(Nathaniel POV)
Masayang-masaya si Wilma dahil nga sa pasalubong na dala ko para sa kanya. Ngunit… “Halos lahat ng ‘to para sa baby Nathaniel… Nasaan yung para sa akin? Sa mommy ng baby mo?”
Pero ng mapansin niyang hindi ko gusto ang tanong niya, “Syempre sapat na sakin Nathaniel na ligtas kang nakauwi. Maraming salamat dito.”
Na dinaanan ko lang nga sa kanya dahil pinilit ako nito kagabi na ako mismo ang maghatid ng mga yun sa harapan niya. Wala na akong sinabi sa kanya at dumiretso na nga sa sasakyan ng hinabol ako nito…
“Hindi mo ba muna ako sasamahan sa prenatal check-up? Matagal nang hindi mo ako sinamahan.”
At alam kong hindi niya tatangapin ang pagtangi ko. Wala akong nagawa kundi samahan ito, at di ko sinasadyang naiwan ang phone ko ng kunin ko ang result niya. Nang pabalik na ako, nakita kong sinagot niya ang tawag…
Umangat ang panin
(Ruel POV)Si Sera na ata ang babaing pinakamartyrl na nakilala ko. Kahit buhay niya ilalagay sa alanganin dahil lang sa pagmamahal niya sa lalaking yun. Tss. Bulshit. Sa mga sinabi ni Sera, kahit nga di magaganda ang lumalabas sa bibig niya, nanatili parin sa kanyang mukha ang kagalakan…Matalino naman siya pero hindi ko inaasahan na magiging tanga siya sa pag-ibig. Sabagay nga nakakatanga naman talaga ang pag-ibig, kahit ako walang ligtas… Naiinis lang ako sa pinapakitang prinsipyo ni Sera. Nadudurog ang puso ko para sa kanya.Gaano ba siya katanga?Gaano ba niya kamahal ang walang kwentang si Nathaniel na nagagawa pa talagang isipin niyang magiging masaya siya kahit nga mamatay siya. Bulshit.Tss. Hindi ako susuko, bibigyan ko siya ng rason para isipin niya na kailangan nitong pahabain ang kanyang buhay at mamulat siya sa katotohanan na hindi deserve ni Nathaniel ang pagmamah
(Sera POV)Dahil nais kong tumakas kay Nathaniel, at baka may gawin pa siyang hindi maganda sa anak ko… ‘At gagawin ko lang ito para sa aking anak…’ Nagtangkang lumapit si Nathaniel at kinalmot ko nga ang kamay niya saka ito itinulak. Dali-dali akong lumabas sa silid na hindi nililingon si Nathaniel.“Madam Yao…” Gulat na bati sa akin ni Mrs. Dorris, ngunit kaagad ko naman itong dinaanan. Dumiretso ako sa may parking area na kita ko ngang hinahabol na ako ni Nathaniel. Lumapit ako sa key box at kinuha ang isang susi na alam ko para yun sa motorsiklo. Thank you Kuya Ruel sa haba ng pasensya mo na turuan ako kung paano gamitin ang ganitong klaseng sasakyan.“Sera! Delikado ang ginagawa mo!” Malapit na sa akin si Nathaniel, at binuhay ko nga ito. Humarang siya sa dadaanan ko.“Huwag mo akong subukan Nathaniel… Hindi ako buntis!&rdquo
(Sera POV)Kaagad naman ako natangap sa trabaho bilang waiter, pero paulit-ulit akong tinanong ng Manager kung sigurado ba talaga ako na pagiging waitress lang ang hangad ko. Ngumiti na lamang ako sa kanya, at yun…“Maari ka nang magsimula mamaya. Pero kung nais mong malaki ang mai-uwi mo, may challenge ako para sayo. At sa tingin ko makakabenta ka sa mga mayayaman naming customer. Heto ang mga red wine, na mataas ang halaga, at dahil riyan malaki ang commission mo. Ang isang bucket, agad kang yayaman. Ano deal?” Ang Manager ko na nagmimistula na ngang babae pero hindi parin niya maitago ang kakisigan ng boses nito.“Sige po. Hindi ko po uurungan ang challenge niyo sa akin.”“Ganyan nga Dear. Wag mo akong dismayahin, gaya ng ginawa ng iba riyan. Tumagal na halos ilang taon sa shelf yang mga red wine. Go dear.”Kaya kinagabihan nga, di ako sanay sa aura ng nig
(Sera POV)“Fuck!” Usal ng lalaking nakabanga ko. At nang umangat ang aking paningin… Ako ba yung hindi nakakita sa pagsulpot niya. “Nadumihan mo Miss ang sapatos ko!”Pero biglang nagbago ang paningin niya sa akin na parang nakilala niya ako… Ngunit hindi ko naman siya kilala.“Kapatid ka ni Dra. Wilma diba? Yung Miss Universe na palpak at inuwi ang korona niya para lang makapag-asawa ng matiwasay. Ngunit sa huli, parang walang titirahin sayo ang kapatid mo. Ngayon, dahil nadumihan mo ang sapatos ko… Linisin mo sa pamagitan ng iyong dila. Magandang ideya yun hindi ba Miss? Ah Sera ang pangalan mo. Sera.”“Sino ka?” Titig ko sa mga mata niya. Sa oras na ito, nais ko ngang magwala. Bakit ang daming demonyo sa paligid ko!“Ah kaibigan ng at—.”“Nathaniel naman! Wag ka nang—.” Natigilan ito dahil bigla ngang lu
(Sera POV)Tahimik akong naiyak sa loob ng sasakyan dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ang dumurugong kamay at ang sumasakit kong tiyan, na pakiramdam ko mahihiwa ako sa dalawa. Namalayan ko na lamang nasa harapan na kami ng pamamahay ni Nathaniel.Kaagad niya akong binuhat palabas sa sasakyan, at nagulat nga si Mrs. Dorris sa akin… Duguan ang aking damit… Walang salitang lumabas kay Nathaniel, diretso siyang pumunta sa silid nito, at patungo sa bathtub na inihiga nga ako nito.Nanghihina ako ng sobra…Nang maramdaman ko na lang sa aking katawan ang biglaang pagragasa ng tubig… Saka kinuha ni Nathaniel ang shower, at parang galit na galit ako nitong nais na paliguan. Nagpupumiglas ako. Pakiramdam ko malulunod ako sa ginagawa ni Nathaniel…Hangang sa…“Sera, bakit hindi ka makapaghintay? Kung ano-ano agad ang ginawa mo kasama ang hampaslupang yun. Mapapatay ko tala
(Sera POV)Natatakot ako na baka ano pa ang gawin ng mga doktor na ito sa aking pinagbubuntis. Hindi ko na rin ata kailangan na maniwala kay Nathaniel… Durog na ang tiwala ko sa kanya.“Umalis kayo ngayon din!” At ng hindi pa sila umaalis, kinuha ko ang isang picture frame na pekeng larawan namin ni Nathaniel na kunyari masaya kami noong araw ng kasal namin. “Alis!”Saka nabasag ito sa harapan nila.“Umalis na muna kayo.” Si Mrs. Dorris na ang mismong nagkumbinsi sa kanila. “Magpapatawag na lang ako ulit.”At ng umalis sila… Maririnig sa silid ang iyak ko. Hinayaan lang ako ni Mrs. Dorris… Hangang sa…“Madam Yao, makakasama sa baby niyo ang pag-iyak niyong ganyan, at kapag hindi ninyo hinayaan na tignan ng doktor.”“Mas makakasama sa baby ko, kapag hinayaan ko sila na tignan ako. Kaya please Mrs. Dorris wag niyo
(Sera POV)Kumain kami ng agahan ni Nathaniel na nakasuot na nga ito ng kanyang business suit, di kami umimik sa isat-isa. Hangang sa natapos nga ito, at tinitigan lang ako saka lumabas na nga ng bahay. Sa pag-alis ni Nathaniel, muli kong tinawagan si Dra. Gail… Ang tungkol kay Lolo Theo, at hawak ko nga ang ATM na binato sa akin ni Nathaniel… Wala eh, kailangan kong lunukin ang aking pride. Kailangan ko ng pera.“Bessy, tinake-over na ng asawa mo ang pagpapagamot kay Lolo Theo. Wala na akong nagawa.” Nanghina din ako sa aking narinig. “Pero maayos na ngayon ang Lolo Theo mo.”Napabuntong-hininga na lamang ako. Kapag laging ganito, palagi akong mahuhulog sa palad ni Nathaniel at Wilma. Mga bagay na maari nilang ipang-blackmail sa akin. Sana nga talaga walang gawing masama si Nathaniel kay Lolo Theo.“Sige Gail. Maraming salamat.”“Ikaw? Kamusta k
(Sera POV)Bakit napakagaan ng pakiramdam ko bigla sa isang stranghera ngunit kilala namang si Miss Loreen? Ang boses nito parang bumubulong sa akin na wag masyadong maging malumbay at wag mawalan ng pag-asa. Para bang supporta ng isang ina sa kanyang anak.At sa iniisip kong ito, parang nahihibang tuloy ako.Nang dumating ang kanyang secretarya, aalis na sana kami sa opisina niya ng… “Ah, Miss Sera, gusto mo bang sumama sa akin kumain ng lunch ng mapag-usapan natin maigi, ang gusto ko sanang desenyo para sa anak ko? At yun nga ang una mong task.”Mayroon siyang anak?“Kaarawan niya sa Sabado, kaya as soon as possible gusto ko sanang matapos mo yun, at may tiwala ako sa mga design mo.”“Sige po Ma’am Loreen, pag-usapan po natin mamaya.”“See yah then.” Na kung may ano sa puso ko na parang bumalot ng kaligayahan. Ewan ko, parang masaya lang ako