kaniya si Miguel ng paumanhin pero hindi naman ito sensiro. At kahit sinabi nito iyon, wala nama
Ang mga basang patak ng tubig ay nakadikit sa pilikmata ni Mayumi. Itinaas niya ang kaniyang pilikmata gamit ang nanginginig niyang mga kamay. Sa pamamagitan ng malinaw na hamog, nahirapan siyang makita ang ekspresyon sa mukha niya. Tulad ng sinabi nito sa kaniya, dapat ay maging masunurin siya.Pero matagal nang nakakita si Mayumi ng pagkatao ni Miguel. Mukha itong mabait at kalmado sa panlabas, pero sa totoo lang, ayaw nito ng sinuman na tumututol sa anumang desisyon na ginagawa nito. Kailangan nitong kontrolin ang lahat ng bagay at hindi nito papayagang makawala sa kaniyang kontrol ang kahit anong bagay.Ramdam ni Mayumi ang ginaw at niyakap ang kaniyang basang katawan, nangyayanig siya ng kaunti. Bumulong siya nang malabnaw na boses. "Lumabas ka muna, ako na lang."Ibinaba ni Miguel ang kaniyang mata at tahimik na tinignan ang buong katawan niya.Ang basang mga damit ay dumikit sa katawan niya, at kitang-kita ang mga kurba ng katawan ng babae. Magulo siya, ang damit niya ay gano
Hindi alam ni Mayumi kung bakit biglang nagalit si Miguel. Naiipit siya sa sofa at halos hindi makagalaw.Malupit ang mga mata ni Miguel, malamig na parang yelo, na para bang mga pako na itinusok sa kanyang mukha. Isang saglit niyang iniiwasan ang mga mata nito habang tinutok ang mga tingin sa bawat parte ng kanyang mukha, hindi iniiwasan ang kahit pinakamaliit na detalye. Nang makita nitong tahimik siya, tumaas ang hostility sa mga mata nito.Medyo natatakot si Mayumi sa ganitong estado ni Miguel. Kung tatakbo siya, mas lalong magagalit ang lalaki. Hinila siya nito sa buhok at iniiwas siya ng medyo magaspang."Magsalita ka."Hindi alam ni Mayumi kung ang tinutukoy ni Miguel na lalaki ay ang kaniyang tiyuhin o si Patrick.Ayaw niyang malaman ni Miguel na nasa bilangguan ang kanyang tiyuhin, at hindi rin niya gustong malaman nito ang tungkol kay Lawyer Li.Bagamat wala namang nararamdaman si Miguel para sa kanya, sensitibo ito pagdating sa mga bagay na ito. Hindi nito gusto ang mga lal
Naisip ni Mayumi na dinala siya ni Miguel sa Cebu dahil kailangan siya nito para sa trabaho, pero sa pagkakataong ito, pinayagan lang siya nitong manatili sa hotel. Hindi siya pinahanda ng mga dokumento, at hindi siya dinala sa meeting.Sinulit ni Mayumi ang kaniyang oras ng pagpapahinga at hindi siya nakakaramdam ng pagkaburyong.Bumangon si Miguel nang maaga. Mukhang may epekto ang gamot na ininom ni Mayumi kagabi at tila nakakatulog siya nang mahimbing. Para siyang nahirapan magising sa umaga, at malabo ang kaniyang paningin. Naramdaman niya ang galaw ni Miguel na bumangon, pero hindi niya maigalaw ang kaniyang mga mata.Bago umalis, mukhang yumuko si Miguel at hinalikan siya sa labi, sabay bulong sa kaniyang tainga, at sinabihan siyang manatili lang sa hotel at huwag maglakad-lakad.Hindi ganoon ka-obedient si Mayumi, at hindi naman masyadong inaalala ni Miguel kung ano ang ginagawa niya araw-araw.Ang Tiyuhin ni Mayumi ay nakakulong pa rin, at may natitira pa itong isang taon na
Ang hindi matanggap ni Mayumi ay ang katotohanan na sinabi pa ni Miguel kay Juanda ang tungkol sa operasyon niya. Wala talaga itong pakialam sa nararamdaman niya.Pinigilan ni Mayumi ang sarili na hindi magtakaw ng atensyon, kinagat niya ang kaniyang mga labi at pinili na lang na manahimik. Isang malabo at maulap na hangin ang sumiksik sa loob ng sasakyan, at ang amoy ng sigarilyo ay mapait na amoy na amoy niya.Inabot ni Miguel ang kamay niya at pinisil ang balat gamit ang hinlalaki, at pinaikot ang kanyang mukha, medyo malakas ito pero hindi naman labis. Pinaling siya nito paharap. Habang tinitingnan siya nito, nakita nito ang mga namumugto niyang mata at maputlang mukha, pilit niyang nilunok ang mga salitang gusto niyang sabihin."Secretary Romero, sobrang hindi mo ba talaga gusto si Juanda?""Hindi naman," sabi ni Mayumi. Pakiramdam niya sayang lang ang emosyon na ilaan sa bagay na hindi karapat-dapat. Subalit sinabi niya pa rin ang totoo. "Pero ayaw ko siyang makita. Siguro nama
Nalaman lang ni Juanda ang tungkol sa pagbubuntis ni Mayumi pagkatapos niyang suhulan ang doktor.Pagbalik ni Juanda sa Pilipinas, nalaman niya na ang taong pinakasalan ni Miguel ay si Mayumi at halos sumabog siya dahil sa labis na galit. Bakit si Mayumi pa? Hanggang ngayon, ang kaluluwa ni Mayumi ay parang nagpapahirap pa rin sa kanya. Narinig ni Juanda na hindi pumasok si Mayumi sa trabaho nang isang buwan at kalahati, at naramdaman niyang parang may mali.Anong klaseng sakit ang mangangailangan ng ganoong kahabang bakasyon?Tinanong ni Juanda si Miguel tungkol dito. Hindi siya tanga, at hindi direktang tinanong, pero para bang hindi sinasadya niyang binanggit ang sekretarya nito, ngunit hindi siya pinansin ni Miguel.Kaya't nagdesisyon si Juanda na alamin pa ang tungkol dito, kaya gumastos siya ng malaking halaga para malaman ang ospital kung saan naka-confine si Mayumi.Walang bagay na hindi kayang buksan ng pera sa mundong ito, at hindi niya in-expect na buntis na pala si Mayum
Naging malamig ang reaksyon ni Mayumi Wala siyang ipinakitang emosyon nang marinig ang tungkol kay Juanda pero talagang hindi niya nais makita ito. "Mr. Lopez, kaya mo bang pumunta sa airport mag-isa? Parang wala ring silbi kung ako pa ang isasama mo."Pinisil ni Miguel ang kaniyang kamay nang walang imik. "Pumunta tayo nang sabay. Sakto naman para sa hapunan."Sobrang lapit niya kay Miguel. Hindi ito gumagamit ng pabang. Medyo matapang ito at may kaunting mapait na amoy. Madalas itong magsalita nang tahimik, hindi masyadong mataas o mababa ang tono ng boses.Wala na lang nagawa si Mayumi kung hindi ang magpatianod kay Miguel.Habang nasa biyahe, tumitig si Mayumi sa langit na unti-unting dumidilim sa labas ng bintana. Wala namang ibang iniisip si Mayumi at hindi na nag-abala pang mag-isip ng anuman.Dinala siya ni Miguel sa isang restaurant na hindi kalayuan sa airport. Hindi ito mukhang restaurant na bukas sa publiko. Tahimik at marangy ito, mukhang para lamang sa isang pribadong
Hindi nagulat si Miguel sa sinabi niya. Bagamat maganda si Mayumi, sobrang introverted siya at mukhang isang mabait na babae. Hindi siya makapagsabi nang malakas kahit may gusto siya, kaya't pinipilit na lang itago ito sa kaniyang puso.Umangat ang gilid ng labi ni Miguel at walang pakialam na nagsalita."Sayang naman."Hinawakan ni Mayumi ang sticky note sa kamay niya. Ang dilaw na papel na iyon ay puno ng mga iniisip ng isang batang babaeng in-love. Ngayon, nagagalak siya na hindi niya inilagay ang pangalan ni Miguel doon, at pinili lang niyang isulat ang isang abbreviation.Pati ang abbreviation ni Miguel ay nakatago sa ilalim ng papel. Nilingon ni Mayumi ang papel, ang boses ay medyo malungkot nang magsalita siya ulit."Wala naman talagang dapat akong pagsisihan."Tinitigan siya ni Miguel. Ang maliit na babae ay pinipigilan ang labi at ibinaba ang mga pilikmata. Mukhang malungkot siya. Hindi mahirap hulaan na talagang mahal na mahal niya ang batang lalaki na iyon. Matagal na ang m
Hindi alam ni Mayumi kung anong klaseng relasyon mayroon sila ni Miguel ngayon. Hindi pa sila pwedeng ituring na magkasintahan pero wala namang ibang tao sa paligid nilang dalawa.Si Miguel ang nagmamaneho ng kotse at tinanong siya nito tungkol sa address na alam na alam niya.Nag-atubili si Mayumi saglit, pagkatapos ay kalmado niyang binigay ang address niyon. Hindi siya nakabalik doon sa loob ng maraming taon. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Habang tinitingnan ang hindi pamilyar na tanawin sa labas ng bintana, hindi niya maiwasang magsalita."Mag-drive ka nang dahan-dahan. Diyan lang pwedeng mag-park sa pasukan ng alley."Inangat ni Miguel ang kamay nito at inayos ang buhok. Tila mas magaan ang pakiramdam na nito kaysa kagabi. Kumanta pa ang lalaki nang mahina.Bigla itong may naaalala dahilan para matawa ang lalaki nang mahina. Ang mga mata nitong singkit ay tila ngumingiti rin. Ang tapat nitong ngiti ay medyo nakakabighani."Sinabi sa akin ni Juanda dati na napakaganda ng mga any
Biglaang naglaho ang pagmamahal at pagnanasa sa mga mata ni Miguel. Dahan-dahan itong umalis at naglakad palabas.Nawala rin ang matinding pakiramdam ng presyon na nararamdaman ni Mayumi. Sinabi niya ang linyang iyon na walang ibang ibig sabihin, tanging paglalahad lang ng isang katotohanan.Sa transaksiyong ito, magkaibang posisyon na sila. Si Miguel ang may kapangyarihan. Ito ang nagpasimula ng lahat, at ito rin ang gumawa ng mga alituntunin. Ito lamang ang may huling salita sa lahat ng bagay.Wala nang halaga ang mga iniisip ni Mayumi. Bakit nga ba kailangang mag-alala si Miguel na mabuntis siya? Batid ni Mayumi na hindi na muling mangyayari iyon.Tulad ng sinabi niya noong nakaraan, sa huli, katawan ni Mayumi ang inaabuso, at hindi siya lalaban sa kaniyang sarili. Pumikit si Mayumi nang mariin at nagsalita. "Miguel, gusto mo pa bang magpatuloy?"Kung hindi ay matutulog na siya. Talaga namang inaantok na siya.Makaraanl, narinig niya ang boses ni Miguel. Ang malamig at pigil na ti