Hawak ni Mayumi Romero ang pregnancy test stick, at hindi niya mapigilang titigan nang matagal ang dalawang malinaw na guhit na unti-unting lumitaw sa harap niya. Nakaupo siya sa loob ng cubicle ng banyo, tahimik at tila pinipilit niyang balikan kung kailan ang huling pagkakataon na ipinagkatiwala niya ang kaniyang sarili.Siguro’y bunga ito ng pangyayari isang buwan na ang nakararaan.Sumunod siya kay Miguel Lopez sa Palawan noong panahon na iyon para sa isang business trip. Sa kanilang pananatili sa magarang hotel suite, nagamit nila ang lahat ng dala nilang condom.Matapos nilang maligo sa isang hot spring, hilong-hilo pa siya nang maramdaman ang nag-aalab na pag-angkin nito sa kaniya sa kama. Ngunit kinabukasan, matapos ang mapusok na gabi ng kanilang pagtatalik, tila naging hungkag ang lahat. Waring walang nangyaring mahalaga sa pagitan nila na para bang ang init ng gabing iyon ay naparam sa unang sinag ng araw.Nang imulat niya ang kaniyang mga mata, natagpuan niya na lang si M
Highschool pa lang ay sobrang tayog na ni Miguel, parang bituin na tinitingala ng lahat, samantalang halos hindi naman maramdaman ang presensiya ni Mayumi. Tila isa lang siyang ekstra sa isang love story, tahimik na pinagmamasdan ang bidang lalaki at ang kapareha nitong babae na nagroromansahan.Ilang taon na nga ba siyang may lihim na pagtingin kay Miguel? Halos hindi niya na maalala kung kailan iyon nagsimula. Kaya naman noong nag-propose si Miguel ng kasal sa kaniya, akala niya’y nananaginip lamang siya at anumang oras ay magigising siya.Sa loob ng tatlong buong taon sa high school, anim na salita lang ang nasabi ni Mayumi kay Miguel."Hello! Mayumi nga pala pangalan ko."Sa kasamaang palad, hindi man lang maalala ni Miguel na magkaklase sila noong highschool, at tila nakalimutan din nito ang pagsisikap na ginawa niya noon para magkaroon ng lakas-loob na lapitan at makausap ito.Umupo si Mayumi sa kama. Walang ilaw sa kwarto kaya madilim. Hindi niya maiwasang hawakan ang kaniyang
“Pupunta ako kapag may oras ako,” matigas na sabi ni Mayumi at mayroon nang hindi magandang disposisyon.Tipid lamang na ngumiti ang general assistant. "Naka-schedule bukas ang physical examination mo. Sana ay pumunta ka roon."Malalim na huminga at bumuga si Mayumi. “Naiintindihan ko.” Hindi niya inaasahan na ganoon pala katalas mag-isip ni Miguel. “I will be on time,” dagdag niya pa.Medyo matapang ang amoy ng kape sa opisina. Sumama na naman ang pakiramdam ni Mayumi na parang gusto niyang masuka. Binuksan niya ang bintana para magpahangin dahilan para maibsan ang masama niyang nararamdaman.Bago pa man makaalis sa trabaho, nagmamadaling tumungo si Mayumi sa banyo para magsuka. Hindi niya akalain na ganito pala kalala ang sintomas ng pagbubuntis niya.Pagkatapos maghugas ng mukha ay tumunog ang cellphone niya na nasa loob ng bag niya. Nang sagutin niya ito, napansin niyang boses ng lalaki ang tumatawag."Nasaan ka?""Bathroom," sagot niya."Hihintayin kita sa parking lot. Pupunta ta
Nanginginig ang mga kamay ni Mayumi habang bumubuhos ang kaniyang mga luha, tumatama ang bawat patak sa note na iyon, unti-unting binubura ang bawat titik na nakasulat doon. Pinunasan niya ang gilid ng kaniyang mga mata at pisngi na basang-basa ng luha. Mariin niyang kinagat ang kaniyang labi, at sa isang iglap, pinunit ang papel bago marahas itong itinapon sa basurahan.Kilalang-kilala ni Mayumi si Miguel. Palagi siyang sumusunod sa mga gusto nito kaya naman natutuwa ito sa kaniya, at sa bawat pagsunod ay may kapalit na pera. Sandaling naningkit ang kaniyang mga mata habang hawak ang tseke. Huminga siya nang malalim, pinakalma ang sarili, at marahang isinilid ang tseke sa kaniyang bag. Wala siyang karapatang magpanggap. Kailangan niya ang perang iyon para sa kaniyang ina.Pagkatapos pakalmahin ang sarili, bumaba na si Mayumi para mag-almusal.Nakatanggap si Mayumi ng tawag kay Charles, ang Assistant Manager ni Miguel. Pinapaalalahanan siya nito na pumunta sa physical examination nga
Ilang segundong hinintay ni Lucas Valencia ang sagot ni Miguel pero wala itong narinig mula sa kaniya kung kaya’t nagtanong ito muli. “Wala naman sigurong problema, hindi ba?”“I don’t mind.” Walang kahit anong emosyon ang makikita sa mukha ni Miguel nang sagutin ang kaibigang negosyante. Gusto pa sanang magsalita ni Lucas, ngunit naunahan niya ito. "Tanungin mo muna siya kung gusto niya," kampanteng sabi niya, isang matalim na ngiti ang sumilay sa labi.Napabuntonghininga na lang si Lucas sa tinuran niya. “Wala ka bang pakailam sa sekretarya mo? Hindi ka man lang ba nagagandahan sa kaniya?”Para kay Lucas, walang kapantay ang kagandahan ni Secretary Romero, lalo na ang magandang ugali nito. Sinuman ay tiyak na mapapalingon at magkakaroon ng interes, lalo na sa taglay nitong kaakit-akit na pigura at kahanga-hangang hubog ng katawan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, iniisip ni Lucas na napakamalas pa rin ni Mayumi dahil naging sekretarya ito ni Miguel na kilalang mabagsik at walang pa
Hindi mapigilan ni Mayumi ang kaniyang pamumula sa sinabing iyon ni Miguel. Ang mga salitang binitiwan nito ay tumagos sa kaniyang puso. Makaraan ng ilang saglit, bigla na lang siyang namutla. Ang init na nararamdaman niya sa kaniyang pisngi ay umuurong at napalitan ng malamig na pakiramdam.Kung tratuhin siya ni Miguel ay parang maliit lang na bagay itong ginagawa nito ngayon. Isang parausan lang talaga ang tingin sa kaniya ng lalaki para maibsan ang makamundong pagnanasa nito.Nakita ni Miguel ang mga daliri niya na nabahiran ng tumilapon na alak. Tahimik na hinawakan nito ang kaniyang kamay na ikinagulat niya at seryosong pinupunasan na ngayon ng panyo ang kaniyang mga daliri. Ang bawat galaw ni Miguel ay puno ng pag-iingat, tila binibigyan ng pag-asa ang sawing puso niya.Hindi niya mapigilang bigyan ng kahulugan ang ginagawa ni Miguel sa kaniya na kailanman ay hindi nito ginawa. Kay tagal niya itong hinintay– ang alagaan din siya ng kaniyang asawa kahit sa maiksing panahon. Sapat
Hindi na naman maganda ang pakiramdam ni Mayumi. Epekto iyon ng paulit-ulit na pagtanggi niya sa nais gawing pag-aangkin ni Miguel sa kaniya. Pagkatapos nilang magtalo sa loob ng sasakyan, inutusan lang ng lalaki ang driver na ihatid siya sa villa at hindi na sumama pa sa kaniya. Pagkarating doon ay mabilis siyang naligo. Nang makapagbihis ay matulin siyang pumunta sa kusina para kainin ang cake na naroon sa refrigerator. Sobrang tamis ng cake na iyon pero hindi alam ni Mayumi kung bakit tila parang walang lasa ito habang kinakain niya.Yumuko siya at natagpuan niya na lang ang kaniyang mga luha na naipon sa kaniyang mga kamay. Inisip niya na kaya siya ganoon kaemosyonal ay dahil na rin sa pagbubuntis niya. May mga buntis na masyadong sensitibo at isa na siya roon.Ang totoo’y ayaw niyang umiyak pero hindi niya makontrol ang mga luha niya. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha at umupo muna sa sala para hintayin na humupa ang sakit na nararamdaman.Makaraan ay umakyat si Mayumi sa ik
Mahinanong tinangggap ni Mayumi ang perang binayad sa kaniya ni Miguel. Makaraan ay pumunta siya sa kusina para magluto ng hapunan. Habang ginagawa iyon ay naisipan niyang mag-text sa asawa. Pupunta ka ba ngayon dito para maghapunan ngayong gabi?Tinipa niya iyon sa kaniyang cellphone nang mahinahon kahit nais niyang sumbatan ito. Pagkatapos nilang magpakasal ay madalas pa rin silang nagsasama ni Miguel sa iisang bubong ngunit masyado namang magulo ang kanilang set up. Hindi naman talaga sila nagmamahalang mag-asawa kung umasta.Biglang umusok ang kalderong pinaglulutuan niya, tanda na luto na ang ulam na niluluto niya. Biglang tumunog ang kaniyang cellphone matapos patayin ang stove. Mabilis niya itong kinuha para tingnan ang mensahe ni Miguel.Hindi ako sigurado.Hindi alam ni Mayumi kung ano ang itsura niya nang mabasa iyon pero puno na naman ng hinanakit ang puso niya. Bakit kaya hindi ito sigurado? May kikitain na naman ba itong ibang babae?Tulalang nakaupo si Mayuma sa hapagka
Sa ginawang pag-iyak ni Mayumi, tila ba parang nailabas niya ang mga gusto niyang ipakita na emosyon kay Miguel sa unang pagkakataon.Dahan-dahang inangat ni Mayumi ang kanyang mga tingin sa lalaki. Pulang-pula ang kaniyang mga mata dahil sa pag-iyak at naglakas loob siyang titigan ang mata ng lalaki na wala pa ring emosyon at nananatili pa ring malamig na nakatinging pabalik sa kaniya.“Sa totoo lang, plano ko naman talagang sabihin ito sa iyo sa mga susunod na araw.”Matatanda na silang dalawa, hindi dapat siya maging ganoon kaisip-bata at padalos-dalos. Kahit ano pa man ang irason nilang dalawa, inosente pa rin ang batang dinadala niya. Subalit kahit gusto niyang ituloy ang pagbubuntis, kailangan pa rin niyang pag-usapan ito kasama si Miguel.Ang batang lumaki sa isang pamilyang walang ama ay hindi tutulad sa mga palabas sa TV. Baka hindi niya mabigyan ng magandang buhay ito dahil isa rin siyang salat sa pera. Kahit na bigyan niya ito na labis-labis na pagmamahal at atensyon, kahit
Pakiramdam ni Mayumi ay biglang tumulis ang pirasong papel na iyon nang sumagi sa kaniyang balat ang dulo nito nang inabot iyon ni Miguel. Ang lihim na isang buwan niya nang tinatago sa asawa ay nalaman na nito.Hindi niya mawari kung gaano siya kagulat ngayon dahil sa mga nangyayari. Nagkaroon pa ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa ni Miguel.Kinuha niya ang papel na inabot ni Miguel at nanginginig na tiningnan ang naroon. Kalmado at tahimik lang siya habang ginagawa iyon subalit nagwawala na ang kaniyang puso sa loob ng kaniyang dibdib.Huminga nang malalim si Mayumi para sa pagtatangka niyang pagbasag ng katahimikan. Wala na talaga siyang magagawa kung hindi ilantad ang katotohanan kay Miguel.“Oo, tama ang nariyan Miguel. Buntis ako."Kay sarap isatinig ang sekretong tinatago niya sa asawa. Tila nawala na ang bigat ng nararamdaman niya sa loob ng dibdib niya. Para bang nagsusumukap ang liwanag na sakupin ang dilim na halos gabi-gabi siyang sinisindak sa takot.Naalala niya na
Hindi makagalaw si Mayumi sa kaniyang kinatatayuan. Pigil-hininga siyang tumingin kay Miguel habang nanginginig ang kaniyang katawan, sunod ay dumako ulit ang mga mata niya sa papel na hawak ni Miguel. Mayroon imahe na naroon sa ultrasound result—larawan ng anak nilang dalawa. Hindi niya magawang makalakad man lang—na para bang napako na ang mga paa niya sa puwesto niyang iyon. Tila pasan-pasan niya ang mundo kaya hindi man lang siya makahakbang.Lahat ng lakas ng loob na nasa katawan niya ay tila nawala na lang bigla sa kaniyang katawan. Kahit matingnan man lang si Miguel ay nahihirapan siya…pero paano nakita ng lalaki iyon?Sa pagkakatanda niya, matapos gamitin ang shredder ng kanilang kompanya, tinapon ni Mayumi lahat ng mga test report. Subalit natandaan niya ang ultrasound report na hindi niya kayang itapon kaya tinago niya iyon sa cabinet. Iyon ba ang hawak ni Miguel?Hindi si Miguel iyong magkakalkal ng gamit ng iba kaya hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Miguel.Pinil
Kung pagbabasehan ang nakaraan niya, walang mahanap si Mayumi na magandang alaala na magpapasaya sa kaniya. Nagkaroon lang siguro siya nang kalayaan at walang masyadong problema noong nasa ikalabing-anim at labing-pitong taong gulang pa lamang siya.Ito iyong yugtong tag-init ng buhay niya na puno ng kaunting kasayahan at buhay. Maliban sa mga gastusin ng kaniyang ina para sa gamot nito, wala na siyang ibang dahilan para malungkot noon. Araw-araw, lihim niya ring pinagmamasdan ang taong gusto niya. Si Miguel.Pagod na pagod si Mayumi habang nakaupo siya sa lounge chair sa ibaba ng kompanya. Matagal siyang nakatambay roon habang pinagmamasdan ang mga taong dumadaan. Karamihan ay mga taong abala sa trabaho. May mga bata rin naman siyang nakita na nagpapakain ng mga kalapati sa parke sa tapat. May mga kabataan din na nagtitinda ng bulaklak bilang sideline. Tahimik lang na tinitigan ni Mayumi ang mga rosas na hawak ng mga ito.Puno ng mga rosas ang bakuran ng pamilya Lopez. Ngunit, ni isa
Bakat ang kalituhan sa mukha ni Mayumi habang nakatingin kay Miguel matapos siyang tanungin nito. Alam niyang hindi nagbibiro ang kaniyang asawa sapagkat masyadong madilim ang itsura nito.Umiigting ang panga ng lalaki habang magkasalubong ang dalawang makakapal na kilay, punong-puno ng poot at kalamigan ang mga mata nito. Medyo nasasaktan na rin siya sa paraan ng paghawak nito sa kaniyang panga.“Wala akong ginagawang kalokohan,” natatakot ang tinig pero may konbiksyon niyang sabi.Isang nakakalokong ngiti ang namutawi sa mga labi ni Miguel. "Secretary Romero, mag-isip ka muna bago ka magsalita," mariing sabi nito sa kaniya.Hindi mapigilan ni Mayumi ang matulala habang tinitingnan ang malamig na mata ni Miguel. Inaalala niya kung may nagawa ba siyang bagay nitong nakaraan na naging dahilan para magalit ito. Iniisip ba nito na nagli-leak siya ng mga impormasyon ng kompanya sa labas? Karaniwan kasi ay sa mga ganoong bagay nagagalit ang lalaki. Subalit kailanman ay hindi siya nagsisiw
Ang pagiging maasikaso at matalino ni Mayumi ang isa sa mga nagustuhan ni Miguel sa kaniyang asawa. Ito kasi iyong taong hindi siya ipapahiya sa maraming tao.Subalit hindi nga naman talaga nito ipapakita ang totoong ugali sa impisa, sa isip-isip ni Miguel. Ngayon pa lang ay nakikita niya na ang totoong kulay ng kaniyang asawa..Nasa labi ni Miguel ang mga salitang gusto niyang isabi sa harap ni Mayumi, kailanman ay hindi naging ganito kabagsik ang mga mata niya. Hindi niya mapigilan ang galit na nararamdaman niya kay Mayumi na talagang pinagtaksilan nga siya at pinagbubuntis pa ang anak sa ibang lalaki.Hindi siya natutuwang buntis ito. Hindi niya iniisip na kaniya iyon sapagkat palagi naman siyang nag-iingat kapag ginagawa nila iyon. Hindi niya rin gustong uminom ng mga gamot si Mayumi sapagkat iba ang resulta niyon sa kalusugan nito.Bigla niyang naalala ang nangyari noon sa Palawan na hindi siya nakagamit ng proteksyon dahil naubusan sila. Subalit naalala niya naman na sinabihan n
Hindi mapigilan ni Mayumi malito sa pinapakitang asal ni Miguel. Hindi niya ito karaniwang nakikita sa kaniyang asawa.Nilapitan ni Mayumi ang naglilinis na kasambahay sa kanilang sala para magtanong.“May pumunta ba ngayong araw sa villa habang wala ako?” tanong niya."Wala naman po," sagot ng kasambahay sa kaniya.Mas lalo lamang nalito si Mayumi sa sagot nito. Nag-isip siya ng ibang dahilan kung bakit ito ganoon pero siguro’y sinusumpong din pala ang lalaki minsan. Kalmado kasi ang kaniyang asawa sa lahat ng oras. Biglang humikab si Mayumi, indikasyon na inaantok siya. Wala na siyang panahon pa para isipin kung ano ang nangyayari kay Miguel dahil gusto niya na magpahinga muna.Pumunta si Mayumi sa kwarto nila ni Miguel at mabilis na humiga sa kama at natulog. Dumating na ang hapunan pero tulog pa rin siya roon. Mahimbing na mahimbing ang tulog niya sa ilalim ng kumot.***Umigting ang panga ni Miguel nang makita na bakante ang puwesto na inuupuan ni Mayumi kapag naghahapunan silan
Nang mapansin ni Anne ang kalungkutan ni Mayumi, nakaramdam ito kaunting awa sa kaniya. "Mayumi, pupunta ako ngayon din sa ospital kung nasaan ka para makita ka at yayain ka mag-lunch. Nang sa ganoon ay makalimutan mo iyong mga hindi magandang nangyari sa iyo."Napangiti si Mayumi sa sinabi ng kaibigan. Matagal na rin simula nang huli nilang gawin iyon.“Sige. Hihintayin kita rito.”Pagkatapos nilang mag-usap. Nakatanaw lang sa kawalan si Mayumi habang nanatili sa loob ng kaniyang sasakyan. Iniisip na niya kung ano ang magiging reaksyon ni Miguel kapag sinabi niya sa lalaki ang pagbubuntis niya. Hindi si Miguel naniniwala sa importansya ng kasal. Hindi nito tinuturing na sagrado at maganda ito.Biglang naalala ni Mayumi noong nagdaos sila ng isang party noong nakaraang taon. Maraming bisita ang dumalo sa salu-salo. Mayroong pinsan na babae si Miguel na bagong kakapanganak lang sa isang cute at magandang sanggol. Bilugan ang mukha ng anak nito, maputi at makinis din ang balat. Ang mg
Mahigpit ang pagkakahawak ni Mayumi ng kaniyang manibela habang nakapatong doon ang kaniyang ulo. Matagal siyang naroon sa ospital at iniisip pa rin kung tama ba ang ginawa niya kanina.Ilang beses nang tumutunog ang cellphone niya sa loob ng kaniyang bag pero hindi naman niya ito pinapansin. Kanina pa iyon pero tila wala naman siyang pakailam.Ilang sandali ay dahan-dahang inayos ni Mayumi ang kaniyang pagkakaupo at binuksan ang kaniyang bintana para makasanghap ng sariwang hangin. Pagkalipas ng ilang minuto ay medyo kumalma na siya sa dami ng kaniyang iniisip.Kinuha ni Mayumi ang kaniyang cellphone mula sa loob ng bag. Napakunot ang noo niya nang makita roon ang pangalan ni Anne Salvatierra, matalik niyang kaibigan. Mabilis niya naman iyong sinagot. Bumalik na ba ito sa Pilipinas?"Mayumi! Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"Huminga nang malalim si Mayumi. "Abala lang ako kanina."Naramdaman ni Anne ang kakaibang tono ni Mayumi kaya bigla tuloy ito nag-alala. "Ano ba ang nangyar