Siya ang nagligtas sa akin.Natawa nang pagak si Mayumi. Ang mga salitang iyon ay parang magaan lang pakinggan.Tumingin si Mayumi kay Miguel na parang walang nangyari."Ganoon pala. Ang galing naman, ‘no?"Nagsindi si Miguel ng sigarilyo, at nang maubos na ito ay sandaling nag-isip ang lalaki bago ito ipinatong sa ashtray. Napatingin ito sa kaniya."Ano naman ang kakaiba roon?"Kailangan pa ring magpanggap ni Mayumi na wala siyang alam tungkol sa bagay na iyon. Maiisip kasi nito kung gaano siya kabigat magtago ng emosyon. Ang mga mata niya ay namumugto at pulang-pula pa nang balingan ang lalaki."Medyo hindi ko inasahan na ganoon mo siya nakilala."Tumingin si Miguel sa kaniya nang matagal, mukhang pinoproseso ang kaniyang sagot. Napansin nito ang kaniyang pamumutla, kung gaano siya katuwid umupo, at kung paanong parang natatakot na inahing manok ang pagka-tense ng buong katawan niya habang kaharap ang lalaki. Hindi ito magandang tingnan, sa isip-isip ni Miguel.“May dumukot sa akin
Tumayo si Miguel at tiningnan si Mayumi. Pagkalipas ng ilang sandali ay sumagot ang lalaki sa kaniya."Pasensya na, Mayumi, pero kailangan ko talagang umalis."Gaano ba talaga ito nag-aalala kay Juanda? Hindi niya mapigilan ang pagka-inggit. Hindi ba siya kaya nitong unahin kahit ngayon man lang?Halos mawalan na ng malay si Mayumi dahil sa labis na sakit, kaya't malalim siyang huminga. Ang pagpapakita niya ng kahinaan ay ang pinakahuli niyang gagawin sa harap ni Miguel kung kaya’t tiniis niya lang ang sakit.“Sige, tulungan mo na siya,” kalmado niyang sabi sa lalaki.Habang inaayos ang suot na kurbata, kinuha ni Miguel ang kaniyang suit at hindi na tumingin pabalik kay Mayumi. Umalis na agad ito nang hindi siya binabalingan.Pagkababa sa hagdan, nakita ni Miguel na nakahanda na ang driver at mga bodyguard. Pinasa ni Miguel ang susi ng kotse sa driver habang may seryosong ekspresyon sa mukha.“May pupuntahan tayo,” sambit ni Miguel. Batid na iyon ng driver kaya tumango na lamang ito s
Nakaupo si Juanda sa kandungan ni Miguel. Tinutok niya ang mga mata niya sa lalaki kahit na namumugto ito dahil sa pag-iyak. Ginagamit niya ang kaniyang mga luha para ipakita ang kaniyang kahinaan. Ganoon ang ginagawa niya tuwing nagkakaroon sila ng away na dalawa."Miguel, nagkamali ako."Patuloy na dumadaloy ang mga luha ni Juanda, basang-basa na ang mukha niya habang nakatingin kay Miguel. "Huwag mo nang gawin ito sa akin."Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Ang boses niya ay garagal at parang naiipit. Talaga namang nasasaktan siya sa nangyayari sa kanilang dalawa ni Miguel.Natahimik si Miguel nang ilang sandali habang pinagmamasdan siya. Seryoso itong tumitingin sa kaniya habang hinahawakan ang baba niya. Sa madilim na bahagi ng bar, masuyo at dahan-dahang pinunasan ni Miguel ang mga luha sa mukha ni Juanda gamit ang panyo. "Forget it."Bakit pa kasi nag-aalala pa rin ito kay Mayumi? Sino ba ito sa lalaki? Wala naman iyong silbi!Ang mga mata ni Juanda ay namumugto pa rin, at bah
Hindi na mahalaga kay Mayumi kung magdi-divorce sila o hindi. Parang wala naman talagang malaking pagkakaiba kung maghihiwalay sila ngayon o kahit matapos pa ang dalawang taon ayon sa kontrata. Maliban na lang na kailangan niyang humanap ng ibang paraan para masuportahan ang mataas na gastusin ng kanyang ina sa ospital. Bukod doon, wala nang ibang pagbabago ang mangyayari pa.Nag-isip si Mayumi nang seryoso at tapat na tiningnan si Miguel."Kung iyon ang gusto mo, madali lang naman sa aking gawin iyon."Makiki-cooperate naman siya nang walang kondisyon para lamang matapos nang maaga ang kontrata, basta’t bayaran siya ni Miguel ng kaukulang liquidated damages ayon sa mga kondisyon ng kontrata.Napansin ni Mayumi na nang sabihin niya iyon, parang mas lalo lamang sumama ang mukha ni Miguel. Tahimik ito at hindi nagsasalita, sobrang dilim din ng ekspresyon nito. Hindi ba nito nagustuhan na binuksan niya ang usaping iyon?Hindi talaga maintindihan ni Mayumi ang ugali ni Miguel, minsan masa
Hindi natuwa si Miguel nang marinig ang sinabi ni Mayumi. Dapat hindi na lang siya nagsalita nang marami. Kung marami pa siyang sinabi, baka magmukha siyang nagmamalasakit sa kaniyang kaharap. Natahimik si Miguel nang ilang segundo, pagkatapos ay napataas siya ng kilay at ngumiti nang malamig kay Mayumi."Sana nga, maging ganoon ka kalaya sa lahat ng bagay, Secretary Romero."Marami nang mga nakilalang mga babae si Miguel na hindi marunong maghusga ng tao.Mayroon siyang pinsang babae na isa ring mayaman na umiibig sa isang binatang lalaki na nagmula sa mahirap na pamilya. Hinabol ito ng pinsan niya nang maraming taon. Binigyan din ng lahat ng pangangailangan—pagkain, inumin, at lahat. Masasabi na ang buong puso at kaluluwa nito ay ibinuhos lamang sa isang lalaki. Pero sa huli, hindi rin naman ito minahal ng lalaki.Nang nakaya na ng lalaki na tumayo sa mga paa nito, tinaboy na nito ang kaniyang pinsan na walang kalaban-laban matapos pagkakitaan ng pera.Natatandaan niya na pumunta pa
Alam ni Mayumi na nagulat niya ang nars sa ospital na tinawagan siya dahil sa bayolente niyang tono matapos marinig ang binalita nito sa kaniya. Kilala siya nito bilang isang tahimik at mahinahong babae na kailanman ay hindi pa nagtataas ng boses.“Nakita ko po si Mrs. Clarita de la Cruz-Romero na dumating at may dalang bulaklak. Hindi naman siya mukhang masamang tao at sinabi rin niya na matagal na siyang kaibigan ni Mrs. Martha kaya pinapasok ko siya,” nanginginig na sabi ng nars kay Mayumi sa kabilang linya.Nagalit si Mayumi at medyo nahirapan siyang mag-isip nang maayos dahil sa narinig. Bihira siyang magpakita ng galit na ekspresyon sa nakakausap."Kung bibisita siya ulit, pakisabihan na lang siyang umalis."Huminga nang maluwag ang nars, "Sige, Miss Romero. Pasensya na."Pinutol ni Mayumi ang tawag, pero hindi pa rin nawawala ang galit niya. Medyo nahirapan siyang ikalma ang sarili. Nagsimula siyang mag-isip kung ano ang dahilan ng pagbisita ng ginang na iyon sa kaniyang ina.Hi
Medyo nanginginig na si Mayumi sa lamig, kung kaya't mahigpit niyang tinakpan ng shawl ang kaniyang balikat. Naghanap siya ng sulok sa bulwagang iyon na hindi masyado matao, at humingi ng isang basong tubig mula sa waiter.Ang auction dinner ay parang isang night light, punong-puno ito ng kasiglahan at ingay. Nakita ni Mayumi ang mga kilalang tao sa buong Luzon. Kitang-kita niya rin ang pagiging prominenteng tao ni Juanda. Kilalang tao na talaga ito.Sa totoo lang, nagsimula rin si Mayumi sa jewelry design katulad ng kaniyang kapatid. Ilang beses na rin siyang pinili ng kaniyang guro para sumali sa mga kompetisyon tuwing bakasyon noong unang taon niya sa kolehiyo. Nasa parehong baitang sila noon ni Juanda na parehong galing sa parehong paaralan at kolehiyo, ngunit magkaibang klase sila at magkaiba ring guro.Tuwing may design competition, may mga bagong mukha na nagpapakita ng kahusayan sa pagdesinyo at kabilang na silang dalawa roon. Noong taon na iyon, bago isumite ni Mayumi ang kan
Hindi pinansin ni Mayumi si Miguel. Kahit na ilang pares na ng mga mata ang nakatingin sa kaniya ngayon, nanatili silang kalmado.Puno ng poot na pinagmasdan ni Mayumi ang ina ni Juanda. Nasa mid-forties na ang ginang pero nagmumukha itong bata. Hindi naman ito kagandahan subalit medyo maamo ang mukha nito’t nakakahalina na dahilan para hindi mangamba ang mga tao sa paligid nito.Biglang naalala ni Mayumi noong una niyang nakilala ito. Kasama niya noon ang kaniyang ina sa ward kung saan ito nakaratay, hindi niya alam kung mabubuhay pa ba ang kaniyang ina ng mga sandaling iyon.Nasa labas ang kabit ng kaniyang ama at pinagmamasdan sila mula sa bintana na gawa sa glass.“Kaawa-awang bata,” plastik na wika nito.Halos lahat ng mga tao sa pamilya Arellano ay namatay. Ang kaniyang tiyuhin ay nabubulok sa kulongan dahil sa nga commercial crimes. Samantala, dinala naman si Mayumi ng kaniyang ama patungong Manila.Batid niya na ayaw naman talaga siyang akuin at kupkupin ng kaniyang ama subali
Ang mga basang patak ng tubig ay nakadikit sa pilikmata ni Mayumi. Itinaas niya ang kaniyang pilikmata gamit ang nanginginig niyang mga kamay. Sa pamamagitan ng malinaw na hamog, nahirapan siyang makita ang ekspresyon sa mukha niya. Tulad ng sinabi nito sa kaniya, dapat ay maging masunurin siya.Pero matagal nang nakakita si Mayumi ng pagkatao ni Miguel. Mukha itong mabait at kalmado sa panlabas, pero sa totoo lang, ayaw nito ng sinuman na tumututol sa anumang desisyon na ginagawa nito. Kailangan nitong kontrolin ang lahat ng bagay at hindi nito papayagang makawala sa kaniyang kontrol ang kahit anong bagay.Ramdam ni Mayumi ang ginaw at niyakap ang kaniyang basang katawan, nangyayanig siya ng kaunti. Bumulong siya nang malabnaw na boses. "Lumabas ka muna, ako na lang."Ibinaba ni Miguel ang kaniyang mata at tahimik na tinignan ang buong katawan niya.Ang basang mga damit ay dumikit sa katawan niya, at kitang-kita ang mga kurba ng katawan ng babae. Magulo siya, ang damit niya ay gano
Hindi alam ni Mayumi kung bakit biglang nagalit si Miguel. Naiipit siya sa sofa at halos hindi makagalaw.Malupit ang mga mata ni Miguel, malamig na parang yelo, na para bang mga pako na itinusok sa kanyang mukha. Isang saglit niyang iniiwasan ang mga mata nito habang tinutok ang mga tingin sa bawat parte ng kanyang mukha, hindi iniiwasan ang kahit pinakamaliit na detalye. Nang makita nitong tahimik siya, tumaas ang hostility sa mga mata nito.Medyo natatakot si Mayumi sa ganitong estado ni Miguel. Kung tatakbo siya, mas lalong magagalit ang lalaki. Hinila siya nito sa buhok at iniiwas siya ng medyo magaspang."Magsalita ka."Hindi alam ni Mayumi kung ang tinutukoy ni Miguel na lalaki ay ang kaniyang tiyuhin o si Patrick.Ayaw niyang malaman ni Miguel na nasa bilangguan ang kanyang tiyuhin, at hindi rin niya gustong malaman nito ang tungkol kay Lawyer Li.Bagamat wala namang nararamdaman si Miguel para sa kanya, sensitibo ito pagdating sa mga bagay na ito. Hindi nito gusto ang mga lal
Naisip ni Mayumi na dinala siya ni Miguel sa Cebu dahil kailangan siya nito para sa trabaho, pero sa pagkakataong ito, pinayagan lang siya nitong manatili sa hotel. Hindi siya pinahanda ng mga dokumento, at hindi siya dinala sa meeting.Sinulit ni Mayumi ang kaniyang oras ng pagpapahinga at hindi siya nakakaramdam ng pagkaburyong.Bumangon si Miguel nang maaga. Mukhang may epekto ang gamot na ininom ni Mayumi kagabi at tila nakakatulog siya nang mahimbing. Para siyang nahirapan magising sa umaga, at malabo ang kaniyang paningin. Naramdaman niya ang galaw ni Miguel na bumangon, pero hindi niya maigalaw ang kaniyang mga mata.Bago umalis, mukhang yumuko si Miguel at hinalikan siya sa labi, sabay bulong sa kaniyang tainga, at sinabihan siyang manatili lang sa hotel at huwag maglakad-lakad.Hindi ganoon ka-obedient si Mayumi, at hindi naman masyadong inaalala ni Miguel kung ano ang ginagawa niya araw-araw.Ang Tiyuhin ni Mayumi ay nakakulong pa rin, at may natitira pa itong isang taon na
Ang hindi matanggap ni Mayumi ay ang katotohanan na sinabi pa ni Miguel kay Juanda ang tungkol sa operasyon niya. Wala talaga itong pakialam sa nararamdaman niya.Pinigilan ni Mayumi ang sarili na hindi magtakaw ng atensyon, kinagat niya ang kaniyang mga labi at pinili na lang na manahimik. Isang malabo at maulap na hangin ang sumiksik sa loob ng sasakyan, at ang amoy ng sigarilyo ay mapait na amoy na amoy niya.Inabot ni Miguel ang kamay niya at pinisil ang balat gamit ang hinlalaki, at pinaikot ang kanyang mukha, medyo malakas ito pero hindi naman labis. Pinaling siya nito paharap. Habang tinitingnan siya nito, nakita nito ang mga namumugto niyang mata at maputlang mukha, pilit niyang nilunok ang mga salitang gusto niyang sabihin."Secretary Romero, sobrang hindi mo ba talaga gusto si Juanda?""Hindi naman," sabi ni Mayumi. Pakiramdam niya sayang lang ang emosyon na ilaan sa bagay na hindi karapat-dapat. Subalit sinabi niya pa rin ang totoo. "Pero ayaw ko siyang makita. Siguro nama
Nalaman lang ni Juanda ang tungkol sa pagbubuntis ni Mayumi pagkatapos niyang suhulan ang doktor.Pagbalik ni Juanda sa Pilipinas, nalaman niya na ang taong pinakasalan ni Miguel ay si Mayumi at halos sumabog siya dahil sa labis na galit. Bakit si Mayumi pa? Hanggang ngayon, ang kaluluwa ni Mayumi ay parang nagpapahirap pa rin sa kanya. Narinig ni Juanda na hindi pumasok si Mayumi sa trabaho nang isang buwan at kalahati, at naramdaman niyang parang may mali.Anong klaseng sakit ang mangangailangan ng ganoong kahabang bakasyon?Tinanong ni Juanda si Miguel tungkol dito. Hindi siya tanga, at hindi direktang tinanong, pero para bang hindi sinasadya niyang binanggit ang sekretarya nito, ngunit hindi siya pinansin ni Miguel.Kaya't nagdesisyon si Juanda na alamin pa ang tungkol dito, kaya gumastos siya ng malaking halaga para malaman ang ospital kung saan naka-confine si Mayumi.Walang bagay na hindi kayang buksan ng pera sa mundong ito, at hindi niya in-expect na buntis na pala si Mayum
Naging malamig ang reaksyon ni Mayumi Wala siyang ipinakitang emosyon nang marinig ang tungkol kay Juanda pero talagang hindi niya nais makita ito. "Mr. Lopez, kaya mo bang pumunta sa airport mag-isa? Parang wala ring silbi kung ako pa ang isasama mo."Pinisil ni Miguel ang kaniyang kamay nang walang imik. "Pumunta tayo nang sabay. Sakto naman para sa hapunan."Sobrang lapit niya kay Miguel. Hindi ito gumagamit ng pabang. Medyo matapang ito at may kaunting mapait na amoy. Madalas itong magsalita nang tahimik, hindi masyadong mataas o mababa ang tono ng boses.Wala na lang nagawa si Mayumi kung hindi ang magpatianod kay Miguel.Habang nasa biyahe, tumitig si Mayumi sa langit na unti-unting dumidilim sa labas ng bintana. Wala namang ibang iniisip si Mayumi at hindi na nag-abala pang mag-isip ng anuman.Dinala siya ni Miguel sa isang restaurant na hindi kalayuan sa airport. Hindi ito mukhang restaurant na bukas sa publiko. Tahimik at marangy ito, mukhang para lamang sa isang pribadong
Hindi nagulat si Miguel sa sinabi niya. Bagamat maganda si Mayumi, sobrang introverted siya at mukhang isang mabait na babae. Hindi siya makapagsabi nang malakas kahit may gusto siya, kaya't pinipilit na lang itago ito sa kaniyang puso.Umangat ang gilid ng labi ni Miguel at walang pakialam na nagsalita."Sayang naman."Hinawakan ni Mayumi ang sticky note sa kamay niya. Ang dilaw na papel na iyon ay puno ng mga iniisip ng isang batang babaeng in-love. Ngayon, nagagalak siya na hindi niya inilagay ang pangalan ni Miguel doon, at pinili lang niyang isulat ang isang abbreviation.Pati ang abbreviation ni Miguel ay nakatago sa ilalim ng papel. Nilingon ni Mayumi ang papel, ang boses ay medyo malungkot nang magsalita siya ulit."Wala naman talagang dapat akong pagsisihan."Tinitigan siya ni Miguel. Ang maliit na babae ay pinipigilan ang labi at ibinaba ang mga pilikmata. Mukhang malungkot siya. Hindi mahirap hulaan na talagang mahal na mahal niya ang batang lalaki na iyon. Matagal na ang m
Hindi alam ni Mayumi kung anong klaseng relasyon mayroon sila ni Miguel ngayon. Hindi pa sila pwedeng ituring na magkasintahan pero wala namang ibang tao sa paligid nilang dalawa.Si Miguel ang nagmamaneho ng kotse at tinanong siya nito tungkol sa address na alam na alam niya.Nag-atubili si Mayumi saglit, pagkatapos ay kalmado niyang binigay ang address niyon. Hindi siya nakabalik doon sa loob ng maraming taon. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Habang tinitingnan ang hindi pamilyar na tanawin sa labas ng bintana, hindi niya maiwasang magsalita."Mag-drive ka nang dahan-dahan. Diyan lang pwedeng mag-park sa pasukan ng alley."Inangat ni Miguel ang kamay nito at inayos ang buhok. Tila mas magaan ang pakiramdam na nito kaysa kagabi. Kumanta pa ang lalaki nang mahina.Bigla itong may naaalala dahilan para matawa ang lalaki nang mahina. Ang mga mata nitong singkit ay tila ngumingiti rin. Ang tapat nitong ngiti ay medyo nakakabighani."Sinabi sa akin ni Juanda dati na napakaganda ng mga any
Biglaang naglaho ang pagmamahal at pagnanasa sa mga mata ni Miguel. Dahan-dahan itong umalis at naglakad palabas.Nawala rin ang matinding pakiramdam ng presyon na nararamdaman ni Mayumi. Sinabi niya ang linyang iyon na walang ibang ibig sabihin, tanging paglalahad lang ng isang katotohanan.Sa transaksiyong ito, magkaibang posisyon na sila. Si Miguel ang may kapangyarihan. Ito ang nagpasimula ng lahat, at ito rin ang gumawa ng mga alituntunin. Ito lamang ang may huling salita sa lahat ng bagay.Wala nang halaga ang mga iniisip ni Mayumi. Bakit nga ba kailangang mag-alala si Miguel na mabuntis siya? Batid ni Mayumi na hindi na muling mangyayari iyon.Tulad ng sinabi niya noong nakaraan, sa huli, katawan ni Mayumi ang inaabuso, at hindi siya lalaban sa kaniyang sarili. Pumikit si Mayumi nang mariin at nagsalita. "Miguel, gusto mo pa bang magpatuloy?"Kung hindi ay matutulog na siya. Talaga namang inaantok na siya.Makaraanl, narinig niya ang boses ni Miguel. Ang malamig at pigil na ti