Tumayo si Miguel at tiningnan si Mayumi. Pagkalipas ng ilang sandali ay sumagot ang lalaki sa kaniya."Pasensya na, Mayumi, pero kailangan ko talagang umalis."Gaano ba talaga ito nag-aalala kay Juanda? Hindi niya mapigilan ang pagka-inggit. Hindi ba siya kaya nitong unahin kahit ngayon man lang?Halos mawalan na ng malay si Mayumi dahil sa labis na sakit, kaya't malalim siyang huminga. Ang pagpapakita niya ng kahinaan ay ang pinakahuli niyang gagawin sa harap ni Miguel kung kaya’t tiniis niya lang ang sakit.“Sige, tulungan mo na siya,” kalmado niyang sabi sa lalaki.Habang inaayos ang suot na kurbata, kinuha ni Miguel ang kaniyang suit at hindi na tumingin pabalik kay Mayumi. Umalis na agad ito nang hindi siya binabalingan.Pagkababa sa hagdan, nakita ni Miguel na nakahanda na ang driver at mga bodyguard. Pinasa ni Miguel ang susi ng kotse sa driver habang may seryosong ekspresyon sa mukha.“May pupuntahan tayo,” sambit ni Miguel. Batid na iyon ng driver kaya tumango na lamang ito s
Nakaupo si Juanda sa kandungan ni Miguel. Tinutok niya ang mga mata niya sa lalaki kahit na namumugto ito dahil sa pag-iyak. Ginagamit niya ang kaniyang mga luha para ipakita ang kaniyang kahinaan. Ganoon ang ginagawa niya tuwing nagkakaroon sila ng away na dalawa."Miguel, nagkamali ako."Patuloy na dumadaloy ang mga luha ni Juanda, basang-basa na ang mukha niya habang nakatingin kay Miguel. "Huwag mo nang gawin ito sa akin."Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Ang boses niya ay garagal at parang naiipit. Talaga namang nasasaktan siya sa nangyayari sa kanilang dalawa ni Miguel.Natahimik si Miguel nang ilang sandali habang pinagmamasdan siya. Seryoso itong tumitingin sa kaniya habang hinahawakan ang baba niya. Sa madilim na bahagi ng bar, masuyo at dahan-dahang pinunasan ni Miguel ang mga luha sa mukha ni Juanda gamit ang panyo. "Forget it."Bakit pa kasi nag-aalala pa rin ito kay Mayumi? Sino ba ito sa lalaki? Wala naman iyong silbi!Ang mga mata ni Juanda ay namumugto pa rin, at bah
Hindi na mahalaga kay Mayumi kung magdi-divorce sila o hindi. Parang wala naman talagang malaking pagkakaiba kung maghihiwalay sila ngayon o kahit matapos pa ang dalawang taon ayon sa kontrata. Maliban na lang na kailangan niyang humanap ng ibang paraan para masuportahan ang mataas na gastusin ng kanyang ina sa ospital. Bukod doon, wala nang ibang pagbabago ang mangyayari pa.Nag-isip si Mayumi nang seryoso at tapat na tiningnan si Miguel."Kung iyon ang gusto mo, madali lang naman sa aking gawin iyon."Makiki-cooperate naman siya nang walang kondisyon para lamang matapos nang maaga ang kontrata, basta’t bayaran siya ni Miguel ng kaukulang liquidated damages ayon sa mga kondisyon ng kontrata.Napansin ni Mayumi na nang sabihin niya iyon, parang mas lalo lamang sumama ang mukha ni Miguel. Tahimik ito at hindi nagsasalita, sobrang dilim din ng ekspresyon nito. Hindi ba nito nagustuhan na binuksan niya ang usaping iyon?Hindi talaga maintindihan ni Mayumi ang ugali ni Miguel, minsan masa
Hawak ni Mayumi Romero ang pregnancy test stick, at hindi niya mapigilang titigan nang matagal ang dalawang malinaw na guhit na unti-unting lumitaw sa harap niya. Nakaupo siya sa loob ng cubicle ng banyo, tahimik at tila pinipilit niyang balikan kung kailan ang huling pagkakataon na ipinagkatiwala niya ang kaniyang sarili.Siguro’y bunga ito ng pangyayari isang buwan na ang nakararaan.Sumunod siya kay Miguel Lopez sa Palawan noong panahon na iyon para sa isang business trip. Sa kanilang pananatili sa magarang hotel suite, nagamit nila ang lahat ng dala nilang condom.Matapos nilang maligo sa isang hot spring, hilong-hilo pa siya nang maramdaman ang nag-aalab na pag-angkin nito sa kaniya sa kama. Ngunit kinabukasan, matapos ang mapusok na gabi ng kanilang pagtatalik, tila naging hungkag ang lahat. Waring walang nangyaring mahalaga sa pagitan nila na para bang ang init ng gabing iyon ay naparam sa unang sinag ng araw.Nang imulat niya ang kaniyang mga mata, natagpuan niya na lang si M
Highschool pa lang ay sobrang tayog na ni Miguel, parang bituin na tinitingala ng lahat, samantalang halos hindi naman maramdaman ang presensiya ni Mayumi. Tila isa lang siyang ekstra sa isang love story, tahimik na pinagmamasdan ang bidang lalaki at ang kapareha nitong babae na nagroromansahan.Ilang taon na nga ba siyang may lihim na pagtingin kay Miguel? Halos hindi niya na maalala kung kailan iyon nagsimula. Kaya naman noong nag-propose si Miguel ng kasal sa kaniya, akala niya’y nananaginip lamang siya at anumang oras ay magigising siya.Sa loob ng tatlong buong taon sa high school, anim na salita lang ang nasabi ni Mayumi kay Miguel."Hello! Mayumi nga pala pangalan ko."Sa kasamaang palad, hindi man lang maalala ni Miguel na magkaklase sila noong highschool, at tila nakalimutan din nito ang pagsisikap na ginawa niya noon para magkaroon ng lakas-loob na lapitan at makausap ito.Umupo si Mayumi sa kama. Walang ilaw sa kwarto kaya madilim. Hindi niya maiwasang hawakan ang kaniyang
“Pupunta ako kapag may oras ako,” matigas na sabi ni Mayumi at mayroon nang hindi magandang disposisyon.Tipid lamang na ngumiti ang general assistant. "Naka-schedule bukas ang physical examination mo. Sana ay pumunta ka roon."Malalim na huminga at bumuga si Mayumi. “Naiintindihan ko.” Hindi niya inaasahan na ganoon pala katalas mag-isip ni Miguel. “I will be on time,” dagdag niya pa.Medyo matapang ang amoy ng kape sa opisina. Sumama na naman ang pakiramdam ni Mayumi na parang gusto niyang masuka. Binuksan niya ang bintana para magpahangin dahilan para maibsan ang masama niyang nararamdaman.Bago pa man makaalis sa trabaho, nagmamadaling tumungo si Mayumi sa banyo para magsuka. Hindi niya akalain na ganito pala kalala ang sintomas ng pagbubuntis niya.Pagkatapos maghugas ng mukha ay tumunog ang cellphone niya na nasa loob ng bag niya. Nang sagutin niya ito, napansin niyang boses ng lalaki ang tumatawag."Nasaan ka?""Bathroom," sagot niya."Hihintayin kita sa parking lot. Pupunta ta
Nanginginig ang mga kamay ni Mayumi habang bumubuhos ang kaniyang mga luha, tumatama ang bawat patak sa note na iyon, unti-unting binubura ang bawat titik na nakasulat doon. Pinunasan niya ang gilid ng kaniyang mga mata at pisngi na basang-basa ng luha. Mariin niyang kinagat ang kaniyang labi, at sa isang iglap, pinunit ang papel bago marahas itong itinapon sa basurahan.Kilalang-kilala ni Mayumi si Miguel. Palagi siyang sumusunod sa mga gusto nito kaya naman natutuwa ito sa kaniya, at sa bawat pagsunod ay may kapalit na pera. Sandaling naningkit ang kaniyang mga mata habang hawak ang tseke. Huminga siya nang malalim, pinakalma ang sarili, at marahang isinilid ang tseke sa kaniyang bag. Wala siyang karapatang magpanggap. Kailangan niya ang perang iyon para sa kaniyang ina.Pagkatapos pakalmahin ang sarili, bumaba na si Mayumi para mag-almusal.Nakatanggap si Mayumi ng tawag kay Charles, ang Assistant Manager ni Miguel. Pinapaalalahanan siya nito na pumunta sa physical examination nga
Ilang segundong hinintay ni Lucas Valencia ang sagot ni Miguel pero wala itong narinig mula sa kaniya kung kaya’t nagtanong ito muli. “Wala naman sigurong problema, hindi ba?”“I don’t mind.” Walang kahit anong emosyon ang makikita sa mukha ni Miguel nang sagutin ang kaibigang negosyante. Gusto pa sanang magsalita ni Lucas, ngunit naunahan niya ito. "Tanungin mo muna siya kung gusto niya," kampanteng sabi niya, isang matalim na ngiti ang sumilay sa labi.Napabuntonghininga na lang si Lucas sa tinuran niya. “Wala ka bang pakailam sa sekretarya mo? Hindi ka man lang ba nagagandahan sa kaniya?”Para kay Lucas, walang kapantay ang kagandahan ni Secretary Romero, lalo na ang magandang ugali nito. Sinuman ay tiyak na mapapalingon at magkakaroon ng interes, lalo na sa taglay nitong kaakit-akit na pigura at kahanga-hangang hubog ng katawan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, iniisip ni Lucas na napakamalas pa rin ni Mayumi dahil naging sekretarya ito ni Miguel na kilalang mabagsik at walang pa
Hindi na mahalaga kay Mayumi kung magdi-divorce sila o hindi. Parang wala naman talagang malaking pagkakaiba kung maghihiwalay sila ngayon o kahit matapos pa ang dalawang taon ayon sa kontrata. Maliban na lang na kailangan niyang humanap ng ibang paraan para masuportahan ang mataas na gastusin ng kanyang ina sa ospital. Bukod doon, wala nang ibang pagbabago ang mangyayari pa.Nag-isip si Mayumi nang seryoso at tapat na tiningnan si Miguel."Kung iyon ang gusto mo, madali lang naman sa aking gawin iyon."Makiki-cooperate naman siya nang walang kondisyon para lamang matapos nang maaga ang kontrata, basta’t bayaran siya ni Miguel ng kaukulang liquidated damages ayon sa mga kondisyon ng kontrata.Napansin ni Mayumi na nang sabihin niya iyon, parang mas lalo lamang sumama ang mukha ni Miguel. Tahimik ito at hindi nagsasalita, sobrang dilim din ng ekspresyon nito. Hindi ba nito nagustuhan na binuksan niya ang usaping iyon?Hindi talaga maintindihan ni Mayumi ang ugali ni Miguel, minsan masa
Nakaupo si Juanda sa kandungan ni Miguel. Tinutok niya ang mga mata niya sa lalaki kahit na namumugto ito dahil sa pag-iyak. Ginagamit niya ang kaniyang mga luha para ipakita ang kaniyang kahinaan. Ganoon ang ginagawa niya tuwing nagkakaroon sila ng away na dalawa."Miguel, nagkamali ako."Patuloy na dumadaloy ang mga luha ni Juanda, basang-basa na ang mukha niya habang nakatingin kay Miguel. "Huwag mo nang gawin ito sa akin."Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Ang boses niya ay garagal at parang naiipit. Talaga namang nasasaktan siya sa nangyayari sa kanilang dalawa ni Miguel.Natahimik si Miguel nang ilang sandali habang pinagmamasdan siya. Seryoso itong tumitingin sa kaniya habang hinahawakan ang baba niya. Sa madilim na bahagi ng bar, masuyo at dahan-dahang pinunasan ni Miguel ang mga luha sa mukha ni Juanda gamit ang panyo. "Forget it."Bakit pa kasi nag-aalala pa rin ito kay Mayumi? Sino ba ito sa lalaki? Wala naman iyong silbi!Ang mga mata ni Juanda ay namumugto pa rin, at bah
Tumayo si Miguel at tiningnan si Mayumi. Pagkalipas ng ilang sandali ay sumagot ang lalaki sa kaniya."Pasensya na, Mayumi, pero kailangan ko talagang umalis."Gaano ba talaga ito nag-aalala kay Juanda? Hindi niya mapigilan ang pagka-inggit. Hindi ba siya kaya nitong unahin kahit ngayon man lang?Halos mawalan na ng malay si Mayumi dahil sa labis na sakit, kaya't malalim siyang huminga. Ang pagpapakita niya ng kahinaan ay ang pinakahuli niyang gagawin sa harap ni Miguel kung kaya’t tiniis niya lang ang sakit.“Sige, tulungan mo na siya,” kalmado niyang sabi sa lalaki.Habang inaayos ang suot na kurbata, kinuha ni Miguel ang kaniyang suit at hindi na tumingin pabalik kay Mayumi. Umalis na agad ito nang hindi siya binabalingan.Pagkababa sa hagdan, nakita ni Miguel na nakahanda na ang driver at mga bodyguard. Pinasa ni Miguel ang susi ng kotse sa driver habang may seryosong ekspresyon sa mukha.“May pupuntahan tayo,” sambit ni Miguel. Batid na iyon ng driver kaya tumango na lamang ito s
Siya ang nagligtas sa akin.Natawa nang pagak si Mayumi. Ang mga salitang iyon ay parang magaan lang pakinggan.Tumingin si Mayumi kay Miguel na parang walang nangyari."Ganoon pala. Ang galing naman, ‘no?"Nagsindi si Miguel ng sigarilyo, at nang maubos na ito ay sandaling nag-isip ang lalaki bago ito ipinatong sa ashtray. Napatingin ito sa kaniya."Ano naman ang kakaiba roon?"Kailangan pa ring magpanggap ni Mayumi na wala siyang alam tungkol sa bagay na iyon. Maiisip kasi nito kung gaano siya kabigat magtago ng emosyon. Ang mga mata niya ay namumugto at pulang-pula pa nang balingan ang lalaki."Medyo hindi ko inasahan na ganoon mo siya nakilala."Tumingin si Miguel sa kaniya nang matagal, mukhang pinoproseso ang kaniyang sagot. Napansin nito ang kaniyang pamumutla, kung gaano siya katuwid umupo, at kung paanong parang natatakot na inahing manok ang pagka-tense ng buong katawan niya habang kaharap ang lalaki. Hindi ito magandang tingnan, sa isip-isip ni Miguel.“May dumukot sa akin
Hindi na gustong sagutin ni Mayumi ang mga nakakainis na tanong ni Miguel.Itinapon niya ang kumot at tumayo pero napabalik lamang siya sa pagkakaupo nang marahan siyang tinulak ni Miguel.Hindi talaga patitinag si Maguel na may kakaibang aura na naman ngayon. Ang liwanag ng paglubog ng araw ay tumatagos sa magandang kilay nito. "Saan ka naman pupunta?"Sinubukan ni Mayumi na tumayo pero masyadong malakas si Miguel ma para bang hindi ito katulad ng ordinaryong tao. Ang malamig, matigas, at payat nitong hinlalaki ay nasa kaniyang balikat at madali siyang nakokontrol."Sa itaas lang ako. Magpapahinga," aniya.Hinaplos ni Miguel ang buhok niya at tinitigan ang bahagyang namumulang mukha niya. "Masyadong mainit sa itaas, dito ka na lang magpahinga sa sala."Galit si Mayumi pero hindi niya magawang ipakita ito sa lalaki ngayon. "Huwag mo akong pigilan," mariin niya na lang na sabi.Humingi sa kaniya si Miguel ng paumanhin pero hindi naman ito sensiro. At kahit sinabi nito iyon, wala nama
Sa mga taon na lumipas, bihirang makaranas si Miguel ng ganoong emosyonal na pakiramdam. At hindi niya iyon matanggap na si Mayumi pa talaga ang nagsabi.Matagal siyang nagtiis sa ugali na pinapakita ni Mayumi pero hindi na niya kayang pigilan ang kaniyang pagkayamot. Mahigpit niyang pinisil ang kamay ni Mayumi, kitang-kita ang mga ugat niya dahil sa kaniyang pagkakahawak. Malamig niya itong tiningnan.“Tingin mo ba ay pinapagawa ko ito sa ’yo para saktan ka?"Sobrang seryoso ni Miguel habang tinitingnan si Mayumi. Ang mga mata niya ay puno na ng galit. Pakiramdam naman ni Mayumi ay parang mababali na ang pulso niya.Tinulak niya ang kamay ni Miguel palayo nang walang emosyon."Sige, kasalanan ko na."Tinutok ni Miguel ang mata niya kay Mayumi, mas lalo lamang lumalim ang galit niya dahil sa pagiging mapang-uyam at sakrastiko nito.Ang mga salitang lumabas mula sa bibig ni Mayumi ay parang martilyo na tumama sa puso ni Miguel. Siyempre, hindi siya iyong tao na magtitiis na ginaganoon
Hindi alam ng katulong kung ano ang nangyari kay Mayumi. Bigla na lang itong nagkaroon ng sakit. "Kauuwi lang ni Mr. Lopez.""Pumunta ba siya sa kompanya kanina?" tanong niya ulit.Hindi alam ng katulong ang isasagot. Sabagay, hindi naman nito tinitanong ang mga gawain ni Miguel. "Hindi ko rin po alam.""Miss Romero, kumakain na po ba kayo?" nag-aatubiling tanong nito."Hindi pa pero huwag na. Wala naman akong ganang kumain.""Okay po."Sinara nito ang pinto nang umalis. Naramdaman ni Mayumi nang biglang nag-vibrate ang cellphone niya. Kinuha ni Mayumi ang cellphone at sinagot ang tawag ni Anne."Tinatawagan kita buong araw, bakit hindi ka sumasagot?" bungad nito sa kaniya"Natutulog ako. Pasensya na.""Pumunta pala ako sa mall kanina at nakita ko ang kapatid mo. Nagulat ako! Hawak niya ang braso ni Carl Locsin! Nakakabilib talaga ang kapatid mo, bakit kaya nahuhumaling lahat sila sa kaniya?"Matagal nang hindi narinig ni Mayumi ang pangalan ni Carl Locsin."Iyan ba iyong prinsipe ng
Gusto na lang matawa ni Mayumi dahil sa sinabing iyon ni Miguel. Nakakaloko, parang tinatarantado lang siya nito. Malinaw naman na nagsisinungaling lang si Miguel.Wala man lang itong ginugol na kahit kaunting tiyaga sa pagsisinungaling. Nakaiinis. Hindi nito alam kung gaano iyon kahalaga kay Mayumi pero ginagawang biro lamang nito iyon. Ganoon na lang ba talaga?Nang marinig ni Mayumi ang sinabi nito, hindi niya mapigilang ma-dissapoint lalo kay Miguel dahil kahit kasinungalingan iyon, nagawa pa rin nitong patibukin nang ganoon kalakas ang puso niya.Pagkatapos nito sabihin iyon, bumalik na naman ang itsura nito na parang wala na namang itong pakailam. Mas nakumpirma niya na biro lang nito iyon kaya mas lalo siyang nagagakit.Kinalma ni Mayumi ang kaniyang sarili dahil hindi niya alam kung ano ang magawa niya at ano pa ang masabi niya kay Miguel. Winasak lamang nito ang puso niya. Wala na talagang pag-asa. Sukong-suko na siya.Kahit wala na siyang lakas magsalita pagkatapos ng operas
Sobrang sakit pakinggan ang pag-iyak ni Mayumi sa loob ng silid na iyon. Ang lungkot na matagal nitong inipon ay unti-unting lumalabas sa pamamagitan ng paghikbi nito.Ayaw ni Mayumi magmukhang kawawa sa harap ni Miguel kung kaya’t pinapakita nito sa lalaki na matatag ito—kahit hindi naman.Medyo nanigas ang katawan ni Miguel habang napapakinggan ang mahihinang pag-iyak ni Mayumi sa loob. Kahit anong pigil ng kaniyang asawa, kusa pa ring nanaig ang kalungkutang nararamdaman nito. Medyo namumula na ang mata nito at namumugto dahil sa pag-iyak nito nang labis.Nang humupa na ang pag-iyak ni Mayumi, muling binuksan ni Miguel ang pinto. Hawak nito ang ang isang tray ng lunch ni Mayumi galing sa hotel."Mayumi, kumain ka muna."Medyo garagal ang boses ni Mayumi nang datnan niya. Inangat nito ang tingin sa kaniya at nakita niya ang pamamaga ng mga mata nito. Maryoong karayom na nakaturok sa kamay ng kaniyang asawa galing sa dextrose. Ngayon lang napagtanto ni Miguel ang pagkapayat ni Mayumi